25
8

: Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

ii

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon n karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan na pamahalaan na naghahanda ng akda kung ito ay pagkakaitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda ( kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand, name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtulis Briones Pangalawang Kalihim: Disodado M. San Antonio

Department of Education – Region V11-Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: cebu [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juvelyn I. Puzon Tagasuri: Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: Juvelyn I. Puzon Tagapag-ugnay: Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province Division Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province Dr. Mary Ann P. Flores, Chief CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

iii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Bidasari (Epiko ng Mindanao).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan

at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung

paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

v

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

Bidasari (Epiko ng Mindanao).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad

din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

:

Sa bahaging ito, malalaman mo ang

mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang

leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan

tulad ng isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Alamin

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

vi

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin. Layunin

nitong matulungan kang maunawaan

ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo

sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang maisalin ang

bagong kaalaman o kasanayan sa tunay

na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin

ang iyong kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

vii

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na

ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim

sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

1

Ang modyul na ito ay maingat at mabusising binuo para lamang sa iyo dahil

ang iyong kaalaman ay ang aming unang pinapahalagahan. Binuo ito upang maging

madali at organisado ang iyong pagkatuto. Ang mga gawain sa modyul na ito ay

angkop sa lebel ng iyong kaalaman bilang mag-aaral ng ikawalong baiting sa

mataas na paaralan. Bagamat hindi sa loob ng silid-aralan mo ito gagawin ay

asahan mong sa tulong ng mudyol na ito ay malinang ang inaasam mong kaalaman.

Ang bawat gawain, ebalwasyon at pagsasanay ay nakatuon sa iisang layunin na

malinang ang iyong kaalam upang iyong nailalahad ang layunin ng napakinggan

o nabasa, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri

ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F8PN-Ig-h-22). Ito ang ating

pangunahing tuon sa linggong ito.

Gawing gabay ang kagamitang pampagkatutu na ito sa pamamagitan ng

maingat, pa isa-isang pagsagot at paggawa sa mga gawain mula sa panimulang

gawain hanggang sa karagdagang gawain sa kadahilanang ang kaalamang ito ay

naaayon sa K-12 Most Essential Learning Competencies na mahalagang iyong

malinang.

Inaasahang sa huling bahagi ng modyul na ito ay iyong matamo ang

kaalaman sa mga sumusunod na layunin:

A. natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa binasang akda

B. naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa mga pangyayari sa kasalukuyan

sa pamamagitan ng pagtukoy sa dahilan at resulta ng mga pangyayari; at

C. nakapagmumungkahi ng mga alternatibong solusyon upang mapanatili ang

kaayusan at kaligtasan sa sitwasyong kinaharap.

ALAMIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

2

Aralin 5: BIDASARI EPIKO NG MINDANAO

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang sanhi at

bunga ng mga pangyayari na narinig. Piliin ang titik ng napiling sagot at

isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ang pandemya ay nagdulot ng ___________________________.

a. Trabaho b. kaginhawaan sa buhay c. krisis

2. Inutos ng DOH na ang bawat isa ay magsuot ng facemask sa tuwing nasa

pampublikong lugar para _________________.

a. malimitahan ang paglabas ng mga tao

b. madagdagan ang kita ng mga nagtitinda ng facemask

c. mapigilan ang pagkalat ng covid 19

3. Mas lalong dumami ang kaso ng covid 19 sa bansa dahil __________.

a. nakiisa ang mga tao

b. nasunod ang mga panuntunang pangkalusugan

c. hindi pagsunod sa panuntunang pangkalusugan

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain.

Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga

sagot sa mga gawain. lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa

sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

SUBUKIN

Ang pagiging mulat sa mga pangyayari sa ating paligid ay nagsisilbing daan

upang maging responsable tayong mamamayan. Sa pakikinig mas madagdagan

ang iyong kaalaman. Tingnan natin kung ikaw ba ay nakikinig din. Halina’t ating

subukin.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

3

4. Dahil sa pagsara ng mga pagawaan at kompanya dulot ng lockdown

_______.

a. maraming mga tao ang nahihirapan sa pang-araw-araw na

pangangailangan

b. nagkaisa ang mga pilipino

c. umusbong ang ekonomiya ng bansa

5. Dahil sa pandemya, nakita ng pamahalaan ang kahihinatnan ng mga

mamamayan kaya naman

a. pansamantalang inalis nila ang buwis na babayaran

b. hinayaang makalabas ang mga tao para magnegosyo

c. binigyan ng ayuda ang lahat lalong-lalo na ang mga mahihirap

II. Batay sa iyong narinig na akdang Bidasari, sagutin ang sumusunod na

pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit iniwan ng mag-asawang sultan at

sultana ng Kembayat ang kanilang bagong silang na anak sa bangka.

a. upang makatakas sa mga dayuhang nais sumakop sa kanilang lupain

b. upang sila’y makaligtas sa pamumuksa ng higanteng ibong sumalakay

sa kanilang kaharian

c. upang iligtas ang kanilang anak sa nagaganap na digmaang sibil sa

kanilang kaharian

7. Ito ang pangyayari kung bakit napunta sa mag-asawang Diyuhara ang

sanggol na babaeng pinangalanan nilang Bidasari

a. narinig nila ang iyak ng sanggol habang sila’y namamasyal sa tabing

ilog

b. habang sila’y nangingisda ay nakita nila ang isnag bangkang may

lamang sanggol na inaanod sa ilog

c. napulot ng kanilang katulong ang sanggol na nakalagay sa bangkang

nasa tabing- ilog

8. Ang dahilan kung bakit inutusan ni Lila Sari ang mga kawal na tumungo sa

lahat ng dako ng kaharian

a. upang malaman kung may babaeng nakahihigit ang ganda kaysa sa

kanya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

4

b. upang malaman ang pangangailangan ng mga taong kanilang

nasasakupan

c. upang ipamalita sa lahat ng dako ang nalalapit na pagdiriwang na

gagawin sa kanilang kaharian

9. Ang ginawa ni Diyuhara sa takot niyang baka tuluyang patayin ni Sultana

Lila Sari si Bidasari.

a. kumuha siya ng maraming kawal na magbabantay kay Bidasari araw at

gabi

b. binawi kay Lila Sari ang gintong isdang nagbibigay-buhay kay Bidasari

c. nagpatayo siya ng isang magandang palasyo sa isang gubat na

malayo sa Indrapura at doon itinirang mag-isa si Bidasari

10. Ito ang dahilan kung bakit kinaibigan ng anak na lalaki ni Diyuhara si

Sinapati.

a. dahil may natatangi siyang pagtingin para kay Sinapati

b. dahil si Sinapati ay kamukhang-kamukha ng kinikilala niyang kapatid

c. dahil si Sinapati ay anak ng Sultan ng Kembayat kung kaya’t nais

niyang mapalapit dito

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Tukuyin ang mga eupemistikong

pahayag na ginagamit sa pangungusap at isulat sa loob ng kahon ang

iyong sagot.

1. Balingkinitan ang katawang ng sikat na modelong si Cristine.

2. Pagkatapos kung manganak sa aking panganay ay naging malusog na ang aking

pangangatawan

BALIKAN

Ang nakaraan ay bahagi ng kasalukuyan kaya dapat lamang balikan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

5

3. Hindi ko mapigilan ang tawag ng kalikasan habang kami ay naglalakbay patungo

sa probinsya kaya inutusan ko ang driver na ihinto muna ang sasakyan.

4. Limang taon na pala ang nakakalipas simula ng sumakabilang bahay ang

kanyang asawa.

5.Matalim ang dila kung magsalita ang isang Donya sa aming lugar.

II. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang eupemistikong pahayag na tinutukoy ng

larawan na nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang

bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

___1. a. balat sibuyas

___2. b. butas ang bulsa

___3. c. halang ang bituka

___4. d. mahaba ang kamay

___5. e. pantay na ang paa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

6

Tukuyin Mo Nga

Panuto: Isulat sa concept map ang tatlong pangyayaring napakinggan sa

kasalukuyan at magbigay ng iyong opinyon batay dito.

Mga Pangyayaring Napakinggan

Natukoy mo na ang mahahalagang pangyayari sa kasalukuyan. Nakapagbigay ka na

ng opinyon tungkol dito. Sa tingin mo kaya ay matutukoy mo ang mahalagang

pangyayari sa akdang tatalakayin?

TUKLASIN

Opinyon Ko

________________

________________

________________

________________

________________

__________

Opinyon Ko

________________

________________

________________

________________

________________

__________

Opinyon Ko

________________

________________

________________

________________

________________

__________

Ating kaalaman ay madadagdagan kung tayo’y makinig sa pangyayari sa ating lipunan. Halina’t ating buksan ang nakahanda nating isipan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

7

Panuto: Basahin ang epikong Bidasari at gawin ang mga gawain sa ibaba.

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang

ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito

ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan

ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda

pagka’t ito’y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng

Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay

naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at

pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

Nang araw na iyon, namasyal sa tabing-ilog si Diyuhara, ang pinakamayamang

mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura kasama ang kanyang asawa nang

nakarinig sila ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing

pagkaganda-ganda, kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring

niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si

SURIIN

Ang akda ay magiging makabuluhan kung tayo ay may matutunan. Tayo na at ating alamin ang mahahalagang pangyayari sa akda. Unawain upang ang aral nito’y magamit mo din.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

8

Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang

nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mogindra ay dalawang taon pa lamang kasal

kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae

ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya’y mahal nito na

sasagutin naman ng sultan ng, “Mahal na mahal ka sa akin”.

Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na

minsan sa sultan, “hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na

maganda kaysa akin?”

Ang naging tugon ng Sultan ay, “Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang

pinakamaganda sa lahat.”

Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng

sultan. Kaya’t karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kawal na

saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa

sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay

Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama

ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa

isang silid at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang

kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y

ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si

Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at

pinauwi na niya si Bidasari.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

9

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig

kung gabi. Kaya’t si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi.

Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng

isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mogindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang

magandang palasyo. Ito’y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya

ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si

Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mogindra na hindi

nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang

gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mogindra.

Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan

niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na

ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari

ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang

supling. Ito’y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay

nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at

ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati.

Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa

kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si

Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-

magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si

Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari

ay isa palang tunay na prinsesa.

https://pinoycollection.com/bidasari/

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

10

Pag-unawa sa Binasa

Gawain 1

Panuto: Saguting ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang dahilan at nawalay ang sanggol sa piling ng tunay niyang

magulang na sultana at sultan ng Kembayat?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

__________________________________

2. Sino ang nakakuha ng sanggol?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________

3. Ano ang turing ng nakapulot sa bata?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________

4. Kailan nagsimulang magbago ang magandang buhay ni Bidasari?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

5. Makatarungan ba ang ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang ito

ay patirahin niya sa palasyo?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

6. Anong negatibong pag-uugali ang naghari sa puso ni Lila Sari?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

7. Mayroon din bang ganitong uri ng tao sa tunay na buhay? Patunayan.

______________________________________________________________

______________________________________________________________

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

11

8. Naranasan mo bang kainggitan ka ng ibang tao? Kung oo, ano ang ginawa

mo sa mga taong naiinggit sa iyo?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

9. Paano makakahadlang ang pagiging mainggitin sa pagtatagumpay?

10. Ano sa tingin mo ang layunin ng akdang nabasa?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Mga Mahahalagang Dahilan ng Pangyayari Resulta ng Pangyayari

Pangyayari sa akda

Gawain 2:

Mula sa binasang epiko, itala ang mga mahahalagang pangyayari at tukuyin ang

dahilan at resulta ng mga pangyayari.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

12

Tandaan:

Mula sa mga naganap na pangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan

na ating napakinggan hanggang sa pangyayari sa akdang binasa,

makikita na ang lahat ay may kadahilanan. Maging mapanuri sa

pagbibigay ng iyong saloobin. Tiyakin muna ang kabuoang

katotohanan at mas maiging malaman mo ang sanhi at bunga nito

bago magbigay ng komento. Maging responsableng mamamayan.

