View
14
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
1 | Q u i o g u e
Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining
Departamento ng Agham Panlipunan
Sementadong Sakahan, Sementadong Karapatan:
Ang Epekto ng Land-use Conversion sa Pang-Ekonomikong Kalagayan
ng mga Kababaihang Magsasaka sa
Brgy. Langkaan Uno at Dos, Dasmarinas City, Cavite
Mariel Suarez Quiogue
2008-65139
BA Political Science
2 | Q u i o g u e
PASASALAMAT
Ito na yata ang parte ng pananaliksik na pinakamasarap isulat. Hindi ko pa man
nasisimulan ang aking research report ay iniisip ko na kaagad kung paano ko isusulat
ang pasasalamat at kung sino sino ang lalamanin nito. Ibang kaligayahan ang aking
nararamdaman habang isinusulat ko itong pasasalamat. Oo nga’t hindi pa naman
tapos, pero ang makitang naisulat at natapos ko na ang ilang buwan kong pinaghirapan
ay talaga namang nakakatunaw ng puso.
Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Diyos. Oo, cliché, pero totoo e. Siya
ang takbuhan ko pag naguguluhan na ko, pag pinanghihinaan na ko ng loob, pag wala
na kong makausap o maiyakan kundi ang sarili ko. Hindi man ako relihiyoso o
palasimbang tao, alam ko pa rin na nandiyan Siya para gabayan at tulungan akong
matapos itong pananaliksik na ito. Salamat po. Labyu.
Pangalawa, cliché ulit, pero siyempre yung mga magulang ko. Salamat sa
supora, sa pag-intindi kung bakit madalas akong wala sa bahay. Sa pag-intindi kung
bakit hindi ko na naliligpit ang mga gamit ko, kung bakit lagi akong nagmamadali. At sa
pag-intindi kung bakit hindi ako naging anak sa loob ng ilang buwan. Sorry po, para sa
graduation lang. At salamat, kasi sinalo niiyo lahat ng kaangasan ko, ng kaartehan,
katamaran at pagsusungit ko habang ginagawa ko ito. Sanay naman na ata kayo.
Hehe.
Pangatlo, kay Ate Maan. Sayo ko naman talaga inaalay tong thesis ko e. Naks.
Siyempre, kung di naman dahil sayo, wala naman ako dito. Hindi naman ako
makakapag-aral kung di dahil sa sakripisyo mo. Salamat talaga ate, sa lahat.
Salamat din kay Ate Bambie, hinayaan mo kong sarilihin yung laptop ko, haha.
Sa mga pamangkin ko na nagpapagaan ng loob ko, sa mga tita ko na pinapalakas lang
lagi yung loob ko. Basta salamat sa pamilya ko.
Ok moving on. Siyempre, salamat sa mga araw-araw kong kasama sa hirap at
ginhawa, sa lungkot at saya, sa kabaliwan… at kabaliwan. Hahaha. Salamat Eks at
3 | Q u i o g u e
Yuri, sa pag-escort sakin sa Cavite para sa fieldwork ko. Salamat Tessa (at Eks din
hehe) sa pagsama sakin sa pagkain sa kung saan saan pag hirap na hirap na yung
utak at puso natin kaiisip kung paano natin malalampasan to. Salamat at nakasama ko
kayo sa pag-iisip at pag-aalala kung gagraduate ba tayo. Haha. All for one and one for
all.
Salamat din sa CAS Student Council family ko. Sa pagpapalakas ng loob ko pag
hinang-hina na ako, sa mga yakap at sa mga encouraging words. Lalong lalo na
siyempre sa pagpapatawa at pagpapasaya, pati na rin sa pagsalo ng trabaho ko pag di
ko na talaga kaya. Siyempre special mention kay Partner Mudir na naging unofficial
thesis adviser ko. Alam mo yan Parts, di ako magkakaroon ng topic kung di dahil sayo.
Hehe. Salamat.
Salamat sa barkada ko, sa TUKS na laging andiyan para sakin. Apat na taon na
ganito pa din tayo. Nakakalungkot lang na hindi na tayo sabay sabay na
namomroblema tungkol sa mga ganito. At nakakalungkot na may maiiwan satin sa
pagmamartsa sa pagtatapos. Mahal ko kayo. Galingan niyo ha?
Sa mga prof kong parang tatay (at nanay) ko na rin, salamat din po. Salamat sa
pag-intindi pag kinakailangan kong lumiban sa klase natin para sa thesis ko. Kahit lagi
niyo kong inaasar na di naman ako gagraduate, alam ko namang sinusuportahan niyo
pa rin ako. Haha. Salamat din pala kay Sir Ponsy sa pagsusuggest ng lugar para
pagpokusan ko ng pananaliksik ko. Thank you po. :D
At siyempre, salamat sa bestfriend ko, sa pag-intindi sa mga kabaliwan at
kasungitan ko, at sa madalas na pagkawala ko. Salamat sa pag-unawa at sa
encouraging words. Alam mo namang mababaliw ako pag wala akong mapagsasabihan
ng mga kabaliwan ko. Hahaha.
Gaya nga ng laging sinasabi ko, konting push, konting kembot, tapos, achib na. ;)
4 | Q u i o g u e
INTRODUKSYON
Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay kabilang sa mga sektor na
napagsasamantalahan dahil sa mala-kolonyal at mala-piyudal na estado ng lipunan sa
Pilipinas. Sa kasalukuyan, 70-75% ng populasyon ng Pilipinas ay nakakonsentra sa
sektor na ito. Ibig sabihin, malaking bahagi ng populasyon ang napagsasamantalahan
ng mga polisiyang nagprepreserba sa interes ng uring mapagsamantala. Nananatiling
atrasado at hindi umuunlad ang moda ng produksyon sa sektor ng agrikultura kaya
naman hirap na hirap pa rin ang ating mga kababayang magsasaka. Kulang na kulang
ang mga polisiya at proyekto ng gobyerno na makatutulong sana sa mga magsasaka
dahil hindi nila pinagtutuunan ng pansin ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura kahit pa
isa tayong agrikultural na bansa. Nakadadagdag din sa opresyon na kanilang dinaranas
ang panghihimasok at pakikialam ng ibang bansa sa mga polisiyang pinatutupad sa
bansa natin. Isang halimbawa niyan ay ang pagtangkilik at pagpapatupad ng ating
gobyerno sa mga neoliberal na polisiya na inaalok ng mga mauunlad na bansa gaya ng
Estados Unidos at ng mga institusyong nilikha para magpalaganap ng neoliberal na
polisiya gaya ng International Monetary Fund at World Bank. Halimbawa ng mga
neoliberal na polisiya na napatupad na sa ating bansa ay pribatisasyon, deguralisasyon,
liberalisasyon, industriyalisasyon, kasama na ang land-use conversion (LUC) ng mga
lupang sakahan.
Sa kasalukuyan, malaking porsyento ng mga lupang agrikultural sa Pilipinas ang
napasa-ilalim ng LUC. Sa mahigit dalawampung taong pagpapatupad ng
Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at sa halos kasabay na
pagpapatupad ng proyektong CALABARZON sa Timog-Katagalugan, patindi ng patindi
at palawak ng palawak ang mga lupain na napasasailalim sa LUC (Kasama-TK). Ito nga
ay nakakonsentra sa Timog-Katagulagan, kung saan nakakonsentra rin ang malaking
bahagi ng produksyon sa sektor pang-agrikultura. Sa kasalukuyan, umabot na sa 172,
967 ektarya ng lupa ang nasaklaw ng LUC (Kasama-TK). Ang mga lupang ito, mula sa
pagiging agrikultural ng gamit ay ginawang industriyal, residensyal, komersyal, pang-
eko-turismo, at mga golf course at iba pang para sa rest and recreation (Kasama-TK).
5 | Q u i o g u e
Isa sa mga unang tinamaan ng LUC ay ang 154 ektaryang lupaing agrikultural sa
Brgy. Langkaan, Dasmarinas, Cavite. Dito itinayo ang isa sa mga unang proyektong
nasa ilalim ng CALABARZON Project, ang First Cavite Industrial Estate o FCIE.
Maraming magsasakang nawalan ng lupang tinatamnan dahil dito.
Paglalahad ng Problema ng Pananaliksik
Kinikilala na ang sektor ng agrikultura ay dinodomina ng mga kalalakihan. Ngunit
malaki rin ang ginagampanang papel ng mga kababaihan sa sektor na ito at sila rin ay
naapektuhan ng pagpapatupad ng mga ganitong neoliberal na polisiya. Dahil na rin sa
mala-pyudal at mala-kolonyal na uri ng lipunan na mayroon tayo sa Pilipinas, ang
pagsasaka ay tinitignan na trabahong panlalake lamang. Naikabit na ang terminong
magsasaka sa mga kalalakihan kung kaya’t hindi na napapansin ang trabahong
ginagampanan ng mga kababaihan bilang magsasaka rin. Hindi na rin nabibigyang
pansin kung ano ang epekto sakanila ng opresyon na dinaranas ng kanilang uri. Sa
pagpapatupad ng mga neoliberal na polisiya, partikular na nga ng LUC, hindi rin
nabibigyang pansin ang maidudulot nito sa mga kababaihang magsasaka, kung paano
ito makakaapekto sa antas ng kanilang pamumuhay.
Sa pag-aaral na ito, pagtutuunan ng pansin kung ano ang mga papel na
ginagampanan ng kababaihan sa mga lupang sakahan. Ipapakita dito ang mga
trabahong bukid na sa mga babae nakaatas. Pagtutuunan ng pansin ng pag-aaral na ito
ang epekto at magiging epekto pa ng nagaganap na LUC sa kabuuang pang-
ekonomikong kalagayan ng mga kababaihan sa dalawang barangay sa Dasmarinas,
Cavite na sakop ng tinatawag na Lupaing Ramos, ang Barangay Langkaan 1 at 2.
Tatalakayin rin sa pag-aaral na ito kung nakatulong ba o hindi ang mga pabrika at iba
pang establisimyento na itinayo sa FCIE sa mga kababaihang nagsasaka at
naapektuhan ng LUC.
Habang gumagampan ng malalaking gawain ang sektor ng kababaihan sa ating
lipunan, hindi naman sila binibigyan ng sapat ng pagkilala ng nakararami. Dahil na rin
sa hindi malimit na pagpansin sa kalagayan ng mga kababaihan, kaya minabuti ng
mananaliksik na ito ang pagtuunan ng gagawing pag-aaral. Ipapakita sa pag-aaal na ito
6 | Q u i o g u e
kung paanong mula sa pagtatrabaho sa bukid ay napilitang humanap ng ibang trabaho
at pagkakakitaan o mamasukan sa pabrika ang mga kababaihan. Maliban sa
paghahanapbuhay o pagtatrabaho sa bukid, sa mga kababaihan rin nakaatas ang
pagtatrabaho sa bahay gaya ng pag-aasikaso sa pamilya, pagluluto, paglalaba at iba
pa. Sila rin ang pumapasan sa problemang pampinansiya ng kanilang mga pamilya
dahil sa kanila nakatalaga ang gawaing pagbabadyet, kasama na ang pangungutang
kung kinakailangan.
Para sa pag-aaral na ito, gagamit ang mananaliksik ng key informant interview at
focus group discussion upang mas maunawaan pa kung: (1) ano ang kalagayan ng
kanilang pamumuhay bago ang mga naganap na land-use covnversion; (2) ano nga ba
ang epekto ng LUC sa kinikita ng mga kababaihan sa Brgy. Langkaan 1 at 2,
Dasmarinas, Cavite; (3) ano nga ba ang mga ayaw o gusto nila sa nagaganap na LUC
sa kanilang lugar; (4) masasabi ba nilang nakatulong o nakasama sa kanilang
pamumuhay, lalo na sa kanilang pagkita, ang mga naganap na LUC; (5) at kung ano
ang mga aksyong naisagawa nila patungkol dito.
Ang magiging pinakapokus ng pag-aaral na ito ay ang epekto ng LUC sa kinikita
ng mga kababaihan. Tutuklasin ng pag-aaral na ito kung nakabubuti ba o nakasasama
ang LUC lalo na nga sa aspetong ekonomikal ng mga kababaihan. Titignan din kung
ano ang nagiging epekto nito sa pang-araw-araw nilang pamumuhay at kung paano nito
naapektuhan ang kanilang mga sarili. Panghuli, sa pag-aaral ng epekto ng LUC sa
kanilang kinikita, titignan ng mananaliksik kung nakaaambag ito sa pagpapalaya sa
mga kababaihan.
Mga Gabay na tanong sa Pananaliksik
Upang makamit ang pokus ng pananaliksik na ito, lumikha ang mananaliksik ng mga
gabay na tanong para sa ikauuunlad ng pag-aaral.
Pangkalahatang Katanungan:
Ano ang mga naging epekto ng LUC ng mga lupang sakahan sa kabuuang pang-
ekonomikong kalagayan ng mga kababaihang magsasaka?
7 | Q u i o g u e
Mga Tiyak na Katanungan:
(1) Ano ang mga bagay na nagdulot ng pag-usbong ng LUC ng mga lupang sakahan?
(2) Ano ang kalidad ng buhay ng mga kababaihang magsasaka bago ipinatupad ang
mga programang ukol sa LUC?
(3) Ano ang mga gawain ng mga kababaihang nagsasaka sa mga lupang sakahan?
(4) Ano ang mga nakuhang benepisyo mula sa LUC ng pamilya o ng kababaihang
magsasaka?
(5) Nakapagtrabaho ba sila sa mga naitayong pabrika o establisimyento?
(6) Kung ikukumpara ang buhay noong nagsasaka pa at ngayong nagtatrabaho na sa
pabrika (kung nagtatrabaho man), ano ang mas maalwan ang pamumuhay?
(7) Bakit sumasang-ayon o tumututol sa LUC?
METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gagawa ng isang case study kung saan pagtutuunan ang
kasalukuyang kalagayan ng mga kababaihan sa Brgy. Langkaan 1 at 2, Dasmarinas,
Cavite. Dito makikita kung paano naapektuhan ng LUC ang kabuuang pang-
ekonomikong kalagayan ng mga kababaihan at kung nakabuti o nakasama ba sa pang-
araw-araw na kabuhayan ng mga kababaihan ang sinasabing LUC.
Koleksyon ng Datos
Ang mananaliksik ay gumamit ng key informant interview, focus group discussion
at pagsasarbey upang mas maunawaan pa kung: (1) ano ang kalagayan ng kanilang
pamumuhay bago ang mga naganap na land-use covnversion; (2) ano nga ba ang
epekto ng LUC sa kinikita ng mga kababaihan sa Langkaan, Dasmarinas, Cavite; (3)
ano nga ba ang mga ayaw o gusto nila sa nagaganap na LUC sa kanilang lugar; (4)
8 | Q u i o g u e
masasabi ba nilang nakatulong o nakasama sa kanilang pamumuhay, lalo na sa
kanilang pagkita, ang mga naganap na LUC; (5) at kung ano ang mga aksyong
naisagaw nila patungkol dito.
Isa ring mahalagang komponente para sa pag-aaral na ito ay ang pagrebyu sa
mga kaugnay na literatura upang maikumpara ang kalagayan ng pagtatrabaho at
kinikita ng mga kababaihan noon at ngayon. Mahalaga din ito upang makita ang mga
polisiya na nagtulak sa pag-usbong ng LUC sa ating bansa. Dahil bagong pag-aaral pa
lamang ito ng kalagayan sa ating bansa, makatutulong din ang pagkuha ng datos at
literatura na tumutukoy sa mga naganap sa ibang bansa na napailalim din sa ganitong
uri ng mga polisiya. Makakatulong ito upang makita kung may pagkakapareho ba at
kung ganoon ba talaga ang nagiging epekto ng mga neoliberal na polisiya sa
kaparehong sektor sa mga papaunlad pa lang na bansa. Magiging mahalagang batis
din ng datos ang mga table at numerical na basehan kung gaano na ba kalaki ang mga
lupain na nasailalim sa LUC at upang makita kung paano ito nakaapekto sa kinikita ng
mga kababaihan.
Ang key informant interview ay nagpokus sa mga kababaihan ng Langkaan,
Dasmarinas, Cavite at sa dalawang eksperto sa sektor ng kababaihan na sina Dr. Judy
Taguiwalo at Dr. Ynday Ofroneo, parehong mula sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at
Pagpapaunlad ng Pamayanan. Kabilang din sa mga susing taong kinapanayam ay ang
lider ng GABRIELA Women’s Party at dating konsehal sa barangay Langkaan 1, Si
Ginang Miriam Villanueva upang makuha ang mas malalim na pagsusuri sa epekto ng
LUC. Ito ay makakatulong ng malaki sa pananaliksik dahil sa pamamagitan nito ay
malalaman agad ng mananaliksik ang direktang epekto nito sa mga kababaihan.
Kinapanayam ng mananaliksik ang mga kababaihang nagtatrabaho sa mga sakahan
lalo na ang mga ina at ang mga tumutulong sa pantustos nila sa pang-araw-araw na
buhay. Masasabing sila ang direktang naapektuhan ng LUC kung kaya’t sila ang
mainam na makapagbibigay ng mga direkta at nararapat na datos para sa pag-aaral na
ito. Nakakuha din ng iba’t ibang reaksyon at sagot sa mga katanungan mula sa key
informant interview na maaring timbangin at pagtagni-tagniin upang mas maliwanagan
ang mananaliksik sa kanyang pinag-aaralan. Sa pamamagitan din ng key informant
9 | Q u i o g u e
interview mas nakakuha ng makabuluhang impormasyon ang mananaliksik dahil
nagsilbing diskusyon lamang ang usapan. Nakipagtalastasan ang mananaliksik upang
mas mapalawig ang diskusyon at upang makakuha pa ng mas maraming
mahahalagang impormasyon.
