Upload
rotsacreijav66666
View
265
Download
3
Embed Size (px)
DESCRIPTION
doc
IKATLONG BAITANG
I. LAYUNINNabibigyang-kahulugan ang mga pahayag na opinion at katotohanan
II.Paksa:Opinyon at Katotohanan
Sanggunian:BEC PELC, p. 17
Manwal ng Guro sa Bagong Filipino sa Salita at Gawa 3, XVIII, p. 13
Bagong Filipino sa Salita at Gawa 3, Pagbasa 3, pp. 108-110
Kagamitan:mga pahayagan, editorial, balita
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Ano ang pagkakaiba ng opinion sa katotohanan?
2. Pagganyak
Ano ang napili ninyong balita sa dala ninyong babasahin? Lahat ba ng nababasa ninyo ay kapani-paniwala? Bakit?
B. PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Basahin ang mga pangungusap sa pisara. Sabihin kung opinion o katotohanan. Pagkatapos bigyang kahulugan.
1.Karapatan ng bawat isa na magbigay ng opinion tungkol sa
isang isyu.
2.Tutol ang ibang senador sa anti-terrorism bill.
3.Marami raw ang magugutom dahil sa 12% EVAT.
4.May 12 buwan sa loob ng isang taon.
5.May pagbabatikos at bangayan sa mga pinuno ng
administrasyong Arroyo.
2.Pagtatalakay
Aling pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan? (# 1, 2, 4, 5) ng opinion? (#3) Bakit? Paano malalaman? Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng mga pangungusap na ating binasa? Tukuyin ang bilang ng pangungusap.
a.Nag-aaway at nagbabanatan ang mga kasapi ng gabinite ni
Pangulong Arroyo. (Pangungusap 5)
b.Ang isang taon ay binubuo ng isang dosenang buwan.
(Pangungusap 4)
c.Dahil sa 12% na dagdag sa buwis, maraming mamamayan ang
mahihirapan. (Pangungusap 3)
d.Malaya ang sinuman na sabihin ang pananaw o reaksyon
tungkol sa isang isyu. (Pangungusap #1)
e.May mga ilang mambabatas na ayaw sa batas ukol sa kontra
terorismo. (Pangungusap 2)
3.Pagsasanay
Sabihin kung opinion o katotohanan. Bigyang-kahulugan ang bawat pahayag. Kumuha ng kapareha at magtulungan.
Katotohanana.Ang Pilipinas ay kasapi ng UN.
Katotohananb.Demokrasya ang uri ng pamamahala sa ating bansa.
Opinionc.Para sa akin, mas madaling magbigay ng puna kaysa
humanga.
Opiniond.Marami ang mas gustong maghanapbuhay sa U.S.A.
Opinione.Hindi makatarungan ang batas.
Bigyang kahulugan. Ilahad at suriin ang ginawa ng bawat pangkat.
C.PAGLALAHAT
Paano mo bigyang-kahulugan ang isang pahayag? (intindihin, suriin, timbangin o gumawa ng pag-analisa)
D.PAGLALAPAT
Basahin ang kasunod na editorial na halaw sa pahayagang Mata at Boses, June-October, 2005 issue p.2. Pagkatapos sumipi ng 3 pahayag na katotohanan at 3 pahayag na opinion.
Bigyang kahulugan
Mga Tinik sa Ibat Ibang Angulo
Sa pamumuno ni PGMA, maraming pagkakataong narinig o napapanood ng taong bayan ang pagbabatikos at bangayan sa senado.
Pagkatapos ng kontrobersyal na Hello Garci tape, katakut-takot na pagbabatikos ang natanggap ng administrasyon. May tumiwalag sa puwesto.tapos humirit ang Cha Cha.
Sumunod ang anti-terrorism bill na tinutulan ng magdeklara ng Martial Law.
Isa pa itong EVAT na solusyon daw sa suliraning pang ekonomiya ng bansa. Sagot naman ng oposisyon at ilang mamamayan, lalong pahirap ito kay Juan de la Cruz. Patuloy rin ang sunud-sunod na rally na wala namang nangyayari.
Mas maganda kung magkaisa tayo at magtulungan para malutas ang problema ng bansa. Iwasan sana ang inggitan, payabangan, banggaan. Sa halip maging makabayan.
IV.
PAGTATAYA
Ibigay ang kahulugan ng bawat pahayag.
Gumamit ng papel.
Halimbawa:
1.Opinyon:
Babagsak ang bansa kung madalas ang rally.
Kahulugan:
2.Katotohanan
Ang sistema ng pamahalaan sa bansa ay pampanguluhan.
Kahulugan:
V.
TAKDANG ARALIN
1.Magbigay ng isang pahayag tungkol sa napapanahong isyu.
2.Paano isusulat ang sariling opinion tungkol sa napapanahong isyu? Anu-
ano ang mga angkop na ekspresyong dapat gamitin?I. LAYUNIN Napag-uri-uri ang mga salita ayon sa mga salitang kaugnay ng pandama at damdamin Nakasusulat ng isang maikling reaksyonII.Paksa:Pag-uuri ng mga SalitaSanggunian:BEC PELC, p. 17
Mga Banghay Aralin sa Filipino VI ni Gomez, B. pp. 166, 170-173
Landas sa Wika, p. 41
Kagamitan:mga larawan ng nawasak na kalikasan
Reaksyon na nakasulat sa Manila Paper
II. PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-arala.Anu-ano ang nagagawa ng mga tao sa kalikasan?
b.Ano ang aspekto ng kilos na inyong ibinigay?
c.Paano ang pagbigay ng reaksyon?
2. Pagganyak
Tingnan ang larawan. Ano ang iyong masasabi tungkol dito?
Ano ang iyong nadarama kung nakikita ninyo na patuloy ang pagkawasak ng kalikasan?
C. PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Basahin nang malakas ang seleksyong nakapaskil sa pisara.
Epekto ng Pagkawasak ng Kalikasan
Sagana tayo sa mga likas na yaman. Ngunit ito ay nauubos o nasisira dahil sa di-wastong paggamit, paglinang at pag-abuso ng marami sa ating mga mamamayan.
