Maikling Kwento

Preview:

Citation preview

Inihanda ni: MAY MERCULIOBSED - FILIPINO

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

SimulaLubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:a. pagpapakilala sa tauhanb. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan.c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento.d. paglalarawan ng tagpuan

Saglit na KasiglahanNaglalahad ng panandaliang

pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

SuliraninProblemang haharapin ng tauhan.

Kasukdulansa bahaging ito unti-unting

naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay.

KakalasanTulay sa wakas

WakasNaihahatid ng may-akda ang

mensahe sa bahaging ito. sa wakas ng kuwento.

Sangkap ng Maikling Kwento

TagpuanTumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.

Paksang DiwaPinaka kaluluwa ng

maikling kwento.

KaisipanMensahe ng kwento.

Ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.

Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.Bahagi ng Banghay-simula

-suliranin-saglit na kasiglahan

-kasukdulan -kakalasan

-wakas

ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda.

Paksang DiwaIto ang pinakadiwa ng katha.

Ito ang pang- isipang iniikiran ng maliliit na himaymay ng katha at nabubuo ng manunulat ang kasiyahang pandamdamin at pangkaasalan sa mambabasa.

HimigIto ang maglalantad sa kulay

ng kalikasang pandamdamin ng kuwento. Maaring masaya ang kuwento o kaya’y malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at maromansa.

PaninginIto ang pananaw na pinagdaraanan ng mga

pangyayari. Matutukoy ng isang mambabasa ang iba’t ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin.Sa pamamagitan ng paningin, makikilala ng mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon at ang relasyon ngn mga tauhan.

Salik ng Maikling Kwento

Kapaunahan – ang mga panagunahing tauhan ay ang siyang pinakaugat ng maselang pangyayaring inilahad.

Kaganyakan- Tinatawag ding isang saglit na kasiglahan sapagkat ito ang nagpasidhi sa damdamin at pagnanasa ng manbabasa upang ipagpatuloy ang pagtunghay.

Kabanghayan- Ang pagkakasunod-sunod ng mga naaayong pangyayari na mabilis ang kaganapan at pagkaklahad ay ayon sa istilo ng manunulat.

Tunggalian- Ito ay tinatawag na gusot o buhol.

Kasukdulan- Isang bahagi ngunit salik ding matatawag. Ito ang pinakamasidhing bahagi dahil dito nakasalaylay ang kaalaman ng mambabasa sa sasapitin ng mga tauhan sa bandang huli.

Uri ng Maikling Kwento

Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang kawilihan o interes sa

kuwentong ito.

Kuwento ng Kababalaghan- mga di- kapani-paniwalang bukod pa sa mga katatakutan ang siyang daan ng kuwentong ito.

Kuwento ng Tauhan- ang interes ng diin ay nasa

pangunahing tauhan.

Kuwento ng Katatawanan- ang diin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang aliw ang mga mambabasa.

Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ang katambal niyang

tauhan

Kuwento ng Kapaligiran- ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan, kadalasan patungkol sa kalikasan.

Kwento ng Madulang Pangyayari- binibigyang diin

ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na

nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Kuwentong Pakikipagsapalarang Maromansa -Nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan.

WAKAS!

Recommended