Ang focus group discussion naman ay gagamitin upang patunayan at pagtibayin
ang mga nauna ng nakolektang datos. Ito ay binuo ng mga kababaihang edad 18
hanggang 60 upang makita kung paano nag-iiba ang pagtingin sa epekto ng LUC
depende sa edad ng isang tao. Kabilang dito ang ilan sa mga miyembro rin ng GWP sa
Langkaan 1, kasama ang kanilang lider. Ang ilan naman sa bumuo sa grupo ay hindi
nabibilang sa GWP kaya’t may obhetibong pagtingin din sa nakalahad na isyu. Pinag-
usapan sa focus group discussion ang mabuti at masamang epekto ng LUC sa kinikita
ng mga kababaihan. Pinag-usapan rin ang mga naging epekto (mabuti o masama) sa
komunidad ng sinasabing LUC.
Ang sarbey ay ginamit upang mapulsuhan kung ano ba talaga ang pagtingin at
pagtanggap ng mga kababaihang magsasaka sa nagaganap at magaganap pang LUC
para sa kanila. Ginamit ito upang makita kung nakabubuti ba o nakakasasama sa
paningin ng mga kababaihang magsasaka ang epekto ng LUC sa kanilang lugar. Ito rin
ang magpapatatag at ang sasandigan ng mga datos na makukuha mula sa KII at FGD.
Dalawampu ang target na populasyon ng mananaliksik upang mapulsuhan ng wasto
ang kabuuan ng populasyon. Gumamit ng stratified random sampling ang mananaliksik
upang makakuha ng impormasyon mula sa iba’t ibang pook sa dalawang barangay.
Pag-aanalisa ng Datos
Ang mananaliksik ay gagamit ng open coding upang maanalisa ng maayos ang
mga datos na nakuha mula sa KII at sa FGD. Pagsasama-samahin at igugrupo ng ayon
sa kani-kaniyang konsepto ang mga nakalap na datos upang mas madali ang pag-
aanalisa sa mga ito. Tutukuyin ng mananaliksik kung saan magugrupo ang datos na
nakuha batay sa kabuuang tema na inilapat sa pag-aaral na ito.
Upang maanalisa naman ng maigi ang mga datos na nalikom gamit ang
pagsasarbey, gagamit ang mananaliksik ng kantitatibong pamamaraan upang
10 | Q u i o g u e
mairepresnta sa numerikal na pamamaraan ang mahahalagang datos na magpapakita
ng ilan sa mga mahahalagang impormasyon na nakalap. Ang numerikla na
representasyon na ito ay magpapatibay pa sa mga nakuhang datos mula sa KII at FGD.
Balidasyon ng Datos
Muling babalikan ng mananaliksik ang rebyu ng kaugnay na literature upang
makita kung nagtutugma ba ang mga naisaad ng mga nakapanayam sa KII at FGD.
Kakausap rin ng ilang eksperto sa pag-aaral ng epekto ng LUC at pag-aaral ng mga
kababaihan upang makita ang kaugnayan ng mga lumabas na sagot sa interbyu.
Gagamit ang mananaliksik ng triyangulasyon na gagamitin para sa balidasyon ng datos
upang masiguradong tunay at magkakatugma ang mga gagamitin at ilalahad na
impormasyon sa pag-aaral.
Saklaw ng Pananaliksik
Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay ang dalawang barangay sa Dasmarinas,
Cavite na kabilang sa tinatawag na lupang Ramos, ang barangay Langkaan 1 at 2. Mga
kababaihang magsasaka ang mga magiging susing tao para sa pananaliksik na ito dahil
na rin sa ang pang-ekonomikong kalagayan nila ang magiging pangunahing pokus.
Napiling saklawin ang dalawang barangay na ito sa kadahilanang ang barangay
Langkaan 1 ay may banta ng kumbersyon habang sakop ng barangay Langkaan 2 ay
napasailalim na sa kumbersyon at pinaghahatian nila ang First Cavite Industrial Estate.
Limitasyon ng Pananaliksik
Sa kasalukuyan, batay na rin sa aking mga paunang pagsasaliksik, halos wala
pang nagagawang pag-aaral tungkol sa epekto ng LUC na partikular ang pokus sa
kababaihan. Marami ng naging pag-aaral tungkol sa LUC pero hindi nito halos nabigyan
ng pansin kung may partikular ba itong epekto sa mga kababaihan. Ito ang magsisilbing
limitasyon ng pananaliksik na ito. Hindi rin ganoon karami ang mga literatura na
maiuugnay sa pag-aaral na ito.
11 | Q u i o g u e
MGA PANG-ETIKANG PAGSASAALANG-ALANG SA PANANALIKSIK
Sisiguraduhin ng mananaliksik na mapoprotektahan ang katauhan ng mga
makakapanayam. Magiging pribado at konpidensyal ang lalamanin ng mga panayam
upang hindi mailagay sa pahamak ang mga nakapanayam. Papasanin ng mananaliksik
ang responsibilidad ng pagprotekta sa mga nakapanayam lalo na kung may mga
nailabas na sensitibong isyu o sagot sa isang isyu na maari nilang ikapahamak.
Gagawin ng mananaliksik ang lahat upang maproteksyunan ang kanyang mga
nakapanayam.
Gagalangin rin ng mananaliksik ang mga desisyon, kagustuhan, at hiling ng mga
kakapanayamin lalo na kung ito ay para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.
Sisiguruhin ng mananaliksik na may pahintulot ng mga kakapanayamin ang mga
gagawing panayam at itatago ang hindi ilalathala ang mga kasagutan na maaring
maglagay sa kapahamakan sa nakapanayam. Sisiguraduhin din ng mananaliksik na
alam na agad ng mga kakapanayamin ang mga tanong bago ang nasabing panayam
upang mapaghandaan niya ito ng maigi at upang mapili lamang ang mga gusto niyang
sagutin, kung sakali.
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA
Neoliberal na Globalisasyon
May iba’t ibang perspektiba na sumasaklaw sa globalisasyon. Sa pagsasaliksik
tungkol sa epekto ng pagpapalit ng gamit ng lupa sa mga kababaihan sa sakahan,
titignan natin ang neoliberal na perspektiba sa globalisasyon. Ang Neoliberalismo ay
isang pekspektiba na ipinaliwanag ni T. H. Green, isang tagapagsulong ng bagong uri
ng liberalismo, na may mas pinalawak na pagpapakahulugan sa kasarinlan (Grigsby,
2009). Nakasaad sa neoliberalismo na ang pagpapakahulugan sa kasarinlan ay ang
paggamit ng mahusay sa potensyal ng indibidwal at ang paggamit sa potensyal na ito
upang magkaroon ng ambag sa lipunan (Grigsby, 2009). Sinasabing ito ay kasarinlan
12 | Q u i o g u e
kung saan kalahok ang pamumuhay ng aktibo gamit ang talento ng isang indibidwal at
ang pag-abot sa kanyang potensyal (Grigsby, 2009).
Ayon sa isang ginawang pag-aaral ni Paul Lubliner (2006) ng Honors College ng
University of Oregon, kinikilala ng neoliberalismo na ang ekonomiyang
pinangungunahan ng merkado ay mas episyente sa pamamahagi ng kapital, serbisyo at
mga produkto kaysa sa kung ang gobyerno ang mamamalakad dito. Dahil dito,
nilalayon ng neoliberalismo na bawasan ang mga sagabal na polisiya sa pagpasok sa
isang bansa ng mga mamumuhunang dayuhan lalo na ang mga foreign direct
investment.
Ayon naman sa librong ”Analyzing Politics” ni Ellen Grigsby (2009), hindi rin
tinatanggap ng neoliberalismo ang isinasaad ng klasikal na liberalismo na hindi dapat
nanghihimasok ang estado sa mga gawain ng merkado. Kahit na isinasaad din ng
neoliberalismo na mas episyente and ekonomiyang pinangungunahan ng merkado,
kinikilala nito ang panghihimasok ng estado kung kinakailangan lalo na kung ito ay
upang pigilan ang mga bagay na nakakahadlang sa pagkamit ng positibong kasarinlan.
Sinusuportahan ni Green ang mga aksyon ng gobyerno na naglalayong tumulong sa
mga mamamayan na makamit ang kanilang ganap na potensyal.
Ayon sa mga nailahad ni Green na nasa akda ni Grigsby (2009), makikita natin
na ang neoliberalismo ay naniniwala na ang pakikialam ng estado ay maaring magdulot
ng benepisyo sa mga mamayan. Hindi rin sila naniniwala na may hindi pagkakapantay-
pantay sa ekonomiya. Sinasabi nilang ang mga problemang nagdudulot nito ay maaring
masolusyunan ng panghihimasok ng estado, at naniniwala sila na may natural na
pagkakapantay-pantay at pagkakapantay-pantay sa ekonomiya.
Ayon naman sa talumpati ni Jose Maria Sison (2008) sa isang sampaksaan para
sa anibersaryo ng pagkakatatag ng League of Filipino Students, ang neoliberalismo ay
isang polisiya ng panloloko, na itinatago ang monopolyong kapitalismo sa likod ng
sinasabi nilang kapitalismo sa malayang merkado. Halimbawa nito ay ang paghahanap
ng mga transnasyunal na korporasyon ng mga bansa na mag-aalok sa kanila ng mas
murang lakas paggawa, na kalimitan ay ang mga mahihirap at papaunlad pa lang na
13 | Q u i o g u e
bansa (Lubdiner, 2006). Sa Latin America, halimbawa, dahil mababa lamang ang
binabayad sa lakas paggawa, hindi ito nakasasapat sa pang-araw-araw na panggastos
ng mga pamilya at mas pinalala lang nito ang kahirapan sa kanilang bansa dahil hindi
nakakasabay ang kanilang kinikita sa pagtaas ng populasyon nila (Lubdiner, 2006).
Noong 1990, 200.2 milyon ang naitala na nasa ibaba ng poverty rate at lumaki ito
noong 2002 kung saan naitala na 221.4 milyon na (Lubdiner, 2006). Ilan sa mga
neoliberal na polisiya na naipatupad sa Latin America ay ang pangkalakalan at pinasiyal
na liberalisasyon, regulasyon ng industriya, pribatisasyon, eliminasyon ng mga hadlang
sa dayuhang pamumuhunan, at ang kabuuang pagpapahina sa kontrol ng estado sa
ekonomiya (Lubdiner, 2006).
Isang halimbawa nito ay ang LUC ng iba’t ibang lupang agrikultural o lupang
sakahan, na ginagawang subdibisyon, lugar na pang-industriyal, tinatayuan ng mga
kumpanya o mga pabrika Ang ganitong klaseng neoliberal na polisiya ay makikita
nating laganap sa Pilipinas.
Sektor ng Kababaihan
Sinasabing isa sa pinakapinagsasamantalahang sektor sa lipunan ay ang sektor
ng mga kababaihan. Pinaniniwalaan ng karamihan na ang opresyon sa kababaihan ay
nagmula sa pag-unlad ng mga sektor sa lipunan, na nabuo dahil sa pamilya, pribadong
pagmamay-ari, at sa estado (Reed, 1970). Nagsimula ito ng matuto ng magsaka at
mag-alaga ng hayop ang mga tao (Reed, 1970). Mas naging trabaho para sa
kalalakihan ang pagsasaka kung kaya’t naiwan na lamang sa kababaihan ang
trabahong pagsilbihan ang kanyang asawa at pamilya (Reed, 1970).
Ang kasalukuyang kalagayan ng mga kababaihan ay bunga ng matagal ng
pagtingin sa kanila na idinikta ng lipunan. Ang pagkakatatag ng estado at pagkakaroon
ng mga pribadong pagmamay-ari ay nagresulta sa hindi pagkakapantay ng babae at ng
lalake sa ngayon (Reed, 1970). Hindi rin hinayaang magkaroon ng pribadong
pagmamay-ari ang mga kababaihan (Reed, 1970). Dahil dito, tinaguriang mahina ang
mga kababaihan, at naging mataas ang tingin at mas kinikilala ang galling ng mga
kalalakihan. Natatali lamang sa mga gawaing bahay ang mga kababaihan at hindi
nabibigyan ng kapantay na oportunidad sa mga kalalakihan. Maging ang pananamit,
14 | Q u i o g u e
pananalita at pagkilos ng mga kababaihan ay dinikta ng lipunan. Sila rin ay dapat
sunud-sunuran lang sa kung anong dinidikta sa kanila mga kalalakihan. Lalo na sa
Pilipinas, may konsepto ng Maria Clara, isang karakter na likha ni Rizal sa dalawa
niyang nobela – isang mahinhing babae na maayos manumit, magaling sa mga
gawaing bahay, at masunurin sa kung anong sasabihin sa kanya.
Dahil dito, ang mga kababaihan ay nalilimitahan sa mga dapat lamang nilang
gawin. Dahil na rin sa ang mga kalalakihan lang ang binigyan ng karapatan na mag-
may-ari, nakasandig na sakanya ang babae para sa pang-araw-araw na pamumuhay
dahil na rin sa siya lang ang maaring magtrabaho at kumita para sa pamilya (Reed,
1970).
Noong mga panahong iyon, mga lupang sakahan ang kalimitang pag-aari ng
mga kalalakihan. Dahil sa dami ng gawain sa sakahan, hindi rin maiiwasan na tumulong
ang kanyang asawa o mga anak na babae. Ngunit ang pagtratrabaho nilang ito ay libre
at walang bayad, gaya na rin ng paglilinis nila sa bahay, pagluluto, paglalaba, at kung
ano-ano pa na wala naming katumbas na halaga. Malaking porsyento ng mga
kababaihan ang nasa sektor ng pagsasaka ngunit karamihan sa kanila ay mga hindi
nababayarang trabahador, bagkus sila ay tumutulong lamang sa kanilang mga asawa o
ama (Taguiwalo, 2005). Sa pagpreserba ng sektor ng agrikultura, malaki na rin ang
ginagampanang papel ng mga kababaihan. Ayon kay Ma’am Judy Taguiwalo (2005)
marami nang kababaihan na hindi nababayaran ang pagtatrabaho sa bukid dahil sila ay
tumutulong lamang sa kanilang mga asawa o ama nang mga panahong ito. Ito ang
kanilang primaryang trabaho sa bukid bukod sa pag-aasikaso at paghahanda ng
pagkain ng mga manggagawang bukid. Gaya nga ng nabanggit ko na sa itaas,
limampu’t isang porsyento ng 2.85 milyon na kababaihan na nagtatrabaho sa mga
sakahan ay hindi binabayaran (Taguiwalo, 2005).
Dahil sa wala silang sariling pinagkakakitaan at tanging gawaing bahay lamang
ang alam nilang gawin, karamihan sa mga kababaihan ay lumiliit na rin ang tingin sa
kanilang mga sarili. Nagtagumpay ang dikta ng lipunan na panatilihin na ganito ang
estado ng mga kababaihan. Dahil na rin sa maliit na tingin nila sa kanilang mga sarili,
15 | Q u i o g u e
napreserba lang ang ganitong pagtingin sa mga kababaihan at marahil ay napalawig pa
nga.
Land-Use Conversion
Malalaking bahagi ng lupang sakahan na sakop ng irigasyon na nasa Gitnag
Luzon at Timog Katagalugan, ang sentro ng agrikultura sa Pilipinas at ang sinasabing
mga rice bowl provinces, ang isinailalim sa LUC para sa mga proyektong pang-urban at
pang-rural (Kelly, 2003). Mula sa pagiging mga sakahan, ang mga lupaing ito ay ginawa
ng: export processing zones at industrial estates mga institusyon gaya ng ospital at
unibersidad; mga bakasyunan at pahingahan gaya ng golf courses, resorts at theme
parks; at ang pinakamalaking parte ng lupaing ito ay ginawang mga subdibisyon (Kelly,
2003). Dahil dito, lumiit ang sakop at nalimitahan ang mga lugar na nakalaan sana
bilang lupang sakahan.
Table 1: Philippine Agricultural Land Area (hectares); Converted, March 1988 - June
1995
Region Approved Disapproved* Exempted** Total
CAR 38 0 9 47
I 70 2 0 72
II 166 7 26 198
III 2,223 348 703 3,274
IV 7,029 305 13,022 20,358
V 178 59 45 281
VI 1,325 227 431 1984
VII 208 164 6 378
VIII 76 90 302 468
16 | Q u i o g u e
IX 241 0 38 279
X 913 201 2,576 3,690
XI 1,971 217 99 2,268
XII 300 0 92 393
Philippines 14,739 1,619 17,348 33,707
Source: Unpublished data from Department of Agrarian Reform, Quezon City, July 1995.
* Disapproved for conversion but converted anyway
** Exempted through Department of Justice Opinion 44 (described below). Exemption figures
are updated only to July 1994
Table 2: Land Conversions in Cavite Approved by DAR, 1988-95
Year Residential Industrial Institutional Farmlot Unknown Total
1988
1989
1990
1991
1992
1993
1994
1995*
7.0
17.4
159.8
73.0
209.5
99.9
125.3
286.6
25.0
160.8
35.0
266.6
24.8
7.9
14.8
148.7
12.4
10.0
21.0
67.8
12.0
53.8
28.0
42.4
335.4
256.7
610.1
146.7
133.2
286.6
Total 978.5 520.1 185.9 100.8 53.8 1839.1
* January-June
Source: Unpublished Data, Department of Agrarian Reform, Quezon City.
Ang mabilisan at sunod-sunod na LUC ng mga sakahan ay nagsimula noong
inilunsad ni Fidel Ramos ang kanyang proyektong Philippines 2000, kung saan
minimithi niyang iangat ang Pilipinas sa antas ng mga bagong industriyal na bansa
(Lindio-McGovern, 1997). Sa pananaw ng mga pesanteng nagsasaka, lalo na sa mga
kababaihang nagsasaka, ang proyekto ni Ramos na Philippines 2000 ay mas
17 | Q u i o g u e
pinapadali lamang ang pagpapalit ng gamit ng kakaunti nang lupain na natitira sa para
sa mga nagsasaka upang kanilang pagyamanin at pagkakitaan (Lindio-McGovern,
1997). Sa proyektong Philippine 2000 din, binabawi ng gobyerno ang mga katibayan ng
pinamahagi na lupa, emancipation patents, at mga katibayan ng pagmamay-ari ng lupa
na inilabas noong administrasyon nina Marcos at Aquino (Lindio-McGovern, 1997).
