View
9
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya para sa
IKALIMANG LINGGO
SA KARANIWANG PANAHON
TAON A
9 Pebrero 2020
PASIMULA __
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo
sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa
hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik
sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay
paroroon sa kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus, ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:
a Ngalan ng Ama,
at ng Anak, † at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinapahayag:
ng pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
S
A
PAMBUNGAD NA PANANALITA __
Ang pari o ang diyakono o anumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng
maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipinagdiriwang.
ga kapatid kong minamahal,
halina’t ating sambahin sa pagdiriwang na banal
ang Panginoong ating Diyos.
Tayo’y manikluhod at taimtim na manalangin
sa butihing Panginoon
na sa ati’y nagdudulot ng Kanyang habag at awa.
Tayo’y Kanyang isinusugo
upang maging ilaw ng sanlibutan:
liwanag na tatanglaw
sa mga kapatid nating nasa kadiliman
at ang siyang gagabay
sa mga kapatid nating naliligaw.
Kaya’t mga kapatid,
halina’t pagsisihan ang ating mga kasalanan
upang marapat tayong magdiwang
sa banal na misteryong ito.
m
PAGSISISI SA KASALANAN __
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa
nagawang kasalanan.
naamin ko sa makapangyarihang Diyos,
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad.
aawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan Mo kami,” maliban kapag naganap
na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan.
I
K
PAPURI SA DIYOS __
apuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin,
dinarangal Ka namin,
sinasamba Ka namin,
ipinagbubunyi Ka namin,
pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong HesuKristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
maawa Ka sa amin.
Sapagka’t Ikaw lamang ang banal,
Ikaw lamang ang Panginoon,
IKaw lamang, O HesuKristo,
ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.
P
PANALANGING PAMBUNGAD __
ma naming makapangyarihan,
lagi Mong lingapin at patnubayan
kaming mga kabilang sa Iyong angkan.
Sa tanging pag-asa naming Ikaw ang nagbibigay
kami’y tangkilikin Mo at laging subaybayan
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
A
Liturhiya ng Salita ng Diyos
UNANG PAGBASA: ISAIAS 58: 7-10 __ Matutulad kayo sa bukang-liwayway.
ANG SALITA NG DIYOS MULA SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS
to ang ipinasasabi ng Panginoon:
“Ang mga nagugutom ay inyong pakanin,
patuluyin sa inyong tahanan ang walang tirahan.
Yaong mga tao
na halos hubad na ay inyong paramtan,
ang iyong pagtulong
sa mga kasama ay huwag tatalikdan.
At kung magkagayon,
matutulad kayo sa bukang-liwayway.
hindi maglalao’t
gagaling ang inyong sugat sa katawan,
ako’y laging sasainyo,
ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar.
Sa araw na iyon,
diringgin ng Panginoon ang dalangin ninyo,
pag kayo’y tumawag,
ako’y tutugon agad.
Kung titigilan ninyo
ang pang-aalipin at pagsuway sa akin,
at ang masamang salita’y iiwasan,
I
kung ang nagugutom
ay pakakanin ninyo at tutulungan,
ang kadilimang bumabalot sa inyo
ay magiging tila liwanag sa katanghalian.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN: Salmo 111: 4-5. 6-7. 8a at 9 __
Sa dilim ay may liwanag sa tao na nahahabag.
Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanang.
Ang mapagpautang nagiging mapalad,
kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat. (Tugon)
Hindi mabibigo ang taong matuwid,
di malilimutan kahit isang saglit.
Anumang balita’y hindi siya takot,
matatag ang puso’t may tiwala sa Diyos. (Tugon)
Wala siyang takot hindi nangangamba,
alam na babagsak ang kaaway niya.
Mabait na lubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas,
buong karangalan siyang itataas. (Tugon)
IKALAWANG PAGBASA: 1 CORINTO 2: 1-5 __ Ipinasiya kong wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Hesukristo na ipinako sa krus.
ANG SALITA NG DIYOS MULA SA UNANG SULAT
NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA TAGA-CORINTO
ga kapatid,
nang ako’y pumariyan,
ipinahayag ko sa inyo ang lihim na panukala ng Diyos,
ngunit hindi sa pamamagitan
ng malalalim na pananalita o matataas na karunungan.
Ipinasiya kong wala akong ipangangaral sa inyo
kundi si Hesukristo na ipinako sa krus.
Kaya mahina, takot,
at nanginginig akong humarap sa inyo.
