Katesismo Sa Responsableng Pagboto

Preview:

DESCRIPTION

BAYANI

Citation preview

Katesismo saResponsableng

Pagboto

Panimula• Liham Pastoral:

- Most. Rev. Buenavatura Famadico, Obispo ng San Pablo

Buod:• Paghimok ng ating obispo na tayo

ay kumilos ayon sa pagkilos ng isang bayani.

• Ito ay nangangahulugan na ang paglimot sa sarili alang-alang sa kapakanan ng bayan, at handang manindigan ayon sa katotohanan.

• Hinahamon ang bawat isa na kumilos ayon sa diwa ng pagiging bayani ngayong eleksyon: malinis, tapat, at responsableng botante para sa kapakanan ng ating bayan, at hindi ng sinumang kandidato.

– Kaya nga, hangad ng ating obispo na ang bawat isa, sa Diyosesis ng San Pablo ay maging isang tunay na BAYANI.Ano ba ang kahulugan ng BAYANI

ngayong eleksyon?

Panimula

B A Y A N I ako!B umoto ayon sa dikta ng konsensya na hinubog

ayon sa turo ng Diyos at Simbahan.

A lamin at kilatisin ang kandidatong dapat ihalal ayon sa kakayahan, paninindigan, at pananampalataya.

Y akapin ang mga kandidatong naninindigan para sa buhay, kasal, pamilya, at kalikasan.

A lagaan ang kabanalan ng iyong boto.

N awa ay ipanalangin natin ang isang malinis, mapayapa, at maayos na eleksyon.

I kaw at ako ang bagong bayani na magtataguyod ng mga ito.

Bumoto ayon sa dikta ng konsensya na hinubog

ayon sa turo ng Diyos at Simbahan.

BUMOTO

• Ano ang konsensya?

-“Tinig ng Diyos” sa kalooban ng bawat isa; nagsasabi kung ang pagkilos ay tama o mali.

PangungupitSa isang may konsensya,

ibinubulong nito na ang gawaing pangungupit ay mali.

BUMOTO

• Paano malalaman ang tinig ng Diyos?

- Ito ay malalaman sa pamamagitan ng turo ng Diyos at ng kanyang Simbahan.

Samakatuwid, ang isang tamang konsensya ay hinubog sa aral ng Panginoon.

Ibig sabihin, alam niya, at isinasabuhay ang mga ito.

BUMOTO

• Ano ang tamang pagboto?

- Ang tamang pagboto ay pagboto ayon sa tama at malinis konsensya at hindi kailanman ipinagbibili ang boto o bumoboto ayon sa pagiging kaibigan, kabarkada, kapuso, kapamilya, kapatid ng kandidato.

Alamin at kilatisin ang kandidatong dapat ihalal

ayon sa kakayahan, paninindigan, at

pananampalataya.

ALAMIN

• Ano ba ang kandidato?– Isang mamamayang Pilipino, tulad

natin, na naghahangad ng isang posisyong publiko para makapaglingkod sa kanyang kababayan.–Samakatuwid, sila’y naghahangad

na maging punong-lingkod ng sambayanan na hindi para magpayaman at maging makapangyarihan.

ALAMIN

• Kaya nga, mahalaga para sa bawat isa na tunay na kilatisin ang pagkatao ng isang kandidato.

• Hindi ito batay sa kanyang yaman, sa utang na loob, o sa pakikisama, o sa pagiging kumpare o kumare, pagiging sikat at kilala.

• Kundi, ito ay nakabatay sa mga sumusunod:

• KAKAYAHAN

Ang isang tunay na lingkod ay may puso para sa kabutihan ng kanyang

bayan.Ang pangunahin niyang hangarin ay

maibigay ang kanyang sariling buhay, alang-alang sa kapakanan ng iba.

KAKAYAHANG MAGLINGKOD

ALAMIN

• Mga Maling Pananaw sa Kakayahan:

–artista–mayaman–kamag-anak–madaling tandaan ang pangalan

ALAMIN

• PANININDIGAN:

Ang isang kandidatong may paninindigan ay may pagmamahal sa katotohanan para sa kapakanan

ng sambayanan.

