Upload
trandiep
View
414
Download
34
Embed Size (px)
Citation preview
AKLAT NG PAARALAN SA HIMPAPAWID
(School on the Air)
Teknolohiya sa Produksiyon ng
HYBRID at CERTIFIED SEEDS
Department of Agriculture - Regional Field Office I Aguila Rd., Sevilla, San Fernando City, La Union Tel. No. (072) 888-4301; 888-4305; 242-10-45/46
Paunang Salita
Ang babasahing ito ay isang kalipunan ng mga paksang pinag-aralan ng ating mga mag-aaral na magsasaka ng Rehiyon I sa Paaralan sa Himpapawid (School on the Air) tungkol sa Produksiyon ng Bigas/Palay na ipinatupad ng Department of Agriculture – Regional Field Office I, Agri-Pinoy – Rice Program mula Abril 2013 hanggang Hunyo 2013. Ito ay sa pamamagitan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Division (RAFID) ng ahensiya na nakipag-ugnayan sa limang (5) istasyon ng radio na napakinggan sa bawat probinsiya, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte, sa mga Local na Pamahalaan particular ang mga Municipal/City Agriculture Offices na tumulong sa pagpapatala ng mga mag-aaral na magsasaka at ang mga brodkaster o “farmcaster” ng Provincial Agriculture Offices kasama ang mga brodkaster ng RAFID na siyang naging mga guro ng Paaralan sa Himpapawid. Ang mga piling paksa/teknical na impormasyon/rekomendasyon ay nagmula sa mga espesyalista at eksperto ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice). Nawa’y magsilbing gabay ang aklat na ito tungo sa pagkamit ng layunin ng ahensiya para sa mas mataas na ani, mas mataas na kita ng bawat magsasakang Pilipino patungo sa Sapat na bigas sa Pilipinas at sa kaseguruhan ng pagkain ng bawat mamamayan.
Mga Nilalaman
Paksa Pahina
1. Paghahanda Ng Lupa (1) 1 2. Paghahanda Ng Lupa (2) 1
3. Paghahanda Ng Lupa (3) 2 4. Tayming Sa Pagtatanim Ng Palay 3
5. Certified Seeds (1) 4
6. Certified Seeds (2) 5 7. Hybrid Rice 5
8. Si Ka Jojo At Ang Hybrid Rice (1) 6 9. Si Ka Jojo At Ang Hybrid Rice (2) 7
10. Crop Establishment/Pagtatanim 7 11. Pagpupunla Ng Palay 8
12. Pagkukulob Ng Binhi 9
13. Lupang Punlaan 10 14. Direct Seeding o Sabog-tanim 10
15. Pagitan Ng Tanim Na Palay 11 16. Integrated Nutrient Management (1) 12
17. Nutrient Management (2) 13
18. Top Dressing 14 19. Potassium 14
20. Zinc Deficiency 15 21. MOET - Minus One Element Technology 16
22. Pagkalugi Sa Damo 17
23. Mga Paraan Ng Pagsugpo Sa Damo 18 24. Kontrol Sa Damo, Pag-aararo 18
25. Iba’t-ibang Damo Sa Palayan 19 26. Kemikal Na Paraan Nang Pagsugpo Sa Mga Damo 20
27. Resistensiya Ng Damo Sa Kemikal 20 28. Bakit Kailangan Ang Tubig? 21
29. Pamamahala Sa Patubig (1) 22
30. Pamamahala Sa Patubig (2) 23 31. Pamamahala Sa Patubig (3) 24
32. Controlled Irrigation 24 33. Observation Well, Pansukat Ng Lalim Ng Tubig 25
34. Pagtitipid Sa Tubig Palayan 26
35. Ang Buhay Ng Daga 27 36. Pagsugpo Sa Daga (1) 28
37. Pagsugpo Sa Daga (2) 28
38. TBS o Trap Barrier System 29
39. Paninira Ng Kuhol Sa Palayan 30 40. Pagsugpo Sa Kuhol 30
41. Golden Apple Snail o Kuhol 31 42. Ibang Paraan Sa Pagkontrol Ng Kuhol 32
43. Dagdag Na Paraan Sa Pagsugpo Ng Kuhol 33
44. Rice Black Bug (1) 34 45. Rice Black Bug (2) 34
46. Mga Sakit Ng Palay (1) 35 47. Mga Sakit Ng Palay (2) 36
48. Mga Sakit Ng Palay - Berdeng Ngusong Kabayo (3) 37 49. Mga Sakit Ng Palay - Tungro (4) 37
50. Mga Sakit Ng Palay - Bacterial Blight (5) 38
51. Mga Sakit Ng Palay - Rice Blast (6) 39 52. Mga Sakit Ng Palay - Sheath Blight A (7) 40
53. Mga Sakit Ng Palay - Sheath Blight B (8) 40 54. Apat Na Grabeng Sakit Ng Palay 41
55. Pag-aani Ng Palay 42
56. Grass Cutter Na Pang-ani Ng Palay 43 57. Power Reaper 44
58. Paggigiik Ng Palay 45 59. Pagtutuyo Ng Palay (1) 46
60. Pagtutuyo Ng Palay (2) 46
Paksa Pahina
Paksa 1 : PAGHAHANDA NG LUPA (1) Bakit ba kailangan pa ang pagbubungkal at paghahanda ng lupa bago tamnan ng
palay?
Ang paghahanda ng lupa ay mahalaga. Una, bago magtanim ay maraming damo.
Marami rin ang “volunteer” na palay o mga palay na hindi naman itinanim ay tumutubo. Kung hindi bubungkalin at susugpuin ang mga damo, ito ang magiging
sanhi ng mababang ani.
Pangalawa, kapag binungkal ang lupa, ang mga damo ay naihahalo sa lupa para
maging “organic matter” na magiging pagkain o pataba sa tanim. Makakatulong ito upang mapayaman ang lupa at maibalik sa lupa ang mga “nutrients” o sustansiya
na kinain ng damo. Ang pagbubungkal sa lupa ay kailangan din upang mapanatili ang paraan ng pagpapalayan - hindi umaasa sa dagdag na abonong kemikal . Isa
pang bentahe ng “tillage” o pag-aararo ay napapaluwag ang lupa para makalusot at makahinga ang ugat ng halaman.
Sa kabilang dako, ang nakaugaliang pamamaraan ng paghahanda ng lupa ay ang pag-aararo ng dalawang beses hanggang tatlong beses na sinusundan ng
pagsusuyod. Bagaman kailangan, ito po ay matrabaho at magastos.
Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, maaaring makamenos sa paglulusong ng makina
- “power tiller” o hand-tractor.” Nagkaroon ng pag-aaral na binabawasan ang paglusong ng makina, “power tiller” o “hand tractor.” Ang ginagawa ay
pinararaanan ang bukid ng “rotavator” - ito ang “four-wheel tractor” ng mga 80 “horse power.” Matapos i-rotavator ay saka nila ipasusuyod ng pahalang na
dalawang beses. Ito ang tinatawag sa Nueva Ecija na “pasaghalang.”
Pagkatapos ay saka naman papantayin ang lupa - walang malalim, walang mataas.
Pag tinignan mo sa tubig, wala kang makita na nakabunton na lupa. Gumagamit dito ng “floating tiller” na dalawang beses lamang na lumusong yung una saka
pangalawa mga isang linggo bago magpatanim. Dito nakakamenos sa pagbubung-kal. Pero sa ani ay hindi nagkakaiba ng dami.
Paksa 2 : PAGHAHANDA NG LUPA (2)
Ang pagbubungkal sa lupa ay ginagawa upang mapuksa ang mga damo at upang
mapino ang mga tingkal sa ating taniman. Sa pagbubungkal, napapatay din ang mga peste na naalis sa bukid. Ang mga itlog ng kulisap ay nabibilad at namamatay
sa araw.
1
2
Ang pagbubungkal ay nangangahulugan din na pinaluluwag natin ang lupa at
pinagiginhawa ang daloy ng hangin (aeration) o sinasabing paghinga ng lupa. Mahalaga na patag ang pinitak at pino ang lupa at hindi malalim ang putik. Marami
tayong mga kasangkapang ginagamit ngayon sa pagbubungkal ng lupa. May gumagamit ng ararong hila ng kalabaw, “hand tractor”, “four wheel tractor”, o “disc
plow”.
Ang pagbubungkal ng lupa ay isa sa malaking pinagkakagastusan. Mga 15 - 25% ng
gastos sa pagpapalayan ay nauuwi sa paghahanda ng lupa.
Meron namang nauuso ngayon na tinatawag na “zero tillage.” Hindi na binubungkal ang lupa. Sa kabilang dako, meron namang mga magsasaka na ang
ginagamit ay “floating tiller.” Kailangan nga lamang sa paggamit ng “floating tiller”
ay basa o matubig ang lupa. Pinatutubigan ang lupa at saka binabasa ng “floating tiller” ng mga dalawang beses.
Merong mga magsasaka sa Aurora province na isang beses lamang nilang
binabasa ang lupa. Dahil doon, ang kanilang lupa ay tinatawag na laboy o malalim.
Isang beses lang na lumulusong ang “floating tiller”, sinasabugan na nila ng palay.
Isang mahalagang paalala ay ang “timing” sa paghahanda ng lupa. Kailangan ay kasabay ng mga kalapit bukid. Ito ay upang maiwasan ang malaking paninira ng
peste sa nag-iisang nakatayong palayan. Ito ay nababatay din sa dating ng tubig.
Paksa 3 : PAGHAHANDA NG LUPA (3)
Mahalaga ang paghahanda ng lupa bago magtanim ng palay. Sa karaniwang
pamamaraan, inaabot ng tatlong linggo mula sa unang pag-aararo hanggang sa pagpapatag ng lupa. Ang pagitan ng pag-aararo ay mga 5 - 7 araw. Sinusuyod ang
lupa kada matapos na maararo.
Kung maglalagay kayo ng patabang basal o bago magtanim, maaaring ihalo ang
“compost” o “organic fertilizer” matapos ang unang pagsuyod. Ang pataba ay mahahalo ng husto sa lupa sa pangalawang pag-aararo at pagsusuyod. Sa ganito,
magkakabisa na kaagad ang pataba sa mga halaman pagkatanim.
Ang isa dapat nating tandaan ay ang pagkapatag ng lupa. Kung pantay ang lupa,
makatitiyak tayo na pantay ang “distribution” o pagkalat ng abono dahil pantay din ang tubig sa pinitak. Isa pa, kapag maayos at pantay ang lupa, madali ring
makontrol ang mga damo. Maganda kung patag ang lupa, kasi magiging pantay ang tubig sa pinitak.
3
Ang paghahanda ng lupa ay talagang kailangan nating gugulan ng panahon, lakas
at ng pera para sa kapakanan ng tanim na palay. Ang palay ay nakadepende sa kanyang ugat. Ang mga ugat naman ay kumukuha ng sustansiya o “nutrients” sa
lupa. Kaya kinakailangang maganda ang pagtubo ng ugat para makuha niya lahat ng “nutrients” sa lupa. Kung hindi maganda ang pagkahanda ay mahihirapan ang
ugat ng palay.
Pangalawa, ang paghahanda ng lupa ay kailangan upang maalis din ang mga
kalabang damo at maging ang mga volunteer na palay.
