34
Ikalawang Panauhan Petsa: ______________________ Aralin 1 Mga Pagkaing Tumutulong sa Paglaki o Grow Foods I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod: Natutukoy ang mga pagkaing tumutulong sa pag laki o Grow Foods at ang kabutihang dulot nito. II. MGA KAGAMITAN ELC 2.2.4.1 p.7 Gumawa at Umunlad 4 pp.72-73 Kagamitan: Larawan ng mga pagkaing tuuumutulong sa paglaki o Grow Foods KBI- Matalinong Pagpili ng Pagkain III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto Takdang Aralin. 2. Health News 3. Talasalitaan: Ano ang protina. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata alam ninyo ba ang mga pagkaing nakapagpapalaki sa ating katawan? o Grow Foods? Alamin ang dulot nito sa katawan. 2. Paglalahad Pagaaral ng larawan Pagpapakita ng mga larawan ng mga pagkaing tumutulong sa paglaki o grow foods. Hayaang kilalanin pa ang iba pang pagkaing nasa Pangkat I Grow Foods. 3. Pagtatalakayan Paguusapan ang larawan: Ano – ano ang pagkaing nanggaling sa hayop? halaman? dagat? Ano ang kahalagahan ng mga pagkaing ito sa ating katawan. Ano kaya ang ang mangyayari kung kakainin natin ito araw araw. 4. Paglalahat Pangkat I o mga pagkaing tumutulong sa paglaki o Grow Foods ay mga pagkaing mayaman sa protina na nakukuha sa mga karne ng hayop at sa mga bungang butil at legumes. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan. Ito ay mahalagang panustos at nakakapanumbalik sa wastong kaayusan ng mga sirang himaymay ng katawan. C. Pangwakas na Gawain Sumulat ng tatlo hanggang limang pagkain na tumutulong sa paglaki o Grow Foods. IV. PAGTATAYA Isulat sa patlang ang sagot. Mrs. Laila Q. Rubio Teacher 2

2nd LP_HE.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanPetsa: ______________________ Aralin 1Mga Pagkaing Tumutulong sa Paglaki o Grow Foods

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Natutukoy ang mga pagkaing tumutulong sa pag laki o Grow Foods at ang kabutihang dulot nito.II. MGA KAGAMITAN

ELC 2.2.4.1 p.7 Gumawa at Umunlad 4 pp.72-73 Kagamitan: Larawan ng mga pagkaing tuuumutulong sa paglaki o Grow Foods KBI- Matalinong Pagpili ng Pagkain

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto Takdang Aralin.2. Health News3. Talasalitaan:Ano ang protina.B. Panlinang na Gawain1. PagganyakMga bata alam ninyo ba ang mga pagkaing nakapagpapalaki sa ating katawan? o Grow Foods? Alamin ang dulot nito sa katawan.2. PaglalahadPagaaral ng larawanPagpapakita ng mga larawan ng mga pagkaing tumutulong sa paglaki o grow foods. Hayaang kilalanin pa ang iba pang pagkaing nasa Pangkat I Grow Foods. 3. PagtatalakayanPaguusapan ang larawan:Ano – ano ang pagkaing nanggaling sa hayop? halaman? dagat?Ano ang kahalagahan ng mga pagkaing ito sa ating katawan.Ano kaya ang ang mangyayari kung kakainin natin ito araw araw.4. PaglalahatPangkat I o mga pagkaing tumutulong sa paglaki o Grow Foods ay mga pagkaing mayaman sa protina na nakukuha sa mga karne ng hayop at sa mga bungang butil at legumes. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan. Ito ay mahalagang panustos at nakakapanumbalik sa wastong kaayusan ng mga sirang himaymay ng katawan.C. Pangwakas na GawainSumulat ng tatlo hanggang limang pagkain na tumutulong sa paglaki o Grow Foods.

IV. PAGTATAYAIsulat sa patlang ang sagot.________1 Sustansyang makukuha sa pangkat I________2 Kabutihang dulot ng protina.________3 Pangkat ng pagkaing nasa pangkat I________4 Pagkaing pamalit sa karne________5 Pagkain sa almusal na makatutulong sa paglaki.V. TAKDANG ARALIN / KASUNDUANMagtala sa kwaderno ng mga pagkaing kahanay sa Grow Foods pati na ang sustansang makukuha dito.

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 2: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan

Petsa: ______________________ Aralin 2Mga Pagkaing Nagbibigay Lakas o Go FoodsI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Natutukoy ang mga pagkaing nagbibigay – lakas o Go Foods at ang kabutihang dulot nito.II. MGA KAGAMITAN- ELC 2.2.4.1 p.7 (Ikalawang Araw)- Gumawa at Umunlad IV pp. 73 – 74- Kagamitan: Mga larawan ng mga pagkaing Go Foods- KBI – Matalinong Pagpili ng PagkainIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Health News3. TalasalitaanAno ang Carbohydrates?B. Panlinang na Gawain1. PagganyakAlamin ngayon ang kabutihang dulot ng mga pagkaing nasa ikalawang pangkat na tinatawag nating pagkaing nagbibigay lakas.2. PaglalahadIpakita ang Food Chart. Ipaliwanag ang pagkaing makukuha dito. Kasama ang kahalagahan nito sa katawan.3. PagtatalakayanAno ang pagkaing makikita sa larawan?Ano ang ibinibigay ng mga pagkaing ito sa katawan?Ano – anong pagkain ang nagbibigay ng sustansyang carbohydrates, langis at taba?Ano ang kabutihang naidudulot ng sustansyang nakukuha natin sa mga pagkaing ito?Bakit nararapat na ibilang ang mga pagkaing ito sa ating katawan sa araw araw?4. PaglalahatAng mga pagkaing Go Foods ay mga pagkaing sagana sa Carbohydrates, langis, at taba. Ito ang mga sustansyang nagbibigay ng init at lakas sa katawan upang makapagtrabaho.C. Pangwakas na GawainMagbigay ng mga pagkaing nabibilang sa Go Foods.IV. PAGTATAYAIsulat ang LAILA kung tama at RUBIO kung mali.1. Ang pagkaing nagbibigay lakas ay tinatawag na Go Foods.

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 3: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan2. Dapat kumain ng masusustansyang pagkain ang bawat isa saatin.3. Carbohydrates ang nagbibigay init at lakas sa katawan.4. Pinagkukunan ng Carbohydrates ay mga lamang ugat, bigas, at mais.5. Ang mga malalangis na pagkain ay galing sa niyog.

V. TAKDANG ARALINAno anong pagkain ang matatagpuan sa Pangkat II o mga pagkaing nagbibigay lakas o Go Foods?Petsa: ______________________ Aralin 3Mga Pagkaing Pangga sa Sakit o Glow Foods

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Natutukoy ang mga pagkaing pangga sa sakit o Glow Foods.II. MGA KAGAMITANELC 2.2.4.1 p.7 (Ikatlong Araw)Gumawa at Umunlad IV pp. 74-75Kagamitan: Mga larawan o tsartKBI: KalusuganIII. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. Health News3. Talasalitaan:Ano ang Calcium at Bitamina?B. Panlinang na Gawain1. PagganyakBuhayin ang kasiglahan ng mga bata sa pagtatanong kung bakit kailangang gumamit ng prutas at gulay. Talakayin naman natin ngayon ang pagkaing nagtataglay ng bitamina at mineral. Ano naman ang dulot nito saating katawan?2. PaglalahadIpakita ang mga larawan ng mga pagkaing nabibilang sa Glow Foods.3. PagtatalakayanAno ang mga pagkaing nakikita ninyo sa larawan?Alin ang mga madilaw, maberde, at madaong gulay? Alam ninyo ba na ito ay masagana sa Bitamina A, Calcium, at Iron.Ano anong prutas naman ang sagana sa Bitamina C.Kung nais mong sumigla, ano ano ang mga kailangan ng katawan mo? Bakit?4. PaglalahatAng mga pangkat ng pagkain na nasa Pangkat III ay mga pagkaing panangga sa sakit at Impeksyon sa Ingles ay Glow Foods. Ito ay binubuo ng gulay at prutas na nagtataglay ng iba’t ibang bitamina at mineral.C. Pangwakas na GawainIsulat sa Kwaderno ang mga Pagkaing nabibilang sa Glow Foods.IV. PAGTATAYAPiliin ang tamang sagot.

