36
PATNUBAY PARA SA MASIGLANG PAKIKIBAHAGI SA PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA SA PAG-IISANG DIBDIB NINA Sicenando Bernardo, Jr. & Estriel Dejucos IKA-ANIM NG ABRIL DALAWANG LIBO’T LABINTATLO IKA-TATLO NG HAPON

unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

PATNUBAY PARA SA MASIGLANG PAKIKIBAHAGISA PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

SA PAG-IISANG DIBDIB NINA

Sicenando Bernardo, Jr.&

Estriel Dejucos

IKA-ANIM NG ABRILDALAWANG LIBO’T LABINTATLO

IKA-TATLO NG HAPON

Sta. Rosa de Lima Parish

Page 2: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging
Page 3: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Kasalang Bernardo-DejucosPangunahing Saksi sa Sumpaan

G. Claro Ferrera Gng. Ma. Isabel CuregG. Allan Dejucos Bb. Emelita Landicho

G. Joselito Ordoñez Gng. April AbellonG. Vergilio Farenas Gng. Villa Farenas

G. Oscar Padilla Gng. Maybel Irlanda

Magtatanglaw sa Aming PagsasamaG. Erwin Dejucos Bb. Diane Arbitrario

Dadamtan Kami ng Pag-ibigG. Giovanni Hernandez Bb. Elaine Dejucos

Sa Ami’y Magbubuklod Bilang IsaG. John Bryan Landicho Bb. Merlissa Concepcion

Piling GinooBinibining Pandangal

G. Christopher Ed Borromeo Bb. Janella Christine Geli

Mga Ginoong AbayMga Binibining

AbayG. Godsie Bernardo Bb. Anna Marie PedreraG. Ross Alfred Adia Bb. Margarita Angela Roque

G. Armin John Cucueco Bb. Maria Christinne SiatG. Sandro Palaran Bb. Diane Camille Sotelo

G. Gregory Ceasar Sarmiento Bb. Sarah GarciaG. Juan Paulo Ferrera Bb. Jinky Belle Abelardo

Tagapagdala ng Bibliya

Tagapaghatid ng Aras

Tagapaghatid ng Singsing

Aljoseph Dejucos KC BernardoTimothy Kyle

BernardoTagapag-alay ng Bulaklak

Page 4: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Xianne Emisha Faustino Kheisha Zhay NobleGreenea Arissa Concepcion Samantha Nicole Medina

Page 5: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

PasimulaPambungad P. Tagapagbasa: Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa.

Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa.

Pagbati Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu

Santo.Lahat: Amen.Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,

ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa'y sumainyong lahat.

Lahat: At sumainyo rin.Pari: Mga kapatid, tayo ngayon ay nagkakaisa bilang

isang pamilyang Kristiyano upang saksihan at ipagdiwang ang sagradong pagsasama nina JAYR at ESTRIEL bilang mag-kabiyak. Tayo ay magpasalamat sa Panginoon sa pagbubuklod sa kanila sa pag-ibig at ating ipagdasal na lagi nilang maalala ang pagmamahal ng Panginoon sa kanilang pagtahak sa kanilang bagong buhay bilang mag-asawa. Ang biyaya at pagmamahal ng Panginoon ay sumainyong lahat!

Lahat: Amen.

Pagsisisi

5

Page 6: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Pari: Habang naghahanda tayo para sa pagdiriwang ng Eukaristiya, alalahanin natin ang ating mga kasalanan. (Manahimik saglit.)

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen. (Aawitin ang Panginoon, Maawa Ka)

Pari: Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan…Lahat: At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong may

mabuting kalooban. Pinupuri ka namin. Dinarangal ka namin. Sinasamba ka namin. Niluluwalhati ka namin. Pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong kaluwalhatian. Panginoong Diyos, hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak. Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.

