View
271
Download
5
Category
Preview:
Citation preview
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
8
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Geline T. Fajardo
Content Editors: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Illustration/Layout Editor: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
8
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 lternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 lternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan
ang aralin tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig. Pagtutuonan ng pansin sa ating
pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang bagay o datos sa estruktura ng
Daigdig, katangiang pisikal nito, katuturan at heograpiya ng daigdig na may
pagsusuri sa limang tema nito.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Estruktura ng Daigdig
Talakayan 2 – Katangiang Pisikal ng Daigdig
Talakayan 3 – Limang Tema ng Heograpiya
Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang
a. nakapagtatalakay ng estruktura ng Daigdig;
b. nakapagsusuri ng limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa
pag-unawa sa Daigdig; at
c. nakapag-uugnay ang heograpiya at katangiang pisikal ng may
lokalisasyon.
2
Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Italya at Pransiya upang magtrabaho. Anong tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?
A. lugar C. rehiyon
B. lokasyon D. paggalaw
2. Aling kontinente ang HINDI kabilang sa “Ring of Fire”?
A. Africa C. South America
B. Asia D. North America
3. Kung ang imaginary line na tumatakbo nang pahalang sa globo ay tinatawag
na latitude, ano naman ang imaginary line na pahalang na humahati sa globo
sa dalawang bahagi?
A. ekwador C. parallel
B. longhitud D. Prime Meridian
4. Bakit iba-iba ang naging pamumuhay ng mga tao sa Daigdig?
A. iba-iba ang mga taglay na kagamitan ng mga bansa sa Daigdig
B. iba-iba ang anyong lupa,tubig, at klima ng mga bansa sa Daigdig
C. iba-iba ang gawi at paniniwala ng mga tao sa iba’t ibang kontinente
D. iba-iba ang gusto ng mga tao sa iba’t ibang kontinente
5. Si Juan ay nanibago sa kanyang lugar sa Bataan dahil nagkaroon na ng iba’t
ibang fast food chain at komersiyal na establisyemento. Anong tema ng
heograpiya ang tumutukoy dito?
A. paggalaw C. lugar
B. lokasyon D. interaksiyon ng tao at kapaligiran
6. Anong planeta nang may kakayahang makapagpanatili ng buhay?
A. Benus C. Húpiter
B. Daigdig D. Marte
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng heograpiya?
A. flora at fauna C. lokasyon at lugar
B. anyong tubig at anyong lupa D. klima at panahon
8. Anong kontinente ang ikalawa sa pinakamaliit na halos 6.8% lang ang
kabuuang lupa sa digdig?
A. Europe C. South America
B. Asya D. Australia
9. Anong karagatan ang matatagpuan sa Silangang bahagi ng Daigdig?
A. Indian Ocean C. Atlantic Ocean
B. Arctic Ocean D. Pacific Ocean
3
10. Kumpletuhin ang pangungusap: Ang Mt. Everest, Mt. Fuji, Mt. K-2 ay mga
halimbawa ng ______________.
A. anyong lupa C. pinakamataas na bundok sa Daigdig
B. anyong tubig D. pinagkukunang yaman
11. Hebrew ang wika sa Israel na nagmula sa pamilyang Afro-Asiatic. Anong
tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?
A. paggalaw C. lokasyon
B. lugar D. interaksiyon ng taoat kapaligiran
12. Dito matatagpuan ang mga bukod tanging species ng hayop at halaman
tulad ng kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Anong kontinente ito?
A. Asya C. Africa
B. Australia D. North America
13. Si Maria ay nakaramdam ng lamig nang umulan sa kanilang lugar sa
Zambales. Anong konsepto ang tinutukoy nito?
A. panahon C. fauna
B. flora D. klima
14. Napagdesisyonan ng Pamilya Romero na mamalagi na sa Australya? Anong
tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?
A. lugar C. rehiyon
B. paggalaw D. interaksiyon ng tao at kapaligiran
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang
isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. May bahagdan ng populasyon ng Pilipinas ay mga Muslim.
B. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
C. Ang Japan ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista.
D. Ang Thailand ay miyembro ng Association of Southeast Asian
Nations.
4
Aralin
1 Katangiang Pisikal ng
Daigdig
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang
interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng
pag-aaral ang estruktura ng Daigdig, katangiang pisikal nito, katuturan at
heograpiya ng Daigdig na may komprehensibong pagsusuri sa limang tema nito.
Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng
pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon upang maipakita ang
ugnayan ng kasaysayan at heograpiya. Simulan mo na.
Balikan
Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog sa araw na bumubuo ng solar
system. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na
posisyon nito.
• Batay sa larawan, saan matatagpuan ang planetang daigdig sa solar system?
• Ano-anong katangian ng daigdig ang nakapagpapanatili ng buhay?
https://c0.wallpaperflare.com/preview/996/748/47/solar-system-sun-mercury-venus.jpg
5
Tuklasin
Paano mo ba mailalarawan ang daigdig? Iguhit ang naiisip na itsura ng mapa ng
Daigdig nang hindi tumitingin sa mapa o kahit anong resources. Sa loob ng kahon,
simulan ang iyong pagkatuto.
Mga Tala para sa Guro
Mahalagang malaman ang mahahalagang kaalaman
tungkol sa Daigdig tulad ng tinatayang bigat, edad, populasyon,
kabuuang lawak ng ibabaw ng Daigdig, lawak ng kalupaan at
karagatan, pangkalahatang lawak ng katubigan, uri ng tubig,
kabilugan sa equator at poles, diyametro sa equator at poles,
radius sa equator at poles, bilis ng pag-ikot, at orbit sa araw.
Gayundin ang pagsuring mabuti sa mga diyagram upang mas
maintindihan ang estruktura ng Daigdig.
Ang Aking Likhang Mapa
6
Suriin
Estruktura ng Daigdig
Ang Daigdig o kilala rin bilang mundo o sangkalupaan ay ang tanging planeta
sa solar system na may kakayahang magpanatili ng buhay. Ito ay ikatlong planeta
mula sa araw, pinakamasukal na planeta sa sistemang solar at pang-apat sa
pinakamalaking planetang terestriyal. Tara na’t alamin pa ang ibang bahagi na
patungkol dito.
Ang Daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi
nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang
inaanod sa mantle. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na ito. Sa katunayan,
umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang
paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga
paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan.
Crust
Upper Mantle
Lower Mantle
Outer Core
Inner Core
Ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig na may kapal na umaabot
sa 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente ay binubuo ng crust.
Ito ay may kapal lamang na 5-7 kilometro sa ilalim ng mga karagatan.
Ang isang patong ng mga
batong malambot at natutunaw ang
ilang bahagi ay tinatawag na
mantle.
Ang core ay ang kaloob-
loobang bahagi ng Daigdig na
binubuo ng mga metal tulad ng iron
at nickel.
7
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/86/Latitude_and_Longitude_of_the_Earth_fr.svg/1280px-
Latitude_and_Longitude_of_the_Earth_fr.svg.png-Latitude_and_Longitude_of_the_Earth.svg.png
Southern Hemisphere Western Hemisphere
Northern Hemisphere Eastern Hemisphere
Prime Meridian
Ang Daigdig ay may
apat na hating-globo
(hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern
Hemisphere na hinahati ng
equator, at ang Eastern
Hemisphere at Western
Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.
Maaaring matukoy ang lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa sa paraang
absolute, astronomikal o tiyak. Tinatawag na longitude ang distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang meridian patungo sa silangan o kanluran ng Prime Meridian. Ang Prime Meridian ay itinalaga bilang zero degree longitude. Ito ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa silangan at kanlurang hemispero. Ang latitude ay ang distansyang angular sa pagitan ng
dalawang parallel patungo sa Hilaga o Timog ng Ekwador. Ang ekwador ay ang
likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog na Hemispero. Ito ay itinatakda bilang zero degree latitude. Ang Tropic of Cancer ang
pinakadulong bahagi sa hilagang hemispero na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5° Hilaga ng Ekwador. Ang Tropic of Capricorn ang
pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direkta ring sinisikatan ng araw.
Matatagpuan ito sa 23.5° Timog ng Ekwador.
8
Ang daigdig ay binubuo ng mga kontinente. Ang kontinente ay ang
pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang iba naman ay pinalilibutan ng katubigan.
Gayundin naman, ang iba ay nagtataglay ng napakaraming mga bansa samantalang
ang iba ay mayroon lamang kakaunti. May pitong kontinente ng daigdig – Africa,
Antarctica, Asya, Australia, Europa, Hilagang America at South America.