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 4: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan1. Ano ang sustanyang taglay ng suha?A. Bitamina A C. Bitamina CB. Bitamina B D. Bitamina D2. Madilaw, maberde at madahong gulay ay sagana sa ___.A. Bitamina A C. Bitamina CB. Bitamina B D. Bitamina E 3. Alin ang pagkaing nagbibigay ng risistensya at laban sa impeksyon?A. guyabano C. maisB. kendi D. softdrinks4. Ang pagkaing tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at pangbawas ng dumiA. langka C. gatasB. manok D. isda5. Ang pagkaing sagana sa Bitamina A na tumutukoy sa paglinaw ng mata.A. Bitamina C C. HiponB. Bitamina A D. Karne

V. TAKDANG ARALINAno ang mga pagkaing kabilang sa pangkat 3?Petsa: ______________________Aralin 4Gawaing Kamay tulad ng PagbabalatI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Naisasagawa ang pagbabalatII. MGA KAGAMITANELC 2.2.4.2 p.7Umunlad sa Paggawa p.77Mga larawan ng tunay na bagay.KBI- PagkamasipagIII. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Health News3. Talasalitaan:Ibigay ang ibig sabihin ng pagbabalat.B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak Pagpapakita ng mga prutas at gulay tulad ng saging, dalandan, patani. Paano ninyo ito binabalatan?

2. PaglalahadPakitang Turo Pagbibigay ng pamantayan sa panonood. Pagpapakita turo ng pagsasagawa ng pagbabalat ng saging.

3. PagtatalakayanAno – anong prutas at gulay ang binabalatan?Ano ang unamng dapat gawin bago mga balat?Ano ang ginagmit kung magbabalat ng prutas at gulay?Kung ikaw ay magbabalat paano mo ito isasagawa?4. Paglalahat

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 5: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanAng pagbabalat ay pagaalis ng balat ng gulay at prutas tulad ng saging dalandan, nilagang kamote, at iba pang gamit sa daliri at kamay.

C. Pangwakas na GawainLagyan ng ( / ) ang mga prutas o gulay na ginagamitan ng gawaing kamay na pagbabalat at ( X ) kung hindi sa pagdudulot nito.___________________1 Sampalok___________________2 Patatas___________________3 karot___________________4 Saging___________________5 PonkanIV. PAGTATAYALagyan ng ( / ) ang mga prutas o gulay na ginagamitan ng gawaing kamay na pagbabalat at ( X ) kung hindi sa pagdudulot nito.___________________1 Labanos___________________2 Mansanas___________________3 Mais___________________4 Ubas___________________5 DalanghitaV. TAKDANG ARALIN / KASUNDUANIsagawa ng wasto ang pagbabalat ng mga prutas o gulay sa paghahanda ng pagkain.Petsa: ______________________Aralin 5Gawaing Kamay tulad ng PagtatalopI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Naisasagawa ang payak na gawaing kamay tulad ng pagtatalopII. KAGAMITANELC 2.2.4.2 p.7Umunlad at Gumawa IVKBI – PagkamaingatIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitaan Tukuyin kung ano ang pagtatalop.B. Panlinag na Gawain1. Pagganyak Ano pa bukod sa pagbabalat ang alam ninyong paraan ng gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain.2. PaglalahadPakitang Turo1. Alalahin ang mga pamantayan sa paggawa.2. Pagpapakita sa wastong hakbang sa pagtatalop.Hugasan ang prutas o gulay at hawakan sa kaliwang kamay.Hawakan ng kanang kamay ang kutsilyo at ang hintuturo ay nakatuon sa likod ng kutsilyo.Ulitin hanggang sa maalis na lahat ng balat ng prutas o gulay.3. Balik Pakitang Gawa ng isa hanggang dalawang bata.

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 6: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan4. Pagtatalakayan

Ano ang unang hakbang sa pagtatalop? Saan dapat magsimula ang pagtatalop? Ano ang ginagamit sa pagtatalop?

5. PaglalahatMay mga wastong hakbang na dapat sundin sa pagtatalop.C. Pangwakas na GawainKumuha ng singkamas at isagawa ang pagtatalop, gumamit ng kutsilyo. Evaluation: Nagawa ninyo ba ito ng wasto.IV. PAGTATAYASunudsunurin ang wastong paraan ng pagtatalop. Lagyan ng 1-5 ang bilang._____ Ihanda ang mesang pagtatrabahuhan._____ Hawakan sa kanag kamay ang kusilyo._____ Ulitin hanggang maalis lahat ng balat ng prutas o gulay._____ Hawakan ang kanang kamay ang kutsilyo at ang hintuturo ay nakatuon sa likod ng kutsilyo._____ Simulan ang pagatatalop mula sa itaas pababa sa tulong ng hinlalaki na nakatuon sa prutas o gulay.V. TAKDANG ARALIN/ KASUNDUANMagipon ng larawan ng prutas na tinatalakay. Isulat sa ibaba ang wastong paraan ng pagtatalop. Petsa: ______________________ Aralin 6Pagsasagawa ng Gawaing Kamay tulad ng paghihiwa

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Naisasagawa ang payak ng gawaing kamay tulad ng PaghihiwaII. KAGAMITANELC 2.2.4.2 p.7Umunlad sa Paggawa p.77KBI- PagkakamaingatIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin 2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang mga sumusunod na salita:Paghihiwa (Slicing)Pagdadays (Dicing)PagtatadtadB. Panlinang na Gawain1. PagganyakPagkatalop ninyo sa patatas ano ang sumunod na ginagawa ninyo?2. PaglalahadAng paghahanda ng pagkain ay binubuo ng gawaing kamay. Isa rito ay ang paghihiwa. Iba iba ang paraan ng paghihiwa batay sa pagkaing hihiwain at ang lutong gagawin.Pakitang Turo ng guro ng paraan1. Alalahanin ang pamantayan2. Alisin ang mga alahas sa kamay at braso.3. Lagyan ng dyaryo ang mesang paggagawaan.4. Panatiliin ang kalinisan habang gumagawa.Ipapakita ng guro ang paraan ng paghiwa ng patatas, karot, na pakuwadrado. Ang repolyo at singkamas ay manipis na pababa. Paggilit ng isada. Gumamit ng mahabang kutsilyo o Kitchen Knife.

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 7: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanBalik Pakitang Gawa ng Bata ang paghihiwa ng prutas at gulay habang masusing nakamasid ang guro.3. PagtatalakayanAno- ano ang mga paraan ng paghihiwa?Ano ang gamit sa pagpuputol/ paghihiwa ng prutas?Kung uutusan ka ni Nanay, Makakapag alis ka na ba ng mga balat ng gulay at prutas? Paano ang paghihiwa nito?4. PaglalahatIba iba ang paraan ng paghihiwa batay sa pagkaing hihiwain at ang lutong gagawain. Maaring pakuadrardo, manipis na pahaba o pahilis.C. Pangwakas na GawainGamit ang Iskor Kard na ipapamigay ng guro, Ipapakita ng Bata ang kanilang natutunan sa Guro habang nag klakalse ipapakita kung paano ang tamang paggagayat ng Prutas at Gulay. Kalakip ng Pahinag ito ang Iskor Card na maaring Ipamahagi ng Guro.IV. PAGTATAYABasahin ang sitwasyon sa ibaba. Unawain at Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Nais mag-ensalada ng mga prutas si Sheryl. Bumili siya ng mansanas paanong paraan niya hihiwain ito?A. Pahaba C. PahilisB. Paputol D. Pakuwadrado2. Naglilinis ng isda si Tessie, lalagyan niya ito ng asin paano niya ito hihiwain?A. Pahilis C. PahabaB. Pakudrado D. Pabilog 3. Anong uri ng paghihiwa ang dapat gawin sa Prutas na Gagawing Ensalada?A. Pahaba C. PahilisB. Pakudrado D. Pabilog4. Anong kutsilyo ang gagamitin sa paghihiwa ng gulay at prutas?A. itak C. maliit o paring knifeB. kitchen knife D. bread knife5. Mag eensalada ng labanos si Nene. tinalupan at Hinugasn. Paano niya hihiwain ito?A. Makapal C. ManipisB. Mahaba D. PakudradoV. TAKDANG ARALIN/ KASUNDUANIsagawa ng maayos ang paghihiwa ng prutas at gulay upang maging maayos ang paghahanda ng pagkain

Petsa: ______________________ Aralin 7Pagsasagawa ng Gawaing Kamay tulad ng paghihiwaI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkalikasan sa pagluluto ng pagkain.II. MGA KAGAMITANELC 2.2.4.3 p.7Gumawa at Umunlad p. 84KBI- Pagiging maingat.III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitaan:Ipapaliwanag ng guro ang salitang:MatalsikanB. Panlinang na Gawain1. PagganyakSaang bahagi ng tahanan ang karaniwang nagsisismula ang sakuna? Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang aksidente?2. Paglalahad BrainstromingMga bata kayo ay nahahati sa tatlong pangkat. Pupunta ang inyong lider sa unahan upang bunutin ang nakarolyong papel nang malaman ang inyong gawain

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 8: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanGroup 1: Mag uusap usap ang pangkat sa pangkalusugan at pangkaligtasan sa kusina.Group 2: Mag uusapusap ang pangkat at isulat ang dapat gawin sa pangkalusugan at pangkaligtasan sa pagluluto ng pagkain.Group 3: Isulat ang epekto ng pagsunod sa pangkalusugan / pangkaligtasan sa pagluluto ng pagkain.3. PagtatalakayanPaano maiiwasan ang sakuna sa pagtatalop ng pagkain?Paano maiiwasan ang saguna sa pagluluto sa kasangkapang de- kuryente?Ano ano ang mga tuntuning dapat tandaan habang tumutulong sa kusina?4. PaglalahatDapat sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang kaugalian sa pagluluto ng pagkain at pagliligpit ng mga kagamitan ito upang maiwasan ang sakuna.