Pangatlo, ang mga damo at pinaggapasan ay magsisilbing karagdagang organic matter kung maihalo sa lupa sa pagbubungkal. Ito ay dagdag “nutrients” o pataba
sa lupa. Sa ganito ay lalago ng sabay-sabay ang palay. Walang mahuhuli sa
paggulang at pagkahinog.
Pang-apat, kailangang mapantay ang lupa at maging maganda ang kalat ng abono at tubig. Ito naman ay may kaugnayan sa pagsugpo ng damo at pagsugpo ng mga
peste.
Tamang paghahanda ng lupa ang kailangan upang halamang palay ay matulungan.
Paksa 4 : TAYMING SA PAGTATANIM NG PALAY
Kailan dapat magtanim ng palay? Kung kailan magtatanim ang iyong mga karatig
na mga magsasaka. Hindi po dapat malayo ng 15 araw sa pagtatanim ng iyong mga
kalapit sakahan. “Synchronous planting,” wika nga. Kung ikaw ay sasalang at mapapag-isa, ang iyong palayan na siyang nakatayo ang siyang sisirain ng peste.
Kaya dapat ay mayroong ugnayan ang mga magkakalapit-bukid sa kung kailan ang
taniman. Dapat ay mapag-usapan kung kailan magpupunla, lalo na sa
pamamaraang tinatawag na “wet bed method” na kailangan pa ang tatlong linggo bago ilipat ang punla sa bukid.
Dapat ay may pagitan din na humigit kumulang 30 araw matapos ang anihan upang
masira ang “cycle” ng mga peste. Bukod dito ay isinasaalang-alang din naman ang
“availability” o pagkukuhanan ng patubig. Isa pang bagay ay may kinalaman ang init ng araw. Ang gusto natin ay tumama yung ganda ng init ng araw sa
pamumulaklak ng palay. Sa Gitnang Luzon na kung saan karaniwan ay dalawang beses na nagtatanim ang mga magsasaka, pinipili nila na magtanim sa Enero. Dahil
ang Abril ay siyang katindihan ng init na kailangan ng mga tanim na palay sa panahon ng pagbubuntis. Sa tag-ulan naman ay nagtatanim sila sa Hunyo. Ang
huling mga linggo ng palay ay itinatapat sa Setyembre at Oktubre na kung kailan
4
naman lipas na ang tag-ulan. Mainit na ang araw.
Yan po ang tatlo sa pinakamahalagang bagay tungkol sa tayming. Sabay sa taniman
ng mga magkakaratig, ang panahon na may patubig at ang panahon na mainit ang araw kung nagbubuntis at namumulaklak ang palay. Kailangan sa pagtatanim ay
tayming, upang dumami ang ating aanihin.
Paksa 5 : CERTIFIED SEEDS (1)
Mahalaga na ang ating gagamiting binhi ay ang “certified seeds” na rekomendadong
uri ng palay.
Ano ang tinatawag na “certified seeds?” Ito ay ang binhi na tinitiyak ng National
Seed Quality Control Services na magaling. Meron po yang “blue tag” o etiketang asul na nagpapatunay na ang binhi ay “certified”, garantisado.
Ang National Seed Quality Control Services po ang nangangasiwa sa kalidad ng
itinatanim na palay ng mga magsasaka. Tinitignan nila ang kalidad. Sinusubukan.
Maaari rin namang gumamit ng “foundation seeds” o ng “registered seeds” na mas
mataas ang antas. Pero ang higit na iminumungkahi natin ay “certified seeds.” Ang “certified seeds” ay puro, walang halo, malinis at pare-pareho. Ito po ay
makakapagdagdag ng malaki sa ani.
Hindi maganda ang kalidad ng binhi kung nagpapaulit-ulit lamang ng tanim ang
magsasaka mula sa kanyang inani...iba-iba ang taas ng palay, iba-iba ang
“maturity” o panahon ng pagkahinog. At hindi po ganoon karami ang inaasahan
nating ani.
Ang “certified seeds” ay available o makukuha sa PhilRice at sa accredited seed
growers.
Mapapansin ninyo sa mga highway sa iba’t ibang lugar na may karatula ang mga
seed growers na accredited o lisensiyado ng National Seed Quality Control Services.
At para matiyak, maaari din po ninyong i-text ang PhilRice para matanong kung
tunay na accredited ang isang nagsasabing siya ay lisensiyadong seed grower.
Uulitin ko po - “certified seeds” ang itanim upang ani ay paramihin.
Paksa 6 : CERTIFIED SEEDS (2)
“Certified seeds”, iyan ang dapat itanim. Sa pamamamagitan ng pagtatanim ng
“certified seeds”, makakatiyak tayo na ang binhi ay puro, walang halo at pantay-pantay kung tumubo. At marami naman ang uri o “varieties” na inyong
mapagpipilian sa tinatawag na “certified seeds” mula sa mga “accredited seed
growers.”
Ano naman ang katiyakan na ang “certified seed” ay tunay na “certified seeds?”
Ang una ninyong titignan sa sako ay ang tinatawag na “blue tag” - etiketang asul. Ang “blue tag” ay maaaring mabasa ninyo sa Ingles, sa Tagalog, sa Cebuano o sa
Ilokano. Available ito sa English pero may inihahanda na ring mga “tag” na
nakalimbag sa Tagalog, Ilokano at Cebuano. Ang “tag” ay ang etiketa na nakadikit duon sa mismong sako.
Ang “tag” ay nagsasaad ng pangalan ng producer, ang kanyang address, kung sino
ang nag-inspeksiyon, ano ang klase ng binhi na binigyan ng sertipikasyon, at iba
pang mga impormasyon. Kung wala kayong makitang “blue tag”, magtanong na kayo. Magduda na kayo.
Tandaan po ninyo na kapag iyan ay puro, walang halo, pantay-pantay kung
tumubo. Ang tawag ng mga magsasaka ay “flat tops.” At ang sabi ng PhilRice sa kanilang pag-aaral, diyan pa lamang sa paggamit ng “certified seeds” na may “blue
tag”, diyan makikita kung ang isang magsasaka ay mapamaraan. Sa “certified
seeds” may bentahe na siya. Nakakatiyak na mas maraming ani.
Para sa mas maraming aanihin, “certified seeds” ang inyong itanim.
Paksa 7 : HYBRID RICE
Marami tayong naririnig na uri ng pananim na palay - “registered seeds”, “certified
seeds”, “breeders seeds”, at “hybrid seeds.” Ano ba ang pagkakaiba nila?
Ganito ang paliwanag ng mga eksperto. Ang inirerekomenda sa mga magsasaka ay
ang tinatawag na “certified seeds.”
Ang “certified seeds” ay mayroong “tag” na nagpapakita na ito ay garantisado at nasuri ng National Seed Quality Inspection Service.
Ang “hybrid seed” naman ay ang binhi na galing sa pinag-asawang piling lahi ng
palay. Ito ay ang pinili na anak na nagdadala ng mahusay na katangian ng kanyang
5
mga magulang. Kaya ang tawag ay “mestizo.” Kaiba sa tinatawag na “inbred”, ang
“inbred” ay palay na mula sa mga magulang na paulit-ulit na itinatanim ng magsasaka mula sa kanyang ani. Sa “hybrid”, ang mga magaling na katangian ng
magulang ay siyang iniingatan at dinadala nitong mga bagong binhi. Ito ay karaniwang nakapagbibigay ng mas mataas na ani.
Ang isang bilin ng mga eksperto ay hindi po dapat pagkunan ng binhi. Kasi pag itinanim muli o kumuha ng binhi mula sa inyong ani, ang katangian ay iba na…may
mataas at minsan ay may mababa. Hindi na matitiyak na ang buong katangian ay madadala.
Paksa 8 : SI KA JOJO AT ANG HYBRID RICE 1
Doble ang ani sa pagtatanim ng “hybrid rice!” Iyan po ang napatunayan hindi lamang ng mga eksperto sa PhilRice kundi ng mga magsasaka. Parami ng parami
ang mga nagpapalayan na kumikita ng ibayo sa paggamit ng hybrid rice.
Isang halimbawa ay si Ka Jojo Garcia ng Barangay Mabini, Santo Domingo, Nueva
Ecija. Ayon kay Jojo, dati-rati sa tag-ulan ay umaani lang sila ng 120 “cavans” kada ektarya. Ngayon ay umaabot sa 250 “cavans” bawat ektarya ang kanilang naiuuwi.
Itong si Ka Jojo ay nagtatanim na ng hybrid noon pang 2001. Siya ay dalawang
beses nagtatanim sa loob ng isang taon, may para sa tag-araw at may para sa tag-ulan.
Kung tag-ulan ay umaani lamang sila dati ng 80 kaban sa bawat ektarya. Sa ngayon sa paggamit ng hybrid, umaabot ng 150 kaban ang kanilang naaani. Sa tag-araw ay
mas marami. Umaabot ang kanyang ani sa 250 kaban sa isang ektarya kapag hybrid ang tanim.
At ayon kay Ka Jojo, ang gastos ay halos pareho lamang. At pareho rin ang dami o hirap ng gawain. Naghahanda sila ng lupa, umuupa ng magtatanim, umuupa din ng
magbubunot ng damo at maglalagay ng pataba. At gumagamit sila ng mga teknolohiya na nakuha nila mula sa PhilRice.
Ang isang pagkakaiba ay ang paggamit ng buto na sa pangkaraniwang pagtatanim ay nakakagamit ng mula 40 - 50 kilo. Sa hybrid, mas kakaunti - 20 kilo lamang.
Ayon na rin kay Ka Jojo, mas maraming magsuwi ang hybrid. Iyon ang isang
dahilan kung bakit marami ang nakukuhang ani.
6
7
Paksa 9 : SI KA JOJO AT ANG HYBRID RICE (2)
Si Ka Jojo Garcia ng Barangay Sto. Domingo, Nueva Ecija ay isa sa mga
nasisiyahang magsasaka na nagtatanim ng palay na haybrid. Siya ay umaani ng hanggang 250 kaban ng palay sa isang ektarya. At ito ay bunga ng pagsunod sa
mga pamamaraan na itinuturo ng PhilRice.
Sa pag-aabono, naglalagay siya ng “basal” o tinatawag na paupo. Naglalagay rin
siya ng pataba ng ilang beses kapag lumalaki na ang palay. Bale apat na beses ang kanyang paglalagay ng abono.
Ayon kay Ka Jojo, ang isang binabantayan lamang nila ay ang pagkakasakit ng
palay lalo na sa tag-ulan. Maaaring ito ay tamaan ng sakit na “leaf blight.” Si Ka
Jojo na rin ang nagsabi na mayroon namang mga uri ng “hybrid rice” na matibay sa “leafblight.”
Sabi ni Ka Jojo, nasubukan na rin niya ang iba’t ibang uri ng “hybrid rice.” Noong
una ang kanilang ginagamit ay ang mga mestiso na mula sa PhilRice. Ngayon ay
gumagamit na sila ng Bigante, SL-8, SL-7 at SL-9. Halos lahat ng mga “varieties” ay nasubukan na nilang itanim sa kanilang lugar sa Sto. Domingo.
Ang isa sa medyo matrabaho at maingat na gawain sa pagtatanim ng “hybrid rice”
ay ang paghahanda ng “seedbed.” Sa “hybrid rice,” kailangang gumawa ka ng punlaan na mga 1 meter by 20 at dapat siguraduhin na pantay na pantay ang lupa.