6

Page 7: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Sapagka't ikaw lamang ang banal. Ikaw lamang ang Panginoon. Ikaw lamang, o Hesukristo, ang kataastaasan, kasama ng Espiritu Santo sa kaluwalhatian ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin Pari: Ama naming makapangyarihan, ikaw ang

nagdulot na maging simbolo ng pagmamahal ni Hesukristo sa kanyang Simbahan ang sakramento ng kasal. Dinggin mo ang aming mga panalangin para kay JAYR at ESTRIEL. Sila ang sumusumpa ng kanilang pagmamahal nang may pananampalataya sa iyo at sa isa’t isa. Nawa’y itulot mo na maging puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.P. Tagapagbasa: Magsiupo ang lahat.

Pagpapahayag ng Salita ng DiyosTagapagbasa: Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa

mga taga Efeso (5,29.21-33)Mga kapatid, mamuhay kayong puspos ng pag-ibig ni Kristo; dahil ang pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain sa Diyos. Pasakop kayo sa isa’t-isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo.Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapangkat ang lalaki ang ulo ng kayang asawa,

7

Page 8: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

tulad na siyang ulo ng simbahan, na kanyang katawan, at siyang tagapagligtas nito. Kung papaanong nasasakop ni Kristo ang simbahan, gayon din naman, ang mga babae’y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa simbahan. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang simbaha’y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang simbahan, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot. Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginagawa ni Kristo sa simbahan. Tayo’y mga bahagi ng kanyang katawan. “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.” Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito – ang kaugnayan ni Kristo sa simbahan ang tinutukoy ko. Subalit ito’tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo: mga lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong asawa gaya ng inyong sarili:mga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong asawa.

Ang Salita ng Diyos.Lahat: Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan

8

Page 9: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Tagapagbasa:  Ang ating itutugon ay: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Tagapagbasa:  Mapalad ang bawat taong sa Panginoo’y may takot. Ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan. Ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

TUGON: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.Tagapagbasa:  Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na

mabunga. Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anank n’ya. Ang sinuman kung PANGINOON ay kusang susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.

TUGON: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.Tagapagbasa:  Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay

tanggapin, at Makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem; Ang inyong magiging apo nawa, ikaw ay abutin, nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

TUGON: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.P. Tagapagbasa: Magsitayo ang lahat.(Aawitin ang Aleluya)

Ang Mabuting Balita (Mateo 5:13-16)

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

9

Page 10: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Lahat: At sumainyo rin.

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (19:3-6)Lahat: Papuri sa iyo Panginoon.

Pari: Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan nag tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?” Sumagot si Hesus: “Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.Lahat: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.P. Tagapagbasa: Magsiupo ang lahat.

Homilya Pagsindi ng Kandila P. Tagapagbasa: Maari nang sindihan nina ERWIN DEJUCOS at

DIANE ARBITRARIO ang mga kandila.Ang liwanag ay sagisag ng pagpapatnubay ng Panginoon sa pagsasama nina JAYR at ESTRIEL. Nawa’y sumikat sa kanila ang liwanag ni Kristo nang lagi nilang makita ang kabutihan at

10

Page 11: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

kagandahan ng isa’t isa. Sa oras ng kadiliman at pagsubok, ang liwanag na ito ang magsisilbing gabay sa pagtahak nila ng daan tungo sa katotohanan at pag-asa.

Seremonya ng KasalP. Tagapagbasa: Atin na pong sisimulan ang seremonya ng kasal.

Maaari lamang pong tumayo ang mga magulang nila JAYR at ESTRIEL sa kanilang tabi kasama ng mga ninong at ninang.

Pari: Mahal naming JAYR at ESTRIEL, naririto kayo ngayon upang pagtibayin ang inyong pagmamahalan sa harap ng Simbahan. Tinitiyak ko sa inyo na kayo’y ipagdarasal ng ating bayan upang basbasang masagana ng Diyos ang inyong pagmamahalan at tulungan kayong makatupad sa mga pananagutan ng may-asawa.At kayo naman, mga kapatid na sumasaksi sa kasalang ito, ay aking pinakikiusapan na isama sa inyong mga panalangin ang mga ikinakasal na ito at tanggapin sila sa pamayanang Kristyano.JAYR at ESTRIEL, maaari lamang na sagutin ninyo ang aking mga katanungan ng may buong katapatan.ESTRIEL, ikaw ba ay naparito nang may kusang loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at pagsisilbi sa iyong asawa?

