1. MODYUL 3: PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:TRANSPORMASYON
TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANGKAMALAYANPanimulaAng mga pagbabago
ng kamalayan mula sa Panahong Medieval angnagpasimula sa pag-usbong
ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sapaglakas ng Europe,
paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mgabagong
kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago
sabuong daigdig.Sa Yunit na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa
transpormasyon ngdaigidg tungo sa pagbuo ng pandaigdigang
kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sakasalukuyan upang makabuo ng
mga bagong kaalaman na makatutulong sapagharap sa pagbabago ng
daigdig.Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang
dahilan atepekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano
nakaapekto ang pag-usbongng makabagong daigdig sa transpormasyon ng
mga bansa at rehiyon sadaigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan
sa siyensiya, pulitika atekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong
pandaigdigang kamalayan? Handaka na bang sagutin ang mga tanong na
ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas samga pangyayaring ito.Mga
Aralin At Sakop Ng ModyulAralin 1: Paglakas ng EuropeAralin 2:
Paglawak ng Kapangyarihan ng EuropeAralin 3: PagkamulatSa araling
ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:Nasusuri ang konsepto
ng bourgeoisie, merkantilismo, nationalmonarchy, renaissance,
simbahang katoliko at repormasyonAralin 1Napahahalagahan ang
kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo,national monarchy,
renaissance, Simbahang Katoliko atrepormasyon sa daigdigNasusuri
ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon saEuropeAralin
2Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ngimperyalismo
at kolonisasyon sa EuropeNasusuri ang mga kaganapan at epekto ng
RebolusyongSiyentipiko, Enlightenment, at IndustriyalNasusuri ang
mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ngImperyalismo258
2. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan
ngAralin 3 mga Rebolusyong Pranses at Amerikano Naipahahayag ang
pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ngNasyonalismo sa Europe at
ibat ibang bahagi ng daigdigPAUNANG PAGTATAYAUpang masubok ang
iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul naito, sagutin
ang sumusunod na pagsusulit. Isulat ang letra ng wastong sagot
sabawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at
subukingmuling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang
Modyul na ito.1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie
noong Gitnang PanahonMALIBAN sa anong aytem?A. mayayaman at
kabilang sila sa uring nobilidad at kaparianB. tinagurian silang
middle class o panggitnang uri.C. nagmula sila sa mga banker at
mangangalakal sa mga bayan at lungsod.D. nagamit ang kanilang
propesyon at panulat sa pagbubunsod ngrebolusyong pampulitika at
pang-ekonomiya.2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng
Renaissance?A. muling pagsikat ng Kulturang HelenistikoB. muling
pagsilang ng kaalamang Griyego-RomanoC. panibagong kaalamang
panrelihiyon sa EuropeD. panibagong kaalaman sa agham3. Alin ang
tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?I. schism sa Simbahang
KatolikoII. pagtawag ni Pope Paul III sa Council of TrentIII.
pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto
ngWittenberg ChurchA. I - II - IIIB. II - I - IIIC. III - I - IID.
I - III II4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan
sa pahayag na Theend justifies the means ?A. Auman ang pamamaraan
ng pinuno ay katanggap-tanggapkung mabuti ang kaniyang hangarin.B.
Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay
palagingmabuti ang bunga nito.259
3. C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng
nasasakupan.D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting
pamamaraanng pamamahala.5. Sino ang pilosopong Ingles na
nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao aynagmumula sa karanasan?
Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay maitutuladsa tabula
rasa o blank slate.A. John LockeB. John AdamsC. Rene DescartesD.
Jean-Jacques Rousseau6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng
Simbahang Katoliko ang Inquisition?A. Napigilan nito ang paglaganap
ng Protestant Reformation satimog Europe.B. Ang mga kalupitang
ginawa ng Inquisition ay humantong samaraming kamatayan ng walang
sala.C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng
Katolisismo.D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang
Katoliko.7. Suriin ang mapa ng Italya. Ano kaya ang magiging
implikasyon ng heograpiya saekonomiya nito?260
4. A. Hindi hiwa-hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa
pagkakaisa.B. May mapagkukunan ng yamang-dagat.C. Bukas ang ibat
ibang ruta nito sa kalakalan.D. Madali itong masakop ng ibang
bansa.8. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa
Europe?A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang
merkantilismo.B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa
sa Europe.C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa
angkanilang Pangangailangan.D. Bumagal ang kalakalan dahil sa
sistemang merkantilismo.9. Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa
mga nation-state na nagpaligsahan sakapangyarihan. Nagbunga ang
paligsahang ito ay sa pagpapalawak ng mga nation-state.Alin sa
sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain?A.