Kailangang mapatubo mo ng mainam ang mga punla. At maging ang mga
magsasakang kanyang karatig ngayon ay bumaling na rin sa “hybrid rice.” Isipin mo nga naman na noong una ay 120 kaban lamang ang kanilang inaani. Ngayon ay
napapaabot na nila sa mahigit na 200 daang kaban.
Ang dagdag na ani sa ating sakahan ay hindi lamang tulong sa ating pamilya. Ito ay
tulong sa ating bayan upang magkaroon ng katiyakan sa pagkain at katatagan ng pamumuhay.
Paksa 10 : CROP ESTABLISHMENT/PAGTATANIM
May dalawang sistema o pamamaraan ng pagtatanim ng palay sa ngayon. Ang una ay tinatawag na “dry seeding” o “direct seeding” at ang pangalawa ay ang
lipat-tanim.
Maging noong araw, ang matandang kaugalian ay basta na lamang ibinubukod ang binhi. Ito ay siyang ginagawa kahit sa tinatawag na paraang pagkakaingin. Sa “dry
seeding,” noong una ay ginagamitan ng isang matulis na bagay para pantusok sa
8
lupa. Sa butas sa lupa ilalaglag na lamang yung buto. Hindi naglaon, natuto nang
mag-araro ang mga magsasaka. Kapag nabungkal ang bukid ibinubudbud na nila ang tuyo o pinatubong buto. Ang iba naman ay inihahasik ang mga binhi ng palay
at pagkatapos ay tinatabunan sa pamamagitan ng paragos. Hinihintay na lamang nila ang ulan o pagkabasa ng lupa saka sisibol ang mga binhi.
Ang pangalawang paraan ay ang lipat-tanim. Sa lipat tanim ay ipinupunla muna ang palay hanggang mabubulas na. Makaraan ang tatlong linggo, kung malalakas na
ang punla, ay saka inililipat sa bukid. Ang inirerekomendang dami ng binhi sa isang ektarya ay 40 kilos kung ito ay “good quality seeds” o “certified seeds.” Ngayon,
kung “hybrid seeds” naman ay 20 kilo lamang ang kailangan.
Ang magsasaka ay gumagawa ng punlaan. Ito ay inihahanda rin, inaararo at
sinusuyod ng 3 beses. Pinapatag din ang lupa at gumagawa ng kamang punlaan na may taas na mga 2 o 3 daliri o mga 4 - 5 sentimetro.
Kung ang lupang punlaan ay masyadong lagkitin, maaaring maglagay ng
organikong pataba na mga 4 hanggang 5 sako. Ito ay upang maging buhaghag ang
lupa at upang madaling bunutin ang punla.
Tandaan po ninyo, sabog tanim man o lipat-punla, kailangan ng palay ang magandang pasimula.
Paksa 11: PAGPUPUNLA NG PALAY
Ang malulusog na punla ay magandang panimula.
Iyan ay sa anumang halamang pananim kagaya ng palay. Kaya nga natin ipinupunla muna ang palay bago natin ilipat sa bukid ay upang maging mabulas na
kaagad sila bago pa man maitanim sa bukid.
Isa sa mga bagay na magpapalakas sa kanila ay ang angkop na punlaan - sapat na
espasyo sa mga maliliit na punla, sa mataba at mabuhaghag na lupa. Kaya nga madalang ang punla, mas kakaunti ang binhi na ginagamit.
Noong araw ay umaabot ng 3 hanggang 4 na sako ang binhi. Ngayon ang karaniwang rekomendasyon ay 40 kilos na lamang. At dahil hindi nagsisiksikan ang
mga punla sa punlaan, mas malulusog ang sibol.
Ang mga punla ay nananatili sa punlaan sa loob ng 20 hanggang 25 araw. Ang mga “late maturity variety” ay natatagalan sa punlaan bago ilipat sa bukid.
9
Ayon sa mga eksperto, ang kabutihan ng ipinupunla muna ang palay kaysa kung
ihinahasik o isinasabog tanim ay ganito. Oo nga na sa direct seeding ay nakakamenos sa trabaho. Hindi na nagpupunla, nagbubunot at nagpapatanim. Sa
kabilang dako, kapag hindi maganda ang paghahanda sa bukid, ang kalaban ay damo. Bago makatubo ang palay ay malalaki na ang mga damo. Pangalawa,
nandiyan din po ang “golden kuhol.” Mas gustong kinakain ng “golden kuhol” ang
palay na batang bata pa. Pangatlo, sa sabog tanim, nakalantad ang mga binhi sa ibon at daga. At ang pang-apat, mas maraming binhi ang kailangan sa sabog-tanim
- umaabot ng mga 3 hanggang 4 na sako ng palay sa isang ektarya.
Sa pangkalahatan, iminumungkahi natin ang lipat-tanim upang matigas na at malusog ang tanim na palay bago ilantad sa mga kalaban sa bukid.
Paksa 12 : PAGKUKULOB NG BINHI
Ang pagkukulob ay kailangan upang mabigyan ng magandang pasimula ang binhi. Kung ang gagamitin na binhi ay “certified seeds”, bago magbabad at magkulob,
dapat ang punlaan ay nakahanda na, naararo, nasuyod at napatag na. Dapat ay
nakahanda na rin ang kamang punlaan.
Ang mga buto o binhi ay ibinababad sa malinis na tubig sa loob ng 24 oras kung ito ay “certified seeds.’ Pagkatapos, ito ay iaahon at kukulubing maghapon at
magdamag. Sa mga “inbred” na binhi, sapat na yung 24 oras na pagbababad. Ang pagkukulob ay 24 oras din.
Kung “hybrid” ang binhing itatanim, may ilang pagkakaiba sa pamamaraan. Ang buto po ng “hybrid seeds” ay hinuhugasan muna ng malinis na tubig ng hindi
lalampas sa 10 hanggang 12 oras.
Ang kaibahan pa ay pinapalitan pagkaraan ng 5 hanggang 6 na oras yung tubig na
pinagbabaran ng binhi dahil maselan po ang buto ng hybrid. Hindi pa ganap na buo at nakabuka ang buto nito. Konting putik o anumang dumi ay masisira na yung
binhi. Pagkatapos ng 12 oras, iahon natin, saka kukulubin.
Sa pagkukulob, dapat ay takpan nating maigi upang mainitan at matuyo. Sa
pagkukulob, ang magandang sisidlan ay yung mga sako ng abaka. Huwag higpitan ang pagkakatali sa sako. Habang kinukulob ang binhi ng palay at nagsisikap na
tumubo, umaalsa ang sako. Maaaring masira ang mga binhi kung masikip ang tali.
Kung magkaroon ng mga bitak ang mga buto, saka ito inilalagay o isinasabog sa punlaan. Tandaan natin, ang pagkukulob ay ginagawa para sa magandang
pasimula na kailangan ng mga punla.
10
Paksa 13 : LUPANG PUNLAAN
Ano ang magandang punlaan ng palay?
Ang ilang batayan sa pagpipili ng punlaan ng palay ay ang may magandang daluyan
ng tubig o hindi tinitigilan ng tubig. Ang ating punlaan ay dapat malayo sa mga
punong kahoy. Ang mga puno ay magbibigay lilim sa mga punla kaya hindi makakatanggap ng sapat na sinag ng araw ang mga punla.
Dapat ang punlaan ay malayo rin sa mga poste ng ilaw. Ang mga poste ng ilaw ay
pang-akit sa mga insekto sa gabi.
Ang punlaan ay dapat patag. Kung ang inyong napiling lugar ay medyo “clay” o
lagkitin ang lupa, dapat lagyan ng abonong organiko - isa hanggang dalawang kilo ng organikong pataba kada metro kuwadrado. Pinakamainam na punlaan ay “sandy
loam” o mabuhaghag upang madaling bunutin ang mga punla at kung binubunot ay hindi nasisira ang ugat ng mga punla.
Ang sukat ng punlaan para sa isang ektaryang itatanim na binhi ay mga 400 metro kuwadrado na pahaba na may lapad na mga 2 metro. Sa paligid naman ay
mayroong kanal. Sa ganitong sukat ay nagkakasya na ang mga binhi na 40 kilos kung “certified seeds” at 20 kilos kung ang gagamitin ay “hybrid seeds.”
Bago punlaan ang lupa, inaararo at sinusuyod ng 3 beses. Pinapatag ang lupa at
ginagawan ng kama bago ilagay ang mga punla. Tandaan natin, “Punlaan ay
maayos na ihanda, sa malusog at mauwag na lupa, para sa mabulas na mga punla, maraming ani’y diyan magmumula.”
Paksa 14 : DIRECT SEEDING O SABOG TANIM
Iwas trabaho sa pagpupunla, iwas upa sa pagtatanim? Ang sagot ay direct seeding o sabog-tanim. Ang mga binhing palay ay inihahasik ng direkta sa bukid taniman.
Ang sabog-tanim ay karaniwang ginagawa sa dakong Bicol at sa mga lalawigan sa
Bisaya. Ang isang kailangan kapag nagsabog tanim ay ang magandang paghahanda
ng lupang taniman. Ang ibig sabihin ay inaararo, pinatutubigan, sinusuyod ng 3 beses at saka po pinapatag ang lupa bago magtanim.
Kapag hindi kinontrol ang damo, magiging kaagaw ng batang palay ang mga damo
na mas mabilis namang lumaki. Kaya dapat sa bukid na taniman ay walang damo, malinis.
11
Isa pang problema ng sabog-tanim ay ang paninira ng mga kuhol sa batang
halaman na nasa bukid. Kaya ang mga nagsasabog tanim ay gumagawa ng maliliit na kanal sa paligid ng bukid. At ang mismong taniman ay hindi lubog sa tubig
- sanap-sanap lamang. Dapat ang mga binhi na gagamitin ay may katangian na hindi nabubuwal o matigas - hindi humahapay.
Ang dating ginagawa ng mga magsasaka ay ang tinatawag na “hasik” o “broadcast.” Ang problema dito ay tinatantiya na lamang ang dami ng sabog.
Merong mahusay maghasik na maganda at pantay ang kalat ng mga binhi. Pero sa karaniwan ay nagiging problema, may makapal at may manipis ang sabog.
Tinatantiya na lamang.
Sa ngayon ang inirerekomenda ng PhilRice ay ang makinang tinatawag na “drum
seeder.” Sa “drum seeder” ay inilalaglag ang mga buto sa mga butas na ginagawa na rin ng makina. At ang mga butas o tundos ay parepareho ang pagitan. At kung
“calibrated” ang sukat, maaari itong gamitan ng “rotary weeder.” Ang “drum seeder” na ito ay maaaring gamitin kahit ang inyong pananim ay “hybrid” o kaya ay
inbred.
Kung kayo ay magsasabog tanim, mahalaga na nakahandang mabuti ang lupa,
malinis, walang damo at patag.
Paksa 15 : PAGITAN NG TANIM NA PALAY
Bakit mahalaga ang tamang agwat sa pagtatanim ng palay? Una, upang ang mga
halaman ay makakuha ng sapat na liwanag, sapat na sustansiya at pare-pareho. Pangalawa, kung tama ang distansiya ay maaaring gamitan ng rotary weeder. At
pangatlo, upang magamit ng husto ang lawak ng ating palayan.
