Pagbabakuna ng Bata

Preview:

DESCRIPTION

Pagbabakuna ng Bata. IMCI Instructional Module. Bakit kailangan ng bakuna ng ating mga anak?. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Pagbabakuna ng Bata

IMCI Instructional Module

Bakit kailangan ng bakuna ng ating mga anak?

• Ang ating mga anak ay nangangailangan ng bakuna upang maprotektahan sila sa mga nakamamatay at malulubhang sakit. Ang pagbabakuna ay nagbibigay ng antibodies sa katawan ng ating mga anak na nakakalaban sa mga sakit.

Ano ang gagawin kung may dumating na batang magpapabakuna?

Gabay para sa BHW

1. Tingnan ang kalagayan ng bata

• Maysakit ba ang bata?

• Ubo?• Hirap sa paghinga?• Pagtatae?• Lagnat• Masakit na tenga• Malnutrisyon• Anemia• Nabakunahan na? Ano na ang naibigay?

2. Tingnan kung ano ang status ng bakuna ni baby

Schedule ng Pagbakuna EDAD BAKUNA

Bagong silang BCG, OPV-0, Hepa B-1

6 na linggo (1 ½ buwan) DPT-1, OPV-1, Hepa B-2

10 na linggo (2 ½ buwan) DPT-2, OPV-2

14 na linggo (3 ½ buwan) DPT-3. OPV-3

6 na buwan Hepa B-3

9 na buwan Measles

Tiyakin kung naibigay sa bata ang mga bakunang inirerekomenda para sa kanyang edad

3. Magdesisyon.

TANDAAN: Walang kontraindikasyon sa pagbakuna sa isang batang may sakit kung kaya ng batang umuwi ng maayos ang pakiramdam o

kalagayan. ALAMIN ang iba pang sakit o problema ng bata.

Babakunahan ang bata

Ibalik ang batasa ibang araw

Kailan dapat mabakunahan ang ating mga anak?

• Lahat ng bata ay inirerekomenda na mabigyan ng bakuna bago ng unang kaarawan.

• Kapag hindi nabigyan ng bakuna ang bata sa takdang edad, pwedeng ibigay ang mga kinakailangang bakuna kahit kailan pagkatapos ng takdang edad para sa bakuna.

Ano ang mangyayari kung nagkulang ng bigay ng bakuna?

• Para sa bawat bakuna, ibigay ang mga natitirang doses na may agwat na apat na linggo. Hindi kinakailangan ulitin ang buong iskedyul ng pagbigay ng bakuna.

Kailan HINDI nagbabakuna sa bata?

• Huwag bakunahan ng BCG ang batang may AIDS• Huwag bakunahan ng DPT 2 o DPT 3 ang batang

nagkaroon ng kombulsyon o pagbagsak ng presyon sa loob ng tatlong araw sa pagkabigay ng unang dose ng nasabing bakuna.

• Huwag bakunahan ng DPT ang batang mayroong pabalik-balik na kombulsyon o kahit na anong aktibong sakit sa central nervous system o sa utak

Mga Paalala Para sa BHW

• Sa mga pagkakataon na ang bata ay may kalagayan na kailangan ng “referral” sa ibang ospital, huwag na itong bigyan ng bakuna at hayaan na lamang na ang ospital na tatanggap sa pasyente ang magdesisyon at magbigay ng nararapat na bakuna. Ito ay para mas mabilis ang referral upang sa gayon ay mas mabilis din ang paggamot sa pasyente.

Mga Paalala Para sa BHW

• Ang batang may iskedyul mabakunahan ng OPV ngunit nagtatae ay dapat mabakunahan ng OPV (Oral Polio Vaccine) sa oras ng bisitang ito. Ngunit, huwag ibilang ang bakunang iyun, dapat ibalik ang bata para mabakunahan para sa susunod na dose ng OPV at para sa sobrang dose ng OPV.

• Payuhan ang ina ng bata na siguraduhin na ang kanyang ibang mga anak ay nabakunahan.Bigyan ang ina ng Tetanus toxoid kung kinakailangan.