Nilalayon din ng proyektong ito na palitan ang 2/3 ng 5.1 milyon na hektarya ng taniman
ng bigas at mais para sa produksyon ng cash crops o mga produktong maibebenta sa
pang-daigdigang merkado gaya ng cut flowers, asparagus at iba pang mga
pangangailangan ng merkado (Lindio-McGovern, 1997). At pang-huli, mas lalong
isesentro ng Philppines 2000 ang mga lupain sa iilan lamang na makapangyarihang
panginoong may-lupa (PML) at transnasyunal na kumpanya, kasama na dito ang mga
lupain na nakapailalim na sa reporma sa lupa ng CARP (Lindio-McGovern, 1997).
Dahil sa mabilisan at malawakang pagpapalit ng gamit ng lupa, ang mga
makapangyarihang PML ay agad na nag-iisip ng mga paraan upang mapaalis ang mga
nangungupahan sa kanilang lupain at upang mabawi ang mga lupa na naipamigay na
ng Department of Agrarian Reform (Lindio-Mcgovern, 1997). Ang mga usapan at
kasunduan sa pagitan ng mga PML at mga nangungupahan ay madalas na impormal,
kung minsan ay pupuntahan na lamang ng PML ang mga nangungupahan sa kanila
upang kausapin tungkol sa pagpapalit ng gamit o pagbawi sa mga lupa 9Kelly, 2003).
Dahil sa sila ay mga nangungupahan lamang, wala silang karapatan na tumutol sa kung
anong gusto ng PML, at kung minsan pa nga sila ay natatakot at nahihiyang tumutol
kaya wala na lang silang nagagawa, hindi na sila nakakapagsabi ng kanilang saloobin
at sumusunod na lang sila sa desisyon ng mga PML (Kelly, 2003).
“The biggest losers in the process of land conversion are landless agricultural laborers
who do not have tenancy rights that must be compensated, who are dependent on
agricultural work for their livelihoods, and who have little formal education or experience
that might open opportunities in the urban-industrial economy.” (Kelly, 2003)
Ang mga Kababaihang Nagsasaka at ang LUC
Ang LUC ay nakakaapekto rin sa mga kababaihang nagsasaka gaya ng
pagapekto nila sa mga kalalakihan. Ang mga trabahong agrikultural ay kadalasang
18 | Q u i o g u e
naiuugnay bilang gawaing pangkalalakihan lamang. Dahil sa kaisipang ito, kadalasan
ay hindi napapansin ang trabaho ng mga kababaihan sa sakahan. Sa Pilipinas,
malaking bahagi ng kababaihan ang matatagpuang nagtatrabaho sa sektor na pang-
agrikultural (Taguiwalo, 2005). Ayon sa mga datos na nailabas ng gobyerno,
dalawampu’t anim na porsyento ng kabuuang nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura at
pangingisda, ay mga kababaihan; sa 2.85 milyon na kababaihan na nagtatrabaho sa
sektor na ito, tatlumpung porsyento ay tinuturing na own-account workers, habang
limampu’t isang porsyento ay tinuturing na hindi nababayaran dahil sila ay nagtatrabaho
lamang para sa kanilang pamilya (Taguiwalo, 2005). Ang mga hindi nababayarang
nagtatrabahong kababaihan ay kadalasang mga asawa at/o anak ng mga magsasaka
na tumutulong sa mga gawain sa sakahan (Taguiwalo, 2005).
Ang mga gawain ng mga kababaihang nagsasaka ay nakasentro sa mga
sakahan pati na rin sa kanilang mga tahanan (Lindio-McGovern, 1997). Hindi lamang
kung paano magtatrabaho ng maayos sa bukid ang laging iniisip ng mga kababaihang
nagsasaka, iniisip din nila kung paano nila mabibigyan ng mas disenteng buhay ang
kanilang pamilya. Kadalasan, ang mga kababaihang nagsasaka ang nanghihiram ng
pera sa mga PML o sa ibang mayayamang pamilya, kung saan ang pagbabayad sa
utang na ito ay dadagdag pa sa mga iniisip at pinoproblema ng mga kababaihan
(Lindio-McGovern 1997). Ang gawain ng pangungutang ay madalas ipinapasa sa
kababaihan dahil itinuturing itong gawain para sa mas mahinang kasarian (Lindio-
McGovern 1997). At madalas na mas mahirap at mas masakit sa likod na mga trabaho
sa sakahan ang ibinibigay sa kababaihan, gaya ng pagtatanim, pagbubunot ng mga
damong ligaw, at pag-ani (Lindio-McGovern 1997).
Table 3: Division of Labor in Agriculture by Crop, Activity and Gender
Activity Predominantly Female Predominantly Male
Crop Farming
Rice
(Camarines Sure, 1985
Selection and preservation
of seeds,
Preparing land and seabed,
spraying chemicals and
19 | Q u i o g u e
and 1994)
Corn
(Bukidnon, 1993)
Coconut
(Camarines Norte, 1987;
Quezon, 1993)
Sugarcane
(Negros Occidental, 1993)
transplanting/planting,
weeding, harvesting,
nonmechanized threshing,
selling the harvest,
contacting and contracting
hired laborers;
Planting, application of
fertilizer, weeding,
harvesting, selling product
to the market;
Weeding area around the
trees, gathering harvested
nuts, slicing copra meat,
contacting buyers;
Cutting cane points, loading
machine with cane points,
planting cane points,
applying fertilizer manually
fertilizers, doing
mechanized farm tasks,
hauling and transporting
palay from the field,
repairing bunds and
irrigation canals;
Plowing, harrowing and
furrowing; off baring fields;
bagging corn;
Harvesting, hauling nuts t
copra shed, dehusking,
extracting fresh meat,
smoking and drying copra,
bagging;
Clearing the fields; weeding
through sifting, raking,
burning, or transplanting;
driving planting machine;
repairing and maintaining
road, drainage and
irrigation canals; cutting
and hauling canes
Source: Women in the Philippines; Jeanne Frances Illo, 1997
20 | Q u i o g u e
BALANGKAS NG PAG-AANALISA
Sa pananaliksik na ito, pag-aaralan ng mananaliksik ang relasyon ng hindi
pagkakapantay-pantay ng babae at lalake at ng tumitinding opresyon na dinaranas ng
mga kababaihan. Gagamitin sa pag-aaral na ito ang dalawang teoryang sangay ng
peminismo, ang sosyalistang peminismo at liberal na peminismo.
Tumatangan ang teoryang sosyalistang peminismo sa paniniwalang ang
opresyon sa mga kababaihan ay dulot ng dalawang malaking istruktura --- ang
kapitalismo at patriyarkiya (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Ang isang
terminong ginamit ng mga sosyalistang peminista para subukang isalarawan at pag-
ugnayin ang dalawang istruktura na ito ay capitalist patriarchy (Eisenstein, 1979;
Hartmann, 1979; Kuhn and Wolpe, 1978; cited in Lengermann & Niebrugge-Brantley, no
date). Ngunit ang terminong mas nagamit upang isalarawan ito ay “dominasyon”, na
sinasabing isang relasyon kung saan ang isang partido (the dominant) ay
nagtatagumpay na gamitin ang kabilang partido (the subordinate) para makuha ang
kanyang ninanais, at hindi na kinikilala ang subhetibong kalayaan ng subordinate
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Pinapaliwanag ng sosyalistang
peminismo na ang dominasyong ito ay isang malaking istruktural na pagkakasaayos at
isang relasyon ng kapangyarihan sa pagitan ng mga grupo o kategorya ng mga iba’t
ibang actor sa lipunan (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Kinikilala ring
nakabatay ang dominasyong ito sa kung saan nakapaloob o nakakategorya ang mga
kababaihan (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date).
Kasama rin sa pag-aanalisa sa sosyalistang peminismo ang pang-ekonomikong
kondisyon at ang iba pang mga kundisyon na nagsusustena at bumubuo sa buhay ng
isang tao gaya ng pagiging parte ng sekswalidad sa mga gawaing pantahanan, lalo na
ang hindi binabayarang trabaho ng mga kababaihan sa kani-kanilang mga tahanan
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Sa lahat ng mga gawaing nagsusustena
sa buhay ng isang tao, mayroon na itong mapagsamantalang pagkakaayos na
nakabubuti sa ilan ngunit nakakasama naman sa iba (Lengermann & Niebrugge-
Brantley, no date). Katuwang din ng mga pang-ekonomikong kondisyon ang mga
21 | Q u i o g u e
naidikta na ng lipunan na gawain ng magkabilang kasarian sa pagpapalala sa teorya ng
dominasyon (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date).
Kinikilala rin ng sosyalistang peminismo na hindi ang simpleng hindi
pagkakapantay-pantay ng uri ang dapat ianalisa kundi ang pagkakasangkot sa
magulong paguugnayan ng malawak na hindi pagkakapantay ng lipunan (Lengermann
& Niebrugge-Brantley, no date). Gaya ng sa liberal na peminismo, naniniwala ang
sosyalistang peminismo na may interaksyon at nakaaapekto sa isa’t isa ang public at
private sphere (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Para mas maayos na
maanalisa ito, tinitignan ng sosyalistang peminismo ang mas malawak na sistema ng
dominasyon at ang mas partikular na mga sitwasyon na nagpapakita ng pang-araw-
araw na karanasan ng mga napagsasamantalahan (Lengermann & Niebrugge-Brantley,
no date).
Bukod pa sa pangkalahatang teoretikal na pagaanalisa ng sosyalistang
peminismo, nahahati pa ito sa tatlong mas partikular na pagdidiin (Lengermann &
Niebrugge-Brantley, no date). Una na rito ay ang tinatawag na materialist feminism
kung saan ipinapaloob nito ang relasyon ng mga kasarian sa sistema ng kapitalistang
uri, bunsod na din sa pamamayagpag ng kapitalismo sa buong mundo (Lengermann &
Niebrugge-Brantley, no date). Sinasabi nito na nakakadagdag sa yaman ng kapitalismo
ang mga trabahong ginagampanan ng mga kababaihan habang hindi naman sila
nakakakuha ng katapat na pakinabang mula rito (Lengermann & Niebrugge-Brantley,
no date). Sa pagkakatali naman sa gawaing bahay na bunsod ng patriyarkiya, ang mga
kababaihan ang inilalagay sa mas hindi siguradong posisyon sa trabahong swelduhan
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Dahil sa mga ito, mas madaling
mapagkakitaan ng uring kapitalismo ang mga kababaihan (Lengermann & Niebrugge-
Brantley, no date). Bukod pa riyan, nakasandig rin ang kapitalismo sa hindi
binabayarang gawaing pantahanan ng mga kababaihan, sa kanilang pagiging mga
asawa at ina, na nangangalaga at nagpapalakas sa kanilang pinagkukunan ng lakas
panggawa (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). At ang mga kababaihan rin
ang pangunahing kumukonsumo sa mga produktong nililikha ng kapitalismo
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date).
22 | Q u i o g u e
Ikalawa, na binigyang ayos ni Dorothy Smith at ng kanyang mga estudyante, ay
ng tinawag nilang relations of ruling, kung saan ang patriyarkal na kapitalistang
dominasyon ay nagmumula sa iba’t ibang magkakaugnay na sistema ng pagkontrol
hindi lang sa ekonomiya kundi pati na rin sa estado at sa ilang mga mahahalagang
propesyon (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Sinasabi na ang relations of
ruling ay makikita sa pagkontrol at pagsakop sa pang-araw-araw na pagtatrabaho ng
mga kababaihan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga pamantayan na kailangang
makamit na naglalayong gumawa ng isang balangkas na siya ng laging susundin ng
mga kababaihan (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date).
Ikatlo, kinikilala ng sosyalistang peminismo ang cultural materialism bilang isa sa
maraming pamamaraan kung saan ang mga polisiya ng estado, ideolohiya, at mensahe
ng midya ay nakakaimpluwensiya sa subhetibong pananaw ng bawat indibidwal, na
parehong kumokontrol at bumabalangkas sa kanilang mga kaisipan at sila mismo ay
naiiba na rin nito (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Ang kaibahan lamang
nito sa naunang dalawa ay hindi nito kinikilalang resulta ng kapitalismo ang mga
nabanggit, bagkus, mas tinitignan nitong resulta ito ng ideolohiya, estado, at mga
pangkulturang praktika (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date).
Pinaniniwalaan naman ng liberal na peminismo na may hindi pagkakapantay-
pantay sa kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan (Lengermann &
Niebrugge-Brantley, no date). Kung sa partikular, ang mga kababaihan ay mas
kakaunti ang bahagi sa materyal na rekurso, sa estado sa lipunan, sa kapangyarihan,
at sa oportunidad na mapaunlad ang sarili kumpara sa mga kalalakihan na kapareho
nila ng kinalulugaran --- maging ito man ay sa estado, lahi, okupasyon, pangkat pang-
etniko, relihiyon, edukasyon, kasama na rin ang pagpaloob sa kung ano mang
interseksyon nito (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Naniniwala rin ang
mga liberal na peminista na ang hindi pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae ay
bunga ng patriyarkal na lipunan at pagkakahati ng gawain ng naaayon sa kasarian
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Bukod pa riyan, nakakapagpatatag rin
ng hindi pagkakapantay ng kasarian ang pagdidikta ng lipunan sa kung ano ang papel
na gagampanan ng mga kalalakihan at kababaihan, pati na rin ang pagkakaroon ng
23 | Q u i o g u e
praktika at doktrina ng public at private sphere (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no
date).
Sa pagkakahating ito, ang mas tumatangan sa private sphere (masasabing
personal o pampamilya) ay ang mga kababaihan habang ang mas tumatangan sa mga
public sphere ay ang mga kalalakihan (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date).
Sinasabi ng mga liberal na peminista na ang mga gawaing sa public sphere ang
pinagkukuhanan ng kapangyarihan, pera, nagtatakda ng estado sa lipunan at kalayaan,
at nagbibigay ng oportunidad sa pagpapaunlad ng sarili (Lengermann & Niebrugge-
Brantley, no date). Ngunit, kahit masasabing dinodomina ng kalalakihan ang mga
gawain sa public sphere at nadidiktahan pa rin ng patriyarkiya at seksismo ang
dalawang gawaing ito, nakakatangan pa rin ang mga kababaihan sa mga gawain dito
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Kadalasan, nagsasalubong at
napapaloob ang gawain ng kababaihan sa parehong public at private sphere
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date).
Kahit pa nakapaloob sa dalawang gawain ang mga kababaihan, limitado pa rin
ang partisipasyon nila sa public sphere, dahil na rin sa namamayaning patriyarkiya dito
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Patuloy lang at tumitindi ang
nararanasan nilang diskriminasyon, marginalisasyon, at panghaharas sa public sphere
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Sa kabilang banda, banat na banat rin sa
pagtatrabaho sa private sphere ang mga kababaihang ito, dahil na rin sa konsepto na
ang mga kababaihan ang dapat nag-aalaga at nag-aasikaso sa pamilya (Lengermann &
Niebrugge-Brantley, no date). Matapos tumangan sa mga gawain o trabaho sa public
sphere, patuloy pa rin ang pagtatrabaho ng mga kababaihan hanggang sa kanilang
mga tahanan (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). Kinikilala rin na
nakakasagabal sa pag-unlad ng propesyon o karera ng isang babae ang kaniyang
kailangang punan na trabaho sa private sphere (Lengermann & Niebrugge-Brantley, no
date). Dahil na rin sa parehong mataas ang hinihinging pagtangan ng public at private
sphere sa mga kababaihan bunga ng patriyarkiya, naiipit ang mga kababaihan at may
napapabayaan silang gawain at nagreresulta pa sa kanilang pamimili sa dalawa
(Lengermann & Niebrugge-Brantley, no date). At kahit pa mas tumangan o piliin ng
24 | Q u i o g u e
kababaihan ang public sphere, inaasahan pa rin na tutulong sila sa pangangalaga at
pag-aasikaso sa kanilang mga kasamahan, gaya ng ginagawa nila sa private sphere at
mas nakaklasipika sila sa mga ganitong uri ng trabaho (Lengermann & Niebrugge-
Brantley, no date).
Dahil sa mga naisaad na dahilan ng hindi pagkakapantay ng dalawang kasarian,
sinasaad ng liberal na peminismo ang pangunahing resolusyon: una, lahat ng tao ay
may esensyal na kapasidad upang magrason at mapaunlad ang sarili; pangalawa, ang
pagkilala sa at pagpapatupad ng mga ganitong mga kapasidad ay maseseguro kung
legal na kikilalanin ang pangkalahatang karapatan; pangatlo, ang hindi pantay na
pagtingin sa lalake at babae batay sa kanilang kasarian ay bunga lamang ng idinidikta
ng lipunan at walang tunay na batayan; pang-apat at panghuli, ang pagbabagong
sosyal para sa pagkakapantay-pantay ay makukuha sa pamamagitan ng organisadong
apela sa publiko at ang tamang paggamit sa estado (Lengermann & Niebrugge-
Brantley, no date).
Gamit ang teoryang ito, iaanalisa ng mananaliksik kung paano naaapektuhan ng
LUC ang kabuuang pang-ekonomikong kalagayan ng mga kababaihan sa Barangay
Langkaan 1 at 2 at kung paanong ang mga epektong ito ay nakakadagdag sa hindi
pantay ng estado ng kababaihan at kalalakihan. Gayun na rin, iaanalisa rin ng
mananaliksik kung paanong ang lumalalang hindi pagkakapantay na ito ay
nakadadagdag naman sa opresyong nararanasan ng mga kababaihan sa isang
kapitalistang lipunan.
Depinisyon ng mga Terminong Ginamit
Land-Use Conversion – ang pagpapalit ng gamit at pagrereklasipika ng lupa mula sa
agrikultural na gamit tungo sa pagiging residensyal, komersyal, o industriyal.
Kababaihang Magsasaka – mga kababaihan na aktibo sa paglahok sa mga gawaing
pambukid at ang primaryang trabaho ay ang pagsasaka kasama na rin ang hindi na
gaanong aktibo sa pagsasaka ngunit naging aktibo rin ng matagal na panahon
Lupang Agrikultural – mga lupang ginagamit sa agrikultural na praktika
25 | Q u i o g u e
Lupang Residensiyal – mga lupang ginagamit upang tayuan ng bahay. Nagsisilbing
pribadong lugar para pagtayuan ng mga kabahayan.
