10 Tula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

poem

Citation preview

ANG BAGONG BAYANI

niRafael A. Pulmano

Nilisan ang bansa kapalit ng dolyarSingaporeang paslit ang inalagaanAng sariling anak, nalamnan ang tiyanGutom sa kalinga ng magulang naman.

Gurong naghahangad ng riyal na kitaNag-domestic helper sa Saudi ArabiaFour years nagtiyagang pakadalubhasaSa ibang lahi pa nagpapaalila.

Dating chief engineer sa sariling nasyonSa abroad nag-apply: karpentero-masonNoo'y naka-jacket sa lamig ng airconSa init ng araw ay sunog na ngayon.

Sawa na sa laging galunggong ang ulamNagsikap marating ang bansa ng sakangSariling katawan ang ikinalakalUmuwing mayaman, malamig na bangkay.

Nagtiis maglayo yaong bagong kasalUpang pag-ipunan ang kinabukasanMasakit na birong pag-uwi ng bahayNangulilang kabyak, may iba nang mahal.

Sila ang overseas contract workers natinMasipag, marangal, at mapangarapinKahit may panganib, ayaw magpapigilLegal o ilegal, bansa'y lilisanin.

Gobyernong kaylangan ang foreign currencyPassport, POEA at etceterang feeSaludung-saludo, labis ang papuriSa OFWs - ang Bagong Bayani.SUKLI SA KABAYANIHAN

niRafael A. Pulmano

Ulirang asawa at huwarang amaTrabaho sa araw, sa gabi pahingaLinggo, nasa bahay matapos magsimbaKuntento sa buhayna simple, masaya,at walang problema.

Batang pinalaking yupyop ng magulangSagana sa bait kapos man sa yamanPag-aaral, laro, eskwela, tirahanAng ginagalawangtahimik na mundong kawalang-malay.

Nag-abroad si misis, malaki ang sweldoAng mahal sa buhay, bigla ang asensoAng dating huwaran, di na nagtrabahoAt pera'y winaldassa pagpapasarap,araw-gabi, bisyo.

Sa sariling bahay, nang di na makitaNaglahong kalinga ng ama at inaAnak, nakasumpong ng maling pag-asaSa kinasadlakangmadilim na sulokng barkada't droga.

Tahanang winasak ng bigong pangarapAng tanging napala ng taong nagsikapSukli sa Bayani ng gobyernong palpakNa sa paglilingkod,pamumulitikaang inaatupag.

PAG-ASA NG BAYAN

niDeenah Macatiis

Dalaga, dala na, o merong asawaSa hirap ng buhay, hangad mo'y iisaIahon sa dusa ang abang pamilyaNag-abroad ka upangkumita ng lapadmaski na magputa.

Naging Japayuki at naging Mama-sanKumabit sa kahit na sinu-sinong SanNag-recruit ng kapwang sikmura'y nakalamWeather-weather lang yang,noon: sila bugaw,ngayon naman, ikaw.

Eh ano kung bugaw? Eh ano kung puta?Tao'y kanya-kanyang diskarte't dilhensyaAno'ng pipiliin? Maging terorista?Mangidnap-for-ransom?Mang-agaw ng cellphone?Mag-rally sa Edsa?

Saka meron pa bang ibang aasahanLiban sa sariling sikap at paraan?Hawak mo ang susi sa kinabukasanKaya nga Bayaniang turing sa iyong ating lipunan.

At habang abala sa kaban ng bayan,Press release, interbyu, debate, bangayanAng Kongres, Senado, at ang MalakanyangUmaasa kamisa iyong patuloyna monthly remittance.

ANG KAPAL

niRafael A. Pulmano

Ang kapal, ang kapal ng OFWKaydami na nilang nagkalat sa mundoSa ibayong dagat nagsasakripisyoNagpapakahirappara di maghirapang pamilya rito.

Ang kapal, ang kapal, ang dami ng taoSa mga shopping malls twing araw ng LinggoTitingin-tingin lang at nag-uusyosoAng naghihikahosna nakararamingayong Pilipino.

Ang kapal, ang kapal, ang haba ng pilaNg ibig pumasok sa pinto ng UltraSa tindi ng hirap ng masang gutom naPremyo sa Wowoweeang inaasintana tanging pag-asa.

Ang kapal, ang kapal, ang daming may gustoNa makapagsilbi sa ating gobyernoMaski kakarampot ang sahod na sweldoAy kataka-takangayaw nang umaliskapag napapwesto.

Ang kapal, ang kapal, ang dami ng bilangNg naniniwalang nandaya't nanggulangAng pekeng pangulong nasa MalakanyangAng kapal! Ang kapal!Ang kapal! Ang kapal!Talagang ang kapal!HELLO

niRafael A. Pulmano

Trabaho'y maghapon sa init ng SaudiKaulayaw ko ay beer sa lamig ng gabiAt pag may tama na, sa 'kingkaraokeAawit ng "HELLO" ala-Lionel Richie.

"HELLO!" Oh kay tamis ng ganyang katagaSa isang tulad kong nasa ibang bansaMusika sa puso ang "HELLO" ng kapwaMapa-Pilipino o mapa-banyaga.

"HELLO!" ng pagbati, maski ng artistaSa stage show, sa T.V., o sa pelikulaPinananabikan ang hatid na sayaMula sa kapuso at sa kapamilya.

Ang "HELLO" ay lalong matamis ang tunogKung buhat sa iyo, Mahal, Sinta, IrogSa overseas calls ko, sa t'wi kang sasagotTanggal ang hilo ko sa puyat at pagod.

Subalit ang "HELLO" na hindi ko gustoAy ang "HELLO, GARCI..." mula kay Ate GloAt "I AM SORRY" nyang di naman totooSobra naman yata tayong ginagago.IBA TALAGA SA ABROAD

niRafael A. Pulmano

ARAY KO! Tingnan n'yo, ang buhay nga namanIyang pag-a-abroad ay sadyang iba rawAng tatay kong dati'y magsasaka lamangBiglang naging "farmer" pagdating sa Saipan!

Bukod sa Ingles na ang kanyang salitaAt dollar ang sahod sa ibayong lupaSiya rin ay isang dakilang alila,Alipin, utusan, tsimoy na kawawa!

Kaya lang, kaymalas po naming talagaKapalaran kaya'y kailan gaganda?Sa amin, si Tatay, laging walang pera,Pagdating sa Saipan, butas rin ang bulsa!

Naibenta niya ang aming kalabawNaisanla na rin ang lupa at bahayNakapangutang pa sa mga kaybiganPara sa recruiter ay may mailagay.

Sabi n'ya kay Nanay, konting tiis munaDarating din sa 'ming buhay ang ginhawaUnang s'weldo lang daw, pag nag-remit siya,Pambayad sa utang ay sobra-sobra pa.

Isang buwang kayod sa gitna ng initHindi alintana ang pagod, ang homesickDumating ang pay day, tatay ko'y nasabit...Dollar ay sa night club lahat napa-remit!

After almost one year, ang tatay ko ngayon,Finished contract nguni't wala ring naiponSiya ay uuwing suot na pantalonAy yun pa rin dating kupasin n'yang maong!

AKO AY PILIPINO

niRafael A. Pulmano

PILIPINO akong may sariling dangalDi kayang tumbasan ng lapad at dolyarAt saan mang dako ng sandaigdigan,Karangalang ito'y handang ipaglaban.

Pilipino akong ang ngalan at puriDi mababayaran ng ginto't salapiMag-abroad man ako't ang aking kalahiPangalang malinis ay nananatili.

May nangagsasabing pagdating sa pera,Merong nagbibili ng kanyang kalul'waAng paniwala ko, Pilipino'y ibaHanggang sa isang club minsa'y napapunta.

Ako ay namula, nangitim, nanilaw...Pagkat nakita ko (dito pa sa Japan!)Ang kababata ko't kalaro nu'ng araw -Nagsasayaw siyang hubo't hubaVALENTINE'S CARD

niRafael A. Pulmano

Ang kaibigan ko minsan ay nagpa-dropSa gift shop, bibili raw ng Valentine's CardPara daw sa kanyang mahal na kabiyakNa iniwan niya do'n sa Pilipinas.

Sabi ko, ang ganyang lalaki'y bihiraMatapat sa kanyang binitiwang sumpaMarami kasi d'yan, pag nangibang-bansaKahit may asawa ay buhay-binata.

Sa dinami-rami ng card na naroon,Ang napili niya'y yung may dedicationNa mensahe'y sadyang pangkilig-to-the-bones..."To My One And Only, My Love, My Devotion!"

At siya'y bumili ng isang dosenaAng isa ay para sa kanyang asawaAng iba ay para sa taga-Lucena,Cavite, Batangas, Aklan, at iba pa...MAGALING ANG PINOY

niRafael A. Pulmano

Sa galing at sipag, Pilipino'y kampeonMaabilidad na, nuno pa ng dunongSa sariling bayan at ibayong nasyonMataas ang tingin sa lahi ng Pinoy!

Sa alin mang bansang merong PilipinoPustahan - meron ding Pinoy na obreroDoktor, nars, accountant, teacher, inhinyeroDriver, baby sitter, cook, housemaid, G.R.O.

At saka ang Pinoy, saan man mapunta,Hindi lang talino at sipag ang dalaKundi pati na rin sariling kulturaAt bisyong pangontra sa pangungulila.

Anupa't maski na sa bansang AraboNa maraming bawal, batas ay istrikto,Uso tong-its, madyong, jueteng, sabong, shabu,Ending at jai-a-lai...Pasimuno'y sino?

HANGGANG EDSA NA LANG

niRafael A. Pulmano

Mula sa probinsya, lumuwas, nag-apply,Pumila, umasa, naghintay, nagdasalNakuha sa tyaga, nadala sa lagaySa wakas! Natuloy mag-abroad si Juan.

At napabilang sya sa napakaramiNa ang tawag "kuno" ay Bagong BayaniBayaning sa airport pa lang ng host country Suspect na ang turing; ang hinala: guilty.

IMMIGRATION: Baka passport, visa - peke!CUSTOMS: Baka merong shabu sa bagahe!Mabusising tanong, inspeksyong maigiEh kasi, eh kasi - Pilipino kasi!

Tiwala ng mundo'y maramot sa atinKelan tayo tunay na rerespetuhin?Sa Edsa lang yata tayo magagaling...Aray ko! Oh Lahing Kayumanggi, Gising