ESTRIEL: Opo, Padre.

11

Page 12: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Pari: JAYR, ikaw ba ay naparito nang may kusang loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at pagsisilbi sa iyong asawa?

JAYR: Opo, Padre.Pari: (Sa dalawa) Kayo ba ay pareho nang handa na

palakihin bilang mabubuting Kristiyano ang mga anak na ibibigay sa inyo ng Panginoon?

JAYR at ESTRIEL: Opo, Padre.Pari: JAYR at ESTRIEL, nais niyo rin lamang na

sumailalim sa sagradong sakramento ng kasal, pagdaupin ninyo ang inyong mga kanang kamay at sabihin ang inyong mga intensiyon sa harap ng Diyos at ng kanyang simbahan.ESTRIEL, tinatanggap mo ba si JAYR bilang iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?

ESTRIEL: Opo, Padre.Pari: Ibinibigay mo ba ang iyong buong sarili bilang

kanyang kabiyak?ESTRIEL: Opo, Padre.Pari: Tinatanggap mo ba siya bilang iyong kabiyak

sang-ayon sa iniaatas ng batas ng ating bayan?ESTRIEL: Opo, Padre.Pari: JAYR, tinatanggap mo ba si ESTRIEL bilang iyong

kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?

JAYR: Opo, Padre.Pari: Ibinibigay mo ba ang iyong buong sarili bilang

kanyang kabiyak?

12

Page 13: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

JAYR: Opo, Padre.Pari: Tinatanggap mo ba siya bilang iyong kabiyak

sang-ayon sa iniaatas ng batas ng ating bayan?JAYR: Opo, Padre.Pari: Ngayon ay magharap kayo at samibitin ang

inyong mga pangako sa isa’t isa.JAYR: (Babasahin ang pangakong sariling akda)

ESTRIEL: (Babasahin ang pangakong sariling akda)

Pari: Ngayong naipahayag na ninyo ang inyong sumpaan sa harap ng Panginoon, itulot nawa niya ang kanyang kabutihan at pagpalain ang inyong pagsasama. Ang pinagsama ng Panginoon ay huwag paghiwalayin ng tao.

JAYR at ESTRIEL: Itulot mo sa amin, O Panginoon, na kami’y maging isang puso’t kaluluwa, mula sa araw na ito, sa lungkot at ligaya, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan.

Pari: Nawa’y saksihan ang kapangyarihan ng simbahan, ay pinagtitibay at binabasbasan ang pag-iisang dibdib na ito. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen. (Babasbasan ng pari ng banal na tubig ang bagong kasal.)

Pagbasbas ng mga Singsing at Aras P. Tagapagbasa: Maari rin lamang pong pumarito sa altar sina

KC, KYLE at ALJO dala ang mga singsing, aras at bibliya.

13

Page 14: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Pari: JAYR at ESTRIEL, ngayon ay babasbasan ang inyong mga singsing at aras. Tulong nating kailangan ay sa Panginoon magmumula.

Lahat: Pagka’t itong lupa’t langit tanging siya ang lumikha.

Pari: Manalangin tayo. (Tumigil sandali.)

Panginoon, pagpalain mo ang iyong mga lingkod, sina JAYR at ESTRIEL, ng kasaganahan sa buhay na sinisimbolo ng mga aras na ito upang magamit nila ito sa pagkamit ng buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristong ating Panginoon.

Lahat: Amen.Pari: Panginoon, basbasan mo ang mga singsing na

ito upang ang iyong mga lingkod, sina JAYR at ESTRIEL na magsusuot ng mga ito, ay mabuhay ng may pagmamahalan at katapatan. Sa pamamagitan ni Kristong ating Panginoon.

Lahat: Amen. (Ang aras at mga singsing ay babasbasan ng Banal na Tubig.)

