View
7.850
Download
15
Category
Preview:
DESCRIPTION
Pag unawa at komprehensyon metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino
Citation preview
Ang pag-unawa ay ang pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto
Ang pag-unawa/komprehensyon ay isang masalimuot na prosesong pangkaisipan
Kapag tayo’y nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang dagliang nagbubunsod sa atin upang maiugnay ang ating kaalaman at mga karanasan sa mga impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang pagpapakahulugan
Ang pag-unawa sa teksto ay nakakaapekto
TAKSONOMIYA NG PAG-UNAWA SA
PAGBASA (Barrett 1968)
Apat na antas ng Taksonomiya ni Barrett:
pag-unawang literal paghihinuha ebalwasyon pagpapahalaga
Nila Banton Smith (1969)
Apat na antas ng kategorya sa pag-unawa ni Smith:
1) pag-unawang literal2) interpretasyon3) kritikal o mapanuring pagbasa4) malikhaing pagbasa
Pag-unawang Literal
nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto
ang mga kasagutan sa tanong na literal ay ang simpleng pag-alaala sa mga impormasyon at detalyeng nakapaloob sa babasahin
Halimbawa na mga tanong sa Pag-unawang Literal
1. Kailan at saan naganap ang kwento?
2. Anong uri ng paglalakbay ang kanilang isasagawa?
Interpretasyonnangangailangan ng mas mataas na
antas ng pag-iisip
ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang
upang masagot ang mga katanungan kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin at marunong siya sa paghalaw ng mga kaisipan
Ilan sa mga kasanayan sa pagbasa sa kategoryang ito ay ang sumusunod:
Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig Pagkuha ng pangunahing ideya Paghihinuha Pagbibigay ng kongklusyon Pagbibigay ng paglalahat Pagkilala sa sanhi at bunga Pagkilala ng pagkakatulad/pagkakaiba
Halimbawa na mga tanong sa Interpretasyon
1. Sa iyong palagay, anong oras sila nagdesisyon na ihinto na ang paglalakbay?
2. Mag ilang tao ang kasangkot sa pagsisimula ng paglalakbay?
3. Humigit-kumulang anong oras nila narating ang tuktok ng bundok?
Mapanuring Pagbasa
Ilan sa mga kasanayan sa kategoryang ito ay ang mga sumusunod:
Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad sa teksto
Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagiging kasiya-siya ng akda
Naihahambing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang pansarili, pamantayang galing sa guro, sa ibang tao, at sa ibang babasahin
Halimbawa na mga tanong sa Mapanuring Pagbasa
1. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng pangunahing tauhan nang marating nila ang tuktok ng bundok?
2. Masasabi mo bang makatarungan ang desisyon na ginagawa ng ibang tauhan? Ipaliwanag.
Malikhaing Pagbasa
gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa antas ng pag-unawang literal, interpretasyon at mapanuring pagbasa
sinisikap ng tagabasa na makabuo ng bago o pamalit na solusyon sa inihain ng awtor
Halimbawa na mga tanong sa Malikhaing Pagbasa
1. Ano sa palagay mo ang naramdaman at sinabi ng mga tauhang nakarating sa tuktok ng bundok nang makita nila ang mga kasamahang nagpasiyang umuwi na lamang?
Anderson at Pearson,1984; Spiro, 1980
ang pagbasa ay tinatanaw na ngayon bilang isang aktibong proseso sa pagbuo ng kahulugan
iskemata – tawag sa dating kaalaman - mga teoryang o sariling pananaw sa mga pangyayari, bagay at mga sitwasyon na nakalagak sa isipan at maayos na nakasalansan ayon sa kategorya
Rumelhart (1980) ang bawat iskema ay nahahawan ng landas tungo
sa pag-unawa ng bagong impormasyon
ang ating iskema ang tumitiyak kung paano papakahulugan ang bagong impormasyon
Kaalaman sa paksa (topic knowledge)
Kaalaman sa interaksyong sosyal ( social interaction knowledge
Kaalaman sa kayarian ng teksto (text structure)
Kasanayang metakognitib sa pagmomonitor ng komprehensyon
ang pangunahing tunguhin sa pagtuturo ng komprehensyon ay ang debelopment ng mga kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa
paglinang ng mataas na lebel ng proseso pag-iisip at hindi lamang iyong simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto
Ang mga tampok na katangian na nagbibigay liwanag sa proseso ng komprehensyon sa konteksto ng klasrum ay ang mga sumusunod:
1. Makabuluhang pagbasa na ginagabayan ng mga layuning malinaw na inilahad;
2. Paggising ng mga dating kaalaman na may kaugnayan sa nilalaman/paksa ng kwento;
3. Pagpapasigla ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng mga dating kaalaman angkop sa layuning itinakda sa pagbasa;
4. Pagpapakilos/pag-antig ng mga saloobin at ang mga pagpapahalaga na may kaugnayan sa nilalaman ng teksto;
5. Paggising ng istratehiyang sa pagmomonitor na siyang magkokontrol sa pagbuo ng pagpapakahulugan; at
6. Interaktibong paggamit ng mga prosesong binabanggit upang makamit ang layuning inilahad sa pagbasa.
Ang tungkulin ng guro sa paglinang ng komprehensyon ay napakaloob sa sumusunod:
1. Pagpapaunawa ng layunin sa pagbasa at ng inaasahang paggamit ng karanasang matatamo sa pagbasa;
2. Paggising ng mga dating kaalaman at pagtulong kung paano gagamitin at maiugnay ang mga kaalamang ito sa nilalaman ng teksto;
3. Paglinang ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng teksto at pagpapaunawa kung kailan gagamitin ang mga istratehiyang ito batay sa layunin sa pagbasa at ang uri ng tekstong babasahin;
4. Pagtulong sa mga bata na maiugnay ang kanilang mga saloobin at pagpapahalaga sa nilalaman ng teksto;
5. Paglinang ng kamalayan ng mga bata sa kahalagahan ng pagmomonitor ng mga nabuong pagpapakahulugan sa pagitan ng dating kaalaman at impormasyon sa teksto; at
6. Pagtatanim sa isipan ng mga bata na sapagtatamo ng epektibong komprehensyon, kailangang may magandang pag-uugnay ang layunin, dating kaalaman mga istratehiya saloobin para sa nilalaman, at pagmomonitor ng pagpapakahulugang bubuuin.
Uri ng mga Tanong ng Guro
Ruddell at Williams,1972; Durkin, 1978-1979; Guszak, 1967
nagpapatunay na humigit-kumulang 70% ng mga tanong ng guro ay nasa literal lebel lamang ng pag-unawa
Open-ended
Oo o Hindi
Mga Kasanayan sa Komprehensyon
Paktwal
Interpretatib
Aplikatib
Transaktib
1.
Pagtukoy sa mga detalye X X
2.
Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari X X
3. Sanhi at bunga X X X X
4. Pangunahing diwa X X X X
5.
Paghula sa maaaring maganap X X X X
6. Pagpapahalaga X X X X
7.
Paglutas ng suliranin X X X X
Isang Balangkas na Pampagtuturo para sa Debelopment ng Komprehensyon
Recommended