BALITA Bilang Sining Ng Paglalahad

Preview:

Citation preview

Ano ang BALITA?Ano ang BALITA?Ang balita ay mahahalagang pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.

Ang mga mamamahayag ay may ganitong kasabihan: kapag ang tao ay nakagat ng aso, hindi ito balita; ngunit kapag ang aso nakagat ng tao, ito ay balita.

Sa ibang pakahulugan, ang balita ay isang pangyayaring hindi pangkaraniwan. Ito ay maaaring tungkol sa mga pangyayaring naganap o nagaganap na bago sa pandinig ng madla.

Iba’t Ibang Uri ng Balita1.Paunang paglalahad

-itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.

2. Tuwirang paglalahad Sa ganitong uri ng

paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliliit na detalye.

3. Balitang bunga ng pakikipanayam

Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4. Kinipil na BalitaAng ganitong uri ng balita

ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.

5. Balitang Pambansa – nagaganap sa bansa.

6. Balitang Pandaigdig – pangyayaring nagaganap sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

7. Balitang Pampulitikal – may kinalaman sa pulitika.

8. Balitang Pampalakasan – may kinalaman sa mga palaro o kumpetisyong pangkalakasan.

9. Balitang Pang-edukasyon – may kinalaman sa edukasyon.

10. Balitang Pantahanan – may kinalaman sa pamamahala sa tahanan.

11. Balitang Pangkabuhayan – may kinalaman sa negosyo o takbo ng kabuhayan sa bansa.

12. Balitang Panlibangan – may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula at tanghalan.

13. Balitang buhat sa talumpati – ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar, panayam o pulong.

Ang isang balita ay maaaring Ang isang balita ay maaaring sumagot sa anim na pahiwatigsumagot sa anim na pahiwatig

1. Ano – itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari.

2. Sino – tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.

3. Bakit – tinatalakay ang sanhi o dahilan ng pangyayari.

4. Paano – itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.

5. Kailan – binabanggit ang petsa.

6. Saan – itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

Kahalagahan ng BalitaKahalagahan ng Balita

1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.

2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.

3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.

4. Nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.

5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.

POP QUIZPOP QUIZ

1.Mahahalagang pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.

a. Balita b. Patimpalakc. Palatuntunand. Pagpupulong

Aaay, mali ang iyong sagot!!

Magaling, tama ka!...

2. Balitang may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula at tanghalan.

a. Balitang Panlibanganb. Bali tang Pampalakasanc. Balitang Pandaigdigd. Tuwirang Balita

Sori, Hindi mo nakuha!

Korek, may tama ka!

3. Itinuturing itong hilaw na balita.

a. Tuwirang Balitab. Paunang Balitac. Balitang Pampalakasand. Balitang Pampulituka

Haynaku, mali pakibasa ulit!

Tumpak, tama ka!

4. May kinalaman sa pangyayaring nagaganap sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

a. Balitang Pantahananb. Balitang Pambansac. Balitang Pandaigdigd. Kinipil na Balita

Aaay, mali ka dyan!

Wow, ang galing mo hah!

5. May kinalaman ito sa mga palaro at kumpetisyong pampalakasan.

a. Paunang Balitab. Balitang Pambansac. Balitang Pandaigdigd. Balitang Pampalakasan

Mali ka tuloy!

Magaling ka…

6. Ito ay buhat sa pinaghandaang okasyon.

a.Tuwirang Balitab. Kinipil na Balitac. Balitang buhat sa Talumpatid. Paunang Balita

Haynaku, mali kah!

Galing mo naman!

7. Ito ang buod ng maliliit na balita na pinagsasama-sama.

a. Balitang Pambansab. Balitang Pang-edukasyon c. Paunang Balitad. Kinipil na Balita

Sori, hindi tama ang sagot mo..

Mahusay, nice one!

8. May kinalaman ito sa mga pangyayaring nagaganap sa larangan ng edukasyon.

a. Balitang Pantahananb. Balitang Pang-edukasyonc. Balitang Pandaigdigd. Balitang Pambansa

Paki basa nga ulit ang tanong..

Magaling, tumpak ang iyong sagot!

9. Mga pangyayaring may kinalaman sa larangan pulitika at mga pulitiko.

a. Balitang Pampulitikalb. Balitang Pambansac. Balitang Pandaigdigd. Balitang Pantahanan

Aaay, mali kah!

Ang husay mo naman…

10. May kinalaman sa wastong pamamahala ng tahanan.

a. Tuwirang Balitab. Kinipil na Balitac. Balitang Pantahanand. Balitang Pang-edukasyon

Haynaku, mali ang sagot mo!

Mahusay, binabati kita…

Maraming Salamat po! at

Magandang Araw

Inihanda ni: Angelica V. Ayson

BSE II – Filipino