Saan mang dako nakabibingi ang ingay ng chain saw na ginagamit sa pagputol ng mga kahoy. Marami ang mga illegal loggers. Isa pa bihira na ang mga malinis na tubig dahil sa pagtatapon ng basura sa mga ilog at sapa. Ano na ang nangyayari?
Ang luntiang mga kahoy at halaman ay nauubos. Maalinsangan ang paligid. Gumuguho ang lupa kung tag-ulan. Mabaho ang simoy ng hangin dahil sa mga basura sa lupa man o tubig. Namamatay ang mga likas na yaman sa tubig. Nagkakaroon ng baha kung may bagyo, bumabalik ang epekto sa tao at marami ang nawawalan ng tahanan at mga mahal sa buhay.
2.Pagtatalakay
1.Ayon sa seleksyon, ano ang nangyayari sa ating kalikasan?
2.Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit at mga salitang naglalarawan sa mga nagaganap
3.Basahin ang iba pang salita sa tsart na may kaugnayan sa mga salitang inyong binanggit.
4.Ano ang ibig sabihin ng pandama? Damdamin?
Ang pandama ba ay tumutukoy sa pandinig, panlasa? pang-amoy at pandama?
Ang damdamin ba ay tumutukoy sa tuwa, saya, pagmamahal, galit atbp? Uriin. Ilagay sa A ang pandama at B kung kaugnay ng damdamin.
A.
mamantika mabango maingay malamig
B.
masaya
5.Ano ang iyong masasabi tungkol sa pagkawasak ng kalikasan? Paano ang pagsulat ng maikling reaksyon?
(Kahit maikli ang mga pangungusap) Ano ang isulat sa unang talata? Ikalawang talata? Ikatlong talata? (aksyon) (sumasang-ayon o hindi at bakit) (mungkahi)
Pag-aralan ang halimbawa ng maikling reaksyon:
Reaksyon
Sagana ang ating bansa sa likas na yaman ngunit ang mga ito ay nasisira dahil sa di-wastong paggamit at pag-abuso ng mga mamamayan.
Hindi ko sinasang-ayunan ang di-wasto at pag-abuso ng mga mamamayan dahil sa napakasamang epekto nito na bumabalik din sa mga tao gaya ng flash flood, erosion at baha. Nakakatakot ito dahil hindi lamang ari-arian, hanapbuhay hayop at lupa ang nasisira kundi marami ang taong namamatay at damay ang maraming musmos.
Iminumungkahi kung mas lalong higpitan ng awtoridad ang pagpapatupad ng batas ukol dito. Sana maintindihan din ito ng mga mamamayan at makiisa sa pamahalaan.
3.Pagsasanay
Basahin. Pagkatapos sagutin ng bawat pangkat ang kasunod na gawain.
Naningil ang Kalikasan
May isang pook. Karamihan sa mga taoy namumutol ng mga
punong kahoy. Pinuputol ang mga kahoy, malaki man o maliit. Kung may
magsumbong sa awtoridad inaaway o pinapatay.
Isang araw nagulat ang mga tao dahil nagkaroon ng flashflood.
Makikita sa screen ng T.V. na napakarami ng mga taong namatay na lulutang-
lutang sa tubig. Itinabi ng tubig ang mga tao at pumalit ang mga malalaki at
maliliit na punongkahoy. Marami ang namatay. Nakakalungkot at
nakakatakot ang nangyari. Sa dami ng mga bangkay na nakakalat ng ilang
araw, naging mabaho at marumi ang dating malinaw na tubig. May mga salita ba sa seleksyon ang kaugnay ng pandama at damdamin? Ilagay sa organizer.
C.PAGLALAHAT
1.Anu-ano ang mga salitang tumutukoy sa pandama? Damdamin?
2.Ano ang epekto ng pagkawasak ng kalikasan?
3.Paano ang pagsulat ng maikling reaksyon?
D.PAGLALAPAT
Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa kapaligiran dahil sa pagkawasak nito?
IV.
PAGTATAYA
Basahin ang Minsan Nagalit ang Ilog, Hiyas sa Pagbasa, pp. 78-80
A. Punan ang organizer
B. Bigyan ng reaksyon ang binasang seleksyon.
Unang Talata:
Ano ang nangyari sa bangka? Bakit?
Ikalawang Talata:
a. Ano ang plano ni Kapitan na gawin sa ilog?
b. Bakit hindi napalinis?
c. Ano ang ginawa ng mga tao bago magprusisyon?
d. Sang-ayon ka ba sa ginagawa nila? Bakit?
Ikatlong Talata
Ano ang iyong mungkahi upang maiwasan ang aksidente?V.
TAKDANG ARALIN
Itala ang alam ninyong pamantayan sa pagsulat:
A. Halimbawa
1. May palugit sa magkabilang bahagi ng papel
2. Ang pamagat ay isinusulat sa _________________.
3. Ipinasok angI. LAYUNINNabibigyang-kahulugan ang salita ayon sa denotasyon o konotasyonII.Paksa:Denotasyon at Konotasyong KahuluganSanggunian:BEC PELC, p. 40
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni Gomez, B., pp.182-185
MBASF ni Gomez, B.
Kagamitan:Aklat, diksyunaryo, tsart ng mga pangungusap.
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagwasto sa takdang aralin
2. Balik-aral Anong aklat ang ating ginagamit upang maibigay ang kahulugan ng salitang hindi natin maiintindihan?
3. Pagganyak
Kung kayoy nagbabasa at may salitang hindi ninyo naiintidihan, ano ang gagawin ninyo?
B. PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Bigyang kahulugan ang salitang nasa loob ng word network ayon sa denotasyon o kahulugan sa diksyunaryo.
Ano naman ang kahulugan ayon sa konotasyon?
Pagbasa sa mga pangungusap sa tsart
1.Ang pamilya ay ating unang guro.
2.Isang hulmahang naghuhubog sa ating mga pagpapahalaga at pananaw
sa buhay ang tahanan.
3.Ang isang suwail at di-mapagmahal na anak ay isang mantsa sa
pamilya.