C. Pangwakas na GawainIsulat ang LAILA kung tama at RUBY kung mali.____1. Patuyuin ang kamay bago humawak ng kasangkapang de kuryente.____2. Habang nagluluto iwasang umimik o magsalita upang maiwasan ang pagtalsik ng laway sa niluluto.____3. Alamin ang wastong paggamit ng mga kagamitang pangkusina.____4. Lakasan ang apoy upang maluto agad ang pagkain.____5. Isauli agad ang kagamitan sa pagluluto.IV. PAGTATAYA1. Nagpakulo ng tubig si nanay para sa tsokolate. Ipinatong niya ito sa mesa. Saang lugar ng mesa ito dapat ilagay upang maiwasan ang sakuna?(a) Sa gitna (c) Sa dulo(b) Sa gilid (d) kahit saan2. Anong panuntunag pangkaligtasan ang dapat tandaan kung mainit ang lalagyan ng o lutuan?(a) Huwag lutuan (c) huwag isasalang(b) Huwag hihipuin (d) huwag huhugasan3. Magbubukas ng de lata si Josie, Ano ang gagawin niya sa takip ng lata?(a) Itapon kaagad\(b) Itabi sa lalagyan(c) Iwanan sa mesa(d) Hugasan V. TAKDANG ARALIN / KASUNDUANMaglista ng alituntuning pangkalusugan/ pangkaligtasan sa pagluluto ng pagkain na dapat sundin.

Petsa: ______________________ Aralin 8Pangkalusugan/ Pangkaligtasan sa Pagdudulot ng PagkainI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pagdudulot ng pagkain.II. MGA KAGAMITANElc 2.2.4.3 P.7Gumawa at Umunlad pp. 85-87KBI- ?????III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang mga sumusunod na salita:Pagdudulot

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 9: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanPaghahainB. Panlinang na Gawain1. PagganyakAno ano ang iyong ginagawa kapag nagdududlot ka ng pagkain? Mayroon rin bang sakuna ang maaring mangyari? Anong pangkalusugang gawain tulad ng kalinisan ang dapat isaalang alang?2. Paglalahad Buzz SessionPagbibigay ng pamantayan sa pagpapangkat pangkat at pagbubulunagn.Paghahati hati ng mga bata sa apat na pangkat at pagsasagot ng tanong na takda sa pangkat.Paguulat ng lider sa bawat pangkat.3. Pagtatalakayan- Paano gaganyakin ang taong kakain?- Ano anong pangkalusugan na dapat sundin sa pagdudulot ng pagkain?- Bakit dapat maingat kapag nagdudulot ng pagkain ng maganak?4. PaglalahatDapat sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang panuntunan sa pagdudulot ng pagkain upang maiwasan ang sakuna.C. Pangwakas na GawainLagyan ng ( / ) ang mga bagay na pangkalusugan at pangkaligtasang kaugalian sa pagdudulot ng pagkain.___1. Gumamit ng apron upang mapangalagaan ang damit at lagyan ng headband ang ulo upang hindi malagyan ng buhok sa idinudulot na pagkain.___2. Alamin ang wastong paggamit ng mga kagamitang pangkusina.___3. Hugasan ang kamay, alisin ang sing sing, relo bago hawakan ang pagkain.___4. Habang nagdudulot ng pagkain iwasang magsalita upang indi malagyan ng laway ang pagkain.___5. Ihanda ang kover sa bawat kakainin.IV. PAGTATAYAPiliin ang titik ng wastong sagot.1. Magdududlot ng pagkain si Dora. Kailan dapt siya maghugas ng kamay upang maiwasan ang pagkakadumi ng pagkain.a. Bago humawak ng pagkainb. Habanghawak ang pagkainc. Pagkatapos humawak ng pagkaind. Kahit kailan2. Ano ang ilalagay sa pagkaing may sabaw o sarsa?a. Sandok c. kutsarab. Tinidor d. Siyanse3. Ano ang dapat ilagay sa buhok upang maiwasan ang pagkakalagay ng buhok sa pagkain?a. Apron c. suklayb. Headband d. Puyod at clipV. TAKDANG ARALIN/ KASUNDUANItala ang mga bagay na maaring pagmulan ng sakuna sa pagdududlot ng pagkain.

Petsa: ______________________ Aralin 9Paggawa ng Ensaladang PrutasI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Nakatutulong sa pagluluto ng pagkain sa matipid na paraan.II. MGA KAGAMITANELC 2.2.4.4KBI- Pagtitipid/ Kasiyahan

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 10: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitan: Ipapaliwanag ng Guro ang salitang: Ensalada B. Panlinag na Gawain1. PagganyakSino sino sa inyo ang mahilig o tumulong sa pagluluto? Naisasagawa ba ang mga payak na Gawain kamay? Nagagamit ba ninyo ang matipid na paraan ng sangkap?2. Paglalahad` Activity Card1. Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa.2. Hatiin ang klase sa Apat na Pangkat. Bigyan bawat pangkat ng Activity card kungsaan nakasaad ang mga sangkap at kung paano gumawa ng ensaladang prutas.Narito ang resepi ng ensaladang prutas 1 tasang pinya1 tasang melon5 saging na lakatan tasang asukal½1 kutsaritang katas ng kalamansiMga Hakbang1. Talupan ang pinya at Melon, hiwain ng padays.2. Balatan ang saging at hiwain din ng padays.3. Pagsama samahin ang mga sangkap sa Mixing Bowl4. Ilagay ang pinag smangf katas ng kalamansi at asukal5. Haluing mabuti at PalamiginPagsasagwa ng bawat pangkat sa pamamatnubay ng guro.3. Pagtatalakayan- Ano ang unang hakbang sa pinya at melon?- Paano ang padays ng prutas?- Pagkahiwa ng saging anong ginagawa ninyo upang hindi mangitim?- Kung gagawa ka ng ensaladang prutas sa bahay, magagawa mo ba ito? Paano?- Paano ba makakatipid sa sangkap sa paggawa ng ensaladang prutas?4. PaglalahatKinakailangang maging matipid tayo sa sangkap. Upang makatipid sa panahon sustansya at salapi.C. Pangwakas na GawainIpahayag ang mga pangunahing simulain at mahalagang punto tulad ng:1. Ihanda lahat ng mga kagamitan bago mag simula.2. Gawing malinis ang pag gagawaan 3. Hugasan ang mga prutas4. Maging matipid at masinop sa mareaming bagay na ginagamit sa pagluluto ng pagkain.5.IV. PAGTATAYAGamit ang Iskor Kard na ipapamigay ng guro, Ipapakita ng Bata ang kanilang natutunan sa Guro habang nag klakalse ipapakita kung paano ang tamang paggagayat ng Prutas at Gulay. Kalakip ng Pahinag ito ang Iskor Card na maaring Ipamahagi ng Guro.V. Gumawa muli ang bawat pangkat ng ensaladang labanos.

