View
15
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Kalsada tungo sa Katarungan:
Mga Paraan kung Paanong Nakatutulong sa mga Kapamilya ng mga Biktima
ng Political Killings at Enforced Disappearances ang Pagsali sa mga Kilos-protesta
Bilang Pagkumpleto sa mga Kinakailangan sa Political Science 198
Special Problems in Political Science
Sa Ilalim ng Pamamatnubay ni Dr. Jinky Lu
Departamento ng Agham Panlipunan, Kolehiyo ng Agham at Sining,
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Isinulat ni Allan Paul Bernas Montaño
2006-30257 BA Political Science
30 Marso 2010
Montaño | 1
PANIMULA
Ang Unibersidad ng Pilipinas ay isang pang-akademikong institusyon na sikat sa
pagkakaroon nito ng mga progresibong estudyante. Sinasabi pa nga na hindi na maalis
sa pamantasang ito ang likas na pagiging aktibista ng mga estudyante nito. Simula pa
lamang noong dekada ’30 ay kilala na ang U.P. sa pagbatikos sa maling gawain ng
pamahalaan.
Maraming uri o porma ang aktibismo – mula sa pagdalo sa mga kilos protesta,
pagsusulat at maging sa pagba-blog ay maituturing na aktibismo. Ang aktibismo kasi ay
karaniwang binibigyang kahulugan bilang pagkilos upang sumuporta o sumalungat sa
isang partikular na layunin o cause (Farlex, 2009). Samu’t sari rin ang mga dahilan
kung kaya nagkakaroon ng mga protesta, karaniwan ito ay may kinalaman sa sektor na
kanilang kinabibilangan (Andrain & Apter, 1995).
Isa mga unang tanong na ibinato sa akin ng isang respetadong propesor noong
ako ay nasa unang taon pa lamang ay kung ilang aktibista na daw ba ang namatay sa
ilalim ng rehimeng Arroyo. Hindi ako nakasagot. Hindi ko inakala na sa simpleng tanong
na iyon magmumula ang inspirasyon upang maisulat ko ito.
Hindi maitatanggi na hanggang sa ngayon, matunog pa rin ang salitang
aktibismo at maririnig pa rin sa mga kalye ang sigaw ng mga aktibista. Sa ngayon, isa
sa mga pinakamalakas na sigaw ay ang hiyaw na nananawagan para sa katarungan ng
mga taong pinaniniwalaang pinaslang o dinukot sa hindi pa maipaliwanag na dahilan.
Ito ay ang mga kaso ng enforced disappearances at political o extrajudicial killings.
Sa kabila ng mahaba at matagal nang pakikipaglaban para sa katarungan, bakit
kaya nanatiling malakas ang mga sigaw?
Montaño | 2
Ang mga katanungang ito ay naglalayon na matukoy ang anumang naidudulot ng
pagsali sa kilos-protesta sa konteksto ng mga kapamilya ng mga biktima ng political
killings at enforced disappearances. Layunin ng pag-aaral na ito na maintindihan kung
bakit sa isang sistema na tila hindi pinakikinggan ang boses ng sambayan, patuloy pa
rin ang pagdami ng mga taong sa kalsada naghahanap ng hustisya.
Sa pananaliksik na ito, ang mga sumusunod ang mga magsisilbing gabay na
mga katanungan.
PANGUNAHING KATANUNGAN:
Paano nakatutulong ang pagsali sa mga kilos-potesta sa paghahanap ng hustisya at
para sa mga biktima ng political killings at enforced disappearances?
PANTULONG NA MGA KATANUNGAN:
• Ano ang konkretong naitutulong ng demonstrasyon sa ganitong uri ng mga
kaso?
• Bukod sa (mga) naitutulong ng kilos-protesta sa paghahanap ng katarungan,
may iba pa ba itong naidudulot? [maaring mas personal o tumutukoy sa mga
naitutulong nito sa coping process sa indibidwal na aspekto]
• Malaki ba ang naitutulong ng pagsali sa mga kilos-protesta upang sa huli ay
makamtan ang hustisya?
• Ano ang kasalukuyang sistema ng ating hudikatura? Kinakailangan pa ba
talagang mag-rally bago gumulong ang proseso ng batas?
Montaño | 3
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA
EXTRAJUDICIAL O POLITICAL KILLINGS AT ENFORCED DISAPPEARANCES SA PILIPINAS
Sa taong 2005, naitala ang 150 bilang ng mga taong biktima ng extrajudicial o
political killings (tinatawag ding summary execution), 41 karagdagang kaso ng enforced
disappearances (o abduction) at 52 biktima ng frustrated killings (KARAPATAN, 2005).
Mula sa 150 noong 2005, umabot ito sa 696 noong sumunod na taon (EMPJ, 2006).
Ayon sa Human Rights Report ng Karapatan noong 2005, ang pamamaslang at
pagdukot na ito ay hakbang ng pamahalaan upang takutin at lipulin ang pwersang
makakaliwa. Gayunpaman, sa 150 kaso ng pamamaslang noong 2005, 80 ang
nakumpirmang aktibista ngunit ang nalalabing bilang ay hindi man lamang kabilang sa
anumang aktibistang grupo. Sinasabi na ang hakbang na ito ng pamahalaan ay
naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagagamit sa mga sundalo upang magtatag ng
“de facto rule” sa mga kanayunan. Ang Oplan Bantay Laya ang itinuturong pangunahing
dahilan sa likod ng mga kasong ito. Ang Oplan Bantay Laya ay isang programa ng
Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na may layunin na lipulin ang mga armado at
rebeldeng grupo para sa kapayapaan at seguridad ng bansa (EMPJ, 2006). Ayon sa
Ecumenical Movement for Peace and Justice, ang ganitong hakbang ay malinaw na
paglabag sa karapatan ng isang tao na dumaan sa proseso ng batas. Kahit na ang
isang tao ay aktibista o miyembro ng CPP-NPA o maging ng Abu Sayyaf, hindi ito
dahilan upang agarang paslangin, dukutin o pasakitan ang isang tao – lahat ng ito ay
paglabag sa kanyang karapatang mabuhay at sumailalim sa proseso ng batas (EMPJ,
2006).
Montaño | 4
Sa nasabing sitwasyon, lubos na naalarma ang United Nations na humantong pa
sa pagpapadala ng isang Special Rapporteur na si Philip Alston upang mag-imbestiga
noong 2007 (StopTheKillings, 2007). Kasunod ng ulat na ito ni Alston, agad na lumikha
isandaang special courts ang Korte Suprema na ekslusibong tatalakay at reresolba sa
mga kaso ng political killings at enforced disappearances (Reuters News, 2007).
AKTIBISMO: KAHULUGAN AT ANG IBA’T IBANG PORMA NITO
Ang aktibismo ay karaniwang binibigyang kahulugan bilang pagkilos upang
sumuporta o sumalungat sa isang partikular na layunin o cause (Farlex, 2009). Ang
mga tao ay karaniwang nakikilahok sa iba’t ibang porma ng aktibismo sa paniniwala na
isa itong epektibong stratehiya upang maipanawagan ang nais nila at sa paniniwalang
matutugunan ito (Bailey Jr., 1974).
Ang aktibismo ay mayroong maraming porma. Ilan sa mga ito ang paggamit ng
panulat, demonstrasyon, blogging, mga strikes hanggang sa mga guerrilla tactics. Ang
paggamit sa panulat ay maaring sa iba’t ibang paraan: pwede itong pagsulat sa mga
pulitiko upang iparating ang mga hinaing o reklamo; maaari ring pagsulat ng liham sa
dyaryo; at kung isang manunulat, maaaring activist journalism at literature (Wikipedia).
Ang activist journalism ay karaniwang may layuning magbigay-alam sa publiko kung
anu-ano ang mga mahahalagang isyung kanilang kinakaharap at kung bakit kailangan
nilang sumoporta o sumalungat sa nasabing isyu (Anderberg, 2006). Ang blogging
naman ay bahagi ng mas malawak na porma ng aktibismo na tinatawag na
cyberactivism, kung saan ginagamit ang Internet upang maipahayag ang saloobin sa
isang isyu, makapagbigay ng dagdag at mas malawak na kaalaman sa iba, at maaaring
may layuning manghikayat (Networked Publics, 2008). Ang strike naman ay
Montaño | 5
boluntaryong paghinto sa trabaho upang magpakita ng pagpoprotesta at kadalasan ay
naaayos sa pamamagitan ng pagsailalim sa isang negosasyon na tinatawag na
bargaining. (Simon Fraser University, n.d.). Ang demonstrasyon ay ang pagsasama-
sama nang malaking bilang ng mga taong pinaniniwalaang may magkakaugnay na
ipinaglalaban upang magmobilisa sa lansangan, ipakita ang kanilang hindi pagsang-
ayon at makinig sa ilang tagapagsalita (Wikipedia). Kilala sa mga tawag na kilos-
protesta o street protest at mobilisasyon ang demonstrasyon Ang paggamit naman ng
guerilla tactics ay unang nakilala sa Tsina sa pamumuno ni Mao Zedong kung saan
nag-organisa siya ng isang National Liberation Front na may layuning lumaban sa
estado gamit ang mga armas (Simkin, n.d).
Samu’t sari rin ang mga dahilan kung kaya nagkakaroon ng mga protesta,
karaniwan ito ay may kinalaman sa sektor na kanilang kinabibilangan: ang mga nasa
strike gaya ng mga unyon ay ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa maayos na
kondisyon habang nasa trabaho, mas makatuwirang sahod at mga benepisyo; ang mga
pesante naman ay nakikipaglaban para sa kanilang lupa; ang mga maralitang taga-
lunsod naman ay kumikilos para sa mas mababang presyo ng makakain at mga
pangunahing pangangailangan; ang mga national liberation movement ay lumalaban sa
imperyalismo; ang mga pangkat-etniko para sa mas malawak na representasyon sa
pamahalaan; ang mga relihiyosong sektor para sa mas malinis na pamamalakad ng
gobyerno; ang mga grupong pangkapayapaan na tumutuligsa sa arms race; ang mga
ecological movement para sa pangangalaga sa kalikasan at ang mga organisadong
kababaihan na nais baguhin ang patriarkal na lipunan (Andrain & Apter, 1995).