4.Isang pabigat sa balikat ang anak na palalo
5.Ilaw sa landas tungo sa kaunlaran ang edukasyon
2.Pagtatalakay
Kung naibibigay natin ang kahulugan ng salita ayon sa denotasyon o konotasyon itoy patunay ng mabisang pagbasa.
a.Ano ang kahulugan ng guro sa diksyunaryo sa pangungusap 1?
b.Ano ang denotasyon ng mga salitang hulmahan, mantas,
pabigat at ilaw sa pangungusap 2-5?
c.Ano ang konotasyon ng guro, hulmahan, mantsa, pabigat at
ilaw?
d.Pag- aralan ang tsart:
Mga salitaDenotasyonKonotasyon
guronagtuturo sa paaralannakatatandang nagbibigay ng payo, magulang, ate, kuya
hulmahanMolde, hulmahugis
mantasdumikontrabida
pabigatproblemakalungkutan, paghihirap
ilawgabayliwanag, kasama
e.Aling kahulugan ang galing sa disyunaryo? (denotasyon)
Anong kahulugan ang nauugnay sa damdamin o kaisipang
ipinapahiwatig ng isang salita? (konotasyon)
3.Pagsasanay
Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa denotasyon at konotasyon.
1. May gantimpala ang bawat kabutihang gagawin natin sa ating
kapwa.
2. Ngiti sa labi ang hatid ng isang mabuting anak.
3. Ang ating kapwa ay ating kapatid.
4.Sakit sa ulo ang dala ng isang suwail na anak.
5. Tanglaw ng mga anak ang mga magulang.
1. Gantimpala:
denotasyon- premyo
konotasyon- mapapala
2. Ngiti:
denotasyon- masayang pagbuka ng bibig na walang ingay.
konotasyon- kaligayahan
3. Kapatid:
denotasyon- utol, kapwa anak ng isang magulang
konotasyon- kasama, kaibigan
4. Sakit:
denotasyon- dusa, dalita
konotasyon- problema
5. Tanglaw:
denotasyon- ilaw, liwanag, patnubay
konotasyon- gabay, huwaran
C.PAGLALAHAT
Ano ang ibig sabihin ng denotasyon? Konotasyon?
D.PAGLALAPAT
Paano ka maging ilaw sa inyong tahanan?
IV.
PAGTATAYA
Bigyang kahulugan ang mga salita ayon sa denotasyon at konotasyon.
1. Hawak niya ang gunting.
Denotasyon- tangan
Konotasyon- dala
2. Maraming krimeng nangyayari ngayon.
Denotasyon- pagkakasala
Konotasyon- hindi magandang pangyayari
3. Tigre ang kaibigan ko.
Denotasyon- isang uri ng mabangis na hayop
Konotasyon- madaling magalit
4. Mabait si Sampu.
Denotasyon- bilang, dalawang lima
Konotasyon- Pangalan
5. Parang gusto kong sampalin siya ko siyang sampalin.
Denotasyon- tampal sa mukha
Konotasyon- saktan
V.
TAKDANG ARALIN
Ibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng salitang may
salungguhit.
1. Larawan ng galit ang kanyang mukha.
Denotasyon- litrato, imahen, guhit
Konotasyon- nagpapakita
2. Gabundok ang kanyang lalabhan.
Denotasyon- parang bundok, bunton
Konotasyon- maraming-marami
3. Matanda na ang aking lolot lola.
Denotasyon- matagal nangyari, luma, dati
Konotasyon- kulubot na ang mukha
I. LAYUNIN
Napagtutulad at napag-iiba ang mga kaisipan o ideya
II.Paksa:Pagtutulad at Pag-iiba ng mga Kaisipan/ Ideya
Sanggunian:BEC PELC, p.40
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni M.Bon, pp.117-119
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni B. Gomez, pp. 203-205III.PAMAMARAANA.PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Paano ninyo sinasabi ang inyong mga saloobin?
2. Pagganyak
Kung hindi mo maipaliwanag sa paggamit lamang ng mga salita ang isang bagay, paano mo ito sasabihin/ ipahayag?
B.PANLINANG NA GAWAIN1.Paglalahad Basahin ang nasa organizer.Tuwirang PahayagDi-Tuwirang Pahayag
1. Mapalad tayong mga Pilipino, sabi ni Rita.
2. Matapang sa isa pero duwag sa dalawa, dugtong ni Sabas.
3. Kung may suwail na anak, may masunurin din, sabi ng Ina.
4. Puti at itim ang gagamiting uniporme, habol ni Jerry.1. Sinabi ni Rita na mapalad tayong mga Pilipino.
2. Dugtong ni Sabas na matapang sa isa pero duwag sa dalawa.
3. Sinabi ng ina na kung may suwail na anak may masunurin din.
4. Inihabol ni Jerry na puti at itim ang gagamiting uniporme.
2.Pagtatalakay
Ihambing ang dalawa
a.Ano ang dalawang uri ng pahayag?
b.Anu-ano ang pagkakatulad ng mga ideya? Ang pagkakaiba ng
mga ideya?
c.Ilagay sa tsart.
Paano mo ito gagawin?Uri ng PahayagPagkakatulad ng mga IdeyaPagkakaiba ng mga Ideya
1.a. TuwiranPagiging mapalad ng mga PilipinoMay kinakausap si Rita . Nakakulong sa panipi ang tuwirang sinabi ni Rita.
1.b. Di-TuwiranPagiging mapalad ng mga PilipinoIbang tao ang nagpapahayag sa sinabi ni Rita. Nawala ang panipi. Ginamit ang salitang sinabi, kay at na.
Gawin ang bilang 2-4
Magbigay ng mga tuwiran at di-tuwirang pahayag.
Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ideya.
C.PAGLALAHAT
Paano natin mapagtutulad at mapagkakaiba ang mga ideya?
Gamitin ang tuwiran at di-tuwirang pananalita.
D.PAGLALAPAT
Dalawahang Gawain:
1.Paano natin ibabadyet ang ating buwanang kita? tanong ni Tatay
kay Nanay.
2.50% ang pagkain, 25 % edukasyon, 70% ang ilaw at gasul, 10%
miscellaneous at 5 % ang ipon.
Gawin:
1.Isulat ang di-tuwirang pahayag ng blg. 1 at 2.
2.Isulat sa grap o tsart ang ikalawang pangungusap- pie, line o bar grap.