Pagbibigayan ng mga Singsing at Aras Pari: Ngayon ay ibigay ninyo itong mga singsing sa

isa’t isa at ulitin ang aking mga sasambitin:(Kukunin ni JAYR ang singsing mula sa pari at isusuot ito sa

kanang kamay ni ESTRIEL.)

JAYR: ESTRIEL, sa pagsuot mo ng singsing na ito, nawa’y ang ating mga buhay ay maging isa. Ibinibigay ko ang aking buong pagkatao, pag-ibig, at katapatan. Mula sa araw na ito hanggang magpakailanman, ako ay lalagi sa

14

Page 15: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

iyong tabi. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagdulot niya ng pagdating mo sa aking buhay.

ESTRIEL: JAYR, sa pagsuot mo ng singsing na ito, nawa’y ang ating mga buhay ay maging isa. Ibinibigay ko ang aking buong pagkatao, pag-ibig, at katapatan. Mula sa araw na ito hanggang magpakailanman, ako ay lalagi sa iyong tabi. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagdulot niya ng pagdating mo sa aking buhay.

Pari: Hawakan ninyo ang aras. Ito ang sagisag ng kasaganahang inyong pagsasaluhan bilang isa. Inyong laging pakakatandaan na anumang mga biyayang dumating sa inyong buhay ay galing sa Panginoon. Gamitin niyo ito sa pagpupuri sa kanya.

JAYR: ESTRIEL, tanggapin mo ang aras na ito bilang simbolo ng aking pagsusumikap na maitaguyod ang ating magiging pamilya. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

ESTRIEL: JAYR, tinatanggap ko ito bilang sagisag ng iyong pagbibigay at pagtitiwala. Nawa’y matutunan ko itong ingatan at gamitin ng wasto upang makapagtayo ng isang tunay na Kristiyanong tahanan. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Pagtanggap ng Bibliya Pari: Tanggapin ninyo itong bibliya, ang sagisag ng

inyong pananampalataya. Nawa’y matulungan kayo nitong hanapin ang tamang daan tungo sa mabuting pagsasama bilang mag-asawa. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

15

Page 16: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

JAYR at ESTRIEL: Tinatanggap po namin ito. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Pagsisindi ng Kandila P. Tagapagbasa: Maaari na pong maupo ang mga magulang at

mga ninong at ninang nina JAYR at ESTRIEL upang ating masaksihan ang kanilang pagsindi ng Kandila ng Pagkakaisa.

(Sisindihan ng bagong kasal ang Kandila ng Pagkakaisa.)

Ang kanilang pagsindi ng iisang kandila ay nangangahulugang magmula sa araw na ito sila ay hindi lamang mga taong nagmamahal sa isa’t isa. Ito ay sagisag na ang kanilang pag-ibig ang nagbubuklod sa kanila bilang isa sa mata ng Panginoon.

Pari: At kayong nagsidalo sa kasalang ito, bilang patunay ng inyong pagsang-ayon sa kanilang pag-iisang dibdib, hinihiling ko ang inyong masigabong palakpakan.

(Palakpakan ang lahat.)

P. Tagapagbasa: Magsitayo ang lahat.

Panalanging Bayan Pari: Mga minamahal, idalangin natin ang Simbahan

at ang bagong kasal, na ang kanilang pag-iisang dibdib ay larawan ng pagkakaisa ni Kristo at ng Simbahan. Pagkatapos ng bawat kahilingan, ating sabihin: Dinggin mo kami.

16

Page 17: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Tagapagbasa: Para sa Simbahang laganap sa buong daigdig, sa mga namumuno sa kanya at sa ating bayan, manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Dinggin mo kami.Tagapagbasa: Para sa mga nahihirapan at maysakit, at para sa

lahat ng nagdurusa at namimighati, manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Dinggin mo kami.Tagapagbasa: Para kina JAYR at ESTRIEL, upang magkaisa sila

sa puso at damdamin habang buhay, manalangin tayo sa Panginoon…

Lahat: Dinggin mo kami.Tagapagbasa: Para sa mga magulang nina JAYR at ESTRIEL, na

ibinigay ang kanilang buhay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak sa paraang ninais ng Panginoon, upang tulutan sila ng kalusugan at katahimikan ng isip, manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Dinggin mo kami.Tagapagbasa: Para sa mga kapamilya, kaanak, at mga

kaibigan nina JAYR at ESTRIEL, nawa’y tulutan sila ng Panginoon ng kaligayahang kanilang hanap, manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Dinggin mo kami.Tagapagbasa: Para sa mga mag-asawa na naririto ngayon,

nawa’y lalong pagtibayin ng Panginoon ang kanilang pagsasama, manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Dinggin mo kami.

