View
235
Download
15
Category
Preview:
Citation preview
Tuberculosis
Ang Baga at ang TB
Kapag hindi napagtibay ang pagsugpo ng TB . . .
• Mula ngayon hanggang sa taong 2020... – halos 1 bilyong tao ang maaaring
mahawa pa– 200 milyong tao ang maaaring
magkasakit– 70 milyon ang masasawi*
* 75 Filipinos ay namamatay sa TB araw-araw
SAAN NAGMUMULA ANG TB?
• Ang TB ay dulot ng isang mikrobyong tinatawag na Mycobacterium tuberculosis.
• Ito ay maaaring makuha sa plemang galing sa baga ng maysakit na TB.
Kakalat ang microbyo dahil sa:• Paghatsing• Pag-ubo• Paghinga• Pagdura
Ang TB ay madaling kumalat
Ang isangpasyenteng may TB ay nakakahawang 10 –15 natao sa loobng isangtaon
Ano ang mga Palatandaan ng TB?
• Inuubo nang mahigit sa 2 linggo at hindi na gumagaling sa antibiotic
• Nanghihina at namamayat• Parang tinatrangkaso• Dumudura ng dugo
Anong dapat gawin kapag ang mga palatandaang ito ay
napansin?
• Kumunsulta sa doktor sa lalong madaling panahon!
• Meron libreng gamutan sa health center dala nang programang “DOTS”
DOTS: Transferring the Burden of Curing the Patient to the Health
System
D irectly
O bserved
T herapy
S hortcourse
Prime Elements• Political will• Microscopy-based
diagnosis• Free and
uninterrupted drug supply
• Direct supervision of treatment
• Recording and monitoring system
Ibat-ibang bahagi ng katawan na maaaring maapektuhan ng TB
• Bituka at atay– Paulit-ulit na nagtatae– Masakit at lumalaki ang tiyan– Naninilaw ang balat at mata
• Buto– Unti-unting nakukuba– Paralisis o di makalakad sa pagtagal
• Bato– Kaunti o walang ma-ihi
Bahagi ng katawan na maaring maapektuhan ng TB
• Utak (Meningitis)– Tulala o kombulsyon– Naduduling, paralisado o tuloy-tuloy na
tulog
• Kulani– Nakakapang bukol sa leeg, sa ilalim at likod
ng tenga, sa kili-kili at singit
Sino ang madaling kapitan ng TB?
• Taong lansangan, pulubi, bilanggo at durugista
• Malakas manigarilyo• Matatanda• Bata• Nakakalanghap ng usok
ng sasakyan at pabrika• May diabetes o AIDS• Kulang sa pagkaing
masustansiya• Mga sobra sa pagod at
kulang sa pahinga
Paano mapipigil ang paglaganap ng TB?
• Buksan ang mga bintana at paarawan ang loob ng bahay
• Panatilihing malinis ang kapaligiran
• Kumain ng masustansiya at sapat na pagkain• Matulog ng sapat na oras• Magtakip ng ilong at bibig habang may
umuubo, humahatsing at kapag nasa mauusok na lugar
Iwasan ang paninigarilyo, paglalasing at pag-inom ang bawal na gamot!!
• Magpabakuna laban sa TB ( BCG vaccine)– Ang BCG ay nagpapatibay ng
panlaban sa TB, lalung-lalo na sa mga malulubhang kumplikasyon
Sino ang pwedeng magpabakuna?
• Mga sanggol na bagong silang o hanggang isang buwan ng kapanganakan
• Mga batang nagsisimulang mag-aral (edad 4-6)
Nagagamot ang TB!
• Nagagamot ang TB sa pamamagitan ng walang laktaw na pag-inom ng 4 na klaseng gamot sa loob ng 6 na buwan.
• Ang TB ay di na nakakahawa pagkaraan ng 2-3 linggong tuloy-tuloy at tamang pag-inom ng gamot.
Anong pwedeng mangyari kapag itinigil ang gamot?
• Nagkakaroon ng resistensiya laban sa gamot ang mikrobyong TB. Ito ang nagiging dahilan ng di paggaling o pagbalik ng mas matinding sakit na mahirap gamutin.
Anong pwedeng mangyari kapag itinigil ang gamot?
• Kaya huwag itigil ang pag-inom ng gamot kahit na wala na ang sintomas o kaya ay guminhawa na ang pakiramdam!!!
Dahilan ng di paggaling ng TB
• Maling paggamit ng gamot o kulang sa dosis
• Kulang sa anim (6) na buwan na pag-inom ng gamot
• Hindi araw-araw na pag-inom ng gamot
Mga ibat-ibang epekto ng gamot
• Hindi dapat ikabahala:–Pamumula ng ihi, luha at dumi
Mga ibat-ibang epekto ng gamot
• Mga dapat ikonsulta sa doktor– Paninilaw– Pangangati– Pangingimay– Panghihina– Panlabo ng paningin– Paghina ng pandinig
Samasama tayong sugpuin ang TB!
The Philippine College of Physicians wishes to acknowledge the following for his invaluable
efforts in the preparation of this module
Camilo Roa, Jr., MD
Recommended