Montaño | 6
AKTIBISMO SA PILIPINAS AT SA IBA PANG PANIG NG DAIGDIG
Sa iba’t ibang bansa, iba-iba rin ang porma ng aktibismo na mas popular.
Masasabi na sa lahat ng mga bansa ay mayroong maraming porma ng aktibismo,
ngunit ilan lamang dito ang popular o higit na nilalahukan ng mas maraming tao. Sa
Europa, naging malawak ang strikes partikular noong panahon ng Industrial Revolution
(Mukyr, n.d.). Sa mga bansa naman sa Asya, naging popular din ang mga mass
movements sa lansangan mula noon hanggang ngayon. Sa Asya rin laganap noon ang
activist writing gaya ng kay Mao Tse Tung (Raskin, 2009). Sa India naman, sa
pamumuno ni Mahatma Gandhi, nagkaroon at sinuportahan ang civil disobedience
(Kamat, 2005).
Sa Pilipinas, ipinapalagay na nagsimula ang student activism noong panahon pa
ng pananakop ng mga Kastila. Isang mahalagang patunay dito ay ang mga akda nila
Jose Rizal tulad ng Noli me Tangere at El Filibusterismo. Kumalat noon ang
pagpapahayag ng pagsalungat sa pamahalaang Kastila gamit ang panulat, hanggang
unti-unting natipon ang mga tao upang magkaroon ng himagsikan. Ganoon din ang
mga kaganapan noong 1930’s hanggang 1950’s kung kailan nagkaroon ng mga
malawakang demonstrasyon ang mga mag-aaral laban sa pamahalaang Amerikano
(Romulo, 1966).
AKTIBISMO: SA INDIBIDWAL NA PERSPEKTIBO
Sa pag-aaral ng collective behavior, mahalagang matalakay kung bakit
nakikilahok ang mga tao sa isang protesta (Lofland, 1993).
Sa isang pag-aaral tungkol sa aktibismo sa lebel ng isang indibidwal (Knight,
2007), sinasabi na mayroong sikolohikal na salik na nakakaimpluwensya sa isang tao,
Montaño | 7
gaya ng emosyon, partikular ang galit kung kaya’t ito ay nakikisali sa mga aktibistang
grupo. .Ayon sa isang pag-aaral, (Bailey Jr., 1974) naniniwala ang mga aktibista na
kung ang mga katulad nila na hindi kuntento sa takbo o lagay ng isang isyu ay
magkakaisa, magiging matagumpay sila at mangingibabaw ang kagustuhan nila. May
mga nagsasabi na kaya demonstrasyon ang napili nilang porma ng aktibismo ay dahil
mas marami ang maaring makilahok dito – iyon bang kapag mas marami, mas malakas
ang pwersa, mas magiging madali ang pakikipaglaban o iyong logic in numbers
(Donatella Della Porta, 2000). Mas madali ring nahihikayat ang isang tao na sumali sa
isang demonstrasyon sa lansangan kapag ang isyu o ang paksa ay may malaking
epekto sa kanya o sa kanyang kabuhayan, halimbawa ay noong nagkaroon ng pagtutol
sa nuclear testing sa bansang France (Donatella Della Porta, 2000).
Ayon sa mga datos na ito, lumalabas na malaki ang papel na ginagampanan ng
uri o sektor na kinabibilangan ng isang tao sa pagsali nito sa mga demonstrayon o
kilos-protesta. Isa sa pinakamahalagang salik sa pagsali ng isang tao sa isang kilos-
protesta ay ang kanyang karanasan. Bukod sa personal na karanasan, isang
mahalagang salik din ang isyu – kung aling isyu ang mas nakakaapekto o mas malapit
sa kanyang karanasan, ang isyung iyon ang kanilang bibigyang-pansin. Sa pagpili
naman ng porma ng protesta, madalas na demonstrasyon ang pinipili dahil anumang
sektor ng lipunan ay madali itong maisasagawa. Hindi rin magiging mahirap ang
manghikayat ng mga taong may iisang karanasan at pagtingin sa isyu.
Montaño | 8
ANALITIKONG BALANGKAS
Ang aktibismo sa anumang uri o porma nito ay naglalayon ng pagbabago
[maaaring panlipunan, pulitikal, ekonomiko, o pangkalikasan.] (Wikipedia) Ang
anumang uri ng aktibismo ay nagpapamalas ng paniniwala na ang isa ay may
magagawa at may dapat gawin para magkaroon ng pagbabago.
Ang political consciousness ng isang tao ay may kaugnayan sa sektor ng lipunan
na kanyang kinabibilangan. Kung anong isyu o paksa may higit na kaugnayan at
kamulatan ang isang tao, sa isyung ito rin siya aktibong makikilahok. Kung paano
binibigyang kahalagahan ng isang tao ang isang isyu ay depende sa sektor na kanyang
kinabibilangan. Samakatuwid, ang isang isyu any nagiging mahalaga sa kanya kung ito
ay may direktang epekto sa sektor na kinabibilangan niya.
Ang pakikilahok o participation naman sa isang protesta ay maaaring masukat
base sa oras, gawain at pinansyal na tulong na ibinibigay ng isang indibidwal sa
kilusang kinabibilangan niya (Orum, 1993). Gamit ang Causal Model of the Antecedents
of Participation (Orum, 1993), may mga iba’t ibang dahilan kaya lumalahok ang isang
indibidwal sa isang protesta. Una ay ang paraan ng sosyalisasyon. Sa dahilang ito,
sumasali sa protesta ang isang tao kung ang kanilang values ay malapit sa nais
makamit ng isang kilusan o kung ang mga kakilala at kaibigan niya ay nauna ng
nakilahok sa kilusang ito. Maaari ring maging dahilan ang deprivation. Sa ganitong
paraan, naniniwala ang isang indibidwal na siya ay relatively deprived kung ikukumpara
sa ibang tao na nasa mas mataas na social class. Pangatlo naman ay ang political
efficacy o gaya ng nasaad sa itaas ay ang paniniwala na ang gagawin nilang protesta
ay mahalaga at magbubunga ng magagandang epekto at pagbabago.
Mon
taño
| 9
May
roon
g pa
re-p
areh
ong
kara
nasa
n, n
aape
ktuh
an n
g iis
ang
isyu
[p
olit
ical
consc
iousn
ess]
N
anin
iwal
a na
sa
pam
amag
itan
ng k
anila
ng p
agki
los
at
pagk
akai
sa, m
agka
karo
on n
g ka
taru
ngan
[p
olit
ical
effic
acy
at p
artici
pat
ion]
Mga
kap
amily
a ng
mga
bik
tima
ng p
oliti
cal
killi
ngs
at e
nfor
ced
disa
ppea
ranc
es
Akt
ibis
mo, p
artiku
lar an
g p
agsa
li sa
kilo
s-pro
test
a ng m
ga
kapam
ilya
ng m
ga
bik
tim
a ng p
olit
ical
kill
ings
at e
nfo
rced
dis
appea
rance
s
CO
LLE
CTIV
E A
CTIO
N s
a pa
mam
agita
n ng
dem
onst
rasy
on o
kilo
s-pr
otes
ta
Bila
ng p
agtu
gon
sa
patu
loy
na d
umar
amin
g bi
lang
ng
polit
ical
ki
lling
s at
enf
orce
d di
saap
eara
nces
Bila
ng p
rote
sta
sa m
abag
al n
a pr
oses
o ng
bat
as
Kat
arungan
par
a sa
kan
ilang m
ga
kaan
ak
May
roon
g pa
re-p
areh
ong
kara
nasa
n, n
aape
ktuh
an n
g iis
ang
isyu
[p
olit
ical
consc
iousn
ess]
N
anin
iwal
a na
sa
pam
amag
itan
ng k
anila
ng p
agki
los
at
pagk
akai
sa, m
agka
karo
on n
g ka
taru
ngan
[p
olit
ical
effic
acy
at p
artici
pat
ion]
Mga
kap
amily
a ng
mga
bik
tima
ng p
oliti
cal
killi
ngs
at e
nfor
ced
disa
ppea
ranc
es
Montaño| 10
PAMAMARAAN NG PAGKUHA NG MGA DATOS
Ang pananaliksik tungkol sa mga paraan kung paanong nakatutulong
sa mga kapamilya ng mga biktima ng political killings at enforced disappearances
ang pagsali sa mga kilos-protesta ay isang basic research na may layuning
makapag-dagdag ng bagong kaalaman sa mga pag-aaral sa aktibismo.
Sa kabuuan ng pag-aaral, gumamit ang mananaliksik ng qualitative approach,
partikular na ang penomolohiya – isang approach na binibigyang-diin ang mga
personal na karanasan ng mga tao at kung paano tinitignan at naiintindihan ng iba’t
ibang tao ang kapaligirang kinabibilangan nila (Trochim, 2006).
Ang disenyo ng pananaliksik at paraan ng pagkuha ng pangunahing datos ay
field work, na ayon kay Bechhofer at Paterson (Principles of Research Design in the
Social Sciences, 2000), ay maaring mula sa simpleng obserbasyon, obserbasyon na
may halong partisipasyon, o partisipasyon lamang.
Ang sampling method na angkop para sa pananaliksik na ito ay purposeful
sampling na kung saan ang mananaliksik ay p ng information-rich cases. Ang
partikular na gagamiting purposeful sampling method ay ang homogenous sampling,
kung saan ang mananaliksik ay pipili ng isang maliit na grupo at saka ito aaralin sa
mas malalim pang paraan (Patton, 1990)
Sa mga kilos-protesta para sa mga kaso ng political killings at enforced
disappearances, mahalaga na linawin natin na mayroong dalawang uri ng
populasyon – ang populasyon ng mga biktima o iyon mismong may kapamilyang
namatay o pahanggang ngayon ay nawawala; at ang populasyon ng mga taga-
suporta, o iyong bagamat hindi direktang nakaranas ng alinman sa pagkamatay o
pagkawala ng kapamilya ay nakikilahok pa rin sa nasabing protesta bilang suporta at
pagpapakita ng pakikiisa. Ang populasyon na inaral lamang ng pagsasaliksik na ito
Montaño| 11
ay ang ang populasyon ng mga kapamilya ng mga biktima na sumasali rin sa mga
kilos-protesta.