Lupang Komersyal – lupang ginagamit para sa komersyo, pakikipagkalakalan at iba
pang kahalintulad na gawain.
Lupang Industriyal – lupang pinagtatayuan ng mga pabrika, planta, warehouses at iba
pang kaugnay ng pagtatayo ng mga industriya
PAGLALAHAD NG DATOS
Lupaing Ramos
Ang kabuuan ng barangay Langkaan 1 at 2 ay sakop ng tinatawag na Lupaing
Ramos. Noong dekada sitenta, napasakamay ni Emerito Ramos ang 372 ektaryang
lupain na kanyang nabili mula sa mga Amerikano. Ito ay naging tipong hacienda na
pinamamalakad ng pamilya Ramos. Karaniwang palay at mais ang tinatanim sa mga
lupaing ito. Nagdeklara ng Presidential Decree 27 si dating pangulong Ferdinand
Marcos, kung saan sinasabing ipamahagi na ang mga lupain na tinatamnan ng mais at
palay sa mga magsasakang nagpapaunlad sa mga ito ngunit ito’y may kaukulang
bayad pa rin na babayaran ng mga tenant sa loob ng labinlimang taon. Dahil nga sa
palay at mais ang nakatanim sa Lupang Ramos, nagpapasok ng mga kontratista ng
tubo ang pamilya Ramos upang mareklasipika ang lupa, upang hindi na ito
mapasailalim ng PD 27. Noong dekada 70 hanggang 80, tuluyan ng napasok ng mga
kontratista ng tubo ang 372 ektaryang lupain na ito, habang ang mga magsasaka ay
pumwesto na lamang sa gilid-gilid ng ilog upang patuloy na makapagtanim. Bukod pa
dito, naging manggagawang bukid na lamang sila upang magkaroon ng kita para
matustusan ang pamumuhay nila.
Ang First Cavite Industrial Estate at ang CALABARZON Project
Ang First Cavite Industrial Estate ay isang industriyal na subdibisyon na natatag
noong 1991 na nakatayo sa 154.5 ektaryang lupain na sakop ng barangay Langkaan 1
at 2 sa Dasmarinas, Cavite (Cavite.info). Ito ay isa sa mga unang naging bunga ng
tinatawag na CALABARZON project kung saan naghahanap ang gobyerno ng mga
26 | Q u i o g u e
lugar na malapit sa Maynila na mapagtatayuan ng mga pabrika at planta para sa
industriya dahil na rin sa mahal na ng presyo ng lupa sa Metro Manila (Philippine
Institute of Development Studies). Ang CALABARZON ay binubuo ng mga probinsiya
ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, at Quezon. Kinilala rin na mas mura ang
pagpapatayo ng mga gusali sa mga lugar na kagaya ng CALABARZON (Philippine
Institute of Development Studies). Ang CALABARZON project ay isa rin sa mga
ibinanderang proyekto ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Ramos (Philippine
Institute of Development Studies). Kinilala niya na ang CALABARZON ay isang susing
lugar para sa pagpapalaganap ng industriyalisasyon at urbanisasyon sa ating bansa
(Philippine Institute of Development Studies). Sa loob lamang ng 5 taon, marami na
agad na nagsulputan na mga industriyal, komersiyal, at residensiyal na lugar sa rehiyon
ng CALABARZON (Philippine Institute of Development Studies).
Ang FCIE ay pinangangasiwaan ng tatlong kumpanya: ang National
Development Corporation (NDC), Marubeni Corporation, at Japan International
Development Organization (JAIDO) (Cavite.info). Ang NDC ay isang sangay ng
gobyerno na katuwang ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriyal. Ito ang humahawak
sa mga usaping pamumuhunan sa ating bansa. Sa kabilang banda, ang NDC at JAIDO
ay parehong kumpanyang nagmula sa Japan. Sa kasalukuyan, tinuturing ang FCIE na
isang general industrial zone at export processing zone na may nakapaloob na 95 na
kumpanya (Cavite.info). Karamihan sa mga kumpanyang ito ay gumagawa ng mga
parte ng cellphone, kompyuter at iba pang elektroniks, pati na rin garments at iba pang
pangkalakal sa ibang mga bansa. Ilan sa mga kumpanyang nakatayo sa FCIE na sakop
pa ng barangay Langkaan 1 ay ang mga sumusunod: (see Appendix 1)
Ang Pagtatayo sa FCIE
Sa aking mga nakapanayam at napagbigyan ng sarbey, nakapagpanayam ako at
nakapagsarbey sa ilang pamilya na napaalis sa nauna nilang pwesto dahil nga sa
gagawin itong FCIE. Isa sa mga nakapanayam ko ay sinasabing inangkin ng gobyerno
ang lupang iyon dahil hindi pa malinaw ang pagmamay-ari, kung kaya’t kinilala nila ito
bilang pag-aari ng gobyerno. Ang NDC, katuwang ng Marubeni Corporation, ang
nangasiwa dito, kasama na ang pagbabayad sa mga magsasaka na nakapwesto sa
27 | Q u i o g u e
loob ng 154.5 ektaryang ito. Lima sa dalawampung sumagot sa sarbey ang may pwesto
noon sa kasalukuyang FCIE at sumagot na sila ay binayaran para sa kanilang pwesto.
Table 1: Ang Ginawa ng mga Magsasaka sa kani-kanilang pwesto sa Lupang Ramos
Ayon sa kasagutan ng limang nagsarbey, 55,000 piso ang bayad sakanila sa bawat
ektarya ng kanilang pwesto na kukuhanin ng NDC-Marubeni. Umabot sa dalawang
daang magsasaka ang binayaran nila para isuko ang kanilang pwesto. Pinangakuan rin
sila na sila ang mga unang bibigyan ng trabaho sa mga pabrika at kumpanya na itatayo
sa FCIE. Bukod pa dito sila ay biniyayaan din ng 200 metro kwadradong lote na pwede
nilang gamitin sa kung anong paraan nila gustuhin. Ngunit, itong 200 metro kwadradong
lupain na ito ay hindi pa titulado. Ang ibinigay sa samahan ng magsasaka ay isang titulo
para sa buong lupain at sila na ang bahalang maghati-hati at magkanya-kanyang pag-
aayos ng sarili nilang titulo. Nasimula ang pagkuha ng lupa noong pagkaupo ni dating
pangulong Corazon Aquino sa pwesto ngunit wala naming agad na nangyari. Dahil dito,
ang ilan sa mga magsasakang nabayaran na, at ang ibang hindi pa, ay bumalik ulit sa
mga lupang ito upang muling sakahin. Ang kanilang pagbabalik ay bunsod ng labis na
panghihinayang sa malaking lupain na hindi naman napakikinabangan.
0
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Ibinenta
Pinaupahan
Isinanla
Nanatili sa kanilang mga pwesto
28 | Q u i o g u e
Kasalukuyang Pang-ekonomikong Kalagayan ng mga Kababaihan at ng Kanilang
Pamilya
Upang mas mahusay at wastong mapulsuhan ng mananaliksik ang pang-
ekonomikong epekto ng LUC, pinasagutan ang sarbey sa populasyon na may edad 20
haggang 60. Grinupo ito sa dalawa, ang edad 20 hanggang 40 na maaari pang
tanggapin at makapagtrabaho (o nagtatrabaho na) sa pabrika, at ang edad 41
hanggang 60 na hindi na tinatanggap sa pabrika. Ang mga nasa edad 41 -60 rin ang
nakaranas makapagtrabaho sa bukid ng mas matagal.
Table 2: Pagkakahati-hati ng Respondents ayon sa Edad
Sa dalawampung nabigyan ng sarbey, labinlima o 75% sa mga ito ang ipinanganak at
lumaki sa lugar na iyon, isa sakanila o 5% ang labinlimang taon na naninirahan doon,
isa o 5% rin ang sampung taon ng naninirahan doon, habang 3 o 15% ang limang taon
pa lamang naninirahan doon.
Ang mga kababaihang higit 20 taon ng naninirahan sa barangay Langkaan 1 at 2
ay siya ring mga kababaihang nagtatrabaho sa bukid. Sa dalawampung sumagot sa
sarbey, apat ang hindi nakaranas magtrabaho sa bukid, ngunit ang kanilang mga
pamilya ay ito ang trabaho. Dahil na rin sa presensiya ng mga pabrika, kumpanya at iba
0
2
4
6
8
10
12
14
16
20-40 41-60
Pagkakahati-hati ayon sa Edad
Pagkakahati-hati ayon sa Edad
29 | Q u i o g u e
pang porma ng paghahanapbuhay, kalimitan sakanila ay ang mag-asawa na lang ang
nagtatrabaho sa bukid at hindi na nakakatuwang ang mga anak.
Table 3. Bilang ng Miyembro ng Pamilya na Nagtatrabaho sa Bukid
Halos nagkaisa sila sa pagsasabing buong araw ang kanilang iginugugol sa bukid, lalo
na kung tag-ulan, at sasaglit na lang ang naigugugol sa gawaing bahay. Kung tag-araw
naman, dahil na rin sa init at dahil kakaunti lang rin ang naitatanim kapag tag-araw, mas
kakaunti ang kanilang iginugugol na oras sa bukid at mas nakakagampan ng mga
gawaing bahay.
Sa tanong naman na kung magkano ang kinikita nila sa bukid, magkakaiba ang
kanilang mga kasagutan, dahil nakadepende ang kita sa kung ano ang iyong itinanim at
kung gaano karami ang iyong tanim. Halos panapat lang daw lagi sa kanilang puhunan
ang kanilang kinikita dahil na rin sa mahal na ng mga pangangailangan sa pagsasaka
gaya ng abono at iba pa. Sa kabilang banda, kahit panapat lang ang kanilang kinikita at
walang ganoong kalaking tinutubo, nagkaisa sila sa pagsasabing hindi nila ito problema
dahil halos wala na silang kailangang bilhin pa, lalong lalo na sa pagkain.
Bukod sa pagsasaka, nagkakaroon na rin ng ibang trabaho o negosyo ang mga
kababaihang magsasaka, ang mga asawa nila o ang mga anak nila.
Table 4: Iba pang pinakukunan ng kita
0
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Wala kahit isa
Isa hanggang dalawa
Buong pamilya
Walang sagot
30 | Q u i o g u e
Kalimitan sa kanila ay may negosyong babuyan o paupahan. Ang iba naman ay may
mga asawa o anak na nagtatrabaho sa mga kumpanya o pabrika, gaya na lang ng
isang nakapanayam na may asawang security guard na kumikita ng 8,000 libong piso
sa loob ng isang buwan. Ang iba naman ay may mga anak ng nakatapos ng pag-aaral
at propesyunal na, kaya’t tumutulong na sila sa panggastos ng pamilya. Ang iba
namang asawa o anak na lalaki ay nagtatraysikel o nagmamaneho ng jeep dahil sa
pangangailangan na din ng barangay nila sa pampublikong transportasyon.
Ngunit kahit may iba pa silang pinagkukunan kinikita, 8 sa 20 na sumagot o 40%
ang nagsasabing hindi pa rin nakasasapat ang kanilang kinikita para matustusan ang
kanilang mga pangangailangan, dahil na rin sa hirap ng buhay. Kung wala na silang iba
pang malapitan, sila ay nauuwi sa pangungutang, at kadalasan ito ay sa mga bumbay
na may malaking interes kapag nangungutang.
Sa apat na sumagot sa sarbey na hindi nagtatrabaho sa bukid, isa ang
kasalukuyang nagtatrabaho sa pabrika habang ang tatlo ay umaasa sa pagtatraysikel o
pagmamaneho ng jeep ng kani-kanilang asawa. Isa sa mga may-asawang
nagmamaneho ng jeep ay serbis ng isang kumpanya sa FCIE. Bukod sa kita na 400
piso na boundary ng jeep mula sa pamamasada sa umaga, kumikita pa ng 150 piso
kada gabi ang kanyang asawa na mula naman sa pagseserbis sa pabrika. Apat na
daang piso rin ang kinikita ng iba pang nagmamaneho ng traysikel o jeep dahil ito ang
0
1
2
3
4
5
6
7
8
9 Sariling Negosyo
Trabaho sa kumpanya o pabrika
Mula sa anak o kapamilyang propesyunal
Pagtatraysikel o pagmamaneho ng jeep
Waalang kasagutan
31 | Q u i o g u e
pangkaraniwang boundary sa pamamasada. Ang nag-iisa namang nagtatrabaho sa
pabrika sa kasalukuyan ay kumikita ng 236 piso kada walong oras na pagtatrabaho, at
may karagdagan kung ito ay may overtime.
Gaya na rin ng naisaad sa itaas, bukod sa pagbubukid ng mas nakararami sa
sumagot sa sarbey, may iba pa silang trabaho o pinagkakakitaan. Dito natuklasan ng
mananaliksik ang tinatawag nilang trabahong “pagtataktak”. Ito ang paglalagay ng
puting papel sa loob ng takip ng mga bote ng Zonrox na ginagamit sa paglalaba. Ito ay
isang porma ng sub-contractualization kung saan inilalabas ng mga pabrika ang ilan sa
mga order sa kanila at hahanap ng gagawa ng mga ito. Sa ganitong paraan,
nakakaiwas silang magbigay ng nararapat na sweldo at benepisyo sa kanilang
magiging manggagawa. Napakaliit lang na halaga ang kinikita ng mga manggagawa
dito. Tumatanggap lamang sila ng sampung piso kada isang libong takip ng malalaking
bote na kanilang malalagyan, habang kinse pesos naman ang binabayad sakanila sa
bawat isang libong takip ng malilit na boteng malalagyan. Ayon sa mga nakapanayam
ng mananaliksik, ginagawa na lang nila itong libangan kapag walang trabaho sa bukid
para kahit papaano ay kinikita pa rin sila.
Dahil sa karamihan sa kanila ay nakaranas mabuhay ng nagsasaka at
nagtatrabaho rin sa ibang larangan, inalam ng mananaliksik sa pamamagitan rin ng
sarbey, kung ano ang mas maginhawang buhay para sakanila. Naging iba iba ang
kasagutan nila sa katanungang ito dahil sa iba-iba rin nilang rason.
32 | Q u i o g u e
Table 5: Paghahalintulad ng kita noong nagsasaka pa sa kasalukuyan
Ayon sa isa sa mga sumagot ng oo, mas gumada ang kinikita nila sa
kasalukuyan nilang trabaho dahil araw-araw silang may hinahawakang pera, hindi
katulad ng kapag nagsasaka ka, mag-aantay ka pa ng buwan para anihin ang mga
itinanim mo. Ayon naman sa isa pa, mas maigi ng may trabaho lalong lalo na kung may
pinag-aaral kang anak dahil mahirap tustusan ang pangangailangan sa pag-aaral kung
aasa lamang sa pagsasaka. Ang isa pa ay nagsabi na mas gusto niyang magtrabaho
sa pabrika sa katulad ring kadahilanan na may regular kasing sweldo, kahit pa mababa
lang ito. At ang isa pang sumagot ng oo ay sa kadahilanang wala naman daw kasi
silang sinasakang lupa talaga, nagtatanim lang sila upang sila ay mayroong makain
kaya’t maigi pa rin na may hawak silang pera.
Ang mga sumagot naman ng hindi ay nagkaisa sa pagsasabing mahalaga pa rin
ang pagtatanim sa bukid, at hindi naman gumanda ang estado ng buhay nila kahit pa
may trabaho ang ilan sa pamilya nila dahil hindi pa rin nakasasapat ang kinikita. Kung
sila raw ay magtatanim, kahit papaano ay makakaasa silang may kakainin sila at hindi
na kailangang bumili pa.
Ang isa naman ay nagsabing walang pinagkaiba ang buhay nila at ganoon pa rin
naman ang kalagayan. Ngunit isinaad din niya na mas mabuti kung mapagsasabay ang
20%
20%
5% 5%
50%
Mas gumanda ba ang kita sa kasalukuyang trabaho?
Oo
Hindi
Depende
Walang pinagkaiba
Sa bukid lang ang trabaho
33 | Q u i o g u e
pagnenegosyo o pagtatrabaho at ang pagsasaka upang mapagsama ang kita at
makasapat ito. Ayon naman sa isa pang sumagot, nakadepende ito sa panahon. Kung
tag-ulan, talaga namang malaki ang kinikita nila sa pagsasaka dahil sa ulan sila
nakaasa at kapag mainit naman, wala halos silang matanim at wala silang kinikita.
Kasalukuyang Kalagayan ng mga Nagbenta ng Lupa sa FCIE
Kagaya ng nauna ng naisaad, lima sa nakapanayam ng mananaliksik ay
nabayaran para iwan ang kanilang pwesto upang mapagtayuan ng FCIE. Apat sakanila
ang nakakuha ng higit 55,000 piso dahil na rin sa lawak ng pwestong kanilang nasakop.
Ang isa naman ay sinasabing maaaring nadaya daw sila sa sukatan dahil halos walang
isang ektarya ang kinilalang pwesto nila kaya’t 33,000 piso lang ang kanilang nakuha.
Wala raw kasi sila noong naganap ang sukatan. Tatlo sa limang nagbenta ay ginamit
ang perang kinita nila upang mamuhunan ulit sa pagsasaka. Humanap sila ng
panibagong pwesto sa katabing mga purok upang makabalik sa pagsasaka. Ang iba
naman ay ibinili ito ng sasakyan o pinampuhunan sa pagtatayo ng negosyo at
ipinampagawa ng bahay.
Ang mga namuhunan pa rin para sa pagsasaka ay sinabing ginawa nila ito dahil
na rin sa naniniwala silang mahalaga pa rin ang pagsasaka at kahit tumanda na sila ay
may matatakbuhan pa rin sila kung sila ay may lupa. Isa ring rason kung bakit tinuloy pa
rin nila ang pagsasaka ay dahil sa nakasanayan na daw nila ito. Tipong nagsilbi na rin
itong libangan at ehersisyo para sakanila, bukod pa sa maayos rin naman ang kinikita
nila rito. Ang isa pa nga sa nakapanayam ay binili ang ilang katabing pwesto upang
mapalawak pa ang kanilang sakop na sakahan. Ang isa naman ay bumili pa ng tilyar at
patubig upang mapaunlad ang pagsasaka ng kanilang pamilya. Nagkaisa rin sila sa
pagsasabing iba pa rin talaga kung magsasaka ka, lalo na kung ito naman talaga ang
kinagisnan mong gawain dahil sa ito rin lang ang alam mong gawin.