Paano nagrerecord ng status ng bakuna ni baby?

• Tingnan ang edad ng bata sa clinical record.

• Tanungin kung dala ng ina ang card ng bakuna ni baby.

OO?Ikumpara ang record ni baby sa skedyul ng bakuna Siguraduhing kumpleto ang bata ng takdang bakuna para sa kanyang edad.Lagyan ng tsek ang mga bakunang naibigay na at bilugan ang nakatakda pang ibigay at ilagay ang petsa kung kailan ang balik

HINDI?Itanong sa nanay ng bata kung may naibigay ng bakuna. Kung hindi sigurado ang ina, maaring bakunahan ang bata ng naaayon sa kanyang edad.I-record ang mga bakunang naibigay sa record at bigyan ng card ang nanay ng bata.Lagyan ng tsek ang mga bakunang naibigay na at bilugan ang nakatakda pang ibigay at ilagay ang petsa kung kailan ang balik

Pagsasanay sa Pagrecord ng Bakuna

• Si Carla ay 1 buwang gulang na batang babae. Siya ay ipinanganak sa ospital sa Lipa at nabigyan na ng BCG at Hepa B-1. Dinala sya ng kanyang ina sa health center upang bakunahan. Ito ang unang beses niya magpakonsulta sa health center. Ano ang bakunang dapat ibigay sa kanya?

Sample ng Record ng BakunaPangalan : Carla Edad: 1 buwan Weight: 3.8 kg Temp: 36.8 C

Problema o sakit ng bata: wala # ng pagbisita: 1

Assessment: (bilugan ang naaangkop)–Ubo?–Hirap sa paghinga?–Pagtatae?–Lagnat–Masakit na tenga–Malnutrisyon–Anemia

Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ____Hep B2 _____Hep B3 ___ DPT1 ____DPT2 _____DPT3 __OPV0 ___OPV1 ____ OPV2 _____ Measles

Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan?

• Ang mga batang binigyan ng BCG ay magkakaroon ng pantal at pagsusugat sa lugar na pinagturukan matapos ang 2 linggo. Ang sugat ay maliit at magpepeklat. Payuhan ang ina na huwag takpan ang sugat. Maaring takpan ito ng malinis na gasa kung marumi ang kapaligiran.

• Maaring magkaroon ng lagnat, at maging maligalig ang mga batang binakunahan ng DPT. Ang pagkakaroon ng lagnat ay senyales na gumagana ang bakuna. Payuhan ang nanay na bigyan ang bata ng Paracetamol kada 4 na oras. Huwag balutan ng maraming damit ang bata dahil mas nakakapag-painit ito ng katawan.

Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan?

• Ang mga batang binigyan ng bakuna para sa tigdas o measles ay maaring magkaroon ng lagnat at pamamantal. Ang paglalagnat ay maaring tumagal ng 1 hanggang 3 araw o maaring lumabas ng 1 linggo matapos nabigyan ng bakuna.Ang pagkakaroon ng lagnat ay senyales na gumagana ang bakuna. Bigyan ng paracetamol ang bata kada 4 na oras para sa lagnat.

Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan?

Importansya ng Follow Up

• Huwag kalimutan sabihin sa ina o tagapag-alaga ng bata kung kailan babalik ang bata upang bakunahang muli at kung anong bakuna ang ibibigay sa kanya.

Pagpapayo

• Bawat ina o tagapag-alaga ng isang batang may sakit ay kinakailangan bigyan ng payo kung kailan babalik sa health center para sa follow-up check-up.

Pagpapayo

Kinakailangan bumalik sa health center para sa:1.Follow-up na pagbisita: pagkatapos ng takdang

araw (halimbawa: para malaman ang epekto ng antibiotiko)

2.Agarang bisita (IMMEDIATELY): kapag may mga simtomas na senyales na lumalala ang sakit

3.Sunod na pagbabakuna: para sa mga walang sakit na bata

Pagpapayo sa FOLLOW-UP na pagbisista

• Mga sakit na kinakailangan suriin kung epektibo ang antibiotiko na binibigay (halimbawa: pulmonya, impeksyon sa tainga at dysentery)

