Mga salik sa pagpapasya

  • View
    9.694

  • Download
    11

  • Category

    Business

Preview:

DESCRIPTION

 

Citation preview

MGA SALIK SA PAGPAPASYA

http://www.slideshare.net/ArnelSSI

Balik-aral:

Ang mithiin (goal) ay ang pinakapayak ng iyong nais na makamit sa hinaharap.

Ang pagtatakda ng mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya.

Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na hakbang ang iyong ginagawa bago magpasya. Isulat kung Palagi, Minsan o Hindi.

1. Humihingi ng payo sa mga magulang.

2. Humihingi ng payo sa mga kaibigan.

3. Humihingi ng payo sa mga guro.

4. Nagbabasa ng mga paksang may kaugnayan sa suliranin.

5. Humahanap ng tahimik sa lugar upang makapag-isip.

6. Nagdarasal para sa gabay ng Diyos.

7. Binabalikan ang mga karanasan upang maging gabay ng aking desisyon.

8. Nagtatanong ng mga karanasan ng ibang tao na nakaranas ng katulad na sitwasyon.

9. Gumagawa ng plano.

10.Pinag-aaralan ang maaring maging resulta ng gagawin.

Ang bawat pangyayari sa buhay ng tao ay mula sa kanyang pagpapasya.

Apat na Salik sa Pagpapasya

Impormasyon

Sitwasyon

Mga Payo

Oportunidad

Impormasyon

Ang uri ng impormasyon na natatanggap ng tao ay nakakaimpluwensya sa kanyang pagpapasya.

Maaring ang impormasyon ay nasusulat (pahayagan o aklat), napapanood (telebisyon, computer o pelikula) o napakikinggan (radyo o telepono).

Impormasyon

Anumang impormasyon ang iyong nakakalap, mahalagang suriin muna ang tunay nitong intensyon at kahulugan bago gawin ang pasya.

Sitwasyon

Ang tao ay nagbibigay ng reaksyon sa bawat sitwasyon o pangyayari at kasunod nito ay ang paggawa ng pasya.

Ang iyong pasya ay nararapat na may mabuting layunin, intensyon at kalalabasan.

Mga Payo

Nararapat na magkaroon ng mahalagang tao na gagabay sa iyo sa paggawa ng pasya.

Ang payo ng mga magulang, kapatid, guro at mabuting kaibigan ay nakatutulong sa iyo upang linawin ang bawat sitwasyon o impormasyon.

Oportunidad

Ang mga oportunidad ay ang mga pagkakataong maaring gamitin upang maisakatuparan ang isang mahalagang pasya.

Sa huli ......

Ang paggawa ng pasya ay

nakalaan pa rin sa iyong sarili.

Maging matalino at maingat

sa paggawa ng pasya.

To download this file, go to:

http://www.slideshare.net/ArnelSSI