Ang malaking suplay ng ginto at diyamante
ay nagmumula sa Africa. Naroon din ang Nile River
na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang
Disyerto ng Sahara, na pinakamalaking disyerto.
Nagtataglay ang Africa ng pinakamaraming bansa
kung ihahambing sa ibang mga kontinente.
Ang Antarctica naman ang tanging
kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay
umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito,
walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa
mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol
dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal
ang karagatang nakapalibot dito.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/91/Africa_on_the_globe_%28white-
red%29.svg/600px-Africa_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/bf/Antarctica_on_the_glob
e_%28white-red%29.svg/1024px-Antarctica_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png
9
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/be/South_America_on_the_gl
obe_%28white-red%29.svg/767px-South_America_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/22/North_America_on_the_globe_%28white-red%29.svg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/t
humb/7/71/Australia_on_the_globe_%28Antarctic_cl
aims_hatched%29_%28Oceania_centered%29_with_bo
rders.svg
Ang laki ng Europa ay sangkapat (1/4) na
bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa
sa pinakamaliit na kontinente ng Daigdig sa lawak na
halos 6.8% ng kabuoang lupa ng Daigdig.
Isang bansang kinikilala ring
kontinenteng pinakamaliit sa Daigdig ay ang
Australia at Ocenia. Napalilibutan ito ng
Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay
ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit
50 milyong taong pagkakahiwalay ng
Australia bilang isang kontinente, may mga
bukod tanging species ng hayop at halaman
na sa Australia lamang matatagpuan.
Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,
Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Sa kabilang banda, ang North America ay
may hugis na malaking tatsulok subalit
mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang
mahabang kabundukan ang matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains sa kanluran.
Gayundin, ang South America ay hugis
tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging ekwador hanggang sa Cape Horn sa
katimugan. Ang Andes Mountains na may habang
7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuoang
baybayin ng South America.
Sa tahasang sabi, ang pinakamalaking
kontinente sa mundo ay ang Asya.
Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa
sa pinagsamang lupain ng North at South
America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay
tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng
kabuuang sukat ng lupain ng Daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa Daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
https://upload.wikimedia.org/wikipedi
a/commons/2/24/Asia_on_the_globe_
%28red%29.svg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/a0/Europe_on_the_globe_%28red%29.svg
10
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng Daigdig. Nagmula ito sa salitang Griyego na geo o Daigdig at
graphia o paglalarawan.
Diyagram 1.1 Saklaw, Sangay, Limang Tema ng Heograpiya at Kaugnayan sa
mga Disiplina
Heograpiya
Heograpiyang
Pisikal
Heograpiyang
Pantao
Dalawang Sangay
• Lokasyon
• Lugar
• Rehiyon
• Interaksiyon ng
tao at kapaligiran
• Paggalaw
Kaugnayan sa
mga disiplina
Limang Tema
• Kasaysayan
• Agham
• Sosyolohiya
• Ekonomiks
saklaw
anyong lupa at tubig, likas na
yaman, klima at panahon, flora
(plant life), fauna (animal life)
distribusyon at interaksiyon ng
tao at iba pang organismo sa
kapaligiran nito
Nakaaapekto ang katangiang
pisikal ng Daigdig nang malaki sa
pamumuhay at kultura ng tao.
Mahalagang bahagi ng pag-aaral nito
ay ang mga anyong lupa at anyong
tubig na sakop nito. Tinatawag na
topograpiya ang pisikal na
katangian ng isang lugar o rehiyon.
Sa paglipas ng panahon, ang mga tao
ay natutong makiangkop sa kanilang
kapaligiran. Bukod sa mga
nagtataasang kabundukan sa
Daigdig, maraming mga anyong-lupa
ang naging mahalaga sa pamumuhay
ng mga tao.
Halimbawa nito ang mga
lambak-ilog kung saan sumibol ang
mga kauna-unahang kabihasnan sa
Daigdig tulad ng lambak-ilog ng
Tigris-Euphrates, lambak-ilog ng
Indus, lambak-ilog ng Huaug Ho at
lambak-ilog ng Nile. Binubuo rin ng
iba’t ibang uri ng mga anyong-tubig
ang Daigdig na nakatutulong sa
kasalukuyang pamumuhay ng mga
tao. Suriin ang diyagram sa ibaba.