Ang karaniwang iminumungkahing agwat ng mga tanim na palay ay 20 x 20
sentimetro sa panahon ng tag-ulan. At sa tag-araw ay 20 x 15 sentimetro ang pagitan. Kung “inbred”, hindi po dadami o lalampas sa 2 hanggang 3 tingting kada
tundos. Kung “hybrid” naman ang inyong itatanim, isa hanggang 2 tingting o halaman sa bawat tundos.
Marami sa mga magsasaka ang naglilipat tanim na tinatawag nating walang direksyon o iba’t iba ang agwat - “random planting”, wika nga. Pag binabantayan
ng may patanim, ang mga magtatanim ay 20 x 20 ang pagitan. Pero pagdating sa gitna ay maluluwag na ang pagitan.
Kaya ngayon, ang pinauuso ng PhilRice ay ang mga linya o “guide wire”. May
“marker” kung saan mismo isasaksak ang mga puno ng palay. Kaya hindi
12
Sa pag-aaral ng PhilRice, kung ang pagitan ay 20 x 20, hindi bababa sa 250,000
tundos sa isang ektarya. Hindi katulad ng kung “random” ang pagtatanim, walang direksiyon, hindi matiyak ang bilang ng punla o dami ng mga binhi.
Iyan ang kabutihan ng pare-parehong pagitan ng pagtatanim. Pare-pareho ang
nakukuha nilang liwanag mula sa araw, sustansiya sa lupa at espasyo. Kaya
pare-pareho ang paglusog ng palay. Mas natitiyak kung gaano kadami ang punla na kailangan sa isang ektarya. Madaling gamitan ng mga makina sa pag-aalis ng
mga damo, pag-aabono, pag-iispray at pag-ani.
Ang tama at pare-parehong distansya, tatak ng masinop na magsasaka.
Paksa 16 : INTEGRATED NUTRIENT MANAGEMENT (1)
Ang “integrated nutrient management” ay ang kabuuan ng pangangasiwa sa bukid
upang makakuha ang palay ng kailangang mga sustansiya at mapataas ang ani. Kaugnay ito sa pangangalaga sa kalusugan ng lupa at ang mga nauugnay na
teknolohiya sa pagpapatubig at maging sa pagpili ng mga uri ng binhi.
Ang malusog na tanim ay nagtataglay ng lahat ng mga nutients na kailangan. Sa
palay, ang pinakamahalagang sustansiya ay “nitrogen, phosphorous, potassium” at iba pang mga element katulad ng “zinc” at “sulfur.” Ito ay ilan sa mga maseselang
sustansiya na kailangan ng halaman. Gayun pa man maraming iba pang mga kailangang sustansiya para mabalanse ang “nutrients” sa lupa at gumanda ang tubo
ng palay. Kung nandoon ang mga sustansiya masasabi natin na malusog ang ating
lupa.
Mayroong “major elements” - ang “nitrogen” o N, “phosphorous” o P at ang K o “potassium.” “Major elements” sila o kailangan na marami o malaki ang “volume.”
Mayroon din namang mga “micro elements” gaya ng “zinc”, “sulfur”, “manganese”,
“magnesium”, “boron” at iba pa. Kailangan din sila pero kaunti lamang ang “volume” o dami. Maging “major” o “micro elements”, kailangan sila ng mga tanim
upang maging malusog at marami ang maibigay na ani.
Ang kakulangan sa mga “nutrients” o elementong ito ay maaaring makita sa lupa at
sa halaman. Bagamat ang kulay ng lupa ay maaaring magpahiwatig ng kakulangan sa sustansiya, mas makikita natin ang mga palatandaan sa mga kulay at ayos ng
halaman.
Upang matiyak natin ang kalagayan ng lupa at ang dami ng mga sustansiya na kakailanganin ng halaman, maaaring ipasuri natin ang lupa. Kailangang kumuha
tayo ng “soil sample” at dalhin sa malalapit na laboratoryo ng Bureau of Soil and
13
Water Management sa inyong probinsiya.
Paksa 17 : NUTRIENT MANAGEMENT (2)
Hindi dapat na basta maglagay na lang tayo ng abono komo’t iyon ang sinasabi ng
mga nagbebenta ng abono o pataba. Kapag hindi natin kilala ang lupa maaaring
masobrahan ang “nutrients” sa lupa. Maaaring makapaglagay tayo ng hindi naman pala kailangan. Dagdag na gastos yon.
Kung masobrahan sa pataba, bukod sa nasasayang ang ating pera, ang sobrang
pataba ay magiging sanhi upang hindi magamit ng halaman ang mga sustansiyang nasa lupa na. Halimbawa, kung masyadong marami ang “phosphorous” sa lupa, ang
elementong “zinc” na nasa lupa ay hindi nakukuha at nagagamit ng halaman. Kaya
hindi dapat na basta maglalagay na lang ng mga patabang may “phosphorous.”
Kung sakaling hindi natin magawa ang magpasuri ng lupa, maaari din naman nating tignan kung ano ang mga palatandaan na ipinapakita ng mga pananim. Halimbawa,
yung bukid na naninilaw lahat ng mga halaman ay maaaring kinukulang sa
nitrogen.
Ang dagdag na palatandaan sa kakulangan ng “nitrogen” ay kung ang paninilaw ay nagsisimula sa mababang dahon at pataas ang “pattern” ng paninilaw.
Kung ang tanim ay medyo mamula-mula at nagiging kulay kayumanggi, maaaring
ang kulang ay “potassium.” Kung masyado namang berdeng-berde ang tanim doon
sa itaas ng halaman at naninilaw ang ibang bahagi, maaaring ang kulang niya ay “phosphorous.” Kung kulang naman sa “iron” at “sulfur”, naninilaw yung pang-itaas
o murang dahon. Kung ang “chlorosis” o paninilaw ay naghahalong berde o dilaw sa dahon, maaaring “magnesium” o “potassium” ang kulang.
Bukod sa kulay ng dahon at halaman, may iba’t-ibang paraan pa para malaman kung ano ang sustansiyang kulang sa lupa.
Madalas na iminumungkahi ang pagsusuri ng lupa sa laboratoryo. Kaya lang ay
medyo magastos ang pagpapasuri ng lupa at matagal pang hintayin ang resulta.
Ang isang simple at hindi magastos na pamamaraan ng pagtiyak sa kung ano ang
kulang na element sa lupa ay ang tinatawag na “MOET - Minus one element technology.”
14
Paksa 18 : TOP DRESSING
Narinig na ba ninyo ang “top dressing” sa palay? Ang top dressing ay hindi
pagdadamit ng palay. Ito ay paraan ng pag-aabono kung nakatanim na ang palay. Ang madalas nating tina-top dress ay yung “nitrogen” o “potassium.” Kung sa pagsusuri ng lupa o kaya ay sa pamamagitan ng “leaf color chart” ay napatunayan
na nagkukulang sa “nitrogen”, diyan kailangan ang “top dressing.” Ang “phosphorous” na kailangan para sa malusog na ugat ng palay ay karaniwan na
inirerekomenda na pang-”basal” o inilalagay na sa lupa kung wala pa ang pananim. Kung maganda na yung ugat sa una, hindi na niya kailangan ng “phosphorous” sa
susunod. Pero ang “potassium”, kailangan ay “top dress” dahil ito naman ay katulong sa pagbuo ng butil o “grains.” Kaya mapapansin ninyo na kung sapat ang “potassium”
o naglagay kayo ng “top dressing” na “potassium” ay nagiging mas mapintog ang
mga butil ng palay. Kung ang lupa ay likas na mayaman sa “potassium”, halimbawa tuloy-tuloy na naglalagay ng dayami na pinabubulok sa lupa, hindi na kailangan ang mag “top
dress” ng “potassium.” Ang pataba ay maaaring ibudbod sa tabi ng puno, ito ang tinatawag na “side dressing.” Kung ito ay isinasabog sa ibabaw ng mga tanim, ito ay tinatawag
na “top dress.” Kung isinasabog sa dahon o inihahasik sa itaas ay ingatan na huwag masunog ang
mga dahon. Kailangan ay magsabog lamang ng pataba kung tuyo ang dahon, wala ng hamog o kaya ay hindi basa ng ulan. Makakatulong sa inyo bago maglagay ng pataba na ipasuri ang inyong lupa. May
iba rin namang paraan upang malaman kung anong element ang kailangan ng halaman sa ating bukid. Nariyan ang “minus one element technology” o kaya ay
ang paggamit ng “leaf color chart.”
Paksa 19 : POTASSIUM
Ano ang naidudulot ng elementong “potassium” sa ating mga tanim na palay?
Tinatawag ang “potassium” na “elementong kiti-kiti” dahil ito ay malikot o gumagala sa palay. Ang “potassium” ang tagapagdala ng mga nailalabas na pagkain mula sa
dahon patungo sa iba’t ibang parte ng palay. Para siyang “truck” na naghahatid ng
mga pagkain sa mga dahon, sa ugat at sa mga butil ng palay.
15
Ang “potassium” ay tumutulong din upang hindi maapektuhan ng kakulangan sa
tubig ang palay. Ang “potassium” ang kumokontrol sa “water stress.” Kung sapat ang “potassium”, nagiging matibay ang palay. Ano naman ang palatandaan ng halaman na nagkukulang sa elementong
“potassium?” Ang una nating makikita ay ang pagkakaroon ng “intervenial yellowing.” Ang mga gilid ng dahon ang unang naninilaw. At ang paninilaw na ito ay nagsisimula sa
pinakadulo ng dahon. At kung matagalan ay natutuyo na ang dahon. Ang ilan pa sa maaaring ipakitang palatandaan ng palay na kinukulang sa potassium
ay ang pagiging bansot nito, mahinang lumaki. Mahina rin o kakaunti ang suwi. Kung mayroon nang bunga ay maninipis ang mga uhay. Kung uusisain naman ninyo ang mga ugat ay maliliit at nangingitim. Sa pangkalahatan, kung mahina ang
katawan ng palay, kakaunti ang suwi, payat ang mga uhay, mahina ang ibibigay na ani. Kaya dapat nating tiyakin na hindi kinukulang sa elementong “potassium” ang ating
mga tanim na palay. Mahalaga na ipasuri ang lupa upang matiyak kung may
pagkukulang sa mga sustansiya ang ating pagtatamnan ng palay. Maaari rin nating pag-aralan ang hindi magastos na paraan na kung tawagin ay “MOET - minus one element technology” na pinapalaganap ng PhilRice.
Paksa 20 : ZINC DEFICIENCY
Gaano kahalaga ang “zinc” sa ating halaman? Napakahalaga! Ang “zinc’ ay nagsisilbing “regulator” doon sa “cells” o sa loob na bahagi ng ating mga tanim na
palay. Ang ibig sabihin, kung kompleto sa “zinc” ay gumaganda ang “cell development” at lumalago ang ating mga halaman. Ito ay karaniwang nakaligtaan ng mga magsasaka na ang karaniwang
pinag-uukulan lamang ng pansin ay kung sapat sa NPK o “nitrogen, phosphorous at potassium”. Hindi natin alam na kahit kumpleto sa NPK, kung kulang pala sa “zinc”
ay hindi pa rin lulusog ang halaman at mahina pa rin ang ating ani. Ano ang mga panlabas na palatandaan na ipakikita ng tanim na palay na kulang sa
“zinc?” Nagiging kulay kalawang ang mga dahon ng palay at ayaw lumaki. Napakaliit ng palay. At pag nakita mo na “kawawa namang halamang ito.” Ang mga
dahon ay makikitid. Ang pagkukulay kalawang o “rustic brown color” ay nagsisimula sa itaas ng mga dahon.
