View
43.183
Download
3
Category
Preview:
DESCRIPTION
Ito ay naglalaman ng mga nailimbag na nobela mula sa panahon bago pa dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.
Citation preview
NOBELA
• Ito ay tinatawag din sa wikang Tagalog na Kathambuhay. Katha sapagkat likha ng panulat. At Buhay sapagkat ang mga kasaysayan ngang isinasalaysay, kung hindi man lubos na gawa sa isip, ay hinahango sa mga pangyayaring tunay na naganap sa buhay na maaaring nasaliksik, nasaksihan o naobserbahan, napanayam, o kaya’y naranasan.
• Ang katagang nobela ay buhat sa salitang Kastila na Novella na binaybay-Tagalog at pinanatili ayon na rin sa dikta ng kasaysayan dahil ang mga Kastila ang nagdala ng sangay na ito ng panitikan sa kapuluan na lalong nagpatingkad sa kanilang pananakop.
• Ito rin ay isang masining na sangay ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa mga karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
• Ang salitang nobela ay nanggaling din sa salitang Latin na Novelus, at itinuturing na supling o kaugnay ng Kasaysayan o Istorya pagkat dito isinasalaysay ng saksi ang mga kaalamang kanyang namasid, kung hindi man walang labis o kulang, nababawasan o nadaragdagan, kung hindi man pinatitingkad, pinalulungkot o pinasasaya. (Servando de los Angeles, 1974).
Ang mga Panahon ng Pagkakaunlad ng Nobelang Filipino
Ang Panahon ng Kastila (1565 - 1898)
• Ayon kay Soledad S. Reyes:epiko
Nobela awit at koridomga akdang panrelihiyon
• Nobelang Didaktiko -> nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang-loob at kagandahang-asal.
• Barlaan at Josaphat -> isinalin ni Padre Antonio de Borja sa wikang Tagalog noong 1712.
• Urbana at Feliza -> isinulat ni Padre Modesto de Castro.
• Tandang Bacio Macunat -> kinatha ni Padre Lucio Miguel y Bustamante.
• Florante at Laura -> sinulat ni Francisco Baltazar.
• Ninay -> kinatha ni Pedro Paterno
• Jose Rizal -> isinulat ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ang kalagayan ng nobelang Filipino noong panahon ng mga Kastila ay hindi nakaalwan dahil bukod sa iilan lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral at may kayang magsulat at makapagpalimbag ng kanilang akda, ang pamunuan ay labis sa kahigpitan, sensurang naglilimita sa karapatang papapahayag.
Ang Panahon ng Amerikano (1900 - 1941)
Sa simula ng pananakop ng mga Amerikano, hindi nagkapuwang ang pagsulat ng nobela. Sa halip, mga sanaysay at talumpati ang naging behikulo ng pamamahayag para magsilbing propagandang pampaalab sa damdamin at kasipan ng mga mamamayang Pilipino upang magkaroon ng kaisipan sa pagtuligsa sa mga di-kanais-nais na pamamalaka ng mga bagong pinunong Amerikano.
• Salawahang Pag-ibig -> ang kauna-unahang nobelang patuluyang nasusulat sa wikang Tagalog na kinatha ni Lope K. Santos noong 1900. Sa pamamagitan ng diaryong Ang Kaliwanagan, de-serye o kaba-kabanata o dugtungan itong natunghayan at nabasa ng taumbayan.
• Valeriano Hernandez Peña -> tinaguriang Ama ng Nobelang Tagalog. Ang kanyang orihinal na akdang Nena at Neneng ay nailimbag noong 1905.
Lalo pang lumaganap ang larangan ng nobela sa pamamagitan ng mga diaryong Muling Pagsilang, Katwiran, Lunas ng Bayan, Kaibigan ng Bayan, atbp.
Lumaganap din ito sa ibang wikain ng Pilipinas: • Sebuano: Wala’y Igsoon• Hiligaynon: Benjamin ni Angel M.
Magahum noong 1907.
• Ilokano: Biag Ti Maysa A Lakay Wenno Nakaamames ni Mariano N. Gaerlan noong 1909.
Pahayagan sa Ibang Rehiyon:• Sebuano: Ang Suga (1901); Ang
Camatuoran (1902)• Ilonggo o Hiligaynon: Ang Kagubat
(1900); Kadapig Sang Banwa (1905)• Ilokano: La Lucha (1909)
Mga Nobelista sa Panahon ng Amerikano:1906• Patricio Mariano: Juan Masili o Ang Pinuno ng
Tulisan at Dalawang Puso sa Liwanag ng Buwan
1907• Faustino Aguilar: Pinaglahuan• Francisco Lacsamana: Anino ng Kahapon1909• Iñigo Ed. Regalado: Madaling Araw
1910• Mamerto Paglinawan: Bayan at Pag-ibig1911• Rosauro Almario: Mga Anak-Bukid1912• Julian C. Balmaceda: Ang Taong Labas1913• Aurelio Tolentino: Maring1914• Juan L. Arsciwals: Lalaking Uliran o Tulisan
1924• Teofilo Sauco: Ang Magmamani1927• Faustino Aguilar: Lihim ng Isang Pulo1933• Antonio Sempio: Anak Dalita
Ang Panahon ng Hapon (1942 - 1945)
Ang panahong ito ay isang kasalatan sa larangan ng nobela.