SpainB. EnglandC. PortugalD. Netherlands10. Angt cartoon sa ibaba
ay kumakatawan sa mga estado sa America. Ano angmensaheng
ipinakikita nito kung nangyari ito sa panahon ng rebolusyon laban
saBritish?A. Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang
ahas.B. Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban.C. Mag-ingat
sa British na kawangis ng ahas.D. Walang maaapi kung walang
nagpapaapi.261
5. 11. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa
kasalukuyangpanahon?1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang
kita.2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay.3.
Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan
sasariling bansa.4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang
kalinangan atkulturang Pilipino.A. 1,2,3,4B. 1,2,3C. 2,3,4D. 3,412.
Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at
England. Nangmagsimula ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng
tulong militar ang Francesa United States na malaki ang tulong sa
pananagumpay ng huli. Batay dito, anoang pinakaangkop na hinuha ang
mabubuo?A. Magkakampi ang France at United StatesB. Magkasabay na
nilabananan ng Inglatera ang United States at France. C.Galit ang
France sa ginawang pananakop ng England sa United States. D.Ginamit
na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upangmapabagsak
ang Inglatera.13. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos
umusbong ang mgakaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang
ugnayan ng RebolusyongPangkaisipan sa Rebolusyong Politikal?A. Ang
Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ngRebolusyong
Politikal.B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng
paglaganapng Rebolusyong Pangkaisipan.C. Ang Rebolusyong
Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamangng renaissance sa
Europe.D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal
atRebolusyong Pangkaisipan.14. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonisasyon, ginamit na dahilan ngmga Europeo ang ideya ng
white mans burden upang bigyang katwiran angkanilang pananakop. Ano
ang white mans burden?A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga
puti ng karapatan naangkinin ang daigdig.B. Paniniwalang mga puti
ang superior na lahi sa mundo.C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti
na panaigin angkanilang kabihasnan sa kanilang sinakop.D.
Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod samga
kagustuhan ng mga Europeo.262
6. 15. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong
RebolusyongSiyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao
sa sansinukob. Alin sasumusunod ang pinakamahalagang ambag ng
Rebolusyong Siyentipiko sa mgaKanluranin?A. Maraming aklat ang
naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.B. Nakapagtatag ng mga
paaralang pang- agham sa Europa.C. Nabago ang tingin ng mga
Kanluranin sa sansinukob.D. Naging pangunahing dahilan ito ng
kamalayan ng mga Kanluranin.16. Nagdulot ang Rebolusyong
Industriyal ng pag-unlad sa lipunan atekonomiya ng Europe, kasabay
ang suliraning idinulot nito. Alin sa mga sumusunodang
pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang idinulot
ngRebolusyong Industriyal?A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula
sa mga probinsya.B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging
palaboy.C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.D. Naging
dahilan ito ng hidwaang pampolitika.17. Alin sa sumusunod ang
pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?A. Pagtanggal ng
sistemang piyudalB. Pagpirma ng Deklarasyon ng Karapatan ng TaoC.
Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republikaD. Paglawak ng
ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran18-20) Tama
o MaliSuriin ang bawat pahayag . Makatutulong ang nakasalungguhit
na mga salita sapagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Pillin ang
letra ng wastong sagot.Gamitin ang sumusunod na option sa bilang
18-20.A. Tama ang una at ikalawang pangungusap.B. Mali ang una at
ikalawang pangungusap.C. Tama ang unang pangungusap.D. Tama ang
ikalawang pangungusap.18.I. Ang Humanismo ay kilusang kultural na
nagsimula sa Italyaat lumaganap sa kabuuan ng Europa.II. Isa sa
pinakamahalagang salik sa paglaganap ng kilusang kulturalang
pagkakaimbento ng movable press ni Johan Gutenberg.19.I. Bago pa
man nabuhay si Martin Luther ay marami nangrepormista ang nabuhay
upang hamunin ang katuruan atkapangyarihan ng Simbahang
Katolika.263
7. II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ang
paniniwalangang personal na relasyon ng tao sa Diyos ang
makapagliligtas, hindiang Simbahang sinasabing may hawak ng susi ng
kalangitan.20.I. Kung ihahambing ang mabuti at masamang bunga
ngpananakop, nakahihigit ang kabutihang idinulot nito sa
daigdig.II. Sapagkat maraming alipin ang nakuha mula sa Africa
atnakatulong sa pagtatanim sa ilang bahagi ng America at
Asia.ARALIN 1: PAGLAKAS NG EUROPENagmumula sa Europe ang
pinakamayayamang mga bansa sa daigdig.Malaki ang bahaging
ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europebilang isa
sa pinakamauunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba
nagsimulaang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging
bahagi sa paglakas ngEurope sa bahaging ito ng
kasaysayan.ALAMINMatapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot
ng mga paunangtanong sa mga aralin ng Modyul na ito, malalaman mo
kung paano mulinglumakas ang Europe at kung ano-anong bagong ideya
at pamana ang nagingambag nito sa transpormasyon ng mga bansa sa
ibat ibang bahagi ng daigdig.Tuklasin ang mga pangyayari na
nagbigay-daan sa paglakas ng Europe.Lilinangin mo ang mga bagong
kaalaman at kasanayan na magdadala sa iyo salubos na pag-unawa.