16
Ano naman ang pwedeng magawa kung mapansin natin na nagkukulang sa “zinc”
ang halamang palay? Karaniwan ng nangyayari ang “zinc deficiency” sa mga palayan na hindi nawawalan ng tubig o patuloy na nakababad sa tubig ang palayan.
Nandoon sa lupa ang “zinc” pero hindi nagagamit ng halaman. Praktikal lamang na pag nakikita natin ang sintomas na ito ay pakawalan natin ang tubig para makahinga ang lupa at magkaroon ng hangin. Sa ganoon ay magiging
“available” o makukuha ng halaman ang elementong “zinc.” Kung kagaya naman sa
Banaue Rice Terraces na ayaw talaga nilang alisin yung tubig sa terraces dahil masisira at magbibitak daw yung kanilang terraces, maaari rin rin namang
maglagay ng “zinc sulfate” o kaya ay “zinc oxide.” Maganda ang “zinc oxide” kaya lang ay medyo mahal at mahirap hanapin ang pagbibilhan nito. Maglagay ng 10-15 kilos ng “zinc sulfate” o “zinc oxide” bawat ektarya. O kaya para
makamura, maglagay lamang ng kalahating kilong “zinc sulfate” sa punlaang para sa isang ektaryang tatamnan ng palay. Sapat na ang nasipsip ng halaman na “zinc”
mula sa punlaan para baunin pagkalipat tanim sa palayan. Para bang sa tao, may
bakuna nang baon para sa sakit.
Paksa 21 : MOET - MINUS ONE ELEMENT TECHNOLOGY
Narinig na ba ninyo ang tinatawag na “MOET o minus one element technology?” Ito
ay ang pagsubok upang malaman kung ano ang sustansiyang nagkukulang sa isang palayan. Ang ginagawa ay nagtatanim at pinalalaki ang palay sa ilang mga paso na
nilagyan ng iba’t ibang uri ng pataba. Ang lupang ginagamit sa paso ay dapat magmula sa bukid na sinusuri ang sustansiya. Sa MOET ay makikita sa loob ng 45 araw kung sa anong element nagkukulang ang
palay. Ang isang ‘kit’ o kumpletong gamit ay mayroong pitong maliliit na sisidlan o
“sachet” ng abono o pataba na naglalaman ng iba’t ibang uri ng abono. Ang isang “sachet” ay kumpleto sa pataba o balance. Samantalang ang bawat isa doon sa anim na “sachet” o sisidlan ay mayroong isang elementong kulang - “minus
nitrogen”, “minus phosphorous”, “minus potassium”, “minus sulfur”, “minus iron” at “minus zinc”. Maghanda ng 7 paso para pagpatubuan ng palay. Sa bawat isa sa mga paso na
iyan ay ilagay ang isang naiibang “sachet” na abono. Sa bawat paso na iyan ay
magpatubo ng palay. Pagkatapos ng isang buwan at kalahati ay makikita na yung mga palatandaan ng mga pagkukulang o kasapatan ng sustansiya. Kung sapat sa potassium, halimbawa,
ang palay na pinatubo sa paso na mayroong “minus K” o walang potassium ay
17
walang potassium ay walang makikitang palatandaan ng pagkulang. Malusog pa rin.
Kung may pagkukulang sa anumang element ay maihahambing sa palay na tumubo sa pasong kumpleto ang pataba.
Sa mga palatandaang ipakikita ng palay na inalagaan sa mga paso ibabatay kung
anong abono ang kulang at ang taya na gaano karami ang dapat na ilagay sa bukid.
Ang “MOET technology” ay pamamaraan din upang masanay ang mga magsasaka sa pagtingin sa halaman kung anong element ang nagkukulang.
Ang ‘MOET kit’ na naglalaman ng pitong ’sachet’ na ito ay mura lamang nabibili -
Php.170.00. Kasama na rito sa ’kit’ na ito ang mga alituntunin kung paano ito gamitin. Para sa iba pang mga kaalaman tungkol sa ’Minus One Element
Technology’ o sa paggamit ng ’MOET kit’, maaari kayong magtext sa Farmer’s Text
Center sa numerong 0920-911-1398.
Paksa 22 : PAGKALUGI SA DAMO
Bakit ba kailangang alisin ang mga damo sa ating palayan?
Ayon sa mga siyentista ng DA, maraming dahilan kung bakit kailangang sugpuin
ang damo. Unang-una, ang damo ay nakakapagpababa ng ating ani. Inaagaw ng damo ang mga sustansiya sa lupa na dapat na mapunta sa halamang palay.
Pangalawa, nakikipag-agawan din ang damo sa espasyo at sa sinag ng araw lalo na
kung mabilis na lumaki ang damo sa palayan. At isa pa, ang mga damo ay pwedeng
maging “alternate host” o tirahan ng mga insekto at sakit na naninira sa palay.
Maaaring sa unang pagkakita natin sa mga damo ay masasabi nating hindi naman magiging mahigpit na kaagaw ng palay sa mga pagkain sa lupa. Malalaman natin
ang masamang epekto kapag humina na ang ating ani. Ang mga damo ay malakas
sumipsip ng mga ‘nutrients’ o sustansiya sa lupa. Kung ang isang palayan ay hinayaan na napakarami ang damo dahil sa katamaran ng magsasaka, maaaring
umabot sa 90% ang mawawala sa aanihin. Yung dapat ay 100 kaban na sana ay aanihin, magiging 10 kaban na lamang. Ang tinatayang ‘range’ ng maaaring
mawawala sa magsasaka ay mula 40-96% ng inaasahang ani. Iyan ay kung hindi
gagawan ng paraan nang nagpapalayan para mapuksa ang damo sa kanyang bukirin.
Kaya ang bilin, huwag nating katatamaran na bunutin at sugpuin ang damo sa
palayan. Labanan ang perwisyo, sugpuin ang damo.
18
Paksa 23 : MGA PARAAN NG PAGSUGPO SA DAMO
Narinig na ba ninyo ang tinatawag na ‘integrated weed management?’
Ang ‘integrated weed management’ ay kinapapalooban ng mga pamamaraan o
‘practices’ na pwedeng gawin para ma-’manage’ natin yung damo. Hindi naman
kailangang lubos na malipol ang mga damo o talagang walang-walang damo sa ating palayan.
Merong mga samasamang paraan o ‘cultural management’ kung saan gagamitan
natin sila ng ‘farming practices’ tulad ng ‘land preparation’ o tamang paghahanda ng lupa at ng tamang pagpapatubig. Merong mga gawain bago pa man magtanim
ng palay tulad ng pagbubungkal ng lupa ng ilang beses bago tamnan. Meron
namang mga gawain kung nakatanim na sa bukid ang palay. Kung maliit lamang ang bukid, maaaring bunutin ang mga damo kung hindi naman marami. Meron
namang gumagamit ng ‘rotary weeder’, isang pamamaraang mekanikal.
Mahalaga na pantay ang ating bukid. Iwasan nating magkaroon ng mataas at
mababang parte ng palayan. Kasi kung may lugar na mataas, hindi siya maaabot ng tubig. Doon tutubo ang mga damo. Ang mga lugar na malalim ang tubig naman ay
titigilan ng tubig. Ang mga damo na sumisibol at nabubuhay sa matataas na tubig ay pwedeng tumubo.
Tungkol pa rin sa patubig, maaari nating makontrol ang mga damo sa pamamagitan
ng tubig. Meron kasing mga damo na kapag mataas na ang tubig ay hindi na
tumutubo. Meron din namang mga damo na kapag mababa ang tubig ay doon sila tumutubo. Maganda na malaman natin kung anu-ano ang mga damo na tumutubo
sa ating palayan. Sugpuin ang damo, sa palaya’y perwisyo!
Paksa 24 : KONTROL SA DAMO, PAG-AARARO
Alam ba ninyo na ang damo ay may panahon ding natutulog? Ang damo sa ating
palayan ay namiminsala na sa palay sa unang mga araw pa lamang ng paglaki ng palay sa bukid. Kaagaw na sila sa sustansiya, kaagaw sa espasyo at sa sinag ng
araw. Maaari din silang panirahan ng mga sakit at peste na kalaban ng palay.
Sa pamamaraang ‘direct seeding’ o sabog-tanim, ang mga unang 30 - 40 araw ay
kritikal. Bata pa ang palay ay kasama na nila ang damo sa bukid. Yon ang kaibahan ng lipat-tanim. Sa lipat-tanim, medyo malalakas na ang palay bago
makipagpaligsahan sa mga damo sa bukid. Sa alin mang paraan, sa lipat-tanim o sa sabog-tanim, mahalaga ang paghahanda ng lupa. Ang pag-aararo bago magtanim
ay mabisa upang mabawasan ang pinsalang dulot ng damo.
19
Karaniwan ng gawi ng mga magsasaka na inaararo at sinusuyod ng dalawa o
tatlong beses ang bukid bago tamnan. Sa unang pag-aararo ay pinalalabas at pinatutubo natin yung damo. Ang tawag natin dito ay ‘weed flushing.’ Yun namang
susunod na pag-aararo ay mapapatay sila kaya natatanggal na ang isang henerasyon ng damo sa palayan. Sa susunod na pagbubungkal, pagkalipas ng 2 linggo, ganun uli - pinapatay natin
ang mga tumubong damo. Kaya nakakabawas tayo ng damo dun sa ‘seed bank’ ng
damo o imbakan ng mga binhi ng damo na nasa lupa. Alam ba ninyo na ang buto ng damo ay nariyan na sa lupa kahit na umabot ng ilang panahon? Meron silang
‘dormancy period.’ Hindi muna sila tumutubo hanggang hindi maganda o ‘favorable’ ang kalagayan sa lupa.
Paksa 25 : IBA’T - IBANG DAMO SA PALAYAN
Alam ba ninyo na kahit halamang palay ay maaaring masabing damo? Sapagkat ang damo ay ang anumang halaman sa ating palayan na hindi kailangan. Kaya kahit
palay pa man, halimbawa ‘yong naiibang uri na sadyang itinanim ay itinuturing na damo at nararapat na bunutin. Meron ding tinatawag na ‘weedy rice’ o damong palay. Kakaiba siya dun sa ating
‘cultivated rice varieties.’ Ang ‘weed rice’ ay tinatawag din ng iba na ‘red rice’ kasi
kakaiba yung butil niya. Bagaman makikita natin na palay ang itsura, meron siyang katangian tulad ng malaking sungot. At ang kulay ng kanyang butil ay pula o kaya
ay itim. Karaniwan ay matangkad siya kaysa karaniwang palay at kakaunti lamang siya kung mamunga. Hindi ito dapat mahalo sa ating mga tanim na tunay na palay. Iba’t-iba ang uri ng damo na tumutubo sa ating palayan. Merong damong malapad
ang dahon at meron namang makitid ang dahon. Merong mga damo na uring
“grass”, merong “sedge” at merong mga ‘broad leave.’ Ang ‘grass’ ang halamang katulad ng palay. Ang totoo, ang halamang palay ay nabibilang sa ‘grass family.’ Ang ‘grass’ ay ang mga halaman na karaniwang
tumataas ng manipis. Ang ‘sedge’ naman ay yung may ‘triangle’ ang puno at ’triangle’ ang ’stem.’ Ang isang halimbawa ng ’sedge’ o tatsulok na katawan ay ang
’mutha’ o yung ’ragildil’ (ragiwdiw) na ginagamit sa paggawa ng mga bag o iba
pang mga ’handicraft items.’ Ang ’broad leaf’ ay yung mga malalapad ang dahon. Ang halimbawa naman ng ’broad leaf’ ay ang kangkong o kaya naman ay yong
malapako. Ano mang halaman sa ating palayan na hindi kabilang sa palay na ating itinanim ay dapat ituring na damo. Kailangan na ang damo ay alisin at sugpuin. Sila ay kaagaw
ng palay sa sustansiya sa lupa, sa liwanag at sa espasyo sa bukid. Ang damo ay
maaaring tirahan din ng mga kulisap at sakit ng palay. Damo ay alisin, ani ay
paramihin!