Pagkalap ng inisyal na impormasyon
Sa pamamagitan ng participant-observation at informal unstructured
interview, nilayon ng mananaliksik na lumahok sa ilang demonstrasyon na
nagsusulong ng hustisya para sa mga biktima ng political killings at forced
disappearances. Doon ay inalam ng mananaliksik kung kagaano kalawak ang
partisipasyon nga mga kapamilya ng mga biktima sa mga kilos-protesta.
Para sa target na populasyon
Gumamit ang mananaliksik ng qualitative interviewing (Patton, 1990) kung
saan binigyang-pansin ng mananaliksik hindi lang ang sagot sa mga tanong, kundi
pati ang wikang ginagamit, paraan ng pagsagot, mga kilos at galaw at maging
pananahimik ng respondent. Partikular na ginamit ang unstructured interviewing
(Bechhofer & Paterson, 2000), kung saan may direktang interaksyon sa pagitan ng
mananaliksik at respondent. Sa paraang ito, may inihandang panimulang tanong ang
mananaliksik ngunit malayang nakadaloy ang usapan. Ang panayam na ito ay
ginamit upang magkaroon ng kaalaman ang mananaliksik sa kamulatan ng
respondent sa nasabing isyu, at upang masagot ang mga katanungan na makikita
sa simula ng pag-aaral na ito. Mayroong target na limang respondent para sa para
rito.
Bukod pa rito, nagsagawa rin ng mga Key-Informant Interview (KII) sa
mga piling personalidad na sa tingin ng mananaliksik ay maroong kakayahang
makapagbahagi ng mahalagang impormasyon sa pakasang pinag-aaralan base na
Montaño| 12
rin sa lawak ng karanasan nito at ng kadalubhasaan niya. Ang KII ay para sa mga
propesor ng political behavior o social movements. Upang higit na mapakinabangan
ng mananaliksik ang KII, at maging malaya ang daloy ng usapan, hanggat maari ay
hindi hihigit sa limang open-ended questions ang ginamit. Sa kabuuan, may 2
eksperto ang nakapanayam.
Initial Data Set Pagkukunan Pamamaraan
Kamulatan sa isyu ng political killings at forced disappearances
Pag-alam sa antas ng kanilang political consciousness, efficacy at participation
Mga respondent sa lalahukang kilos-protesta
Participant-observation
Informal, unstructured interview
Dahilan ng pagsali sa mga demonstrasyon
Personal na karanasan
Mga naitutulong ng pagsali sa mga kilos-protesta
Mga direktang naapektuhan ng isyu [mga kapamilya ng mga biktima]
Unstructured qualitative interview
Montaño| 13
PAMAMARAAN NG PAGSUSURI SA NAKUHANG DATOS
Ang mga field note na nakuha gamit ang participant-observation ay inilagay
sa isang envelope kung saan nakalagay ang petsa, lugar at iba pang detalye ng
nilahukang kilos-protesta kung saan isinagawa ang obserbasyon. Sa pamamagitan
ng field notes, naitala kung gaano kalawak ang partisipasyon ng target na
populasyon at nailarawan ang antas ng kanilang political consciousness, efficacy at
participation. Ang field notes mula sa observasyon ay ginamit bilang inisyal na
impormasyon at bilang paglalarawan sa sitwasyon.
Ang lahat naman ng uri ng panayam – KII, FGD, at pati unstructured interview
ay mahalagang nai-rekord sa isang voice tape at dagling nagawan ng verbatim
transcription. Dahil qualitative interviewing ang ginamit na paraan, naitala rin ang
mga kilos ng mga respondent, base sa mga field note habang isinasagawa ang
panayam o introspection (Patton, 1990). Ang mga trakskripsyon ay inayos batay sa
paraang ginamit, at inilagay sa isang envelope kung saan naroon lahat ng
impormasyon na ginamitan ng pare-parehong paraan. Mayroong tatlong kopya ng
bawat transkripsyon at field notes, bukod pa sa mga soft copy sa kompyuter at
electronic mail.
Sa pagsusuri ng mga impormasyong nakalap, ginamit ang Coding-Memoing-
Pulling Together technique (Trochim, 2006). Ang coding ay binubuo ng dalawang
yugto – open coding o ang inisyal na pagbabasa kasama lahat ng maliliit na detalye;
at sumunod ang selective coding kung saan unti-unting lumikha ang mananaliksik ng
mga kategorya at doon isa-isang pinagsama ang mga detalye. Sa memoing naman,
naglagay ng mga marginal notes at personal na komento ang mananaliksik sa mga
transkripsyon at field notes base na rin sa mga emerging theme sa mga ito. Ang
huling yugto ay ang pulling together o integration kung saan ang mga detalye na
Montaño| 14
nailagay sa isang kategorya ay ginamit upang bumuo ng isang teorya base na rin sa
mga emerging themes na lumabas.
ETIKA
Sa pagsasaliksik na ito, kinikilala ng mananaliksik na may ilang isyung-etikal
na dapat isaalang-alang.
Una, maaring malaking abala ang mga isasagawang panayam sa mga
propesor na kakapanayamin lalo pa at mayroon silang skedyul na mahigpit na
sinusunod araw-araw. Sa bahagi ng mga aktibista, maari na hindi sila agad
magbigay ng impormasyon, halimbawa kung paano at bakit sila sumali sa isang
kilos-protesta. Sa mga biktima, magiging sensitibong usapin ang kanilang personal
na karanasan, lalo na sa bahagi ng pagtatanong tungkol sa kapamilya nilang
pinaslang o hanggang sa ngayon ay nawawala.
Dahil sa mga nabanggit, marapat lamang na ang mananaliksik ay
makapagtakda ng panayam sa mga respondent sa oras na pinakakomportable sa
kanilang skedyul. Sisiguraduhin din ng mananaliksik na lahat ng identidad at mga
pag-uusapan ay hangga’t maaari, papanatilihing sikreto sa abot ng kanyang
makakaya. Sisiguraduhin din ng mananaliksik na lahat ng datos, transkripsyon, o
kung mayroon man, mga video recordings ay itatago sa ligtas na lugar kung saan
ang mananaliksik lamang ang may access.
Ang lahat ng ito at marami pang iba ay dapat na matalakay sa Free and Prior
Informed Consent Letter (FPIC). (Tignan ang Apendiks) Ang mga tao lamang na
sasang-ayon na maging bahagi ng pananaliksik ang kakapanayamin, at depende sa
kanilang pagsang-ayon kung ito ay voice o video recorded.
Montaño| 15
PRESENTASYON NG MGA NAKUHANG DATOS
INISYAL NA DATOS
Ninais ng mananaliksik na gumamit ng participant-observation o fieldwork
para sa pagkuha ng inisyal na datos (lawak ng partisipasyon ng mga kaanak ng mga
biktima ng political killings at enforced disappearances sa mga kilos-protesta) sa
pananaliksik. Ngunit kinalaunan, hindi na kinailangan pa ng inisyal na datos dahil sa
mga sumusunod:
1. Sa panahon ng pangangalap ng datos, walang kilos-protesta na nadaluhan
ang mananaliksik.
2. Upang magkaroon ng inisyal na impormasyon kung gaano kalawak ang
partisipasyon ng mga kaanak ng ng mga biktima ng political killings at
enforced disappearances sa mga kilos-protesta, minabuti ng mananaliksik na
sumangguni sa KARAPATAN. Sa pagtatanung-tanong, nalaman ng
mananaliksik na mayroong mga tinatawag na victims’ organization – o mga
organisasyong ang mga miyembro ay mismong mga kaanak ng mga biktima.
Ilan sa mga ito ang DESAPARECIDOS at HUSTISYA. Sa pamamagitan ng
mga organisasyong ito, inalam ng mananaliksik kung gaano kalawak ang
partisipasyon ng target na populasyon sa mga kilos-protesta.
MULA SA UNSTRUCTURED, QUALITATIVE INTERVIEW
Sa kabuuan, nakapanayam ng tatlong respondents na mga kapamilya ng
mga biktima ng mga political killings at enforced disappearances. Sila ay nagmula sa
iba’t ibang organisasyon – isang nanay na nawalan ng anak mula sa HUSTISYA
[Respondent #1]; isang anak na nawalan ng ama mula sa DESAPARECIDOS
Montaño| 16
[Respondent #2];; at isang anak na nawalan naman ng ina mula sa KARAPATAN
[Respondent #3].
Ang panayam sa respondent mula sa KARAPATAN ay hindi personal. Ito ay
naisagawa sa pamamagitan ng pagsagot ng respondent sa mga tanong ng
mananaliksik gamit ang electronic mail.
• Dahilan ng Political Killings at Forced Disappearances
Ang patuloy na paglobo ng kaso ng mga political o extrajudicial killings at
forced disappearance ay epekto ng tinatawag na all-out war ng pamahalaan laban
sa mga rebeldeng grupo na pinaniniwalaan ng pamahalaan na tangka sa
pambansang seguridad. Ang Communist Party of the Philippines – National Peoples’
Army (CPP-NPA) ang sinasabing isa sa mga pangunahing subject ng all-out war na
ito na mas kilala sa pangalan na Oplan Bantay Laya.
Ayon sa KARAPATAN, ang Armed Forces of the Philippines o AFP ang
pangunahing instrumento sa pagpapatupad ng Oplan Bantay Laya. Ayon sa pag-
aaral ng KARAPATAN, ang mga biktima ng political o extrajudicial killings at forced
disappearances ay karaniwang mga magsasaka, mga estudyante o mga lider ng
mga manggagawa na bagamat hindi napatunayang miyembro ng NPA o ng
anumang rebeldeng grupo ay dinukot at walang-awang pinaslang.
