Mga Paksa at Pamagat Pampanitikan

Preview:

Citation preview

Inihanda nina: Linggas, Emmanuel Heraldo, Rachel J. Lee, Hannah Elaine A. Lim, Claire Ashley Olivas, Arvin

3.4 MGA PAKSA AT PAMAGAT

PAMPANANALIKSIK

– Isang mahalagang Gawain na hindi maiiwasan ng sinumang mag-aaral.• Sa antas kolehiyo, karaniwan na ang pagpapagawa ng mga

pamanahong papel sa iba’t ibang asignatura bilang isa sa mga pangangailangang pang-akademiko.

• Sa kasalukuyan, hindi na dapat maging problema ang pagsisimula ng pananaliksik para sa mga mag-aaral dahil sa marami na ngayong mapagpipiliang paksa. Maiuugnay rin ito sa pag-unlad ng teknolohiya na nagpapagaang sa mga gawaing kaugnay ng pananaliksik.

Pananaliksik

A.Sarili- Maaaring humango

ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan, napag-aralan at natutunan.

MGA HANGUAN NG PAKSA

B. Dyaryo at Magasin- Maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga kolum, liham sa editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng local na balita, bisnes, enterteynment at isports.

C. Radyo, TV at Cable TV- Maraming uri ng programa sa radio at tv ang mapagkukuhanan ng paksa. Maraming programa sa cable na balita, isports at mga programang edukasyunal.

D. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro- Sa pamamagitan ng pagtatanung-tanong sa ibang tao, maaaring makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang pampananaliksik.

E. Internet- Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa.

F. Aklatan- Sa aklatan matatagpuan ang iba’t ibang paksang nauugnay sa anumang larangang pang-akademya.

A.Kasapatan ng DatosB.Limitasyon ng PanahonC.Kakayahang PinansyalD.Kabuluhan ng PaksaE.Interes ng Mananaliksik

MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA

• Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksag pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga magagamit na datos hinggil doon.

A. Kasapatan ng Datos

• Tandaang ang kursong ito ay para sa isang semestre lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestre, upang maisakatuparan.

B. Limitasyon ng Panahon

• Ito ay isa pang problema sa pagpili ng paksa. May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Samakatuwid, kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik.

C. Kakayahang Pinansyal

• Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at iba pang tao.

D. Kabuluhan ng Paksa

• Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.

E. Interes ng Mananaliksik

a. Panahonb. Edadc. Kasariand. Perspektibe. Lugarf. Propesyon o Grupong Kinabibilangang. Anyo o urih. Partikular na Halimbawa o Kasoi. Kumbinasyon (perspektib, uri, lugar, at anyo)

PAGLILIMITA NG PAKSA

Pangkalahatang Paksa: Ang pagbaba ng dolyarBatayan ng Paglilimita

Nilimitang Paksa

a. Panahon Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa ekonomiya mula Taong 2006 Hanggang 2008

b. Edad Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang 18 sa pagbaba ng dolyar

c. Kasarian Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa sektor ng mga kababaihand. Perspektiba Ang persepsyon ng mga Pilipino sa pagbaba ng dolyar

Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa pamilya ng OFWe. Lugar Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa pamilya ng mga estudyante ng Olivarez

Collegef. Propesyon o

Grupong Kinabibilangan

Persepesyon ng mga estudyante ng Olivarez College sa pagbaba ng halaga ng dolyar

g. Anyo o uri Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa ekonomiya ng Pilipinash. Partikyular na

Halimbawa o KasoAng epekto ng pagbaba ng dolyar sa kalagayan at utang ng Pilipinas

i. Kombinasyon 1. Perspektib 2. Uri 3. Lugar 4. Anyo

1. Preperensya ng mga mamamayang Pilipino2. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho3. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho sa Luzon4. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho sa Luzon sa Banko Sentral ng Pilipinas

• Ang pamagat-pampananaliksik ay iba sa pamagat ng mga akdang pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng mga kwento, nobela, sanaysay, at dula.

• Ang pamagat ay kailangang maging malinaw, tuwiran, at tiyak.

• Hangga’t maaari, ang mga salita ay hindi kukulangin sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.

PAGDIDISENYO NG PAMAGAT-PAMPANANALIKSIK

a. Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginamit sa Pagsasalin sa Filipino ng mga Katawagang Legal sa Bagong Konstitusyon ng Pilipinas

b. Preperensya ng mga Batang Preschooler ng Barangay San Miguel, Pasig City sa Pagpili ng mga Kwentong Pambata

c. Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng Bench Phils.: Isang Analisis ng Epektibnes

d. Korelasyon ng mga Piling Baryabol sa Atityud sa Pang-ekonomikong Pamumuhay ng mga Magulang na Iskwater sa Bliss Guadalupe

e. Pahambing na Pagsusuri sa Preperensya ng mga Kababaihan at Kalalakihang Mag-aaral ng OC sa Panonood ng mga Telenobela

Halimbawa ng pamagat-pampananaliksik hinggil sa iba’t ibang larangan