Aralin 4: panahong paleolitiko at neolitiko

Preview:

DESCRIPTION

Nice

Citation preview

ARALIN 4:

PANAHONGPALEOLITIKO AT NEOLITIKO

PREHISTORY

Yugto sa mahabang nakaraan ng sangkatauhan na nag-uugat halos 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.

Isa itong larangang pinagtutulungang buuin ng mga arkeologo at mga siyentista mula sa iba’t ibang disiplina.

Archeology ang pinagmumulan ng kaalaman tungkol sa prehistory.

HISTORY- pag-aaral hingil sa nakaraan ng tao batay sa mga nakasulat na dokumento.

Mga Sangay ng Agham Biology- pag-aaral ng buhay ng organismo. Botany- pag-aaral ng mga halaman. Zoology- pag-aaral sa mga hayop. Paleontology- pag-aaral ng fossil ng mga hayop at

halaman. Archeology- sangay ng agham na nag-aaral ukol

sa kultura at pamumuhay ng sinaunang tao.

Mga Paraan sa Pagtukoy ng Panahon ng mga Pangyayari O mgabagay sa nakaraan

Tree-ring Dating

Dendrochronology o Tree-ring Dating=

paraang ginagamit upang matukoy ang edad ng isang puno.

Radiocarbon Dating

Radiocarbon Dating = sinusuri ang mga isotope carbon-14. Upang matukoy ang edad ng mga materyales na may carbon o carbonaceous materials.

Carbon-14 na may half life na 5,730 taon.

Pottasium-Argon Dating

Pottasium-Argon Dating = ginagamit upang tukuyin kung gaano na katagal ang mga sinaunang depositong mineral

Argon na may half life na 1.3 x 10ˆ9

Panahong Paleolitiko

Panahon ng lumang bato. Nagsimula dalawa at kalahating taon na ang

nakararaan at nagtapos noong 10000 B.C.E. Paleos = matanda, Lithos = bato. Pinaka-maagang panahon sa pag-unlad ng tao. Kaalinsabay nito ang panahong heolohikal na

Pleistocene. Maari itong mai-ugat sa pagsisimula ng paggamit

ng mga kasangkapang bato ng mga hominid. Ito rin ang ugat ng pagtatapos ng panahonh

Pleistocene. May tatlong mahabang dibisyon , ito ay ang:

Lower Paleolithic Period, Middle Paleolithic Period, at Upper Paleolithic Period.

LOWERPALEOLITHIC PERIOD

Panahon ng pinaka maagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay.

Nagtapos noong 120,000 B.P. Australopithecine ang

pinakamaagang hominid, ay hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan.

HOMO HABILIS “Able man o handy man” Unang species ng hominid na marunong nang

gumawa ng kagamitang bato. Sila ay gumamit ng kasangkapang Olduvan o

kagamitang bato na maliliit. Mukhang tao kung ihahambing sa mga mas nauna

sa kanila. Sinundan ng Homo Erectus.

HOMO ERECTUS Unang gumamit ng apoy at nangaso. may higit na kakayahan sa paggawa ng

kasangkapang bato. “Erect” o tuwid

Homo habilis homo erectus

MIDDLE PALEOLITHIC PERIOD

Tumagal mula 120,000 - 40,000 B.P. Panahon kung kailan higit na nakontrol ng mga

hominid ang kanilang kapaligiran. Pino na rin ang kanilang pamamaraan sa

paggawa ng kagamitan. Pangunahingpinagmulan ng kanilang pagkain ang

pangangaso. Pinasimulan na rin ang preserbasyon ng karne. Nagpipinta sa kanilang katawan at pagguhit sa

bato. Nagkaroon ng paglilibing ng mga patay

nanagpapahiwatig ng pagkaroon ng ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal

NEANDERTHAL

Neander na hango sa lambak sa Dusseldorf, Germany. Nabuhay sa pagitan ng 200,000 at 30,000 B.P. Ang mga labi ay natagpuan sa mga yungib at may mga

patunay na sila ay gumamit ng apoy. Nangaso ng prehistorikong mammal. Ang mga labi ng kanilang kultura ay nahukay sa Europe. Meron ding natagpuan sa Hilagang Africa, Palestine , at

Serbia.

UPPERPALEOLITHIC PERIOD

Panghuling dibisyon ng Panahong Paleolitiko sa Europe, Africa at Asya.