Mga nobelang nalathala sa Magasing Aliwan:• Luha at Luwalhati (Antonio Sempio, 1942)• Igorota sa Baguio (Fausto Galauran, 1945)• Sa Lundo ng Pangarap (Gervacio
Santiago)
• Zenaida (Adriano P. Landico)• Lumubog Ang Bituin (Isidra Zarraga-Castillo)• Tatlong Maria (Jose Esperanza Cruz)
Ang Panahon ng Republika (1946 – Kasalukuyan)
Dekada 40• Sa Kuko ng Kasalanan ni Cirio G. Almario
(Aliwan, 1946)• Hanggang Pier ni Mateo Cruz Conelio (Aliwan,
1946)• Ang Makiring Maynila ni Teofilo Sauco (Aliwan,
1946)• Nasaan ang Ligaya? (Liwayway A. Arceo at
Hernando Ocampo, 1947)
• Langit ang Isang Pag-ibig (Macario Pineda, 1947)
• May Landas Ang Kaligayahan (Maximo Agustin, 1948)
• Sugat ng Alaala (Lazaro Francisco, 1949)
Dekada 50-> lumutang sa mga nobela ang mga paksang
may kinalaman sa usaping panlipunan at mga kakaibang larawan ng buhay.
1955• Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco1958• Pagkamulat ni Magdalena nina Alejandro G.
Abadilla at Elpidio Kapulong1959• Ang Tundo Man ay May Langit Din ni Andres
Cristobal Cruz• Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
Dekada 60-> simula ng protesta. Sa mga unang tatlong
taon ng 60 ay nanatili sa sintahang tema ang mga nobela. Sa kalagitnaan ay nagsimula ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng karamihang mamamayan.
(1962)• Daluyong ni Lazaro Francisco• Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
(1964)• Apoy sa Madaling-Araw ni Dominador Mirasol• Sa Kagubatan ng Lunsod ni Edgardo M. Reyes(1965)• Dugo sa Kayumangging Lupa ni Efren R.
Abueg• Ipakipaglaban Mo Ako ni Liwayway A. Arceo(1966)• Habagat sa Lupa ni Efren R. Abueg
• Liza ni Liwayway A. Arceo(1967)• Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes(1968)• Dilim sa Umaga ni Efren R. Abueg• Mga Halik sa Alabok ni Dominador Mirasol(1969)• Nagbabagang Paraiso ni Liwayway A. Arceo
Dekada 70-> mga taon ng lantarang pagwawagayway ng mga
bandilang pula.(1970)• Madilim ang Langit sa Bayan Ko ni Jose Mercedes(1971)• Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa ni
Celso Al. Carunungan• Nangluhod sa Katihan nina Fausto Galauran at
Gervacio Santiago
(1972)• Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo
(Liwayway)• Ito Ang Rebolusyon at Judas Iscariote nina
Clodualdo del Mundo at Gervacio Santiago (Liwayway)
(1975)• Ginto Ang Kayumangging Lupa ni Dminador
Mirasol (Sagisag)
Dekada 80-> ang panahon ng Bagong Republika. Ayon kina
Lydia Fer Gonzales, et. al. (1982), ang nobela sa panahong ito: “karamihan ay nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula … nagbalik sa romantiko ang karamihan…ang mga nobelang lumabas sa Liwayway…ang mga manunulat na may layunin ay nawala.”
Mga Nobelang Nanalo sa Carlos Palanca Memorial Awards (CPMA):
1979-1980• Gapo (At Isang Puting Pilipino sa Mundo ng
mga Amerikanong Kulay Brown) ni Lualhati Bautista -> nalathala noong taong 1989
1980-1981• Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig ni Reynaldo
A. Duque
1981-1982• Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpapahuli sa
Mamang Salbahe at Kulang ng Isa sa Sandusena Ba’t Di Pa Magkasya sa Labing-isa na Lang? ni Victor V. Francisco
1982-1983• Dekada 70 ni Lualhati Bautista at Ficcion ni Edel
Garcellano1983-1984• Bata, Sinaksak, Isinilid sa Baul ni Tony Perez at
Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista
1987-1990• Mga Aninong Hubad ni Cyrus P. Borja at Mga
Limbas sa Lupa ni Muhammad ni Ramon V. Lim -> nagkamit ng Karangalang Banggit
1990-1993• Gagamba ni Reynaldo A. Duque at
Kwadresentinyal ni Rosauro Dela Cruz -> nagkamit ng Karangalang Banggit
1993-1996• Bulaklak ng Maynila ni Domingo G. Landicho
at Moog ni Buenaventura S. Medina Jr. -> magkahating nagkamit ng Pinakamalaking Gantimpala
1996-1999• Malaybay niEdmund Coronel1999-2002• Ang Kaulayaw ng Agila ni Lilia Quindoza
Santiago
2002-2005• Kung Paano Ko Inayos ang Buhok Ko Matapos
ang Mahaba-haba Ring Paglalakbay ni Norman Wilwayco
2005-2008• Hindi nagbukas para sa Filipino Division2008-2011• Gerilya ni Norman Wilwayco
Bob Ong (Roberto Ong) •Macarthur (2007)•Kapitan Sino (2009)
Mga Nobelistang Bikolano:• Ricky Lee -> Para Kay B (o kung paano
dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)• Abdon Balde Jr. -> Pangarap at
Pangitain (2001); Sa Kagubatan ng Isang Lungsod (2002); Mayong (2003); Hunyango sa Bato (2004); Calvary Road: Mga Kuwento sa Balighong Panahon (2005); Awit ni Kadugnung (2008)
Recommended