Edukasyon
Pagkain
Mis
Miscellaneous
Ilaw at G Gasul at Ilaw
Ipon
IV.
PAGTATAYA
Ihambing . Isulat sa tsart
a.Kung P10, 000 ang kita ko, magkano ang para sa pagkain? tanong ni
Itay
b.Tinanong ni Itay kung magkano ang para sa pagkain kung ang kita niya ay
P 10, 000.00.
c.Itala sa tsart ang halaga ng ibang gastusin kung P 10, 000.00 ang kita ng
Itay.
Uri ng PahayagPagkakatuladPagkakaiba
1. a. Tuwiran
1. b. Di-Tuwiran
Buwanang Kita- Mga GastusinP10, 000.00
Bahagdan
Edukasyon25%P 2, 500
Miscellaneous10% 1, 000
Ilaw at gasul10% 1,000
Ipon sa Bangko5% 500
Pagkain50% 5, 000
KabuuanP 10, 000
V.
TAKDANG ARALIN
Isulat ang pagkakaiba. Pagkatapos isulat sa di-berbal na paglalahad.
1.Magkano ang electric bill natin mula Hunyo?, tanong ni Itay.
2.Noong Hunyo ay P 212.00, Hulyo P 250.00, Agosto P 280, September P
320 at P 422 sa Octobre , sagot ni Nanay.
Panuto:
1.Isulat ang pahayag 1 at 2 sa di-tuwirang paraan.
2.Ihambing. Isulat sa tsart ang paghahambing.
3.Isulat sa di-berbal na pamamaraan ang bilang 2. (tsart o grap)
Mga sagot:
1.Di-Tuwiran
a.Tinanong ni Tatay kung magkano ang electric bill nila mula
Hunyo.
b.Sinagot ni Nanay na noong Hunyo ay P 212.00, Hulyo P250,
Agosto P 280, Setyembre P320 at P422 sa Oktobre.
Uri ng PahayagAng electric bill nila mula HunyoMga Pagsusuri
1. a. Tuwiran
1. b. Di-TuwiranMay kinakausap si Tatay
May panipi sa tuwirang sinabi ni Tatay.
Iba na ang nagsasabi ng pahayag ni Tatay.
Nawala ang panipi.
Ginamit ang mga salitang sinagot ni at na.
I. LAYUNINNailalahad ang isang ideya o kaisipang sa pamamagitan ng di-berbal na pamamaraanII.Paksa:Paglalahad ng isang Ideya/Kaisipan sa Di-berbal na
Pamamaraan
Sanggunian:BEC PELC, p.40
Landas sa Pagbasa, pp.194-196
Kagamitan:Aklat sa Pagbasa, manila paper, pentel pen
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Sa nakaraang aralin, paano ninyo inilahad ang distribusyon ng buwanang budget nina Tatay at Nanay? (Gumamit ng pie graph)
2. Pagganyak
Kung sasabihin kong ilahad ang isang ideya na hindi nagsasalita, hindi isinusulat sa sanaysay, senyas o drawing na pamaraan, paano ninyo ito isasagawa?
B.PANLINANG NA GAWAIN1.Paglalahad Tingnan ang mga sumusunod:
Line grap
Bar grap
Pictograph
Pie graph
Table
Organiser
2.Pagtatalakay
Anu-ano ang mga uri ng graph?
Ano ang kaibahan ng isat isan?
Kailan gagamitin ang bawat uri?
Anong uri ng graph ang gagamitin kung ilahad ang:
a.1.populasyon, temperature, grado? (line o bar)
2.Paghahambing ng 2 ideya o bagay? (table/organizer
3.Pagkakabahagi ng pera, populasyon, bahagdan atb. (pie,
pictograph)
4.Manlalaro-depende
5.Maari bang gamitin ang 2 o higit pang grap sa
pagpapahayag ng ideya? (Oo)
3.Pagsasanay
Ihayag sa iba pang paraan
Noong nakaraang taon sumali ang Coroz Elementary School sa lahat ng laro sa District Meet. 40 % ang sumali sa volleyball; 25 % sa kasibuan, 10 % table tennis, 10% badminton at 15% sa athletics.
C.PAGLALAHAT
Paano ilalahad ang isang ideya/ kaisipang sa di-berbal na paraan?
D.PAGLALAPAT
Kung ipapahayag mo ang iyong marka noong nakaraang taon, ano ang pinakaangkop na paraan ang iyong gagamitin?
IV.
PAGTATAYA Ilahad sa di-berbal na paraan ang mga sumusunod. Piliin ang angkop na paglalahad.
1. Temperatura ng isang pasyente
7:00 AM-38.2
8:00 AM- 39.00
9:00 AM- 39.6
10:00 AM- 40.00
2. Nagtitinda ka ng ibat ibang sandwich. Paano mo ipaskil ang mga ito pati ang presyo.: Chicken sandwich-P7.00, cheese sandwich -P6.00, ham and egg- P9.00, egg-P6.00, beef-P8.00 at tuna-P9.00V.KASUNDUAN
Mga halamang itinatanim nang tuwiran at di-tuwiran (tiglilima)
I. LAYUNINNakapangatuwiran sa paraang kapani-paniwala at nakahihikayatII.Paksa:DebateSanggunian:BEC, PELC p. 40
Hiyas sa Wika, pp. 25-33
Kagamitan:Aklat sa wika, aklat sa Pagbasa, mga larawan, tsart
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN
1.Balik-aral Naniniwala ba kayong dapat igalang ng mga anak ang kanilang magulang? Bakit?
2.Pagganyak
Nakinig ba kayo sa isang pagtatalo o debate?
Paano ito isinasagawa?
B. PANLINANG NA GAWAIN Alin ang mas mahalaga tubig o apoy? Paaralan o tahanan? Inang nagtatrabaho o Inang nasa bahay?
1. PaglalahadIbigay ang pamantayan sa pagbasa nang malakas. Basahin
Tubig o Apoy
Ate Glo:
Napakahalaga ng tubig! Ano kaya kung walang tubig? Ano ang mangyayari sa loob ng tahanan? Wala nang magluluto, maglilinis, maliligo, maglalaba, iinom atb Mabubuhay pa kaya tayo? Ano rin ang mangyayari sa mga pananim? Wala nang halamang makikita. Mamamatay din tayo ng lahat pati mga hayop.
