Lesson New

Preview:

DESCRIPTION

lesson

Citation preview

July 10, 2014 Wednesday11:00-12:00 SCIENCE VI

1:30-1:50 MSEP IV 1:50-2:30 EPP IV

I. Nasusuri ang mga katangian ng kasiya-siyang pamumuhay.PAGGALANG SA BAWAT KASAPI NG MAG-ANAK

II. A. Mabuting Katangian ng Mag-anakB. 2002 BEC Handbook sa Makabayan ( EPP) 4, A.2.1.1C. powerpoint presentation

III. A. 1. Sabihin kung sinu-sino ang kasapi ng mag-anak 2. Talakayin ang mga dapat gawin upang maging kasiya-siya ang pamumuhay ng mag-anak. B. 1. Ipakita ang larawan. Itanong: Paano ipinakita ng mga magulang mo ang pagmamahal nila sayo? 2. Linangin ang kahulugan ng mga salitang pagmamahal , pagpapahalaga, paggalang at pagpaparaya. 3. Ipakita ang powerpoint presentation. 4. Itanong: Anu-ano ang kabutihang maidudulot ng bawat katangian? Bakit mahalaga ang pagmamahal at paggalang sa bawat kasapi ng mag-anak? C. Itala sa tsart ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa bawat kasapi ng mag-anak.

IV. Lagyan ng tsek ang bilang na naglalarawan ng magandang katangian at ekis kung hindi. 1. Kaniya-kaniyang lakad ang mag-anak nina Rosa. 2. Ang bawat miyembro ng mag-anak ay ginagawa nang maayos ang kanyang tungkulin. 3. Ang mga bata ay nagpaparaya lalo na sa nakababatabg kapatid. 4. Parating nag-aaway ang magkakapatid kapag gumagawa. 5. Ang buong mag-anak ay tulung-tulong sa mga gawain.

V. Sumulat ng maikling talata kung papaano mo matatamo ang kasiya-siyang pamumuhay.

2:30-3:10 HEKASI VI. Naibibigay ang kahalagahan ng pinagkukunang-yaman sa hanapbuhay ng mga unang Pilipino.

II. A. Ang Likas na Yaman at ang Hanapbuhay ng mga TaoB. Batayang Aklat, pp. 42-44 Manwal ng Guro, 24-26, PELC Yunit I C.1 p. 1C. mga larawan ng iba't ibang gawain tulad ng paghahabi, paglalala, pagsasaka, paggawa ng bangka,

paggawa ng banga at palayok, pangingisda, pangangaso

III. A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.2. Balik-aral: Ipaliwanag kung paano nakikipag-ugnayan ang unang Pilipino.3. Pagganyak: Talakayin ang uri ng panahanan ng ating mga ninuno.

B. Panlinang na Gawain:1. Paglalahad

Ipakita ang iba’t-ibang mga hanapbuhay o industriyang pantahanan(nakasulat sa tsart)

2. Pagbibigay-hinuhaSaan maaaring magmula ang mga hanapbuhay na ito?

3. Basahin ang Teksto4. Pagtalakay/Pagpapatunay

- Patunayan na mayaman ang ating bansa sa mga likas na yaman.

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalahat

- Ang ating bansa ay mayaman na siyang pinagkukunan ng mgapangangailangan ng mga tao.

2. Pagpapalawak ng Aralin- Maglaro ng “Ano ang Naitutulong KO?”

Hal. Ilog ako. Anong hanapbuhay ang maaari kong idulot sa mga naninirahan sa pampangko o malapit dito?

3. PagppahalagaAng ating bansa ay mayaman sa likas na yaman. Pero bakit marami pa rin ang

nagugutom at naghihirap?

IV. Ebalwasyon:Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Alin sa sumunod ang hindi hanapbuhay ng mga unang Pilipino?

a. pangingisda c. paggawa ng palayokb. pagsasaka d. pagtatrabaho sa pabrika

2. Alin ang nagpapakita ng pangangailangan ng likas na yaman?a. pagputol ng mga punongkahoy c. pagtatanim ng mga punongkahoyb. paghuli ng maliliit na isda d. paghuli ng mga hayop

V. Gumawa ng islogan ukol sa wastong pangangalaga ng ating likas na yaman.

3:10-3:50 EPP VI. Naisasagawa nang maluwag sa kalooban ang sariling tungkulin at pananagutan bilang kasapi

ng mag-anak tungo sa kasiya-siyang pamumuhay.PAGIGING MASIPAG AT MATULUNGIN

II. A. Kasiya-siyang Pakikitungo ng Mag-anakB. 2002 BEC EPP 5, A.2, 2.1 Umunlad sa Paggawa 5, pahina 25C. powerpoint presentation

III. A. 1. Ipasuro sa klase ang sumusunod at pagpasyahan nila kung ang mga ito ay karapatan o pananagutan.

a. Pag-aaral at pagpapaunlad ng mag-anakb. Pakikiisa sa mga gawaing bahayc. Pagiging huwaran sa mga anak sa kagandahang asald. Pag-alam ang tungkol sa pamilya

B. 1. Itanong: Alam mo ba kung ano ang tungkulin mo sa bahay? Maluwag ba sa kalooban mo

ang pagtupad ng mga tungkuling ito?2. Ipakita ang powerpoint presentation

C. 1. Bumuo ng kaisipan tungkol sa kabutihan ng pagsasagawa nang kusang-loob sa mga

tungkulin/ pananagutan ng bawat kasapi ng mag-anak.2. Hayaang magbigay ng halimbawa ang klase.

IV/ Lagyan ng tsek ang tamang hanay na tseklis.

Recommended