12
1 | Pahina

1 | P a h i n a

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1 | P a h i n a

1 | P a h i n a

Page 2: 1 | P a h i n a

2 | P a h i n a

Deskripsyon sa Asignatura (Komunikasyon at Pananliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino)

Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at

paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang

Pilipino.

Binabati kita sa iyong matagumpay na paglalakbay sa unang kwarter. Naging makabuluhan ang

ating pagtawid at pagsalubong sa kwarter na iyon.

Maligayang pagdating sa ating ikalawang kwarter sa semestreng ito. Matapos nating mabatid

ang mga konseptong pangwika, ngayon naman ihanda ninyo ang inyong puso’t isipan upang

alamin kung paano ginamit ang wika sa ating lipunan. Tara, samahan mo ako tuklasin. Handa

ka na ba?

Pangkalahatang Paalala Online assessment (on-board)

Synchronous (Day -2)

Asynchronous (Day 3-4/Pagsasanay)

1. Sa araw ng Lunes, Martes, at Biyernes ay ang ating SYNCHRONOUS SCHEDULE (on tayo

sa birtwal na klase) habang ang araw ng Miyerkules at Huwebes ay ASYNCHRONOUS

SCHEDULE naman (offline activities na makikita sa Quipper LMS o google classroom).

2. Narito ang meeting link na ating gagamitin sa klase para sa buong semestre na: (insert

meeting link).

Page 3: 1 | P a h i n a

3 | P a h i n a

3. Huwag kalimutang idownload ang downloadable PDF file na

makikita na inupload sa Quipper bilang sariling kopya ninyo sa

ating study guide. Basahin ito nang maaga upang maihanda

ang mga katanungang itatanong pagdating sa araw ng

birtuwal.

4. Sa pagpasok po ng

ating meeting

conference, siguraduhing nakasuot nang maayos at handang

matuto sa talakayan.

UNANG BAHAGI: ENGAGE

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,

kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino

Pamantayang Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at

pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

USJ-R SHS Priority Competency:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan

Synchronous Activity

Gawain blg. 1: Tanong Ko, Sagot Mo !

Lunes

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga papel na ginagampanan ng wika sa lipunan? 2. Bakit madalas ay hindi natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating

buhay? Sa paanong paraan napagbubuklod at napag-iisa ng wika ang isang lipunan? Ipaliwanag ang sagot.

IKATLONG BAHAGI: EXPLAIN

Page 4: 1 | P a h i n a

4 | P a h i n a

Synchronous Activity

Gawain blg. 2: Kaya Ninyo ‘To ! [ Kaalaman - 20pts ]

Martes

Ang klase ay hahatiin sa pitong pangkat.

-Unang Pangkat -Instrumental -Regulatoryo -Ikalawang Pangkat

-Intersiyonal -Personal

-Ikatlong Pangkat -Heuristiko -Impormatibo

-Ikaapat na Pangkat -Imahinatibo

-Ikalimang Pangkat -Pagpapahayag ng damdamin -Panghihikayat

-Ikaanim na Pangkat -Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan

-Paggamit bilang Sanggunian -Ikapitong Pangkat

-Paggamit ng kuro-kuro -Patalinghaga

Ang bawat pangkat ay mag-uusap sa ibinigay na link. Ang bawat pangkat ay magtalaga ng mga bilang 1-5/6 sa bawat miyembro.

1- Lider 2- Kalihim 3- Tagapagsaliksik 4- Tagapaggawa ng PPT 5- Tagapag-ulat 6- Tagapag-ulat

Mag-iisip ang bawat pangkat kung paano ang malikhaing paglalahad ng kanilang paksa.

Magsasaliksik at maghanda ng PPT para sa nakaatas na paksa para sa pagtatalakay sa kasunod na araw ( Martes ).

Bawat pangkat ay mayroong limang [ 5 ] minuto sa pagbabahagi ng kanilang paksa.