ALAMIN

• Kandidatong Walang Paninindigan:

– Pabago-bago ng partido o “balimbing”– Nasusuhulan– Nadidiktahan ng partido, o dahil sa takot

na hindi ‘maambunan’ ng biyaya mula sa makapangyarihan.

ALAMIN

• PANANAMPALATAYA:

Ang isang kandidato ay may paniniwala at may takot sa Diyos.

Ang ibig sabihin nito, siya ay naglilingkod ayon sa kanyang mabuting konsensya, na ayaw niyang manloko, manlamang, magpayaman na gamit ang

kanyang posisyon bilang lingkod-bayan.

ALAMIN

Yakapin ang mga kandidatong naninindigan

para sa buhay, kasal, pamilya, at kalikasan.

YAKAPIN• Ang ‘pagyakap’ ay nangangahulugan

ng pakiki-isa sa isang tao.• Ang kandidatong may paninindigan

para sa buhay, kasal, pamilya at kalikasan ay nagpapahalaga sa mga nilikha ng Diyos.

Ang “three non-negotiable ethical principles” (buhay, kasal,

edukasyon ng mga bata) ay ang pangunahing batayan ng ating pakikiisa sa ating mga iboboto.

Alagaan ang kabanalan ng iyong boto.

ALAGAANBANAL ANG IYONG BOTO

• Ang pagboto ay ang pagpili ng mga mamumuno sa BAYAN NG DIYOS. Samakatuwid dapat tama ang pipiliing lider sapagkat nasa kanilang mga kamay ang ikauunlad o ikasisira ng bayan.

• Kung maihahalal ang maling tao sa mga pusisyon pampubliko masisira ang kinabukasan ng nasasakupan.

ALAGAAN

ALAGAAN ANG KABANALAN NG IYONG BOTO.

Paano mo maaalagaan ang kabanalan ng boto? - Sa pamamagitan ng tamang pagkilala sa katauhan, paniniwala at layunin ng kumakandidato.

ALAGAANHuwag ipagpalit ang iyong boto sa mga

pansamantalang halaga ng pera, pagkain, o pangakong agarang trabaho, na kung

susuriin ay mga pawang pansamantalang solusyon sa kahirapan.

Ang dapat iboto ay yung mga kandidato na may plano na lulutas sa mga suliranin at magsasagawa ng mga ito kung sila ay

nasa posisyon.

ANG BOTO MO AY BANAL,KAYA ALAGAAN MO ITO!

Nawa ay ipanalangin natin ang isang malinis,

mapayapa, at maayos na eleksyon.

• Kahalagahan ng PagdarasalBakit kailangan nating manalangin sa

darating na eleksyon?– Nais ng Simbahan na ating makita ang eleksyon

bilang isang sagradong gawain sapagkat ang bawat boto natin ay sagrado. Ang ibig-sabihin nito, ay boto ay katumbas ng ating pagkatao. Ang boto natin ay nangangahulugang pagbibigay ng ating sarili para sa ating bayan kaya tayo ay nagiging mga BAYANI.

IPANALANGIN

IPANALANGINAKO AY BAYANI SAPAGKAT

SAGRADO ANG AKING BOTO.

Sa isang bumoboto na nananalangin para sa kanyang boto ay pagpapakita

na pinapahalagahan niya ang kanyang boto bilang isang mananampalatayang

Katoliko.

“Iboboto ko ang aking pananampalataya.” Sa tulong ng

pananalangin nagiging ‘makonsensya’ ang pagboto.

(Conscientious Voting)

Ano’ng dapat gawin bago bumoto?– manalangin: ipanalangin ang mga kandidatong iyong iboboto ayon sa dikta ng konsensya.– Ipanalangin na maging malinis at maayos ang eleksyon.–Ipanalangin na maging karapat-dapat ang mga mahahalal sa posisyong publiko.

IPANALANGIN

IKAW at AKO

Ikaw at ako ang bagong bayani na magtataguyod ng mga ito.

IKAW at AKO

Ang Taon ng Pananampalatayaat ang Eleksyon 2013

Ang pakikiisa sa eleksyon ay isang maganda at konkretong gawain ng tao

na mayroong pananampalataya.

Recommended