Ang Teatro at Pelikula Bilang Sining-biswal

Preview:

DESCRIPTION

a power point presentation

Citation preview

““ANG TEATRO AT ANG TEATRO AT PELIKULA BILANG PELIKULA BILANG SINING-BISWAL SINING-BISWAL SA PAGTUTURO”SA PAGTUTURO”

mula sa ikatlong Pambansang seminar mula sa ikatlong Pambansang seminar mula din sa pahayag ni Dr. Casinovamula din sa pahayag ni Dr. Casinova

Isa sa mga suliraning binabalikat ng isang guro sa pagtuturo ng Wika at Panitikang Filipino ay ang pagpili ng mga angkop na paraan at pamamaraan sa pagtuturo.

Mahalagang may kabatiran at kasanayan ang guro sa anumang estratehiyang kanyang ginagamit upang higit na maging kawili-wili ang pagtuturo, pag-aaral at pagkatuto ng wika at panitikan. makatotohanan, makabuluhan, kawili-wili at kasiya-siya.

Iba-iba ang mga estratehiyang magagamit ng guro na lubhang nakatutulong sa mga mag-aaral upang magkaroon ng mga karanasang makatotohanan, makabuluhan, kawili-wili at kasiya-siya.

MGA SALIK NG SINING NG MGA SALIK NG SINING NG DRAMA AT TEATRO:DRAMA AT TEATRO:Ang drama bilang prosa o

tuluyang anyo ng panitikan ay nililikha ng isang manunulat na ang pangunahing layunin at bisyon ay maitanghal ito sa harap ng manonood. Gayundin, ang drama bilang pasulat na teksto ay may sariling kakanyahan at estrukturang kaiba sa iba pang anyo ng panitikan.

MGA SALIK NG SINING NG MGA SALIK NG SINING NG DRAMA AT TEATRO:DRAMA AT TEATRO:Ang pagsulat ng dula o drama ay

isang sining sa ganang sarili. Samakatuwid, ang pagtuturo at pag-aaral nito ay nangangailangan ng sapat na kabatiran hinggil sa estetika nito. Dahil ito ay sining, dumadaan ito sa mga proseso ng pagsusuri buhat sa mga guro, mag-aaral, direktor at iba pang kasapi o manggagawa sa pagbuo ng produksyon sa teatro.).

MGA SALIK NG SINING NG MGA SALIK NG SINING NG DRAMA AT TEATRO:DRAMA AT TEATRO:

Ang mga estetika ring ito ang ginagamit bilang batayan sa mga timpalak sa pagsulat ng iskrip na tulad ng taunang ginagawa ng Palanca Memorial Literary Contest, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ang Sining ng Drama at Ang Sining ng Drama at TeatroTeatro

Ang pagtalakay sa drama bilang isang akdang pampanitikan lamang ay maihahalintulad sa pagpapatakbo sa kotseng iisa lamang ang gulong.

Ang drama at ang mga teatrong pinagtatanghalan ng mga ito ay sumasakop sa mga aktor at aktres, manunulat, direktor, mga manggagawang tulad ng karpintero, elektrisyan, mananahi, pintor, desayner kasama pa rin ang mga kompositor at manunugtog, koryograper, mananayaw, salamangkero, mamamahayag at higit sa lahat ang manonood.

Ang pag-aaral at pagtuturo ng drama ay maaaring gamitan ng iba’t ibang dulog sa pagsusuri nito. Bagamat matagal nang isinasantabi ang dulog formalistiko sa panunuring pampanitikan, mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang estetika ng pagsulat ng dula. mag-aaral ang mga estilo at nilalaman ng mga dulang kanilang binabasa.

Ang drama o dula ay isang akdang pampanitikan na maaaring nasa anyong patula o tuluyan na sadyang isinulat upang itanghal sa entablado ng mga aktor. Ayon kay Aristotle sa kanyang Poetics, ito ay imitasyon ng buhay. Sa pamamagitan ng imitasyon, ang sangkatauhan ay natututo, at ang pagkatuto ng isang bagay ang pinakadakilang aliwan ng tao.

Nag-ugat ang drama sa kakayahan ng taong manggaya na isinasagawa sa mga ritwal na may kaugnayan sa pang-araw-araw na kabuhayan ng mga tao tulad ng pangangaso, tagumpay sa digmaan, ritwal sa paghingi ng ulan at iba. Isinusulat ito upang itanghal at ito ay binibigyang-interpretasyon ng mga aktor.

