Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan

Preview:

Citation preview

Ang Pamahalaan at

Serbisyong Panlipunan

Programang Pangkalusugan

Nasa likod ng pag-unlad na ito sa

kalusugan ang Department of Health

(DOH) sa pamamagitan ng sari-saring

programang pangkalusugan sa

inilulunsad taun-taon. Nangunguna ito

sa paggawa ng pampaublikong

pagamutan, ospital at pagbibigay ng

mga medical mission at seguro sa

mga pasyenteng maralita.

Sa pamamagitan ng seguro o

insurance, nagkakaroon ng panustos

sa mga gastusin sa ospital ang mga

pasyente. Ipinamamahagi ng

pamahalaan sa lahat ng mamamayan

sa bansa ang libreng seguro sa

pamamagitan ng Philippine Health

Insurance Corporation (PhilHealth).

Programang Pang Edukasyon

Pinamamahalaan ng Department of

Education (DepEd) ang sistema ng

edukasyon sa Pilipinas para sa lahat ng

mag-aaral na Pilipino. Umunlad ang

larangan ng edukasyon dahil sa

panibagong programang tinatawag na K to

12 Kurikulum. Sa ilalim nito, ang lahat ng

mag-aaral ay magkakaroon ng mga

larangan o track na nais nilang kunin

pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

Ang elementarya sa ilalim ng K to 12

ay nagsisimula sa Grade 1 at

nagtatapos sa Grade 6 at ang

sekondarya naman ay nagsisimula sa

Grade 7 at nagtatapos sa Grade 12.

Bukod sa kurikulum, nagpapagawa

ang pamahalaan ng mga

pampublikong paaralan at aklatan

upang makatulong sa mga mag-aaral

na nais mag-aral para sa kanilang

kinabukasan.

Kasama na din sa pagpapaunlad

ng mga paaralan at ng kurikulum

ang pamamahagi ng mga

iskolarsyip o tulong para sa mga

mahuhusay na mag-aaral.

Programang Pangkapayapaan

Mahalaga ang pagkakaroon ng isang

payapang pamayanan upang lumaki

nang maayos ang bawat tao at upang

umunlad nito. Upang mapanatili ang

kapayapaan at kaayusan ng buong

bansa, naatasan ang pulisya o ang

Philippine National Police (PNP) dito.

Sa larangan naman ng pagtatanggol sa

soberanya st teritoryo ng Pilipinas mula sa

mga nais manakop dito, naatasan ang

Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed

Forces of the Philippines (AFP) na

humawak sa mga sumusunod na hukbo:

ang Philippine Army para sa kalupaan, ang

Philippine Navy para sa mga katubigan at

ang Philippine Air Force para sa

himpapawid.

Sa mga lugar na nagsisimulang maging

mapayapa mula sa giyera o kaguluhan ay

may mga programa para sa pagapapatuloy

ng kapayapaan tulad ng Payapa at

Masaganang Pamayanan (PAMANA) na

nasa ilalim ng Office of the Presidential

Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Maraming programang pangkabuhayan at

pang-edukasyon ang nasa ilalim ng

PAMANA para makatulong sa mga lugar

na nasalanta ng giyera tulad ng ibang

lalawigan sa Mindanao.

Programang Pangkabuhayan

Bumubuti ang antas ng kabuhayan o

ekonomiya ng isang bansa kapag ang mga

tao ay produktibo at natustusan ang

kanilang mga pangangailangan. Hindi

pantay ang kabuhayan ng lahat ng

mamamayan. May mayaman at mahirap.

Tumutulong ang pamahalaan sa mga

maralita sa pamamagitan naman ng

pamamahagi ng salapi kapalit ang ang

pag-aaral nila o pagtatrabaho nang

maayos. Ang programang Pantawid

Pamilyang Pilipino Program (4P) ay isang

Para naman sa mga walang trabaho o

naghahanap ng trabaho tumutulong

naman ang Department of Labor and

Employment (DOLE) upang

makahanap sila ng akmang

hanapbuhay ayon sa kanilang

kakakayahan. Nagsasagawa ito ng

mga malalaking job fair oara sa mga

nais magtrabaho para sa mga pribado

o pampublikong kumpanya sa loob at

labas ng bansa.

Programang Pang-imprastraktura

Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga

estrukturang mahalaga sa pag-unlad ng

bansa tulad ng mga kalsada, tulay, riles ng

tren, paliparan at daungan ng mga barko.

May ilang mahahalagang programang

pang-imprastraktura na kasalukuyang

pinauunlad ng pamahalaan tulad ng

pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapalit

ng mga bagong tren, pagbubuo ng mga

daluyan ng tubig at marami pang iba.