Paksa 26 : KEMIKAL NA PARAAN NANG PAGSUGPO SA MGA DAMO
Ang isa sa pinakasiguradong paraan ng pagsugpo ng palay ay ang “bunutin.” Ang
bunutin ay hindi kemikal. Ito ay ang paraan ng pagbunot sa damo gamit ang kamay. Kung sadyang maraming damo ay maaari nating gamitin ang ‘hand weeder’
o kaya ay ang ‘rotary weeder.’ Kung sadyang kailangan ay meron din namang mga ‘herbicides’ na magagamit. Ang pamamaraang kemikal ay kasali doon sa ating tinatawag na ‘integrated weed
management.’ Kabilang din sa ‘integrated weed management’ ang angkop na paghahanda ng lupa at ang tamang pagpapatubig. Kung kayo ay gagamit ng kemikal merong ilang paala-ala ang mga eksperto. Una
ang kemikal ay lason. Dapat ay alam nyo ang paggamit at paano, kailan, gaano
karami ang paglalagay ng herbisidyo. Dapat ay alam din ninyo ang papataying damo na kung saan angkop ang gagamiting herbisidyo. Kung sabagay, ang mga herbisidyo ay dumaan sa mga pagsusuri o ‘research’ bago
pahintulutang gamitin. Nalalaman po ng mga tagasuri ng Fertilizer and Pesticide Authority kung ano ang ‘legal doses’ o gaano ba karami ang kaya niyang patayin na
damo at iba pang mga nasa palayan. Ang paggamit ng herbisidyo ay depende sa gusto niyong gawin sa ating palayan.
Meron kasing herbisidyo na kayang patayin lahat ng halaman na nasa bukid. Meron din namang herbisidyo na ’selective’ - ang kaya lamang patayin ay yung mga damo. Ang ‘herbicides’ ay kalimitang inilalagay bago tumubo ang damo. Ang mahalaga ay
susundin ninyo ang mga panuntunan na nakalagay sa label ng gamot o sa etiketa. Sa etiketa ay malalaman ninyo kung gaano karami ang kemikal na dapat gamitin,
paano ihahalo at paano ang paglalagay. Uulitin ko, ang herbisidyo ay lason at hindi ito dapat malagay sa maseselang bahagi
ng ating katawan. Hindi dapat masama sa sa pagkain. Ingat lamang po. Damo ay sugpuin, ani ng palay ay paramihin!
Paksa 27 : RESISTENSIYA NG DAMO SA KEMIKAL
Alam ba ninyo na maging ang mga damo ay nagkakaroon din ng ‘resistance’ sa
herbisidyo o sa kemikal? Ang ibig sabihin nito, kung ang isang uri ng pamatay ng damo o herbicide ay ginagamit ng paulit-ulit ng ilang taon na, umaabot sa
pagkakataon na hindi na nakakapatay ito ng damo sa palayan.
20
21
Kaya nga minsan sabi ng magsasaka, “gumagamit naman ako ng herbisidyo, dati ko
nang ginagamit noon pa. Pero bakit ngayon ay hindi na mapatay ang damo?” Kaya po minsan ay mayroong mga magsasaka na gumagamit ng mas mataas na dosage -
tinatapangan ang herbisidyo na ginagamit at ito ay hindi dapat.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng ‘herbicide resistance’ ng damo sa ating
palayan, gumamit ng iba’t-ibang ‘brand’ o uri at iba’t-ibang komposisyon ng ‘herbicide.’
Kaya maganda po na sa pagbili natin ng mga pamatay damong kemikal, usisain
nating mabuti ang label. Alamin natin kung ano yung mga ‘active ingredients’ na siyang pumapatay sa damo. At iwasan natin na gumamit ng iisang uri ng herisidyo
sa ating palayan nang tuloy-tuloy kada taon.
Sayang naman kung hindi tumatalab ang ating binibiling pamatay damo. Alam ba
ninyo na ang isang litro ng kemikal ay nagkakahalaga ng mula sa 500 piso hanggang sa 1,000 piso? Ang isang litro ng kemikal na pamatay damo ay
karaniwang sapat na para sa isang ektarya.
Uulitin ko, marami tayong paraan na maaaring gamitin sa ilalim ng tinatawag na
‘integrated weed management.’ Ilan sa ating nabanggit ay ang pagbubungkal ng lupa bago magtanim, pagpapalubog sa tubig sakahan, ang pagbubunot ng damo o
paggamas, ang paggamit ng ‘rotary weeder’, paggamit ng ‘hand weeder’ at ang paggamit ng mga herbisidyo.
Ang bawat isa sa mga ito ay may kaniya-kaniyang kaangkupan. Ang mahalaga, alamin natin na ang damo sa palayan ay kaagaw ng mga tanim na palay sa
sustansiya. Ang mga damo kung hahayaan ay maaaring makapagpababa sa ating ani ng hanggang sa 90%. Kaya, damo ay sugpuin, ani ng palay ay paramihin.
Paksa 28 : BAKIT KAILANGAN ANG TUBIG?
Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng halaman. Ang tubig ang naghahatid ng mga pagkain mula sa ugat sa lupa patungo sa iba’t-ibang bahagi ng halaman.
Maging ang mga pagkaing naluto sa dahon sa pamamagitan ng photosynthesis ay
inihahatid din sa ibang bahagi ng halaman sa pamamagitan ng tubig.
Ang tubig ay nagsisilbi ring ‘heat regulator’ para hindi masyadong mag-init ang halaman. Ang tubig ang nagbibigay ng porma o nagpapatigas sa katawan ng
halaman kaya siya nakakatayo. Yan ang kahalagahan ng tubig sa halaman. At ang tubig ang pinakasandigan ng mga proseso ng paglusog ng lahat ng mga nabubuhay
sa mundo.
22
Kung ang halamang palay ay kulang sa tubig, ang dahon nito ay nalulukot o
nabibilog lalo na sa katanghaliang tapat. Kapag ang palay ay nakakaramdam ng kakulangan sa suplay ng tubig, kalahati ng ‘surface’ o gilid ng dahon ay itinatago
niya kaya nakabilot at yung kalahati lang ang nailalantad. Kaya masasabing may utak rin ang palay, hindi ba?! Kapag maaga pa lamang, halimbawa’y mga alas-nuebe ay mapapansin ninyo na
nakalukot na ang dahon ng palay, masidhi na ang pagkukulang sa tubig. At kapag
umagang-umaga pa lang ay nalukot na o nabibilot na, mamamatay na ito kinabukasan. Hindi na mabubuhay pang muli ang palay. Ang isa pang palatandaan ay ang mabagal na paglaki ng halaman. Dahil nga sa
kakulangan ng tubig na nagamit sa proseso sa katawan - sa pagahahatid ng mga pagkain, nababansot ang palay. Maliban sa palatandaan ng halaman na nangangailangan ng tubig, mapapansin
natin na ang lupa ay nagkakaroon ng pagbibitak. Kaya pwede nating tignan sa lupa.
Kung kulang sa tubig, mapapansin din na hindi na gasinong nagsusuwi ang palay. Tandaan natin, ang palay ma’y nauuhaw, kapag hindi napatubigan, malalanta’t
mamamatay. May ani pa bang aasahan?
Paksa 29 : PAMAMAHALA SA PATUBIG (1)
Mahalaga sa pagpapalayan na ang tubig ay nasa pinitak sa panahon na kailangan ng mga tanim. Iyan ang layunin ng tamang pamamahala ng tubig sa ating palayan. Bagaman sinasabi nga na ang palay ay ‘water-loving plant’ o ‘aquatic plant’, may mga panahon din na dapat makahinga ang lupa upang maging maganda ang
kanyang paglago. Halimbawa upang mapalawig ang kakayahan na makapagsuwi ang palay, dapat na mapatuyuan ng tubig ng 3 araw bago sumapit ang ‘maximum
tillering stage.’ Ang pag-aalis ng tubig sa pinitak ay para magkaroon ng ‘oxygenation’ o para makahinga ang mga puno ng palay. Ang ikalawang panahon na kailangan ng palay ng ‘oxygenation’ o makahinga ang
mga puno ay bago siya mamulaklak. Pagkatapos naman ay dapat na may tubig uli
pag nag-umpisa nang mamulaklak at mabuo ang mga butil. Iba’t-ibang uri ng palay ay may kaniya-kaniyang edad ng pamumulaklak at maging ang pagsapit ng pagsusuwi. Kaya dapat alam ng magsasaka kung malapit ng
magsuwi at mamulaklak ang kaniyang tanim. Binibilang dapat ang araw mula sa pagkatanim. Gaano naman kataas ang lebel ng tubig sa ating pinitak? Alam ba ninyo na ang taas
ng tubig na kailangan ng palay ay mula lamang sa 7-11 ml. kada araw o kulang
23
1cm. isang araw? Ito ay ayon sa ating mga eksperto sa PhilRice. Kung tag-araw ay
hanggang 13 ml. kada araw. Kaya pala hindi kailangan ang 5 cm. o 2 inches. Ang kailangan lamang ay manipis na pagkabasa ng mga puno ng palay.
Kaya kung ang pagpapadaloy ng tubig sa pinitak, ‘rotational’ o hindi tuloy-tuloy,
kapag nagpatubig ka sa unang araw at nalagyan mo siya ng 5-7 cm., ang susunod
mo nang pagpapatubig ay sa ika-pitong araw na uli. Sayang lang ang tubig kung mataas lagi ang lebel sa pinitak.
Paksa 30 : PAMAMAHALA SA PATUBIG (2)
Alam ba ninyo na kung mataas ang lebel ng tubig sa pinitak ay mas marami ang
nasasayang na tubig? Ito ay dahil ang bigat ng tubig ay siyang nagtutulak upang
ang ibang tubig ay tumagas pailalim.
Sa ayaw at sa gusto natin, talagang may ‘percolation’ na nagaganap. Sadyang bumababa ang ibang tubig patungo sa ating ‘water table.’ Pero habang bumibigat
ang tubig sa ibabaw, mas nagiging mabilis ang ‘percolation.’ Kaya mas makabubuti
na manipis lamang ang ating pinanatiling tubig sa pinitak. Dito nakakatulong ang tamang paglelebel o pagpapantay ng lupa habang inihahanda.
