40
1

1st Year 2nd Semester - hong Papel

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

1

Page 2: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

2

OFW, Mga Bayani ng Bagong Henerasyon

ISANG PAMANAHONG PAPEL NA IPINASA SA PAMUNUAN NG ARTS AND

SCIENCES.

Na iniharap kay:

Gng. Juliet Valdeavilla   

Guro sa Filipino 02

Bilang Bahaging Katuparan 

sa asignaturang Filipino

Ikaunang Taon

Paaralang Kolehiyo

ni

Senado, John Christian E.

BSCE-I

Page 3: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

3

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang patupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na

pinamagatang “OFW, Mga Bayani ng Bagong Henerasyon” ay iniharap at inihanda ng

mananaliksik mula sa seksyon na GE 1 – 1 a – 2 ng Central Colleges of the Philippines

ng Quezon City, SY: 2011 – 2012

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at

inihanda ng mananaliksik na nasa ikaunang antas ng kolehiyo.

TInanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Wika at

Linggwistika, bilang isa sa mga pangangailangan sa aignaturang Filipino 2, Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Juliet Valeavilla

Propesor sa aignaturang Filipino 2

Page 4: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

4

PASASALAMAT

Una at higit sa lahat, lubos ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal, dahil

kung wala siya, wala akong mapagkukunan ng lakas ng loob at tibay sa pagtitiyaga na

ipagpatuloy ang pag-aaral. Dahil a Kanya, nagawa ko ang pamanahong-papel ng

mahusay.

Nagpapasalamat din ako sa mga respondent sa buong puso nilang pagtulong sa

aking pananaliksik at sa pagbibigay ng mga impormasiyong napakahalaga sa

pagpapalinangng pag-aaral.

Isang malugod na pasasalamat din sa mga editor at awtor ng mga pitak at

editoryal na ginawang hanguan sa aking pananaliksik dahil nakatulong ito ng husto sa

aking pag-aaral ang pagkuha ng mga datos na galing sa maaasahan na sources.

Nagpapasalamat din ako ng buong puso sa aking guro na buong tibay niyang

pinangasiwaan at binigyan ng ideya at gabay kung paano gumawa ng pamanahong-

papel hindi lang sa aking kundi pati narin sa iba.

Isang malaking tulong sa aking pananaliksik ang mga hakbang at iba pang

mahahalagang ideya sa pagpapalinang at pagpapaganda n gaming pag-aaral lalo na

ang tulong kung papaano mas magiging epektib ang aming pamanahond-papel.

Ang Mananaliksik

Page 5: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

5

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran nito 8

1. Intoduksyon 8

2. Layunin ng Pag-aaral 9

3. Kahalagahan ng Pag-aaral 9

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 10

5. Despinisyon ng mga Terminolohiya 10

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 13

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 17

1. Disenyo ng pananaliksik 17

2. Mga Respondente 17

3. Instrumentong Pampananaliksik 18

4. Tritment ng mga Datos 18

Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 19

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 23

1. Lagom 23

2. Kongklusyon 24

3. Rekomendasyon 25

Page 6: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

6

Listahan ng mga Sanggunian 26

Apendiks

A. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Interbyu 27

B. Transkripyon ng Interbyu 28

C. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Sarbey 29

D. Sarbey-Kwestyoneyr A 30

Page 7: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

7

Page 8: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

8

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Sa lalong bumibilis na pag-ikot ng mundo na ating ginagalawan, at sa mga iba’t

ibang bagay na dumadagdag sa pangangailangan ng isang tao, kailangan nating

kumilos para mabuhay at magkaroon ng magandang buhay. Alam natin na isa ang

Pilipinas sa may pinakamasikap na mamamayan sa buong mundo, at dahil doon isa sa

mga nakikitang paraan ng mga Pilipino para mabuhay ay magtrabaho sa ibang bansa,

o maging OFW o Overseas Filipino Worker.

May iba’t ibang dahilan kung bakit nangingimbam-bansa ang isang Pilipino,

pagkaubos ng suplay ng trabaho sa sariling bansa, kulang sa pinagaralan o

undergradweyt, estado ng buhay at higit sa lahat, upang masuportahan ang

pangangailangan ng sariling pamilya at matustusan ang pagaaral mga anak.