Kuya Fidel:
Kahit walang tubig basta may apoy. Makakakain ba kayo
kung walang apoy? Makapagluto ba tayo? Magdidilim ang buong
paligid kung walang ilaw. Maparalisa ang lahat ng pabrika,
kompanya, opisina, establishment, computer shop at lahat ng
tanggapan kung walang ilaw. Lugi ang negosyo at mas lalong
babagsak ang ekonomiya ng bansa!
2.Pagtatalakay
Ano ang paksa na binasa? Ano ang paniniwala ni Ate Glo? Anu-ano ang kanyang pangngatuwiran? Ni Kuya Fidel? Kanino kayo pumapanig? Kapani-paniwala ba ang kanilang pangangatuwiran? Nahikayat ba kayo? Pangatuwiran. Kaya ba ninyong mangatuwiran sa paraang kapani-paniwala at nakahihikayat?3.Pagsasanay
1. Subukan nating magtanghal ng payak na debate kung kaya ninyo. Ang paksa ay pareho pero huwag ninyong tularan ang kanilang katuwiran at istilo.
2. Gawing kapani-paniwala at nakahihikayat ang iyong pangangatuwiran upang pumanig ang nakakarami sa inyo.
3. Sundin ang kasunod na panuto.
a.Bubunot ang bawat lider ng nilukot na papel.
Papel 1-tubig
Papel 2-apoy
b.Mangatuwiran ang bawat grupo kung bakit tubig o apoy. Sikaping
makapangatuwiran sa paraang kapanipaniwala at nakahihikayat.
c.Isang puntos ang ibigay sa bawat kapani-paniwala at nakahihikayat
na katuwiran.
Ibigay ang mga pamantayan sa pagtatanghal ng payak na debate.
Bigyan ang mga minutong paghahanda ang bawat grupo.
Pagdedebate- Guro ang modereytor
Ano ang nag-udyok sa inyong grupo para magbigay ng mga kapani-paniwalang katuwiran?
Kailan nating masasabing kapani-paniwala at nakahihikayat ang isang katuwiran?
C.PAGLALAHAT
Paano kaya mangatwiran at manghikayat?
IV.
PAGTATAYA
Isulat ang kapani-paniwala at nakahihikayat na katuwiran tungkol sa:
1.Alin ang mas mahalaga, tahanan o paaralan?
2.Inang nagtatrabaho o Inang nasa Bahay?
V.
TAKDANG ARALIN
Ihanda ang katuwiran tungkol sa sumusunod at ipasa bukas:
1.Alin ang nakatutulong sa pag-unlad ng bansa EVAT o Pagpalit kay
PGMA?
I. LAYUNIN Nakagagawa ng isang mabisang paglalagom sa paksang napakinggan Nakapagbibigay-solusyon sa mnga suliranin batay sa sitwasyonII.Paksa:Pagbibigay Solusyon sa mga SuliraninSanggunian:BEC PELC, p. 41
Kagamitan:tsinatsart na lagom
III.PAMAMARAANA.PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Paano ninyo isinasagawa ang paglalagom sa nakaraang aralin?
Paano ninyo sinasagot ang problem solving sa Math?
2. Pagganyak
Anu-ano ang mga suliranin na inyong nararanasan o nasasaksihan sa paaralan? Magbigay ng isa. Ilarawan ito sa maikling pananalita pero buo ang mga pangungusap.
3.Ibigay ang pamantayan ng pakikinig.
B.PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Pakinggan ang usapan ng mga mag-aaral. Pagkatapos tukuyin ang suliranin at subuking bigyan ng solusyon.
Suliranin ng mga Mag-aaral
John Mark:
Clabert, 12:10 na, kumain muna tayo!
Clabert:
Teka lang, hindi ko pa tinapos ang aking takdang aralin sa
Filipino
John Mark:
Hindi mo ba ginawa kagabi? Madali lang naman yan e.
Clabert:
Oo, madali kaya lang problema ko kasi ang math. Itong 2-3
step problem solving ang tinutukan ko. Hindi ko naiintindihan kung
paano malaman ang hidden question at number sentence.
Marie Lee:
Narinig mo iyon? Math daw ang problema.
Janine:
Oo, Ako, iba ang problema ko. Ang ilang masusungit na kamag-aral natin.
Marie Lee:
Bakit, ano ba ang ginagawa nila sa iyo?
Janine:
Palagi akong tinutukso o kayay tinatapakan ang tsinelas ko. Ang iba naman, kinakalkal ang bag ko at kinukuha ang mga gamit ko nang walang paalam.
Marie Lee:
Ako, ang problema ko ay ang marumi nating playground.
Palaging ipinaaalala ng tagapayo ng Pupil Government sa akin na
kikilos sana kaming lahat. Kahit kalilinis kasi e, may nagkakalat.
Julebeth:
Para sa akin, ang problema ko ay ang bagong grading
system. Biro mo, kailangan walo ang makuha mo kung sampung
aytems ang pagsubok. Kadalasan pito ang nakukuha ko kaya bitin
pa rin ang grades ko. Hindi ko alam kong papasa/magtatapos ako
ngayong taong pasukan.
2.Pagtatalakay
Ano ang paksa ng unang usapan? Ang ikalawang usapan? Kung ibibigay ninyo ang paglalagom ng 2 usapan, alin sa mga sumusunod ang pamagat?
a.Ang Suliranin
b.Ang Suliranin ni Mark, Janine at Marie Lee
c.Ilang Suliranin ng mga Mag-aaral VI
d.Ilang suliranin sa Paaralan
Isulat natin ang lagom sa pisara. Tulung-tulong tayo.
(Ipaskil ang ipinarinig na usapan sa pisara)
a.Ano ang problema sa usapan 1? Sa usapan 2? 3?
b.Magkaroon tayo ng Malayang Talakayan
1.Paano kaya malulutas ang problema ni Clabert?
Itala lahat ang mga mungkahi sa pisara
Solusyon nga ang tinutukoy?
2.Anong solusyon ang makalulunas sa mga problema
nina
a.Janine?
b.Marie Lee?
c.Julebeth?