Nangunguna ngayon sa mga

proyektong pang-imprastraktura sa

buong bansa na itinayo ay ang mga

sumusunod: sistemang roll-on/roll-off

(RORO) sa mga pangunahing

pantalan, ang Light Rail Transit Line 2

(LRT 2) at ang Ninoy Aquino

International Airport Terminal 3 (NAIA

3).

Pagtatanggol sa mga Karapatan ng

Mamamayan

Ang bawat tao ay may karapatan.

Hindi ito maaaring kunin ninoman at

ito ay naibigay na sa tao pagkatapos

siyang isilang. Ang karapatan ay

pantay-pantay sa lahat ng tao, babae

man o lalaki, bata man o matanda,

mayaman man o mahirap. Tungkulin

naman ng pamahalaan na

pangalagaan ito.

Ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang

mapangalagaan ang karapatan ng mga

mamamayan. Sa ilalim ng pamumuno ng

Commission on Human Rights (CHR),

napapahalagahan ng pamahalaan ang

karapatang pantao. Sa pamamagitan ng

mga batas at mga programa

naipagtatanggol ng pamahalaan ang mga

tao. Ang Sangay Tagapaghukom ng

Pilipinas ay naglilitis sa mga taong nang-

aabuso sa mga karapatan ng ibang tao.

Hawak naman ng Department of Justice

(DOJ) ang sistemang penal ng bansa nag

nagbabantay sa mga bilanggong nailitis

dahil sa mga paglabag sa karapatan ng

mga tao.

Kaakibat ng mga karapatan na tinatamasa

ng bawat tao ang responsibilidad o

tungkulin na pangalagaan ito. Isang

tungkulin ang pag-alam, pag-unawa at

pangangalaga sa karapatang pantao ng

bawat isa.

Bukod sa pagbibigay sa pamahalaan

ng responsibilidad sa pangangalaga

nito, hawak din ng mamamayan ang

responsibilidad na ito tulad ng

pagkakaroon ng citizen’s arrest sa

mga taong lumalabag sa karapatang

pantao. Nangyayari rin ito kapag

tumutulong ang lahat ng tao sa

paglutas ng mga kaso ng paglabag

nito.

Iba Pang Mabubuting

Proyekto para sa

Mamamayang Pilipino

Maraming programa at serbisyo ang

pamahalaan para sa mga mamamayan ng

bansa na nakabubuti para sa pag-unlad ng

pamumuhay ng lahat. Sa larangan ng

agrikultura, nagpapamahagi ng mga bagon

binhi ang pamahalaan sa ilalim ng

Department of Agriculture (DA) sa mga

magsasakang nais magpatubo ng mga

masusustansiyang pananim.

Pinauunlad ng pamahalaan sa

pangunguna ng Department of

Energy (DOE) ang mga

pangangailangang pang-enerhiya ng

bansa sa pamamagitan ng

pagpapatayo ng mga planta ng

kuryente tulad ng mga geothermal

powerplant, dam, wind farm at iba pa.

Bukod sa mga materyal na proyekto

ng pamahalaan, pinalalakas nito ang

kalinisan at kabutihan ng mga opisyal

nito upang gawin ng pamahalaan ang

kanilang tungkulin ng maayos.

Tungkulin ng pamahalaan ang

labanan ang katiwalian mula sa loob.

Pakikipagtulungan at

Paglilingkod ng Pamahalaan

sa mga Pamayanan

Ang iba’t-ibang pamayanan sa loob ng

bansa ay nagtutulungan at nakikipag-

ugnayan sa isa’t-isa upang makamit ang

pambansang kaunlaran. Mula sa antas ng

barangay hanggang sa buong bansa

nagtutulungan ang mga lokal na

pamahalaan. Sa ilalim ng Government

Code of 1991, nabuo ang ilang samahan

sa ilalim ng mga lokal na pamahalaan sa

antas ng barangay, lungsod, munisipalidad

at lalawigan upang magtulungan at

mapaglingkuran ang isa’t-isa.

League of Barangays of the Philippines-

binubuo ng 42,000 na barangay

League of Cities of the Philippines-

binubuo ng 143 na lungsod

League of Munipalities of the Philippines-

binubuo ng 68 na munisipalidad

League of the Provinces of the Philippines-

binubuo ng 79 na lalawigan

Bukod sa samahan, naglulunsad din

ang mga lokal na pamahalaan ng iba

pang paraan upang makapaglingkod

sa pamayanan. Kabilang dito ang

paglilinis ng kapaligiran, pagpapatayo

ng mga paaralan at pagbubukas ng

mga serbisyong panlipunan tulad ng

mga medical mission, job fair, clean-

up drive at marami pang iba.

Recommended