Kumpil feb 3 2017

Preview:

Citation preview

ANG PAGDIRIWANG NG

Sakramento ng

KumpilFebruary 03, 2017

Prepared by Sir Darwin Valerio

Inihanda ni Sir Darwin Valerio

PAMBUNGADNAAWIT

PAGBATI

Obispo:Sa ngalan ng Ama, ng

Anak at ng Espirito Santo.

Lahat:Amen

Obispo:Sumainyo ang

kapayapaan.Lahat:

at sumaiyo rin.

Lahat:Inaamin ko sa

makapangyarihang Diyos at sa inyo mga kapatid, na

lubha akong nagkasala sa isip, sa salita

At sa gawa at sa pagkukulang, kaya

isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel

At sa mga banal at sa inyo , mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa

Panginoong ating Diyos.

Obispo:Kaawaan tayo ng

makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa Buhay na walang

hanggan.

Lahat:Amen.

Obispo:Manalangin tayo

(tumahimik)

Lahat:Amen.

UNANG PAGBASA:

mula saAklat ni Propeta Isaias

Sa lahi ni David ay lilitaw ang isang Hari, tulad ng

supling mula sa isang tuod. Mananahan sa

kanya ang espiritu ng Panginoon;

bibigyan siya ng katalinuhan at pagka-

unawa, ng kaalaman at kapangyarihan ,ng

karunungan at takot sa Panginoon.

Kagalakan niya ang tumalima sa Panginoon. Hindi siya hahatol ayon sa nakikita o batay sa

naririnig sa iba.

Bibigyan niya ng katarungan ang mga

dukha, Ipagtatanggol ang karapatan ng mga

kawawa.

Ang salita ng Diyos.

Sagot:Salamat sa Diyos

Aleluya

Aleluya

SALMONG TUGUNAN

Tugon:Espiritung bumubuhay, Panginoon, ‘yong Ibigay.

(ulitin po natin)

Pinupuri kita, Panginoon , ng aking kaluluwa.

O Panginoon aking Diyos, kay dakila mong talaga!

Sa daigdig,

Panginoon kay rami ng iyong likha,

‘pagkat ikaw ay marunong, kaya ito ay nagawa.

Tugon:Espiritung bumubuhay, Panginoon, ‘yong Ibigay.

(ulitin po natin)

Lahat sila’y umaasa, sa iyo ay nag-aabang .

Umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.

Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap.

Mayro’n silang kasiyahan ‘pagkat bukas ang iyong

palad.

Tugon:Espiritung bumubuhay, Panginoon, ‘yong Ibigay.

(ulitin po natin)

Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik.

Bagongbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig

Sana ang ‘yong karangala’y manatili

kailanman.Sa lahat ng iyong likha,

ang madama’y kagalakan.

Tugon:Espiritung bumubuhay, Panginoon, ‘yong Ibigay.

(ulitin po natin)

Aawitan ko Poon, palagi kong aawitan.

Siya’y aking pupurihin habang ako’y nabubuhay

Ang awitan ng aking puso sana naman ay kalugdan,

Habang inaawit ang papuri sa Maykapal.

Tugon:Espiritung bumubuhay, Panginoon, ‘yong Ibigay.

(ulitin po natin)

Ang MABUTING BALITA

Obispo:Sumainyo ang Panginoon

Lahat:at sumainyo rin

Obispo:Pagbasa mula sa Mabuting

Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Lahat:Papuri sa iyo, Panginoon.

Obispo:Sinabi bi Hesus sa

kanyang mga alagad: “kung iniibig nyo ako,

tutuparin ninyo ang aking mga utos.

Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan Niya ng isa pang patnubay na

magiging kasama ninyo magpakaylanman.

Ito’y ang espiritu ng katotohanan, na hindi

matatanggap ng Sanlibutan sapagka’t

hindi siya nakikita ni nakikilala ninyo siya

sapakat siya’y sumasainyo at nanahan

sa inyo.’’(Juan 14: 15-17)

Lahat:Pinupuri ka naming,

Panginoong Hesukristo

Minamahal naming Obispo, kagalakan ko

pong iharap at ipakilala sa inyo ang mga

nakababata nating kapatid

sa pananampalataya nangayon ay tatanggap ng Sakramento ng kumpil.

Silang lahat ay pawing nakaphanda ng kanilang

sarili para sa pagkakataong ito, sa

tulong ng mga katekista ng parokya

Ako, na Kaanilang ay nagpapatunay na sila

ay karapat-dapat na tumanggaap ng

Sakramento ng kumpil.