17

Page 18: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Tagapagbasa: Para sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw na, nawa’y mahanap nila ang katahimikan at kaligayahan sa piling ng Panginoon…

Lahat: Dinggin mo kami.Pari: O Diyos na walang hanggan at

makapangyarihan, tunghayan mo ng buong awa ang iyong mga lingkod. Loobin mong magmahalan sila at maging tapat sa isa’t isa habang buhay. Pagkatapos ng isang mahaba at banal na pamumuhay, nawa’y gantimpalaan mo sila ng kaligayahang walang hanggan, sampu ng kanilang magiging mga supling at ng lahat ng mahal sa kanila. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Pagdiriwang ng Huling Hapunan

Pagpapatong ng Belo P. Tagapagbasa: Maari lamang pong lumapit sa altar sina

GIOVANNI HERNANDEZ at ELAINE DEJUCOS upang ipatong ang belo sa bagong kasal.

(Nakaluhod ang bagong kasal habang pinapatungan ng belo.)

JAYR at ESTRIEL, ang belong ito ay sagisag ng inyong pagsasama. Kayo ay dinamtan ng puti noong kayo ay binyagan na sagisag ng bagong buhay na malinis at maligaya sa piling ng Panginoon. Kayo ngayon ay magsusuot nito sa inyong pagpasok sa bagong buhay Kristyano na magkasama. Nawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong

18

Page 19: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging mga anak at mga mahal sa buhay.

Paglagay ng Kordon P. Tagapagbasa: Maari lamang pong lumapit sa altar sina JOHN

BRYAN LANDICHO at MERLISSA CONCEPCION upang ilagay ang kordon sa bagong kasal.

(Ilalagay ng mga abay ang kurdon.)

JAYR at ESTRIEL, ang kordong ito ay sagisag ng pagmamahal ng Panginoon na magbubuklod sa inyong mga puso at kaluluwa. Nawa’y lumalalim ang inyong pagmamahalan nang matulungan niyo ang isa’t isa sa oras ng paghihirap nang may pagtitiwala at pagmamahal.

Pag-aalay (Aawitin ang Panalanging Maging Bukas-Palad habang nag-aalay ng mga handog.)

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Lahat: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalanging Ukol sa mga Alay Pari: Ama naming lumikha, iyong pagdamutan at

tanggapin ang aming mga handog para sa pag-iisang dibdib nina JAYR at ESTRIEL. Ang pag-ibig

19

Page 20: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

mong kanilang tinataglay ay loobin mong kanilang maihandog sa iyo sa kanilang pagmamahalan araw-araw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Prepasyo Pari: Sumainyo ang Panginoon.Lahat: At sumainyo rin.Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.Lahat: Itinaas na namin sa Panginoon.Pari: Pasalamatan natin ang ating Panginoong Diyos.Lahat: Marapat na siya’y pasalamatan.Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang

marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ang iyong bagong tipan sa iyong sambayanan ay naghahain sa amin ng iyong buhay at pakikipagugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang walang hanggan. Sa dakilang pag-ibig na hain ng iyong anak, pinagbubuklod mo ang mga magsing-ibig upang sa pagsasama habang panaho’y mailahad ang iyong katapatan at pagmamalasakit.