Petsa: ______________________ Aralin 10Pagdudulot ng PagkainMrs. Laila Q. Rubio

Teacher 2

Page 11: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Naipakikita ang kawilihan sa pagdudulot ng pagkain para sa sarili at iba pang kasapi ng mag anak.II. MGA KAGAMITANELC 2.2.4.5 p.8Gumawa at Umunlad pp. 85-86Kagamitan: Mga totoong kagamitan sa kusinaKBI- Magandang KaugalianIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang mga sumusunod na salita:Hapag kainaSerbilyetaKubyertosCoverB. Panlinang na Gawain1. Pag ganyakMagpakita ng mga kagamitang pangkusina at itanong kung ano ang inilalagay dito.2. PaglalahadIhanda ang mga kagamitan sa pagdudulot ng pagkain, ilapag ito sa lamesa.3. Pagpapakitang turo ng Guro.Ipapakita sa mga bata ang mga kagamitan at kung saan ito gagamitin. Ipaliwanag ang mga hakbang sa pagaayos ng pagdudulot ng pagkain.Ang kutsara at kutsliyo ay nasa kanan ng pingganAng tinidor at serbilyeta ay nasa kaliwaAng baso ay nasa harap ng kutsara.4. PaglalahatAng mga pagdudulot ng pagkain ay kasiya siya kung maayos at wasto ang pagdududlot ng pagkain at kung susundin ang mga hakbang kapag nagaayos ng hapag kainan.C. Pangwakas na GawainPangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat at ipagawa ang wastong hakbang sa pagdududlot ng pagkain.IV. PAGTATAYAGamit ang iskor kard sa pagwawasto ng kanilang ginagawaq sa pagdududlot ng pagkain

Mga Dapat isagawa sa pagdududlot ng pagkain. Oo HindiNaihanda ba ang mga kagamitan bago isagawa?Nasunod ba ang wastong hakbang sa pagdududlot ng pagkain.Maayos ba ang pagkakahanda ng mga kagamitanh?Malinis ba ang lugar na pinag handaan?Naligpit ba ng maayos ang mga kagamitanFinal na Iskor ng Guro: __________

V. TAKDANG ARALIN / KASUNDUANSanayin ang sarili sa bahay sa pagdudulot ng pagkain na may kawilihan.

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 12: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan

Petsa: ______________________ Aralin 11Pagliligpit ng mga kagamitang pinaglutuanI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Nakapagliligpit ng mga kagamitang pinaglutuan.II. MGA KAGAMITANELC 2.2.4.6 p.8Gumawa at Umunlad pp. 83-84Tsart at larawanKBI: Pagiging maayos.III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng takdang Aralin.2. Talasalitaan:Ipaliliwanag ng gurong ang salitang:Pagliligpit.B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak (Magpapakita ng larawan ang guro)Tignan ninyo mga bata ang larawan. Ano ang nakikita nyos sa larawan? (Ang nanay na nagluluto). Ano kaya sa palagay ninyo ang kasunod niyang gagawin sa pinaglutuan?2. Paglalahad(Dula dulaan)Pook: Sa tahanan nina G. at Gng. Gomez ay makikitang nagluluto ang ina katulong si Nene at Daisy.Nanay: Salamat at natapos na rin ang aking pagluluto. Kinakailangang iligpit na ang pinag lutuan.Nene: Tutulungan ko na po kayo inay. Napag aralan po namin kahapon ang wastong pagliligpit ng pinag lutuan. Naituro ito ng mahusay ni Gng. Rubio.Daisy: Sige nga ate, at nang dapat matutuhan ko din ang mga dapat tandaan sa pagliligpit ng pinag kainan.Nanay: Mabuti naman at nakatutulong na kayo at maisasagawa ninyo ang inyong natutuhan sa paaralan, pwede na akong gumawa ng ibang gawain. Nene: Sabi ng guro ko, kailangan na uriin ang mga ksangkapan na huhugasan, sisimutin ang mga mumo ng pagkain sa mga kasangkapan habang pinagbubukod bukod ito. Maglaan ng sapat na dami ng utbig at sabon para sa paghuhugas at pagbabanlaw. Daisy, kunin mo ang thermos.Daisy: Bakit ate aanhin mo?Nene: Kailangang gumamit ako ng mainit na tubig upang matanggal ang mantika at sebo sa kasangkapan. Dapat sisimulan ang paghuhugas sa pinakamalinis na gamit at tapusin sa pinakamarumi. Pagkatapos ay patuyuin lahat ng binanlawang kasangkapan sa pamamagitan ng malinis at tuyong pamunas bago ito itago sa kanya kanyang lalagyan.Nanay: Magaling! salamat sa tulong ninyo. Naligpit lahat ng pinag lutuan ng mabilis at maayos.3. PagtatalakayanAno ang gagawain ng mga mumo ng pagkain sa mga kasangkapang pinaglulutuan.Paano ang paghuhugas at pagbabanlaw ng pinaglutuan.Bakit mainit na tubig ang gagamitin sa pinaglutuan.Saan dapat magsimula ng paghuhugas ng pinag lutuan.4. PaglalahatLigpitin ang mga kagamitang pinag lutuan.C. Pangwakas na GawainIpapakita ng mga bata ang wastong paghuhugas ng mga pinag kainan at paglilinis ng mga kasangkapang pagluluto.

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 13: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanIV. PAGTATAYAGumawa ng isang “Lesson Evaluation” sa kwaderno. Ito ay dapat naglalaman ng mga sumusunod:a)Introduksyon b)Laman ng Evaluation c) Reaksyon at Suhisyon Ito ay katumbas ng 10 puntos.V. TAKDANG ARALINMaghugas ng pinggan sa bahay. Ayusin ang mga kasangkapan. Gumawa ng gawaing bahay. Ilista sa Kwaderno Papirmahan kay Nanay. Ipasa kinabukasan Katumbas ng 5 pounts sa Conduct.

Petsa: ______________________ Aralin 12Pagliligpit ng mga kagamitang pinagkainanI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Nakapagliligpit ng mga kagamitan na pinagkainan.II. MGA KAGAMITANELC- 2.2.4.6 p.8Umunlad sa Paggawa p.86Kagamitan- tsartKBI- Pagiging maayosIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpaliliwanag ng gurong ang salitang:Pagliligpit.B. Panlinang na Gawain’1. Pagganyak Sino sa inyo ang marunong magligpit ng pinagkaian? Paano ito ginagawa?2. Paglalahad Laboratory MethodPaglalahad ng tsart ukol sa pagliligpit ng pinagkainanBasahin:1. Gumamit ng trey upang madali ang pagdadala ng mga kagamitan ng lababo.2. Alisin lahat ng mumo ng pagkain sa mga plato habang pinagbubukod bukod ito.3. Pagbubukod bukurin ang mga gamit na magkakatulad upang sabay sabay itong hugasan.4. Punasan ang mesa ng malinis na basain,.5. Maglaan ng sapat na dami.6. Gumamit ng mainit na tubig upang matanggal ang mga mantika at sebo sa kasangkapang huhugasan.7. Simulan ang paghuhugas sa pinakamalinis na gamit at tapusin sa pinakamarumi.3. Pagtatalakayan Ano ang unang hakbang sa pagliligpit ng hapag-kain? Bakit kailangang alisin ang mga mumo ng pagkain sa mga plato. Paano makakatipid sa lakas at panahon sa pagliligpit ng hapag kainan. Alin sa mga kasangkapan ginamit sa hapag-kainan ang pinakamalinis. Kung ikaw ang pagliligpitin ng pinagkainan, paano ang iyong gagawin?4. PaglalahatMay mga hakbang na dapat sundin sa pagliligpit ng pinagkaian.C. Pangwakas na GawainPagsasagawa ng pagliligpit ng pinagkainan bawat pangkat sa pamamatnubay ng guro.IV. PAGTATAYALagyan ng ( / ) ang kahon kung yoon ang iyong sagot.Mga Tanong Oo Hindi1. Piangbubukod bukod ba ang gamit na

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 14: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhanmagkakatulad?2. Inalis ba ang natirang pagkain sa mga kasangkapan habang pinagbubukod-bukod?3. Gumamit ba ng trey sa pagdadala ng gamit sa lababo?4. Inuna ba na hugasan ang mga malinis na kasangkapan?5. Pinatuyo ba ang mga kasangkapang hinugasan?6. Gumamit ba ng pamunas ng kamay sa pagtutuyo ng mga gamit?

V. TAKDANG ARALIN / KASUNDUANIsagawa ang wastong sunod sunod ng pagliligpit ng pinagkainan.

Petsa: ______________________ Aralin 13Kasiraan sa mga kagamitan sa tahananI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Natutukoy ang mga kasiraan sa mga kagamitan sa tahanan.II. MGA KAGAMITANELC- 2.2.5.1 p.8Gumawa at Umunlad p.89Kagamitan: tsart, larawan ng mga kagamitang may sira sa tahananKBI- Pagiging MasinopIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng takdang Aralin.2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang salitang:KasiraanB. Panlinang na Gawain1. PagganyakNaranasan ba ninyo ang magkaroon ng bisita sa tahanan? Ano ano ang ginagawa ninyong paghahanda? Lahat ba ng gagamitin na kagamitan ay maayos at napakikinabangan? Pakinggan ninyo ang isang pangyayari sa buhay ni Elena.2. PaglalahadIsang araw abalang abala si Elena sa paglilinis at pagaayos ng kanyang bahay dahil mayroong darating na kamag anak mula sa Maynila. Napansin niya na kulang ang kanyang mga kagamitan. Hindi niya mabibili ang mga ito dahil hindi sapat ang kanyang salapi. Nagisip siya kung anong gagawin niya sa mga bagay na ito. kailangan niyang bigyan kalutasan ang suliranin niyang ito sa isang matipid na pamamaraan.Narito ang mga kagamitan na may kasiraan na nakita; sirang punda ng unan, pamunas ng kamay, sapin sa plato, kumot, at mantel. Gayundinang mga maluwag na turnilyo sa hawakan at takip ng mga kaldero, kaserola at iba pa. Kinukumpuni nilang lahat ang mga sirang kagamitan sa tulong ng iba pang kasambahay. Tuwang- tuwa ang buong pamilya dahil nalutas na ang suliranin nila sa kakulangan sa kagamitan sa tahanan.3. PagtatalakayanAno ang problemang suliranin ni Elsa?Ano ano ang mga kagamitan nilang sira sa tahana? Mrs. Laila Q. Rubio