Ayon sa PhilRice, meron silang ginagawang pag-aaral tungkol sa ‘intermittent
system’ ng ‘irrigation’ sa layuning makatipid sa patubig. Inihahambing nila ang reaksiyon ng iba’t-ibang uri ng palay sa sistema ng patuloy na may patubig sa
pinitak at sa sistema naman na salit-salit ang patubig at pagpapatuyo sa pinitak.
Ang tawag nila dito ay ‘alternate wetting and drying’ o ‘controlled irrigation.’
Ito ay mahalaga para sa ating mga ‘communal system’ na may pagkakataon na kulang sa tubig. Ang nangyayari kasi yung mga nasa dulo hindi makapagtanim ng
sabay sa iba dahil walang patubig. Yon namang nakakarating sa dulo, at minsan
kapag nahuli sa taniman, sa kanila napupunta ang sakit. Kaya nagkakaroon ng samaan ng loob.
Ito ay isa rin sa mga dahilan kung bakit pinag-aaralan itong ‘controlled irrigation’ o
ang ‘alternative wetting and drying.’ Ipinakikita sa mga magsasaka na kaunti
lamang pala ang kailangang tubig sa pinitak. Makakapag-ani pa rin ang magsasaka kahit mababaw ang tubig at kapag ginagamitan ng ‘intermittent system’ ng
‘irrigation.’ At ito ay para na rin mas maraming magsasaka ang makagamit ng patubig.
Kaya maaari nating masabi na ang tamang paraan ng pagpapatubig ay
makakatulong sa pagpapaganda ng samahan.
24
Paksa 31 : PAMAMAHALA SA PATUBIG (3)
Alam ba ninyo na umaabot sa isang malaking ‘drum’ ng tubig o ‘one cubic meter’
ang nagagamit na tubig para makapag-’produce’ ng isang kilo ng palay? Iyan ay kung ‘efficient’ o masinop sa paggamit ng patubig. Samantalang kung hindi
maingat, maaaring umabot ng hanggang 2 - 3 ‘drum’ ng tubig. Marami ang
nasasayang di ba? Kaya kung 5 toneladang palay ang inyong ipo-’produce’, napakaraming tubig ang kailangang padaluyin sa palayan, hindi ba? Kaya maraming mga pamamaraan ang pinag-aaralan ngayon upang makatipid sa
patubig. Isa na rito ay ang paggamit ng ‘sprinkler’ o pandilig sa mga pananim. May mga pag-aaral na ginagawa ang National Irrigation Administration sa paggamit ng tinatawag na ‘aerobic rice’ - ang palay na hindi nangangailangan ng laging lubog
sa tubig. Ito ay inihahalintulad sa pagpapatubig sa maisan, dinadala ng direkta ang tubig sa
mga ugat ng halaman. Sabagay, may mga nakita pa ring mga problema sa sistemang ito dahil bumababa ang ani. Ang isa ay ang pagkakaroon ng pesteng naninira na nasa loob ng lupa. Sa
ngayon ay pinag-aaralan pa rin kung aling mga uri ng palay ang nababagay sa ganitong sistema ng pagpapatubig. Ang isang pag-aaral naman ay ang paggawa ng aripit o pansamantalang kanal
imbakan ng tubig sa maliit na bahagi ng palayan. Ito ay may sukat na
‘20 cm. x 500 m.’ Ang ganitong sukat ay angkop na para sa isang ektarya ng palayan. Sinasabi ng mga espesyalista natin na hindi nababawasan ang ani at mas
nakakatipid sa ginagamit na tubig. Sa ganito ay nababawasan ang tinatawag na ‘percolation’ o pagbababa ng tubig pailalim sa ‘water table.’ Tandaan natin, ang tubig na ating natitipid sa pagpapalayan, ating mga kasama at
kababayan ang nakikinabang.
Paksa 32 : CONTROLLED IRRIGATION
Narinig na ba ninyo ang tinatawag na ‘intermittent irrigation?’ Ito ay tinatawag din
na ‘alternative drying and wetting’ o yung salitan na pagpapatubig at pag-aalis ng tubig sa bukid. Ito ang tinatawag na ‘controlled irrigation technology.’
25
Ang ‘controlled irrigation technology’ ay ginagamit sa simula pa lamang nang
paghahanda ng lupa. Sinasabing umaabot ng 30% sa kabuuang tubig na kailangan ng palay ay nagagamit sa ‘land preparation’ pa lamang lalo na sa tubigang palay. Kaya sa paghahanda pa lamang ng lupa, ipinapayo na magtipid ng tubig. Halimbawa, unang-una, titiyakin natin na ang lahat ng pilapil sa pinitak ay sarado
bago papasukin ang tubig. Sa panahon ng tag-ulan, mas maganda na pamalagiin natin yung labasan ng tubig sa pinitak na sarado para hindi na lalabas yung tubig sa
loob ng pinitak natin. Pangalawa, kapag nagpatubig, huwag na nating patagalin. Araruhin na kaagad.
Hindi kailangang ibabad ang pinitak ng 2 - 3 araw pa bago mag-araro. Ang ibig sabihin nito, kapag nagpatubig tayo ngayon, kinabukasan, araruhin na kaagad.
Basta may baha sa ibabaw, ang lupa ay lumalambot na kaagad. Pangatlo, pantaying mabuti ang pinitak. Kapag sinabi nating magpatubig tayo halimbawa ng dalawang pulgada ang lalim, madaling i-manage kapag pantay ang
lupa sa pinitak. Kung hindi pantay ang pinitak, mas maraming tubig ang kailangan
para mabaha ang lahat ng bahagi. Nagiging magastos sa patubig. Iyan ang ilang ‘tips’ sa pagtitipid ng tubig bago pa lamang magtanim ng palay. Saraduhan ang mga labasan ng tubig, pantayin ang pinitak at araruhin kaagad ang
pinatubigang pinitak. Kung sa tubig ay nagtitipid, may natutulungang kasama sa karatig.
Paksa 33 : OBSERVATION WELL, PANSUKAT NG LALIM NG TUBIG
Ang mga eksperto ay nagkakaisa ng mungkahi na hindi kailangang laging baha ang
ibabaw ng pinitak. Bagaman may mungkahing hindi sosobra sa 5 cm. ang lalim ng tubig sa pinitak, meron din namang panahon na dapat ay alisan ng tubig ang ating
pinitak. Ito ang tinatawag na ‘alternate drying and wetting’ sa pinitak. Paano malalaman na kailangan ng padaluyan ng tubig ang pinitak matapos itong paigahan? Ang magkakasamang mananaliksik ng IRRI, NIA at PhilRice ay nakatuklas ng isang simpleng instrumento na pansukat ng tubig sa pinitak upang tiyakin kung kailan
kailangan na magpatubig sa palayan. Sa pamamagitan ng tinatawag nilang ‘observation well’, masasabi kung gaano kalalim ang tubig sa bukid. Ang ‘observation well’ ay isang tubo na may butas-butas
sa gilid na ibinabaon na may lalim na 15 cm. mula sa ibabaw ng lupa. Ang tubong
ito ay yari sa ‘PVC pipe’ o kaya naman ay biyas ng kawayan na walang buko at
maraming butas sa gilid. Ang haba ay ‘20 - 25 cm.’ Yung mga butas sa kawayan o tubo ay sinlaki lamang ng lapis. Ang butas ay halos palibot ng tubo para pumasok
ang tubig sa kahit saang level.
Kung may patubig tayo, ang tubig ay dahan-dahang nawawala - sinisipsip ng lupa,
tumatagas at tumatakas sa hangin. Kaya nauubos ang tubig habang lumilipas ang araw at oras. Ang lebel ay bumababa sa ilalim ng lupa. Kung wala na sa ibabaw ng
lupa ang tubig, masisilip natin sa ‘observation well’ o tubong inilubog sa pinitak na may lalim na 15 cm. kung gaano kalalim ang natitirang tubig na inaabot ng mga
ugat.
Uulitin ko, hindi kailangang lagi nang nakababad sa tubig ang pinitak. Maaaring
hintayin na bumaba sa lebel na mababa kaysa lebel ng lupa. Kaya lang ay hindi dapat nauubos ang tubig na magagamit ng ugat ng halaman.
Paksa 34 : PAGTITIPID SA TUBIG PALAYAN
Alam ba ninyo na sa tamang pamamaraan ay makakatipid kayo ng hanggang 30% sa patubig? At kung nagbobomba kayo ng tubig patungo sa pinitak, ang ibig sabihin
ay makakatipid kayo ng 30% sa ‘fuel cost.’ Malaking bagay yan. Mahal ang krudo at naiiwasan ang dagdag na pagod.
Isa pang bagay, kapag ‘matured’ na yung palay o dalawang linggo bago mag-ani,
yan ang panahong itinatalaga nating huling pagpapatubig. Ito ay para maging mas
matatag ang lupa, para mas madaling anihin at maging pantay-pantay ang pagkahinog ng palay.
Ang magsasakang nagtitipid ng tubig ay nakakatulong sa kanyang mga kapwa
magsasaka na nasa dulo ng irigasyon.
Bukod pa rito, nakakatulong din siya sa kapaligiran dahil nakakatipid tayo sa
ginagamit na krudo o gasolina.
Siyanga pala, alam ba ninyo na ang bigat ng tubig ay may kinalaman sa bilis ng
pagtagas ng tubig pailalim sa lupa o sa tinatawag na ‘percolation’? Habang malalim ang tubig, mas mabigat ang pwersa para itulak ang tubig pailalim upang mapunta
sa ‘water table.’
Sa pamamagitan ng ‘controlled irrigation technology’ na kung saan mababaw lamang ang tubig at pinaiiga ang pinitak, nababawasan ang pagpasok ng tubig sa
ilalim ng lupa.
26
Ang bigat ng tubig na isang kilo kada isang litro ang siyang magbabaon sa tubig na
nasa lupa na para pumailalim pa.
Kaya meron po kaming rekomendasyon na huwag magpapatubig ng sobra sa 5 cm. lalim. At yon na nga kung gumagamit tayo ng ‘controlled irrigation’ may mga araw
na wala ng tubig sa ibabaw. Ang ibig sabihin ay walang ‘pressure’ o bigat na
magtutulak sa tubig na pumailalim o kaya ay para lumusot sa pilapil na kung tawagin ay ‘seepage.’
Magtipid sa tubig, para makatipid sa gastos, makatulong sa ating mga kasamang
magsasaka at makatulong sa ating kapaligiran.
Paksa 35 : ANG BUHAY NG DAGA
Ang dagang mapanira, kung hayaan mong dumagsa, ani mo ay mawawala.
Suriin natin ang buhay ng daga para makagawa tayo ng mga mabibisang mga
pamamaraan kung paano sila masusugpo. Ang mga daga ay karaniwang tumitira o
naglulungga sa madadamo at masusukal na lugar, malalapad na pilapil, sa mga bahay na malapit sa bukid o kaya ay mga ‘fishpond’ na kung saan meron silang
mapagkukuhanan ng tubig at makakain.
Alam ba ninyo na ang isang mag-asawang daga at kanilang mga supling ay maaaring dumami sa loob ng isang taon hanggang sa sila ay maging 500 daga na?
At kung bibilangin ang iaanak ng kanilang anak sa loob ng isang taon ay
napakaraming daga ang ating magiging kaaway sa bukid sa paglipas ng panahon.