Saklaw ang panahon mula 40,000 at 8,500 B.P. Nagkaroon na ng unang pamayanan sa anyong mga

campsite na kadalasan matatagpuan sa mga lambak upang mapadali ang kanilang pagpapastol at pangangaso.

Mas pino na rin ang mga kasangkapan ng tao. Lumikha ang mga tao ng Venus Figurine na

sumisimbolo ng kakayahang magkaanak. Cro-Magnon ang pumalit sa taong Neanderthal. Yumabong ang iba’t ibang kultura tulad ng

Aurignacian, Gravettian, Perigordian, Solutrean, at Magdalenian.

Venus Figurine

Venus Figurine na sumisimbolo ng kakayahang magkaanak.

Cro-Magnon

Hango sa lugar ng Katimugang France. Natuklasan ang labi nito noong 1856. Matatagpuan sa mga yungib ng Almitra sa hilagang Spain

at Lascaux sa timog-kanlurang France ang mga naiwan nilang pinta ng mga hayop na pinaniniwalaang ginawa sa pagitan ng 30,000 – 12,000 B.P.

Pinta sa kweba ng Lascaux sa France

● Mahigit 100 yungib at lugar ang natagpuang may ganitong uri ng pinta.

●Maaaring iginuhit ito bilang bahagi ng ritwal para sa isang matagumpay na pangangaso.

Mga Iba’t ibang Kultura AURIGNACIAN- gumawa ng kagamitang bato na

tinapyas at ang lumikha ng mga Venus Figurine. GRAVETTIAN- kagamitang bato na may maliliit at

matutulis na talim. PERIGORDIAN- kastilyong bato kung saan

tanging ang isang bahagi lamang ang matalim katulad ng kasalukuyang mga Kastilyo.

SOLUTREAN- nagtungo sa Europe mula sa Silangan at pinalitan ang mga naninirahan dito.

MAGDALENIAN- pamayanan ng mga mangingisda at mangangaso ng reindeer.

Pagtatapos ng Panahong Paleolitiko Lumamig ang klima ng daigdig nang bumaba ang

temperatura ng halos 15˚C na nagdulot ng mahabang panahon ng taglamig o Ice Age na naganap mga 20,000 B.P.

Sa dami ng tubig na naging yelo, bumaba ang lebel ng mga karagatan ng halos 500 talampakan.

Ilang lupain ang lumitaw at nagsilbing tulay na lupa sa pagitan ng mga pulo at kontinente.

Noong 10,000 B.P., muling uminit ang panahon at natunaw ang mga glacierat tumaas ang lebel ng dagat.

PANAHONGNEOLITIKO

Huling bahagi ng panahong bato. “Neos” = bago , “lithos” = bato. Neolitiko- ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang

italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan. Naganap ang sistematikong pagtatanim. Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natutustusan ang

pangangailangan sa pagkain. Nagbigay daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar

upang alagaan ang pananim. Umusbong sa Kanlurang Asyasa pagitan ng 8000 at 6000

B.C.E. Yumabong bilang sibilisasyon sa Panahon ng Bronse noong

3500 B.C.E. Kumalat sa Europe at sa mg lambak-ilog ng Nile sa Egypt,

Indus sa India, at Huang Ho sa China. Obsidian= batong mula sa bulkan na mistulang kristal.

Katangian ng Panahong Neolitiko

Paggamit ng ibat’ ibang makinis na kasangkapang bato.

Pagkakaroon ng permanenteng paninirahan ng tao sa mga pamayanan.

Pagtatanim at pag aalaga ng hayop. Pagkakaroon ng mga kasanayan sa

paggawa ng palayok at paghahabi.

MgaPamayanang Umusbong Sa Daigdig

WALLED CITY

Walled City ng Jericho sa Jordan Valley na naitatag noong 7000B.C.E.

Matatagpuan sa dulong kanluran ng Meditteranean.

CATAL HUYUK

Çatal Hüyük sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia sa kasalukuyang Turkey.

Minsan itong nagkaroon ng populasyong 3,000 hanggang 6,000 katao.

Ang bubungan nito ay gawa sa roble o oak at mga ladrilyo o brick mula sa pinatuyong luwad.

Ang mga tao ay tinatayang nabuhay lamang ng 30 taon ayon sa isinagawang pagsusuri sa mga buto.

THANKS FOR VIEWING!! HOPE U LIKE IT!!!!

GROUP 4 lll-2 MOLAVE

Alondra May R. Orenciana Elvin Q. Padlan Vincent Adrian Ocampo Jenniffer Repancol Marlon Mamaril Jr.

Recommended