Teacher 2

Page 15: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanNaisaayos bang lahat ang mga kagamitan?Ano ang aral na natutuhan ninyo sa kwento?Kung ikaw si Elena, ano ang gagawin mo sa suliraning katulad nito?4. PaglalahatAng mga kasiraan sa mga kagamitan ay butas o punit ng punda ng unan; kumot, butas na sapin sa plato at mantel. May mga maluwag at sirang takip ng kaldero, kawali, at sandok.C. Pangwakas na GawainIsulat sa Patlang ang tinutukoy na larawan_____________________

____________________________________________________________________________________

IV. PAGTATAYAIsulat Sa patlang ang kasiraan ng kagamiktang tinutukoy sa sumusunod na pangungusap.1. Ito ay pagkakasabit ng punda sa matalas na bagay. _______2. Ito ay sira sa sapin sa platona napapatusok sa matulis na bagay. _______3. Ito ay sira ng pamunasan ng kamay na natatanggal ang orihinal na tahhhi...4. Nasisisra ang kumot sa pagkakasabit sa matulis na bagay.5. Ang mantel na sinira ng daga.V. TAKDANG ARALIN /KASUNDUANMagmasid sa tahanan at alamin ang mga kasiraan ng bawat kasangkapan ng tahanan.

Petsa: ______________________ Aralin 14Angkop na materyales, kasangkapan at kagamitan sa PagkukumpuniI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Natutukoy ang mga angkop na materyles, kasangkapan at kagamiktang kakailanganin sa pagkukumpuni ng sirang kagamitan sa tahanan.II. MGA KAGAMITANELC 2.2.5.2 p.8Mga karagdagang Gawain sa EPP IV pp. 28-30Kagamitan: tsart, larawan o mga bagay na kukumpunihinKBI- pagiging matipidIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang mga sumusunod na salitaKumpunihinKasangkapanKagamitan o MateryalesB. Panlinang na Gawain1. Pagganyak Magpapakita ng mga larawan ng sirang hawakan ng kaserola, mga maluwag o tanggal na hawakan ng takip ng kaserola, punit na punda, butas na mantel atbp. Ipaunawana ang mga ito ay madalas masira dahil malimit na paggamit.2. PaglalahadPangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat, bigyan ng mga kasangkapan sa tahanan na may kasiraan. Paguusapan ng pangkat sa tulong ng lider ang sirang kasangkapan naibigay sa bawat pangkat. Pagusapan ang mga materyales, kasangkapan at kagamitan na kakailanganin.PANGKAT I PANGKAT IIPunit na Punda Maluwag na hawakan ng takip ng kaserolaButas na kumot Tanggal na hawakan ng sandokPANGKAT IIISirang pangkat ng silyaMrs. Laila Q. Rubio

Teacher 2

Page 16: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanTastas na tahi ng pamunas ng kamay3. PagtatalakayanAno ano ang mga materyales, kagamitan at kasangkapang kakailanganin ng una, ikalawa, at ikatlong pangkat?Kailangan bang bilhin ang lahat ng materyales na nabanggit? Bakit?Kung ikaw ang gagawa ng mga kasiraang ito mangangailangan ka ba ng salapi para sa materyales? anong kaugalian ang maari mong isabuhay?4. PaglalahatAng mga materyales o kagamitan at kasangkapa na kakailanganin sa pagaayos ng mga kasiraan sa kagamitang pantahanan ay ang mga sumusunod: tela, turnilyo, sapatilyang metal, karayom, disturnilyador, pako, martilyo at lagare.C. Pangwakas na GawainMagtala ng mga sira ng kagamitang pangtahanan na hindi nabanggit at tukuyin ang mga materyales o kagamitan at kasangkapan na kakailanganin.IV. PAGTATAYAAng mga sumusunod ay pangkaraniwang kasiraan sa tahanan. Pumili ng angkop na materyales at kasangkapang gagamitin sa kahon.

Materyales KasangkapanPunit na pundaMaluwag na Hawakan ng kaserolaButas na MantelTanggal na paa ng silyaButas na sapin ng platoV. TAKDANG ARALIN / KASUNDUANAlamin ang hakabang sa pagkukumpuni ng sira o maluwag na hawakan ng takip ng kaserola.

Petsa: ______________________ Aralin 15Hakbang sa Pagkukumpuni ng maluwag na Hawakan ng takip ng kaserolaI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Naiisaisa ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang kagamitanII. MGA KAGAMITANELC 2.2.5.3 p.8Mga Karagdagang Gawain sa EPP IV p.31Kagamitan- distunilyador, turnilyo, sapatilyang metal, tsart, larawanKBI- Pagiging MasinopIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang mga sumusunod na salitaturnilyodistunilyadorsapatilyang metalB. panlinang na Gawain1. Pagganyak Sino sa inyo ang nakatutulong sa mga gawain sa kusina. May takip ba kayo ng kasirola na sira o maluwag ang hawakan? Kinukumpuni ba ninyo ang ganitong sira ng kasangkapan? Bakit kailangang kumpunihin ito sa lalong madaling panahon? May karanasan ba kayo sa pagaayos ng ganitong sira ng kagamitan? Papaano ninyo ito isasagawa?2. PaglalahadAng pagluwag ng hawakan ng takip ng kaserola ay maaring sanhi ng nabubulok na turnilyo dahil sa kalawang. Maari rin namang ito ay dahil sa lumuluwag na ang butas sa pinagdadaanan ng turnilyo.Mrs. Laila Q. Rubio

Teacher 2

Karayom SinulidGunting TurnilyoMedida PakoMartilyo TelaDisturnilyador Sapatilyang MetalKapirasong Kahoy

Page 17: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanUpang maisaayos mong muli ang mga maluluwag na hawakan ng takip ng kaserola. Sundin ang mga sumusunod na hakbang.1. Suriin ang hawakan upang matiyak ang dahilan ng pagluwag nito.2. Pagkatapos matiyak ang depekto, tanggalin ang turnilyo.a. Piliin ang angkop na uri ng distunilyadorb. Ilagay ang dulo ng distunilyador sa hiwa ng ulo ng turnilyo.c. Pihitin ang turnilyo sa direksyong pakaliwa3. Ipagpatuloy ang pagpihit ng turnilyo hanggang sa matanggal ito. (Suriin ang turnilyo kung kailangan nang palitan4. Suriin ang butas ng takip ng kaserola. pantayin ang kinakailangan sa pamamagitan ng paglalagay sa ibabaw ng mga mesa nang pabaliktad at pukpukin ng malyete ang lugar na hindi pantay.5. Muling ikabit ang hawakan.a. Piliin ang angkop na turnilyo para sa butas ng takip b. Ipasok ang turnilyo sa sapatilyang metal bago ikabit sa takipc. Pihitin ng pakanan hanggang sa humigpit at mawala na ang paggalaw ng hawakan.3. PagtatalakayanBakit kinakailangang suriin ang hawakan?Ano ano ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sira/ maluwag na hawakan ng takip ng kaserola?4. PaglalahatAng mga hakbang sa pagkukumpuni ng maluwag o sirang hawakan ng takip ng kaserola ay ang sumusunod: (Isaisahin ang mga hakabang)C. Pangwakas na GawainPangkatin ang mga bata at paggawain ng hakabang upang kumpunihin ang sirang kagamitan sa tahanan.IV. PAGTATAYAPagsunod sunodin ang hakabang sa pagkukumpuni ng sirang kaserola.V. TAKDANG ARALIN / KASUNDUANMagdala ng kaserolang maluwag ang hawakan ng takip ng kaserola, turnilyo at distunilyador

Petsa: ______________________ Aralin 16Pagkukumpuni ng maluwag na hawakn ng takip ng kaserolaI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang gawin ang mga susunod:Naisasagawa ang pagkukumpuni ng kagamitan sa matipid at ligtas na pamamaraan.II. MGA KAGAMITANELC 2.2.5.4 p.9Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Mga Karagdagang Gawain – Ikaapat na Baitang pp. 28-35Kagamitan: maluwag na hawakan ng takip ng kaserola, disturnilyador, turnilyo, at sapatilyang metalKBI- Pagiging masinopIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanag ng Guro ang salitang:Mrs. Laila Q. Rubio

