Literatura sa Cordillera by Jhonard Galicia

Preview:

Citation preview

LITERATURA SA

CORDILLERA

Ang panitikan pasalita ng Cordillera ay maaaring ritwal o di-ritwal.

Anito – ang karaniwang sinisisi sa mga

kasawiang-palad na nangyayari sa mga

mortal.

Ang mga namamagitan sa pakikipag-usap ng

mga espiritu at mga tao ay tinatawag:

Mumbaki (Ifugao)Babaing pari o

dorarakit (Isneg)

DALAWANG URI NG CANAO

Simple - Pag-katay ng baboy,tapoy,pag-luto ng kamote,gabi at bigas.

Malaking Canao -pag katay ng baboy,kalabaw

at kabayo.

Ang baboy na may batik na itim ay sagradu sa kanila at ito ay tinatanggap ng mga espiritu at nagbibigay ng suwerte.

Dalawang Uri ng Kwentong Patula

●Hudhud (Ifugao)●Ullalim (Katimugang Kalinga)

Hudhod (Ifugao)

Sa Hudhud ay naipagmamalaki si Aliguyon, isang mitolohikal na katauhan kilala sa kanyang yaman at kapangyarihan. Marami ang bersyon nito ang natagpuan sa Kordilyera at karamihan ng kwento nito ay tungkol sa kanyang pagkapangasawa kay Bugan. Ang hudhud ni Aliguyon ay kalimitang kinakanta tuwing nagtatabas ng damo, nag-aani ng pananim at tuwing may namatay na mataas na tao sa lipunan.

Ito ay ginagawa ng mga mamamayan para sa mga paghihirap na nangyayari sa kanila at lumalakas ang kanilang loob. Si Aliguyon, katulad ng isang bayani, ay nagbibigay inspirasyon sa mga tao. Inilalarawan ni Aliguyon ang mga katangian ng isang Ipugaw. Ang hudhud ay ay kalimitang tinatawag na kantang pang-ani dahil sa ito ay kalimitang kinakanta tuwing nagaani.

Alim (Ifugao)

Ang alim ay kalimitang ginagamit sa mga ritwal na gawain lamang. Ang Alim ay ginagamit para sa mga namatay, may sakit at ritwal ng paggawa at paglagay ng hagabi. Ngunit mayroong mga nasusulat na ginagamit din ito sa ibang mga kaparaanan tulad ng: mga malakihang pagdiriwang at pag-aani. Ang mga tauhan ditto ay mga mahihiwagang nilalang at hindi mga tao lamang. Ang mga kumakanta nito ay mga lalaki.

ULALIM

• Ang ullalim naman ng mga taga-Timog Kalinga ay mga mahahabang awit na kinankanta ng mga lalaki o ng mga babae na kaiba sa hudhud at kinakanta lamang ng mga babae. Ang pagkanta nito ay ginagawa tuwing may pagdiriwang at kasunduan. Nilalaman ng ullalim ang mga ulat sa labanan, pamumugot ng ulo at matapang at makisig na pakikipagsapalaran ng isang bayani. Binibigyan ng pokus ng mga ito ang katapangan ng mga taga-Kalinga.

Naglalaman din naman ito ng romansa, kakaibang kagalingan sa mga Gawain, kapangyarihang kahima-himala at mga matagumpay na mga paglalakbay at pakikidigma. Sa pag-aaral ng ullalim ay makikita din ang mga pang-araw araw na karanasan ng mga tao sa Kalinga. Kasalungat ng hudhud, ang ullalim ay gumagamit at sumusunod sa mga gabay pangtula.

Gasumbi

• Sa Hilagang bahagi naman ng Kalinga ay mayroon ding gulong ng epiko, ang gasumbi. Ang pangunahing tauhan dito ay si Gawan. Ang gasumbi ay kalimitang kinakanta sa gabi at gabi ng kanilang pag-aani. Ito rin, gaya ng ullalim, ay tungkol sa pamumugot-ulo ng mga taga-Kalinga, pangligawan na nahahaluan ng salamangka at hiwaga.