Halinat iyong simulan...Gawain 1: Word HuntHanapin at bilugan sa
puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawatkahon sa kasunod na
pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabaysa
paghahanap ng bawat salita.264
8. A L A M E R K A N T I L I S M OD I M B S E T N A T S E T O R
PV S I O L P R O T S E T O R P RC O K A T O L I K O W H P S E IE M
D K E R A L S E A R L K E ST S K U Y M T T A P T K N G P RN I R S F
A G U M O Y A S O O UM N L W C S B S N R B N C T R KP A T P L Y A S
H R E O P Y U GE M Y M B O U R G E O I S I E AR U L R E N A I S S A
N C E S PY H C R A N O M L A N O I T A N1. B____________R
Nagmamay-ari o namamahala ng bangko2. B____________E Panggitnang
uri ng mamamayan sa Europe3. E____________E Pangalawa sa
pinakamaliliit na kontinente ng daigdig4. H____________O Isang
kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik atpagbibigay-halaga
sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano5. K____________O
Nangangahulugang universal6. M____________O Sistemang ekonomiko na
nakabatay sa konseptong ang yaman ngbansa ay nasa dami ng kanyang
ginto at pilak7. N____________L Dahil sa pagkatatag nito, muling
lumakas ang kapangyarihanng M____________Y hari8. P____________E
Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko9.
R____________E Nangangahulugan itong muling pagsilang10.
R____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang
Katoliko ayyumakap sa ibang relihiyonMatapos mong matukoy ang
mahahalagang salita sa aralin ay subukin mongbumuo ng kaisipan
tungkol sa paglakas ng Europe.Sa tulong ng nabuong mga
salita.Isulat mo ang iyong konsepto sa rectangle callout.265
9. Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong
mga salita?2. Batay sa mga salitang iyon, alin sa mga ito ang
pamilyar sa iyo? Bakit?3. Paano nabuo ang iyong sariling konsepto o
kaisipan mula sa mga salitangiyong pinagsama-sama? Ano-ano ang
iyong naging batayan upang mabuoang kaisipan?GAWAIN 2: Kilalanin
Mo!Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat
nakalarawan atisulat sa patlang ang tungkulin o gawain ng bawat
isa.266
10. Pamprosesong tanong1. Sino ang ipinakikita sa bawat
larawan?2. Mayroon ka bang kilala na may pagkakatulad sa nasa
larawan?3. Anong panahon kaya sa kasaysayan nagmula at nakilala ang
mga nakalarawan?4. Nakatutulong ba sa kasalukuyan ang nasa larawan?
Patunayan.GAWAIN 3: Think Pair- Share!Sa tulong ng gawaing ito,
masusukat mo ang kaalaman at pag-unlad sa pag-unawang
aralin.Panuto: Pumili ng kapareha sa gawaing ito at basahin ang
katanungan sa aralin.Sagutin ang kahong itinakda sa inyo bago
pagsamahin ang mga ideya. Iwanangwalang sagot ang dalawang nasa
ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi ngaralin.TANUNGAN SA
ARALINPaano nakaapekto ang paglakas ngEurope sa transpormasyon ng
mgabansa at rehiyon sa daigdig at sapagbuo ng
pandaigdigangkamalayan?AKING KAPAREHAAKING KASAGUTAN(Sagot ng
Mag-aaral) (Sag ot ng Kapare h a )PINAGSAMANG IDEYA(Sagot ng
Magkapareha)(Sa bahaging ito, isulat ng magkapareha ang pinal na
kasagutan pagkatapos ng aralin)Mga Sanggunian/ Batayan(Tala ng mga
babasahing pinagkunan ng impormasyon, website at iba pa)Nagtatapos
ang bahagi ng Alamin sa puntong ito.Pagkatapos masuri ang sariling
mong kaalaman tungkol sapaksang tatalakayin, natitiyak kong gusto
mong malaman kung tamaang iyong mga sagot sa talahanayan. Masasagot
ito sa susunod nabahagi ng Modyul . Sa iyong pagsasagawa ng ibat
ibang gawain,suriin kung tumutugma ang iyong mga dating alam sa mga
bagongkaaalamang matututuhan mo sa modyul na ito.267
11. PAUNLARINSa bahaging ito, inaasahang matututunan mo
angmahahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe. Angbahaging
ginampanan ng Bourgeoisie, ng sistemang Merkantilismo,pagkatatag ng
National Monarchy, Renaissance, at maging ngsimbahang Katoliko at
Repormasyon ay makatutulong upang lubos namaunawaan ang mga
pagbabagong naganap sa Europe sa panahongito. Maaaring balikan ang
mga tanong sa unang bahagi matapos angpag-aaral sa bahaging ito ng
aralin. Inaasahan ding maiwawasto angmga maling pag-unawa
pagkatapos ng aralin.GAWAIN 4: Pamana ng Nakaraan!Natalakay sa
Aralin 3 ng Modyul 2 ang mahahalagang pamana ng bayanat lungsod sa
panahong Medieval. Malaki ang naitulong ng mga pamanang ito
sapag-usbong ng Europe. Makikita sa dayagram ang mga pamanang
ito.Panuto: Suriin ang dayagram at sagutin ang mga
katanungan.Diagram Blg. 1.1Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang
Aklat Para sa IkatlongTaon) nina Vivar et.al, pahina 156268
12. Pamprosesong tanong1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram,
alin sa mga itopinakamahalaga? Bakit?2. Sa iyong palagay, paano
makaaapekto ang mga pamanang ito sapaglakas ng Europe?Simulan mo na
ang pag-aaral tungkol sa mga bourgeoisiena malaki ang papel na
ginampanan sa paglakas ng Europe.GAWAIN 5: Burgis ka!Malaki ang
bahaging ginampanan ng mga bourgeoisie sa paglakas ngEurope. Gusto
mo ba silang makilala?Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto
tungkol sa bourgeosie. Iyong itala angmahahalagang datos na
nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept mapng
nasabing datos tunkol sa bourgeoisie.269
13. PAG-USBONG NG BOURGEOISIEAng terminong bourgeoisie ay
iniuugnay sa mga mamamayan ng mgabayan sa medieval France na
binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Angmga artisan ay mga
manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mgakagamitang maaaring may
partikular na gamit o pandekorasyon lamang.Malaki ang pagkakaiba ng
pamumuhay ng mga bourgeoisie sapamumuhay ng aristokrasya, mga
magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ayhindi ang manor o
simbahan kundi ang pami lihan. Hindi nakatali ang mga kasaping
uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay
hindinanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga
artisan, halimbawa,ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi
sila nakadepende sasistemang piyudal at binanayaran sila sa
kanilang paggawa.Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang
makapangyarihang puwersaang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng
mga mangangalakal, banker(nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga
shipower (nagmamay-ari ng mgabarko), mga pangunahing mamumuhunan,
at mga negosyante. Hindi na kabilangsa kanila ang mga artisano na
sa panahong ito ay maiuuri na sa mgamanggagawa. Ang kapangyarihan
ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan atpakikipag-alyansa sa hari
laban sa mga landlord. Subalit ang kanilangkapangyarihan sa
nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang.Maiuugat ang English
Revolution, American Revolution, at French Revolution sapagnanais
ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo,
sapakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan
sa kalakalanat pagmamay-ari.Nagkaroon lamang ng politikal na
kapangyarihan ang mga bourgeoisiepagdating ng ika-19 na siglo.
Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon,at sibil sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.Halaw mula sa:
Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et al pp.209-211Ang
mga bourgeoisie ay
____________________________________________________________________________270
14. PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIESino-sino ang mga Katangian ng
Halaga sa LipunanBourgeoisie? mga Bourgeoisie (Noon at Ngayon)
_______________ ________________ _______________ ________________
_______________ ________________ _______________ ________________
_______________ ________________ _______________ ________________
_______________ _______________________________
________________Dahilan ng kanilangPaglakasEpekto sa Paglakasng
Europe________________ __________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________ __________________Pamprosesong
tanong1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng
bourgeoisie?2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie?3. Ano ang
naging papel nila sa paglakas ng Europe?4. Sino ang maituturing
natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan?5. Paano nakatutulong ang
bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at magingsa daigdig?Hindi
lamang ang paglakas ng bourgeoisie ang matutunghayan sa bahaging
itong kasaysayan ng paglakas ng Europe, bahagi rin ng pangyayari sa
panahong ito angpag-iral ng sistemang nagbigay daan sa paghahangad
ng mahahalgang metal mayroonang ibang panig ng daigdig maliban sa
Europe. Paano ba ito nagsimula? Ano ba angmerkantilismo? Paano ito
nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Europe?271
15. GAWAIN 6: Magbasa at Unawain!Panuto: Basahin mo at unawain
ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos aysagutin ang mga
pamrposesong tanong.Ang pag-unlad ng isang bagongdoktrinang tinawag
na merkantilismo aynakatulong din sa pagkabuo at paglakas ngmga
nation-state sa Europe. Nabuo angprinsipyo ng merkantilismo upang
itaguyodang kaunlarang pang-ekonomiya atkapangyarihang politikal ng
isang bansa.Bagamat kadal asang ikinakategorya bil angpatakarang
pang-ekonomiya, angmerkantilismo ay isang sistema na angpangunahing
mga layunin ay politikal. Angmga layuning ito ay ang magkaroon
ngmalaking kitang magbibigay-daan upang anghari ay makapagpagawa ng
mga barko,mapondohan ang kaniyang hukbo, atmagkaroon ng pamahalaang
katatakutan atrerespetuhin ng buong daigdig.Ang doktrinang
bullionism ay sentralsa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim
ngdoktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansaay masusukat sa dami
ng mahahalagangmetal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin,kung
mas maraming ginto at pilak angmakukuha ng isang bansa, mas
maramingpera ang malilikom nito bilang buwis.Nangangahulugan ito na
mas magigingmayaman at makapangyarihan ang naturangbansa.Hango ang
ideyang ito sa karanasanng Spain na yumaman at
nagingmakapangyarihan dahil sa mahahalagangmetal na nanggaling sa
mga kolonya nito saSouth America at Central America.