Teacher 2

Page 18: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhansurrin B. Panlinang na Gawain1. PagganyakMagpakita ng maluwag na Hawakan ng takip ng kaserola. Ano ano ang ginagawa ninyo kapag may ganitong uri ng sira sa tahanan?Nagsagawa ba kayo ng pagkukumpuni ng ganitong sira ng kagamitan? Nais ba ninyong matutunan ang pagsasagawa ng pagkukumpuni?2. PaglalahadIpabasa ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng maluwag na hawakan ng takip ng kaserola.Ano ano ang mga materyales, kagamitan at kasangkapan na kinakailangan? Ipakitang turo ng guro ang hakbang na sinusunod sa pagkukumpuni.3. PagtatalakayanAno ang unang dapat na hakbang sa pagkukumpuni?bakit kailangang suriin ito ng mahusay?Paano gagawin ang pagaayos ng kasangkapan?Balik Pakitang gawa ng dalawa o tatlong bata sa unahan sa patnubay ng guro. Nasisisyahan ka ba sa gawaing ito?4. PaglalahatMagiging maayos ang pagkukumpuni ng maluwag na hawakan ng takip ng kaserola kung sususndin ang hakabang at magiging maingat sa paggawa.C. Pangwakas na GawainPagawin ang mga bata ng pagkukumpuni ng maluwag na hawakan ng takip ng kaserola.IV. PAGTATAYALagyan NG ( / ) ang kolum ng inyong sagot ayon sa inyong pagkakagawa.Mga Tanong OO HINDIa. Sinuri ko ba kung ano ang dapat na kumpunihin?b. Ginamit ko ba ang angkop na kasangkapan?c. Angkop ba ang ginamit kong kagamitan?d. Mahigpit ba ang pagkakalagay ko sa turnilyo?e. Nawala ba ang paggalaw ng mga bahagif. Nasiyahan ako sa aking gawaV. TAKDANG ARALIN/ KASUNDUANMagsagawa ng pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan ayon sa iyong kakayahan

Petsa: ____________________Laki ng Mag Anak

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang: -Natatalakay ang kaugnayan ng laki ng mag anak sa kapanganakan nito at sa pangangailangan ng mga kasapi

II. MGA KAGAMITAN RBEC/ELC 2.3.2 p.9 Masayang Paggawa at Maunlad na Pamumuhay 4 p.56 Kagamitan:

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 19: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan Mga Tsart Mga Larawan ng Maliit at Malaking Pamilya KBI – Edukasyong Pampopulasyon

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitaan Ipapaliwanag ng guro ang suimusunod na salita:

Maliit na pamilyaMalaking pamilya

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak

Si Bea at Linda ay matalik na magkaibigan. Si Bea ay galing sa maliit na pamilya kaya hindi halos naibibigay ang gusto niya. Lagi siyang huli sa paaralan at kulang ang baon. Hindi tulad ni Linda kumpleto ang gamit sa paaralan at nakikilahok sa mga gawaing pampaaralan, may panahon sa pag aaral dahil 2 lang silang magkapatid. Di katulad ni Bea na kabaligtaran ni Linda, 5 silang magkakapatid siya ang nag aasikaso dito at nag lalahat ng gawaing bahay. walang oras sa Pagaaral.Sa iyong palagay ano ang pagkakaiba ng 2 pamilya?

2. PaglalahadMagpapakita ang guro ng Larawan ng Maliit na pamilyang kumakain ng maayos. Gayundin ang malaking pamilya ngunit magulo silang kumakain at maingay. Ipamasid sa mga bata ang larawan.

3. PagtatalakayanAno ang pagkakaiba ng dalawang larawan?Bakit maayos kumakain ang maliit na pamilya?Bakit kaya nagkakagulo ang ikalawang pamilya?Kung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataong mamili ng pamilya anong pipiliin mo?

4. PaglalahatAng laki ng pamilya ay may kaugnayan sa kapakanan at pagtugon sa pangangailangan ng bawat kasapi

C. Pangwakas na GawainBakit ang mga magulang lamang ang may karapatan at tungkuling pumili ng laki ng kanilang mag anak?Gawin: Magpangkat pangkat nang sampuan. Lagyan ng label ang mga kasapi ng mag anak. Sa hudyat ng guro, ipakita ang pamilyang nukleyar o mag anak na extended. Gawin itong isang pantomina.

IV. PAGTATAYATukuyin kung tama o Mali1. Higit na natutugunan ang pangangailangan ng mag anak kung maliit lang ito2. Mas higit na mapapangalagaan ang malaking pamilya3. kakaunti lamang ang ipaghahanda ng pagkain sa malaking pamilya4. Nagkakaroon ng sapat na oras para sa mga anak ang magulang na may maliit na

pamilya5. May pagkakataong makapag aral ang mga anak sa maliit na pamilyaV. TAKDANG ARALINANG AMING PAMILYA

Isulat ang pangalan ng magulang Edad at Trabaho.isulat ang pangalan mo at ninyong magkakapatid.Isulat ang TirahanAno ang uri ng pamilya?Malaki, Nukleyar, Maliit, Ekstended.

Activity 2 Isulat ang mga katangian ng inyong mag anak na ipinag mamalaki mo. Ipaluiwanag sa maikling paraan kung bakit mo ipinagmamalaki ito. Magbigay hanggang 3.

PETSA: ____________________

PANGANGASIWA NG MALAKI AT MALIIT NA MAG ANAKI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang:-Naihahambing ang kakahayahan ng maliit at malaking mag anak sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng damit, pagkain at tirahanII. MGA KAGAMITAN

RBEC/PELC 2.3.3 p.9 Gumawa at Umunlad 4 pp. 96 – 99

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 20: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan Kagamitan larawan KBI – Edukasyong Pampopulasyon

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanang ng guro ang mga salitang:PopulasyonFamily Planning

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng maliit na pamilya. Alin sa palagay ninyo ang mabuti sa dalawang ito? Bakit?

2. Paglalahad Pagkukuwento(Sariling Karansan ng guro)Alam ninyo, ako ay galing sa malaking pamilya. Kami ay anim magkakapatid at ako ang pangapat. Dahilan dahil kami ay malaking pamilya marami ang inighahanda naming pagkain sa almusal, tanghalian at hapunan. Hindi maaring kaunti dahil hindi kakasya dahil kami ay matataba. Kami rin ay hindi mapag sabay sabay sa pamimili ng kagamitan. Ang gamit na maaring gamitin ay ginagamit namin gaya ng mga pahina ng notebook at bag. Sa kasalukuyan namahal na ang mga bilihgin kaya pinapayuhan ang mga mag asawa na mag Family Planning upang maiwasan ang pagkakaroon ng maraming anak.

3. PagtatalakayanAno ang uri ng pamilya ang nabibilang sa kwento?Ano ang masasabi ninyo sa buhay namin?Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng maraming anak?Mahalaga ba ang Family Planning? Bakit?Paghambingin muli ang 2 uri ng pamilya.

4. PaglalahatMas madaling pangasiwaan ang maliit na pamilya kaysa malaking pamilya tungo sa maayos at kasiya siyang pamumuhay.

C. Pangwakas na GawainPag sasagawa ng dula dulaan ukol sa pangangasiwa ng maliit at malaking pamilya.IV. PAGTATAYATukuyin kung Tama o Mali1. Ang maliit na pamilya ay mas madaling pangasiwaan kaysa malaking

pamilya.2. madaling matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mag anak kung

malaki ang pamilya.3. May pagkakataong makapagpahinga ang mga magulang na iilan lamang ang

anak dahilan sa madali nilang natatapos ang gawain sa tahanan.4. May pagkakataong makapag aral ang mga anak na nasa maliit na pamilya

kaysa malaki.5. may pagkakataong makapag hanap buhay ang mga ina ng tahanan kung marami

ang bilang ng mga anak.V. TAKDANG ARALIN

Saang pamilya kayo nabibilang maliit o malaki? Isulat ang ilang karanasan ng inyong magulang sa pangangasiwa nito.

PETSA: ____________________

KAHALAGAHAN NG PAGIIMBAK NG PAGKAINI. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang:-Nasasabi ang kahalagahn ng pagiimbak ng pagkainII. MGA KAGAMITAN

RBEC/PELC 7.7.1 p.26 Mga Gawain sa pagpapaunlad ng buhay pp. 184 – 186

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 21: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan Kagamitan: Larawan ng iba’t ibang pagkain na maaring imbakin KBI- Pagpapaunlad ng Pangkabuhayan, Pagtitipid at Patience

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitaan

Ipapaliwanag ng guro ang sumusunod na SalitaPagiimbakKapaki pakinabang

B. Panlinang na Gawain1. PagganyakMay mga panahon sa ang mga aning prutas, gulay, manok at karne ay sobra sobra sa ating pangangailangan. sa tingin ninyo ano kaya ang maaring gawin upang mas mapatagal ang buhay ng pagkain?