Sa pananalita at pangangaral ko’y
hindi ko kayo inakit ng matatamis na pangungusap
batay sa karunungan ng tao,
kundi sa pamamagitan ng patotoo ng Espiritu
at ng kapangyarihan ng Diyos.
Kaya’t hindi na karunungan ng tao
kundi sa kapangyarihan ng Diyos
nababatay ang inyong pananalig kay Kristo.
Ang Salita ng Diyos.
M
ALELUYA (Juan 8: 12)
Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni HesuKristo:
“Ako ay ilaw ng mundo
at buhay ng alagad Ko.”
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA: MATEO 5: 13-16 __ Kayo’y ilaw sa sanlibutan.
† ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
oong panahong iyon,
sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,
“Kayo’y asin sa sanlibutan.
Kung mawalan ng alat ang asin,
paano pang mapananauli ang alat nito?
Wala na itong kabuluhan
kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.
“Kayo’y ilaw sa sanlibutan.
Hindi maitatago ang isang lungsod
na nakatayo sa ibabaw ng burol.
Walang nagsisindi ng ilaw
at naglalagay nito sa ilalim ng takalan.
Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan
upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.
N
Gayun din naman,
dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw
sa harapan ng mga tao,
upang makita nila ang inyong mabubuting gawa,
at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
At saka isusunod ang Homiliya o Pangaral.
Pagkatapos ng Homiliya, ipahahayag ang Sumasampalataya.
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA __ KREDO NICENO-CONSTANTINOPOLITANO
umasampalataya ako sa isang Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa,
ng lahat na nakikita at ‘di nakikita.
Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong HesuKristo,
Bugtong na Anak ng Diyos,
Sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon.
Diyos buhat sa Diyos,
liwanag buhat sa liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo
sumilang at hindi ginawa,
kaisa ng Ama sa pagka-Diyos,
at sa pamamagitan Niya ang ginawa ang lahat.
Dahil sa ating pawang mga tao
at dahil sa ating kaligtasan,
Siya ay nanaog mula sa kalangitan.
Sa tagpong ito ang lahat ay yuyuko.
Nagkatawang-tao Siya
lalang ng Espiritu Santo
kay Mariang Birhen
at naging tao.
At saka magpapatuloy ang lahat.
Ipinako sa krus dahil sa atin.
Nagpakasakit sa hatol ni Poncio Pilato,
s
namatay at inilibing.
Muli Siyang nabuhay sa ikatlong araw
ayon sa Banal na Kasulatan.
Umakyat Siya sa kalangitan
at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal.
Paririto Siyang muli
na may dakilang kapangyarihan
upang hukuman ang mga buhay at mga patay.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,
Panginoon at nagbibigay-buhay
na nanggagaling sa Ama at sa Anak.
Sinasamba Siya at pinararangalan
kaisa ng Ama at ng Anak.
Nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang
Katolika at Apostolika
gayundin sa iisang binyag
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan,
at hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay
at ang buhay na walang hanggan.
Amen.
O kaya, para sa Simbahan sa Pilipinas, pinahihintulutang gamitin ang sumusunod:
KREDO NG MGA APOSTOL
umasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay HesuKristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Sa tagpong ito ang lahat ay yuyuko.
Nagkatawang-tao Siya
lalang ng Espiritu Santo
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
At saka magpapatuloy ang lahat.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
Ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon nagmumulang paririto at huhukom
sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
s
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
Matapos ang Pagpapahayag ng Pananampalataya, isusunod ang Panalangin ng Bayan.
PANALANGIN NG BAYAN __
Pasisimulan ng Pari ang Panalangin ng bayan sa mga sumusunod na salita:
umalangin tayo
sa Amang nakikinig sa atin,
at tumutugon sa ating mga pangangailangan.
Halina, mga kapatid, at ating itugon:
PANGINOON, DINGGIN MO KAMI!
Babanggitin ng tagabasa ang mga sumusunod na kahilingan:
Para sa Simbahang Katolika: siya nawa ang maging
liwanag ni Kristo sa sanlibutan at manatiling tapat sa mga
aral ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Para sa mga pinuno ng Simbahan at ng pamahalaan: sila
nawa’y kumilos laban sa mga pang-aapi sa ating lipunan
at lumingap sa mga kapuspalad, manalangin tayo sa
Panginoon.
Para sa pamayanang Kristiyano: palakasin nawa tayo ng
ating pananalig sa Diyos upang matahak natin ang daan
tungo sa kanyang kalooban, manalangin tayo sa
Panginoon.