• Sistema ng hustisya sa Pilipinas
Mabagal at karaniwang umaabot ng matagal na panahon. Ganyan ang
paglalarawan ng mga biktima ng political o extrajudicial killings at forced
disappearances sa sistema ng hudikatura sa bansa. Gayunpaman, naniniwala ang
mga aktibista na mahalaga pa rin ang papel na ginagampanan ng due process
upang makamit ang hustisya.
Montaño| 17
• Pagsali sa mga Kilos Protesta
Ayon kay Hernandez, ang personal na karanasan ay isang dahilan kung bakit
ang isang tao ay sumasali sa isang kilos-protesta.
Para sa mga biktima ng political o extrajudicial killings at enforced
disappearances, ang pagsali sa mga kilos-protesta ay ang kabilang mukha ng
paghahanap nila ng hustisya. Bagamat nakapagsampa na sila ng kaso sa hukuman,
ang pagsali sa mga demonstrasyon ay bahagi ng isang malaking proseso ng
pakikibaka (Santos, 2010).
Ang pagsali sa at patuloy na kilos-protesta ay nagbibigay ng pressure sa
pamahalaan na sumagot at panagutan ang mga akusasyon. Ayon kay Santos, mas
maraming kilos-protesta, mas malakas na sigaw ang malilikha. Sa pagkakaroon ng
patuloy na social unrest, nagiging mulat ang sambayan na mayroong masamang
gawain ang pamahalaan. Ang pagsali sa kilos-protesta ay nagsisilbing mekanismo
upang mairehistro sa media, sa taumbayan at sa pamahalaan na may matinding
pagtutol mula sa nagkakaisang sektor ng lipunan laban sa programa nitong Oplan
Bantay Laya. Mahalaga rin na masabi na sa pagsali sa mga ganitong uri ng protesta,
namumulat ang mga kapamilya na hindi lamang sila ang biktima, ang pagsali pa nga
sa protesta ang nagsisilbing coping mechanism.
Montaño| 18
BUOD NG NAKUHANG DATOS AT PAGSUSURI SA MGA ITO:
RESPONDENT # 1: MULA SA HUSTISYA
Data set Direktang pahayag Pagsususri Kahulugan ng Aktibismo “ibig sabihin nun ay nagiging
enthusiast ka doon sa iyong pananaw o sa specific or sa advocacy”
Aktibismo bilang paraan ng pagpapakita ng kagustuhang sumuporta sa isang isyu
Personal na karanasan bilang dahilan ng pagsali sa isang grupo [HUSTISYA]
“Noong mamatay yung anak ko ng 2002.. victims’ organization talaga ito. Kaya nga ito nabuo dahil nga sa andami ng biktima ng extrajudicial killings.” “So, hanggang pinag-isipan at nagkatipun-tipon ang mga pamilya na kailangan magbuo talaga ng isang organisasyon na magbibigay ng lakas para may boses itong organisasyon na ito – at ito nga ang Hustisya..” “kung hindi ko siguro naranasan na mawalang ng isang anak na panganay, siguro nga hindi ko maranasan at hindi mabuksan ang aking pag-iisip. Hindi ako makikialam. Hindi ako makikisali at hindi ko intindihin at hindi ko maiintindihan ang kinalalagyan pala natin na pamahalaan ay walang kasing bulok at patuloy na nabubulok pala ang sistema ng ating gobyerno.”
Patunay na ang mga taong may pare-parehong pananaw sa isang isyu, may magkakatulad na karanasan ay naniniwala na may magagawa sila sa pamamagitan ng collective action.
Dahilan ng patuloy na pagtaas ng bilang ng political killings at enforced disappearances
“doon na namin nalaman at naprove talaga na meron nga pala talagang OBL.”
Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Hukbong Sandatahan ang dapat na managot sa mga kasong ito.
Layunin ng pagsali “kagaya ko kaya ako nagpunta dito dahil hinahanap ko yung Hustisya dahil ang anak kong panganay ay noong 2002 ay pinaslang”
Paniniwala na ang layunin na mabigyang katarungan ang pagkamatay ng kanyang anak ay mas maaabot sa pamamagitan ng pagsali sa grupo o collective action
Montaño| 19
Dahilan ng patuloy na pagsali sa kilos-protesta
“nagfile agad ako dito mismo sa DOJ. Kahit sa Davao nangyari yun, sa North Cotabato, Minadanao. Kahit doon nangyari ay dito nagfile sa DOJ, at pagkatapos nun, alam ko kung gaano katagal ang dapat kong hintayin para dito sa kaso. Kaya handing-handa ako tumakbo man ito ng 6 to 8 to 10 years” “Ginawa na namin lahat ng paraan – lalong lalo na yung magbantay sa mga korte. Ngunit hindi sapat yun. Wag na wag kaming umasa doon. Kaya patuloy ang pakikibaka at pagmamartsa patuloy ang pagsali sa kilos protesta” “Ang pagsali sa mga kilos protesta ay hindi lang isang isyu ng EJK, forced disappearances, kundi sa kabuuan ay ang hanggat ang ating estado at pamahalaan ay hindi nagsusulong para sa interes ng mga mamamayan kundi para sa interes ng iilan at para lang pagtakpan at para lang sila manatili s akanilang pwesto, patuloy at magpapatuloy..”
Ang mabagal na proseso ng batas ay isang dahilan kung bakit patuloy na sumasali sa kilos-protesta Paniniwala na kahit hindi nagiging matagumpay ang kilos-protesta sa pagkamit ng mga ipinaglalaban nito, hindi ito dahilan upang tumigil – sa halip, isa pa nga itong dahilan para ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mas marami at mas malakas na kilos-protesta. Manipestasyon ng logic in numbers.
Paglalarawan sa sistema ng hudikatura sa bansa
“hindi naman talaga natin maipagkaila yan na talagang justice delayed is justice denied. Totoo naman talaga yun eh. Eh yun nga yung sa Vizconde massacre, 8 years bago nahatulan.”
Paniniwala na ang proseso sa Pilipinas, sa anumang kaso, ay sadya at likas na mabagal at matagal.
Pagpapahalaga sa kilos-protesta bilang katumbas ng paghahain ng kaso sa mga korte
“kaakibat naman ng mga pagkilos ay hindi lang dinadaan sa pagsisigaw sa kalsada. Ito ay sinabayan rin namin ng legal na proseso, kagaya ng pagpa-file ng mga kaso sa korte kaya magkasabay-sabay yan sila. Kaya maging malakas. Nagfile
Paniniwala na ang pagkamit sa hustisya ay sa pamamagitan ng sabay na legal na aksyon at patuloy na pagsali sa kilos-protesta. Ipinapakita rin na sa kabila ng pagiging inepisyente ng justice system, may tiwala pa rin siya dito.
Montaño| 20
tayo ng kaso sa mga korte, sa Supreme Court o kung saan saan mang mga RTC, Regional Trial Courts, katumbas din nito ang pagrarally sa lansangan.”
Epekto ng patuloy na demonstrasyon
• Lumilikha ng pressure
• Lumilikha ng hindi magandang imahe sa ibang bansa
“hindi lang din kami umaasa doon sa pagrarally para makapagpressure dito sa ating pamahalaan ni GMA. malaking bagay yon pag nakita ng pamahalaan na parami ng parami, hindi pakunti, ang mga sumasama. Kaya mayroong social unrest di ba” “hindi ito maganda tignan sa ibang bansa, kung ang pamahalaan ay lagi lagi na lang nakikita ang protest. Hindi ito nakakataas ng morale sa bansa natin. Rather, ito ay nakakabahala at nakakababa ng morale.”
Ang patuloy na pagdami ng mga sumasali sa kilos-protesta, kahit gaano pa ito ipagwalang-kibo ng pamahalaan, ay patunay lamang na may hindi sinasang-ayunan ang mga mamamayan sa mga bagay na ipinapatupad ng pamahalaan. Sa pananaw ng international community, ang patuloy na pagdami ng mga protesta ay nangangahulugan lamang na may mali sa pamamalakad ng ating pamahalaan. Sa ganitong paraan, ang rehimen ay nagkakaroon ng hindi magandang imahe sa daigdig.
RESPONDENT # 2: MULA SA DESAPARECIDOS
Data set Direktang pahayag Analysis Kahulugan ng Aktibismo “Pagiging mulat sa nangyayari
sa lipunan at nagiging analytical ka sa mga kaganapan at dapat may pagkilos, collective na pagkilos”
Pagpapahalaga sa collective action – hindi sapat ang political consciousness at efficacy kung hindi sasamahan ng political participation.
Dahilan ng Pagsali
• Personal na karanasan
• Impluwensya ng pamilya
• Impluwensya ng kapaligiran [paaralan]
“anak ako ni ___ _______, na dinukot noong February 19, 2007. “yung mga magulang ko kasi sa panahon ng Martial Law, mga aktibista na sila” “naakit ako sa ganoong lifestyle. Noong una ayoko pa,
Bukod sa personal na karanasan, may papel na ginagampanan sa proseso ng pagmumulat ang mga institusyong kinabibilangan ng isang indibidwal katulad ng pamilya at unibersidad.
Montaño| 21
pero nung napapaliwanagan na nila ko sa mga nangyayari sa lipunan, sumali ako sa org, bago pa mawala si tatay, aktibista na ko nun”
Dahilan ng patuloy na pagtaas ng bilang ng political killings at enforced disappearances
“itong Oplan Freedom Watch ang nagbigay ng free ticket sa mga militar kanila na patayin o dukutin itong mga aktibistang to”
Sa pamamagitan ng Oplan Bantay Laya o Oplan Freedom Watch, naging agresibo ang mga militar na masupil ang mga “rebeldeng armadong grupo”. Sa paggamit ng militar, hindi nasusunod ang due process at malinaw na nalalabag ang mga karapatang-pantao.