Gayundin,kinailangan nila ng mga kolonyangmagkakaloob ng mga ginto
at pilak.Ang isang bansang walangkakayahang makakuha ng ginto at
pilak nangmadalian ay dapat na mas paunlarin pa angkalakalan nito
sa iba pang bansa. Kungtitiyakin lamang ng pamahalaan na masmarami
ang iniluluwas kaysa inaangkat, masmaraming ginto at pilak ang
papasok sabansa. Sa gayong paraan, mapananatili nitoang kalamangan
sa balance ng kalakalan.Isang elemento ng merkantilismo
nanakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mganation-state ay ang
tinatawag nanasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito,kayang
tustusan ng isang bansa ang sarilinitong pangangailangan. Sa
pamamagitan ngpagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto,hindi na
aasa ang bansa sa mga produktongdayuhan.Halaw mula sa: Kasaysayan
ng Daigdig nina GraceEs tela C.Mateo et al pp.
211-212MERKANTILISMO272
16. Pamprosesong tanong1. Batay sa mga kaisipan at konseptong
naipahayag sa teksto, anoang kahulugan ng merkantilismo?2. Bakit
sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika
rinanglayunin ng merkantilismo?3. Paano nagsimula at nakatulong ang
merkantilismo sa paglakasng Europe?4. Mayroon pa bang merkantilismo
sa kasalukuyan? Patunayan.5. Pabor ka ba na ito ang gamiting
sistemang pang-ekonomiya ng atingbansa? ng daigdig? Bakit?Ang
paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemangmerkantilismo ay
naging daan upang muling manumbalik angkapangyarihan ng hari. Paano
nga ba muling nagingmakapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong
ang mgabourgeoisie sa pagiging makapangyarihan ni la muli?
Tunghayanmo ang mga pangyayari sa bahaging ito ng ating
kasaysayan.GAWAIN 7: Hagdan ng Pag-unawa!Panuto: Paano nga ba
nakatulong ang pagtatatag ng National Monarchy sapaglakas ng
Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder
diagramang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national
monarchy.273
17. PAGTATATAG NGNATIONAL MONARCHYEase modyul 10Malaki ang
naitulong ngpagtatatag ng national monarchysa paglakas ng
Europe.Matatandaan na sa panahon ngpiyudalismo,
walangsentralisadong pamahalaan.Mahina ang kapangyarihan nghari.
Ang naghahari ay ang mganoble na sila ring mgapanginoong maylupa.
Ang hari ayitinuturing lamang napangunahing panginoong
maylupa.Subalit nabago angkatayuan ng monarkiya sa tulongng mga
bourgeoisie. Ang hari nadating mahina ang kapangyarihanay
unti-unting namayagpag sapamamagitan ng pagpapalawakng teritoryo at
pagbubuo ngmatatag na sentralisadongpamahalaan. Humirang siya ngmga
mamamayang nagpatupadng batas at nagsagawa ngpaglilitis at
pagpaparusa sa korteng palasyo. Bilang resulta, angkatapatan ng
mamamayan aylumipat mula sa panginoongmaylupa tungo sa pamahalaan
namay kakayahang protektahan sila.Handa silang magbayad ng
buwispara sa proteksiyong ito.Sa pamamagitan ng buwis,nagkaroon ng
pondo ang hariupang magbayad ng mga sundalo.Dahil dito, nakalaya
ang hari mulasa proteksiyon na dating ibinibigayng mga knight ng
panginoongmaylupa. Dahil ang katapatan ngmga sundalo ay nasa hari,
maaarisilang gamitin ng hari laban sa mgaknight ng panginoong
maylupakung kinakailangan. Bukod dito,maaari nang humirang ang hari
ngmga edukadong mamamayanbilang kolektor ng buwis,
hukom,sekretarya, at administrador.Halaw mula sa: Kasaysayan ng
Daigdig ninaAno-ano ang salik na nakatulong samuling paglakas ng
kapangyarihanng
hari?_________________________________________________________________________________________________________________________________________________274
18. PAG-USBONG NG MGA NATION- Tungkulin ng hukbo na
palawiginSTATE ang teritoryo at kapangyarihanng monarkiya kahitSa
pagbabago sa konsepto ng mangahulugan ito ng digmaan.monarkiya.
naitatag na rin ang mga Nagsimula rin ang institusyon ngbatayan ng
mga nation-state sa burukrasya sa mga opisyal oEurope.