Para sa mga maysakit: lumakas nawa ang kanilang
kalooban at patuloy na manalig sa Diyos na patuloy na
nagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.
D
Para sa mga yumao: makasunod nawa sila sa liwanag ni
Kristo at makapasok sa walang katapusang presensiya ng
Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Pagkatapos nito, ipahahayag ng Pari ang Pangwakas na Panalangin nang magkadaop ang
mga kamay:
ma naming makapangyarihan,
pakinggan Mo ang pagluhog
ng Iyong sumasamong sambayanan.
Gawin Mo kaming maging Ilaw ng sanlibutan
upang maging tanglaw at gabay
sa daang nilalakaran ng aming mga kapatid
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
a
Liturhiya ng Eukaristiya
PAGHAHANDA NG MGA HANDOG AT DAMBANA __
Pagkatapos, sisimulan ang awit sa pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng
pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga
dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay na bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:
apuri-puri Ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa Iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang
dinarasal nang pabulong:
a paghahalong ito ng alak at tubig
kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makisalo sa aming pagkatao.
k
S
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal nang pabulong:
apuri-puri Ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa Iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal nang pabulong:
iyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa Iyo
nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana, pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay,
samantalang pabulong niyang dinarasal:
Diyos kong minamahal,
kasalanan ko’y hugasan
at linisin Mong lubusan ang nagawa Kong pagsuway.
k
D
O
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga
tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinapahayag:
analangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa Iyong mga kamay
sa kapurihan Niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan Niyang banal.
Pagkaraa’y ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang mga panalangin
ukol sa mga alay.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY __
ma naming Lumikha,
ang pagkai’t inuming narito ay Iyong ginawa
upang mapalakas kaming mga mahihina.
Ipagkaloob Mong ito ay aming mapagsaluhan
bilang pakikinabang
sa buhay Mong pangmagpakaylan man
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
m
A
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT __
Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya
ang kanyang mga kamay habang Kanyang sinasabi:
umainyo ang Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas ang kanyang mga kamay:
taas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Sasagot ang mga tao:
Itinaas na namin sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:
asalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Sasagot ang mga tao:
Marapat na Siya ay pasalamatan.
S
I
P
UNANG PREPASYO SA KARANIWANG PANAHON __ Ang misteryo ng Pasko ng Pagkabuhay at ng Bayan ng Diyos
ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na Ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni HesuKristo
na aming Panginoon.
Sa dakilang pagtubos Niya sa amin
ang kasalana’t kamatayang aming pasanin
ay binalikat Niya upang kami’y palayain
at maitampok sa Iyong luningning.
Siya ang nagtanghal sa amin bilang liping hinirang,
pari at haring lingkod sa Iyong kamahalan.
Mula sa kadiliman, kami ay Iyong tinawag
bilang Iyong angkang may tungkuling maglahad
ng Iyong dakilang pag-ibig sa lahat.
Kaya, kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa Iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:
Aawitin o bibigkasin nang malakas ang Santo.
A
IKATLONG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.
ma naming banal,
dapat Kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak
na aming Panginoong HesuKristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan Mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa Mong tinitipon ang Iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang Iyong ngalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga
alay habang siya'y nagdarasal.
ma,
isinasamo naming pakabanalin Mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa Iyo.
Pagdaraupin ng pari ng kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal:.
Ito nawa ay maging Katawan at Dugo †
ng Iyong Anak at aming Panginoong HesuKristo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.
A
A
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng
malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihngi ng kahulugan ng mga ito.
Noong gabing ipagkanulo Siya,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang
patuloy na ipinahahayag:
hinawakan Niya ang tinapay,
pinasalamatan Ka Niya,
pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito
sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy:
Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na ipinahahayag:
hinawakan Niya ang kalis
muli Ka Niyang pinasalamatan,
iniabot Niya ang kalis sa mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo,
at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:
pagbunyi natin ang misteryo
ng ating pananampalataya.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Si Kristo ay gunitaing
sarili ay inihain
bilang pagkai’t inuming
pinagsasaluhan natin:
Hanggang sa S’ya’y dumating.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:
ma,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng Iyong anak
na sa ami'y nagligtas,
gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay
I
A
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang Kanyang pagbabalik
ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat
ngayo'y aming iniaalay sa Iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan Mo ang handog na ito
ng Iyong Simbahan.
Masdan Mo ang Iyong Anak
na nag-alay ng Kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa Iyo.
