Tula, elemento at uri nito

Preview:

Citation preview

Magsasaka“Magtanim ay di biro

Maghapong nakayuko Di naman makayuko Di na rin makaupo.”

Aso“Ako’y may alaga

Asong mataba Buntot ay mahaba

Makinis ang mukha.”

VII

TULA

Tula: Depinisyon

•Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na

naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang

pagsusulat.

•Binubuo ito ng mga mahahalagang elemento na

makakatulong para paunlarin ang pananalita.

Mga anyo ng tula

Tradisyunal-

mayroong tugma at sukat at piling-pili ang mga salita’t

talinghaga.

Blangkong berso-

Mayroong sukat ngunit walang tugma

Malayang taludturan-

walang tugma at sukat. Itinuturing

na pinakamodernong anyo ng panullang

Filipino.

Elemento ng Tula

Tugma

Pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang

taludtod sa isang saknong ng tula.

Dalawang uri ng Tugma

Tugmaang PatinigUri ng tugma na kung saan ang mga

huling salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa patinig.

Slide 1

Tugmaang Katinig

Uri ng tugma na kung saan ang huling letra ng mga salita sa bawat taludtod

ay nagtatapos sa katinig.

Ay! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig,

Sayang na singsing kong nahulog sa tubig:

Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,

Mahanga’y hintiin kong kumati ang tubig.”

13

Sukat

Pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng

tula.

Kaurian ng Sukat

Wawaluhin

Wawaluhin- Mayroong walong (8) bilang ng pantig sa bawat taludtod.

- Tinatawag din siyang dalit at korido.

Hindi tayo nabubuhayng ukol sa sarili lang,bahagi ka ng lipunan,na ating kinaaniban.

- Paglalakbay sa Buhay ni Ado Garces

Lalabindalawahin

-Mayroong labindalawang (12) bilang ng pantig sa

bawat taludtod.

- Isang halimbawa rito ay “awit”

Saknong

- Grupo o lupon ng mga salita na naglalaman ng

dalawa o higit pang taludtod.

Talinghaga

Tumutukoy sa paggamit ng mga matatalinghagang salita. Ang

nagpapaganda sa isang tula ay ang tinatawag nating mga

tayutay.

Para sa Gawain…..

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga saknong ng tula. Tukuyin ito kung anong uri ito ng tugma at ang sukat nito.

Hal: Ang pera niya’y tinipid,Sa guro ay di sumipsip.

Markang mataas, nakamit:Tagumpay nga ang kapalit.

-Zoren Mercurio

1.Ang sugat ay kung tinanggapDi daramdamin ang antak

Ang aayaw at di mayagGalos lamang magnanaknak

2. Ang tamuneneng ko’y lumuha sa bundok.

Kasabay ang taghoy ng luha’t himutok;Luha’y naging dagat along sumasalpok,

Ang tamuneneng ko’y sadyang napalaot.

3. Ang salita nati’y huwad din sa iba,Na may alpabeto at sariling letra.

Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa,Ang lunday sa lawa noong dakong una.

- Sa Aking Mga Kababata ni Jose Rizal

4. Ang Prinsesa’y nanahimiksa malungkot  niyang silid

si Don Pedro ay umalisna may sugat sa dibdib

- Saknong 856 ng Ibong Adarna

5. O akasyang nalulungkot sa lansangan

Parang taong nagdarasal tuwing hapon

Kung umaga’y nakalahad iyang palad

At kung gabi’y nakatungo’t namamanglaw

- Ang akasya ni Jose Corazon De Jesus

6. Ako ay dinilim sa aking paglakadAt di ko malaman kung saan

tatawag;Ang lahat ng baga, may asong

marahas,At sa pagsama ko ang sagot ay

layas.- Ang Matanda ni Benigno Ramos

7. Sa edad kong labing-apatTest paper ko ay panggulat

Ay! Sero ang nakasulatLukutin na’t gawing kalat- Bagsak ni John Anthony Teodosio

8. Ngayo’y namamanglaw sa pangungulilaAng ginagawa kong pang-aliw sa dusa

Nagdaang panaho’y inaalaalaSa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

- Kay Selya (Florante at Laura) ni Fransisco Balagtas

9. Narito po’t tingnan ninyoKapirasong barong ito ,

May padala’y ErmitanyongSa aki’y nagpaparito

- Saknong 889 ng Ibong Adarna

10. “O, Birheng kaibig-ibig, Ina naming nasa langit, liwanagan yaring isip

nang sa layo’y di malihis.”

- Unang saknong ng Bernardo Carpio

Tulang Pasalaysay

Tulang Liriko

Tulang Patnigan Tulang

Pantanghalan/Dula

Apat na uri ng tula

Tulang Pasalaysay

Isang uri ng tula na nagsasalaysay gamit ang mga elemento ng tula at mayroong balangkas na pangyayari.

Mga halimbawa ng tulang pasalaysay: Epiko, Awit at Korido, Karaniwang tulang pasalaysay.

XXI

Tulang Liriko

tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.

Halimbawa ng tulang liriko: Awit, Soneto, Oda, Elehiya, dalit, Pasyon

XXI

Tulang Patnigan (Joustic Poetry) Uri ng tula na kung saan

naglalaban ang magkabilang panig sa pamamagitan ng pagtula.

halimbawa ng tulang patnigan: karagatan, duplo, balagtasan.

XXI

Tulang Dula

 Karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.

Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

Recommended