Angnation-state ay kawani na may kasanayan paratumutukoy sa isang
estado na patakbuhin ang pamahalaanpinananahanan ng mga mamamayan
ayon sa kautusan ng monarkiya.na may magkakatulad na wika, Kabilang
sa katungkulan ng mgakultura, relihiyon, at kasaysayan. opisya at
kawani angDahil sa kanilang pagkakahalintulad pangongolekta ng
buwis,na kultural, ang mga mamamayan ay pagpapatupad ng batas,
atisang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagkakaloob ng
hustisya.pagiging nasyon, isa rin silangestado sapagkat nananahan
sila sa Dahil saisang tiyak na teritoryo at may makapangyarihan ang
mgapamahalaan silang may soberanidad nation-state, nagpakita ngo
kasarinlan. Isa silang ibayong lakas ang Europe.nagkakaisang lahi
na may katapatan Nabuo sa Europe ang mgasa kanilang bansa. bagong
institusyong pampolitika,panlipunan, at pang-ekonomiya.Mahalagang
katangian ng Ang paglakas ng Europe aynation-state sa panahong ito
ang nagbigay-daan din sapagkakaroon ng sentralisadong pagpapalawak
nito ngpamahalaan sa ilalim ng isang impluwensiya. Naganap ito
sapambansang monarkiya na may panghihimasok at pananakop
ngkakayahan at kapangyarihan na mga Europeong nation-state
samagpatupad ng batas sa buong Asya, America, at nangnasasakupan.
May mga bagong kinalaunan, sa Africa.institusyon na umusbong bunga
ngpagiging nation-state. Isa rito ang Halaw mula sa: Kasaysayan ng
Daigdignina Grace Estela C.Mateo et al pp. 212-pagkabuo ng isang
hukbo ng mga 213propesyunal na sundalo na tapat sahari.Paano
nakatulong ang mga nation-statesa paglakas ng
Europe?______________________________________________________________________________________________________________________________________________________275
19. Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang salik na nagpabago sa
konsepto ng monarkiya atnagpalakas sa kapangyarihan ng hari?2.
Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari
atreyna?3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas ng
Europe.4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na ang mamuno sa
ating bansa ayhari at reyna? Bakit?Bukod sa mga unang natalakay na
aralin, tatalakayin rin angbahaging ginampanan ng simbahan sa
paglakas ng Europe.GAWAIN 8: Discussion WeBPANUTO1. Pagkatapos
basahin ang teksto, bumuo ng limang pangkat na may parehongbilang
.2. Talakayin ang tanong sa pangkat at bumuo ng ebidensya at
suporta sapanig ng Oo at Hindi.3. Suriin ang tanong at itala ang
mga impormasyon at pahayag ng bawatmiyembro bawat pangkat kung ang
sagot ay Oo o Hindi.4. Magtulungan ang bawat pangkat sa pagbuo ng
dahilan at kongklusyon.5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para
maibahagi ang inyong pananawsa buong klase.276
20. PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG
EUROPEHabang nababawasan ang katapatan ngordinaryong mamamayan sa
mgapanginoong maylupa, nakikita naman nilaang Simbahan bilang
bagong sentro ngdebosyon. Sa loob mismo ng Simbahan aytinuligsa ang
pang-aabuso ng mga hari nanaging dahilan upang lalong lumakas
angkapangyarihan ng Papa.Sa pagsapit ng 1073, naging
masmakapangyarihan ang Simbahan nangitakda ni Papa Gregory VII na
ang lipunan aybahagi ng kaayusang banal nanapapasailalim sa batas
ng Diyos. Bilangpinakamataas na lider-espiritwal attagapagmana ng
Simbahang Katoliko mulakay San Pedro, ang Papa ang maypinakamataas
na kapangyarihan sapananampalataya at doktrina. Kaugnay nito,ang
lahat ng Obispo ay dapat namapasailalim sa kanya, gayundin ang
mgahari na ang kapangyarihan ay dapat lamangdiumanong gamitin sa
layuning Kristiyano.May karapatan ang Papa na tanggalin sahari ang
karapatang mamuno kung hinditumupad ang hari sa kanyang
obligasyongKristiyano.Ang Investiture Controversy aysumasalamin sa
tunggalian ng interesng Simbahan at pamahalaan kaugnayng mga ideya
ni Papa Gregory VII. Hindinagustuhan ng Haring German na siHenry IV
ang ideya ni Papa Gregory VII.Para kay Henry, ang
relihiyongpanatisismo ni Papa Gregory VII aytuwirang nakaapekto sa
mga kaugalianat usaping politikal sa Germany. Dahildito, humingi ng
tulong ss Henry IV samga obispong German na pababain nasa puwesto
ang Papa. Bilang tugon,idineklara ng Papa na ekskomulgado siHenry
IV sa Simbahang Katoliko.Hiniling ng hari na alisin
angekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindiito gawin ng Papa, tumayo si
Henry IVnang nakayapak sa labas ng palasyo ngCanossa sa hilagang
Italya ng tatlongaraw noong 1077. Hiniling niya na alisinna ang
parusang ekskomulgasyon.Bagaman pinatawad dinkalaunan ng Papa si
Henry, angnasabing insidente ay lalong nagpatibaysa kapangyarihan
ng Simbahan.Kalaunan, upang malutas ang nasabingisyu, nagkaroon ng
kompromiso sapagitan ng Simbahan at ni Henry V. Itoang tinatawag na
Concordat of Wormsnoong 1122 na kumilala sa dalawangtungkulin ng
Obispo bilang lider-espiritwalng Simbahan at panginoongmaylupa.