Obispo:Itinatakwil ba ninyo si

Satanas at ang kanyang mga Gawain at panghihikayat sa

masama?

Lahat:Opo, itinatakwil namin.

Obispo:Sumasampalataya ba kayo

sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat ng may likha ng

langit at lupa?

Lahat:Opo sumasamplataya

kami.

Obispo:Sumasampalataya ba kayo

sa Espritu Santo, Panginoon at nagbibigay-

buhay, na bumaba

sa mga Apostol noong Pentekostes, at ngayo’y inyong tatanggapin sa Sakramento ng kumpil.

Lahat:Opo sumasamplataya kami

Obispo:Sumasamapalataya ba

kayo sa Banal na Simbawang Katolika, sa

Kasamahan ng mga Banal

sa kapatawaran ng mga kasalanan, at muling pagkabuhay ng mga patay, at sa buhay na

walang hanggan

Lahat:Opo sumasampalataya

kami.

Obispo:Ito ang ating

pananampalataya.Ito ang pananampalataya ng Banal na Simbahan

Ito ang ikinararangal natin na ipahayag kaisa ni Kristo Jesus, na ating

Panginoon.

Lahat:Amen.

Obispo:Mga kapatid, noong bininyagan ang mga

kukumpilan ngayon, sila]y muling isinilang:

ipinagkaloob sa kanila ng Diyos ang kanyang

sariling buhay. Kaya;t sila ay nagiging mga anak

Niya.

Idalangin natin ngayon sa Diyos Ama na ipagkaloob Niya sa kanila ang Banal

na Espiritu Santo

upang sila’y mapuspos ng kanyang lakas at bunga ng papapahid na langis ay maging higit silang katulad ni kristo, ang

Anak ng Diyos

O Diyos na makapangyarihan sa

lahat, Ama ni Jesukristo na aming Panginoon, sa pamamagitan ng tubig at

ng Espirito Santo,

hinango Mo sa kasalanan ang mga anak mong ito atbibigyan Mo sila ng

pakikihati sa iyong buhay.

Suguin Mo sa kanila nayon ang Espiritu Santo , ang Mang-aliw ,upang siyang

maging lakas nila at patnubay.

Ipagkaloob Mo na sila ay mauspos ng karunungan at pang-unawa, na sila’y maging makatwiran sa

pagpapasya

pagpapasya at maging matibay ang loob sa lahat

ng pagkakataon. Puspusin Mo sila ng

kaalaman

at pamamagitan at ng banal na pagkatakot sa

harap ng iyong kadakilaan.

Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Jesukristo na aming

Panginoon magpasawalang

hanggan.

Lahat:Amen.

Ang Pagpapahid ng Banal na

Langis

Lalapit ang mga kukumpilan sa Obispo kasama ang

ninong at ninang.Nakahawak sa balikat ng

inaanak ang ninong at ninang habang pinapahiran ng banal na langis ang bata.

Obispo: , tanggapin

mo ang tatak na kaloob ng Espiritu Santo.

Kinukumpilan:AMEN.

ANG PAGDIRIWANG NG

Sakramento ng

Kumpil

Obispo:Sumaiyo ang kapayapaan.

Kukumpilan:At sumaiyo rin.

Panalangin ng Bayan:

Obispo:Taimtim tayong

manalangin sa Dyos,

sa bawat panalangin, ating itutugon:

“Panginoon, kami ay iyong dinggin.”

Lektor:Upang ang buhay ng mga

bagong kumpil ay mapuspos ng pananampalataya at pag-ibig at maging tapat silang saksi ni Kristo. Manalangin

tayo. (tugon)

“Panginoon, kami ay iyong

dinggin.”

Para sa kanilang mga magulang, ninong at ninang na

umakay sa kanila sa pananampalataya: upang mapatnubayan ang mga

bagong kumpil na naayos sa Panginoon. Manalangin tayo,

(tugon)

“Panginoon, kami ay iyong

dinggin.”

Para sa banal na simbahan ng Dyos, para sa ating Santo Papa, sa ating Obispo, at sa lahat ng mga Obispo at pari: upang maitaguyod ang

pagkakaisa at pagmamahalan ng mga taong pinagbuklod ng

Espiritu Santo hanggang sa manining na

pagbabalik ng Dyos Anak.

“Panginoon, kami ay iyong

dinggin.”

Obispo:O Dyos naming Ama, isugo

mo ang Espiritu Santo sa mga Apostol…

Lahat:AMEN.