Page 5: 1 | P a h i n a

5 | P a h i n a

Pamantayan

Napakahusay (4)

Mahusay (3)

Mayroong Pagsisikap (2)`

Nangangailangan ng Pagsisikap (1)

Nilalaman at Kalidad ng Impormasyon at Ideya

Ang pag-uulat ay napakaimpormatibo at napakahalaga.

Ang pag-uulat ay mahalaga at nakapagbigay ng sapat na impormasyon.

Ang pag-uulat ay nakapagbigay ng iilang impormasyon at nagpapakita ng kaunting kahalagahan.

Ang pag-uulat ay di ganap na nakapagbigay ng impormasyon o kahalagahan.

Ang mga impormasyon at ideya ay napakaayos na naipakita.

Ang mga impormasyon at ideya ay maayos na naipakita.

Ang mga impormasyon at ideya ay di gaanong maayos na naipakita.

Ang mga impormasyon at ideya ay di maayos na naipakita.

Presentasyon

Ang boses ng nag-uulat ay lubos na naririnig. Napakalinaw at lubhang nauunawaan ang pagbigkas.

Ang boses ng nag-uulat ay naririnig. Malinaw at nauunawaan ang pagbigkas.

Ang boses ng nag-uulat ay medyo mahina at di gaanong naririnig kaya’t mahirap maunawaan ang mga salita. May iilang salita na mali ang pagkakabigkas.

Ang boses ng nag-uulat ay lubhang mahina at di talaga naririnig kaya’t mahirap maunawaan ang mga salita. Maraming salita na mali ang pagkakabigkas.

Estilo (Wastong Gamit ng Wika at Balarila)

Walang mali sa gamit ng wika at balarila.

May kaunting mali sa gamit ng wika at balarila.

Maraming mali sa gamit ng wika at balarila.

Lubhang maraming mali sa gamit ng wika at balarila.

Pagsunod sa Panuto

Lubos na nasunod ang panutong ibinigay.

Nasunod ang panutong ibinigay.

May pagkakataong hindi nasunod ang panutong ibinigay.

Maraming beses na hindi nasunod ang panutong ibinigay.

Tunghayan Natin !

Ang Wika at ang Lipunan

Page 6: 1 | P a h i n a

6 | P a h i n a

Tulad ng ating paghinga at paglakad, kadalasan ay hindi na natin napapansin ang

kahalagahan ng wika sa ating buhay. Marahil, dahil sa palagi na natin itong ginagamit.

Ngunit ang totoo ay hindi natin matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagkapwa.

Ito ay mahalagang instrumentong nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan. Ayon kay Durkheim

(1985), isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook.

Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay

namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat isa. Sinumang gumagamit n wika

upang makipagkapwa ay dapat nakaaalam ng wilkang ginagamit ng kanyang katalastasan.

Hindi sila magkakaunawaan kung hindi nila nababatid ang wikang ginagamit ng isa't isa.

Kaya, ang mga taong namumuhay sa isang lipunan at nakapag-uusap gamit ang isang

wikang kapwa nila nasasalita at nauunawaan ay mas nagkakasundo at nagkakaisa. Hindi

maikakaila na ang wika ay nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ito ang kanilang

identidad o pagkakakilanlan. Nagbibigay ito ng anyo sa diwa at saloobin n isang kultura.

Maintindihan at mapahahalagahan ang isang kultura sa tulong ng wika, hindi lamang ng

mga taong kasapi sa grupo ngunit maging ng mga tong hindi kabilang sa pangkat. Tinukoy

ng lingguwistang si W.P. Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language

and Social Behavior (1972). Ito ay ang sumusunod: (1) pagkilala sa estado ng damdamin at

pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; at (2) pagtukoy sa antas ng búhay sa

lipunan. Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng

paggamit ng wika na ikinaliba nila sa iba pang lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuo ng

Page 7: 1 | P a h i n a

7 | P a h i n a

sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na nagpapa'- tang kanyang pagkakaiba sa iba pang

tao. Bawat tao ay may sariling katangian, kakayahan, at kaalamang hindi maaaring katulad g

iba. Sadyang napakalaki ng gampanin ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagbibigkis sa mga

kasapi sa lipunan. Ito ang instrumento ng kanilang pagkakaunawaan; at ito ang simbolo ng

kanilang pagkakakilanlan.

Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito

ang kuwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang

wika ng mga kasáma niyang hayop sa gubat. Ang isang batang walang ugnayan sa ibang

tao ay mahihirapang matutong magsalita dahil wala naman siyang kausap. Maging ang

isang taong bagong lipat lang sa isang komunidad na may ibang wika, kung hindi ito

makikipag-ugnayan sa iba, ay hindi matututo ng ginagamit nilang wika. Kung gayun, ang

isang taong hindi nakikipag- ugnayan o nakikisalamuha sa isang komunidad ay hindi

matututong magsalita sa paraan kung paano nagsasalita ang mga naninirahan sa

komunidad na iyon. Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na

Page 8: 1 | P a h i n a

8 | P a h i n a

nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan.

Marami-rami na rin ang nagtangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa

gampanin nito sa ating búhay, isa na rito si M.A.K Halliday na naglahad sa pitong tungkulin

ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language

(Explorations in Language Study) (1973). Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K.

Halliday ay ang sumusunod:

1. Instrumental - Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng

tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham

sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na

nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.

2. Regulatoryo -Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal

ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang

partikular na lugar; direksiyon sa pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa pagsagot sa

pagsusulit; at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng

tungkuling regulatoryo.

3. Interaksiyonal - Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag- ugnayan ng

tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa

partikular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang

kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa.

4. Personal - Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-

kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at

journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

5. Heuristiko - Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng

impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasáma rito ang pag-

interbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-

aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan,

magasin, blog, at mga aklat kung saan nakakukuha táyo ng mga impormasyon.

6. Impormatibo -Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o

paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng

impormasyon sa parang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-

ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at pagtuturo.

Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng aim na paraan ng pagbabahagi ng wika.

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) - Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga

saloobin, damdamin, at emosyon.

Page 9: 1 | P a h i n a

9 | P a h i n a

2. Panghihikayat (Conative) -Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at

makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan n pag-uutos at pakiusap.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) - Ginagamit ang wika upang makipag-

ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) - Ipinakikita nito ang gamit ng wikang

nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang

magparating ng mensahe at impormasyon.

5. Paggamit ng kuro- kuro (Metalingual) -Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin

sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.

6. Patalinghaga (Poetic) - Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng

pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

Matapos unawain ang iba' ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa, maiiba na

ang pananaw natin sa wika. Hindi na natin ito titingnan bilang isang normal na bagay na

ginagamit sa araw-araw kung hindi isang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

Alamin Natin!

Gawain blg. 3: Manood Tayo ! Miyerkules at Huwebes

1. Panoorin ang pelikula na may pamagat na I Not Stupid Too.

IKALAWANG BAHAGI: EXPLORE

Page 10: 1 | P a h i n a

10 | P a h i n a

2. CD 1- https://www.youtube.com/watch?v=Zf8-iJ4VCGg CD 2- https://www.youtube.com/watch?v=pFVvO_nLTmQ

3. Maghanda para sa isang Q-Essay sa Quipper.

“ Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa pagkakaisa at

pagkakaunawaan”

IKALIMANG BAHAGI: EVALUATE

Gawain blg. 4: Sagutin Mo ! Biyernes

Unang Pasulit via Quipper- Summative Recorded [ Kaalaman ] 10/10pts

Ikalawang Pasulit Q-Essay- Summative Recorded [ Proseso ] 16/ 16pts

Page 11: 1 | P a h i n a

11 | P a h i n a

Gawain blg. 5: Ipaliwanag Mo ! Biyernes

1. Matapos mong mapanood ang I Not Stupid Too , isa sa mga matutunghayan doon ay kung paano ang mahirap na karanasan ng isang estudyante sa paaralan, ganoon din ang karanasan ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral, at ang responsibilidad bilang isang magulang. Batay sa iyong sariling pananaw, paano dapat gamitin ng mga artista, direktor, o mga mamamahayag sa telebisyon ang wika? Kailan kaya maituturing na mali o umaabuso ang kanilang paggamit sa wika? Ano-ano ang maaari mong imungkahi sa mga media

practitioner upang magamit nila sa tama ang wika ? Isulat ang iyong sagot sa Q-Essay via quipper.