2. PaglalahadFiesta kina aling Marta, madaming pagkain nagkatay ng 3 malalaking baboy. Nagluto ng Afritada, Kaldereta, Sinigang, Nilaga, mga pritong pagkain at maraming marami pa, madaming tao ang dumating sila ay busog na busog at ligayang ligaya. Umalis sila ng bahay nila Aling Marta na may mga ngiti sa mukha at bundat na bundat sa busog. Pagkapasok ni Aling Marta sa kusina nakita niya na napakadami pang pagkain, kaya tinawag niya si Bella at tinuro ni Bella ang paraan ng pagiimbak ng pagkain.Sabi ni Bella nakakatulong pa ang pagiimbak ng pagkain sa pangkabuhyan at pagpapaunlad ng buhay. Kaya nga tuwang tuwa si aling Marta. Dahil sa pagiimbak ng pagkain ay malaking tipid at bawas gastos.

3. PagtatalakayanAno ang ginawa ni Aling marta sa pagkain?Ano ang pagiimbakBakit natin kailangan itong pagaralan?

4. PaglalahatAng pagiimbak ng pagkain ay isinasagawa upang upang mapigilan ang madaling pagkasira o pagkabulok ng pagkain.Pinapatay ng pagiimbak ang mga bakteryang namamahay sa mga pagkaing hilaw na siyang nagiging sanhi ng mabilis na pagkasira nito.

C. Pangwakas na GawainSagutin ang mga tanong:Ano ang dapat gawain sa natirang karne, isda, at gulay?Ano ang kahalagahan nito?May karanasan ba kayo dito?

IV. PAGTATAYAAno ang magagawa ng pagiimbak sa mag anak? Magbigay ng lima ( 5 ) kahalagan ng pagiimbak

V. TAKDANG ARALINGumupit ng mga larwan ng maaring imbakin. Pati mga paraan

PETSA: ______________________

IBA’T IBANG BATAYAN SA PAGIIMBAK NG PAGKAIN NA NAPAPANAHON AT SARIWA

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang:-Natutukoy ang iba’t ibang batayan ng pagiimbak ng pagkaing napapanahon, pagkaing sariwa atbp.

II. MGA KAGAMITAN

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 22: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan RBEC/PELC 7.2 p.26 Mga Gawain sa Pagpapaunlad ng Buhay p. 187 – 189 Kagamitan: Mga aktuwal o larawan ng pagkain KBI – Paghpapaunlad ng kabuhayan/ Pagtitipid

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin

2. TalasalitaanIpapaliwanag ng Guro ang mga salitang

PagbuburoPagkukusilbaPagmamatamisNapapanahon

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Ano ang dapat gawin sa mga pagkain na napapanahon? Naranas o nagawa ninyo na ba ito?

2. PaglalahadHindi lahat ng uri ng pagkain ay maaring imbakin, sapgkat ang maayos na pagiimbak ay nakasalalay sa uri at kalidad ng pagkaing iimbakin.

Ipapaliwanag ng guro ang pahina 187 – 189.

3. PagtatalakaynBakit kailangfan magkakasing laki at magkakasing hinog ang mga prutas?Bakit gayundin sa gulay?Para saan nararapat ang pagiimbak ng isda?Ano ang klase ng karneng dapat imbakin?

4. PaglalahatAng mga prutas at iba pang pagkain na nasa panahon ay maaring imbakin sa pamamagitan ng pagkukulsiba, pagmamatamis, pag aatsara o pagbuburo. May mga gulay na maaring patuyuin din at isabote.

C. Pangwakas na GawainSabihin kung anong paraan ng pagiimbak ang gagawin sa sususnod:Hinog na SabaPapayaKamotePinyaMustasaKalamiasKamatis

IV. PAGTATAYAMagbigay ng limang (5) paraan ng pagiimbak ng pagkaing napapanahon.

V. TAKDANG ARALINMagpunta sa pamilihang bayan upang alamin ang mga pagkaing napapanahon. Humandang ilahad bukas ng bawat pangkat.Magpunta sa groseri hanapin kung saan matatagpuan ang mga preserved food at pagkatapos ay gumawa ng tala ng mga ito at iulat sa klase.

PETSA: _____________________MGA PARAAN SA PAGIIMBAK NG PAGAKIN

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang:-Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng pagiimbak tulad ng pagtutuyo-pagaasin o pagmamatamis.

II. MGA KAGAMITAN RBEC/PELC 7.3 p.27 Mga Gawain sa pagpapaunlad ng buhay

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 23: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan pp.190- 195 Kagamitan Aktwal na isda, saging, asukal, at asin

KBI – Pagpapaunlad ng kabuhayan / PagtitipidIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral2. Group Reporting (Pagwawasto ng Takdang Aralin)3. TalasalitaanIpapaliwanag ng Guro ang mgha salitang:

PagtutuyoPagaasinPagmamatamisPagaatsara

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Kapag maliwanag ang buwan at kapag mahal ang isda, anong uri ng isda ang inyong kinakain?

2. PaglalahadAng mga pagkain ay maaring imbakin sa iba’t ibang paraan. Pag aralan ang mga sumusunodIpapaliwanag ng guro ang pp. 190 – 195.

3. PagtatalakayanAno ano ang ibat ibang paraan ng pagiimbak ng pagkain?Ano ano ang mga pagkain na maaring imbakin na naayon sa mga uri nito?Ano ano ang mga paraan?Ano ba ang pinakamadaling paraan ng pagiimbak?Bakit napatatagal ang pagkaing ginagamitan ng asuka?

C. Pangwakas na gawainSagutin ang sumusnod na TanongAno ang paraang gagamitin sa pagiimbak ng mga sumusunod:Isda, mangga, kamyas, papaya, bagoong, patis atbp..

IV. PAGTATAYATukuyin ang paraan ng pagiimbak ng mga sumusunod na pagakin:

IsdaBeanspapayaPinyaKamyas

V. Project #1Gawin sa bahay ang isang paraan ng pagiimbak at isulit sa isang lingo

CriteriaMaayos – 30Malinis – 30Output – 30--------------------------90%

PETSA: ___________________PLANO TUNGKOL SA PAGKAING IIMBAKIN

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang:Nakapagplaplano ng pagkaing iimbakin.

II. MGA KAGAMITANRBEC/PELC 7.4.1 p.27Mga Gawain sa pagpapaunlad ng buhaypp.196 – 201

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 24: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanKagamitanMustasa, asin, hugas na bigas, at suka.KBI – Pagpapaunlad ng kabuhayan

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain 1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitaan3. Ipapaliwanag ng guro ang salitangL:PlanoB. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Ano ang kalimitang ginagawa ninyo sa mga sobrang prutas at gulay? Nakapagplaplano ba kayo ng pagkaing iimbakin? Ano ang kailangan sa resepi.

2. Paglalahad pagaralang mabuti ang isang modelong plano tungkol sa pagkaing iimbakin.Pagpapakita ng isang Modelong Plano.(Ipapakita ng Guro ang isang Modelong Plano mula sa pp.196 – 197. Ipabasa din ang Mga Pamantayan pp.196)

3. PagtatalakayanAno ang nararapat gawin sa mga sangkap at kagamitang kakailanganin sa pagiimbak?Bakit kinakailangang itala ang mga pangunahing kasangkapang gagamitin?Ano ang mga dapat gawin sa mga hakabang o paraan na gagawin sa pagiimbak?Ano ang dulot sa pamilya ng isang plano?

4. PaglalahatAng pagplapalno ng pagkaing iimbakin ay mahalaga para handa ang lahat. Sunding mabuti ang paraan para maging matagumpay.

C. Pangwakas na GawainGagawa bawat isa ng 2 plano.

IV. PAGTATAYAManggawa ng layout plan ng Modelong Plano at Plano Sa Group reporting.

V. TAKDANG ARALINMagdala ang bawat pamilya ng 12 pirasong itlog, 12 tasang asin, 12 tasang putik, palayok, o kaserolang at tasang panukat

PETSA: ______________________HAKBANG SA PAGIIMBAK NG ITLOG NA MAALAT

I. LAYUNINSa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang:Nasususnod ang hakbang sa pagiimbak ng itlog na maalat.II. MGA KAGAMITAN RBEC/PELC 7.4.2 p.27 Mga Gawain sa pagpapaunlad ng buhay pp.196 – 197 Kagamitan

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 25: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan 6 na itlog, tubig, asin, garapo, at wax paper KBI – PagsisikapIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang mga sumusunod na salita

ResipiSangkapParaan

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Kumakain ba kayo ng itlog? Anong luto ng itlog? Ngayon tuturuan ko kayo manggawa ng maalat na itlog.