Layunin ng patuloy na pagsali sa kilos-protesta sa kabila ng pagwawalang-kibo ng pamahalaan
“isa pa dyan sa layunin mo, pag na-engage mo yung gobyerno na sumagot” “mayroon yang maximum gain at minimum gain. Sa maximum gain talagang ang layunin mo ay hustisya – pero hindi ka aasa na ibibigay nila sa iyo yun agad. Pero habang patuloy kang nag-iingay, patuloy na lumalaki ang mga kilos-protesta at nakaka-gain ka ng support sa international community and other organizations, the more kailangang sumagot ng gobyerno. Mayroon kang moral ground na singilin ang gobyerno. Hindi ko na makukuha ang tatay ko, pero dahil sa pag-iingay, masisingil natin yung giobyerno, the more na naeenlighten yung mga tao na hindi tama yung nangyayari.” “pag patuloy kang lumalaban, that would mean na malalaman ng gobyerno na hindi okay yung ginagawa nila.” “iba-iba yan eh, depende sa isyu.. may mga panahon na sasagutin ng gobyerno na
Ang patuloy na pagpoprotesta ay isang paraan upang maiparating sa pamahalaan ang pagkundena sa mga mali nilang ginagawa. Bagamat naniniwala na matagal pa bago makamit ang hustisya, hindi ito dahilan upang tumigil sa laban. Sa halip, lalong nagkakaroon ng pressure sa pamahalaan na sumagot. At habang ipinagpapatuloy ang mga protesta, mas maraming tao ang nabibigyang-kaalaman.
Montaño| 22
‘hindi, hindi totoo yun’, may panahon na hindi nila sasagutin, pero ididisperse nya, kapag malaking malaki yung protesta, napapaatras sya.” “oo naman, lumlikha ng effective pressure ang pagrarally. Expression mo yan eh The more number you have, the louder you are, the more effective you are
International struggle bilang katumbas ng patuloy na kilos-protesta
“ano, uhm, international struggle, kasi yung international support, magfile ka ng complaint sa UN, sa mga tribunal bodies.”
Taliwas sa sagot ni Respondent # 1, hindi tinignan ni Respondent # 2 ang legal na aksyon sa bansa bilang katumbas o katuwang ng kilos-protesta. Sa halip, nakikita nya na ang international community at ang mga international courts ay may malaking maitutulong sa pagkamit ng kataru ngan.
Paglalarawan sa sistema ng hudikatura sa bansa at paniniwala rito
“basically, yung judicial system naman binuo yan sa framework ng US, it will serve to the interest of the upper class..” “ang gain lang niya eh mapuput in to record.” “lumalaban pa rin naman kami sa korte eh, pero sa amin, hindi kami aasa na makukuha namin yung justice through the judicial system unless iba na yung gobyerno..”
Manipestasyon ng maliit na tiwala at kawalan ng kumpyansa sa kasalukuyang pamahalaan at sa kasalukuyang sistema ng hudikatura.
Naitutulong ng patuloy na demonstrasyon
“isa syang malaking bahagi ng pakikibaka para sa paghahanap ng katarungan” “nairerehistro mo kasi yung panawagan mo.. nareregister mo sa madla, sa media at maging sa government ang
Tinitignan ang katarungan bilang malayo ngunit “attainable”goal. Bukod sa personal na laban para sa katarungan, dahil sa patuloy na demonstrasyon, namumulat ang maraming tao.
Montaño| 23
protest mo sa mga nangyayari, naipapakita mo sa madla na mayroong ganitong pangyayari. In a way, nakukuha mo yung sympathy..” “isa pa isang healing process sa aming mga victim, healing process din sya kasi nakikita namin na hindi lang kami, hindi lang kami yung nandoon
Sa indibidwal na lebel, may emosyonal na benepisyo ang kilos-protesta. Nakikita ito bilang isang political na support group – isang pangkat ng mga tao na sa proseso ng paghahanap ng katarungan ay nakakakita ng paraan upang unti-unting matulungan ang sarili na kayanin ang hamon na kanilang kinakaharap.
RESPONDENT # 3: MULA SA KARAPATAN
Data set Direktang pahayag Analysis Kahulugan ng Aktibismo “Pagkilos upang labanan ang
isang naghahari o nagdodominang kaisipan. Kaya nga may pag-aaklas, kaya may aktibismo, kase may panunupil.” “kung wala namang nagagawang pagkilos. armchair activism sabi nga. para ka lang nakikipaglaban, pero para kanino ung ipinaglalaban mo? hindi lang ito usapin kung nauunawaan mo nga ang isang isyu.”
Paniniwala sa Marxismong ideya na ang protesta ay reaksyon ng panunupil ng gobyerno. Pagpapahalaga sa collective action – hindi sapat ang political consciousness at efficacy kung hindi sasamahan ng political participation.
Layunin ng patuloy na pagsali sa kilos-protesta sa kabila ng pagwawalang-kibo ng pamahalaan
“ang hindi pagkakamit o pagpapanalo ng isang panawagan ay hindi nangangahulugang bigo. ung maipaunawa at mapakilos mo lang ang ibang tao, ung maturuan mo lang sila kung paano manindigan para sa tama, mas tinitingnan un na mas malaking tagumpay.” “ang paglahok namin sa mga
Naniniwala na mayroong katarungan, ngunit matagal pa itong makukuha. Mahalaga na sa proseso ng pakikkibaka, makapagmulat rin ng iba pang mga tao. Kinalaunan, ang pagsali sa kilos-
Montaño| 24
kilos protesta ay para na ring pagpapatuloy ng mga naiwang gawain ng mga kaanak naming nawawala.”
protesta ay hindi lamang dahil sa personal nilang karanasan o dahil nawalan sila ng kaanak, kundi pagpapatuloy sa laban ng kanilang kaanak. Sa huli, makikita natin na ang isyu ay hindi na lamang paghahanap ng katarungan, kundi pakikipaglaban na sa isyu ng kanilang sektor.
Paglalarawan sa sistema ng hudikatura sa bansa at paniniwala rito
“natutuwa kami na kahit papaano’y gumagawa at may effort ang ibang mga judges na tulungan ang mga kaanak. Ngunit dahil sa ang korte ay hawak pa rin ng estado, hindi pa rin maialis na nagsisilbi sila sa naghaharing uri.”
Kakulangan sa bahagi ng Korte Suprema na manindigan para sa interes ng mamamayan. Mabagal at hindi patas na proseso ng batas.
Naitutulong ng patuloy na demonstrasyon
“Oo.Lalo na kung makikita ng international community na may nagdedemand sa isang gubyerno. nangangahulugan kasi ito na hindi satisfied ang mamamayan sa pagpapatakbo ng bansa ang pangulo.” “nakikita ng mga kaanak na may kasama sila sa paghahanap ng hustisya. Mas lumalakas ang loob nila na ipagpatuloy ang laban kapag nakikita ang mga dating kasamahan at mga kaibigan ng mga nawawala , at kahit iyong mga taong may empathy sa mga biktima ng pagdukot.”
Sa patuloy na pagpoprotesta, lilikha ito ng alarma sa mga bansa sa ibang panig ng daigdig. Sa patuloy na pagpoprotesta, naipapakita na mayroong maling ginagawa ang pamahalaan. Protesta bilang exposé. Sa indibidwal na lebel, sa kilos-protesta nakakakuha ng lakas ng loob ang mga taong may pare-parehong pinagdaanan.
Montaño| 25
KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON
Magkakatugma ang depenisyon ng mga respondents sa kung ano ang
aktibismo. Gamit ang depenisyon mula sa kanila, may tatlong mahalagang elemento
ang aktibismo – kaalaman, collective action o partisipasyon at protesta.
Kagaya ng nasaad sa balangkas ng pananaliksik na ito, mahalaga ang
personal na karanasan ng isang indibidwal upang mahikayat itong sumali sa isang
kilos-protesta. Hindi katulad ng respondents mula sa KARAPATAN at
DESAPARECIDOS, ang respondent mula sa HUSTISYA ay isang ina walang
anumang background sa pagsali sa kilos-protesta. Ngunit dahil na rin sa
pagkamatay ng anak nito, naging kusang-loob ang pagsali niya sa mga kilos-
protesta.
Ang kilos-protesta ay bunga ng mga dahilang ito: una, ay ang patuloy na
pananahimik ng pamahalaan; pangalawa, ay ang patuloy na pagdami ng bilang nga
mga biktima ng political o extrajudicial killings at enforced disappearances; at
panghuli ay ang kawalan ng hustisya o mabagal na pagproseso nito.
Ang kilos-protesta ay nagdudulot ng tatlong mahahalagang epekto: sa
personal at emosyonal na aspekto, ito ay nagsisilbing coping mechanism ng mga
kaanak kung saan nakikita nila na hindi sila nag-iisa at nakikita nila na may
magagawa sila kung sila magsasama-sama; pangalawa, sa lokal na pamahalaan,
nagbibigay ito ng pressure sapagkat habang patuloy at mas tumintindi ang mga
kilos-protesta, kinakailangan ng pamahalaan na kilalanin at panagutan ang isyu
tungkol sa pagdami ng bilang nga mga biktima ng political o extrajudicial killings at
enforced disappearances; at panghuli, sa pandaigdigang aspekto, ang patuloy na
pagkilos para sa hustisya at laban sa pagdami ng bilang nga mga biktima ng political
o extrajudicial killings at enforced disappearances ay hindi magandang indikasyon at
Montaño| 26
sa halip ay nagbibigay pa nga ng alarma sa mga organisasyon at pamahalaan sa
labas ng bansa.
Bagamat malaki ang pagkukulang sa sistema ng hudikatura sa bansa, sa
tulong ng patuloy na pagpoprotesta, makakamit ng mga biktima at ng mga kaanak
ang katarungan.
Mas mapapatunayan ang mga konklusyong nasasaad sa itaas kung
magkakaroon ng isang comparative case study. Sa parang ito, maaaring talakayin
kung ano ang pinagkaiba ng isang kaanak ng mga biktima ng mga political killings at
enforced disappearances na hindi lumalahok sa kilos-protesta kung ihahambing sa
isang kaanak na aktibo sa pagsali sa mga kilos-protesta. Sa ganitong uri ng
pananaliksik, maaaring tukuyin kung aling elemento sa analitikong balangkas na
ginamit ang pinaka-nakakaapekto sa kaniya upang sumali siya sa isang kilos-
protesta.
