Kataga ng Buhay

Preview:

DESCRIPTION

Kataga ng Buhay. Agosto 2008. Sinulat ni Chiara Lubich noong 1949. “Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.” (Lk 11:34). - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

KatagKataga ng a ng BuhaBuha

yyAgosto 2008Agosto 2008

Sinulat ni Chiara Lubich Sinulat ni Chiara Lubich noong 1949noong 1949

“Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong

mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.” (Lk 11:34)

“Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong

mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.” (Lk 11:34)

Gaano man kadami ang nakakatagpo natin sa maghapon, mula umaga hanggang gabi, subukan

nating makita si Jesus sa bawat tao.

Kung simple ang ating mata, ang Diyos ang tunay na nakakakita sa pamamagitan nito. Ang Diyos ay Pag-ibig, at nais ng pag-ibig na

bumuo ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pamamayani nito

sa kalooban ng iba.

Marami ang nagkakamali na tingnan ang mga tao at mga bagay upang angkinin sila. Maaaring ito’y dahil sa makasariling pagtingin, o sa inggit. Subalit kahit

anupamang dahilan, ito ay kasalanan. O kaya naman ay tumitingin sila sa sariling kalooban upang ito ay ariin

bilang isang yaman. Ngunit walang buhay ang mukha nila dahil sila’y nababagot o nababagabag.

Ang kaluluwa ay larawan ng Diyos, kaya’t ito rin ay pag-ibig. Ngunit ang pag-ibig na nakatuon lang sa

sarili ay tulad ng apoy na kapag hindi ginagatungan ay namamatay.

Tumingin ka sa iyong paligid, hindi sa iyong sarili, hindi sa mga

bagay, hindi sa mga tao. Tingnan mo ang Diyos sa iba upang makipag-ugnay sa Kanya.

Nananahan Siya sa

kaibuturan ng bawat

buhày na kaluluwa. At

kung ito ay patay, ang

kaluluwang iyon ay

isang tabernakolo ng

Diyos na naghihintay

sa Kanya bilang

kaligayahan at

kaganapan ng

kanyang buhay.

Kaya’t tingnan mo ang bawat tao nang may pag-ibig. Magmahal, ibig sabihin ay, magbigay. Dahil ang isang

handog ay nag-aanyayang tugunan din ng isang handog, ikaw din ay susuklian ng pagmamahal.

Kung sa gayon, ibig sabihin ng pag-ibig ay magmahal at ang mahalin din: tulad sa Banal na Santatlo. Ang Diyos sa iyo ang aakit sa mga puso at magsisindi ng buhay ng

Santatlo sa kanila, na maaaring nasa kanila na sa pamamagitan ng biyaya, ngunit hindi ito buhày.

Hindi ka maaaring magsindi ng ilaw sa kwarto – kahit may koryente – hangga’t hindi magkadikit ang

dalawang dulo ng kawad.

Gayundin ang buhay ng Diyos sa atin. Kailangan itong lumaganap upang magbigay ng liwanag at

magbigay-patotoo kay Kristo, Siya na nagbubuklod ng langit at lupa, at ng mga tao sa isa’t isa.

Kaya’t tingnan mo ang bawat tao. Ibigay mo ang iyong sarili sa kanila bilang pagbibigay ng iyong

sarili kay Jesus, at si Jesus ang magbabalik nito sa iyo. Iyon ang batas ng pag-ibig. “Magbigay ka at

ikaw ay bibigyan” (Lk 6:38).

Bilang pagmamahal kay Jesus, hayaan mong angkinin ka ng iyong kapwa. Tulad ng Banal na Eukaristiya, hayaan mong “kainin” ka ng kapwa

mo. Ilagay mo ang buong sarili sa paglilingkod sa kanila; ito ay paglilingkod sa Diyos. At lalapit sa iyo

ang kapwa mo at mamahalin ka.

Ang pag-ibig sa kapwa ang kaganapan ng bawat niloloob ng Diyos, na matatagpuan sa Kanyang

utos: “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo” (Jn 13:34).

Ang pag-ibig ay isang Apoy na pumapasok sa mga puso at ganap

itong pinag-iisa.

Kaya’t hindi mo na makikita ang sarili mo, hindi rin ang

iyong kapwa. Matatagpuan mo ang Pag-ibig, ang

Diyos na nabubuhay sa iyo.

Sisibol sa paligid mo ang isang sambayanan: tulad ng sa paligid ni Jesus ay natipon ang labindalawa,

pitumpu’t dalawa, libo-libong tao...

Ang Pag-ibig ang magmamahal sa iyong kapwa. Dahil simple na ang iyong mga mata, matutuklasan mo ang iyong sarili sa kanila, at

lahat ay magiging isa.

Kahanga-hanga ang Ebanghelyo – dahil ito ay Liwanag sa pag-ibig – kaya’t ito’y

nakakabighani at nakakaakit.

Pagkatapos ay maaaring ipako ka sa krus, tulad ng Panginoon. Ngunit mamamatay ka na nagbibigay-

buhay sa nagpako sa iyo sa krus, kaya’t pag-ibig pa rin ang

magwawagi sa katapusan.

Magbubunga ito, dahil maghahasik ng kaligayahan at kapayapaan, at magbubukas sa

Paraiso. At ang kaluwalhatian ng Diyos ay lalaganap. Ngunit dito sa lupa, dapat tayong maging ganap

na Pag-ibig.

Magbubunga ito, dahil maghahasik ng kaligayahan at kapayapaan, at magbubukas sa

Paraiso. At ang kaluwalhatian ng Diyos ay lalaganap. Ngunit dito sa lupa, dapat tayong maging ganap

na Pag-ibig.

Ngunit ang ugat na dinaluyan ng dugo,

na ibinuhos at ibinigay sa

maraming puso, ay hindi mamamatay.

“Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo

mong katawan.”(Lk 11:34)