11
Limang Tema ng Heograpiya
Binalangkas ang limang tema ng heograpiya taong 1984 ng National Council
for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Naglalayon ang
mga temang ito na mas mapadali at simplehan ang pag-aaral ng disiplinang
heograpiya ng Agham Panlipunan. Ito ay makatutulong na unawain ng mga tao ang
kanyang ginagalawang Daigdig
Lokasyon
Ito ay tumutukoy sa
kinaroroonan ng mga lugar sa
Daigdig. Mayroong dalawang
paraan ng pagtutukoy nito.
Lokasyong Absolute sa
pamamagitan ng imahinasyong
guhit tulad ng latitude line na
bumubuo ng grid. Ang pagkukrus
ng mga guhit ay ang eksaktong
kinaroroonan ng isang lugar sa
Daigdig
Relatibong Lokasyon na
ang batayan ay ang mga lugar at
bagay na nasa paligid nito.
Lugar
Ito ay tumutukoy sa mga
katangiang natatangi sa isang pook.
Mayroong dalawang paraan ng
pagtutukoy nito.
Ang mga katangian ng
kinaroroonan tulad ng klima,
anyong lupa at tubig, at likas na
yaman
Katangian ng mga taong
naninirahan tulad ng wika,
relihiyon, densidad, o dami ng tao,
kultura at sistemang politikal
Rehiyon
Ang bahagi ng Daigdig na pinagbuklod ng magkatulad na katangiang pisikal o
kultural.
Interaksiyon ng Tao at
Kapaligiran
Ito ang kaugnayan ng tao
sa pisikal na katangiang taglay ng
kaniyang kinaroroonan. Ang
kapaligiran bilang pinagkukunan
ng pangangailangan ng tao at
pakiki-angkop ng tao sa mga
pagbabagong nagaganap sa
kaniyang kapaligiran.
Paggalaw
Ang paglipat ng tao sa
kinalakihang lugar patungo sa ibang
lugar. Ang paglipat ng mga bagay at
likas na pangyayari tulad ng hangin
at ulan ay nabibilang din dito.
May tatlong uri ng distansiya ang
isang lugar:
Linear- gaano kalayo ang isang lugar
Time- gaano katagal ang paglalakbay
Psychological- paano tinitignan ang
layo ng isang lugar
12
Pagyamanin
Gawain 1: Panuto Ko, Gawin Mo!
Kumpletuhin ang datos tungkol sa estruktura ng daigdig batay sa hinihingi ng
sumusunod na pangungusap. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.
Lagyan ng simbolong apoy ang tatlong pangunahing parte ng Daigdig
Isulat ang salitang “kontinente” sa pitong kontinente ng Daigdig. Tukuyin ang apat na pagkakahati ng Daigdig Iguhit ang kilalang anyong lupa na matatagpuan sa titik “I” Magbigay kung saang likas na yaman sagana ang titik “H”
M N
O P C
B
A
D
E
F
G
H
L
K
J
I
13
Gawain 2: Kahon ng Kasagutan
Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat
bilang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa
kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak
mula sa North Pole patungong South Pole.
2. Ito ang kaloob-looban na bahagi ng Daigdig kung saan matatagpuan ang mga mahahalagang metal tulad ng iron at nickel.
3. Ito ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay.
4. Ito ang pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direkta ring sinisikatan ng araw.
5. Ito ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog na
hemispero.
6. Ang pinakadulong bahagi sa Hilagang Hemispero na direktang sinisikatan ng
araw.
7. Ito ang isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
8. Ito ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng Daigdig.
9. Ito ang nasa Greenwich sa England na itinatalaga bilang zero degree longitude.
10. Ito ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig.
Crust Prime Meridian Daigdig Tropic of Capricorn
Tropic of Cancer kontinente mantle core
Northern Hemisphere latitude ekwador longitude
14
Gawain 3: MAPA-hayag
Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa mapa. Kompletuhin ang pahayag batay sa mga
hinihingi nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Gawain 4: S-S-T-K Heograpiya
Punan ang graphic organizer ayon sa saklaw, sangay, tema, at mga kaugnayang
disiplina ng heograpiya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ako si ___________________________. Narito ako sa ______________________.
Ang klima dito ay _________________________. Ang mga likas na yaman dito ay
___________________________________Batay sa taglay na klima at likas na yaman
ng aming lugar, ang pamumuhay dito sa amin ay ____________________________.
Heograpiya
1. 2.
Dalawang Sangay Limang Tema Kaugnayan sa mga
Disiplina
saklaw
1.