3.Maibibigay ba ninyo ang lagom ng binasa at ang
solusyon nito? Tingnan ang halimbawa:
Ang Suliranin ni Janine
Suliranin ni Janine ang panunukso ng kanyang
kaklase. Tinatapakan pa ng mga makukulit na bata ang
kanyang tsinelas. Ang iba namay kinukuha ang kanyang gamit
sa bag niya na walang paalam.
Sa tingin ko, kailangan niyang gumawa ng sulat sa
Pupil Body Government, editor in chief, at sa kanyang guro
para aksyunan ang problemang ito. Kailangang kausapin nang
maayos ang mga batang gumagawa nito. Tanungin kung ano
ang kanilang motibo. Silay bibigyang ng warning? Kung
hindi pa malulutas, isasangguni sa punong guro o kayay
opisyal na PTCA.
Ano ang nilalaman ng unang talata? Ang ikalawang talata?
3.Pagsasanay
Gawing batayan ang lagom at solusyon. Isulat ang problema nina:
Pangkat I-Clabert
Pangkat II-Marie Lee
Pangkat III-Julebeth
Ilahad.
C.PAGLALAHAT
1.Ano ang gagawin ninyo para makagawa ng mabisang paglalagom sa paksang napakinggan.
2.Para mabigyan ng lunas ang isang suliranin, ano ang dapat tandaan?
Alamin ang sanhi ng suliranin.
Maaaring isangguni sa kinauukulan (Maaaring magulang, kapatid, kamag-aral, guro o punong-guro).
Isagawa ang mungkahi na may determinasyon.
D.PAGLALAPAT
Ibigay ang solusyon batay sa sitwasyon.
1.Sitwasyon:
Hindi mo sinasadyang binasag ang malaking relo na nakasabit sa dingding ng inyong bahay. Alam mong matagal ng iningatan iyan ng iyong ama. Natatakot kang magalit ang iyong itay. Walang nakakita. Ano ang iyong gagawin?
2.Sitwasyon:
Nakapulot ka ng P500.00 sa bakuran ng inyong kapitbahay. Kinuha mo ang pera. Pupunta ka sa tindahan upang bumili ng ulam ninyo dahil wala pa sina tatay. Nasalubong mo ang iyong kalaro/kapitbahay na umiiyak. Narinig mong pinapagalitan ng kanyang ina dahil nawala nito ang P 500.00 na pambili ng gatas ng sanggol. Ano ang gagawin mo?
3.Ibigay ang lagom ng dalawang sitwasyon.
Ipresent ang awtput. Magbigay ng papuri at mungkahi.
IV.
PAGTATAYA
Makinig
Pagkatapos, ibigay ang paglalagom ng mga paksa.
A. Bilang ng walang trabaho, dumarami
Batay sa pinakahuling survey, tumaas ng 12.7% ng bilang ng mga
walang trabaho sa bansa.
Ayon kay labor secretary Patricia Sto. Tomas, 534, 000 ang
nadagdag sa 3.8 milyong unemployed last year. Ang pagdami ng
istambay ay dulot ng pagbaba ng employment sa agriculture,
fishing and forestry sectors. Aspekto ito ng survey ng mga bagyo
at El Nio.
B.Sa sector ng agrikultura na lang ay umaabot sa 780 ang nawalan ng
trabaho sa taong ito.
Isa pang dahilan ay ang 200, 000 bagong graduates na nadagdag sa unemployment list. Nakalulungkot isipin na ang mga Pilipino ay nasanay bilang empleyado at hindi na-train na entrepreneurs. Dapat na paigtingin ang kaunlaran ng Pilipino sa entrepreneurship. Marami ang gustong maging abogado at iyong white collar job seekers pero sa panahong ito ay dapat na ang pag-aralan ay nursing at pagtuturo (education) na in demand sa abroad. Dapat na ang kuning kurso ay iyong may kaugnayan sa technical ang vocational courses gaya ng auto mechanic, planning, refrigeration, air conditioning, computerization at iba pa.
Kailangan ding magkaroon ng seryosong kampanya sa
Family Planning ang gobyerno. Malaking bahagi ng kahirapan ay
ang paglobo ng populasyon. Gaya na lang sa Fabella Hospital sa
Metro Manila ay 110 sanggol ang ipinanganganak araw-araw.
Mapupuna na ang mahirap ang may maraming anak kaysa sa mga
taong nakapag-aaral at nakaaangat ang antas ng pamumuhay.
Ni Cielito Del Mundo
1.Paglalagom ng Paksa A at B
2.Solusyon sitawasyon A
3.Solusyon ng sitwasyon B.
V.
TAKDANG ARALIN
Makinig sa balita sa radyo. Isulat ang paksang diwa. Tukuyin kung itoy
pangkalusugan, pang isports, pampulitika, patalatas, atb
I. LAYUNIN Nagagamit ang kaalaman sa mga nabasang akda bilang batayan ng mga pahayag at kaisipan tungkol sa nakalahad sa bagong aralin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan kaugnay sa epektibong pag-agapay ng mamamayan sa kamalayang globalII.Paksa:Kamalayang GlobalSanggunian:BEC PELC, p. 40
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni B. Gomez, pp. 214, 218-220
Pahayagang Imbestigador, Oct. 1, 2003
Landas sa Wika, pp. 211-215
Kagamitan:Larawan ng magandat maaliwalas na kapaligiran balita
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Magbigay ng pangungusap na naglalaman ng mga pang-uring may ibat ibang kayarian na tumutukoy sa ating kapaligiran.
2. Pagganyak
Kayo bay may nalalaman tungkol sa mga nagaganap sa ibang bansa?
Anong balita ang inyong naririnig sa kasalukuyan?
B.PANLINANG NA GAWAIN1.Paglalahad Makinig sa isang seleksyon. Itala ang mga pahayag tungkol sa mga karatig bansa ng Pilipinas na tinaguriang pitong dragon.
Tukuyin din ang mga kaisipan tungkol sa mga suliraning dapat lutasin ng Pilipinas upang itoy umunlad.