Kinilala nito ang Simbahanbilang isang nagsasariling institusyon
napinamumunuan ng Papa na hindinapapasailalim sa sinumang
hari.277
21. Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa
panahon ng Middle Ages.Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang
nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugaliat moralidad. Ito rin
ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kayaniyang utusan
o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang
nagingpapel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan,
nabuo ang imahen ngEurope bilang isang malawak na kabuuang
Kristiyano ang Republica Christiana napinamumunuan ng mga hari sa
patnubay ng Papa.Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 siglo
hanggang sa ika-13 siglo aylumakas. Lumaki ang populasyon,
nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan,umusbong ang mga
lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at lumakas
angkapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang
nagbigay-daan sa paglakas ngEurope at sa kaganapan sa mga susunod
na panahon.Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela
C.Mateo et al pp. 214 -216Pamprosesong tanong1. Ano ang naging
papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe?2. Bakit mahalaga ang
impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe?3. Paano nakatulong
ang Simbahan sa paglakas ng Europe attranspormasyon ng daigdig?4.
Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng simbahan sa
kasalukuyan?Patunayan.GAWAIN 9: OO o HINDI!Pagkatapos ang
pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sanaging aralin,
iyong malalaman kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaraltungkol
sa paglakas ng Europe.278
22. Panuto: Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa
aralin. Idikit mo anghawak mong sign sa bahagi ng OO kung naunawaan
mo na ito at sa bahagi namanng HINDI kung hindi pa malinaw sa iyo
ang konseptong ito ng aralin. Pagkatapos aysuriin ang bilang ng mga
nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang pagkaunawa.KONSEPTO/
KAALAMANOO HINDI(NAUNAWAAN) (NAUNAWAAN)1. Ang bourgeoisie ay
binubuo ngmga mamamayan na kabilang sapanggitnang uri ng lipunan.2.
Dahil sa impluwensiya ng mgaBourgeoisie nasimulan nila angmga
reporma sa pamahalaan.3. Ang merkantilismo ay isangsistemang
pang-ekonomiya nalumaganap sa Europe nanaghahangad ng pagkakaroon
ngmaraming ginto at pilak bilangtanda ng kayamanan atkapangyarihan
ng bansa.4. Sa pagkawala ngkapangyarihan ng mgapanginoong maylupa,
ang hariang nagsilbing pinuno atnagpatingkad sa pagtatatag
ngnational monarchy.5. Ang simbahan ang nagsilbingtagapangalaga ng
kalinangan saimperyo noong panahongMedieval.Sa nakalipas na
pagtalakay natutuhan mo ang mgapangyayaring nagbunsod sa paglakas
ng Europe. Sa bahaging ito ngaralin ay iyong pag-aaralan ang
pagsilang ng Renaissance sahuling bahagi ng ika-14 na
siglo.279
23. GAWAIN 10: Magtulungan Tayo!Panuto: Nakita mo na ba ang
larawan na MONA LISA? Nabasa mo na rin ba angkuwentong Romeo at
Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito?Kung
gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay
ihanda mo angiyong sarili para sa pangkatang gawainPAG-USBONG
NGRENAISSANCEDahil sa pag-unlad saagrikultura bunga ng mga
pagbabagosa kagamitan at pamamaraan sapagtatanim, umunlad ang
produksiyonsa Europe noong Middle Ages.Humantong ito sa paglaki
ngpopulasyon at pagdami ngpangangailangan ng mga mamamayanna
natugunan naman ng maunlad nakalakalan. Ang mga lungsod-estado
sahilagang Italy ay nakinabang sakalakalang ito. Noong ika-11
hanggangika-12 siglo, umunlad ang mga itobilang sentrong
pangkalakalan atpananalapi sa Europe. Monopolisadorin ng hilagang
Italy ang kalakalan sapagitan ng Asya at Europe. Ilan sa
mgalungsod-estadong umusbong ay angMilan, Florence, Venice,
Mantua,Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa.Ang yaman ng mga