Ang Kaalaman ng mga Residente ukol sa LUC at ang Epekto ng LUC Sakanila
34 | Q u i o g u e
Table 6: Pag-unawa sa LUC ng mga Residente
Makikita natin sa tsart na ito na napakalayo ng agwat ng mga nakakaunawa sa
hindi nakakaunawa sa kung ano ang LUC. Lima lamang sa dalawampung
nakapanayam at nakapagsagot ng sarbey ang nakakaunawa sa kung ano ang LUC at
nakakaalam na may banta ulit na ganito sa barangay Langkaan 1. Ngunit ganunpaman,
nagkakaisa sila sa pagsasabing hindi na maganda ang banta ng LUC dahil magiging
kawawa lang lalo ang magsasaka. Lalo lamang silang maghihirap dahil kukuhanin mo
sa kanila ang kanilang ikinabubuhay. Ayon pa sa kanila, hahanap at hahanap ng lupa
ang magsasaka dahil sa ito na nga rin ay kinahiligan. May isa ring nagsabi na ang LUC
ay maituturing na salot dahil nga sa mawawalan sila ng lupa dahil dito. Lahat rin sila ay
umaasa na wag na sanang madagdagan pa ang mga lupang i-coconvert dahil hindi na
ito makabubuti.
Ayon na rin sakanila, hindi naman sila ang pangunahing nakinabang sa mga
itinayong establisimyento sa FCIE kahit pa ipinangako noon na sila ang bibigyan ng
prayoridad. Palibhasa’y mga may edad na rin naman sila noong nagsimula ang
proyektong industriyal na iyon, hindi na rin sila tinanggap sa mga pabrikang naitayo.
Ngunit may ilan ring nagsabi na may naidulot ring mabuti ang naganap na pagtatayo sa
FCIE dahil mas naging maayos ang mga kalsada at daanan. Naging sementado na ang
mga ito at madali ng madaanan ng sasakyan kaya’t hindi na nahihirapang bumiyahe
ang mga tyao, lalo na ang mga mamimili at manininda ng produktong agrikultural.
0
2
4
6
8
10
12
14
16
Nauunawaan
Hindi nauunawaan
35 | Q u i o g u e
Ngunit labis ring nakaapekto ang mga naitayong pabrika sa uri ng mga gulay o
produkto na nagmumula sa pagsasaka. Dahil sa duming nanggagaling sa pabrika,
nalason na ang hangin sa kapaligiran ng FCIE, at nakontamina na rin ang ilang
pinagkukuhanan nila ng tubig. Ilan sa mga tanim ay hindi na nagtatagal pa, halimbawa
ang dating mga pananim na gulay na kayang tumagal ng hanggang tatlong buwan ay
nananatili na lang ng hanggang isang buwan. Bukod pa dito, isa rin ang nagsaad na
napapayaman lang nito lalo ang mga mayayaman, dahil sila ay kayang mamuhunan,
habang lalo namang naghihirap ang mga mahihirap. Nasabi rin ng isang nanay na
kinikilala niyang mas epektibo ang kanyang pagiging nanay nang siya ay sa bukid
nagtatrabaho.
Table 7: Epekto sa Kababaihan ng LUC
Ang mga nakasaad sa pie tsart na ito ay ang mas tiyak na kasagutan ng mga
kababaihan sa kung ano ang epekto sakanila ng LUC. Ito ang mga pagkakapare-
pareho sa kanilang mga kasagutan.
Sa tanong kung ano ang kabuuang pagtingin nila sa LUC, nagkakaisa sila sa
pagsasbaing hindi nakakabuti ang LUC. May isang nabayaran ang pwesto para gawing
12%
12%
23%
17%
12%
12%
12%
Epekto sa Kababaihan ng Land-use Conversion
Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho sa bahay
Mas lumaki ang kinikita
Nawalan ng seguridad sa pinansiya
Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho para kumita
Mas pagod ang katawan
Kakaunti ang oras para sa sarili
Mas madalas magkasakit
36 | Q u i o g u e
FCIE ang nagsabing mabuti naman daw ito dahil kahit papaano’y napapakinabangan
nila ang lupa sa ibang paraan at dahil maliit lang din naman daw ang lupang kanilang
sinasaka, ngunit sinabi rin niyang hindi naman nakabuti ito sa mga ibang nabayaran
dahil hindi rin nagtagal ang perang ibinayad. Isa pa ay hindi rin naman daw sila ang
tinatanggap sa mga pabrika dahil nga sa sila ay may mga edad na at kahit ang mga
anak nila ay hind rin nakapagtrabaho sa mga ito.
Isa pang masamang epekto ng LUC ayon sakanila ay ang epekto nito sa
kalikasan. Ayon sa kanila, kung dadami pa ang lupang isasailalim sa LUC, dadami rin
ang mga pabrika at mas malalason ang hangin pati na rin ang kanilang mga
pangunahing pinagkukuhanan ng tubig, lalo pa’t sa sapa lamang sila umaasa ng tubig.
Mawawala rin ang mga puno na lumilinis sa hangin at pumipigil sa pagbaha. Dahil na
rin sa dudumi na ang hangin at tubig, makaaapekto ito sa kalusugan ng mga tao at sila
rin ang mahihirapan.
Ayon rin sakanila, kapag nagtuloy-tuloy pa ang kumbersyon ng lupa, ang mga
mayayaman lamang ang makikinabang dito at maghihirap lalo ang mga mahihirap. Mas
maginhawa na para sakanila ang buhay kung nagsasaka. Hindi na sila nagkakautang-
utang pa at may seguridad pa sila sa araw-araw na kakainin nila dahil hindi na nila
kakailanganing bumili.
Focus Group Discussion
Ang mananaliksik ay nagtipon rin ng ilang mga kababaihan upang makalahok sa
isang focus group discussion. May ibang pagkakagrupo ng mga katanungan para sa
diskusyon na ito.
Halos lahat ng miyembro ng FGD ay nagsasaka na simula pagkabata pa
lamang. Iilan lamang sakanila ang bago lamang sa pagsasaka dahil sila ay nakapag-
asawa ng magsasaka. Sila rin lahat ay nananatiling walang lupa at may tinatawag lang
na pwestong sinasaka. Karamihan rin sakanila ay nakaranas makapagtrabaho sa mga
pabrikang itinayo sa FCIE. Nagpokus ang diskusyon sa pagkukumpara sa trabahong
bukid at trabahong pabrika ng mga kababaihang nakapanayam.
37 | Q u i o g u e
Ayon sa mga nakapagtrabaho sa pabrika, mahirap ang gawain nila rito, lalong
lalo pa at sila ay may kinikilalang amo. Hindi kagaya ng kapag ika’y nagsasaka, ikaw
ang amo mo at hawak mo ang oras mo. Ayon sa mas nakakabatang nakaranas
magtrabaho sa pabrika, noong una ay tinuring niya na mas maganda ang pagtatrabaho
rito, dahil na rin sa may regular na kita. Ngunit ng maranasan niiyang magtrabaho sa
bukid mula ng magresign sa pabrika, mas ginusto niya na ito sa kadahilanan ngang
hawak mo ang oras mo. Kadalasan pa, kung mag-oovertime ka sa pabrika ay hindi ka
nababayaran, bagkus, sa termino nga nila, ikaw ay nate-thank you-han lamang,
nasasayang ang pagod. Isa pa, ayon sa kaniya, sa liit ng sinasahod niya sa pabrika,
halos sa pangsariling pangangailangan na lang niya ito nagagamit at hindi na rin
gaanong nakakatulong sa pamilya. Tatlong taon rin siyang nakapagtrabaho sa pabrika
at naranasan na ring maregular, noong hindi pa ganun kahigpit ang mga patakaran.
Nagresign siya dahil siya ay nabuntis at nung pagbalik niya ay sa mhga agency na
kinakailangan dumaan para makapasok sa pabrika, at naging mahirap na rin ang
pagiging regular na empleyado. Ayon sa pinakalider ng kanilang samahan, kung sa
pabrika ka nagtatrabaho, sa pera ka nakaasa para kumain. Pinatotohanan naman ito ng
nagtatrabaho sa pabrika. Ayon sa nagtatrabaho sa pabrika, halimbawang wala pang
order mula sa ibang bansa, wala rin silang trabaho. Kung aabot ng isang buwan na
walang umoorder, isang buwan rin silang walang trabaho, saka ka na lang tatawagan
ulit kung magkakaroon na ng order.
Halos ganito rin ang sinasabi ng isang ginang na halos sampung taong naging
mananahi sa pabrika. Nahihirapan silang gumawa dahil nga sa may amo, at may
kailangan pang abutin na quota o bilang ng dapat matapos. Kung hindi maaabot ang
quota na ito, hindi sila mababayaran para sa araw na iyon at sila ay mapapagalitan pa.
Ayon sa kanya, kung ikaw ay nagtatrabaho sa bukid, iyo ang oras mo, hindi mo
kailangan bilisan o gumawa ng marami.
Isa rin sa mga inilahad nilang kagandahan ng pagbubukid ay gaya ng natuklasan
ng mananaliksik sa sarbey, ang seguridad na may kakainin sila sa araw-araw. Kahit raw
kasi may sigurado kang hawak-hawak na pera buwan-buwan, sa mahal naman ng
bilihin at sa dami ng kailangang bilhin ay hindi ka sigurado kung hanggang kalian ang
38 | Q u i o g u e
kayang itagal ng iyong sweldo. Kung ikaw ay nagbubukid, sigurado kang makakakain
kahit wala kang pera, sariwa pa ang kakainin mo. Sa pagtatrabaho kasi sa pabrika,
kailangan mo pang gumastos ng pamasahe at bumili ng mga pangangailangang
pampersonal para magmukhang laging presentable, dadagdag pa ito sa ginagastos mo.
Kung hindi sasapat ang pera mo hanggang sa susunod na sweldo, mawawalan ka ng
pampamasahe at maaaring hindi ka makapasok dahil dito.
Naikumpara rin nila ang oras na maaaring igugol sa gawaing bahay kung
nagpapabrika ka o kung nagsasaka ka. Ayon sa kanila, kung nagsasaka ka, oo nga at
buong araw ang iginugugol mo sa bukid, ngunit lagi ka pa ring nakpaglalaan ng oras
para alagaan ang iyong pamilya, para makapagluto, makapaglaba, makapag-asikaso
ng anak, at iba pa. Isa pang rason na isinaad nila ay kung sa bukid ka magtatrabaho,
pag natapos mo ng maaga ang pag-aalaga sa mga tanim mo, iyo na lahat ng oras mo
para sa buong arw, ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo dito. Hindi kagaya sa
pabrika na isang buong araw kang dapat nakatayo, at isang oras lang ang pahinga mo.
Naaapektuhan rin ng pagpapabrika ang oras na ginugugol sa bahay ng isang
nanay. Ayon sa mga nakapanayam, kung may asawa’t anak ka na, hindi mo na
maaasikaso ang pamilya mo, hindi mo na maaasikaso kahit pagkain ng asawa’t anak
mo. Halos sarili mo na lamang ang maaasikaso mo. Bukod sa napakaaga na ng pasok
sa pabrika, kadalasan ay gabing-gabi na kung umuwi lalo na kung may kailangang
abuting quota. Pag-uwi mo ika’y magpapahinga na lang at gigising muli ng maaga para
pumasok. Hindi ka pwedeng umabsent kahit may sakit ka, lalo na kung may linya ka na
kailangan mong tapusin.
Sadyang ang problema lang sa pagsasaka ay ang kakulangan ng teknolohiyang
kanilang magagamit. Nahihirapan sila tuwing tag-araw dahil wala silang maayos na
patubig. Sila ay may sistemang tinatawag na “sahod-ulan” kung saan sa ulan lang sila
umaasa ng patubig kaya’t mas nagtatanim talaga sila tuwing tag-ulan at halos walang
gawaing bukid kung tag-araw. Sinabi rin niyang sinisilaw kasi sila ng gobyerno sa
magagandang gusali, pati ang imahe ng mga magsasaka ay pinapapangit. Pinapanatili
rin silang atrasado at hindi sinusuportahan. Kagaya rin ng nasabi sa sarbey, hindi na
nagtatagal ang mga pananim nila dahil na rin sa polusyong dulot ng mga naitayong
39 | Q u i o g u e
pabrika. Ngunit kinikilala rin naman ng mga nakapanayam na maayos din naman ang
pabrika, lalo na sa mga nakababata pa. Ngunit hindi ito pangmatagalan at mawawala
ka rin sa pagtatrabaho rito kapag ikaw ay matanda na.
Labis ring makaaapekto ang LUC sa paninirahan ng mga magsasaka. Ayon sa
pinakalider ng kanilang samahan, kung magtutuloy-tuloy ang mga kumbersyong
nagaganap sa kanilang lugar, mapapaalis sila doon, mawawalan sila ng tirahan. Ayon
pa sa kanya, dahil hindi nila pag-aari ang lupa, informal settlers ang pagtingin at
pagtrato sakanila ng gobyerno kahit pa doon na sila ipinanganak at nagkapamilya.
Ayon din sakanya, hindi rin naman para sa ikauunlad ng ating bayan ang
tinatrabaho sa loob ng mga pabrika. Hindi naman ito nagsisilbi sa pinakamaraming
miyembro ng populasyon ng ating bansa. Puro produktong pang-export ang ginagawa
sa mga pabrika sa FCIE. Nagsilbi itong malawak na gawaan ng materyales ng
sasakyan, materyales ng kompyuter, materyales ng cellphone --- na lahat ay ineexport.
Ayon pa sakanya, tuloy-tuloy lang ang paggawa ng produkto sa pabrika, ngunit paano
na lamang kung natambak na ang mga produkto at wala ng bibili, malulugi na ang
pabrika. Kapag nalugi ang pabrika, magsasara na ito at mawawalan ng trabaho ang
libo-libong manggagawang umaasa dito. Kung sa lupa naman daw, kahit habambuhay
kang magtanim, hindi matatambak ang produkto dahil lagi’t laging kailangan ang mga
ito, magpapatuloy ang buhay mo, tuloy-tuloy kang makaaasa dito. Kung bibigyan lang
ng serbisyo at popokusan ng tulong ng gobyerno ang kanilang pagsasaka, at sa
kanilang lagay ay pagkakalooban sila ng maayos na patubig at pauunlarin ang kanilang
kakayahan, makakaya nilang buhayin at pakainin ang 75 na barangay ng Dasmarinas,
Cavite at makakarating pa hanggang iba’t ibang lugar ang kanilang mgha produkto.
Ngunit kung gagawing pabrika ang lahat ng sinasakahan nila, at magiging pagawaan ito
ng produkto na para sa ibang bansa, makagagawa nga ng maraming produkto na
lalampas na sa pangangailangan, mababankrupt ang mga pabrika, maiiwan silang
nagugutom at wala ng hanapbuhay.
Mahigpit talaga ang kanilang pagtutol sa pagpapatupad pa ng ibang proyekto ng
kumbersyon. Ayon sakanila, isa itong napakalaking pahirap sa parte ng kababaihang
magsasaka. Kung titignan sa perspektiba ng mga kababaihang manggagawa na hindi
40 | Q u i o g u e
sanay sa pagsasaka, makabubuti ang mga ganitong proyekto dahil sila ay
magkakaroon ng mapapasukang trabaho. Ngunit, may problema rin silang kahaharapin
dito dahil na rin sa diskriminasyon sakanila sa mga trabaho at sa liit ng kinikita nila sa
kanilang mga trabaho. Para sa mga kababaihang magsasaka, sana’y paunlarin na lang
ang kanilang pagsasaka upang hindi na rin sila dumagdag pa sa problema ng mga
kababaihang manggagawa. Ayon pa rin sakanila, sana ay huwag na talagang ituloy ang
mga banta ng kumbersyon, bagkus, pagtuunan na lamang rin ng pansin ang pagbibigay
ng batayang serbisyo publiko lalo pa’t tumatanda na sila, dahil yun naman ang kanilang
kinakailangan. Bukod pa sa banta nito sakanilang pamumuhay, isa ring malaking banta
ang LUC sa kalikasan, gaya na rin ng nasabi ng mga sumagot sa sarbey. Kung patuloy
nilang kakayurin ang mga kagubatan at kabundukan at puputulin ang mga puno,
delikado ito para sa mga naninirahan sa mababang lugar gaya ng Maynila dahil
magbubunsod ito ng malawakang pagbaha.
Sa kasalukuyan, naniniwala sila na sakanilang pagkakaisa ay
mapagtatagumpayan muli nila ang ganitong uri ng laban. Naniniwala sila na dapat
nilang paliwanagan ng mas maayos ang iba nilang mga kapwa magsasaka upang hindi
mabulag ng mga pangako ng gobyerno ang mga ito. Ayon pa sa kanilang lider, hindi
kasi naiintindihan ng ating pangulo ang kanilang mga hinaing, kung bakit nila
pinakikipaglaban ang kanilang mga lupain. Para sakanila, hindi maiintindihan ng isang
haciendero ang pangangailangan ng mga magsasaka. Hindi raw naiintindihan ng
gobyerno na mas makakabuti sakanila, na makakakain sila ng tatlong beses isang araw
kung pauunlarin na lamang ang kanilang pagsasaka dahil sila ay hindi na pinoproblema
pa kung saan kukuha ng makakain. Oo nga’t nakikita nila ang sitywasyon, pero hindi
nila ito nararanasan kaya’t hindi talaga nila lubusang naiintindihan. Ayon pa sakanila,
ganoon rin sa pagtatrabaho sa mga pabrika. Ang mga kapitalista, hindi nila
nararanasan ang mag-overtime sa pagtatrabaho, pagkatapos ay uuwi para magluto at
maglaba, at gigising pa ulit ng maaga para makapasok muli sa pabrika, kaya’t paano
nga naman nila papataasin ang sahod ng mga ito. Ayon pa sa kanilang lider:
“Kumikita kasi sila na hindi lang sila ang nagtatrabaho kaya imposibleng itaas nila ang
sahod ng mga manggagawa. Ganun din sa aming magsasaka, hindi nila nararanasan ang hirap
41 | Q u i o g u e
magsaka, ang hirap magtanim, kasi halimbawa pagdating ng tanghalian kakain sila pagdating
ng meryenda kakain sila kasi may pera sila hindi sila nahihirapan.”