Marami nang nalathalang mga balita at impormasyon ukol sa pag-unlad ng mga karatig-bansa ng Pilipinas. Tinagurian silang pitong dragon. Napakabilis ng pag-unlad ng mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Hongkong, Taiwan, Singapore, at South Korea. Hindi katulad ng Pilipinas na hanggang ngayon ang mga Pilipino ay nakasadlak pa rin sa kahirapan.
May mga suliranin tayong dapat lutasin upang umunlad ang ating bansa. Unang-una ay ang isyung kapayapaan at katahimikan sa bansa. Ikalawa ay ang kalinisan at pangangalaga sa paligid na tila nalilimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo ay ang isyu ng kahirapan ng nakararaming mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng edukasyon ng mga kabataan na siyang inaasahang maglilingkod sa bayan.
2.Pagtatalakay
a.Ano ang tinutukoy ng seleksyon?
b.May alam ba kayo tungkol sa paksa?
c.Anu-anong bansa ang maunlad?
d.Bakit hindi umuunlad ang ating bansa?
e.Kung kayo ay gagawa ng ulat tungkol dito, paano ninyo ito gagawin?
f.Narito ang mga dapat gawin sa pag-uulat:
1.Magbasa o magsaliksik tungkol sa paksang gagawan ng
ulat.
2.Itala ang mahahalagang impormasyon na nakuha
tungkol sa paksa.
3.Bumuo ng balangkas ayon sa dapat lamanin ng ulat.
4.Ayusin ang mga impormasyon na nakuha ayon sa
balangkas na nagawa.
g.Kung gagawin natin ang balangkas para sa ulat na binasa, ganito
ang anyo.
Mga Suliranin
I.Tinaguriang pitong dragon dahil sa pagbilis ng pag-
unlad
A.Indonesia
B.Malaysia
C.Thailand
D.Hongkong
E.Taiwan
F.Singapore
G.South Korea
II.Mga suliraning dapat lutasin upang umunlad ang ating
bansa.
A.kapayapaan at katahimikan
B.kalinisan at pangangalaga sa paligid
C.kahirapan
D.edukasyon
h.Kung kayoy mag-uulat at gagamitin ang balangkas, madali ninyong maihatid ang impormasyon dahil may gabay kayo. Idagdag lamang ang iba pang detalye upang maihayag ang kaisipan ayon sa sinasaliksik o dati nang alam tungkol sa paksa.
i.Makagagawa ba kayo ng ulat tungkol sa anumang pangyayari kaugnay sa epektibong kaagapay ng mamamayan sa kamalayang global?
3.Pagsasanay
Bumuo ng 3 pangkat. Magtulungan kayo sa pananaliksik tungkol sa kamalayang global.
Gumawa ng balangkas at iulat ninyo kung matapos.
Halimbawa:Global Warming
Pamagat
I.
A.
B.
C.
II.
A.
B.
C.
C.PAGLALAHAT
Ano ang iyong gagamitin bilang batayan ng pahayag at kaisipan tungkol sa nakalahad sa bagong aralin? (kaalaman sa nabasang akda) Anu-ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng ulat? (4 na dapat gawin)
D.PAGLALAPAT
Anu-ano ang alam ninyo tungkol sa mga pitong dragon?
Sumulat ng isang ulat tungkol sa isa sa may mga bansang binanggit.
IV.
PAGTATAYA
1.Gamitin ang kaalaman tungkol sa isyung kapayapaan at katahimikan ng bansang Pilipinas.
2.Gumawa ng ulat tungkol dito. Gamitin ang mga naririnig o napapanood sa T.V.
V.
TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa kung paano naging maunlad ang isa sa mga 7 dragon.
Sumulat ng ulat tungkol dito.
I.LAYUNINNatutukoy ang paksang diwa, mahalagang kaisipan at mga pagpapahalaga na taglay ng akdaII.Paksa:Paksang Diwa, Mahalagang Kaisipan at Pagpapahalaga
Mga Kaugaliang Pamasko sa Pilipinas
Sanggunian:BEC, PELC p. 40
Mga Banghay Aralin sa Filipino VI ni B. Gomez, pp.223-224.
Kagamitan:Seleksyong pinaseroks.
III.PAMAMARAANA.PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Anong pagpapahalaga ang inyong natutunan sa ibat ibang pamamaran ng pagdiriwang ng pista sa Pilipinas?
2. Pagganyak
Lahat ba nang akdang iyong nababasa ay nagtataglay ng mahalagang kaisipan at pagpapahalaga? Paano natutukoy ang mga ito?
B.PANLINANG NA GAWAIN
1.Batay sa obserbasyon, ano ang pinakamabutit pinakamasayang pagdiriwang ng mga kristiyano sa ating bansa?
Pagtatakda ng Layunin
Matapos basahin ang seleksyon, tukuyin ang paksang diwa, values at mahahalagang kaisipan sa akda.
Ibigay ang mga pamantayan sa pagbasa ng tahimik.
2.Basahin nang tahimik ang seleksyong ito.
Mga Kaugaliang Pamasko sa Pilipinas
Sadyang pambihira ang ilang mga kaugaliang pamasko. Ito ang dahilan kung bakit natatangi sa buong daigdig ang ating pagdiriwang ng kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre hanggang sa unang linggo ng Enero. Sa ating bansa lamang isinasagawa ang pinakatampok na pagdiriwang ang nakaugaliang siyam na araw na simbang-gabi, na karaniwang ginaganap sa ikaapat ng madaling araw. Sa panahong ito, maraming nagttitinda sa mga simbahan ng mga katutubong kakaning Pilipino gaya ng bibingka, puto-bumbong, suman, kutsinta at iba pa. Nagwawakas ang simbang gabi sa gabi ng ika 24 ng Disyembre. Dito nagsasalu-salo ang buong pamilya matapos magsimba.
Sa ating tradisyon, ang araw ng Pasko sa mga tahanang Pilipino ay araw ng buong pamilya. Nagkaaroon ng pagtitipun-tipon o reunionang pamilya at pagsasaluhan ang inihandang masasarap na mga pagkain. Ang pag-awit ng mga awiting pamasko ng mga bata at matanda ay bahagi rin ng ating pagdiriwang ng Pasko.
3.Sagutin:
1.Ano ang paksang-diwa ng seleksyong binasa? (Pambihira ang
mga kaugaliang Pamasko sa Pilipinas)
2.Ibigay ang mahahalagang kaisipan sa ilalim ng paksang-diwa
ng akda.
Natatangi sa buong daigdig ang ating pagdiriwang ng kapaskuhan.
Disyembre 16-Unang linggo ng Enero ang pagdiriwang/pinakamahaba
9 na araw na simbang-gabi sa 4:00 n.u.
Maraming nagtitinda ng mga katutubong kakaning Pilipino
Disyembre 24-Noche Buena-Nagwawakas ang simbang gabi.
Nagkakaroon ng reunion ang buong pamilya.
Pinagsasaluhan ang masasarap na pagkain. Masayang umaawit ng awiting pamasko.
3.Anu-anong pagpapahalaga ang taglay ng mga Pilipino sa mga
sumusunod:
a.Nakasusunod sa 9 na araw ng simbang gabi
(matiyaga, maagang nagigising) maka-Diyos)
b.Naghahanda nang masasarap at maraming pagkain
(Marunong magluto, nagbabahagi sa kapitbahay)
c.Nagsasalu-salo ang pamilya matapos magsimba
(masayang pamilya)
d.Paano tutukuyin ang paksang diwa, mahahalagang kaisipan
at values.
(Intindihin ang seleksyon, gumawa ng pag-analisa sa paksa,
mga sumusuporta dito, at mga aral na mapupulot dito.)
Pangkatang Gawain
Bumuo ng 4 na pangkat. Basahin ang kasunod na seleksyon. Pagkatapos tukuyin ang paksang-diwa, mahahalagang kaisipan at values.
Ilahad.
Ang Bagong Taon
Ang Bagong Taon ay bahagi pa rin ng masayang pagdiriwang ng Pasko. May handaan at kasayahan sa bawat tahanan. Bawat isa ay gumagawa ng patakaran o listahan ng mga resolusyong nais na isagawa. Ang buong pamilya ay muling nagsisimba at nagsasalu-salo sa hatinggabi ng Disyembre 31. Sinasalubong ng mag-anak ang Bagong Taon ng paputok at pagsindi ng mga kuwitis. Anupat sa buong maghapon ay pawang pagsasaya ang nagaganap sa Bagong Taon.IV.
PAGTATAYA
Basahin. Pagkatapos punan ang nasa ibaba.
Para kina Mang Andoy at Aling Kikay ang pasko ay hindi naiiba sa ordinaryong araw. Sila ay nakatira sa liblib na pook. Hindi nagsisimbang gabi, dahil malayo ang simbahan. Walang inilulutong pagkain. Silay malayo sa apat nilang anak na may kanya-kanya nang pamilya. Silay mahirap. Nabubuhay lamang sila sa pagtatanim ng halamang-ugat at gulay. Di man nila natitikman ang mga masasarap na pagkain, silay masaya dahil mapayapa at payak ang kanilang pamumuhay. Walang kaaway at hindi kumukupas ang kanilang pagmamahalan.
A.Paksang diwa
B.Mahahalagang Kaisipan
1.
2.
3.
C.Values
V.
TAKDANG ARALIN
Anong pagpapahalaga/value ang taglay ng mga Pilipinong nakasusunod sa paggawa ng resolusyon na nais gawin para sa Bagong Taon ngunit hindi naman naisasagawa ang mga ito?
(seleksyon-nasa kabilang pahina)
masaya
pandama
damdamin
Mga uri ng salita
Pandama
Damdamin
Uri ng mga Salita
tuwa
galit
Pagma-mahal
lungkot
Damdamin
pandinig
panlasa
Pang-amoy
pandinig
Pandama
maalinsanganmalungkotmaputimainit
masarapmapaitmakinismalamig
pandakmagaspangmaingaymatinik
mabangogalitnabigla
makulaymamantikamapanghi
mataasmabatomaingay
masayakalabogumalingawngaw
madulasnagulatmatabang
makahoynatakottahimik
Ummamangika
Magpag..anmakaipang
Ipagpan..inmakapaghan/hin
1.Nagtanim siya ng mahiwagang rosas.
2.Napatay ni Goliath ang higante
3.Ipaghanda ninyo ng pagkain ang matanda
Gumaganap ng kilos siya
Panlapi-nag
Pokus-sa tagaganap
Pinapaksa o nilalayon- ang higante
Panlapi-na
Pokus-sa layon
Tumanggap ng kilos-ang matanda
Panlapi-ipag
Pokus-sa tagatanggap
NAGKAWATAK-WATAK ang mga miyembro ng ibat ibang partido pulitikal kaugnay sa isyu ng pagpapababa sa puwesto kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Nagbigay ng magkasalungat na pahayag kahapon ang mga miyembro ng Liberal Party sa pangunguna ng national chairman nito na si Manila Mayor Lito Atienza makaraang maunang manawagan ng Gloria resign ang kasapi ng partido sa pangunguna naman ni Senate President Franklin Drilon kamakalawa.
Anumankaninumanilanmanpaanuman
Alinmankailanmanmagkanumanganito
Sinumansaanmangaanumanganyan
Ganireganoon
HINDI lang green thumb ang natuklasan kong taglay. May talent din pala ako sa painting o pagpipinta. O anong say, nyo? Inggit ba kayo?
60 tigok sa bus na bumulusok sa ilog
JAMMU, India (AFP)- Dalawa ang kumpirmadong patay habang 58 iba pa ang pinangangambahang todas na rin makaraang gumewang sa bulubunduking kalsada at tuluy-tuloy na bumulusok sa ilog ang kanilang sinasakyang bus sa Kashmir India kahapon.
Naiinisnagagalitnanghihinayangnatatakot
Nag-aalalanatutuwanagugulatnalulungkot
nangagtakot
makulay
maganda
malungkot
napakarumi
nagalit
nangagsisigaw
Pulis na nag-aayos ng trapiko sa mga kalsada
Pulis na nasa gitna ng kalsada
Pulis
Trapiko
Pangino- on ng mga sasakyan
Diktador
Hari ng kalsada
Pulis
trapiko
Maestro/
Sir
50% 25%
10% 10% 5%
Uri ng basura
di-nabubulok
nabubulok
PAGE 20