Sa pagaaral na may pamagat na “OFW, mga bayani ng bagong henerasyon”

masusing tatalakayin ang mga dahilan sa likod ng pagalis ng mga OFW, mga

karanasan, at epekto nito sa buhay ng kanyang sarili at pamilya, epekto sa ekonomiya,

at proteksiyon kaakibat na binibigay ng gobyerno.

Page 9: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

9

LAYUNIN NG PAGAARAL

Sa pamamagitan ng pagaaral na ito, layunin ng mananaliksik na:

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit nangingibam-bansa

ang isang Pilipino.

2. Alamin kung anu-ano ang mga epekto nito sa pamilya, sa ekonomiya at sa

buong mundo.

3. Alamin ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno na sumisigurado sa kapakanan at

nagbibigay proteksiyon sa bawat isang OFW.

4. Alamin ang kadalasang buhay na hinarap ng isang OFW at buhay matapos

nilang magtrabaho sa ibang bansa.

KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Ang pagaaralna ito ay isinagawa upang alamin ang buhay na pwedeng harapin

ng isang OFW sa ibang bansa, maaari din nating malaman ang dahilan kung bakit sila

dumarame at anu-ano ang mga nagsisilbing balakid kung bakit hindi nalang sila

magtrabaho sa sariling bayan.

Makakapagbigay kaalaman din ang pamanahong papel na ito sa kapwa Pilipino,

mga nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa, gobyerno at mga ahensiya na nagbibigay

ng opurtunidad sa mga mamamayan natin upang mangibam-bansa, kung ano ang

epekto nito sa bawat isa. Bagamat limitado ang mga datos na nakalap, maaaring

Page 10: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

10

sabihin na naaangkop ang pamanahong papel na ito upang maipaalam sa mambabasa

ang buhay ng isang OFW.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang sakop ng pag-aaral ay ang buhay, karanasan at mga pagsubok ni hinarap

ng mga OFW habang sila’y nasa ibang bansa.

Gumamit ang mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng

datos.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Para sa kapakanan, kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa, binigyang

depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano tio ginamit sa

pamanahong papel na ito:

Ang OFW o Overseas Filipino Worker ay isang tao na naas malayong lupain o

nasa ibayong dagat nasugid na nagtratrabaho para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Ang Undergraduate (Andergradweyt) ay isang tao walang kurong tinapos o

ipinagpatuloy.

Page 11: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

11

Ang Unemployed Citizen ay isang tao na nasa wastong edad o kagulangan

pero walang trabaho o kaya naman ay matatanda na din a kayang magtrabaho pa

Ang Economic Power ay isang estado na ang mga tao ay may kapangyarihan

upang magkaroon ng sariling desisyon at may kakayahang makialam sa mga

nagaganap sa loob ng isang ekonomiya ng bansa.

Ang Migrante International ay isang local na samahan na promoprotekta sa

mga kababayan natin OFW sa ibayong dagat.

Page 12: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

12

Page 13: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

13

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Hindi makakailang in demand ngayon ang pagtratrabaho sa ibang bansa para

mabuhay at bilang isang Pilipino, alam naman nating handa tayong makipagsapalaran

para tayo mabuhay. Dahil dito, ako ay gumawa ng pananaliksik upang palawakin an

gating kaalaman samga OFW at gawing partikular ang depinisyon, at alamin ang tunay

na hangarin ng mga tinatawag na ganto.

A. 1 Kasalukuyang Kalagayan ng OFW

Sa ating pagsusuri at sa dumaraming bilang ng mga Pilipino na umaalis ng

bansa para magtrabaho. Masasabi nating isang malaking dahilan kung bakit

umaalis ang ating kapwa Pilipino ay kawalan ng suplay ng trabaho sa sariling

bansa. Lalo nang hindi sumasapat ang bilang ng trabaho dahil sa dumaraming

estudyante ang nakakatapos sa kolehiyo at nangangailangan at naghahanap na

ng pagkakakitaan kaya karamihan sa kanila ay ay nagpapasya nang umalis

nalang sa ating bansa. 2Isa pa ay ang hirap ng buhay sa bansa, dahil dito

napipilitan silang gumawa g desisyon upang makipagsapalan at umalis ng

Pilipinas dahil narin sa pangako ng magandang buhay kapag sila’y umalis.

