Yamang Likas ng Pilipinas sibika

Preview:

Citation preview

Don Mariano Marcos Memorial State UniversitySouth, La Union Campus

College of EducationAgoo, La Union

BEE SPED III-5

SIBIKA / Aralin Panlipunan

Ang kapuluan ang bansang Pilipinas. Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng daigdig sa may kanluran ng Karagatang Pasipiko. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.

Likas Na Yaman Ng Pilipinas

Yamang Hindi Nauubos

Tubig, hanging, at lupa, ito ang mga likas na yaman na hindi nauubos subalit ito ay masisira kung hindi natin pangangalagaan.

Yamang Napapalitan

Ang mga napapalitan ay lumalaki, dumarami, nanganganak, nangingitlog,namumunga, tumutubo, at namumulaklak.

Yamang Nauubos

Ang mga mineral tulad ng ginto, pilak, bakal at iba pa, ay hindi napapalitan kapag naubos na ito sa minahan.

Lupang Sakahan

Ito ay patag na lupa na pinagtataniman ng mga produkto katulad ng palay, kamote at iba pa.

Yamang Tubig

Sagana sa yamang tubig ang Pilipinas. Ito ay napapaligiran ng mga karagatan na nagsisilbing pangisdaan dagat na tinatayang may sukat na 1,663,300 kilometro kwadrado.

Kabilang din ang mga sapa, ilog, at lawa na may sukat na 176, 032 ektarya bilang mga pangisdaang panloob ng bansa.

Sa Donsol, Sorsogun matatagpuan ang mga butanding o Whale shark.

Matatagpuan sa lawa ng Buhi ng Caramines Sur ang sinarapan na pinakamaliit na komersyal na isda sa buong mundo.

Mga Iba Pang Yamang Tubig

Mga uri ng ISDA

Humigit kumulang sa 2157 uri ng mga isda ang matatagpuan sa bansa. Ito ay nakikita sa mga dagat, lawa, latian at pala-isdaan.

Mga Korales at

SeaWeeds

Ang mga bahay ng suso o mga kabibe ay ginagawang mga palamuti sa bahay at mga kagamitan pang dikorasyon.

Ang mga perlas ay ginagawang mga palamuti sa katawan.

Sa dagat ng Palawan ay matatagpuan ang pinakamalaking perlas na tinatawag na Perlas ni Allah.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pinakamasaganang pangisdaan sa Pilipinas ay Dagat Visayas, Gulpo ng Moro, Dagat Kanlurang Sulu, Timog Sulu,, Look ng Lamon, Silangang Dagat Sulu, Dagat Samar, Dagat Bohol, Gulpo ng Leyte at Look ng Tayabas.

Thank You !!!By: Zenaida B. Andrada