Dugtungan Mo

Panuto: Dugtungan ang bawat pahayag upang mabuo ang diwa gamit ang sanhi at

bunga ng mga pangyayari sa akda.

1. Iniwan ng mag-asawang sultan at sultana ng Kembayat ang kanilang bagong

silang na sanggol upang _____________________________.

2. Nakuha ni Lila Sari ang isda sa hardin kaya

_______________________________

3. Nagalit si Sultan Mogindra kay Lila Sari dahil

______________________________.

4. Dahil sa labis na pagseselos ni Lila Sari

__________________________________.

5. Upang malaman kung may babaeng nakahihigit ang ganda kaysa sa kay Lila

Sari _________.

PAGYAMANIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

13

Ang akdang inyong nabasa ay tinatawag na epiko. Ito ay

isang mahabang tulang pasalaysay na inaawit at binibigkas na

nagsasaad ng kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay

ng pangunahing tauhan na karaniwang nagtataglay ng lakas na

nakahihigit sa karaniwang tao.

Ang Bidasari ay isang epikong romansang Malay na

nasasalig sa matandang paniniwalang napatatagal ang buhay

kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato o

punongkahoy. Ang Bidasari, bagama’t laganap sa mga Muslim sa

Mindanao ay hindi katha ng mga Muslim kundi hiram sa mga

Malay. Ang orihinal na Bidasari ay nasulat sa wikang Malay. Ito

ay isinalin sa Ingles ni Chauncey C. Starkweather mula sa

orihinal na bersiyon nito sa Malay. Gayunpama’y walang

nakaaalam kung sino ang nagsalin nito sa wikang Mẽranao

ISAISIP

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

14

Hugot Lines Poster

________________

________________

________________

sanaysay

ISAGAWA

Bumuo ng alternatibong solusyon upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa sitwasyong kinakaharap sa kasalukuyan. Piliin ang gawain na sa tingin mo ay angkop sa iyong talento upang maipalabas mo ang iyong saloobin: sanaysay, slogan, hugot lines at iba pa.

Alin kaya ang

pipiliin ko?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

15

Iugnay Mo

Pangyayari sa

akda

Kaugnay na

Pangyayari sa

Lipunan

Paliwanag sa

Pagkakaugnay ng

mga Pangyayari

Sanhi Bunga

Panuto: Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa mga isyung nangyayari

sa ating lipunan. Isa-isahin ang mga pangyayari sa akda na may kaugnayan sa

mga pangyayaring naganap sa lipunan. Isulat ang iyong sagot sa talahanayan.

TAYAHIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

16

Krisis Dulot ng Pandemya

Bumuo ng maikling talata tungkol sa “Krisis Dulot ng

Pandemya”. Gamitin ang sanhi at bunga ng mga

pangyayari.

KARAGDAGANG GAWAIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 24: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

17

SUSI SA PAGWAWASTO

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 25: : Leonor Magtulis Briones : Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: …bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · malinang ang iyong kaalam upang iyong

18

Sanggunian

Aklat

Baisa-Julian, Ailene G., et al. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix

Publishing House, Inc., 2015

Enrijo, Willita A. et.al. Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa mga Mag – aaral. 21-E.

Boni Serrano Ave., Q.C. Book Media Press, Inc., Unang Edisyon, 2013

Most Essential Learning Competencies (MELCS)

Internet

https://brainly.ph/question/367940

https://pinoycollection.com/bidasari/

Google Internet Pictures/Icons

For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: cebu [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark