15
208 MAYO 2019 19. Mga Tungkulin sa Simbahan Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagtawag at pag-release ng mga miyem- bro na naglilingkod sa Simbahan. Ang Chart ng mga Tungkulin sa pahina 159–66 ay naglilista ng mga piling tungkulin at tinutukoy kung sino ang magrerekomenda sa isang tao, sino ang nag-aapruba ng rekomendasyon, sino ang sumasang-ayon sa tao, at sino ang tumatawag at nagtatalaga sa tao. Ang mga tungkulin sa chart ay pinupunan ayon sa pangangailangan at sa mga miyembrong maaaring gumanap dito. 19.1 Pagtukoy sa Taong Tatawagin 19.1.1 Mga Pangkalahatang Tuntunin Ang tao ay kinakailangang tawagin ng Diyos na maglingkod sa Simbahan (tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5). Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu sa pagpapasiya kung sino ang tatawagin. Isinasaalang-alang nila ang pagkamarapat na kailangan para sa tungku- lin. Isinasaalang-alang din nila ang sitwasyon ng miyembro o ng kanyang pamilya. Bawat tungkulin ay dapat maging kapaki-pakinabang sa mga taong pinaglilingkuran, sa miyembro, at sa pamilya ng miyembro. Bagama’t ang paglilingkod sa mga tungkulin sa Simbahan ay nangangailangan ng sakripisyo, hindi nito dapat ikompromiso ang kakayahan ng isang miyembro na gampanan ang kanyang mga respon- sibilidad sa pamilya at sa trabaho (tingnan ang 17.2.1). Bago tawagin ang isang tao na may asawa na sa isang tungkulin na gumugugol ng maraming oras, iniisip muna ng mga lider ng Simbahan ang epekto ng pagtawag sa kanyang kasal at pamilya. Kung maaari, ang mga miyembro ay tinatawag na maglingkod sa iisang tungkulin lamang, bukod pa sa paglilingkod bilang ministering brother o sister. Pinananatili ng lider na kompidensyal ang impor- masyon tungkol sa panukalang pagtawag at pag-release. Tanging sa mga tao lamang na nanga- ngailangan makaalam, kagaya ng isang auxiliary president na namamahala sa taong ito, ipinapa- alam ito bago iharap ang isang tao para sa boto ng pagsang-ayon. Hindi ipinaaalam sa isang tao na isinasaalang-alang para sa isang tungkulin ang pagsasaalang-alang na ito hanggang sa ibigay sa kanya ang tungkulin. Kapag ang isang tungkulin ay ibibigay ng o sa ilalim ng pamamahala ng stake president, dapat na kumonsulta muna sa bishop ang stake president upang malaman ang pagkamarapat ng miyembro at ang sitwasyon sa pamilya, trabaho, at paglilingkod sa Simbahan ng miyembrong ito. Pagkatapos ay hinihiling ng panguluhan ng stake sa high coun- cil na sang-ayunan ang desisyon na tawagin ang miyembro, kung kinakailangan ayon sa Chart ng mga Tungkulin. Kapag ang isang kabataang lalaki o kabataang babae ay tatawagin sa isang tungkulin sa Simbahan, ang isang miyembro ng bishopric ay humihingi ng pahintulot mula sa mga magulang o tagapag-alaga bago ibigay ang tungkulin. Ang mga lider ay maaari lamang magbigay ng tungkulin sa Simbahan kapag (1) ang membership record ng tao ay nasa ward at buong ingat na sinuri ng bishop o kaya’y (2) nakontak na ng bishop ang dating bishop ng taong ito upang malaman kung ang miyembro ay karapat-dapat sa tungkulin at para mapagtibay na ang kanyang membership record ay walang kasamang anotasyon o komento tungkol sa hindi nalutas na pagdisiplina sa Simbahan.

19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

208 MAYO 2019

19.

Mga Tungkulin sa SimbahanAng kabanatang ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagtawag at pag- release ng mga miyem-bro na naglilingkod sa Simbahan. Ang Chart ng mga Tungkulin sa pahina 159–66 ay naglilista ng mga piling tungkulin at tinutukoy kung sino ang magrerekomenda sa isang tao, sino ang nag- aapruba ng rekomendasyon, sino ang sumasang- ayon sa tao, at sino ang tumatawag at nagtatalaga sa tao. Ang mga tungkulin sa chart ay pinupunan ayon sa pangangailangan at sa mga miyembrong maaaring gumanap dito.

19.1

Pagtukoy sa Taong Tatawagin

19.1.1

Mga Pangkalahatang TuntuninAng tao ay kinakailangang tawagin ng Diyos na maglingkod sa Simbahan (tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5). Hinahangad ng mga lider ang patnubay ng Espiritu sa pagpapasiya kung sino ang tatawagin. Isinasaalang- alang nila ang pagkamarapat na kailangan para sa tungku-lin. Isinasaalang- alang din nila ang sitwasyon ng miyembro o ng kanyang pamilya. Bawat tungkulin ay dapat maging kapaki- pakinabang sa mga taong pinaglilingkuran, sa miyembro, at sa pamilya ng miyembro.

Bagama’t ang paglilingkod sa mga tungkulin sa Simbahan ay nangangailangan ng sakripisyo, hindi nito dapat ikompromiso ang kakayahan ng isang miyembro na gampanan ang kanyang mga respon-sibilidad sa pamilya at sa trabaho (tingnan ang 17.2.1). Bago tawagin ang isang tao na may asawa na sa isang tungkulin na gumugugol ng maraming oras, iniisip muna ng mga lider ng Simbahan ang epekto ng pagtawag sa kanyang kasal at pamilya.

Kung maaari, ang mga miyembro ay tinatawag na maglingkod sa iisang tungkulin lamang, bukod pa sa paglilingkod bilang ministering brother o sister.

Pinananatili ng lider na kompidensyal ang impor-masyon tungkol sa panukalang pagtawag at pag- release. Tanging sa mga tao lamang na nanga-ngailangan makaalam, kagaya ng isang auxiliary president na namamahala sa taong ito, ipinapa-alam ito bago iharap ang isang tao para sa boto ng pagsang- ayon. Hindi ipinaaalam sa isang tao na isinasaalang- alang para sa isang tungkulin ang pagsasaalang- alang na ito hanggang sa ibigay sa kanya ang tungkulin.

Kapag ang isang tungkulin ay ibibigay ng o sa ilalim ng pamamahala ng stake president, dapat na kumonsulta muna sa bishop ang stake president upang malaman ang pagkamarapat ng miyembro at ang sitwasyon sa pamilya, trabaho, at paglilingkod sa Simbahan ng miyembrong ito. Pagkatapos ay hinihiling ng panguluhan ng stake sa high coun-cil na sang- ayunan ang desisyon na tawagin ang miyembro, kung kinakailangan ayon sa Chart ng mga Tungkulin.

Kapag ang isang kabataang lalaki o kabataang babae ay tatawagin sa isang tungkulin sa Simbahan, ang isang miyembro ng bishopric ay humihingi ng pahintulot mula sa mga magulang o tagapag- alaga bago ibigay ang tungkulin.

Ang mga lider ay maaari lamang magbigay ng tungkulin sa Simbahan kapag (1) ang membership record ng tao ay nasa ward at buong ingat na sinuri ng bishop o kaya’y (2) nakontak na ng bishop ang dating bishop ng taong ito upang malaman kung ang miyembro ay karapat- dapat sa tungkulin at para mapagtibay na ang kanyang membership record ay walang kasamang anotasyon o komento tungkol sa hindi nalutas na pagdisiplina sa Simbahan.

Page 2: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

209

19. MGA TUnGKULIn SA SIMBAHAn

MAYO 2019

Ang mga bagong miyembro ay dapat mabigyan ng angkop na tungkulin o iba pang responsibilidad na maglingkod kaagad. Ang ilang bagong miyembro ay maaaring handa na upang tumanggap ng tung-kulin matapos silang mabinyagan at makumpirma. Maaaring kailangan ng iba na tumanggap muna ng mga simpleng gawain na makatutulong sa kanila na maghandang tumanggap ng tungkulin. Ang isang miyembro ng bishopric ay iniinterbyu muna ang mga bagong binyag na miyembro bago sila tawagin na magturo sa mga bata o kabataan.

Maaaring tumawag ng mga taong hindi miyembro ng Simbahan sa ilang tungkulin, tulad ng organist, music director, at assistant Scout leader. Gayunman, sila ay hindi tinatawag sa mga katungkulan sa pag-tuturo o pang- administratibo o bilang mga Primary music leader. Ang pagpapahintulot na tumawag ng mga hindi miyembro ay hindi angkop sa mga itini-walag na miyembro, na hindi maaaring magkaroon ng anumang tungkulin.

19.1.2

Rekomendasyon at Pahintulot para sa mga TungkulinAng Chart ng mga Tungkulin ay nagbibigay kaala-man sa kung sino ang maaaring magbigay ng mga rekomendasyon para sa bawat tungkulin at sino ang nag- aapruba nito. Sa ilang pagkakataon, ang mga lider ng priesthood at auxiliary ay hinihilingang magbigay ng rekomendasyon sa panguluhan ng kanilang stake o bishopric. Dapat nilang ituring ang responsibilidad na ito nang may mapanalanging puso, batid na sila ay makatatanggap ng patnu-bay mula sa Panginoon tungkol sa kung sino ang irerekomenda. Gayunman, dapat nilang tandaan na ang may huling responsibilidad na tumanggap ng inspirasyon sa kung sino ang tatawagin ay ang panguluhan ng stake o ang bishopric.

Dapat masusing suriin ng mga stake president at bishop ang bawat rekomendasyon, na iniisip na ito ay mapanalangin nang isinaalang- alang. Kung

kinakailangan, maaari silang humiling ng isa pang rekomendasyon.

19.1.3

Mga Tungkulin sa StakeAng stake president ang namamahala sa mga tung-kulin ng mga miyembro na naglilingkod sa karami-han sa mga posisyon sa stake, tulad ng makikita sa Chart ng mga Tungkulin.

19.1.4

Mga Tungkulin sa WardNagrerekomenda ang panguluhan ng stake ng mga miyembro na tatawagin o ire- release bilang mga bishop (tingnan sa 19.6). Pinangangasiwaan din ng stake president ang pagtawag sa mga tagapayo sa bishopric, ward clerk, mga assistant ward clerk, at mga ward executive secretary. Ang bishop ang namamahala sa iba pang mga tungkulin sa ward, tulad ng makikita sa Chart ng mga Tungkulin.

19.1.5

Mga Tungkulin sa Elders QuorumAng stake president ang namamahala sa pagtawag sa mga elders quorum president at kanilang mga tagapayo, gaya ng ipinapakita sa Chart ng mga Tungkulin.

Ang elders quorum president ang namamahala sa pagtawag sa mga quorum secretary at tagapagturo. Kailangan ang pahintulot ng bishop bago tumawag ng mga miyembro sa mga katungkulang ito.

19.2

Pagbigay ng TungkulinIbinalangkas sa Chart ng mga Tungkulin kung sino ang maaaring magbigay ng bawat tungkulin. Matapos makatanggap ng pahintulot na kailangan, magsasagawa ang isang awtorisadong lider ng

Page 3: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

210 MAYO 2019

personal na interbyu upang malaman ang katapatan at kagustuhang maglingkod ng isang miyembro. Kung handa na ang miyembro, ang lider ay nagbi-bigay ng tungkulin. Inaanyayahan ng mga lider ang asawa ng mga may asawa na dumalo at magbigay ng suporta kapag ibinigay ang tungkulin.

Ipinaliliwanag ng isang lider na nagbibigay ng tungkulin sa Simbahan ang layunin nito, kahala-gahan nito, at responsibilidad dito. Hinihikayat niya ang miyembro na hangarin ang Espiritu ng Panginoon sa pagganap sa tungkulin. Sinasabi niya sa miyembro ang pangalan ng tao na kung kanino siya ay may direktang pananagutan at binibigyang- diin ang pangangailangan na suportahan ang mga lider. Kung kinakailangan, ipinaaalam niya ang mga pulong na dapat daluhan ng miyembro at inilalara-wan ang anumang sanggunian na maaaring gamitin. Maaari niyang tukuyin ang mga espesyal na mga alalahanin o hamon ng tungkulin at anyayahan ang miyembro na magtanong tungkol dito.

Tinitiyak ng mga lider na ang pamamaraan kung paano nila ibinibigay ang tungkulin ay naaayon sa kasagraduhan nito. Ang mga tungkulin ay dapat ibi-gay sa marangal at pormal na paraan, hindi sa isang karaniwan o kaswal na tagpo o pamamaraan.

19.3

Pagsang- ayon sa mga Miyembro sa mga Tungkulin sa SimbahanAng mga miyembro na tinawag na maglingkod sa halos lahat ng katungkulan sa Simbahan ay dapat tumanggap ng boto ng pagsang- ayon bago nila simulan ang kanilang paglilingkod. Nakasaad sa Chart ng mga Tungkulin kung kailangan ang boto ng pagsang- ayon, at kung sino ang magbibigay nito. Ang lider na namahala sa pagbigay ng tungku-lin, o isang opisyal sa priesthood na binigyan niya ng awtorisasyon, ay inihaharap ang isang tao sa kongre gasyon para sa boto ng pagsang- ayon.

Ang taong nangangasiwa sa pagsang- ayon ay unang inihahayag kung sino ang na- release mula sa posis-yon at hinihiling sa mga miyembro na magpakita ng pasasalamat para sa paglilingkod ng taong ito (tingnan sa 19.5 para sa iminungkahing wika).

Kapag inihaharap ang isang tao para sa boto ng pagsang- ayon, hinihiling ng awtorisadong opisyal ng priesthood na tumayo ang taong ito. Maaaring sabihin ng opisyal:

“ Si [Pangalan] ay tinawag na maglingkod bilang [posisyon], at iminumungkahi namin na siya ay sang- ayunan. Ang pagsang- ayon ay maaaring ipakita sa pagtataas ng kanang kamay. [Huminto sandali upang makita ang boto ng pagsang- ayon.] Ang mga hindi sang- ayon, kung mayroon, ay ipakita lamang. [Huminto sandali upang makita ang mga boto na hindi sang- ayon, kung mayroon man.]”

Ang taong inihaharap ay dapat makibahagi sa boto ng pagsang- ayon. Kung mahigit sa isang tao ang ini-haharap, sila ay karaniwang sinasang- ayunan bilang isang grupo.

Kung ang isang miyembro na may mabuting katayu-an ay nagbibigay ng hindi pagsang- ayon kapag may iniharap upang sang- ayunan, ang namumunong opisyal o iba pang naatasang opisyal ng priesthood ay nakikipagkita sa miyembro nang sarilinan pag-katapos ng pulong. Ang opisyal ang nagpapasiya kung ang hindi pagsang- ayon na boto ay batay sa kaalaman na ang taong iniharap ay nakagawa ng isang bagay na dapat mag- alis sa kanya sa kanyang paglilingkuran na posisyon. Hindi na kailangang isaalang- alang ang mga hindi sang- ayon na pagboto mula sa mga hindi miyembro.

Kapag, bilang eksepsiyon, kailangang simulan ng mga bagong lider ng stake ang kanilang pagliling-kod bago ang susunod na stake conference o stake general priesthood meeting kung saan sila ay kara-niwang sinasang- ayunan, sila ay dapat sang- ayunan sa sacrament meeting ng mga ward at branch ng stake. Hindi ito dapat gawin hangga’t maaari. Ang

Page 4: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

211

19. MGA TUnGKULIn SA SIMBAHAn

MAYO 2019

mga miyembro ng panguluhan ng stake o high council ang nangangasiwa sa pagsang- ayon.

19.4

Pagtatalaga sa mga Lider at GuroAng mga miyembro na tinatawag sa halos lahat ng tungkulin sa Simbahan ay itinatalaga o sineset- apart bago nila simulan ang kanilang paglilingkod. Naka-balangkas sa Chart ng mga Tungkulin ang mga taong may awtoridad na magsagawa ng pagtatalaga. Ang mga pangulo ay itinatalaga bago ang kanilang mga tagapayo.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng namumunong awtori-dad, isa o mahigit pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ay maaaring makilahok sa isang pagta-talaga, kabilang na ang isang karapat- dapat na ama o asawa (tingnan sa 20.1.2). Ang mga taong ito ay magaang ipinapatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng tao. Pagkatapos, ang mayhawak ng priest-hood na gumaganap bilang tagapagsalita ay:

1. Tinatawag ang tao sa kanyang buong pangalan.

2. Sinasabi na kumikilos siya sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.

3. Itinatalaga ang tao sa tamang katungkulan sa stake, ward, korum, o klase.

4. Nagkakaloob ng mga susi kung ang tao ay may karapatang tanggapin ang mga ito. (Sa mga stake at ward, tanging ang mga stake president, bishop, at mga pangulo ng korum lamang ang tumatanggap ng mga susi ng panguluhan kapag sila ay itinatalaga. Ang mga salitang mga susi ay hindi dapat gamitin sa pagtatalaga ng mga tagapayo, high councilor, mga pangulo ng mga auxiliary organization, mga assistant ng bishop sa priests quorum, o mga guro sa mga organisasyon.)

5. Nagbibigay ng basbas ayon sa idinidikta ng Espiritu.

6. Nagtatapos sa pangalan ni Jesucristo.

Ang pagtatalaga ay isang pagkakataon na magbigay ng basbas. Karaniwang nagbibigay ng mga detalya-dong payo at tagubilin kapag itinuturo sa isang tao ang kanyang mga tungkulin sa halip na sa oras ng pagtatalaga.

Ang pagtatalaga ay hindi dapat palakihin at gawing isang pormal na pulong. Hindi kinakailangan na magkaroon ng mga panalangin, patotoo, o tagubi-lin kapag itinalaga ang isang tao.

19.5

Pag- release ng mga Miyembro mula sa mga Tungkulin sa SimbahanAng pag- release sa mga tungkulin sa Simbahan ay dapat dumarating sa pamamagitan ng inspirasyon, maliban kapag ang mga pagbabago sa tirahan ng isang tao ay nagbibigay ng pangangailangan sa pag- release o kapag ang isang tungkulin ay ginagampa-nan lamang sa loob ng isang tinukoy na panahon, tulad ng paglilingkod bilang full- time missionary.

Ang pag- release mula sa mga tungkulin sa Sim-bahan ay ginagawa ng may kaparehong antas ng awtoridad na nagbigay ng tungkulin. Upang mag- release, ang isang awtorisadong lider ay nakikipag-kita nang personal sa miyembro, ipinapaalam sa kanya ang magaganap na pag- release, at nagpapa-hayag ng pasasalamat sa paglilingkod. Hinihiling din ng mga lider sa taong ito na ibalik ang anumang kasalukuyang ginagamit na materyal upang maibi-gay ito sa hahalili sa kanya. Tanging sa mga taong dapat makaalam lamang ipinaaalam ang isang pag- release bago ihayag sa publiko.

Ang kongregasyon na sumang- ayon sa isang tao ang nagbibigay ng pagpapahayag ng pasasalamat kapag na- release na ang taong ito. Maaaring sabihin ng isang awtorisadong opisyal ng priesthood:

“Si [pangalan] ay na- release bilang [posisyon], at iminumungkahi namin na bigyan siya ng pagpapa-hayag ng pasasalamat para sa kanyang paglilingkod.

Page 5: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

212 MAYO 2019

Ang mga nais ipakita ang kanilang pasasalamat ay maaaring ipakita sa pagtataas ng kanang kamay.” Hindi humihingi ng boto ng hindi pagsang- ayon.

Kapag na- release ang isang pangulo o bishop, ang mga tagapayo ay awtomatikong nare- release na rin. Ang iba pa na may tungkulin sa organisasyon, tulad ng mga clerk, secretary, at guro, ay hindi awtomati-kong nare- release.

19.6

Pagtawag, Pag- oorden, at Pagtatalaga sa mga BishopAng panguluhan ng stake ang nagrerekomenda sa mga taong tatawagin o ire- release bilang bishop. Ang mga tagubilin ay nasa Recommendation for New Bishop form. Ang form na ito ay makukuha online sa mga unit na gumagamit ng mga software sa pagtatabi ng mga talaan ng Simbahan. Sa ibang mga unit, makukuha ang mga ito mula sa nakatala-gang administrative office.

Kapag nagrerekomenda ng isang tao na maglingkod bilang bishop, maingat na isinasaalang- alang ng panguluhan ng stake ang mga alituntuning itinakda sa I Kay Timoteo 3:2–7. Hindi naangkop na lumi-kom ng rekomendasyon o magsagawa ng survey sa mga miyembro ng ward pagdating sa kung sino ang isasaalang- alang na tawagin upang maglingkod bilang bishop.

Bago mainterbyu, matawag, maorden, o maitalaga ang isang bagong bishop, ang kanyang rekomen-dasyon ay kailangan munang aprubahan ng Unang Panguluhan. Ibibigay ng stake president ang tung-kulin matapos niyang matanggap ang nakasulat na pahintulot mula sa Unang Panguluhan. Sa pahintu-lot na ito, ang stake president ay maaari ding orde-nan at italaga ang bishop matapos magbigay ang mga miyembro ng ward ng boto ng pagsang- ayon.

Ang pagsang- ayon ng Unang Panguluhan ay kina-kailangan din bago mag- release ng bishop ang stake president. Hindi maaaring iatas ng stake president ang mga responsibilidad na ito sa isang tagapayo.

Kung hindi isang high priest ang isang taong tina-wag bilang bishop, tinitiyak ng stake president na siya ay naordenahan bilang isang high priest bago siya ordenahan bilang bishop. Kung ang miyembro ay naordenahan na bilang bishop noon, kailangan na lang siyang italaga bilang bishop ng ward.

Matapos aprubahan ng Unang Panguluhan ang rekomendasyon sa isang tao na maglingkod bilang bishop, pinahihintulutan nila ang stake president, Area Seventy, o General Authority na iorden at italaga ang taong ito. Ang awtorisadong opisyal ng priesthood ay:

1. Tinatawag ang tao sa kanyang buong pangalan.

2. Sinasabi na kumikilos siya sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood.

3. Inoorden ang tao bilang bishop (maliban kung siya ay dati nang inordenan).

4. Itinatalaga siya na mamuno sa ward at maging pangulo ng Aaronic Priesthood at ng priests quorum, na binibigyang- diin ang kanyang mga responsibilidad sa Aaronic Priesthood at young women sa ward.

5. Iginagawad sa kanya ang lahat ng susi, karapatan, kapangyarihan, at awtoridad ng katungkulan ng bishop, na tumutukoy lalo na sa tungkulin ng bishop bilang isang hukom sa Israel at bilang namumunong high priest sa ward.

6. Nagbibigay ng basbas ayon sa idinidikta ng Espiritu.

7. Nagtatapos sa pangalan ni Jesucristo.

Page 6: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

213

19. MGA TUnGKULIn SA SIMBAHAn

MAYO 2019

Chart ng mga Tungkulin

Mga Tungkulin sa StakeAng sumusunod na chart ay naglalaman ng listahan ng mga piling tungkulin sa stake. Para sa iba pang mga tungkulin at pagkakataong maglingkod, tingnan ang indibiduwal na mga kabanata sa hanbuk na ito. Ang mga tungkulin ay pinupunan ayon sa pangangailangan at sa mga miyembrong maaaring gumanap dito.

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng1

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Stake president Isang itinalagang General Authority o Area Seventy

Isang itinalagang General Authority o Area Seventy

Mga miyembro sa stake conference

Isang itinalagang General Authority o Area Seventy

Mga tagapayo sa panguluhan ng stake

Stake president Isang itinalagang General Authority o Area Seventy, o nakasulat na paba-tid mula sa Unang Panguluhan

Mga miyembro sa stake conference o stake general priest-hood meeting

Isang itinalagang General Authority o Area Seventy, o ng stake president na may nakasulat na pahintulot mula sa Unang Panguluhan

Stake clerk Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference o stake general priest-hood meeting

Stake president

Mga assistant stake clerk

Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference o stake general priest-hood meeting

Stake president o isang inatasang tagapayo

Stake executive secretary

Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference o stake general priest-hood meeting

Stake president o isang inatasang tagapayo

Mga high councilor Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference o stake general priest-hood meeting

Stake president o isang inatasang tagapayo

Stake patriarch Panguluhan ng stake Korum ng Labindalawa

Mga miyembro sa stake conference o stake general priest-hood meeting

Miyembro ng Unang Panguluhan o Labindalawa, o stake president na may nakasulat na pahin-tulot mula sa Korum ng Labindalawa

Stake patriarch na naordenahan na ngunit lumipat sa isa pang stake

Panguluhan ng stake kung saan siya lumipat

Korum ng Labindalawa

Mga miyembro sa stake conference o stake general priest-hood meeting

Hindi inoorden o itinatalaga upang makapagsimula ng paglilingkod sa bagong stake

Page 7: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

214 MAYO 2019

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng1

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Mga stake auxiliary president (Young Men, Relief Socie-ty, Young Women, Primary, at Sun-day School)

Panguluhan ng stake (sa pagsangguni sa naatasang high councilor)

Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference

Stake president o isang inatasang tagapayo

Tagapayo sa mga panguluhan ng auxi-liary sa stake, mga secretary, at iba pang mga lider ng auxiliary

Pangulo ng auxiliary sa stake (sa pagsang-guni sa naatasang high councilor)

Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference

Stake president o isang inatasang tagapayo o high councilor

Stake physical faci-lities representative (high councilor)

Iniaatas ng panguluhan ng stake; hindi tinatawag, sinasang- ayunan, o itinatalaga.

Stake activities com-mittee chairman (high councilor)

Iniaatas ng panguluhan ng stake; hindi tinatawag, sinasang- ayunan, o itinatalaga.

Temple at family history consultant at (mga) assistant consultant

Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference

Stake president o isang inatasang tagapayo o high councilor

Stake music chairman Stake music adviser (high councilor)

Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference

Stake president o isang inatasang tagapayo o high councilor

Mga stake auditor Chairman ng stake audit committee (tagapayo sa pangu-luhan ng stake)

Panguluhan ng stake at high council

Hindi sinasang- ayunan

Stake president o isang inatasang tagapayo2

Mga stake welfare specialist (kasama ang stake employment specialist)

Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Hindi sinasang- ayunan

Stake president o ng isang inatasang tagapayo o high councilor2

Mga guro at supervi-sor sa stake seminary at institute

Bishop (maaaring sumangguni sa mga tauhan ng seminary at institute)

Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro sa stake conference

Stake president o isang inatasang tagapayo o high councilor

1 Kapag, bilang eksepsyon, kailangang simulan ng mga bagong lider ng stake ang kanilang paglilingkod bago ang susunod na stake conference o stake general priesthood meeting kung saan sila ay karaniwang sinasang- ayunan, sila ay dapat sang- ayunan sa sacrament meeting ng mga ward at branch ng stake. (ting-nan sa 19.3).

2 Ang stake president ang nagpapasiya kung ang mga miyembro na tinawag na maglingkod sa mga tungkuling ito ay dapat italaga.

Mga Tungkulin sa Stake (karugtong)

Page 8: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

215

19. MGA TUnGKULIn SA SIMBAHAn

MAYO 2019

Mga Tungkulin sa Melchizedek Priesthood

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Panguluhan ng korum ng mga stake high priest (pangulu-han ng stake)

Tingnan ang “Mga Tungkulin sa Stake,” pahina 159.

Elders quorum president

Panguluhan ng stake (sa pagsangguni sa bishop)

Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng korum

Stake president

Mga tagapayo sa panguluhan ng elders quorum

Pangulo ng korum (sa pagsangguni sa bishop)

Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng korum

Stake president o isang inatasang tagapayo o high councilor

Mga elders quorum secretary, mga taga-pagturo, at iba pang mga tungkulin

Pangulo ng korum (sa pagsangguni sa bishop at sa mga tagapayo ng elders quorum president)

Bishop Mga miyembro ng korum

Pangulo ng korum o isang inatasang tagapayo

Mga ministe-ring brother

Ang paglilingkod bilang isang ministering brother ay isang responsibilidad sa priesthood ng mga high priest at elder. Naaayon sa alituntuning ito, ang mga kapatid na lalaking ito ay inaatasan bilang mga ministering brother ng elders quorum presidency, sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Hindi sila tinatawag, sinasang- ayunan, o itinatalaga.

Page 9: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

216 MAYO 2019

Mga Tungkulin sa Aaronic Priesthood sa mga Ward

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Priests quorum presi-dent (bishop)

Tingnan sa “Mga Tungkulin sa Ward,” pahina 162.

Assistant sa priests quorum president

Bishop (priests quo-rum president)

Bishopric Mga miyembro ng korum

Bishop

Mga teachers at deacons quorum president

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng korum

Tinatawag ng bishop o ng isang inatasang tagapayo; itinatalaga ng bishop

Mga tagapayo sa mga panguluhan ng teachers and deacons quorum at mga quo-rum secretary

Mga pangulo ng mga korum

Bishopric Mga miyembro ng korum

Bishop o isang inata-sang tagapayo

Priests quorum advi-ser (ward Young Men president)

Bishopric Bishopric Mga miyem-bro ng ward

Bishop

Mga teachers at deacons quorum adviser (mga tagapa-yo sa panguluhan ng ward Young Men), mga assistant adviser, at ward Young Men secretary

Bishopric Bishopric Mga miyem-bro ng ward

Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga ministe-ring brother

Ang paglilingkod bilang isang ministering brother ay isang responsibilidad sa priesthood ng mga teacher at priest. Naaayon sa alituntuning ito, ang mga kapatid na lalaking ito ay inaatasan bilang mga ministering brother ng panguluhan ng elders quorum, sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Hindi sila tinatawag, sinasang- ayunan, o itinatalaga.

Mga Tungkulin sa Aaronic Priesthood sa mga Branch sa Stake

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Priests quorum presi-dent (branch presi-dent, na gumaganap bilang priests quorum president)

Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng branch

Stake president

Iba pang mga tungkulin sa Aaronic Priesthood

Tingnan sa “Mga Tungkulin sa Aaronic Priesthood sa mga Ward,” pahina 161–62, at ipalit ang salitang branch president sa bishop at ang branch sa ward.

Page 10: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

217

19. MGA TUnGKULIn SA SIMBAHAn

MAYO 2019

Mga Tungkulin sa WardAng sumusunod na chart ay naglalaman ng listahan ng mga piling tungkulin sa ward. Para sa iba pang mga tungkulin at pagkakataong maglingkod, tingnan ang indibiduwal na mga kabanata sa hanbuk na ito. Ang mga tungkulin ay pinupunan ayon sa pangangailangan at sa mga miyembrong maaaring gumanap dito.

Katungkulan Inirerekomenda Ng Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng Tinatawag at Itinatalaga Ng

Bishop Panguluhan ng stake Unang Pangulu-han at Korum ng Labindalawa

Mga miyembro ng ward General Authority o Area Seventy, o stake president na may nakasulat na pahin-tulot mula sa Unang Panguluhan

Mga tagapayo sa bishopric

Bishop Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng ward Stake president o isang inatasang tagapayo

Ward clerk Bishopric Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng ward Stake president o isang inatasang tagapayo

Mga assistant ward clerk

Bishopric Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng ward Stake president o isang inatasang tagapayo o high councilor

Ward executive secretary

Bishopric Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng ward Stake president o isang inatasang tagapayo o high councilor

Ward mission leader

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop

Mga ward missionary

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga ward auxiliary president (Young Men, Relief Society, Young Women, Primary, at Sunday School)

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop

Page 11: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

218 MAYO 2019

Katungkulan Inirerekomenda Ng Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng Tinatawag at Itinatalaga Ng

Mga tagapayo sa panguluhan ng ward Young Men (mga teachers and deacons quorum adviser), mga assistant adviser, and ward Young Men secretary

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga tagapayo at secretary sa mga auxiliary sa ward (maliban sa Young Men)

Auxiliary president Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga tagapayo, guro, o tagapag-turo; music direc-tor; at iba pang mga tungkulin sa mga auxiliary sa ward (maliban sa Young Men)

Panguluhan ng auxiliary

Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga ministering sister

Ang mga kababaihan ng Relief Society ay inaatasan ng panguluhan ng Relief Society bilang mga ministering sister, sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Matapos sumangguni sa mga magulang at lider, maaaring mag- atas ang panguluhan ng Relief Society ng mga Mia Maid at Laurel bilang kompanyon sa kababaihan ng Relief Society. Ang mga ministering sister ay hindi tinatawag, sinasang- ayunan, o itinatalaga.

(Mga) Guro sa temple prepara-tion seminar

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga Young Women class president

Bishopric (sa pagsang-guni sa panguluhan ng Young Women)

Bishopric Mga miyembro ng klase Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga tagapayo sa mga pangulu-han ng klase ng Young Women at secretary sa klase

Class president Bishopric Mga miyembro ng klase Bishop o isang inata-sang tagapayo

Ward music chairman

Ward music advi-ser (miyembro ng bishopric)

Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga Tungkulin sa Ward (karugtong)

Page 12: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

219

19. MGA TUnGKULIn SA SIMBAHAn

MAYO 2019

Katungkulan Inirerekomenda Ng Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng Tinatawag at Itinatalaga Ng

Ward music direc-tor, ward organist o pianist, ward choir director at accompanist o tagasaliw, at pangulo ng ward choir

Ward music chairman Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Music director at pianista o organista ng priesthood

Ward music advi-ser (miyembro ng bishopric)

Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Ward librarian Sunday School president

Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Mga assistant ward librarian

Sunday School president

Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Temple at family history consultant

Bishopric (sa pagsang-guni sa elders quorum president)

Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

(Mga) ward young single adult leader

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo

Ward magazine representative

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo1

Mga ward welfare specialist (kabi-lang ang ward employment specialist)

Bishopric Bishopric Mga miyembro ng ward Bishop o isang inata-sang tagapayo1

1 Ang bishop ang nagpapasiya kung ang mga miyembro na tinawag na maglingkod sa mga tungkuling ito ay dapat italaga.

Mga Tungkulin sa Branch sa Stake

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Branch president Panguluhan ng stake Panguluhan ng stake at high council

Mga miyembro ng branch

Stake president

Iba pang mga tung-kulin sa branch

Tingnan sa “Mga Tungkulin sa Ward,” pahina 162–64, at ipalit ang salitang branch president sa bishop at ang branch sa ward.

Mga Tungkulin sa Ward (karugtong)

Page 13: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

220 MAYO 2019

Mga Tungkulin sa Mission

Katungkulan Inirerekomenda Ng Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng Tinatawag at Itinatalaga Ng

Mission president

General Authority o Area Seventy

Unang Pangulu-han at Korum ng Labindalawa

Hindi sinasang- ayunan Miyembro ng Unang Pangulu-han at Korum ng Labindalawa

Mga tagapayo sa panguluhan ng mission

Mission president Panguluhan ng Area Pinagtitibay sa district conference sa lahat ng mga district

Miyembro ng Pangu-luhan ng Area, o mission president na nasa ilalim ng kani-lang pamamahala

Mission clerk at mission execu-tive secretary

Mission president Panguluhan ng Mission

Pinagtitibay sa district conference sa lahat ng mga district

Mission president

Hindi inirerekomenda na magkaroon ng panguluhan ng mga mission auxiliary. Kung nararamdaman ng mission president na kailangan ng mga lider ng auxiliary sa mga branch ng pagsasanay mula sa mas bihasang mga lider ng auxiliary, siya ay maaaring mag- atas ng mga indibiduwal na gawin iyon.