PAMANTAYAN

4 Napakahusay

3 Mahusay

2 Katamtaman

1 Nangangailangan ng Pag-unlad

NILALAMAN

Malinaw na naitatag ang layunin, isyu at argument sa isang penomenang kultural at panlipunan. May lohikal at maayos na

paglalahad ng mga ideya.

Sapat na nailatag ang layunin, isyu at argument sa isang penomenang

kultural at panlipunan. Maayos ang pagkakalahad ng mga ideya.

Di-gaanong nailatag ang layunin, isyu at argument sa isang penomenang kultural at panlipunan. May iilang

kailangang isaayos sa paglalahad ng mga ideya.

Hindi nailatag ang layunin, isyu at argument sa isang penomenang kultural at panlipunan. Maraming

kailangang isaayos sa paglalahad ng mga ideya.

PARAAN NG PAGTATALAKAY

Makabuluhang daloy ng pagtatalakay na ginagabayan ng mga bahagi ng sulating

papel (introdusyon, katawan, at kongklusyon.) Gumamit ng mga

pamamaraan sa epektibong transisyon.

Maayos na daloy ng pagtatalakay na ginagabayan ng mga bahagi ng sulatin (introduksyon, katawan, kongklusyon).

Gumamit ng iilang pamamaraan sa transisyon.

Di-gaanong maayos ang daloy ng pagtatalakay na ginagabayan ng iilang bahagi ng pananaliksik. May kahinaan

ang pamamaraan sa transiyson.

Walang maayos a daloy ng pagtatalakay at hindi isinaalang-alang

ang mga bahagi ng sulatin. Tradisyunal ang pamamaraan ng

transisyon.

GAMIT NG WIKA

Nagagamit ang angkop na salita at maayos na pag-uugnay-ugnay ng mga

ideya. Malinaw at wasto ang pagbabantas at pagbabaybay.

Nagagamit ang angkop na salita ngunit hindi masyadong malinaw ang

pag-uugnay-ugnay ng mga ideya. May kaunting kamalian sa pagababantas at

pagbaybay.

Hindi masyadong nagagamit ang angkop na salita at hindi masyadong malinaw ang pag-uugnay-ugnay ng

mga ideya. Marami-rami ang kamalian sa pagbabantas at pagbabaybay.

Hindi nagagamit ang angkop na salita at hindi malinaw ang pag-uugnay-

ugnay ng mga ideya. Napakaraming mali ang pagbabantas at

pagbabaybay.

ORGANISASYON

Napakalinaw at lubhang nauunawaan ang ideya sa loob ng sanaysay.

Malinaw at nauunawaan ang ideya sa loob ng sanasay.

May kakulangan sa pagpapalinaw at mahirap unawain ang ideya sa loob ng

sanaysay.

Napakalabo at napakahirap unawain ang ideya sa loob ng sanaysay.

Magsaliksik tungkol sa “Mga Sitwasyong Pangwika”, ito ang susunod na paksang

ating tatalakayin. Sana’y naging makabuluhan ang inyong pag-aaral sa Modyul na

ito. Napaunlad pa nawa ng ating ikatlong paksa ang inyong kaalaman tungkol sa

Wika natin. Hanggang sa muli!

“Ang kakayahang makipag-ugnayan nang epektibo ay kailangang makamtan

upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan .”

Page 12: 1 | P a h i n a

12 | P a h i n a

Inihanda nina: Pinagtibay ni:

Gng. Janette Villanueva, LPT Bb. Analy N. Bacalucos, MAT, LPT

Bb. Altherza B. Banaria, LPT

G. Orchell Inigo, LPT

Bb. Winona Kate V. Raganas, LPT

G. Mark Anthony Satur , LPT