Mga Suliranin 'ho: Isang tula

Preview:

DESCRIPTION

Ito'y isang likhang tula na bunga ng malikot na kathang-isip. wala po ako gustong paabutan ng tulang ito. alay sa mga kapwa ko mag-aaral. Maligayang Pagbabasa!

Citation preview

Mga Suliranin ‘ho!

Ni Bryan Ducay Aurelio

I

Sa panahon ngayon kasakima’y laganap

Mga taong mapagkunwari’t mapagpanggap

Habang ang iba nama’y nag-aasal hudas

Na ang ugali’y masahol pa sa ahas

II

Kapag walang maani mula sa itinanim

Naku nariyan na, mga kapit sa patalim

Pinoproblema pagka’t walang makain

Kaya pati gobyerno nati’y sisisihin

III

Kaya’t ang iba’y lumilipad sa alapaap

Hindi alam ang patutunguhan

Ni walang katiyakan

Kung anong kahihinatnan nitong pangarap

IV

Mga saloobi’y hindi naman batid

Kaya mga tao’y binuksan ang dibdib

Upang mabatid mga saloobin

Lalo na ng mga taong walang makain

V

Kaya naman sa mga nagmumurang-kamatis

Bawas-bawasan mga dala niyong alahas

Upang di madamay sa pagkakautang

Nitong mga taong hilong-talilong

Recommended