Key Informant Interview
Upang makakuha ng pananaw ng eksperto ukol sa usapin ng epekto ng LUC sa
mga kababaihan, kinapanayam ng mananaliksik ang dalawang kilalang eksperto sa
pag-aaral ukol sa kababaihan.
Sa tanong na ano ang kasalukuyang estado ng mga kababaihang magsasaka,
ayon kay sa isang eksperto, may pangkalahatang pang-aapi pa rin sa mga kababaihan
at mas mababa pa rin ang posisyon nila sa lipunan kumpara sa mga kalalakihan. Sila
rin ay nabibigyan ng dobleng pasanin, ito ay ang pagtatrabaho para kumita, at ang
pagtatrabaho sa bahay upang pangalagaan ang kani-kanilang pamilya. Bukod pa riyan,
bilang mga magsasaka, taglay rin nila ang problema ng uring ito. Doble ang
problemang kanilang kinahaharap dahil napapaloob sila sa dalawang uri. Sinang-
ayunan ito ng kasagutan ng isa pang eksperto. Ayon sakanya, ang mga kababaihang
magsasaka ang pinakamarami ngunit pinakalimot ng ating lipunan. Lalo pa sa
kanayunan na laganap ang kahirapan, pinakanaaapektuhan nito ay ang mga
kababaihan. Sila rin kadalasan ang mga tinatawag na unpaid family workers o yung
mga nagtatrabaho sa sakahan ng pamilya o nagtatrabaho para sa pamilya ng walang
bayad. Bukod pa dito, sakanila rin nakapasan ang pagpapakain sakanilang mga
pamilya. Kung walang makain o walang perang pambili ng pagkain, sila ang
kinakailangang gumawa ng paraan, bilang sila ang ina at dapat na nangangalaga sa
pamilya.
Sa katanungan naman kung sa tingin ba nila ay pantay na ang karapatan ng
kababaihan at kalalakihang magsasaka, ayon sa nakapanayam, mahirap na sagutin ito
lalo pa’t kung ang uring magsasaka ang titignan sapagkat limitado rin lang naman ang
karapatang tinatamasa ng mga magsasaka. Kung sa mababaw na pagtingin, at kung
pagbabasehan lang ang pagkakaroon ng karapatan sa lupa, masasabing oo,
nakakatamasa na ng kapantay na karapatan ang mga kababaihan. Ngunit dahil nga
wala pa rin namang sariling lupa ang uring magsasaka, hindi pa rin masasabing
42 | Q u i o g u e
natatamasa ang karapatang ito. Ganoon rin sa pagkamit ng social protection, ayon
naman sa isa pang nakapanayam. Hindi rin nakakamit ng mga kababaihan rito ang
kinakailangan nilang batayng proteksyon lalo na sa pangkalusugan at iba pang
programa ng gobyerno.
Kung sa epekto naman ng LUC sa mga kababaihang magsasaka, magbubunsod
ito sa mala-proletarisasyon ng kababaihang magsasaka. Matatransporma sila mula sa
pagkakaroon ng lupang sasakahin at pagkukunan ng ikabubuhay tungo sa wala na at
wala ring kahit anong trabaho. Tinatawag itong mala-proletarisasyon dahil aalisan mo
ang isang magsasaka ng lupa na ito lamang ang mayroon siya at ang matitira na
lamang sakanya ay ang lakas paggawa na pangunahing katangian ng isang proletaryat.
Lalo lamang aapihin at maghihirap ang mga magsasaka kung ganito ang mangyayari.
Hindi rin naman makakatulong ang ganitong mga polisiya sa ikauunlad ng ating bansa
dahil na rin sa wala namang malinaw na ipinatutupad na reporma sa lupa at
pangkalahatang industriyalisasyon na pangunahing rekisito para tuluyan ng mahinto
ang lumalalang kahirapan sa isang bansang tulad ng sa atin. Kung tungkol naman sa
pangkabuuang epekto ng LUC, sinabi na pinapatibay lamang nito ang kapangyarihan
ng mga panginoong may lupa dahil sa pagbawi ng lupain sa mga magsasaka, kahit pa
yung iba ay nakatanggap na ng CLOA. Kagaya rin ng naisaad ng mga nakapagsagot
ng sarbey at kasapi ng FGD, maaapektuhan din ng LUC, ang seguridad ng ating bansa
at pagkasapat sa pagkain. Lalong magmamahal ang pagkain at mas magdedepende na
ang populasyon sa inaangkat na pagkain mula sa ibang bansa na hindi ka naman
nakasisigurado sa kalidad.
Ayon naman pa sa nakapanayam, ang gobyerno rin ang nagiging dahilan kung
bakit nauuwi sa pagbebenta ng lupa ang mga magsasaka, dahil na rin sa kakulangan
ng pagpapaunlad nito sa kakayahan ng mga magsasaka at sa teknolohiyang kanilang
dapat ng napapakinabangan. Hindi pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang
pagpapaunlad ng agrikultura kung kaya’t nababaon lang din sa utang ang mga
magsasaka. Ngunit kapag naman naibenta na ang lupa para masailalim sa
kumbersyon, lalo lang din maghihirap ang mga magsasaka, lalo lang dadami ang
kanilang mga pasanin.
43 | Q u i o g u e
Kung sa kaibahan naman ng epekto ng land-use coversion sa kababaihan at
kalalakihang magsasaka, sinabi nila na hindi talaga dapat pinagkukumpara dahil pareho
lang naman ang laban nila. Pero tama ring tignan ang epekto nito na mas kababaihan
ang tinatamaan. Kung sa lalaki yan, magiisip at magiisip sila ng kung paano nila
bubuhayin ang kanilang pamilya, kung ano ang dapat na maging trabaho nila. Kung
kababaohan naman yan, lalong bibigat ang trabaho nila at lalo rin silang
mamomroblema dahil sakanila nakaatas ang pagbabadyet para sa gastusin ng pamilya.
Ang matinding pamomroblema ng mag-asawa tungkol sa pinansiya ay maaaring
magresulta sa domestic violence. Ito ang isang epekto na mas madedehado ang babae
dahil siya ay magiging biktima ng pananakit ng kanyang asawa. Dahil sa
pamomroblema ng lalaki, maaaring madalas itong maglasing, o laging mainit ang ulo at
ang babae ang mapagbubuntunan ng galit at inis. Mas nagiging bayolente ang mga
kalalakihan habang laloong nagiging bulnerable ang mga kababaihan. Habang ang mga
kababaihan ang pinagdidiskitahan ng kanilang mga asawa, ang mga anak naman nila
ang pagdidiskitahan rin nila. Mas tumitindi lang din ang paniniwala nila na wala na
silang iba pang magagawa kundi magdasal na lang at umasa sa milagro, o maniwala at
umasa sa mga palaro sa telebisyon gaya ng mga game shows, raffle at iba pa. Mas lalo
lang din titimo sakanila ang kanilang papel na idinidikta ng lipunan gaya ng wala na
silang magagawa pa kundi magtiis na lang.
Ayon naman sa isa pang nakapanayam, una na sa pinagkaiba ng epekto sa
kababaihan at kalalakihan ay ang multiple burden na nararanasan ng kababaihan.
Pangalawa, mas kinikilalang may kakayahan ang mga kalalakihan na mag may-ari ng
lupa, makisali sa mga programang agrikultural, at makisali sa mga kilos protesta, lalo
pa’t may imahe na panglalaki lang ang pagsasaka. Napg-iiwanan ang babae sa
ganitong aspeto. At dahil na rin sa nawawalan sila ng hanapbuhay dahil sa LUC, mas
napapasan ng babae ang problema ng paghahanap ng panibagong pagkakakitaan
dahil na rin sa siya ang mas mapanlikha at hindi makakatiis na makikitang nagugutom
ang kanyang pamilya. Dito na magsisimula ang migrasyon ng mga kababaihan sa
kanyunan patungo sa kalunsuran o sa ibang bansa para mamasukan na katulong, at
minsan naman, sa sobrang desperesyon ay maaaring magresulta ito sa prostitusyon.
44 | Q u i o g u e
PAG-AANALISA NG NAKOLEKTANG DATOS
Sa pakikipagpanayam sa dalawang eksperto sa sektor ng kababaihan,
maraming natuklasan at naintindihan ang mananaliksik. Una na dito ay ang estado ng
kababaihan sa kasalukuyan. Dahil tayo ay nabubuhay na sa makabagong mundo at lagi
ng naririnig o nasasabi na nagbago na ang katayuan ng mga kababaihan kung
ikukumpara noon, hindi pa rin ito nakakatagos hanggang sa kanayunan o sa mga rural
na pook. Bukod pa riyan, dahil na rin sa epekto ng pag-uuri at dikta ng lipunan, sadyang
mababa pa rin ang tingin at pagturing sa mga kababaihan, lalo na sa mga kababaihang
magsasaka. Mas mabigat na diskriminasyon ang dinaranas ng mga kababaihang
magsasaka sa kadahilanang nakapaloob sila sa uring magsasaka at uring kababaihan.
Sa pahayag naman ni Dr. Ofroneo na ang mga kababaihang magsasaka ang
pinakamarami ngunit pinakalimot, makikita natin na hindi talaga pinagtutuunan ng
pansin ang kapakanan ng mga kababaihang ito. Masasabing sila ang pinakalimot dahil
na rin sa hindi na sila halos naaabutan ng tulong ng gobyerno, hindi na napapansin ang
kanilang mga hinaing, hindi na sila naririnig o nabibigyan ng boses. Dahil dito,
karamihan sakanila ay hindi na umaangal, nagtitiis na lang dahil nasanay na sa
kanilang katayuan.
Mahirap ring sukatin kung pantay na nga bang maituturing ang tinatamasang
karapatan ng kababaihan at kalalakihang magsasaka. Una sa lahat, dahil na rin sa,
ayon nga kay Dr. Taguiwalo, limitado lang ang karapatan ng mga magsasaka. Sa
limitadong karapatang ito, hindi pa rin nakakakuha ng sapat na pagkilala ang mga
kababaihan. Kung sa pag-aari ng lupa man yan, o sa pagkamit ng mga proyekto o
programa ng ating pamahalaan na para sa mahihirap, bibihira o talagang hindi na
natatanggap ito ng mga babaing magsasaka. Maiuugnay ito sa pahayag ni Dr. Ofroneo
na nalilimutan nga ang uring kababaihang magsasaka.
Ang ganitong kalagayan ng mga kababaihang magsasaka ay patuloy lamang
papalalain ng neoliberal na polisiyang LUC. Dahil sa maaalisan na sila ng karapatan sa
lupang sinasaka nila at tuluyan na silang mawawalan ng lupang sasakahin, lalo lamang
45 | Q u i o g u e
mapapatindi ang pang-aapi sa at paghihirap ng kanilang uri, at lalo lamang lalakas ang
kapangyarihan ng nakatataas na uring nagsasamantala sa kanila. Tumitibay at
lumalakas lang lalo ang kapangyarihan ng mga panginoong may lupa habang patuloy
na nagihirap at tuluyang nawawalan ng pag-asa ang mga magsasaka na makakamit ng
lupa. Ayon na rin sa naging pahayag ng ilan sa mga nakapanayam, ang LUC ay lalo
lamang magpapayaman sa mga mayayaman, at magpapahirap sa mga mahihirap.
Ang paglaganap ng ganitong mga polisiya ay sinasang-ayunan lamang ng ating
gobyerno, sa katunayan, sila pa ang nagpapalaganap ng mga neoliberal na polisiya sa
ating bansa. Ayon kay Dr. Taguiwalo, wala namang bago sa mga ipinapatupad na
neoliberal na polisiya ngayon. Ang neoliberal na polisiyang pinapatupad ngayon ni
Pangulong Noynoy Aquino ay pagpapatuloy lamang ng mga neoliberal na polisiya na
ipinatupad na noon ng mga naunang pangulo. Nasimulan ito noong panahon ng
kanyang inang si dating pangulong Cory Aquino, gaya na rin sa naging pahayag ng
mga nauna ng nakatira sa barangay Langkaan 1 at 2. Ipinagpatuloy ito ng
administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos sa ilalim ng proyektong Philippines
2000, kung saan nga kabahagi nito ang CALABARZON Project na nagpasimula ng
industriyalisayon ng lupa sa Cavite. At hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga ito sa
kasalukuyang administrasyon. Patuloy lang itong sinusuportahan ng gobyerno, kahit pa
nagdudulot ito ng mas maraming pahirap kaysa pakinabang sa mga mamamayan.
Sa pakikipagpanayam ng mananaliksik sa iba’t ibang susing tao, lalong lalo na
sa mga kababaihang magsasaka na direktang naapektuhan ng LUC, natuklasan ko
ang kanilang nagkakaisang pagtingin sa neoliberal na polisiyang ito. Kahit pa
nagkaroon sila ng ibang pagkakakitaan maliban sa pagbubukid, hindi pa rin ito
nakasasapat sakanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil na rin sa taas ng
presyo ng mga bilihin at batayang pangangailangan sa kasalukuyan. Hindi rin naman
ganun kalakihan ang kanilang kinikita o kinikita ng mga asawa nila mula sa
pagtatrabaho. Dahil dito, hindi na rin nila naiiwasan mangutang para lamang
matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ayon rin sa ibang impormal na
nakapanayam o masasabing nakakwentuhan ng mananaliksik, magastos din ang
pagkakaroon ng traysikel o jeep dahil na rin sa kailangan mong komunsumo ng langis
46 | Q u i o g u e
na napakataas ng presyo at patuloy pa sa pagtaas. Kailangan ring panatilihing nasa
ayos ang mga parte ng minamanehong sasakyan upang araw-araw na
mapakinabangan sa paghahanapbuhay. Ang isa namang nagtatrabaho sa pabrika ay
labis ang ginagawang overtime para lamang madagdagan ang kita, ngunit maliit rin
naman ang dagdag na bayad kung may overtime. Pati na rin ang mga tumatanggap ng
pakyawang trabaho mula sa pabrika ,o ang mga nakaklasipika sa sub-contractualization
ay hindi rin naman nabibigyan ng nararapat na kabayaran, bagkus sila pa ay
napagsasamantalahan. Hindi makatarungan na ganun kaliit lamang ang matatanggap
nilang kabayaran mula sa napakarami nilang napagtrabahuhan. Kaakibat ng
pagkakaroon ng ibang porma ng pagkakaitaan ay iba rin namang porma ng
pagkakagastusan, kaya’t hindi rin masasabi na nakatulong ito para mapagaan ang
buhay ng mga magsasaka.
Ang lumitaw na isa sa naging dahilan kung bakit ginusto nila na nagkaroon ng
mga pabrika sa kanilang lugar ay dahil nagkaroon sila ng porma ng pagkita na
siguradong may panghahawakan kang pera buwan-buwan. Iba pa rin ang dating
sakanila ng may pinanghahawakan kang pera, para bang may kaakibat itong seguridad
kahit pa hindi naman talaga naakasasapat ito sa kanilang mga pangangailangan. Ang
isang dahilan rin ay ang kanilang pag-aalala para sa kinabukasan ng kanilang mga
anak lalo na ang pag-aaral ng mga ito kung kaya’t tinanggap nila na mabuti ang mga
unang kumbersyon na naganap. Ngunit sa isang impormal na kwentuhan naman ay
may nakapagsabi rin na napagtapos niya ang lahat ng mga anak niiya sa pag-aaral na
pagsasaka lang ang kanyang hanapbuhay. Kahit nagsasaka ka, madali pa ring
masolusyunan ang pagpapaaral sa mga anak, nakadepende lang ito sa iyong diskarte
kung paano kikita ng maayos. Isa pang lumitaw na kadahilanan kung bakit sa tingin nila
ay maganda ang mga naunang kumbersyon ay dahil hindi naman sila sinusuportahan
ng gobyerno at wala silang natatanggap na tulong upang mapaunlad ang kanilang
pagsasaka mula sa mga ito. Kaakibat din nito ay ang kawalan rin nila ng lupa sa
kasalukuyan dahil hindi pa rin nareresolba ng maayos ang kaso nilang nakabinbin sa
korte, pati na rin ang kawalan ng maayos na reporma sa lupa ng ating bansa. Dahil dito,
nawawalan na ng pag-asa ang ilan sa magsasaka at minamabuti na lamang nilang
47 | Q u i o g u e
sumabay sa kung ano ang mga pagbabago sa lipunan sa pag-asang makakatulong ito
sakanila upang sila’y makaahon sa kahirapan.
Isa pang naging magandang epekto ng LUC para sakanila ay ang pagkakaroon
na nila ng maayos na mga daanan at kalsada. Maayos ng nakakapasok ang mga
sasakyan sa kanilang lugar, mas madali na silang napupuntahan ng mga nais bumili ng
kanilang produkto, at mas madali na rin silang nakakapagluwas ng iba pa nilang
produkto. Mas madali na rin para sa mga anak nila ang pagpasok sa eskwelahan.
Tunay nga namang nakatulong at nakabuti ito sakanilang komunidad ngunit ang mga
pagsasa-ayos ng mga daan ay isa sa mga batayang serbisyo na dapat namang
ibinibigay ng gobyerno sa mga mamamayan. Isa ito sa mgha serbisyo na
magpapaunlad sa isang pamayanan. Dapat namang ibinibigay ito ng gobyerno kahit
wala ang LUC.