Montaño| 27
APENDIKS 1:
Free and Prior Informed Consent Letter
Instrumento [Interview Guide]
Montaño| 28
Free and Prior Informed Consent Letter Ako po si Allan Paul B. Montaño, mag-aaral ng BA Political Science sa ikaapat na
taon sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Bilang bahagi ng kursong ito, ako po ay
kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral tungkol sa pagsusulong ng laban para sa
mga biktima ng political killings at forced disappearances sa pamamagitan ng
pagpoprotesta.
Hinihiling ko po sana na makapanayam kayo kaugnay ng paksa ng aking research
sa oras at araw na maari kayo. Sinisigurado ko po na lahat ng ating mapapag-
usapan ay mananatiling sa atin lamang. Nasa inyo rin pong pahintulot kung ire-
record ang ating pag-uusap gamit ang isang voice recorder. At kung hihilingin niyo,
mananatiling hindi hayag ang inyong pagkatao. Ang inyong pakikibahagi sa aking
pananaliksik ay walang kapalit na pinansyal na benepisyo ngunit isa po itong
malaking tulong sa aking pag-aaral. Ang lahat po ng inyong sasabihin ay
sinisigurado ko pong gagamitin lamang para sa pag-aaral na ito. Anuman pong oras
habang kayo ay aking kinakapanayam, maari po kayong umayaw kung sa tingin nyo
ay hindi na angkop ang mga tanong sa inyong karanasan. Kung mayroon po kayong
mga katanungan, makipag-ugnayan lamang po kayo sa akin sa numerong ito 0927-
314-0886.
Maraming salamat po.
Gumagalang, Sa pahintulot ni, Allan Paul B. Montaño Dr. Jinky Lu
Tagapayo ___________________________________________________________________ Ako, si _________________________________ ay pumapayag na maging bahagi ng pag-aaral na
ito sa pamamagitan ng pagpapa-unlak sa isang panayam, sa ilalim ng mga kondisyong nasasaad sa
itaas.
__________________ Pirma __________________ Petsa
Montaño| 29
INSTRUMENTO O MGA GABAY NA KATANUNGAN:
Unstructured qualitative interview
1. Paano naging kasapi o miyembro ng activist group na ito?
2. Ano ba ang konsepto ninyo ng aktibismo?
3. Kailan ka huling sumali sa kilos-protesta? Anong paksa noon? Bakit? Palagi ka bang nakikilahok dito sa kabila ng banta sa iyong kaligtasan?
4. Sa panahon natin ngayon, sa tingin nyo ba epektibo pa ring paraan ng
aktibismo ang demonstrasyon? Sa paanong paraan?
5. Kailangan pa ba talagang mag-rally para makamit ang hustisya? Maaari niyo bang ilarawan ang kalagayan ng judicial system sa bansa ngayon?
6. Ano po ba ang mga nakukuha ninyo dito?
7. Sa tingin niyo ba kung hindi ninyo ito gagawin ay hindi ninyo makakamit ang
panawagan ninyong hustisya?
8. Naniniwala ba kayo na nakakapagbigay ng pressure sa pamahalaan ang inyong ginagawa? Sa paanong paraan?
9. Mapapabilis ba o napabilis ng mga kilos-protesta ang paghahanap ninyo ng
hustisya? Kung hindi, o kung hindi kayo sigurado, bakit ninyo ito ipinagpapatuloy?
Montaño| 30
APENDIKS 2:
TRANSKRIPSYON
Montaño| 31
RESPONDENT 1: Allan: Nanay ______, hindi po talaga ako pamilyar dito sa Hustisya. Pwede po bang
magpakwento muna? Res1: Okay.. Ah, ang Hustisya, ang ibig sabihin nito, hindi naman sya acronym pero
nabuo ito noong September 15, 2006 na kung saan ay lumobo at lumawak ang human rights violations under Arroyo regime. So, Hustisya means families of victims under Arroyo regime united for justice. Yan ang ibig sabihin ng Hustisya?
A: Bali para po itong NGO? R: Actually, victims’ organization talaga ito. Kaya nga ito nabuo dahil nga sa
andami ng biktima ng EJK, at yung malawak na 2006 kasi pinaka-peak season yan nung ginawang Oplan Bantay Laya under Gloria Macapagal-Arroyo na yan yung time na magdedeadline sa part one ng OBL. Kaya kailangan talaga nilang maghabol sila ng mairereport nila na may nagawa ang Oplan Bantay Laya na yan.So, hanggang pinag-isipan at nagkatipun-tipon ang mga pamilya na kailangan magbuo talaga ng isang organisasyon na magbibigay ng lakas para may boses itong organisasyon na ito – at ito nga ang Hustisya, since 2006 at eto nga 2010 ganun na rin katagal yung pakikibaka ng organisasyon
A: Sumasali po ba ang Hustisya sa mga kilos-protesta? R: Nangunguna. Unang-una, kami yung mga direct victims ng EJK, kagaya ko
kaya ako nagpunta dito dahil hinahanap ko yung Hustisya dahil ang anak kong panganay ay noong 2002 ay pinaslang ng military forces. Isang estudyante sya at vice president ng Mindanao ng College Editors’ Guild of the Philippines. So malaking bagay na nawala sa hanay ng mga estudyante. At hindi ako nagkasya doon, ipinagprotesta sya ng mga kabataan, ng mga kapwa nya estudyante. Kundi andito na rin ako, sumali na rin ako at later on, eto na nga, nagiging aktibista na rin.
A: Paano po nyo binibigyan ng kahulugan ang aktibismo? R: Sa palagay ko, ang aktibismo ay ibig sabihin nun ay yung iyong pananaw ay
nagiging enthusiast ka doon sa specific or sa advocacy, kung ano yung pinili mo o gusto mong kagagalawan. Yun yung pagiging pagka-aktibista mo, ano yung sinusulong mo, yun na yung nagdadala ng enthusiasm mo para magpapatuloy ang mainit mong pakikibaka sa layunin na yun.
A: Pwede po kayang sabihin na pag may mataas na awareness, consciousness
ang isang tao, mas malaki yung chance na magiging aktibista sya. R: Syempre naman. Kasi ang mga aktibista naman, lahat naman yan ay merong
mga political interest syempre, may mga pananaw, mataas ang kanilang pagkaintindi at pananaw sa pulitika.
Montaño| 32
A: Nasabi nyo po kanina na naging bahagi kayo ng Hustisya, dahil naghahanap
po kayo ng Hustisya. Paano po kaya kung hindi naman nakukuha ng direkta yung layunin? Bakit po kayo patuloy na sumasali?
R: Ah, yun na nga. Naiintindihan ko naman bago ko pumasok dito. Noong mamatay yung anak ko ng 2002, nagfile agad dito mismo sa DOJ. Kahit sa Davao nangyari yun, sa North Cotabato, Minadanao. Kahit doon nangyari ay dito nagfile sa DOJ, at pagkatapos nun, alam ko kung gaano katagal ang dapat kong hintayin para dito sa kaso. Kaya handing-handa ako tumakbo man ito ng 6 to 8 to 10 years, alam na natin ang takbo ng ating judicial system sa Pilipinas.
A: Ano po ba yung sistema ng judicial system satin, para sa inyo? R: Ah okay, personally dahil naranasan ko na at nakikita ko kung ano yung
kalakaran ng ating judicial system dito sa Pilipinas, hindi naman talaga natin maipagkaila yan na talagang justice delayed is justice denied. Totoo naman talaga yun eh. Eh yun nga yung sa Vizconde massacre, 8 years bago nahatulan. Malakas rin ang pressure noon, Vizconde massacre. Dito naman sa case noong hindi lang sa anak ko, maraming kaso! After noong kay Ben Hernandez massacre sa Arakan, nasundan yan ng isa pang human rights worker na si Eden Marcellana na malakas din masyado ang pressure noon dahil umabot ito sa United Nations. Dinulog talaga ito. At noong 2009, nagpahayag ang UN na ang gobyerno ni Macapagal-Arroyo ay may pananagutan talaga doon sa pagpatay kay Eden Marcellana at kay ..
A: Nasabi nyo na rin po na yung mga ganitong hakbang nagbibigay po ng
pressure. Paano po? Ano po yung naitutulong sa justice nung pressure na ginagawa noong pagpoprotesta? Nakakapagpabilis po ba iyon?
R: Yun na nga noh. Alam natin na ganoon lang yung takbo ng judicial system
natin. So, hindi lang din kami umaasa doon sa pagrarally para makapagpressure dito sa ating pamahalaan ni GMA. Ngunit, kaakibat naman ng mga pagkilos ay hindi lang dinadaan sa pagsisigaw sa kalsada. Ito ay sinabayan rin namin ng legal na proseso, kagaya ng pagpa-file ng mga kaso sa korte kaya magkasabay-sabay yan sila. Kaya maging malakas. Nagfile tayo ng kaso sa mga korte, sa Supreme Court o kung saan saan mang mga RTC, Regional Trial Courts, katumbas din nito ang pagrarally sa lansangan. Ganoon din ang halaga ng pagpepressure sa pamahalaan natin.
A: Bukod po doon sa pressure. Ano pa po kaya yung naitutulong ng pagsali sa
isang kilos protesta para magkamit yung Hustisya? R: Kagaya namin, malaking tulong yan. Dahil kapag nakita ng pamahalaan natin
na ang hanay ng mga pamilya ng mga biktima ay sumali na rin at nakisama na rin at nakiisa doon sa mga aktibista eh kagaya nyan, ako na isang nanay na nawalan ng anak, ilan sa pamilya ko ang sumama, isipin na lang natin yan, sa bawat pamilya na may nalabag na karapatang pantao, eh kung ang buong pamilya nyan ay sasapi doon sa or sumama doon sa or sumama sa mga kilos protesta, sa mga rally sa lansangan, malaking bagay yon pag nakita ng
Montaño| 33
pamahalaan na parami ng parami, hindi pakunti, at parami ng parami ang mga sumasama. Kaya mayroong social unrest di ba? At hindi ito maganda tignan sa ibang bansa, kung ang pamahalaan ay lagi lagi na lang nakikita ang protest. Hindi ito nakakataas ng morale sa bansa natin. Rather, ito ay nakakabahala at nakakababa ng morale.
