Kolonisasyon Ng Mga Bansa Sa Asya

Preview:

Citation preview

Kolonyalismo Tumutukoy sa

pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang

layuning pangkomersyal at panrelihiyon ng bansa.

Ang kolonisasyon ng mga Europeo ay pinasimulan

sa pagtatag ng mga kompanyang pangkalakalan

na nauwi sa LABANANG KOLONYAL.

Nagpaligsahan ang mga Europeo sa pagkakaroon

ng maraming kolonya bunga ng natuklasang

malaking yaman sa mga lupain ng Asya.

Imperyong Kolonyal ng Portugal

Goa- Sentrong pangkalakalan ng Portugal sa India

East Indies- tawag sa bansang Indonesia noon.

Moluccas- sentrong pangkalakalan ng Portugal sa Indonesia.

Macau- sentrong pangkalakalan ng Portugal sa Tsina.

Rafael Perestrello Ang unang Portuges na bumisita sa

Tsina. Siya ang nagtatag ng lungsod ng Macau bilang sentro ng pakikipagkalakalan ng Portugal sa Tsina.

Ang Macau ay nanatiling kolonya ng bansa hanggang 1999.

Francis Xavier Portuges na nagpalaganap ng

Kristiyanismo sa Hapon. Tinawag na “ Apostle of the

Indies” Nagpasimula ng pakikipagkala-

kalan ng Portugal sa Hapon.

Imperyong Kolonyal ng Espanya

Ang mga kolonya ng bansa ay matatagpuan sa Kanluran maliban sa Pilipinas.

Noong 1565, ang Pilipinas ay sinakop ni Miguel Lopez de Legazpi- Cebu at Maynila.

Ang Pilipinas Ang naging pundasyon ng

relihiyong Katoliko sa Asya. Dahil sa yaman ng bansa,

nangibabaw ang kasakiman ng mga Espanyol kaysa layuning panrelihiyon.

Imperyong Kolonyal ng mga Dutch

Binuo ng mga Dutch ang Dutch East India Company upang magtatag ng pakikipagkalakalan sa Asya.

Mayroon itong kapangyarihang gumawa ng salapi, makipagkaunduan at magpalakas ng hukbo.

Batavia (Jakarta) -unang kolonya ng mga Dutch sa Indonesia.

Nasakop din nila ang Moluccas mula sa Portugal.

Noong 17th century, napasakamay ng mga Dutch ang buong Indonesia, Cape of Good Hope at iba pang himpilan sa Asya.

Imperyong Kolonyal ng mga British

Kinikilalang pinakamalaking imperyong naitatag sa kasaysayan.

Binuo ang British East India Company na naglalayong makipagkalakalan at bumuo ng imperyo sa Asya.

Madras, Bombay at Calcutta- himpilang pangka-lakalan ng Britanya sa India.

Ang India ay naging kolonya ng Britanya sa loob ng 350 taon.

Imperyong Kolonyal ng mga Pranses

French East India Company- nagtatag ng unang himpilang pangkalakalan ng Pransya sa Pondicherry, India.

Pinamahalaan ni Francois Dupleix.

Si Robert Clive ang kilalang una at

pinakamagaling na tagapangasiwa ng

Imperyong British sa India.

Pagpapalawak ng Russia

Isinagawa ng grupong “Cossack” sa ilalim ng pamumuno ni Yermak Timopeyavich.

Sinakop ang Siberia at tinangkang masakop ang mga lugar sa Tsina.

Upang wakasan ang sigalot sa pagitan ng Russia at Tsina, sila ay gumawa ng kasunduan. Ang Kasunduang Nerchinsk ay nagtalaga ng hangganan sa pagitan ng dalawang bansa.

Recommended