View
85
Download
5
Category
Preview:
DESCRIPTION
Theme of La Paz, Tarlac
Citation preview
AWIT NG LA PAZ
(La Paz, Tarlac)
Mula ng isinilang, Ikaw ang kinagisnan
Diwa’y nagkamalay , ikaw rin ang gumabay
Umusbong, umunlad, hinubog ang kamalayan
Oh bayan kong mahal, ikaw rin ang dahilan
Kaya’t mga tao at Pamahalaan
Kapit-bisig sa pagtupad at paghirang
Sa mga proyektong inihahayag
Tungkol sa pag-unlad ng bayang nililiyag
La Paz, Tunay kang hinirang
La Paz, ang Diyos ang naglalang
Talino at lakas ipaglilingkod sa ‘yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal
Bagyo, Baha at ano mang sakuna
Tulong-tulong, sama – sama sa pagbabata
Ating makakamit basta’t magka-isa
Pagsulong, tagumpay ng bayan kong malaya
La Paz, tunay kang hinirang
La Paz, ang Diyos ang naglalang
Talino at lakas ipaglilingkod sa ‘yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal
Hindi mabubuwag, ang bayan ko’y matatag
Pagkat pinatibay ng mga taong tapat
At Diyos na nag-iingat
La Paz, Tunay kang hinirang
La Paz, ang Diyos ang naglalang
Talino at lakas ipaglilingkod sa ’yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal
Talino at lakas ipaglilingkod sa ‘yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal
Posted by: Kasuki Comillas Branch Comillas, La Paz, Tarlac 09203192060
AWIT NG TARLAC
Iba't ibang ugali at gawi
Sa may gitnang Luzon umuuwi
Ang hangaring minimithi
Ay ang pagwawagi
Ang samyo ay tulad sa bulaklak
Busilak ka mahal naming Tarlac
Bayan-baya'y huwaran ng linis
Kandungan mo'y may buhay at tamis
Pugad ka ng may giting at dangal
Luklukan ng mga taong banal
Sa lawak ng iyong pitak
Pag-unlad ay tiyak
Luntiang kulay ng kabukiran
Naghahari ay katahimikan
Sa landas na aming tinatahak
Buhay namin ay kalong mo Tarlac! Posted by: Kasuki Comillas Branch Comillas, La Paz, Tarlac 09203192060
Recommended