2. 3.
4. 5.
1.
2. 3.
4.
1. 2.
3. 4.
5.
15
Gawin 5 THROWBACK
Humanap ng isang larawan ng kilalang lugar sa inyong pamayanan, sampung taon
o higit pang taon na ang nakakaraan at ang larawan nito sa kasalukuyan. Idikit ang
nahanap na larawan sa iyong sagutang papel at sagutin pamprosesong tanong sa
ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa inyong lugar makalipas ang ilang
taon? 2. Paano ito nakaapekto sa inyong pamumuhay?
3. Kung may nais kang baguhin sa inyong pamayanan o komunidad, ano-ano ang iyong babaguhin at bakit? Kung wala, pangatwiranan ang iyong
kasagutan
Gawain 6 Anong Tema ng Heograpiya?
Isulat sa sagutang papel kung anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng bawat
pahayag. (Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Interaksyon ng Tao at Kapiligiran, at Paggalaw).
_______1. Mula Lungsod ng Malolos ay isang oras at kalahating minuto ang
paglalakbay papuntang Lungsod ng Meycauayan.
_______2. Espanyol ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.
_______3. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan sa Saudi Arabia.
_______4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Australia at New Zealand
upang magtrabaho.
_______5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel at silangan ng West Philippine Sea.
NOON NGAYON
16
_______6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ang nagpabilis sa mga tao na
magtungo sa mga bansang may magagandang pasyalan.
_______7. Ang wika ng mga bisita ay Waray.
_______8. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal.
_______9. Ang Brunei ay nasa Timog Silangang Asya.
_______10. Ang Amana Resort ay matatagpuan sa Pandi, Bulacan
Isaisip
Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa katangiang pisikal ng Daigdig. Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Isagawa
Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin at ipaliwanag
ang iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pag-unlad ng
pamumuhay sa Daigdig?
Ang estruktura ng daigdig ay binubuo ng crust, ___________, at _________.
Ito ay may apat na hating-globo. Ang Northern Hemisphere, at _____________ na
hinahati ng __________, at ang ______________ at Western Hemisphere na hinahati
ng _____________
Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
_________________. Nagmula ito sa salitang Griyego na geo o _________ at graphia
o _________
Upang mas mapadali ang pag-aaral nito, Ito ay nahati sa limang tema:
lokasyon, lugar,___________,___________, at paggalaw.
17
Tayahin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Ang Seoul, South Korea ay nasa 37.5665° N, 126.9780° E. Anong uri ng
lokasyon ito sa tema ng heograpiya?
A. Relatibong Lokasyon C. Lokalisasyon
B. Industriyal na Lokasyon D. Absolutong Lokasyon
2. Ilan ang kontinente ng mundo?
A. anim C. walo
B. pito D. siyam
3. Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija,
Pampanga, Tarlac, Zambales. Anong tema ng heograpiya ito?
A. paggalaw C. rehiyon
B. lugar D. lokasyon
4. Anong tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon?
A. heograpiya C. kasaysayan
B. agham panlipunan D. topograpiya
5. Paano natutukoy ang isang lugar ayon sa limang tema ng heograpiya?
A. gamit ang mapa
B. katangian ng kinaroroonan at taong naninirahan
C. linear, time, at psychological
D. lokasyong absolutong at relatibo
6. Napansin ni Neri noong papunta siya sa kaniyang Tiya Mareng sa Manila galing
Bulacan ay parang napakatagal ng biyahe ngunit nang siya ay pauwi dito, siya ay
hindi nainip at nabilisan sa biyahe. Anong uri ng paggalaw ang inilalarawan ng
pahayag?
A. linear C. psychological
B. time D. habitual
7. Anong kontinente ang itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo na
napapaloob dito ang bansang may pinakamalaking populasyon at matatagpuan
ang pinakamataas na bundok?
A. Asya C. Africa
B. America D. Australia
8. Ano-ano ang dalawang sangay ng heograpiya?
A. panlipunan at agham C. pisikal at pantao
B. psychological at antropolohiya D. kasaysayan at agham
9. Saan nagmula ang salitang heograpiya?
A. Griyego C. Romano
B. Latin D. Espanyol
10. Paano nakatutulong ang heograpiya sa pamumuhay ng tao?
A. madaling mailalarawan C. tirahan at hanapbuhay
B. tabing-dagat D. napag-aaralan
18
11. Ano ang tawag sa malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa
posisyon na gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle?