20

Page 21: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Kaya kaisa sa mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo ng walang humpay na kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

(Aawitin ang Santo)

P. Tagapagbasa: Magsiluhod ang lahat.Pari: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanan.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu, gawin mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog, hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:Tanggapin ninyo itong lahat at kanin: Ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.Gayon din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: Ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan. Ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

(Magsisitayo ang lahat at aawitin ang Si Kristo ay Gunitain)

21

Page 22: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Pari: Ama ginagawa namin ngayon ang pag-alala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak, kaya’t iniaalay namin sa iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kami’y iyong marapat na tumayo sa harap upang maglingkod sa iyo. Isinasamo naming kaming magsalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong daigdig. Puspusin mo kami sa pag-ibig kaisa ni FRANSISCO na aming Papa at ni LUIS ANTONIO TAGLE na aming Obispo at ng tanang kaparian.Alalahanin mo rin ang mga kapatid na nahimlay nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay, gayon din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugod-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo, sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya, ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

22

Page 23: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Pakikinabang Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at

turo ni Hesus na Panginoon nating Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob:

(Aawitin ang Ama Namin)

Pagpapanalangin sa Mag-asawaBENDISYONG NUPSIAL

Pari: Mga kapatid, halina’t hilinging pagpalain ng Poong Maykapal ang pag-iisang dibdib nina JAYR at ESTRIEL upang pamalagiin niyang sila’y magkasukob sa wagas na pag-ibig yayamang ang kanyang Espiritu Santo ang nagbibigkis sa kanilang puso.(Itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lulukob sa mag-asawa, habang sinasabi:)

Ama naming makapangyarihan, sa iyong kagandahang loob, nilikha mo ang sanlibutan at nilalang mo ang tao na iyong kawangis.Niloob mo na ang lalaki at babae ay magdaup-palad at magkaisa sa puso at loobin. Itinalaga mo na ang mag-asawang iyong pinagtali ay huwag kailanman paghiwalayin.Ama naming mapagmahal, ipinasya mo na ang pag-iisang dibdib ay maging banal na sakramento na siyang kababanaagan ng pag-iisang puso ni Kristo at ng kanyang banal na Sambayanan.

23

Page 24: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Ama naming mapagmalasakit, pinagbuklod mo ang lalaki at babae at niloob mong ang pag-iisang-dibdib ay huwag magapi ng kasalanang mana at huwag maglaho sa unang paggunaw sa sanlibutan.Magiliw mong tunghayan ang babaeng ito, ang iyong anak na naging kabuklod ngayon sa banal na tipan. Bilang pagtugon sa kanyang kahilingan, gawaran mo siya ng pagpapala ng pag-ibig at kapayapaan sa buhay. Matularan nawa niya ang mga banal na babae na ipinagkakapuri sa Banal na Kasulatan.Nawa'y pagtiwalaan siya ng kanyang asawa at ituring siyang kapantay at kapwa tagapagmana sa buhay na walang hanggan. Lagi nawa siyang igalang at mahalin tulad ng ginagawang pagmamalasakit ni Kristo sa banal niyang Sambayanan.Ama naming matapat, nawa'y sundin nilang lagi ang iyong kalooban. Nawa'y manatili silang tapat sa banal na tipan at maging katibayan nawa sila ng katapatan ni Kristo sa sanlibutan.Makintal nawa sa kanilang puso at diwa ang Banal na Aral. Lukuban nawa sila ng iyong Espiritu upang manatili silang masigla sa kanilang pagmamahalan. Gawin mo silang huwaran ng mga ipagkakaloob mong mga supling at nawa'y maipadama pa nila sa kanilang mga apo ang alab ng kanilang paglingap. Maging maligaya nawa sila sa lahat ng mga araw ng kanilang mahabang buhay, at sa wakas, Amang mapagkalinga, akayin mo sila sa buhay na walang katapusan sa pamamagitan

24

Page 25: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Panalangin ng KapayapaanPari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga

Apostol: "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ipinagkakaloob ko sa inyo." Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Lahat: At sumainyo rin.Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa.

(Pagkatapos ng pagbati ng kapayapaan, hahatiin ng Pari ang ostiya habang sinasabi:)

Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.