• Mga nagtatae: para masuri ang estado ng nutrisyon ng bata

• Ibang sakit na hindi nawawala tulad ng lagnat o nana na nagmumula sa mata

Pagpapayo sa FOLLOW-UP na pagbisista

• Kung sakaling kailangan ng isang bata na mag-follow-up para sa higit sa isang sakit, pabalikin ang bata sa pinakamaagang kinakailangang araw

• Kung patuloy parin ang sakit (tulad ng lagnat), maaaring bumalik ng mas maaga sa takdang araw ng follow-up

Pagpapayo sa FOLLOW-UP na pagbisista

Kung ang bata ay mayroong: Follow-up matapos ang:

Pulmonya, disenterya, malarya (kung patuloy ang lagnat), kung patuloy ang lagnat na hindi sanhi ng malarya, tigdas na may komplikasyon sa mata at bibig

2 araw

Patuloy na pagtatae, impeksyon sa tainga, problema sa pagkain, ibang sakit na hindi gumagaling

5 araw

Pamumutla 14 arawMababang timbang para sa edad 30 araw

Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)

• Kinakailangan ipaalam sa ina o tagapag-alaga ng bata ang mga senyales para malaman na kinakailangang agarang bumalik sa heath center

Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)

Anu-ano ang mga senyales na kinakailangan ng agarang pagbisita?

SA LAHAT NG MAY SAKIT NA BATA:• Mahinang dumede o kumain• Mas lumalala ang sakit• Nagkaroon ng lagnat

Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)

Anu-ano ang mga senyales na kinakailangan ng agarang pagbisita?

SA MGA BATANG MAY UBO O SIPON:• Mabilis ang paghinga• Nahihirapang huminga

Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)

Anu-ano ang mga senyales na kinakailangan ng agarang pagbisita?

SA MGA BATANG NAGTATAE:• May dugo sa dumi• Mahinang dumede o uminom ng tubig

Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)

Payuhan din ang mga ina na iwasang malamigan ang mga sanggol. Ang mababang temperatura ay maaaring makamatay sa isang sanggol

Pagpapayo sa susunod na pagbabakuna

Payuhan ang ina para sa iskedyul ng sunod na bakuna.

Kung sakaling madaming ipapayo sa isang ina patungkol sa isang sakit (halimbawa: paraan ng pagbibigay ng antibiotiko at ang follow-up na tsek-up para dito), huwag na munang bigyan ng payo ukol sa susunod na iskedyul ng bakuna na sa isang buwan pa ibibigay.

Pagpapayo

• Sa pagbisita ng isang may sakit na bata, tanungin din ang ina kung meron siyang sakit na nararamdaman. Maaring kinakailangan din ng ina ng paggamot o referral sa ospital.

ORS (oral rehydration solution)

Ang bagong pormulasyon ng ORSPaghalu-haluin lang sa isang lalagyan ang mga

sumusunod:• 1 litro ng tubig• 0.5 kutsarita buo-buong asin (rock salt)• 2.5 kutsarita asukal

Dosage ng Paracetamol sa Bata

Pagkatimpla ng Paracetamol

Timbang 250mg/5ml 125mg/5ml

4-6 na kilo 1.0 ml 2.0 ml

7-8 na kilo 1.5 ml 2.5 ml

9-10 na kilo 2.0 ml 3.5 ml

11-14 na kilo 2.5 ml 5 ml

15-19 na kilo 3.5 ml 6 ml

Mga Pagsasanay

• Si Juan ay isang 1 buwang gulang na batang lalaki. Siya ay ipinanganak sa bahay ng isang hilot. Ito ang unang pagkakataon na dadalhin sya sa health center upang pabakunahan. Ano ang kinakailangan niyang bakuna sa ngayon?