Paghahanda ng alay:

Pagdarasal ng Obispo habang hawak ang

pinggan ng tinapay at ang kalis…

Pag-iinsenso

Obispo:Manalangin tayo mga

kapatid, upang ang paghahain natin ay

kalugdan ng Dyos Amang makapangyarihan.

Lahat:Tanggapin nawa ng

Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan Niya

at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan

Niyang banal.

Obispo:Manalangin tayo.

(Tumahimik)Ama naming lumikha,

tanggapin mo ang handog

ng iyong mga angkan upang iyong tulungan ang

mga bagong kumpil.Mapangalagaan nawa nila ang kaloob Mo na Espiritu

Santo.

Mapasakanila nawa ang iyong walang maliw na

gantimpala sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng

Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat:AMEN

Obispo:Sumainyo ang Panginoon.

Lahat:At sumaiyo rin.

Obispo:Itaas sa Dyos ang inyong

puso at diwa.

Lahat:Itinaas na naming sa

Panginoon.

Obispo:Pasalamatan natin ang

Panginoong Dyos.

Lahat:Marapat na Siya ay

pasalamatan.

Obispo:Ama naming

makapangyarihan, tunay ngang marapat na Ikaw ay aming pasalamatan.

Ngayon ay…

Ikatlong panalangin ng pagpupuri at pasasalamat

Obispo:Ama naming banal, dapat

kang purihin ng tanang kinapal sapagkat sa

pamamagitan ng iyong Anak na aming

Panginoon at sa kapangyarihan ng Banal

na Espiritu Santo ang lahat ay binibigyan Mo ng

buhay at kabanalan…

Sakramento ng Kumpil

Obispo:Ipagbunyi natin ang

misteryo ng pananampalataya.

Lahat:“Si Kristo ay namatay! Si

Kristo ay nabuhay! Si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon!

Obispo:Ama ginugunita naming ang pagkamatay ng iyong

Anak na sa amin ay nagligtas,

Sakramento ng Kumpil

Obispo:Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Dyos

Amang makapangyarihan

Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang

hanggan.

Lahat:AMEN

Obispo:Sa tagubilin ng mga

nakagagaling na utos at turo ni Hesus, ipahayag

natin ng lakas loob.

Lahat:AMA NAMIN…

Obispo:Hinihiling naming kami ay

iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw at

ilayo sa lahat ng

Kapahamakan, samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng

tagapagligtas naming si Hesukristo.

Lahat:“SAPAGKAT…”

Obispo:Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga

Apostol:“kapayapaan ang iniiwan

ko sa inyo,

Ang Aking kapayapaan ang binibigay Ko sa inyo.”

Tunghayan Mo ang aming pananampalataya at huwag

ang aming pagkakasala

Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan at

pagkakaisa ayon sa iyong kalooban, kasama ng

Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

AMEN

Obispo:Ang kapayapaan ng Panginoon ay lagging

sumainyo.

Lahat:At sumaiyo rin.

Obispo:Magbigayan tayo ng

kapayapaan sa isa’t-isa.

Sakramento ng Kumpil

Lahat:“KORDERO…”

Sakramento ng Kumpil

Obispo:Ito ang kordero ng Dyos. Ito

ang nagaalis ng mga kasalanan ng Sanlibutan.

Mapalad ang mga inaanyayahan sa Kanyang

piging.

Lahat:Panginoon, hindi ako

karapat-dapat na magpatuloy sa iyo. Ngunit sa isang salita mo lamang

ay gagaling na ako.

Sakramento ng Kumpil

Obispo:Manalangin tayo,

(tumahimik)Ama naming

mapagmahal…

Lahat:AMEN

Obispo:Sumainyo ang Panginoon.

Lahat:At sumainyo rin.

Obispo:Magsiyuko kayo at hingin

ang biyaya ng Diyos

Sakramento ng Kumpil

Lahat:AMEN

Obispo:Ipinangako ni Hesus na…

Sakramento ng Kumpil

Lahat:AMEN

Obispo:Pinagalab ng Espiritu

Santo ang apoy ng pagibig sa puso ng mga

alagad noong siya ay bumaba…

Lahat:AMEN

Obispo:Pagpalain kayo ng

makapangyarihang Dyos Ama + Anak + at Espiritu

Santo +

Lahat:AMEN

Obispo:Tapos na ang ating

pagdiriwang, humayo kayong nagagalak sa

biyaya ng Espiritu Santo

Lahat:SALAMAT SA DYOS!

Inihanda ni Sir Darwin Valerio

Sakramento ng Kumpil