Madame naman sa mga kababayan nating nakpagsapalan ay naging

matagumpay sa kani-kanilang buhay, at nakakaroon ng sila ng kakayahan upang

masuportahan ang pangangailanang ng kanilang sarili at ng kanilang pamilya.

1http://fil.wikipilipinas.org/index.php? title=Balita:_Krisis_sa_Pandaigdigang_Ekonomiya_at_ang_Epekto_sa_OFW

2http://www.metropolitanmanila.com/?p=1672

Page 14: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

14

B. 3Sanhi/Dahilan ng Pagalis

Kulang na suplay ng trabaho sa bansa, hirap ng buhay at makatulong sa sariling

pamilya ang kadalasang dahilan kung bakit mas pinipili ng kapwa nating Pilipino

na magtrabaho sa ibang bansa at maging OFW. Dahil sa papataas na bilang ng

populasyon sa pilipinas, tumataas ang bilang ng mga 4unemployed citizen at

kadalasan kung hindi man may edad ang mga ito ay mga bagong graduate sa

kani-kanilang kurso at handa na magtrabaho kaya madalas ay nag-aapply na

kaagad sila upang makaalis at makapagtrabaho sa ibang bansa..

Pangungulila sa pamilya, pangamba sa sariling buhay, pagbabago ng

pamumuhay sa ibang bansa at hirap ng trabaho ang ilang dahilan kung bakit

ayaw ng mga kababayan natin na umalis sa bansa, ngunit kadalasan sila ay

napipilitang umalis patungo sa ibang bansa dahil sa mababang sahod at

kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas. Malaki rin ang 5opurtunidad na mga

OFW sa ibang bansa at marami ang benepisyong kanilang natatanggap, maaari

pa silang makakuha ng citizenship sa ibang bansa at makakatulong pa sila sa

kanilang pamilya at pati sa ekonomiya ng bansa.

C. 6Mga Isyu/Suliranin na Hinaharap ng mga OFW

Kadalasang suliranin na kinahaharap ng kapwa natin OFW ay ang relasyon nito

sa employer at kapwa OFW, o katrabaho. Hindi natin mapagkakaila na mahirap

kunin ang tiwala ng isang tao, kaya masasabi din na magiging mahirap ang

pakikitungo ng employersa isang OFW, minsan nagiging masama ang trato at 3 http://www.pagusapan.com/?p=8264 http://en.wikipedia.org/wiki/Unemployment5 http://www.ofwabroad.com/category/business-opportunity/6 http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=490720

Page 15: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

15

tingin sa kanila na nagdudulot ng pagmamaltrato, masamang pakikitungo,

pagbubugbog at rape.

Hindi na bago sa ating ang mga ganitong balita. May mga kababayan tayong

umuuwi na masama ang naging karanasan sa kanilang pagtratrabaho at may

mga buntis nang umuuwi dulot ng panggagahasa.

Hindi naman kadalasan sa employer ang nagiging problema ng isang

OFW,meron din naman na sa kapwa nila kababayan at katrabaho. Katulad ng

labis na inggit at ibang pagtrato ng matataas na miyembro ng

pinagtratrabahuhan sa bawat isa.

D. 7Epekto sa Ekonomiya ng Bansa

Malaki ang ginagampanan ng mga OFW’s sa pagangat ng ekonomiya ng bansa.

Nakakatulong ang mga remittances ng mga OFW’s upang maging mataas ang

halaga ng ating pera o peso value sa pandaigdigang merkado, nagiging

malaking porsyento din ang mga perang nanggagaling sa ibang bansa at umiikot

sa sirkulasyon ng pera sa ating bansa, ito ay nagiging batayan kung ang bansa

ay nagiging aktibo ang 8economic power at pwedeng makipagsabayan sa iba

pang malalaking bansa.

E. 9Epekto sa Politika ng Bansa

Dahil sa dumaraming bilang ng OFW. Nagkakaroon ito ng malaking epekto sa

politika, katulad nalang tuwing may pambansang eleksiyon na ginaganap sa 7http://fil.wikipilipinas.org/index.php? title=Balita:_Krisis_sa_Pandaigdigang_Ekonomiya_at_ang_Epekto_sa_OFW8 http://en.wikipedia.org/wiki/Economic_power9 Batay sa isang artikulo sa babasahing Philippine Star Ngayon

Page 16: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

16

bansa. Ang boto ng mga OFW ay malaking bagay at maaaring makapagbabago

ng sitwasyon ng halalalan.

F. Proteksyon ng Binibigay sa mga OFW

Isang malaking tanong kung meron bang sangay ng pamahalaan na

promuprotekta sa mga kapwa nating OFW. Meron isang organisasyon ang

sasagot sa katanungan. 10Ang Migrante International ay binubuo ng mga

overseas Filipino at kani-kanilang pamilya na sumusuporta, gumagabay, at

nagbabantay sa kapwa natin OFW para sa kanilang kaligtasan, karapatan at

malayang pagdedesisyon. Sila ang organisasyong umaayos o gumagawa ng

aksyon sa tuwing may nangyayaring di maganda o di pagkakaunawaan sa ating

mga kababayan sa ibang panig ng mundo. Ang kanilang tungkulin ay para sa

higit na ikabubuti ng mga OFW.

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK

10 http://migranteinternational.org/

Page 17: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

17

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

ekspositori, deskriptib at impormatib na pananaliksik. Sinubukang ilarawan, ipaliwanag

at suriin sa pag-aaral na ito ang mga kontribusiyon ng pagtratrabaho, komunikasyon,

pangangalaga at pagpapahalaga sa mga kababayan natin OFW sa ibang bansa.

MGA RESPONDENTE

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga estudyante na may

kapamilya o kamag-anak na kasalukuyang OFW, mga dating OFW at kasalukuyan

nang naninirahan sa bansa at mga nagplaplanong magtrabaho sa ibang bansa.

Para sa pakikipagpanayam, si Joel Petalcorin , isang indibidwal na

respondenteng nagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia ang napili upang kuhaan ng ilang

impormasyon. Pinili ng mananaliksik si Joel Petalcorin upang makapanayam ukol sa

pangangailangan ng pag-aaral na ito sapagkat siya ay hindi lamang nagtatagalay ng

sapat na kaalaman at karanasan bilang isang OFW, ngunit isa rin siyang magandang

ehemplo bilang isang mabuting kamag-amak at masikap na tao.

Para naman sa sarbey, ang mananaliksik ay kumuha ng walong respondente na

may kamag-anak o kaya naman ang magulang ay OFW o dating OFW at dalawang

dating OFW na naninirahan na sa bansa.

INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam/pag-

iinterbyu at pagseserbey. Ang mananaliksik ay naghanda ng ilang mga katanungan na

Page 18: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

18

naglalayong makapangalap ng mga datos upang malaman at masuri ang mga

kontribusiyon ng pagtratrabaho, komunikasyon, pangangalaga at pagpapahalaga sa

mga kababayan natin OFW sa ibang bansa.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa iba’t-

ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng dyornal at artikulo. Kumuharin ang

mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

Bukod sa mga nabanggit na, isa sa mga repondente ang napiling pagtuunan ng

pansin ng mananaliksik, isang dating OFW na nagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia

upang makakuha ng mahahalagang impormasyon at makatotohanang datos tungkol sa

kalimitang buhay na nararanasan ng isang OFW, paghihirap at maging masayang parte

ng kanilang pagtratrabaho sa ibang bansa.

TRITMENT NG DATOS

Ang pamanahong papel ay hindi lamang isang paraan upang makakuha ng

mataas na grado sa asignaturang Filipino. Ito ay isang panimulang pag-aaral na

maaaring makatulong sa lipunan, partikular sa mga kababayan nating nagpapasya na

magtrabaho sa ibang bansa, at upang mapalawak ang kaalaman ukol sa mga bagay na

may kaugnayan sa pinag-aaralan. Ang mga katanungang isinagawa ay pinaghandaan

ng maayos upang mas epektibong makuha ang impormasyong kailangan. Kaunti

lamang ang mga respondenteng kabilang sa pag-aaral na ito sa kabila ng paggamit nito

sa sa parehong pamamaraan ng pakikipanayam at apgseserbey. Ito ay upang mas

mabigyang pansin ang mga mahahalagang detalye ng mga impormasyong ibinahagi ng

nagmula sa bawat indibidwal.

Page 19: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

19

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Base sa Sarbey, ng naglalayong matukoy ang mga saloobin ng mga

respondente.

A – Bilang ng lalaking naserbey: (7)

B – Bilang ng babaeng naserbey: (3)

C – Bilang ng mga respondenteng may kamag-anak/kapamilya na nagtratrabaho sa

ibang bansa: (8)

D – Bilang ng mga respondeteng dating nagtrabaho sa ibang bansa (2)

Para sa unang at pangalawang tanong, ito ang talong kalimitang kalagayang

isinagot ng mga respondente.

I - Naging matagumpay ang kanilang buhay

II - Naging mahirap dulot ng problema sa pamilya

III - Naging mahirap dulot ng problema sa trabaho

RESPONDENTE I II III

A 4 2 1

Page 20: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

20

B 0 2 1

C 1 5 1

D 2 1 0

Base sa tatlong kalimitang kalagayan ng mga OFW, makikita natin sa karamihan

ng mga nagtratrabaho sa ibang bansa ay nagkakaroon ng problema sa pamilya,

kalimitang dahilan ay komunikasyon.

Para sa bilang 3:

Ano ang madalas na dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang isang Pilipino

para magtrabaho.

I - Hirap ng buhay

II – Para sa pakatulong sa pamilya

III – Opurtunidad meron sa ibang bansa

IV – Para sa pagaaral ng mga anak

Respodente I II III IV

A 5 1 0 2

B 3 0 0 0

C 4 1 0 2

D 3 0 0 0

Base sa mga kalimitang dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang mga kapwa

nating Pilipino, makikita natin na isa sa mga dahilan ay ang sobrang hirap na buhay dito

Page 21: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

21

sa Pilipinas. At dahil malaki ang opurtunidad na naghihintay sa kanila. Pinapasya nilang

umalis upang magtrabaho.

Para sa bilang 4:

Para sa ika-apat na tanong, base a ating isinagawang sarbey

I – Problema sa imployer

II – Problema sa katrabaho o kapwa OFW

III – Deskriminasyon pagdating sa lahi

IV – Ibang kultura

Respondente I II III IV

A 4 2 1 0

B 2 1 0 0

C 3 3 1 1

D 1 2 0 0

Base sa sarbey na ginawa, makikita natin na isa o kalimitang suliranin sa sa

trabaho ng isang OFW ay makahanap ng isang imployer na mabait. Kadalasan panga

dahil sa mismong imployer o amo kung bakit napapasama ang isang OFW.

Para sa bilang 5

Ayun sa mag respondenteng dating nagtrabaho sa ibang bansa, nasusolusyunan

nila ang ganito suliranin sa pagiging mahinahon at pagiging mapagkumbaba, at

Page 22: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

22

kadalasan ay tinitiis na lamang ito dahil alam nilang dapat silang magtiis at trabaho ng

mabuti para sa kanilang pamilya.

Para sa bilang 6:

I – Araw-araw

II – Tatlo-apat na beses sa isang linggo

III – Isang beses sa isang linggo

IV – Dalawa-tatlong beses sa dalawang linggo

V – Di-kadalasang ginagawa

Respondente I II III IV V

A 0 2 4 1 0

B 0 0 3 0 0

C 0 2 5 0 0

D 0 0 2 1 0

Interpretasyon:

Base sa sarbey na isinagawa, kalimitang nagkakaroon ng komunikasyon ang

isang OFW sa kanilang pamilya isang beses sa isang linggo. Marahil dahil sa trabaho at

mahigpit na iskedyul

Para sa bilang 7:

Ayun sa mgar espondenteng dating nagtrabaho sa ibang bansa na ating

tinanong, ang kalimitan o kadalasang pinakamahirap na parte ng kanilang

Page 23: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

23

pagtratrabaho sa ibang bansa ay ang pakikipagsalamuha o pagkuha ng tiwala mula sa

ibang tao lalo na sa hindi kalahi. Isa rin ay ang minsang paninira ng kapwa manggawa

sa iyo dahil sa inggit.

PANGKABUUANG INTERPRETASYON:

Makikita natin sa ating ginawang sarbey na mahirap magtrabaho sa ibang bansa

at mabuhay bilang isang OFW, nandyan yung mga pagkakataong ayaw sa iyo ng iyong

mga kasama sa trabaho at maging ng mga nakakataas sa iyo. Pero alam naman natin

na ang Pilipino ay gagawin ang lahat upang makatulong lamang sa kanyang pamilya at

ang lahat ng bagay ang kanilang pagtatagumpayan bunga ng pagsisikap, tiyaga,

respeto, pasensya at dedikasyon para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ayun sa mga impormasyong aking nakuha mula sa pag-sasarbey,

pakikipanayam, at pag-aaral mula sa iba’t-ibang sanggunian, artikulo, magasin,

pahayagan at maging sa mga telebisyon at radyo, ang mga Overseas Filipino Workers

o OFW ay masasabi nating isang pundasyon ng kultura, ekonomiya, at pag-unlad ng

bansa.

Page 24: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

24

KONKLUSYON

Itinuturing ang mga OFW bilang isang bayani hindi lamang dahil sila ay walang

pagod na nagtratrabaho sa ibang bansa para makatulong sa pamilya kundi sila ay mga

tunay na mapagmamalaki dahil sa kanilang desiplina, respeto, pasenya, pakikisama, at

magandang pananaw sa buhay.

Desiplina hindi lamang sa trabaho kundi rin sa pangangalaga sa sarili. Respeto

at pasensya, dahil kahit yung ibang kababayan natin ay nakakaranas ng hindi tamang

pakikitungo mula sa kanilang mga imployer o amo ay pikit-mata nalang nila ito

tatanggapin upang paipagpatuloy lamang ang kanilang hanap-buhay. Pakikisama, isa

kung saan magaling ang mga Pilipino. Makikita naman natin na medaling makisama

ang mga Pilipino sa mga taong nakapaligid sa kanila. At magandang pananaw sa

buhay, isa ito sa mga karakteristik na makuha ng isang OFW maging ng isang tao

upang malagpasan lahat ng pagsubok at magtagumpay sa mga dagok ng buhay. kung

ang isang tao ay may magandang pananaw sa buhay, hindi sila basta basta sumusuko

kahit gaano kahirap ang mga problema, na siyang ating nakikita sa mga OFW na kahit

malayo sila sa kanilang pamilya at wala sa kinalakhang bayan, porsegido silang

ipagpatuloy ang laban ng buhay hindi lamang para sa kinabukasan ng kani-kanilang

pamilya kundi para sa kanilang sariling pangangailanan.

REKOMENDASYON

Mula saakin ng masusing pinag-aralan ang buhay ng isang OFW, ay buong

galak at pagpapakumbabang inirerekomenda ang mga sumusunod:

Page 25: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

25

a. Para sa mga kababayan nating OFW, mas pagbutihan niyo pa ang iyong

pagtratrbaho, ipakita ninyo ang iyong dedikasyon sa malinaw na pagiisip hindi

lamang sa pagtratrabaho, kundi sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

b. Para sa mga pamilyang naiwan ng mga kababayan nating OFW, pagigihin nating

ang komunikasyon at paigtingin natin ang relasyon sa kanila, ipadama niyo sa

kanila na lage kayong nakasuporta kahit malayo sila sa inyo. Ang inyo suporta

ang isang malaking bagay upang magkaroon sila ng lakas ng loob upang

ipagpatuloy ang kanilang tungkulin.

c. Para sa gobyero, dapat natin silang gabayan, proteksyunan at pangalagaan dahil

kayo ang may mas malaking kakayahan upang gawin ang mga ito.

d. Para sa mga mambabasa, lawakan ang pang-unawa at ating igalang ang kapwa

natin kababayan na nagtratrabaho sa ibang bansa anu man sila o anu man ang

kanilang trabaho.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Internet

Page 26: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

26

Extension of the Amnesty Period for Overstayers fromhttp://ofwempowerment.wordpress.com/category/articles/Overseas Filipino Workers, Labor Circulation in Southeast Asia, and the (Mis)management of Overseas Migration Programshttp://kyotoreview.cseas.kyoto-u.ac.jp/issue/issue3/article_281.html

Out of five overseas Filipino workers (OFWs) is in Saudi Arabia. http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2006/of05tx.html

A salute to the OFW (Overseas Filipino Workers).http://information-hub.ofw-connect.com/OFW_articles/?q=node/176

Iba pang sanggunian

http://www.philsol.nl/A99a/Kakampi-Nov98.htmhttp://www.ancsdaap.org/cencon2003/Papers/Philippines/Philippines.pdfhttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Balita:_Krisis_sa_Pandaigdigang_Ekonomiya_at_ang_Epekto_sa_OFWhttp://www.metropolitanmanila.com/?p=1672http://www.pagusapan.com/?p=826http://en.wikipedia.org/wiki/Unemploymenthttp://www.ofwabroad.com/category/business-opportunity/http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=490720http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Balita:_Krisis_sa_Pandaigdigang_Ekonomiya_at_ang_Epekto_sa_OFWhttp://en.wikipedia.org/wiki/Economic_powerhttp://migranteinternational.org/

APENDIKS A

Page 27: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

27

January 21, 2012

G. Joel Petalcorin

Mahal kong G. Petalcorin,

Mabunying pagbati po!

Kaugnayan sa pag-aaral na aking isinasagawa na may pamagat na OFW, mga bayani ng bagong henerasyon, nais kop o sanang humingi ng inyong pahintulot upang kayo ay aming kapanayamin sa petsa, oras at lugar na iyong itatakda.

Ako po ay naniniwala na ako po ay makakakuha ng sapat na kaalaman at impormasyon patungkol sa aking ginagawang pamanahong papel.

Dalangin ko po ang inyong pagtanggap at pahintulot sa aming pakikiusap. Maraming salamat

Lubos na gumagalang,

John Christian Senado

APENDIKS B

Page 28: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

28

TRANSKRIPYON NG INTERBYU KAY MR. JOEL PETALCORIN, FEBRUARY 2, 2012

Christian: Ilang taon po kayong nagtrabaho sa Saudi bilang isang OFW

Mr.Petalcorin: Ako ay nagsimulang magrabaho mula 2004 hanggan 2010. Nagtrabaho ako doon ng anim na taon bilang isang chief holder ng mga makina ginagamit sa paghihinang ng mga bakal.

Christian: Paano po kayo nahikayat para magtrabaho sa ibang bansa

Mr.Petalcorin: Niyaya ako ng mga kasamahang ko date sa pinagtratrabahuhan ko sa may AutoShop sa may Cainta, eh wala naman masamang subukan, ayun awa ng Diyos pinalad naman ako at natanggap ng isang Agency sa mga Kamuning.

Chrisitan: Maari niyo po bang mailahad ang mga naging suliranin ninyo pagdating sa trabaho? Paano niyo ito binigyang solusyon?

Mr.Petalcorin: Bilang isang OFW ay napakahirap, dahil ikaw ay makikipagsalamuha o kailangan mong makipagtulungan sa mga taong hindi mo naman kilala ng husto. Isa pa, lalo na kung hindi ka gusto ng Amo mo, ikaw ang madalas na pag-iinitan at pagtutulungan. Dahil sa aking pagiging mahinahon at pagkakaroon ng Objective na makatulong sa pamilya kung kaya’y ito’y aking tinitiis upang tumagal sa pagtratrabaho.

Christian: Gaano po kadalasa kayo nagkakausap ng iyong pamilya.

Mr.Petalcorin Isang beses sa isang linggo ay mabuti na, mahal kasi ang mga cards upang madatawag dito sa Pilipinas.

Christian: Huling katanungan, ano ang pinakamahirap na suliranin na pwedeng masanasan ng isang OFW na iyong nalagpasan.

Mr.Petalcorin Yun yung kapag nagbabawas na na mga tauhan sa kumpanyang pinapasukan mo at pwede kang mapasali sa mga matatangal.

Page 29: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

29

APENDIKS C

January 21, 2012

Mahal kong Ginoo/Ginang,

Mabunying pagbati po

Ako po ay isang mag-aaral mula sa GE-1-1a 2, at kasalukuyang kumukuha ng Filipino 2, sa ilalim ng pamamahala ni Prop. Juliet Valdeavilla. Ako po ay naataang gumawa ng isang papel-pampananaliksik upang maisakatuparan ang aking pangangailangan sa nasabing asignatura.

Kasaluyan po akong nagsasagawa ng pag-aaral patungkol sa OFW, mga bayani ng bagong henerasyon.

Kaugnay po nito, nais kong humingi ng pahintulot na iyong tanggapin upang bigyan kapo ng kwestyoneyr para pos a aming sarbey.

Lubos pong makakatulong ang mga datops na aking makakalap mula sa sarbey na ito para pa sa ikakatatagumpay ng aking pag-aaral.

Inaasahan po naming ang iyong positibong pagtugon sa aking kahilingan.

Lubos na gumagalang,

John Christian Senado

Page 30: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

30

APENDIKS D

Ang sarbey na ito ay para sa mga taong kasalukuyang may pamilyang nagtratrabaho sa ibang bansa.

Magandang araw! Ako po ay mananaliksik sa unang antas, seksyon GE 1 – 1a 2, na nagsasagawa ng sarbey ukol sa paksang OFW, mga bayani ng bagong henerasyon para sa asignaturang Filipino 2. Nais ko pong makuha ang inyong saloobin ukol sa aking pananalik. Salama po.

- Mananaliksik

Pangalan: ____________________________ (opsyunal)Kasarian: ___ Edad: ___

Sagutin ang mga sumusunog na tanong.nararapat lamang na magpakatotoo sa inyong mga sagot:

1. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng kamag-anak/kapamilya mong OFW sa ibang bansa? (para sa mga respondenteng may kamag-anak/kapamilya na OFW)_________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang kasalukuyang estado ng buhay ngayong matapos magtrabaho sa ibang bansa? (para sa mga respondenteng dating nagtrabaho sa ibang bansa)_________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang nagiing dahilan kung bakit kayo umalis ng bansa? bakit umalis ang kamag-anak/kapamilya nyo ng bansa?_________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Anu-ano ang mga suliranin/problemang kinaharap nyo habang kayo’y nagtratrabaho sa ibang bansa? anu-ano ang mga suliranin/problemang kinaharap ng iyong kamag-anak/kapamilya habang ito’y nagtratrabaho sa ibang bansa?_________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 31: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

31

5. Paano ninyo nalulutasan ang mga ganitong problema? (Iugnay ang sagot sa bilang 4)_________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Gaano kadalas kayo naguusap/nagkakamustahan ng pamilya mo dito sa pilipinas?(para sa mga respondenteng dating nagtrabaho sa ibang bansa)

Araw-araw Tatlo-apat na beses sa isang linggo Isang beses sa isang linggo Dalawa-tatlong beses sa dalawang linggo Di-kadalasang na ginagawa

7. Sa kabuuan ng iyong karanasan sa pagiging OFW, ano sa tingin ninyo ang pinakamahirap na parte o gawain ng isang OFW. Ipaliwanag ang sagot. (paea sa mga respondenteng dating nagtrabaho sa ibang bansa)______________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 32: 1st Year 2nd Semester - hong Papel

32

Respondente

Joanna Maree Macalalad C B

Ryel John Sanao C A

Francis Sagalongos C A

Nikko Macaranas C A

Shundee Sol C A

Yhen Verdadero C B

Cyrielle Varquez C B

Ronald Cabuag C A

Joseph Mingoa D A

Jason Cuid D A

In-interbyu

Joel Petalcorin