Sagot

• BCG• HepB1• OPV1• DPT1

Record ni JuanPangalan : Juan Edad: 1 buwan Weight: 3.6kg Temp: 36.8 C

Problema o sakit ng bata: wala # ng pagbisita: 1

Assessment: (bilugan ang naaangkop)–Ubo?–Hirap sa paghinga?–Pagtatae?–Lagnat–Masakit na tenga–Malnutrisyon–Anemia

Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ____Hep B2 _____Hep B3 ___ DPT1 ____DPT2 _____DPT3 __OPV0 ___OPV1 ____ OPV2 _____ Measles

• Si Melanie ay isang 6 na buwang gulang batang babae na dinala ng kanyang lola sa health center upang mabakunahan. Nabigyan na si Melanie ng BCG, HepB1, OPV1 , at DPT 1.

• Ano ang bakunang ibibigay kay Melanie ngayon?• Kailangan bang ulitin ang pagbigay ng DPT ,

OPV, at HepB kay Melanie? • Ano ang ibabakuna kay Melanie pagbalik niya sa

health center?

Sagot

• HepB2, DPT2,OPV1• Hindi• HepB3, DPT3, OPV2

Record ni MelaniePangalan : Melanie Edad: 6 buwan Weight: 5.7 kg Temp: 36.8 C

Problema o sakit ng bata: wala # ng pagbisita: 2

Assessment: (bilugan ang naaangkop)–Ubo?–Hirap sa paghinga?–Pagtatae?–Lagnat–Masakit na tenga–Malnutrisyon–Anemia

Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ___Hep B2 _____Hep B3 ___ DPT1 ___DPT2 _____DPT3 __OPV0 __OPV1 ____ OPV2 _____ Measles

• Si Maria ay isang batang babae na may edad na 4 na buwan. Dinala sya ng kanyang ina para bakunahan. Mula kahapon ay nagkaroon ng 3 beses na matubig na dumi si Maria, ngunit siya ay magana kumain, nakikipaglaro sa kanyang mga kapatid, at hindi naman nanghina. Ang kanyang record ay nagpapakita na nabakunahan na si Maria ng BCG, OPV0, OPV1, OPV2, DPT1, DPT 2, HepB1, HepB2.

• Dapat bang bakunahan si Maria?• Ano ang ibibigay sa kanya kung pwede syang

bakunahan?

Sagot

• Oo, walang kontraindikasyon si Maria sa pagbabakuna.

• HepB3

Record ni MariaPangalan : Maria Edad: 6 buwan Weight: 5.5 kg Temp: 36.8 C

Problema o sakit ng bata: Diarrhea # ng pagbisita: 4

Assessment: (bilugan ang naaangkop)–Ubo?–Hirap sa paghinga?–Pagtatae?–Lagnat–Masakit na tenga–Malnutrisyon–Anemia

Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ___Hep B2 ____Hep B3 ___ DPT1 ___DPT2 ____DPT3 __OPV0 __OPV1 ___ OPV2 _____ Measles

• Si Justin ay isang 2 buwang gulang batang lalaki, 5 kilo ang timbang. Nabakunahan sya ng DPT2 kahapon. Dinala siya muli ng kanyang ina sa health center dahil sa nilalagnat ito. Ano ang maipapayo mo sa ina ni Justin?

Sagot

• Ang paglalagnat matapos bigyan ng DPT ay normal at nangangahulugang gumagana ang bakuna. Maaring bigyan ng Paracetamol ang bata kada 4 na oras para sa lagnat.

• Si Ana ay isang 1 buwang gulang na batang babae. Ito ang kanyang unang bisita sa health center dahil sa paulit ulit na kombulsyon. Wala pang bakuna si Ana. Bilang isang responsableng BHW, anong mga bakuna ang ibibigay mo kay Ana? Anong bakuna ang hindi maaring ibigay sa kanya?

Sagot

• BCG, OPV1, HepB1• DPT

Record ni AnaPangalan : Ana Edad: 1 buwan Weight: 3.4 kg Temp: 37.2 C

Problema o sakit ng bata: Kombulsyon # ng pagbisita: 1

Assessment: (bilugan ang naaangkop)–Ubo?–Hirap sa paghinga?–Pagtatae?–Lagnat–Masakit na tenga–Malnutrisyon–Anemia

Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ___Hep B2 ____Hep B3 ___ DPT1 ___DPT2 ____DPT3 __OPV0 __OPV1 ___ OPV2 _____ Measles

Recommended