Sa pananaw ng mga Pilipino, ang drama ay isang anyo ng panitikang nagtataglay ng katangian ng pananagisag sa isang kasaysayan o tunay na buhay. Sakop nito ang mga kuwentong sinulat upang itanghal sa entablado, at mga pagsasadrama at pananagisag (mimesis), sa isang tagpo o episodyo anuman ang dahilan ng pagtatanghal nito, saan man ito ginaganap.

Ang konseptong ito ay taliwas sa mga katangian ng Kanluraning drama na naniniwalang ang dula ay hindi dula kung hindi kakikitaan ng tunggalian, panlabas man o panloob.

Taliwas din ang realismong Europeo na ang tauhan ng dula ay isang indibidwal na may sariling sikolohiya na sa ganang sarili lamang matutunghayan.

Maging ang konsepto ni Aristotle na ang dula ay may simula, gitna at wakas na nagbabadya ng kaisahan ng dula upang magkaroon ng sitwasyong pinanggalingan ng direksyong tinutungo at ng kalalabasan o kahihinatnan ay isinasantabi rin ng depinisyong ito na ibinigay ni Dr. Nicanor Tiongson sa kanyang aklat na “Kasaysayan at Estetika ng Sinakulo at Iba Pang Dulang Panrelihiyon sa Malolos”.

Banghay-Kuwento1. Balangkas – pahapyaw na balangkasin ang banghay.2. Pagkakasunud-sunod (Ang pagkakaayos ng teksto o iskrip magmula sa simula hanggang wakas.)

a. Paghahanda1. Malakas o makatawag-pansin ba ang panimula?2. Maglista ng tatlong bagay na inilahad ng may-akda upang makalikha ng matibay na pundasyon para sa lubos na pagkaunawa ng dula.3. Anu-anong mga mahalagang kaisipan ang nabanggit sa dula na sa palagay mo’y nakagaganyak upang marating ang kaisahan.

b. Paraan ng Pag-atake1. Ilahad ang paraan ng pag-atake.2. Ito ba ay napapanahon o angkop sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento?

c. Tunggalian o Suliranin1. Ano ang pangunahing suliranin o tunggalian? Sinu-sino ang nagtutunggali?2. Ilahad ang mga komplikasyong ginamit ng may-akda.3. Ilahad ang krisis o suliranin sa unang hati ng dula.4. Ano ang mahahalagang kasukdulan sa bawat krisis na binanggit sa #3?

d. Kasukdulan1. Ano at nasaan ang kasukdulan ng dula?2. Ano ang aksyon ng tauhan o mga tauhan ang nangyari sa bahaging kasukdulan ng dula?3. Lohikal ba ang kasukdulan? Kapani-paniwala ba ito batay sa naunang kawil ng mga pangyayari?

Paglalarawang-tauhan/Karakterisasyon1. Dimensyon

a. Ang paglalarawang-tauhan ba’y “one-sided” o “multi-dimensional”?b. Pumili ng isang tauhan at itala ang mga katangian.

1. Mga katangiang pansarili

2. Mga katangiang unibersal

2. Presentasyona. Nakakuha ba ng simpatya

ang bida o pangunahing tauhan? Bakit?

b. Maayos ba ang motibasyon ng mga kilos at diyalogo?

c. Ano o anu-ano ang mga pwersa o lakas ng pagganyak? (motivational force)

d. Sa paanong paraan nagbago ang tauhan?

d. Kasukdulan1. Ano at nasaan ang kasukdulan ng dula?2. Ano ang aksyon ng tauhan o mga tauhan ang nangyari sa bahaging kasukdulan ng dula?3. Lohikal ba ang kasukdulan? Kapani- paniwala ba ito batay sa naunang kawil ng mga pangyayari?

e. Kakalasan1. Paano nalutas ang suliranin?2. Talakayin ang takbo ng mga kawil ng pangyayari bago sumapit ang kasukdulan at kakalasan. Maayos at malinaw ba ito?3. Ano ang ginawa ng may-akda upang maging kawili-wili ang tauhan?4. May mga pangyayari ba sa kuwento na iniwang bitin ng may-akda?

Kaisipan at Mensahe1. Ano ang paksa ng dula?2. Ano ang maaaring impluwensyang magagawa nito sa manonood? Ito ba’y mahalaga sa kasalukuyang panahon?3. Anong kaisipan ang nais iparating ng dula?