Loobin Mong kaming magsasalu-salo
sa Kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.
Tagapamuno o ibang Nakikipagdiwang:
ami nawa ay gawin Niyang handog
na habang panahong nakatalaga sa Iyo.
Tulungan nawa Niya kaming magkamit
ng Iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
ng kabiyak ng puso Niyang si San Jose,
kaisa ng mga Apostol, mga martir,
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.
K
Tagapamuno o ibang Nakikipagdiwang:
ma,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa Iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng Iyong lingkod na si Papa FRANCISCO,
ang aming Obispo N.,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng Iyong piniling sambayanan.
Dinggin Mo ang kahilingan ng Iyong angkan
na ngayo'y tinipon Mo sa Iyong harapan.
Amang maawain,
kupkupin Mo't pag-isahin ang lahat ng Iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
† Kaawaan Mo't patuluyin sa Iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo.
Kami ay umaasang makakarating sa Iyong piling
at samasamang magtatamasa
ng Iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
sa pamamagitan ng aming Panginoong HesuKristo
A
na Siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan. †
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:
a pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya,
ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Amen.
s
RITU NG PAKIKINABANG __
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na
mga kamay:
a tagubilin ng mga nakagagaling na mga utos,
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:
ma namin, sumasalangit Ka,
sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo
sundin ang loob Mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na
mga kamay:
inihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
S
A
H
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si HesuKristo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin
sa pag-awit ng pagbubunyi:
Sapagka’t Iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man!
Malakas na darasalin ng pari habang nakalahad ang mga kamay:
anginoong HesuKristo,
sinabi Mo sa Iyong mga apostol
“Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.
Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”
Tunghayan Mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Paharap sa sambayanan, maglalahad at magdaraop ng mga kamay ang pari at sasabihin:
ng kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
P
A
Aanyayahan niyang magbigayan ng kapayapaan ang sambayanan:
agbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
Magbibigayan ng kapayapaan ang mga tao.
Samantala, hahawakan ng tagapamuno ang ostiya at hahatiin niya iyon sa ibabaw ng
pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong na dinarasal:
a pagsasawak na ito,
ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Habang isinasagawa ito, aawitin ang Kordero ng Diyos:
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Samantala, hahawakan ng tagapamuno ang ostiya at hahatiin niya iyon sa ibabaw ng
pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong na dinarasal:
anginoong HesuKristo, Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay Mo sa Iyong pagkamatay ang sanlibutan.
M
s
P
Pakundangan sa Iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya Mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin Mong ako’y makasunod lagi sa Iyong mga utos,
at huwag Mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa Iyo kailan man.
O kaya:
ng pakikinabang ng Katawan at Dugo Mo,
Panginoong HesuKristo,
ay huwag nawang magdulot
ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa Iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop Mo sa akin at kaloob Mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y hahawakan niya ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
kalis. Sasabihin niya sa mga tao nang malakas:
to ang Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapapalad tayong inaanyayahan sa banal na piging.
Sasabihin ng lahat:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa Iyo
ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.
Makikinabang ang pari nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na
nagdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
A
I
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Tatanggap na ang mga tao ng pakikinabang. Habang ginaganap ito, magsisimula ang awit
ng pakikinabang.
Titipunin ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan sa kalis na huhugasan. Habang
ginaganap ito, pabulong na darasalin ng naghuhugas:
ma naming mapagmahal,
ang aming tinanggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang Iyong ipinagkaloob
ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailan man.
Mag-uukol ng ilang saglit na katahimikan pagkatapos na makapakinabang ang lahat.
Mula sa kanyang upuan, tatayo ang pari at ilalahad ang kanyang mga kamay habang
ipinahahayag ang Panalanging Pagkapakinabang.
A
PANALANGING PAGKAPAKINABANG __
ma naming mapagmahal,
sa pagkai’t inuming pagkakaisa ang ibinibigay
kaming niloob Mong makapakinabang.
Kaisa ni Kristo kami nawa’y makapamuhay
upang makapamunga nang may kagalakan
para sa kapakanan ng aming kapwa tao sa sanlibutan
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
A
PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS __
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay sa pagpapahayag:
umainyo ang Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:
agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama, at Anak, † at Espiritu Santo. araw
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ipahahayag ng pari ang paghayo:
aglayin ninyo sa inyong pag-alis
ang kapayapaan ni Kristo.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos
makapagbigay-pitagan ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo habang nagaganap ang
awiting pangwakas.
S
p
T
Recommended