2. PaglalahadPagbabasa ng ResipiPagpapakita ng resipi6 na itlogtubig,asin,garapowax paperParaan ng PaggawaIlagay ang itlog sa katamtamang laki ng bote o garaponLagyan ng tubig, sapat upang makatakip sa itlog at katumbas ng dami ng asin. Ang isang tasang tubig ay may katumbas na isang tasang asin.Ibabad ang itlog sa tubig na may asin sa loob ng labinlimang araw.Hanguin ang itlog at ibalot sa wax paper upang hindi sumingawIlaga ang itlog kung nais nang kainin.

3. PaglalahatAng pagsunod sa resepi ay mahalaga para maganda ang kalabasan ng pagiimbak.

C. Pangwakas na GawainPagpapalitan ngt kuro kuro sa ginawa at pagbabahagi ng karanasan sa pagiimbak ng pagkain.

IV. PAGTATAYASagutan ang Iskor Card na ipapamahagi ng guro. Katumbas ng 85% sa Partcicipation.

V. TAKDANG ARALINDalhin ang itlog na maalat matapos ang dalawang linggo.

PETSA: ____________________KAHALAGAHAN AT KAALAMAN SA KASANAYAN SA PANANAHI at

KABUTIHANG DULOT NG PANANAHI SA KAMAYI. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng klase ang bata ay inaasahang:Nasususnod ang hakbang sa pagiimbak ng itlog na maalat.

II. MGA KAGAMITAN RBEC/PELC 8.1 p.27 MASAYANG Paggawa Maunlad na Pamumuhay p.37

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 26: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan Kagamitan Larawan ng sirang damit at pagaayos nito KBI – PagkamatiyagaIII. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. TalasalitaanIpapaliwanag ng guro ang mga salitang.

PananahiKasanayan

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Ano ang ginagawa ninyo kapag natastas ang tupi sa palda? Kayo ba ay marunong manahi sa kamay? Alam ninyo ba ang kabutihgang dulot nito?

2. PaglalahadMag kukuwento ang guro tungkol sa pananahi. At kung dapat ba itong matutunan.Panuntunan sa pananahiIangkop ang uri ng tela sa gagawing proyektoGumamit ng tamang tahing kamaySumunod sa tamang hakbang sa paggawa Sundin ang mga kaugaliang pangkalusugan at pagkaligtasan hakbang gumawaIangkop sa badyet ang halaga ng proyekto.Simulan at tapusin ang proyekto sa takdang panahon.Isagawa sa pinakamahusay, pinakamabilis, at pinakamalinis na paraan ang proyekto

3. PagtatalakayanBakit mahalaga ang pagtatahi sa kamay?Paano mapapabilis at mapapahusay ang pananahi sa kamay?Bakit mahalagang simulan at tapusin sa takdang panahaon ang anumang pananahi sa kamay?Nakakatipid ba kapag nagtatahi?

C. Pangwakas na GawainBasahin ang sitwasyon at sabihin kung ano ang nararapat gawinNakakita ka ng mga retasong damit. Marami yoon at gusto mo magkaroon ng centrepiece. Ano ang iyong gagawin?May sira ang Tshirt ng kapatid mo, Ano ang gagawin mo? Bakit kailangang tahiin.

IV. PAGTATAYAIsulat ang kahalagahan ng mga sumusunod:Kung butas ang pantalonWalang butas ang unipormeTas tas ang tahi sa tagiliranGusto mo magkaroon ng basahanGusto mo gumawa ng unan

V. TAKDANG ARALINMagdala ng sewing boxIlaman ang mga sumusunod:

KarayomSharpCrewelBetweenAspilePin CussionThreaderEmery BagGuntingDidal

SinulidMedidaRulerTailor’s ChalkTela (15x15)--------------------------Gastos: P130 - P150

PETSA: ____________________KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PANANAHI

I. LAYUNINSa pagtatapos ng aralin ang estudyante ay inaasahangNatutukoy ang mga kagamitan at kasangkapan sa pananahi

II. MGA KAGAMITAN RBEC/PELC 8.2 p.28 Masayang Paggawa at Maunlad na Pamumuhay pp.33-34 Mga Kagamitan: Mga aktwal na Kagamitan sa pananahi at Sewing

Box

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 27: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan KBI- Pagkamasinop

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitaan

Ipapaliwanag ng Guro ang mga sumusunod na Salita:KagamitanSewing BoxMedida

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Sino ang may sewing box na dala? Ano ang kahalagahan nito?2. Paglalahad

Bubuklatin ng mga bata ang sewing box at ibibigay ang mga kahulugan at paraan ng paggamit dito.Buklatin ang pp.33-34 ng Masayang Paggawa at Maunlad na Pamumuhay at naandoon ang mga kahulugan.

3. PagtatalakayanAno anong gamit ang dapat nasa kahaon ng panahian? Bakit kailangang kompleto ang mga gamit sa kahon ng panahian?Ipaliwanag mo nga ang bawat isa

4. PaglalahatMagiging maayos at mabilis ang gawaing panahi kung magkakaroon ng sarili at kumpletong kagamitan.

C. Pangwakas na GawainPunan ang patlang ng tamang sagot:

tusukan sinulid aspile karayomgunting medida

didal ruler tsok sewing box

Napunit ang damit ni Carla. Kailangan niya ang kanyang ____. Dito niya kukunin ang mga kailangan niyang ___, ___, ____, at ___. Kailangan isuot niya ang ___ upang maiwasan ang pagkayusok ng kanyang hinlalato. Natapos kaagad ni Carla ang kanyang pagsususlsi. Gumamit siya ng ___ para putulin ang sinulid. Ibinalik niya sa ___ ang gamit niyang ___. Ibinalik din niya sa ___ ang mga kagamitan niya sa pananahi.

IV. PAGTATAYAIsulat sa patlang ang gamit na tinutukoy sa pangungusap.1. Plastik o metal cap na pantulak sa karayom.2. Lalagyan ng mga kagamitan sa pananahi.3. Karayom na ginagamit sa pananahi ng damit na maong 4. Mahaba at malking gunting na pantabas ng makapal na tela.5. pinalalamnan ng pinong bubog o buhangin upang patalimin ang

karayom6. Kailangan angkop sa butas ng karayom.

V. TAKDANG ARALINSagutin ang sumusunod na tanong.1. Bakit kailangang matuto ang mga batang manahio sa kamay?2. Patunayan na ang pananahi ay isang kapakipakinabang na hanap

buhay.3. Paano makatutulong sa kita ng pamilya ang pananahi?4. Bakit itinuturing na kaaliw aliw na gawain ang pananahi?

Petsa: ____________________

WASTONG PAGGAMIT AT PANGANGALAGA SA MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PANANAHII. LAYUNIN

Sa pagatatapos ng klase ang estudyante ay inaasahang:-Natatalakay ang wastong paggamit at pangangalaga ng mga kagamitanat kasangkapan sa pananahi.

II. MGA KAGAMITANRBEC/PELC 8.3kagamitan- Sinulid, karayom, didal, gunting, medida

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 28: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang PanauhanKBI- Pagiging masinop

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

1. Balik Aral at Pagwawasto ng Takdang Aralin2. Talasalitaan

Pagtutulak ng karayomMedidaPin CussionEmery bag

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Nakaranas ba kayong manahi sa kamay?Ano ang inyong ginagawa?

2. PaglalahadIsang KwentoSi Zeny ay nag sususlsi ng T-Shirt ni Arnel. Binulangan niya ang karayaom ng sinulid na isang yarda ang haba. Tuwing itinutusok niya ito ay nagbubuhol dahil sa sorang haba. Ginamit pa niya ang malaking karayom kaya’t napuputol ang sinulid sa pagbatak. Hindi siya gumagamit ng didal kayat laging natutusok at dumudugo ang daliri. Hinihila niya ang sinulid ng kamay kayat kulubutan ang tahi niya.

3. PagtatalakayanBakit nagkakabuhol buhol ang sinulid ni Zeny?Anong karayom ang ginamit niyaAno ang dapat gawin ni Zeny?Ano ang gagawin upang maiwasan ang pagkakadugo ng daliri?Papaano ang pagpuputol ng sinulid?

4. PaglalahatKailangan ng wastong paggamit sa mga kagamitan sa panahi at ibayong pag iingat para tumagal at di kalawangin ang karayom, aspili, at gunting. Gumamit ng medida para masiguro ang sukat.

C. Pangwakas na GawainPag dedemo ng bawat pangkat sa pag gamit ng pangangalaga ng kasangkapan sa pananahi.

IV. PAGTATAYA Iskor KardMamamahagi ang guro ng isakor kard katumbas ng 85% sa Calss Participation

V. TAKDANG ARALINMagdala ng iba’t ibang tela. Sukat 15x15 (Napakakapal, Makapal,, Napakanipis, Manipis, Pinakamanipis, at ordinaryong tela.)

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2

Page 29: 2nd LP_HE.docx

Ikalawang Panauhan

Mrs. Laila Q. RubioTeacher 2