A: Opo. Pero pamilyar naman po tayo doon sa eksena na parang hindi
pinapansin lagi, kahit may social unrest, aktibismo, ano po yung masasabi natin doon na laging hindi naman pinapansin? Laging hindi pa rin binibigyang-diin yung kaso sa political killings?
R: Totoo yun! Dito sa Pilipinas ay talagang dinedeny talaga ang mga atrocities.
Pero noong 2009 ay pumunta si Secretary Ermita, Eduardo Ermita sa United Nations Human Rights Commission para singilin ng UN ang mga bansa, na paano pinapatupad ang karapatang pantao sa kani-kanilang mga bansa. Kaya pumunta doon si Eduardo Ermita kasama ng delegasyon ng Pilipinas at masaya naman siya at ipingayabang na maganda talaga ang pagpapatupad ng karapatang pantao dito sa Pilipinas at wala namang nilalabag. Pero hindi lang alam kasi ni Eduardo Ermita na noong panahon na yon ay kasabay din yan yung isang victim ng torture at forced disappearance na nakatakas, kilalang-kilala sya ng mga military dahil sya ay si Raymond Manalo. Noong time na yon ay nagtagpo sila doon mismo sa UNHRC at nung tanungin sya na kung totoo yan ay bakit meron tayo dito ngayon na isang survivor na nakatakas galing sa mga kamay ng mga military at buhay na patotoo at andito ngayon, buhay na buhay. Noong oras na yun mismo hindi alam ni Ermita kung anong mukha ang ipakita nya doon at nagrecess agad sila. Tinawag ang kanyang delegasyon at yun na ang nangyari doon, napahiya. At magkasama pa sila sa eroplano pauwi ! Noong victim mismo at yung delegasyon ng Pilipinas kasama si Eduardo Ermita. So, sa bahagi ng Pilipinas, masabi natin na hindi binibigyang pansin or dinededma lang ng pamahalaang Arroyo at parang di naman nakakaapekto sa pamahalaan, dahil yun na nga, nasa denial stage talaga sila pagdating dyan. Never talaga nilang aaminin yan! Never! Hindi talaga kundi kasiraan din nila yan. So ang nangyayari, sa pamamagitan ng tulong sa ibang bansa, lalo na doon sa members ng UN, malaking bagay yun, dahil kung dito ay di pinapansin, pagdating sa ibang bansa ay nakikiisa t tumutulong din sila at gumagawa din sila ng sariling kilos-protesta doon, kung dito man wala pero pagdating sa labas, tuwing pupunta si GMA sa anung bansa ay sinasalubong sya doon ng protesta, malaking bagay na yun, malaking kahihiyan at yun ang mukha nya doon sa labas.
A: Ano po yung pinakahuling demonstrasyon tungkol po dito sa political killings
na naattendan nyo po? R: Ah, lagi-lagi naman dahil sa pagkakampanya sa political killings doon sa
Ampatuan massacre ay pumunta kami doon para sa isang misyon para tignan namin yung area, yung site talaga ng massacre at para manawagan na din na tigilan na ang impunity. Ang patuloy na pagkawalang – pananagutan ng gobyerno sa mga paglabag sa karapatang pantao, lalong lalo na sa EJK na kung saan nagtala ng 57 katao na inosente sila dahil wala silang arm, hindi
Montaño| 34
naman yun mga, inosente pa rin sila, at sibilyan yun lahat. Yun na yung pinakamalaking bulto, the largest scale of massacre ever in the Philippines na 57 talaga. Yun kinakampanya namin yun na ihinto na yung culture of impunity.
A: Ano po kaya yung nakikita nyong dahilan kung bakit patuloy na nagkakaroon
ng PK at FD? R: Para sa aming mga biktima ay noong umpisa hindi namin maintindihan bakit
meron talaga syang systematic na bakit ganon mga aktibista, kung hindi mga leaders. Nagtataka kami kung bakit ganon ang sistema ng pagpatay. Inuuna talaga yung mga critics na madalas magsasalita laban sa gobyerno. Later part na ng kanyang pamamahala, doon na namin nalaman at naprove talaga na meron nga pala talagang OBL. Ito ay humingi pa ng extension mula 2008, 9 at 10 at magtatapos ito. Kaya alam namin na patindi ng patindi ang mararanasan ng mamamayan dahil sa oras na matapos ang pamamahala ni GMA ay magtatapos na rin ang OBL. So doon magtagpo ang pagtatapos ng kanilang layunin. Kaya sa bahagi ng mga biktima at ng mga mamamayan talagang inaasahan na namin na matindi talaga ang panunupil at marami pang mangyayaring culture of impunity.
A: Sa pagtatapos po kaya ng administrasyong ni Arroyo, matatapos na din po
ang mga PK na ganito po? R: Hindi natin talaga, hindi iyon garantiya na kapag wala na si GMA ay matapos
na ang mga karahasan kagaya ng EJK at FD. Hindi yun garantiya dahil napatunayan na yan ng ating kasaysayan, matapos napatalsik ang dikatador na si Ferdinand Marcos, hindi pa rin nawala ang FD, tuloy-tuloy sa panahon ni Cory, Ramos, Erap. At eto ngayon ang pinakamatindi, kasunod doon kay dictator Marcos itong kay GMA.
A: Ulitin ko lang po nay na naniniwala po kaya na ang kilos protesta ay kailangan
pong tambalan ng legal action para po magkatumbas sila? R: Oo totoo yun. Dahil kung ang rally ay isa sa mukha para magbigay ng
pressure sa pamahalaan, mas mainam at nakabubuti talaga na mayroon ding aksyong legal dahil iyon ay pressure sa larangan lang doon ng pagpapakita sa tao, pero kailangan talaga na sa kabila nun ay mayroon talagang proseso dahil naniniwala pa rin tayo at ginagalang natin ang proseso ng batas.
A: Ano po yung pinakamalaking hakbang na kailangang gawin ng mga aktibista
para magkaroon talaga ng hustisya? Kailangan po ba lagi na may malalaking kilos protesta o kailangang bantayan na lang yung kaso na umakyat sa Supreme Court?
R: Ginawa na namin lahat ng paraan – lalong lalo na yung magbantay sa mga
korte. Ngunit hindi sapat yun. Wag na wag kaming umasa doon. Kaya patuloy ang pakikibaka at pagmamartsa patuloy ang pagsali sa kilos protesta at pagkatapos nito may nakahanda na rin kaming patung-patong na kaso na nakaabang kay GMA. Kaya alam namin na ayaw nya bumaba dahil once na
Montaño| 35
wala na syang pwesto at wala na syang immunity, katakut-takot ang kaso. Hindi kagaya noong kay diktadurang Ferdinand Marcos. Noong siya ay napalayas at napatalsik, walang kasong nakahanda sa kanya. Hindi kagaya nito ngayon ay hindi pa sya nakababa pero nakahanda na yung magfifile ang mga biktima ng class suit.
A: Sa kabuuan po kaya – hindi lang po sa konteksto ng political killings, tingin
nyo po effective yung pagsali sa mga demonstrasyon para ipaglaban ang hustisya?
R: Sa tingin ko, oo, hindi lang para sa EJK. Ang pagsali sa mga kilos protesta ay
hindi lang isang isyu ng EJK, forced disappearances, kundi sa kabuuan ay ang hanggat ang ating estado at pamahalaan ay hindi nagsusulong para sa interes ng mga mamamayan kundi para sa interes ng iilan at para lang pagtakpan at para lang sila manatili s akanilang pwesto, patuloy at magpapatuloy kahit wala ang isyu ng EJK at forced disappearances, mas maging komprehensibo na ang pagkilos protesta ng mamamayan kahit hindi isyu ng EJK… patuloy pa rin ang kilos protesta.
A: Huling question na po. Paano po kaya kung hindi kayo naging direktang
biktima, nakikita po ba ninyo yung sarili nyo na sumasali sa kilos protesta? R: Tama nga yung tanong na yun dahil kung hindi ko siguro naranasan na
mawalang ng isang anak na panganay, siguro nga hindi ko maranasan at hindi mabuksan ang aking pag-iisip. Hindi ako makikialam. Hindi ako makikisali at hindi ko intindihin at hindi ko maiintindihan ang kinalalagyan pala natin na pamahalaan ay walang kasing bulok at patuloy na nabubulok pala ang sistema ng ating gobyerno. So malaking ano na rin sakin yan na naranasan kong maging direktang biktima dahil ako’y namulat at nakapagmulat pa.
A: Last na po talaga. Naghihikayat po ba kayo ng mg estudyante, ganon, o
naniniwala po kayo na personal experience yung magbibigay sa kanila ng consciousness?
R: Hindi na kailangan. Ang masabi ko lang doon sa mga estudyante natin, hindi
na kailangan na magiging biktima muna kayo bago kayo maging aktibista. Or bago kayo sumali s amga ganung kapalooban ninyo. Wag nyo nang hintayin dahil kagaya ng kasama namin, itong ano lang, sa 43 captured nandoon ngayon sa Cam Capinpin. Dati na silang nagsusulong at nagtaguyod ng karapatang pantao kaya naging human rights defender na nga sila, bago nila naranasan. Kaya, iba na rin talaga yung nauna kayo at iba yung mag.. magkaiba ang karanasan at damdamin ng direktang biktima. But it doesn’t matter kung nauna kang naging biktima o nauna kang naging aktibista, ang punto lang doon, pwede namang maging aktibista kahit hindi nyo pa naranasan dahil mabuti nga yung nauna kayong naging aktibista upang maging handa ang inyong kalooban at ang inyong pananaw at maging madali na lang ang pagtanggap nyo. Kaysa noong naging direkta akong naging biktima na hindi pa ko aktibista – mahirap at matagal ang pagproseso noon.