Mga Tungkulin sa District

Katungkulan Inirerekomenda Ng Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng Tinatawag at Itinatalaga Ng

District president Mission president Panguluhan ng Area Mga miyembro sa dis-trict conference

Mission president

Mga tagapayo sa panguluhan ng district

District president Panguluhan ng mission

Mga miyembro sa district conference o district general priest-hood meeting

Mission president o isang inatasang tagapayo

Mga tagapayo sa district at dis-trict clerk, mga assistant clerk, executive secre-tary, at mga lider ng auxiliary

Tingnan ang “Mga Tungkulin sa Stake,” pahina 159–60, at ipalit ang salitang district president sa stake president at ang district sa stake.

Page 14: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

221

19. MGA TUnGKULIn SA SIMBAHAn

MAYO 2019

Mga Tungkulin sa Elders Quorum sa mga Branch sa Mission

Katungkulan Inirerekomenda Ng Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng Tinatawag at Itinatalaga Ng

Elders quorum president

Panguluhan ng mis-sion o panguluhan ng district

Panguluhan ng mis-sion o, kapag binig-yan ng awtoridad ng mission president, ang panguluhan ng district

Mga miyembro ng korum

Mission president o, kung naatasan, ang district president

Mga tagapayo sa panguluhan ng elders quorum

Pangulo ng korum (sa pagsangguni sa branch president)

Panguluhan ng mis-sion o, kapag binig-yan ng awtoridad ng mission president, ang panguluhan ng district

Mga miyembro ng korum

Mission president o, kung naatasan, district president o iba pang opisyal ng priesthood

Elders quorum secretary, (mga) tagapagturo, at iba pang mga tungkulin

Pangulo ng korum (sa pagsangguni sa branch president at mga tagapayo sa pangulo ng korum)

Branch president at panguluhan ng korum

Mga miyembro ng korum

Pangulo ng korum o isang inatasang tagapayo

Mga ministe-ring brother

Ang paglilingkod bilang isang ministering brother ay isang responsibilidad sa priesthood ng mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Naaayon sa alituntuning ito, ang mga kapatid na lalaking ito ay inaatasan bilang mga ministering brother ng panguluhan ng elders quorum, sa ilalim ng pamamahala ng branch president. Hindi sila tinatawag, sinasang- ayunan, o itinatalaga.

Mga Tungkulin sa Aaronic Priesthood sa Branch sa mga Mission

Katungkulan Inirerekomenda Ng Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng Tinatawag at Itinatalaga Ng

Priests quo-rum president (branch presi-dent, na guma-ganap bilang priests quorum president)

Panguluhan ng mission o panguluhan ng district

Panguluhan ng mission

Mga miyembro ng branch

Mission president o, kung naatasan, ang district president

Iba pang mga tungkulin sa Aaronic Priesthood

Tingnan sa “Mga Tungkulin sa Aaronic Priesthood sa mga Ward,” pahina 161–62, at ipalit ang salitang branch president sa bishop at ang branch sa ward.

Page 15: 19. Mga Tungkulin sa Simbahan - media.ldscdn.org

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

222 MAYO 2019

Mga Tungkulin sa Branch sa Mission

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Branch president Panguluhan ng mis-sion o panguluhan ng district

Panguluhan ng mission

Mga miyembro ng branch

Mission president o, kung naatasan, ang district president

Mga tagapayo sa panguluhan ng branch

Branch president Panguluhan ng mis-sion o, kapag binig-yan ng awtoridad ng mission president, ang panguluhan ng district

Mga miyembro ng branch

Mission president o, kung naatasan, isa sa kanyang mga tagapayo, ang dis-trict president, o isa sa mga tagapayo ng district president

Branch clerk, assis-tant clerk, at execu-tive secretary

Panguluhan ng branch

Panguluhan ng mis-sion o, kapag binig-yan ng awtoridad ng mission president, ang panguluhan ng district

Mga miyembro ng branch

District president o isang opisyal ng priesthood na itina-laga niya

Mga lider ng auxili-ary ng branch at iba pang mga tungkulin

Tingnan sa “Mga Tungkulin sa Ward,” pahina 162–64, at ipalit ang salitang branch president sa bishop at ang branch sa ward.

Mga Tungkulin sa mga Military Service Member Group

Katungkulan Inirerekomenda Ng

Inaaprubahan Ng Sinasang- ayunan Ng

Tinatawag at Itinatalaga Ng

Service member group leader

Panguluhan ng stake o mission president

Panguluhan ng stake at high council o panguluhan ng mission

Mga miyembro ng grupo

Stake president o mission president, kung saan posible1

Mga assistant sa service member group leader

Group leader Panguluhan ng stake at high council o panguluhan ng mission

Mga miyembro ng grupo

Stake president o mission president o lider ng priesthood na inatasan ng isa sa kanila1

1 Sa isang war zone o lugar ng digmaan o sa malayo at liblib na lugar, maaaring hindi maging posible para sa isang stake president o mission president na tumawag at magtalaga ng mga service member group leader at mga assistant. Ang mga tagubilin na angkop sa ganitong sitwasyon ay nakalahad sa Hanbuk 1, 10.5.