Tunay na pagsisisi

Preview:

Citation preview

Lesson 3Tunay na Pagsisisi

• Hindi ito isang damdamin kundi isang desisyon ng iyong ginusto, na sinusundan ng gawa.

• Ang pagsisisi ay pagbabago ng isip. Dapat nating baguhin ang ating mga isip, pananaw, pag-uugali at mga damdamin.

• Ang pagsisisi ay labis na pagka-lungkot dahil nadulutan mo ng sama ng loob ang Diyos, at ang pagtingin mo sa kasalanan ay tulad na rin ng pagtingin do’n ng Diyos.

1. Ano ang Pagsisisi?

A. Ang attitude ng anak (Lucas 15:17-20a

2. Ang Pagsisisi sa kuwento ng Alibughang Anak

a. Natigilan siya at na-realize ang kasalukuyang kalagayan.Ito ang una sa pagsisisi, hangga’t hindi nare-realize ng tao ang bigat ng kanyang kasalanan, hindi siya maaring makapagsisi.Ngunit hindi dito natatapos, dahil kung hanggang dito lamang ay makakaramdam lamang siya ng pagka-guilty at hindi mababago ang kanyang kinasadlakan.

Kalakip sa pagsisisi ang pagbabago ng isip, isang pagbabagong pananaw sa kasalanan, hindi na ito masarap gawin kundi nakasasakit ng kalooban ng Diyos.

Kaya’t ang paulit-ulit na paggawa sa kasalanan ay nangangahulugan na hindi tunay ang pagsisisi.

b.Binago niya ang kanyang pag-iisip at nag-pasyang humingi ng isa pang pagkakataon.

Yamang hindi natin kayang baguhin ang ating sarili, dapat na matapos mabago ang pananaw natin sa kasalanan ay bumalik tayo sa Diyos at humingi ng tulong upang hindi na natin maulit ang kasalanan.

c. Pinag-pasiyahan niyang bumalik-muli sa kanyang ama.

Ang pagtatapat sa Diyos at paghingi ng tawad ang pinakahihintay ng Diyos na gawin natin, kung dahil sa kasalanan ay lalo pa tayong lalayo, hirap lamang ng kalooban ang matatamo natin.

d. Nag-desisyon siyang humingi ng tawad sa kanyang ama.

• Nakalulungkot na marami sa mga Kristiyano ngayon ay may maling pang-unawa tungkol sa pagsisisi.

• Madalas ang ginagawa nila matapos na marealize ang kasalanan ay hihingi ng tawad at aakalaing sapat na iyon.

• Sa huli ay makikita nilang paulit-ulit lang ang kanilang kasalanan at walang katagumpayan dahil walang pagbabago ng pananaw sa kasalanan at walang paghingi ng tulong sa Diyos.

B. Maling pagsisisi

C. Ang attitude ng ama (Lucas 15:20b-22)

a. Malayo pa’y nakita na niya ang anakb. Siya’y nahabagc. Patakbo niyang sinalubong siyad. Meron siyang inihandang damit (damit ng pagiging matuwid)(Isa 61:10)

e. Ibinalik niyang muli ang karapatan ng anak upang mamahala (“...Suutan siya ng singsing”).(Gen 41:41-42)f. Ipinag-katiwala niya sa anak ang pinaka-malaking ministry – ipangaral ang ebanghelyo (“...at panyapak”). (Efe 6:15)

Ang bawat isang nagna-nasang magkaroon ng relasyon sa Ama at ma-enjoy ang kanyang mga blessings ay dapat na makaranas ng tunay na pagsisisi at maunawaan niya ang labis na dalamhati dahil nabigyan niya ng sama ng loob ang Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pagnanasa ng puso na baguhin na ang direksiyon ng buhay, pag-iisip at pag-uugali.

Gawin mo ito ngayon tulad ng mga hakbang na ginawa ng alibughang anak, tanungin ang Banal na Espiritu kung ano ang mga kasalanan na dapat pagsisihan.

CONCLUSION :

SOL 1 -Lesson 3 Family –

PAGPAPAHALAGA SA SARILI

BROKEN HEART

POOR SELF

IMAGE

KEY VERSE: Awit 147: 3“Yaong mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, Ang natamo nilang sugat, agad-agad tatapalan.”

HOW DO YOU SEE YOURSELF?

(HOW ARE YOU?)

I. Pagtatagumpay sa mga problemang EmotionalPagpapahalaga sa sarili (self-

esteem) 2 Samuel 9:6-8

6 si Mefiboset. Nang maiharap siya kay David, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. "Ikaw ba si Mefiboset?" tanong ng hari. "Ako nga po," tugon naman nito.

7Sinabi ni David, "Ipanatag mo ang iyong loob. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo."

v8Nagpatirapang muli si Mefiboset, at ang wika, "Sino po ako para pag-ukulan ng pansin? Ako'y isang hamak!“ Si David ay isang anyo ni Cristo Si Mephibosheth ay kumakatawan sa taong nagdadalamhati.

Inencourage niya syang huwag matakot. v77Sinabi ni David, "Ipanatag mo ang iyong loob. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo." 1 sam. 15:17,24

Iniaalok niya ang kanyang biyaya.

“…. Gagawin ang lahat ng magagawa ko para sa iyo, …Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul,…“ 2 Sam.9:7

Ang biyaya ang walang bayad na pabor ng Diyos para sa bawat isa sa atin. Hindi ito gantimpla sa mabuti nating ginawa.

Ito ang nagdadala ng dignidad at pag-angat ng buhay ng mga tao.

Hinahatid rin nito ang bawat pamilya sa buhay at pagpapala ng Diyos.

Roma 5:8 “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.”

Roma 8:31 “Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin?”

2 Sam. 9:7v.7b....Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo."

1 Cor.2:9“Ganito ang sinasabi ng Kasulatan, "Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, Hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao, Ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya.” 2 Sam. 9:7at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo."

Ano ang hapag ng Diyos?Ito yung pumapasok tayo sa intimacy sa Diyos sapamamagitan ng pananalangin.

Sa kanyang hapag naririnig natin ang tinig ng Diyos na nangungusap, puno ng mga pangako na kayang kaya nating maabot, atin na ang mga ito ay matatanggap natin sa pagsasabi ng “Amen”

2 Cor. 2:14“Ngunit salamat sa Diyos at lagi niya tayong isinasama sa parada ng tagumpay ni Cristo dahil sa ating pakikipag-isa sa kanya.”

Recommended