Montaño| 36
A: Ayun lang po. Thank you po! :D ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------- RESPONDENT 3:
Allan: Ano po ba ang aktibismo? Anu-ano po ang maituturing ninyo na mga paraan o porma ng aktibismo?
Res3: Pagkilos upang labanan ang isang naghahari o nagdodominang kaisipan. maraming porma ang aktibismo (lalo na sa bansa natin) kahit mag-status ka lang sa facebook ng "FREE THE 43", aktibismo na un dahil merong demand. at sa bansa natin, basta kumalaban ka lang sa gubyerno, aktibista, NPA, terorista ka na. Sabi nga sa nabasa ko: ....anumang gawin mong pag-oorganisa ay talagang susupilin ka ng estado. Ito ang batas ng kontradiksyon, sabi nga ni Marx. Kesehodang mag-propaganda ka ng tungkol sa pagrereporma ng pambansang eleksyon, o magtaguyod ka ng armadong pakikibaka, susupilin ka ng estado. Ito ang papel ng reaksyunaryong gobyerno, ang manupil. Kaya nga may pag-aaklas, kaya may aktibismo, kase may panunupil. - "LARAWAN" ni Norman Wilwayco
A: Masasabi po ba natin na kapag ang isang tao ay may mataas na political awareness, consciousness at efficacy, mas magiging malapit ito sa ideya ng aktibismo , ng demonstrasyon halimbawa?
R: Hindi rin. kasi kung wala namang nagagawang pagkilos. armchair activism sabi nga. para ka lang nakikipaglaban, pero para kanino ung ipinaglalaban mo? hindi lang ito usapin kung nauunawaan mo nga ang isang isyu.
A: Bakit po kaya sumasali ang mga tao sa isang kilos-protesta?
R: Maraming dahilan: maaaring may interes sya sa isyu, personal man o hindi; nauunawaan niya ang pangangailangan ng pagkilos; o kaya nakikita nila ang kanilang role na kailangang kumilos
A: Ano po ba ang nagagawa ng rally sa pagsulong ng isang layunin? Paano ito nangyayari?
R: Ang rally ay isa lamang paraan ng pagpapakita ng paglaban o assertion. nagtatagumpay ang rally halimbawa ng mga manggagawa sa isang piket line, kung naibibigay ang kanilang mga panawagan. sa isang pambansang isyu, alam nating hindi kaagad-agad itong ibinibigay ng mga namumuno, pero ang hindi pagkakamit o pagpapanalo ng isang panawagan ay hindi nangangahulugang bigo. ung maipaunawa at mapakilos mo lang ang ibang tao, ung maturuan mo lang sila kung paano manindigan para sa tama, mas tinitingnan un na mas malaking tagumpay.
Montaño| 37
A: Ano po kaya ang reaksyon ng pamahalaan sa tuwing kinukundena ang kanilang administrasyon? Nagdudulot o nagbibigay kaya ng pressure ang mga kilos-protesta sa kanila? Palagi po ba itong nangyayari?
R: Oo. lalo na kung makikita ng international community na may nagdedemand sa isang gubyerno. nangangahulugan kasi ito na hindi satisfied ang mamamayan sa pagpapatakbo ng bansa ang pangulo. hindi ba't matatandaan natin na lagi siyang bumibisita sa ibang bansa para kumbinsihin ang mga dayuhan na mamuhunan sa atin? paano kung makikita nila na may nag-rarally? kaya nila pinapatigil, kaya nila dinadahas; kasi pumapangit ang tingin sa kanila ng ibang mga bansa, at higit pa rito, nae-expose ang kabulukan ng pamahalaan.
A: Sa konteksto po ng paghahanap ng katarungan sa mga kaso ng political killings at forced disappearances, paano po kaya makakatulong ang mga kilos-protesta?
R: kagaya ng nasabi sa number 5, pag-expose ito sa kabulukan ng sistema ng pamamahala. pagpapasinungaling ito na may demokrasya sa bansa. kung may demokrasya, hindi kailangan ang mga ganitong paglabag sa karapatang pantao, makakakilos at masasabi ng mamamayan lahat ng kanyang disgusto sa gubyerno. sa karanasan kasi namin sa desap, ang paglahok namin sa mga kilos protesta ay para na ring pagpapatuloy ng mga naiwang gawain ng mga kaanak naming nawawala. dito rin namin nakita na hindi ang mga kaso ng mga desaparecidos ay hindi hiwalay sa panawagan ng mga magsasaka ng tunay na reporma sa lupa o ng makatarungang sahod para sa mga manggagawa, dahil ang mga panawagang ito ang kanilang (ng mga desap) ipinaglalaban.
A: Ano po ang kasalukuyang estado ng sistema ng hudikatura sa ating
bansa? Partikular sa mga kaso ng political killings at forced disappearances.
R: Sa pagtingin ng mga kaanak ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, natutuwa kami na kahit papaano’y gumagawa at may effort ang ibang mga judges na tulungan ang mga kaanak. Ngunit dahil sa ang korte ay hawak pa rin ng estado, hindi pa rin maialis na nagsisilbi sila sa naghaharing uri.
A: Isa po bang malaking tulong sa paghahanap ng hustisya ang patuloy na pagrarally? Sa paanong mga paraan?
R: Malaking tulong din. Kasi nakikita ng mga kaanak na may kasama sila sa paghahanap ng hustisya. Mas lumalakas ang loob nila na ipagpatuloy ang laban kapag nakikita ang mga dating kasamahan at mga kaibigan ng mga nawawala , at kahit iyong mga taong may empathy sa mga biktima ng pagdukot.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Montaño| 38
SANGGUNIAN
(2008). Retrieved September 5, 2009, from Networked Publics: http://networkedpublics.org/cyberactivism
Anderberg, K. (2006, July 27). Retrieved October 1, 2009, from portland imc: http://portland.indymedia.org/en/2006/07/343313.shtml
Andrain, C. F., & Apter, D. E. (1995). Political Protest and Social Change: Analyzing Politics. Hampshire: MacMillan Press LTD. .
Bailey Jr., R. (1974). Radicals in Urban Politics: The Alinsky Approach. Chicago: The University of Chicago Press.
Bechhofer, F., & Paterson, L. (2000). Principles of Research Design in the Social Science. New York City: Routledge.
Donatella Della Porta, e. a. (2000). Google Books. Retrieved August 1, 2009, from www.books.google.com: http://books.google.com.ph/books?id=ewhwPAn_IVgC&printsec=frontcover&source=gbs_navlinks_s#v=onepage&q=&f=false
Ecumenical Movement for Peace and Justice (EMPJ). (2006). Oplan Bantay Laya: A Primer. Manila: StopTheKillings.org.
Farlex. (n.d.). The Free Dictionary. Retrieved September 5, 2009, from The Free
Dictionary: http://www.thefreedictionary.com/activism
Kamat, J. (2005, July 17). Retrieved October 1, 2009, from India's Freedom Struggle: http://www.kamat.com/kalranga/freedom/movements.htm
KARAPATAN. (2005). 2005 Human Rights Report. Manila: StopTheKillings.org.
Molnar, A. K. (2005, May). Southeast Asia Site. Retrieved August 1, 2009, from www.seasite.niu.edu: http://www.seasite.niu.edu/EastTimor/default.htm
Mukyr, J. (n.d.). Why was the Industrial Revolution a European Phenomenon? Northwestern University Weinberg College of Arts and Sciences.
Orum, A. M. (1993). On Participation in Political Protest Movements. In R. L. Jr., & B. E. Aguirre, Collective Behavior and Social Movements (pp. 130-138). Needham Heights: Allyn and Bacon.
Patton, M. Q. (1990). Qualitative Evaluation and Research Methods. California: Sage Publications.
Raskin, J. (2009, May). Monthly Review. Retrieved August 1, 2009, from www.monthlyreview.org: http://www.monthlyreview.org/090518raskin.php
Montaño| 39
Reuters News. (2007, March 4). Retrieved March 2010, 2010, from UK.Reuters.com: http://uk.reuters.com/article/idUKMAN30237220070304
Romulo, C. P. (1966, December 21). Speech delivered beforethe Harvard-Yale Alumni at their annual dinner .
S. E. Knight, e. a. (2007). All Academic Research. Retrieved August 1, 2009, from www.allacademic.com: http://www.allacademic.com/meta/p_mla_apa_research_citation/2/5/6/0/8/p256087_index.html
Simkin, J. (n.d.). Spartacus. Retrieved October 1, 2009, from Spartacus Educational: http://www.spartacus.schoolnet.co.uk/VNguerrilla.htm
Simon Fraser University. (n.d.). Retrieved September 5, 2009, from SFU.ca: http://www.sfu.ca/labour/HEU,%20The%20Strike%20as%20Political%20Protest5.pdf
StopTheKillings. (2007). Philip Alston Interim Report. Retrieved March 7, 2010, from StopTheKillings.org: http://www.stopthekillings.org/stknpv2/?q=resources/56
Trochim, W. M. (2006, October 10). Research Methods Knowlegde Base. Retrieved 0ctober 25, 2009, from Social Research Methods: http://www.socialresearchmethods.net/kb/qualapp.php
Wikipedia. (n.d.). Retrieved August 1, 2009, from www.en.wikipedia.org: http://en.wikipedia.org/wiki/Activism
Wikipedia. (n.d.). Retrieved August 1, 2009, from www.en.wikipedia.org: http://en.wikipedia.org/wiki/Demonstration_(people)
Wikipedia. (n.d.). Retrieved August 1, 2009, from www.wn.wikipedia.org: http://en.wikipedia.org/wiki/Protest#Protest_and_New_Social_Movements
Wikipedia. (n.d.). Retrieved August 1, 2009, from www.en.wikipedia.org: http://en.wikipedia.org/wiki/Civil_disobedience
MGA PANAYAM:
Lorena Santos, Desaparecidos, Pebrereo 11, 2010
Evangeline Hernandez, HUSTISYA, Pebrero 11, 2010
Ipelenio Soco, KARAPATAN, Marso 6, 2010
Recommended