(Aawitin ang Kordero ng Diyos)

P. Tagapagbasa: Magsiluhod ang lahat.

25

Page 26: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Pari: Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo, ay huwag magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko. Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig, nawa'y aking matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

(Itataas ng Pari ang ostiya at ang kalis habang sinasabi:)

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan at Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Komunyon ng Bagong Kasal at ng Bayan

(Aawitin sa Komunyon ang Panunumpa)Ikaw lamang ang pangakong mahalinSa sumpang sa iyo magpakailan pa manYakapin mong bawat sandali, Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay….

Pag-aalis ng Belo at Kordon P. Tagapagbasa: Maari lamang pong lumapit sa altar sina JOHN

BRYAN LANDICHO at MERLISSA CONCEPCION upang alisin ang kordon kasunod sina GIOVANNI

26

Page 27: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

HERNANDEZ at ELAINE DEJUCOS upang alisin ang belo.

(Aalisin ang kordon at belo.)

Pari: Manalangin tayo. (Tumigil sandali)

Panginoon, dahil sa iyong pag-ibig, ibinigay mo sa amin ang Eukaristiyang ito upang pag-isahin kami sa isa't isa at sa iyo. Yayamang pinag-isa mo sina JAYR at ESTRIEL sa sakramento ng kasal at sa pakikinabang ng tinapay at alak, pag-isahin mo rin sila ngayon sa pag-ibig at paglilingkod sa isa't isa. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Katapusan ng Pagdiriwang Pari: JAYR at ESTRIEL, yayamang natanggap na ninyo

ang sakramento ng kasal, ang aking ipinagtatagubilin sa inyo ay maging tapat kayo sa isa't isa.ESTRIEL, ibigin mo ang iyong asawa at sikaping pangalagaan ang iyong mag-anak. Manatili sa pananampalataya, sa pag-ibig ng Diyos at sa kapwa, at magpakabanal.JAYR, mahalin mo ang iyong asawa tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Santa Iglesya. Sa inyong magkasamang pamumuhay, itanim sa iyong puso ang banal na pagkatakot sa Diyos.Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

27

Page 28: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

Pari: Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon sa kanyang mga pangungusap.

Lahat: Amen.Pari: Pag-isahin niya ang inyong mga puso sa buklod

ng dalisay na pag-ibig habang kayo'y nabubuhay.

Lahat: Amen.Pari: Nawa'y maging mapalad kayo sa inyong mga

anak at suklian nang makasandaan ang inyong pagmamahal sa kanila. Mamalagi ang kapayapaan ni Kristo sa inyong mga puso at mag-anak; magkaroon kayo ng mga kaibigang tutulong sa inyo sa hirap at ginhawa.

Lahat: Amen.Pari: Saklolohan ninyo at aliwin ang sa inyo ay

magmamakaawa. Tanggapin ninyo ang ipinangako ng Panginoon sa mga nagdadalang-awa.

Lahat: Amen.Pari: Nawa'y pagpalain ng Maykapal ang inyong mga

gawain at matamasa ang bunga ng inyong pinagpaguran. Sa inyong pagkabalisa sa kabuhayan ay huwag sana kayong maligalig at huwag padala sa malabis na paghahangad ng kayamanan. Sa halip ay laging sikaping makapag-impok ng kayamanang di lumilipas sa langit.

Lahat: Amen.Pari: Palawigin ng Diyos ang inyong buhay, upang

matamo ang masaganang bunga na dulot ng isang matuwid na pamumuhay at matapos na

28

Page 29: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

paglingkuran siya nang buong pag-ibig sa lupa ay makamit ninyo ang buhay na walang hanggan sa kabila, sa piling ng ating Amang nasa langit.

Lahat: Amen.Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos:

Ama, at Anak, at Espiritu Santo.Lahat: Amen.Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang

ang Panginoon at ang kapwa ay mahalin at paglingkuran.

Lahat: Salamat sa Diyos.

29

Page 30: unworthyofroses.files.wordpress.com · Web viewNawa’y itulot ng Espiritu Santo na maging malinis at maligaya ang inyong bagong buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong magiging

30