Sa kabilang banda, nakita rin ng mananaliksik kung paano pinapahalagahan ng
mga nakapagsarbey at nakapanayam ang pagsasaka. Tunay nga namang kapag
ipinanganak kang magsasaka ay magsasaka ka na habang buhay dahil hahanap-
hanapin ito ng iyong katawan. Gaya na lang ng nangyari sa tatlo sa limang
nakapagbenta ng lupa para tayuan ng FCIE. Nagkapera sila ng malaki mula sa kanilang
mga pwesto at kung tutuusin ay maaari na lang silang magnegosyo o humanap ng
pagkakakitaan sa ibang paraan, o magtungo sa siyudad para doon na tumira, ngunit
hindi ito ang kanilang ginawa. Bagkus, lumipat lamang sila sa mga kalapit na purok
upang makapagsimula ng pagsasaka ulit. Ayon nga sa isang nakapagbenta na, iba
talaga kung ang hilig mo ay lupa e, hahanap-hanapin mo. Bukod sa dahilang
nakasanayan na kasi nila ito, iba pa rin ang pagpapahalaga nila sa pagkakaroon ng
lupang sinasaka. Hindi kasi nawawala ang lupa kahit pa tumanda ka. Hindi ka
malilimitahan kung hanggang kailan mo gustong magtrabaho sa lupa, hindi kagaya ng
sa mga pabrika na may limitasyon sa edad. Mataas pa rin ang pagpapahalaga nila sa
lupa kahit napakahirap ng trabahong pagsasaka dahil na rin nga alam nilang sigurado
kang may kakainin at may kikitain kung tuloy-tuloy ka sa pagsasaka.
Kahit pa kitang kita na ang mga nangyayaring kumbersyon ng lupa at kita na rin
na nag-iba na talaga ang oryentasyon ng trabaho sa barangay Langkaan 1 at 2, hindi
48 | Q u i o g u e
pa rin lahat ng mamamayan dito ay alam o naiintindihan kung ano ba talaga ang LUC.
Lima lang sa nakapagsagot sa sarbey ng mananaliksik ang nakakaunawa sa kung ano
ang LUC. Sa pagtatanong sa kanilang lima kung ano ang pagkakaintindi nila sa LUC,
simple lang ang pagkakaintindi nila dito. Ito ay dulot na rin ng hindi sapat na pagbibigay
kaalaman sa mga magsasaka ng batayang impormasyon ukol sa lupa na dapat sana’y
sila ang pangunahing nakakaalam bilang ito naman ang kanilang ikinabubuhay. Dito,
makikita natin na kahit sa simpleng pagbibigay ng kaalaman ay pinapanatiling atrasado
ng kinauukulan ang uring magsasaka, mapa lalake o babae man. Ngunit kahit hindi nila
lubusang naiintindihan ang teknikalidad ng LUC, nauunawaan naman ng lahat na
tatanggalan sila ng polisiyang ito ng hanapbuhay. Hindi rin naman kasi sila ang
prayoridad sa mga pabrikang itinayo at wala rin namang tapat na kapalit ang lupang
kinukuha sakanila.
Ilan pa sa naging epekto sakanila ng LUC, napailalim man ang lupa nila dito o
hindi pa, ay ang mga sumusunod:
Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho sa bahay
Mas lumaki ang kinikita
Nawalan ng seguridad sa pinansiya
Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho para kumita
Mas pagod ang katawan
Ang mga kasagutang ito ng mga kababaihan ay sumasalamin din sa epekto ng
LUC sa kanilang mga asawa gaya na lang ng mas mahabang oras na ginugugol sa
pagtatrabaho para kumita, pagkawala ng seguridad sa pinansiya, at mas pagkapagod
ng katawan. Dahil na rin sa nawalan na sila ng lupaing sinasaka, at mas ang asawa na
lang nila ang inaasahan nilang maghanapbuhay, nakakapaglaan ang mga kababaihan
ng halos buong araw na pagtatrabaho sa bahay. Dahil sa wala naman silang ibang
gawain, dito na lang nila binubuhos ang kanilang buong araw. Mayroong mga nagsabi
na mas lumaki ang kanilang kinikita at ito ay ang mga nabayaran noong pinaalis sa
kasalukuyang lugar ng FCIE. Dahil na rin sa nakapagpuhunan sila sa pagsasaka at iba
pang negosyo gaya ng pag-aalaga ng hayop at pagpapaupa ng bahay, nagkaroon sila
49 | Q u i o g u e
ng alternatibong pagkukuhanan ng kita, kaya’t mas bumuti ang pang-ekonomikong
kalagayan nila. Magkaugnay naman kung iisipin ang pagbubuhos ng mas matagal na
oras sa pagtatrabaho, kawalan ng seguridad sa pinansiya at mas pagod na katawan
dahil kahit pa sbihin mong kumayod ka ng isang buong araw sa pabrika, o magmaneho
ka ng traysikel ng walang hinto, hindi ka pa rin nakasisiguro kung sasapat ba sa
pamilya mo ang kikitain mo. Mas dinadagdagan nila ang oras ng kanilang pagtatrabaho
dahil ibig sabihin nito ay dagdag din sa kanilang kita, ngunit hindi pa rin ito nakasasapat
dahil na rin sa mahal ng mga bilihin. Nakaapekto ito sa kanilang kalusugan at nasabi
nilang mas pagod ang kanilang katawan dahil na rin sa labis na oras na ginugugol nila
sa pagtatrabaho at kawalan ng ehersisyo na dating nakukuha nila mula sa
pagtatrabaho sa bukid. Ayon pa sa isang nakapagbenta ng lupa, mas naging sakitin at
mahina ang katawan ng kanyang asawa ng tumigil ito sa pagbubukid. Gaya nga ng
nasabi rin ng isang nakapanayam, libangan at ehersisyo nila ang pagbubukid, kaya’t
kung mawawala ito ay hindi lang hanapbuhay ang mawawala sakanila kundi pati na rin
ang kanilang porma ng ehersisyo.
Hindi lamang sa pisikal o ekonomikal na aspeto naaapektuhan ng LUC ang mga
kababaihang magsasaka kundi pati na rin ang kanilang kapaligiran ay naaapektuhan
na. Kahit hindi pa nasasailalim sa kumbersyon ang mga purok sa Langkaan 1, ramdam
pa rin nila ang matinding epekto ng LUC sa kanilang hanapbuhay. Dahil sa dami na ng
pabrika sa FCIE, lalo ng dumudumi ang tubig at hangin sa kanilang kapaligiran, at
naaapektuhan nito ang kanilang mga pananim. Hindi pa man sila tuluyang nagiging
biktima ng kumbersyon, napeperwisyo na sila agad nito sa maraming pamamaraan
gaya ng pagkabulok agad ng kanilang tanim, pagdumi ng pinagkukunan ng tubig, at iba
pa.
Ito ay hindi simpleng epekto lamang sa kalikasan dahil nakaaapekto rin ito sa
mga kababaihan. Kadalasan, sa mga kababaihan nakapasan ang responsibilidad na
kumuha ng tubig na iinumin at mga panggatong na gagamitin para sa pagluluto dahil na
rin sa abala ang kanilang mga asawa sa pagtatrabaho at kadalasan ay wala sa bahay.
Dahil kakaunti na ang puno at nadumihan na ang ilan sa pinagkukuhanan nila ng tubig,
hahanap sa mas malayong lugar ang kababaihan na alternatibong mapagkukuhanan ng
50 | Q u i o g u e
mga batayang pangangailangan. Makakadagdag ito sa pagod na kanilang
nararamdaman at makaaapekto sa kanilang mga kalusugan.
Hindi rin naman natulungan ng mga pabrika ang mga kababaihan kung sa
usapin ng kita ang pag-uusapan. Bukod sa may diskriminasyon sa loob ng mga
pagawaan, napakaliit pa ng pasahod nito sa mga namamasukan. Bibihira pa ang mga
nareregular dahil na rin sa pag-iwas ng mga kumpanya ng makapagbigay ng
karagdagang benepisyo sa kanilang mga manggagawa. Kadalasan pa, kahit ang
karagdagang oras nila ng pagtatrabaho o ang overtime ay hindi na binabayaran. Pagod
na nga ang kanilang katawan, hindi pa nakasasapat ang kanilang kinikita mula dito.
Dahil rin sa base sa order na manggagaling sa ibang bansa ang lilikhain sa pabrika,
nakadepende lang din dito kung kalian magkakaroon ng gawa o trabaho ang mga
namamasukan sa pabrika. Kahit pa may trabaho naman na talaga sila, wala pa ring
kasiguruhan kung kailan sila magkakaroon ng kita. Labis din na naaapektuhan ng
pagpapabrika ng kababaihan ay ang pag-aasikaso nila sa kanilang mga pamilya.
Masyado ng kinakain ng kanilang trabaho ang oras nila, kaya’t kakaunti na lang ang
oras na nagugugol nila sa kanilang pamilya. Kakaunting kita ang kapalit ng hindi na nila
pagtutok sa kani-kanilang mga pamilya.
Ang kakaunti nilang kinikita, kahit pa sabihing buwan buwan ito, ay hindi rin
nakakatulong ng malaki sa kanilang mga pamilya. Sa gastos pa lang nila sa pamasahe
at pagkain habang nasa pabrika, halos ubos na agad ang kanilang kinikita. Hindi rin ito
nakakasapat sa pang-araw-araw nilang pangangailangan gaya ng pagkain dahil sa
mahal ng bilihin. Wala na silang naitatabi kahit kaunti mula sa kanilang sweldo dahil
sagad-sagaran na kung magamit nila ito. Nagkakautang-utang pa sila para lang
matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya iaanalisa ng maigi, hindi
rin naman sila natutulungan ng mga pabrika kahit pa nakakahawak sila ng pera buwan
buwan mula sa sweldo nila.
Mismong ang mga nakapanayam na rin na mga kababaihan ang nagsabi na
hindi talaga maganda ang naidudulot ng LUC sa kanilang komunidad. Hindi naman nito
napaganda ang kalidad ng kanilang mga buhay bagkus mas pinahirap pa nga sila nito.
Ang mga nailahad na epekto ng LUC ay masasabing hindi lang sa mga pook na ito
51 | Q u i o g u e
nangyayari kundi sa lahat ng mga lugar na napasailalim dito. Ang mga kababaihan ay
patuoy lang na nagiging biktima ng pagsasamantala sa kanilang mga kinabibilang uri.
Nagkakaisa sila sa pagsasabi na hindi naman sila natulungan ng LUC sa kahit anong
paraan at hinihiling na rin nila na sana ay tuluyan ng matigil ito at wag ng lumaganap pa
sa ibang karatig nilang lugar. Mas pinahahalagahan pa rin nila ang pagsasaka, kahit pa
mahirap ang dating ng pera sa trabahong ganito. Ngunit para sakanila, hindi sukatan
ang pera ng kaginhawaan ng buhay. Mas mahalaga pa rin sakanila na nakakakain sila
ng tatlong beses sa isang araw at naaasikaso nila ang kanilang mga pamilya. Para
sakanila, imbes na ipatupad pa ang ganitong mga uri ng polisiya, paunlarin na lang
sana ang sektor ng agrikultura, mas marami pang makikinabang at mas marami pa ang
mabubuhay ng marangal. Ayon rin sa mga nakapanayam kong kababaihan, hindi
naman sila ang pinagsisilbihan ng ganitong mga polisiya kundi ang mga among
kapitalistang bansa. Patuloy lang na paghihirap at dagdag na pahirap ang dinadala
sakanila ng LUC.
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Batay na rin sa mga nakalap na datos ng mananaliksik, makikita na mahigpit ang
pagtutol ng mga kababaihang magsasaka sa neoliberal na polisiyang land-use
conversion. Sa pagtingin sa pang-ekonomikong epekto nito sa mga kababaihan,
makukuha mula sa mga datos na wala namang magandang naidulot ito. Hindi
nakatulong ang LUC na mapabuti ang pang-ekonomikong kalagayan ng mga
kababaihang magsasaka. Oo at sila’y nakakahawak na ng sarili nilang pera o kita, na
hindi nila nararanasan nung sila’y nagtatrabaho pa sa bukid, ngunit hindi naman ito
naging katumbas ng pagbabago ng kanilang katayuan sa kanilang komunidad.
Nananatiling bulnerable ang mga kababaihan pagpapahirap, pang-aapi at
pananamantala na dulot ng mga banyagang polisiya na pilit ipinapatupad sa ating
bansa kahit pa hindi naman tumutugma sa ating mga pangangailangan. Patuloy na
nagiging biktima ang mga kababaihan sa mga pagbabago sa lipunan na hindi naman
nakakatulong para sila ay umunlad. Oo nga at nabibigyan sila ng kapantay na
karapatan at oportunidad na magtrabaho, oo nga at mayroon silang sariling sweldo,
52 | Q u i o g u e
ngunit hindi ito nakasasapat dahil hindi rin naman sila nabibigyan ng sapat na
proteksyon sa lugar ng kanilang mga trabaho. Nakakaranas pa rin sila ng
diskriminasyon at opresyon sa kanilang mga katrabaho, sa kanilang mga amo, at sa iba
pa nilang nakakasalamuha. Hindi rin sila nabibigyan ng sapat na benepisyo at mga
pribilehiyo sa kanilang mga pinagtatrabahuhan dahil na rin sa hindi naman sila
nabibigyan ng pagkakataon na ma-regular.
Kahit pa may pinanghahawakan na silang pera, hindi naman nito napagaan ang
buhay nila bagkus mas napahirapan sila dahil mas maraming papel ang kailangan
nilang gampanan, mas maraming trabaho ang kanilang kailangang gawin. Pagod na
nga ang kanilang mga katawan ay pagod pa rin ang kanilang mga isipan dahil sa paulit-
ulit na pag-iisip kung paano nila mapagkakasya ang sahod nila para mapakain ng
tatlong beses sa isang araw ang buo nilang pamilya. Bilang pangunahing mapanlikha,
madiskarte at maparaan para sa pamilya, sakanila ang bigat ng pasanin ng
paghahanap ng iba paraan para mabuhay ng marangal ang kanilang pamilya. Maging
sa pangungutang man yan, o sa paghahanap ng iba pang mga trabaho, gagawin ng
babae lahat wag lang makitang nagugutom ang kanyang pamilya.
Dahil na rin sa mga pahayag nila na mas nakakabuti para sakanila ang
pagsasaka, nararapat lamang sigurong kilalanin ng gobyerno na malaki pa rin ang
papel ng pagsasaka sa buhay ng maraming Pilipino. Dapat ay hindi kinakalimutan ng
ating gobyerno ang sektor ng agrikultura dahil pinakamarami pa rin sa ating populasyon
ay mga magsasaka. Mas makakabuti kung pinapaunlad ng ating gobyerno ang
pagsasaka, at tinuturuan ng kaalamang naayon sa panahon at makakatulong sa
kanilang gawain ang magsasaka. Hindi dapat tinatalikuran ng gobyerno ang
pangunahing hanapbuhay sa ating bansa bagkus dapat pa nilang linangin at pagyamin
ito dahil ito ay maaaring maging susi ng ating pag-unlad. Mas dapat nagpopokus ang
ating gobyerno sa mga polisiya na makakatulong sa agrikultura at hindi dapat
hinahadlangan ang pag-unlad nito. Hindi na dapat pang ipinipilit ng ating gobyerno ang
mga polisiyang hindi naman angkop sa atiing bansa. Sa patuloy na panggagaya ng
ating bansa sa ginagawa ng mga mauunlad na bansa gaya ng Estados Unidos, lalo
53 | Q u i o g u e
lang napapahirapan ang mga Pilipino dahil hindi naman naglilingkod para sa interes ng
mamamayan ang mga polisiyang ito.
Dapat rin na may mga makapagpaliwanag at makapagturo sa mga kababaihang
magsasaka kung ano ang mga kasalukuyang polisiyang ipinatutupad na makakaapekto
sakanila upang mapaghandaan nila ito at matutulan kung nakikita naman nilang lalo
lamang itoong magpapahirap sakanila. Dapat mamulat ang mga kababaihang
magsasaka at maging kritikal sa pagtingin sa mga krisis na pinagdadaanan nila. Dapat
rin silang matutong magkaisa at mag-organisa upang sama-sama nilang malabanan
ang mga pananamantala sakanila sa mala-pyudal nating lipunan. Wala naman kasing
makakatulong sakanila kung hindi rin sila kikilos at magsasama-sama. At kailangan rin
nilang magmobilisa at magpakilos upang maiparinig nila ang kanilang mga hinaing sa
mga kinauukulan. Simple man ang mga nasabing hakbang ngunit makakatulong ito ng
malaki sa pagpapaabot ng mga hinaing at paghihirap na dinaranas ng mga
kababaihang magsasaka.
Ang mga kababaihang magsasaka rin mismo dapat ay may tiwala sakanilang
mga kakayahan at iwasan dapat ang pagbababa sa sarili at pag-iisip na wala silang
magagawa. Hindi sila dapat nagpapatali sa kung anong imahe ang idinidikta sakanila
ng lipunan. Tapos na ang panahon nina Maria Clara at SIsa, marami ng mga
kababaihan ang naninindigan at nakikipaglaban para sakanilang mga karapatan.
Kagaya nga ng sigaw ng mga militanteng kababaihan, dapat palagi lang ABANTE
BABAE! PALABAN, MILITANTE!
54 | Q u i o g u e
Sanggunian:
Ballesteros, M. (2000). Land-use Planning in Metro Manila and the Urban Fringe:
Implications on the Land and the Real Estate Market. Retrieved Feb, 20, 2012,
9:30pm, from http://www3.pids.gov.ph/ris/pdf/pidsdps0020.pdf.
Bello, W. (2009). Neoloiberalism as a Hegemonic Ideology in the Philippines. Plenary
session of the 2009 National Conference of the Philippine Sociological Society,
PSSC Building, Oct. 16, 2009.
Cavite Province Official Website. Background on FCIE. Retrieved Feb. 20, 2012,
10:17pm, from http://www.cavite.info/article/first-cavite-industrial-estate.html
Center for Alternative Development Initiatives. Globalization. Retrieved July 26, 2011,
4:00pm, from http://www.cadi.ph/globalization.html.
Dela Salle University. Definition of Land-use Conversion. Retrieved Feb 29, 2011,
8:59pm, from http://www.dlsu.edu.ph/research/centers/cberd/pdf/business/vol1/vol1no9.pdf
eHow.com. Definition of Industrial Land. Retrieved Feb. 29, 2012, 9:00pm from
http://www.ehow.com/facts_6806845_definition-industrial-land.html.
__________. Definition of Residential Land. Retrieved Feb. 29, 2012, 9:00pm from
http://www.ehow.com/about_6700180_definition-residential-land.html.
Etzin S. and Zinn, M. (2006). Globalization: The Transformation of Social Worlds.
Thomson Wadsworth, Thomson Corporation: Canada, USA.
Fotopoulus, T. (July 2001). Globalisation, the Reformist Left and the Anti-Globalisation
'Movement'. Democracy & Nature: The International Journal of Inclusive
Democracy Vol. 7, No. 20 , 1-1.
Globalization 101. What is Globalization? Retrieved July 26, 2011, 4:00pm, from
http://www.globalization101.org/What_is_Globalization.html.
Grigsby, E (2006). Analyzing Politics. Cengage Learning, Belmont: California, USA
Hancock, A. (2007). When Multiplication Doesn’t Equal Quick Addition: Examining
Intersectionality as a Research Paradigm. Perspectives on Politics, Volume 5,
Number 1, March 2007, pp. 63-79. Retrieved Aug 29, 2011, 12:27 AM from
http://www.jstor.org/stable/20446350.
Illo, J. (1197). Women in the Philippines. Asian Development Bank.
55 | Q u i o g u e
Kelly, P. (2003). Urbanization and the Politics of Land in the Manila Region. Annals of
the American Academy of Political and Social Science, Vol. 590, Rethinking
Sustainable Development (Nov., 2003), pp. 170-178, pp. 185-186. Retrieved July
26, 2011, 5:00pm, from http://0-
www.jstor.org.lib1000.dlsu.edu.ph/stable/3658551?&Search=yes&searchText=R
egion&searchText=Urbanization&searchText=Land&searchText=Politics&search
Text=Manila&list=hide&searchUri=%2Faction%2FdoBasicSearch%3FQuery%3D
Urbanization%2Band%2Bthe%2BPolitics%2Bof%2BLand%2Bin%2Bthe%2BMan
ila%2BRegion%26acc%3Don%26wc%3Don&prevSearch=&item=1&ttl=320&retu
rnArticleService=showFullText
Lawphil.net. Presidential Decree No. 27. Retrieved Feb. 20, 2012, 9:45pm, from
http://www.lawphil.net/statutes/presdecs/pd1972/pd_27_1972.html.
Lindio-McGovern, L. (1997). Filipino Peasant Women. Philadelphia, Pennsylvania:
University of Pennsylvania Press.
__________. NEO-LIBERAL GLOBALIZATION IN THE PHILIPPINES: ITS IMPACT ON
FILIPINO WOMEN AND THEIR FORMS OF RESISTANCE. Journal of
Developing Societies, Vol. 23, No. 1-2, January 2007, pp. 2-3. Retrieved July 26,
2011, 4:28pm, from
http://www.sssp1.org/extras/global%20symposium/McGovern.English.pdf
Lubdiner, P. (2006).
Marubeni Philippines. Background on Marubeni Corporation. Retrieved Feb 20, 2012,
10:20pm, from http://www.marubeniphil.com/
National Development Corporation. Background on NDC. Retrieved Feb. 20, 2012,
10:19pm, from http://www.ndc.gov.ph/
OECD.org. Definition of Commercial Land. Retrieved Feb. 29, 2012, 9:01pm, from
http://stats.oecd.org/glossary/detail.asp?ID=6235
Reed, E. (1970). Problems of Women’s Liberation. Pathfinder Press Inc.: New York,
USA.
Steinbugler, A., Press E., Diaz, J. (2006). Gender, Race, and Affirmative Action:
56 | Q u i o g u e
Operationalizing Intersectionality in Survey Research. Gender and Society, Vol.
20, No. 6 (Dec., 2006), p. 808. Retrieved Aug. 29, 2011, 12:12 AM from
http://www.jstor.org/stable/27640935
Sison, JM. (2008). THE POLICY OF “NEOLIBERAL” GLOBALIZATION AND THE
WORSENING ECONOMIC CRISIS IN THE PHILIPPINES. Delivered on a forum
during the celebration of the 31st Founding Anniversary of the League of Filipino
Students, Baguio, Sept. 11, 2008.
Taguiwalo, J. (2005). Intensifying Working Women’s Burden: the Impact of Globalization
in Women Labor in Asia. Asia Pacific Research Network: Manila, Philippines
57 | Q u i o g u e
Appendix 1: Listahan ng mga Kumpanya sa Loob ng FCIE
Dutch Boy Philippines
Malinta Corrugated Boxes Manufacturing Corporation
Green Pack Inc.
Philippine Sanitary Fittings Inc.
Nissin Cup Noodles (URC)
Kolin Philippines
CK Hot Dip Galvanizing Corporation
KNKI
SCA Hygiene Products Corporation
Hocheng Philippines Corporation
Kings Rubber International Incorporated
Kolin Philippines International Incorporated
Universal Robina Corporation – Grocery Division
Van Der Host Technology Philippines Incorporated
Ishida Philippines Tube Co., Inc.
Nippon Athena Philippines Inc.
SPI Semicon Inc.
Seojin Apparel Inc.
58 | Q u i o g u e
Appendix 2: Free Prior Informed Consent
Sample Informed Consent Letter
Magandang araw po sa inyo. Ako po si Mariel Quiogue, mag-aaral ng kursong
Agham Pampulitika sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Bilang rekisito para aming
pagtatapos, kinakailangan naming magsaliksik tungkol sa isang isyu sa bansa na
mapag-gagamitan naming ng aming mga napag-aralang teorya. Dahil sa aking interes
sa karapatan ng mga kababaihan, minabuti kong magsaliksik at pag-aralan ang naging
epekto ng mga neoliberal na polisiya, partikular na ang land use conversion sa kinikita
ng mga kababaihang nagsasaka. Nilalayon ng pagsasaliksik na ito na alamin kung
nakabuti ba o nakasama sa mga kababaihang nagsasaka ang land use conversion na
pinatupad sa inyong lugar.
Sa pagtanggap ng sarbey na ito, tinatanggap mo na walang kahit anong bayad
sa kahit anong porma ang iyong matatanggap mula sa mananaliksik. Ang inyong
paglahok sa pag-aaral na ito ay boluntaryo. Masisiguro ninyong poprotektahan ng
mananaliksik ang inyong mga katauhan at hindi kailanman ilalabas ang inyong
pangalan ng walang pahintulot. Kung sakaling dumating sa punto ng pagsagot sa
sarbey na maramdamang ninyong hindi na kayo komportable at ayaw niyo nang
ipagpatuloy, maaari kayong wag ng sumagot sa mga tanong ng mananaliksik. Tanging
ang mananaliksik lang ang makakabasa at magkakaroon ng kopya ng pagkakakilanlan
at ng sarbey na sinagutan ng mga nakapanayam at hinding hindi ito ilalabas o ipapakita
ng mananaliksik.
Sa pagpirma ng consent form na ito, sumasang-ayon kayo sa lahat ng nailahad
ng mananaliksik at nangangako kayong tutulungan ang mananaliksik at ibibigay ang
kaukulang impormasyon hanggang sa abot ng inyong makakaya.
Maraming salamat po.
___________________________ _____________________
Buong Pangalan at Pirma Petsa
59 | Q u i o g u e
Appendix 3: Survey Questionnaire
Survey Questions: Pangalan: _________________________________________ Edad: _____ Unang Bahagi 1. Gaano na kayo katagal naninirahan sa lugar na ito? [ ] 5 taon [ ] 10 taon [ ] 15 taon [ ] 20 taon o higit pa 2. Ilang miyembro po ng inyong pamilya ang nagtatrabaho sa bukid?
[ ] Isa hanggang dalawa [ ] Tatlo hanggang lima [ ] Buong pamilya [ ] Wala kahit isa 3. Kayo po ba ay nagtatrabaho sa bukid? [ ] Oo [ ] Hindi *Kung oo, ipagpatuloy ang pagsagot sa unang bahagi, kung hindi, sagutan ang ikalawang bahagi 4. Gaano karaming oras ang iginugugol niyo sa bukid? [ ] Isa hanggang dalawang oras [ ] Tatlo hanggang limang oras [ ] Anim hanggang walong oras [ ] Kalahating araw o higit pa 5. Gaano karaming oras ang iginugugol ninyo para sa gawaing bahay? [ ] Isa hanggang dalawang oras [ ] Tatlo hanggang limang oras [ ] Anim hanggang walong oras [ ] Kalahating araw o higit pa 6. May kinikita po ba kayo sa pagtatrabaho ninyo sa bukid? [ ] Meron [ ] Wala 6.1. Kung meron po, magkano ang kinikita ninyo sa araw-araw? ________________________________________________________________ 6.2. Kung wala, saan kayo kumukuha ng panggastos sa araw-araw? [ ] Sariling negosyo [ ] Mula sa mga anak/ibang kapamilya na propesyunal na [ ] Mula sa mga anak/ibang kapamilya na nasa ibang bansa [ ] Trabaho sa mga kumpanya o pabrika [ ] Pagtatraysikel o pagmamaneho ng jeep 7. Nakasasapat po ba ang inyong kinikita sa inyong pang-araw-araw na gastusin? [ ] Oo [ ] Hindi (Magpatuloy sa Ikatlong Bahagi)
60 | Q u i o g u e
Ikalawang Bahagi 1. Ano po ang inyong kasalukuyang trabaho? [ ] Nagnenegosyo [ ] Namamasukan sa pabrika [ ] Minsanang trabaho [ ] Nagmamaneho ng traysikel o jeep [ ] Namamasukan sa kumpanya 2. Gaano karaming oras ang ginugugol ninyo sa inyong trabaho? [ ] Isa hanggang pitong oras [ ] Walong oras [ ] Labindalawang oras [ ] Higit labindalawang oras 3. Gaano karaming oras ang ginugugol ninyo sa mga gawaing bahay? [ ] Isa hanggang dalawang oras [ ] Tatlo hanggang limang oras [ ] Anim hanggang walong oras [ ] Kalahating araw o higit pa 4. Magkano po ang inyong kinikita araw-araw o buwan-buwan mula sa inyong pagtatrabaho? ________________________________________________________________ 5. Nakaranas na po ba kayong makapagtrabaho sa bukid? [ ] Oo [ ] Hindi *Kung hindi, huwag ng sagutan ang ika-anim na tanong. 6. Masasabi po ba ninyong mas gumanda ang inyong kinikita mula sa kasalukuyan ninyong trabaho kaysa nung kayo ay nagtatrabaho sa bukid? Bakit? ________________________________________________________________ Ikatlong Bahagi 1. Kayo po ba ay nabiyayaan ng parte ng lupa? [ ] Oo [ ] Hindi *Kung hindi, sagutan na lamang ang huling bahagi. 2. Lagyan ng tsek kung kayo po ay:
[ ] Nakapag-paupa [ ] Nakapagsanla [ ] Nakapagbenta ng lupa
3. Ano po ang kasalukuyang gamit ng mga lupa na inyong pinaupahan/ isinanla/ ibinenta? [ ] Tinayuan ng boarding house [ ] Tinayuan ng subdibisyon o residential area [ ] Tinayuan ng mga komersyal na establisimyento [ ] Tinaniman ng tubo [ ] Tinataniman pa rin ng palay at/o mais 4. Kung kayo po ay nagbenta o nagsanla ng parte ng lupa, magkano po ninyo ito naibenta?
________________________________________________________________ 5. Paano po ninyo napakinabangan ang perang kinita ninyo mula sa pagbebenta o pagsasanla ng lupa? Paki-tsek kahit ilan sa mga nakalista.
61 | Q u i o g u e
[ ] Nakabili ng bahay [ ] Nakabili ng sasakyan [ ] Nakabili pa ng lupa [ ] Iba pang mga kadahilanan (pakisulat na lang po) ____________________________________________ 6. Kung kayo po ay nagpapaupa ng lupa, magkano po ang kinikita ninyo dito? ________________________________________________________________ 7. Nakasasapat po ba ito sa inyong mga gastusin? [ ] Oo [ ] Hindi Ikaapat na Bahagi 1. Kayo po ba ay may kaalaman ukol sa nagaganap na land-use conversion sa inyong lugar? [ ] Meron [ ] Wala *Kung meron, sagutin ang tanong 1.1. 1.1 Ano ang iyong nalalaman tungkol dito? ________________________________________________________________ 2. Ano ang masasabi ninyo sa land-use conversion? ________________________________________________________________ 3. Sa tingin ba ninyo ay nakakatulong ito sa inyong komunidad? [ ] Oo [ ] Hindi 4. Ano ang mga naging epekto nito sa inyong mga trabaho (maging sa bukid man o ibang trabaho gaya ng pagtatrabaho sa bahay)? ________________________________________________________________ 5. Paano ito nakaapekto sa inyong kinikita? [ ] Mas lumiit ang kinikita [ ] Sakto pa rin naman ang kinikita [ ] Mas lumaki ang kinikita [ ] Wala naming nabago 6. Bilang isang babae, paano kaya naaapektuhan ng mga nagaganap na land-use conversion? Paki-tsek kahit ilan sa mga nakalista. [ ] Mas bumigat ang trabahong ginagampanan [ ] Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho upang kumita
[ ] Mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtatrabaho sa bahay (pag-aasikaso sa pamilya, paggampan sa mga gawaing bahay at iba pa)
[ ] Mas pagod ang katawan [ ] Kakaunti na ang oras para sa sarili [ ] Mas madalas magkasakit 7. Sa kabuuan, ano ang mailalahad ninyo tungkol sa land-use conversion? ________________________________________________________________
62 | Q u i o g u e
Appendix 4: Key Informant Interview Letter _________________________________
_________________________________
_________________________________
Dear __________:
Magandang araw po sa inyo. Ako po si Mariel Quiogue, mag-aaral ng kursong
Agham Pampulitika sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Bilang rekisito para aming
pagtatapos, kinakailangan naming magsaliksik tungkol sa isang isyu sa bansa na
mapag-gagamitan naming ng aming mga napag-aralang teorya.
Dahil sa aking interes sa karapatan ng mga kababaihan, minabuti kong
magsaliksik at pag-aralan ang naging epekto ng mga neoliberal na polisiya, partikular
na ang land use conversion sa kinikita ng mga kababaihang nagsasaka. Nilalayon ng
pagsasaliksik na ito na alamin kung nakabuti ba o nakasama sa mga kababaihang
nagsasaka ang land use conversion na pinatupad sa Langkaan, Dasmarinas, Cavite.
Habang ako ay nagsasaliksik sa mga libro na kaugnay ng napili kong paksa,
nahanap ko ang ilan sa inyong mga naisulat at ito ay labis na nakatulong sa unang
bahagi ng aking pananaliksik. Dahil po sa inyong kadalubhasaan sa aking napiling
paksa, nais ko po sana kayong kapanayamin hinggil dito. Ito po ay upang mas
mapalawig ang aking unawa sa naisaad na paksa at upang makakuha ng karagdagang
datos. Kalakip na rin po ng liham na ito ang aking mga katanungan para sa ating
panayam ngunit maaari pa po itong madagdagan depende sa magiging takbo ng ating
panayam.
Upang maitala ng mas maayos ang ating panayam, maaari ko po bang hilingin
na irekord ang ating magiging panayam upang ito ay aking maisalin sa panulat at mas
malinaw kong magagamit ito sa aking pananaliksik.
Kung may karagdagan po kayong katanungan, maaari po ninyo akong ikontak sa
09178670120. Maraming salamat po at nawa’y mapaunlakan po ninyo ang aking
kahilingan.
Lubos na gumagalang,
Mariel Suarez Quiogue
63 | Q u i o g u e
Appendix 5: Interview Questions
Katanungan para sa Panayam:
1. Ano po ang masasabi ninyo sa kasalukuyang estado ng mga kababaihang
nagsasaka sa ating lipunan?
2. Sa tingin po ninyo, paano napangangalagaan ang karapatan ng mga kababihan sa
kanayunan?
3. Sa tingin po ba ninyo ay nabibigyan na ng kapantay na karapatan ang mga
kababaihan, partikular na ang mga kababaihang nagsasaka sa kanayunan, sa
kasalukuyan?
4. Paano po nakaaapekto ang mga neoliberal na polisiya, partikular na ang land-use
conversion, sa estado ng mga kababaihan nagsasaka?
5. Ano po ang masasabi ninyo sa nagaganap na land-use conversion?
6. Ano po ang inyong opinyon sa epekto ng land-use conversion partikular na sa kinikita
ng mga kababaihang nagsasaka?
7. Ano ang kaibahan ng epekto sa kalalakihan at kababaihan? Bakit po may ganiton
kaibahan?
8. Sa kabuuan, ano po ang tingin ninyo sa epekto ng land-use conversion sa mga
kababaihang nagsasaka?
64 | Q u i o g u e
Appendix 6: Focus Group Discussion Questions Focus Group Discussion Questions
1. Ano po ang estado ng inyong mga pamumuhay sa kasalukuyan?
2. Ano po ang estado ng inyong pamumuhay matapos ang kumbersyon (o ng malaman ninyo ang
banta ng kumbersyon).
3. Ano po ang mga pamamaraan na ginamit para mapabilang ang inyong lugar sa kumbersyon?
Papaano po kayo nasabihan o nakumbinsi?
4. Binayaran o inalok po ba kayong bayaran para sa lupa ninyong saklaw ng proyekto ng
kumbersyon?
5. Paano po nakaapekto ang land-use conversion sa araw-araw ninyong gawain gaya ng
pagbabadyet, pagluluto, pagtatrabaho sa bahay at iba pa.
6. Saan po kayo kumukuha ng pangtustos sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan bago ang
kumbersyon?
7. Paano naman po ng matapos ang kumbersyon?
8. May naging epekto po ba sa relasyon ng inyong pamilya ang naganap na land-use conversion?
9. Sa kabuuan, ano po ang masasabi ninyo sa naganap o banta ng land-sue conversion sa inyong
lugar?
Recommended