Ito ba’y nakita sa aksyon at saang bahagi o eksena?4. Ang kaisipan ba’y makabuluhan at dapat pag-ukulan ng panahon?

Ito ba’y bagong ideya o kinuha lamang sa isang kuwento?

Wika at TunogWika at Tunog1. Paglalarawang-tauhan/Karakterisasyon

a. Ang wikang ginagamit (pampanitikan, kolokyal, balbal o lalawiganin) ba’y nag- ugat sa uri ng tauhan?

b. Ito ba ay nakatutulong upang higit na maging maliwanag ang paglalarawang- tauhan?

c. Paghambingin ang wika ng dalawang tauhan (ritmo, uri ng pagkatao, edukasyon at iba pa). d. Tumibay lalo ang paglalarawang-tauhan, sa pag-unlad ng mga kawil ng pangyayari, sa nangingibabaw na damdamin at kakalasan ng kuwento?

Wika at TunogWika at Tunog2. Estetika

a. Ang wikang ginamit ba’y may kahalagahan sa uri ng dula?

Talakayin ang paghabi ng may- akda ng diyalogo.

b. Ito ba’y may tugma, ritmo, may mga bahaging matatas at kakikitaan ng realismo?

Wika at TunogWika at Tunog3. Kagalingan/Kahusayana. Magaling ba ang

pagkakagamit ng wika?Mayroon bang pag-uulit na

nakababagot?

b. Ang mga diyalogo ba’y nakatutulong upang mapatibay lalo ang paglalarawang-tauhan, sa pag- unlad ng mga kawil ng pangyayari, sa nangingibabaw na damdamin at

kakalasan ng kuwento?

Mga Elementong BiswalMga Elementong Biswal

1.Talakayin ang pangkalahatang epekto ng dula.

2. Ito ba’y nakapupukaw ng damdamin.Ano ang magiging batayan mo sa pagsasagawa ng disenyo?

Mga Elementong BiswalMga Elementong Biswal

3. Talakayin ang ilang mga eksenang gumanda dahil sa maaayos na paglalarawan at aksyon ng mga tauhan.

4. Kung ikaw ang magdidisenyo ng tanghalan, anong kulay at tekstura ang gagamitin mo? Anu-ano ang magiging batayan mo sa pagsasagawa ng disenyo?

AnyoAnyo1. Uria.Ang uri ng dula: (trahedya, melodrama, makatotohanan, komedya, parsa, at iba pa)

b. Bigyang-katwiran ang napili.

AnyoAnyo2. Pagkakagamit/dulog

a.Anong himig ang ginagamit (realismo, naturalismo, ekspresyonalismo, impresyonalismo, klasisismo, at iba pa)

b. Bakit mo nasabi ang gayon? Talakayin.

AnyoAnyo3. Estilo

a. Anong katangian ng may-akda ang maaaring makita sa dula?

b. Anu-anong elemento ng dula ang naglalarawan ng katangian ng may-akda?

Ihambing ang kanyang estilo sa estilo ng ibang manunulat ng dula.

Drama Bilang Sining PatanghalKadalasan, ang mga dula

ang nagiging mabisang instrumento ng kasiyahan at kalungkutan ng pagbabago ng mga kaisipan at kaugalian ng mga tao. Hindi rin matatawaran ang impluwensya nito sa kalagayang panlipunan.

Drama Bilang Sining Patanghal

Bago pa man sinakop ng dayuhang Kastila ang ating bansa, halos lahat ng gawaing pang-araw-araw ng mga unang pamayanang nanirahan dito ay iniuugnay sa mga sayaw, awit at mga ritwal.

Drama Bilang Sining PatanghalNoong panahon ng

pananakop ng Kastila, naging instrumento ang mga moro-moro, sinakulo, tibag, panunuluyan, pananapatan, pangangaluwa at iba pang mga dula upang mapalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.

Drama Bilang Sining PatanghalAng mga sarswela at mga

dulang sedisyoso o dulang makabayan noong panahon ng pananakop ng mga Americano ay mapanuligsa at nagsasaad ng damdaming makabayan. Sa kontemporanyong panahon, ang mga dulansangan (street plays) ay mabisa rin sa pagpapahayag ng mga kaisipang makapukaw-damdamin.

MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:

PAGSUSURI NG PELIKULA

1. Mayroon bang malaking tema o kultural na pananaw na nangingibabaw sa pelikula?

2.Paano ipinahayag ang tema o cultural na pananaw?

MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:

PAGSUSURI NG PELIKULA

3. Anu-anong mga uri ng tinig ang ginamit ng pelikula? May tambalan bas a pagitan ng tagapagsalaysay na nakikita o nauugnay’nakaatas sa kanya? Ang mga tinig ba ay manipulado – paano at ano ang layunin?4. Anong anyo/tipo ng pelikula ito? (etnograpiko, pang-edukasyon, popular, dokumentaryo)

MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:

PAGSUSURI NG PELIKULA:

5. Anu-anong mga sinematikong estratehiya ang ginamit upang mabigyang-diin ang mga tema o mensahe? (Hal. Pag-iilaw, montage, malikhaing “cuts,” atbp. )

6. Anu-anong mga imahe o simbolo ang ginamit ng pelikula? Ang mga simbolo bang ito’y ipinakita nang may estratehiya? Kung mayroon, paano?

MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:

PAGSUSURI NG PELIKULA:

7. May tagapagsalaysay ba? Ano ang pangunahing tungkulin ng pelikula?

8. Ang mga tinig ban g tagapagsalaysay at ang mga taong isinapelikula at magkapantay ang eksposyur? Ano ang antas ng pagiging inter-subhektibong kalikasan ng pelikula na maliwanag na inilarawan sa pinal na produkto.

9. Sinu-sino ang mga pangunahing karakter ng

pelikula? Nangingibabaw ba ang

mga kababaihan?10. Kaninong pananaw ang

gumagabay sa pelikula? 11. Nagpapaalaala ba ang

pelikula ng mga kaisipang nauugnay sa politika ng representasyon.

12. May mga isteryotipo bang nangibabaw sa pelikula.

13. Kinakatawan ban g pelikula ang ilang aspekto ng kulturang gumagamit ng kultural na relatibistikong larawan.

14. Ang mga ugnayang nauukol sa kapangyarihan at ng mga isinapelikula ay nangingibabaw ba sa pelikula?

15. Makatotohanan ba ang pelikula? 16. Ang pokus ba ng pelikula ay kontekstwalisado? Paano? Paano higit na magiging kontektwalisado ang pelikula? (kasaysayan, panlipunan, pangkultura, pampulitika, atbp.)

APAT NA URI NG TEKSTWAL NA KONEKSYON:1. Teksto sa teksto – nagpapaalaala sa akin ng anuman mula sa ibang aklat, pelikula o midya.2. Inter-Teksto – nagpapaalaala sa akin ng bagay sa aklat, pelikula o

midyang ito.3. Teksto sa sarili – nagpapaalaala sa akin ng bagay sa sarili kong buhay.4. Teksto sa mundo – nagpapaalaala sa akin ng isang bagay sa mundo.

ANG PELIKULA AT TEATRO/DULAAN: PAGHAHAMBING

Sa aklat na Understanding Movies ni Louis Giannetti (2002), pinag-iba niya ang pelikula at teatro:

Panahon/Oras – sa pelikula, pabagu-bago ang oras o panahon, maaaring bumalik sa nagdaan (sa pamamagitan ng flashback) o maaaring magtuluy-tuloy sa linyar na daloy at maaari itong pabilisin; sa teatro, tuluy-tuloy ang panahon at limitado sa pagpapatuloy ng takbo ng oras/panahon.

ANG PELIKULA AT TEATRO/DULAAN: PAGHAHAMBING

Espasyo – sa karaniwang pelikula, dalawa ang dimensyon ng espasyo at ang mga manonood ay nakaposisyon sa espasyong iyon sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng kuha (shot) ng kamera – maaaring malapitan o malayo sa tao o manonood. Gayunpaman, maaaring tatlo na ang dimension ngayon sa sa mga 3-D Films.

ANG PELIKULA AT TEATRO/DULAAN: PAGHAHAMBING

Sa teatro, tatlo ang dimensyon ng espasyo at maaaring makapamili ang manonood kung ano at paano ipopokus ang kanilang atensyon. Gayunpaman, isang saradong espasyo (Closed space) ang teatro – pagkaraang lumabas sa tanghalan ang mga artista o aktor ay nakakalimutan na sila, samantalang kapag gumamit ang pelikula ng “labas-sa-kuwadrong” aksyon, batid natin na may tao sa labas ng kuwadro.