A. mantle C. plate
B. hemisphere D. crust
12. Saan kilala ang Antarctica bukod sa walang makatatagal na taong maninirahan
dito?
A. kangaroo at platypus C. suplay ng ginto at diyamente
B. isda at mammal D. nagtataasang bundok
13. Anong kontinente ang may hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula
sa bahaging ekwador hanggang sa Cape Horn sa katimugan?
A. Antartica C. North America
B. Europe D. South America
14. Araw-araw, kalahating kilometro ang nilalakad ni Andoy mula sa kanilang bahay
papuntang paaralan para makapasok. Anong uri ng paggalaw ang inilalarawan
ng pahayag?
A. linear C. psychological
B. time D. habitual
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng relatibong lokasyon ng
Bulacan?
A. Ang Bulacan ay may lokasyong 14.7943° N, 120.8799° E.
B. Ang Bulacan ay tinawag na encomienda capital ng Pampanga.
C. Nasa Hilagang bahagi ng Bulacan ang Nueva Ecija, sa Kanlurang bahagi
ang Pampanga, at Silangang bahagi ang Aurora.
D. Nasa Gitnang Luzon ang Bulacan.
19
Karagdagang Gawain
Inte
raksiy
on
ng T
ao a
t K
apaligir
an
Paggala
w
BARANGAY ________________
Rehiyon
Suriin ang kalagayang heograpikal ng iyong barangay na
kinabibilangan na naaayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin
ang graphic organizer sa ibaba upang masagutan ang gawain.
Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.
20
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN 1.D 9. D
2.A 10. A
3.A 11. B
4.B 12. B
5.D 13. A
6.C 14. B 7.C 15. A
8.A
Activity 1
A. crust
B. mantle C. core
Kontinente- D,E,F,G,H,I,J
M. Northern Hemisphere
N. Eastern Hemisphere
O. Southern Hemisphere
P. Western Hemisphere I. Iguguhit ng mag-aaral ang
Mt. Everest
H. isda at mammal
Assessment 3
1. paggalaw
2. lugar
3. lugar
4. paggalaw
5. lokasyon
6. interaksiyon ng tao at
kapaligiran
7. lugar
8. lugar
9. lokasyon
10. lokasyon
ISAISIP
-mantle, core -Southern Hemisphere,
equator/ekwador
-Easthern Hemisphere,
Prime Meridian
-katangiang pisikal ng Daigdig
TAYAHIN
1.D 11. C
2.B 12. B
3.C 13. D 4.D 14. A
5.B 15. C
6.C
7.A
8.C 9.A
10.C
KARAGDAGANG GAWAIN
Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
-rehiyon, interaksiyon ng tao
at kapaligiran
ISAGAWA
Batay sa sariling
pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
Assessment 1 1.longitude
2.core
3.Daigdig
4.Tropic of Capricorn
5.ekwador
6.Tropic of Cancer 7.mantle
8.kontinente
9.Prime Meridian
10.crust
Activity 2
Pangalan ng mag-aaral,
Pilipinas,Tropikal
Isa-isahin ang mga likas na
yaman ng Pilipinas
Batay sa sariling
pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
Assessment 2 saklaw- anyong lupa at
anyong tubig, flora at fauna,
klima at panahon, likas na
yaman, distribusyon at
interaksyon ng tao at iba
pang organism sa kapaligiran nito
sangay- heograpiyang
pisikal, heograpiyang pantao
limang tema ng heograpiya-
lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at
kapaligiran, paggalawa
kaugnay na disiplina-
Kasaysayan, Agham,
Sosyolohiya, Ekonomiks
Activity 3 Batay sa sariling
pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
21
Sanggunian
Antonio, Eleanor D. et al. Kayamananan (Kasaysayan ng Daigdig). (2017). Rex Book
Store, Inc., 856 Nicanor Reyes sr. St., Sampaloc, Manila
K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan. Deped Learning Portal
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral (2014) Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City.
Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 1 Heograpiya ng Daigdig
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_01__HEOGRAPIYA_NG_DAIGDIG.PDF
Tiamson, Juan Alvin B. Ang Ating Daigdig: Kasaysayan, Pagsulong, at
Pag-uugnayan. (2007). St. Augustine Publications. Inc. España cor. Don Quijote st., Sampaloc, Manila
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III – Learning Resources
Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)
Recommended