lungsod-estado naito ay hindi nakasalalay sa lupa kundisa kalakalan
at industriya. Sakatunayan, kung nangangailangan ngpera ang Papa,
hari, o panginoongmaylupa, nanghihiram sila sa mgamangangalakal at
banker ng mgalungsod-estado na ito. Ang mga Medicisa Florence ay
halimbawa ng isangpamilya ng mangangalakal at banker.Kasaysayan ng
Daigdig nina GraceEstela C.Mateo et al pp. 219-220Sa pagtatapos ng
MiddleAges sa huling bahagi ng ika-14 nasiglo, isinilang ang
Renaissance.Ang Renaissance aynangangahulugang mulingpagsilang o
rebirth. Maaari itongilarawan sa dalawang paraan. Una,bilang
kilusang kultural ointelektuwal na nagtangkang ibalikang kagandahan
ng sinaunangkulturang Greek at Roman sapamamagitan ng pag-aaral
sapanitikan at kultura ng mganasabing sibilisasyon. Ikalawa,bilang
panahon ng transisyon mulasa Middle Ages tungo sa ModernPeriod o
Modernong Panahon.Mula sa iyong pagkakaunawasa tekstong binasa, ano
angRenaissance?____________________________________________________________________________________________________________________________280
24. BAKIT SA ITALY?Italy angpinagmulan ngkadakilaan ngsinaunang
Romeat higit na maykaugnayan angItalyano sa mgaRomano
kaysaPagtataguyod ng mgamaharlikang angkan samga taong mahusay
sasining at masigasig sapag-aaral.Itinuturing na isa samaraming
dahilan kungbakit naging tunay nasinilangan ng Renaissanceang
Italy, ay magandanglokasyon nito. Dahil dito,nagkaroon ng
pagkakataonang mga lungsod dito namakipagkalakalan saKanlurang Asya
at Europe.Mahalagang papel angginampanan ng mgaunibersidad sa
Italy,naitaguyod at napanatilingbuhay ang kulturangklasikal at ang
mgateolohiya at pilosopiyangkaalaman ng kabihasnangGriyego at
Romano.http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpgBatay sa mga
impormasyonginilahad, bakit nga ba sa Italy sumibolang
Renaissance?____________________________________________________________________________________________________________________________281
25. ANG MGA HUMANISTASa pagtatapos ng Middle Ages,nagkaroon ng
bagong kapangyarihanang mga hari samantalang angkapangyarihan naman
ng Simbahanay sinimulang tuligsain. Ang mgadigmaan, epidemya, at
suliraningpang-ekonomiya ay tuluyan nangnagwakas. Nagbigay-daan ang
mgakaganapang ito sa pagsilang ngbagong pananaw na dulot ng
interessa pag-aaral ng sinaunang Greece atRome, ang humanismo.Ang
mga iskolar na nanguna sa pag-aaralsa klasikal na sibilisasyon
ngGreece at Rome ay tinawag nahumanist o humanista, mula sasalitang
Italian na nangangahulugangguro ng humanidades, partikular ngwikang
Latin. Pinag-aaralan saHumanities o Humanidades angwikang Latin at
Greek, Komposisyon,Retorika, Kasaysayan, at Pilosopiya,at maging
ang Matematika at Musika.Sa pag-aaral ng mga ito, napagtantong mga
humanista na dapat gawingmodelo ang mga klasikal na
ideyangmatatagpuan sa mga asignaturang ito.Kasaysayan ng Daigdig
nina GraceEstela C.Mateo et al pp. 220-221Ang humanismo ay isang
kilusangintelektuwal noong Renaissance nananiniwalang dapat
pagtuunan ngpansin ang klasikal na sibilisasyonng Greece at Rome sa
pag-aaraldahil naglalaman ito ng lahat ng aralna dapat matutuhan
upangmagkaroon ng isang moral atepektibong buhay.Ano ang pagkakaiba
ng pagtingin ngmga humanista ng sinaunang panahonsa pagtingin ng
mga iskolar ng
MiddleAges?____________________________________________________________________________________________________________________________MGA
AMBAG NG RENAISSANCE SA IBAT IBANG LARANGANSa Larangan ng Sining at
PanitikanFrancesco Petrarch (1304-1374). Ang Ama ngHumanismo.
Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyanoang Songbook, isang
koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibigsa pinakakamahal niyang si
Laura.Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan
niPetrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikangpiyesa ay ang
Decameron, isang tanyag na koleksyon nanagtataglay ng isandaang
(100) nakatatawang salaysay.282