Wika – gumagamit ng sinematograpiya at wika ang pelikula sa pagpapahatid ng kahulugan samantalang sa teatro, wika ang pangunahing gamit nito sa pagpaparating ng kahulugan sa mga manonood bagamat may mga teatrikal na produksyong gumagamit ng mga multi-midya at mga video bilang bahagi ng produksyon tulad ng mga pagtatanghal ng mga Dulaang Brechtian at Dulaan ng mga Naaapi (Theater of the Oppressed).

Nakapokus ang teatro sa mga karakter at mga relasyon sa loob ng isang may kaliitang espasyo, samantalang sa pelikula, maaaring ilagay ang mga tao/manonood sa iba’t ibang lawak at anyo ng espasyo. Dahil ito sa mga paggamit ng iba’t ibang shots: Close-up; Medium Shot; Full Shot; at Long Shot.

Direksyon – Higit na malaya, kontrol at may kalayaang bumuo ng kanilang sariling ideya at bersyon ng mga orihinal na dulang pampelikula, samantang ang director pantanghalan ay limitado sa kanilang paglikha ng dula sa entablado. Maaaring ulitin ng direktor ng pelikula ang ilang eksena nang ilang beses hanggat nasiyahan siya sa kanyang mga shot at pag-arte ng kanyang mga artista.

Sa teatro, maaaring baguhin ng direktor ang isang eksena o mga eksena sa panahon ng rihersal ngunit sa panahon ng palabas, wala na halos kontrol ang direktor sa nagaganap sa entablado.

Tagpuan – maaaring paunlarin ng direktor ng pelikula ang iba’t ibang aspekto ng tagpuan at mga anyo ng espasyo, musika, editing, at computer graphics at simulasyon, samantalang limitado ang espasyo sa tanghalan o entablado.

Kasuotan - sa pelikula at teatro, ginagamit ang kasuoytanupang masapol ang mga historical o cultural na konteksto, gamit ang mga kasuotan upang ipahayag ang kalikasan ng pangkasaysayang panahon: mga antas ng lipunang ginagalawan ng mga karakter, kasarian, edad, erotisismo, atityud/estilo – kadalasan sa pamamagitan ng kulay o tabas o identidad at personalidad — eksentrik, kumbensyunal, akma, elegante, atbp.

TATLONG URI NG ADAPTASYON:

1.“Ang Maluwag o Malayang Adaptasyon” (The Loose Adaptation) – maaari lamang gamitin ng direktor ang orihinal na sitwasyon, ideya ng kuwento, o mga karakter upang makalikha ng pelikulang may pagkakahawig sa orihinal na teksto. (Hal. “Sisa” ni Frank G. Rivera sa direksyon ng CJ. Andaluz; “Rizal” sa direksyon ni Marilou Diaz Abaya)

TATLONG URI NG ADAPTASYON:2. “Ang Tapat na Adaptasyon” (The Faithful Adaptation) – nagtatangkang masapol ang orihinal na teksto na halos walang pagbabago o ginalaw, isang maingat na salin ng orihinal papunta sa anyong pelikula na nagpapanatili ng mga karakter, kuwento, at lahat halos ng kaganapan.

TATLONG URI NG ADAPTASYON:Hal. Noli Me Tangere sa direksyon ni Eddie Romero; Dekada ’70 at ang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa ni Lualhati Bautista sa direksyon ni Chito Roño; Bulaklak ng City Jail ni Domino Landicho sa direksyon ni Joel Lamangan; Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, na buhat sa nobelang Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes sa direksyon ni Lino Brocka; Insiang ni Mario O’Hara sa direksyon ni Lino Brocka; “Ibong Adarna” at “Florante at Laura” na mga isinapelikula noong dekada ’50.

TATLONG URI NG ADAPTASYON:3. “Ang Literal” – lumang bersyon ng video ng produksyong pantanghalan, na may limitadong gamit ng sinematikong mga teknik.

MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:1. Displaced – binago ang

tagpuan ngunit nanatili ang wika ng teksto.Hal. “Richard II (1995), eksena sa Europa noong dekada ’30; “Romeo and Juliet” (1996), eksena sa kontemporaryong Los Angeles; “Hamlet” (2000) eksena sa kontemporaryong mundo ng New York City.

MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:

2. Acculturated – binago ang wika at ang tagpuan ng orihinal na teksto.Hal. Akira Kurosaw’s “Throne of Blood” (1998) (1957, batay sa “Macbeth”) at “Ran”: (1985, batay sa “King Lear”), tagpuan noong kalagitnaan ng ika-16 na siglo sa Japan; “Clueless,” 1995 na bersyon ng “Emma” tagpuan sa isang hayskul sa Beverly Hills, tampok ang mga tinedyer na gumamit ng mga kontemporaryong wika.

MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:3. Politicized – ginawa upang maging

instrumento ng pagpapahatid ng mga ideya, paniniwala at prinsipyong pampulitika. Hal. Bersyong 1994 ng “Henry V” na kinomisyon ng British Ministry of Information noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang propaganda bago magsimula ang giyera. “Mansfield Park” (1998) naglarawan ng tahimik na bayani. “Fanny Price,” isang feministang hayagang nagtuligsa ng diskriminasyon sa kasarian.

MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:

4. Commercialized/Hollywood-ized – binago ang orihinal na kuwento upang maging kaakit-akit ito sa target na wika at nililimita ang kasalimuutan ng orihinal na teksto, ironiya, kalabuan, at isinasadula ang bayani ng kuwento. Hal. “Hamlet,” (1990, Zefferilli”) tampok sina Mel Gibson at Glenn Close bilang Hamlet at Gertude, nagtanggal ng sab-banghay kung kayat nakakuha ng atensyon dahil sa temang pulitikal ng dula.

MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:5. Radical - lumikha ng bagong

bersyon ng orihinal na materyal. Hal. “Shakespeare in Love” batay sa kung paano at bakit isinulat ni Shakespeare ang “Romeo and Juliet” – naging kalimitang ginagamit sa panonood ng mga mag-aaral sa klase; linyar ang naratibo; nakatatawa at makabagbag-damdamin ang tono; ang disenyo ng produksyon ay maliwanag na muling-paglalarawan ng London noong panahon ni Queen Elizabeth.

Mga Adaptasyong Pelikula na Ginagamit sa Klase:

1. A Streetcar Named Desire (Tennessee Williams)2. Cat on a Hot Tin Roof (Tennessee Williams)3. Miss Julie (Strindberg)4. Hedda Gabler5. Oliver Twist6. My Fair Lady (mula sa Pygmalion)7. Death of a Salesman (Arthur Miller)8. Of Mice and Men (Steinbeck)

Mga Adaptasyong Pelikula na Ginagamit ko sa Klase:

9. King Lear10. Macbeth11. Lord of the Flies12. War and Peace13. Pride and Prejudice14. Oedipus Rex15. Grapes of Wrath16. The Great Gatsby

MGA ELEMENTO NG PAGGAWA NG PELIKULA:

Sa paggawa ng pelikula, isinasanib ang teatro, musika at sining-biswal. Samantala, sa mga pagtatanghal sa teatro/dulaan, ang mga manonood ay nakaupo sa isang partikular na silya at iisa lamang ang tanawin sa entablado/tanghalan. Hindi nagbabago ang laki o liit ng mga artista at ang laki o liit ng mga eksena ay palaging parehas.

MGA ELEMENTO NG PAGGAWA NG PELIKULA:

Hindi ka maaaring lumapit sa mga artista upang tingnan ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Kailangang eksaherado ang kanilang mga emosyon para ang mga manonood sa pinakamalayong upuan mula sa entablado ay mababatid kung ano ang kanilang nadarama. Kabaliktaran ng mga ito ang pelikula dahil maaaring ipuwesto ng director at cameraman ang kamera nang mga dalawang talampakan mula sa mga mukha ng mga para matamo ang dinamikong close-up.

MGA ELEMENTO NG PAGGAWA NG PELIKULA:

Maaaring kunan ang eksena ng ilang beses upang matamo ang nais na kuha (shot). Maaari nilang tapusin ang pagbuo ng pelikula sa loob ng apat hanggang anim na linggo at pagdugtungin ang mga mahuhusay na (shot). Maaari silang gumamit ng mga sound effects at musika. Maaari silang magdagdag ng tinig ng aktor (voice over) kung nagkamali noong ginagawa ang pelikula. Hindi sila limitado sa totoong oras. Maaari silang lumikha ng pelikula sa isang estudyo o sa isang malayong lokasyon.

IMAHE: Sa paggawa ng pelikula, gumamit ang mga direktor at cameraman ng light capture/recording device. Ipinoprodyek ito sa talon. Sa mga sinehan, gumagamit sila ng mga malalaking boltaheng lampara para maiprodyek ang imahe sa pamamagitan ng nakapokus na lente. Ang isang eksposyur ng larawan sa film ay tinatawag na kuwadro (frame).

IMAHE: Pinagsasanib ang mga kuwadro upang makalikha ng shot. Ang shot ay anumang hindi natitigil na nakaekspows na seksyon ng film. Ang totoo, ang kuwadro (frame) ay ang hindi gumagalaw na imahe. Hindi nakakarekord ng mosyon, nirerekord nito ang ilaw at ang resulta ng isang kuwadro at katulad ng still photograph.

ORAS

May dalawang oras ang pelikula. Ang una ay ang aktwal na haba o tagal ng pelikula, halimbawa, 90 minuto. Ang ikalawa’y tinatawag na diegetic time, o ang oras na resulta ng kuwento o naratibo.

ORASMaaaring tumagal ang kuwento ng dalawang minuto, ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, taon o hamambuhay ngunit maaaring ikuwento ang mahabang panahon sa loob lamang ng isang oras at kalahati. Hal. “Bilangi ang mga Bituin sa Langit” na tampok sina Nora Aunor at Tirso Cruz III sa direksyon ni Elwood Perez.

MOSYON:Nagbibigay ang pelikula ng ng ilusyon ng mosyon sa pamamagitan ng galaw ng maraming kuwadro sa prodyektor. Dahil sa pisikal na katangian ng mata at utak ng tao na tinatawag na “persistence of vision,” nakikita ang ilusyon ng mosyon sa pamamagitan ng motion picture technology. Ang katangiang ilusyong ng mosyon ang kaibahan ng motion picture photography sa still photography.

TUNOG:Mahalagang elemento ng pelikula ang tunog. Marami sa mga pelikula sa kasalukuyan ang paglalapat ng tunog, musika at voice over sa panahon ng post production. Ang mga pagsabog, tunog ng baril at kanyon, banggaan ng mga sasakyan, hangin, ulan, at napakaraming tunog ay nilalapat sa panahon ng post production.

TUNOG:Ang mga pagsabog, tunog ng baril at kanyon, banggaan ng mga sasakyan, hangin, ulan, at napakaraming tunog ay nilalapat sa panahon ng post production. Maging ang mga diyalogo ay ginagawa sa panahon ng dubbing. Foley artists ang tawag sa mga nagsasagawa ng ganitong paglalapat ng mga tunog at musika.

ILAW: Kapag nagrerekord tayo gamit ang mga photographic na mga instrumento, nagrerekord tayo ng ilaw. Hindi narerekord ang mga bagay, tao, gusali, o anuman kundi ang ilaw ang narerekord. Gnagamit ng direktor at cameraman upang makalikha ng damdamin, bias at ng continuity sa kabuuan ng pelikula.

DALOY NG MGA PANGYAYARI:

Pagkatapos ng shooting, susundan ito ng pag-eedit. Magkatuwang na magpapasya ang direktor at ang editor tungkol sa haba at pagkakasunud-sunod ng mga shot at pagkatapos ay pagdudugtungin ang mga ito upang makabuo ng isang daloy ng mga pangyayari. Ang daloy ng mga pangyayari ang nagbibigay ng kuwento gamit ang biswal na wika ng pelikula.

KOMPOSISYON: Ang komposisyon ay ang paggamit ng biswal na mga elemento at prinsipyo upang makalikha ng kuwadrong kaaya-aya ang estetika, nakapagpapanatili ng atensyon at pagiging konsistent at pangkabuuang continuity. Komposisyon ang tawag sa paglalagay ng mga hugis sa loob ng kuwadro na nagpapangibabaw ng realidad ng pelikula o ang tinataguriang “mise en scene.”

KOMPOSISYON:

Sa tulong ng mga tagapagdisenyo ng set, kasuotan, teknisyan sa pag-iilaw at mga cinematographer ay nalilikha ang pinakamagandang kaayusan ng “filmic” na mga bagay. Maingat na isinasaayos ang mga artista (blocking) upang maliwanag silang makita ng mga manonood.

Maraming Salamat

Po!