Karamihan sa mga daga ay nag-uumpisang magbuntis sa pagsusuwi ng palay at itina-tayming nila ang panganganak kapag may makakain na sa bukid at ito ay
tuwing pamumulaklak na o anihan. Kaya sa panahon na yon, marami tayong
nakikitang maliliit na mga daga sa bukid.
Ang daga ay nanganganak na matapos ang 21 araw ng pagbubuntis. At habang nagpapasuso ang daga ay maaari na uli siyang magbuntis. Ang isang inahing daga
ay maaaring manganak ng 8 - 12 supling.
Kahit mababa ang bilang ng mga daga sa bukid ay malaking ‘area’ o luwang ang
napipinsala kasi malawak ang naiikutan at pinaninirahan ng mga daga. Kaya hangga’t maaari, dapat tayong gumawa ng paraan upang masugpo kaagad para
hindi dumami ang mga daga sa bukid.
27
Paksa 36 : PAGSUGPO SA DAGA (1) Ang paninira ng daga ay sadyang napakalaking disgrasya sa ating mga palayan
magmula sa pagpupunla, pagtatanim at pag-iimbak ng palay. Sa punlaan pa lamang ay problema na ang daga. Merong mga magsasaka na nakatatlong beses na
magpunla dahil ito ay kinakain ng mga daga. Kung nakatanim na sa bukid, kinakain pa rin ng mga daga ang palay lalo na doon sa kanyang ‘tillering stage’ o pagsusuwi ng palay. Maging ang mga palay na aanihin
at ang naaning palay ay dapat pa rin nating alagaan kontra sa daga. Bagamat may mga lason na magagamit laban sa daga, ang lason ay mapanganib sa
tao at ibang mga hayop. Ito ay nakakasira rin sa ating kapaligiran. Kadalasan ay hindi rin ito nailalagay ng wasto. Ang mga taga-PhilRice ay higit na pinalalawig ang
pamamaraang pisikal sa pagsugpo sa daga - paghuli at pagsira sa mga lungga ng daga at paggamit ng ‘flame thrower’ o apoy upang mapalabas ang mga daga na
nagtatago sa lungga. Makabubuti rin na sirain ang mga pinagtataguang lungga ng
mga daga kagaya ng mga bunton ng mga kahoy at bunton ng mga damo. Magiging mabisa ang pagsugpo sa daga kung sama-sama o nagkakaisa ang mga magkakaratig bukid, hindi kanya-kanya. Dapat sabay-sabay, sama-sama. Sa India, kusa silang nagpaparami ng mga kuwago at nagtatayo talaga sila ng
bahay ng kuwago para mapuksa ang mga daga. Kaya lang dito sa atin merong ‘notion’ o paniniwala na kapag may kuwago, may multo. Kaya kapag nakita ang
kuwago pinapatay nila. Hindi alam ng marami sa atin na ang kuwago pala ay
katulong ng mga magsasaka. Ganoon din ang ahas - pinapatay ang ahas dahil marami ang takot sa kagat ng ahas. Hindi natin alam na ang ahas ay nanghuhuli ng daga. Hindi rin natin alam ang
mga ahas na walang kamandag at ang mga ahas na nanunuklaw.
Paksa 37 : PAGSUGPO SA DAGA (2)
Alam ba ninyong mayroong likas na talino ang mga daga na inaalagaan nila ang kanilang mga kasama? Halimbawa, kung makakain ng lason ang isang daga, ito ay
kanyang nasasabi sa kanyang mga kasamahan upang hindi sila kumain ng lason na
iyon. Meron silang inilalabas na kemikal upang bigyang babala ang mga kasamahan kung sila ay nalason na. Muli ay tignan natin ang iba’t-ibang mga paraan ng mga magsasaka upang labanan
ang talino ng daga. Ang unang paraan na iminumungkahi ng mga taga PhilRice ay ang sama-samang pagpunta sa bukid bago pa man magpunla ng palay upang
hulihin at patayin ang mga daga. Dapat ay nagkakaisa ang magkakaratig. Kung
28
29
isang magsasaka lamang ang gagawa ng pagpuksa sa daga, balewala iyon. Kakalat
at babalik pa rin sa kanyang bukid ang mga daga na pansamantalang lumipat. May mga pinunong bayan naman na upang mahimok ang mga kababayan na manghuli ng daga ay binabayaran ng pera ang bawat buntot ng daga na isinubmit
sa munisipyo. Sa ibang lugar naman, mayroon silang ‘beauty contest’ o paligsahang pangkagandahan na ang mga botong tinatanggap ay buntot ng daga. Ang
pinakamaraming buntot na matipon ang siyang tinatanghal na reyna. Ang problema
lamang ay kapag wala nang paligsahan ay tumitigil na rin ang mga magsasaka sa panghuhuli ng daga. Ang isang pamamaraan pa ay ang paggawa ng ‘trap’ o panghuli at patibong.
Halimbawa nito ay ang tinatawag na ‘TBS o Trap Barrier System.’ Itong TBS na ito ay itinatayo isang buwan bago magpunla sa bukid. Ang ipinupunla muna ay yong
palay na mabango na itinatanim ng maaga. Binabakuran ito at nilalagyan ng mga
patibong. Ito ay nakakabawas sa dami o populasyon ng mga daga sa bukid na tinamnan ng palay.
Paksa 38 : TBS O TRAP BARRIER SYSTEM
Narinig na ba ninyo ang TBS o “Trap Barrier System” sa paghuli sa daga? Ang TBS ay isang paraan ng panghuhuli ng daga kung saan nagtatanim tayo ng
mababangong palay na binabakuran natin ng ‘plastic.’ Ang mga mababangong
halamang palay na ito ang siyang nakakaakit sa mga daga upang pumasok sa bakod na ‘plastic’ o tolda na may taas na kulang-kulang isang metro. Ito ay ang
75 cm. hanggang isang metro magmula sa tubig. Nakalubog ang laylayan o ibabang bahagi sa putik para hindi pasukin ng daga. May tubig din siya na paikot para
madulas at hindi aakyatin ng daga.
Ngayon sa mga bakod na to naglalagay tayo ng mga traps na parang bubo na pag
nakapasok ang daga eh hindi na siya makakalabas. Itatayo ito isang buwan bago magkaroon ng tanim na palay o sa panahon pa lamang ng paghahanda ng bukid.
Sa ‘trap barrier system’ ang ginagamit na pang-akit ay ang mga mababangong
halamang palay.
May nakaumang na mga ‘trap’ o panghuli. Hindi basta mapupuntahan ng daga yong palay. Nakabantay na ang bubo na kapag pumasok duon hindi na niya
mapupuntahan yung palay.
May mga pagkakataon na sa loob ng isang gabi ay nakakahuli na ng 20 - 30 daga.
Paksa 39 : PANINIRA NG KUHOL SA PALAYAN
Ang kuhol ang hayop na dinala sa Pilipinas na hindi inaasahang magiging peste.
Noon ang kuhol ay pinararami para maging pagkain ng tao. Ngayon ay siyang kumakain sa kakainin ng tao.
Ang kuhol ay naninira sa halos lahat ng lugar sa Pilipinas na nagpapalayan, lalo na kung saan may patubig. Kahit sa mga bulubunduking lugar na tulad sa Ifugao rice
terraces, nagiging problema ang kuhol sa mga palayan. Hindi problema ang kuhol sa mga lugar na walang patubig.
Kaya naman, ang isang paraan ng pagsugpo sa kuhol ay maaaring iugnay sa
pagkontrol sa tubig sa palayan.
Ang kuhol ay karaniwang naninira sa mga batang palay hanggang sa edad na
2 - 3 linggo matapos na maitanim sa bukid. Makaraan ang 3 linggo sa bukid, ang dahon at katawan ng palay ay matigas na. Hindi na maaaring sirain ng kuhol.
Ang pinakamaselang alagaan ay ang sabog-tanim o ‘direct seeded rice.’ Sa sabog- tanim, maging ang mga maliliit pang kuhol ay maaaring makapanginain sa
maliliit na halaman. Sa sabog-tanim, mahabang panahon na nakalantad ang mga batang halaman sa paninira ng kuhol.
Ang mga kuhol ay kumakain ng mga dahon ng palay. Matitigas ang kanilang mga
ngipin lalo na ang mga malalaking kuhol. Bukod sa kinakain, mas marami ang
napuputol nilang mga dahon ng palay.
Kaya sa mga lugar na malubha ang paninira, marami tayong mapapansin na mga nagkalat ng mga putol na dahon ng palay.
Bukod sa palay, ang mga kuhol ay naninira rin ng iba pang halaman lalo na ang mga mabeberde ang kulay na halaman na matubig kagaya ng gabi.
Paksa 40 : PAGSUGPO SA KUHOL
Madali ang pagsugpo sa kuhol kung kayo ay mapamaraan at kung alam niyo ang ugali ng kuhol. Tatlong bagay lamang ang dapat pamahalaan. Una, sa paghahanda
ng lupa dapat ay patag na patag ang lupa. Pangalawa, dapat malulusog ang mga punla. At pangatlo, kailangan ang tamang pagpapatubig. Isa-isahin natin.
Tungkol sa pagpapatag ng lupa, masasabi nating patag ang lupa kapag ito ay
pinatubigan at ang lalim ng tubig ay pare-pareho saan mang panig. Ang paninira ng
30
kuhol ay doon lamang sa mga malalim na lugar. Kung hindi pantay at ating iniga
ang tubig, may matitira pang mga lugar na mayroong tubig kung saan titira at maninira ang mga kuhol at kahit mga maliliit na kuhol ay mabubuhay at maninira.
Sa pinitak na walang tubig, ang mga kuhol ay lulubog sa putik o lupa at ito ay hindi
maninira. Kung alisin natin ang tubig, hindi sila makakaalis sa kinalalagyan sa ilalim
ng lupa. Kapag mayroon din lamang tubig na kalahati ang taas sa kuhol, hindi sila masyadong makagalaw at hindi nila makagat ang malambot na parte ng punla.
Kaya kailangan ang pagpantay ng lupa at tamang pamamahala sa patubig. Sa
dalawa o tatlong linggo matapos maitanim ang palay, dapat ay mababaw lamang ang tubig, mga isa o dalawa lamang sentimetro ang lalim. Sa ganito nababawasan
ang galaw ng mga kuhol. Hindi sila makakapanira sa batang punlang palay.
Tungkol naman sa malulusog na punla, tingnan natin ang mga nagpapalayan sa
Japan. Nakokontrol nila ang mga kuhol kahit hindi gumagamit ng pestisidyo o ‘mulluscides’ o lason sa kuhol. Una, kung ang mga palay ay pinatubo sa kamang
punlaan, hindi kailangang bahain ang punlaan sa tuwina. Ang mga matitigas na
punla ay yong medyo maputla na ang pagkaberde at kung ililipat na pagkaraan ng 3 linggo sa punlaan ay mayroon ng 3 dahon. Hindi na gusto ng mga kuhol ang
matigas na palay.
Iyan ang tatlong mahahalagang bagay na panlaban sa kuhol - pagpapatag ng lupa, pamamahala sa patubig at malulusog na punla.
Paksa 41 : GOLDEN APPLE SNAIL O KUHOL
Bakit ba ang kuhol ay tinatawag sa Ingles na ‘Golden Apple Snail?’ Ayon kay Dr. Rabi Joshi ng PhilRice, ang kuhol ay tinatawag na golden apple snail dahil ang
laki nito ay umaabot sa laki na gaya ng bunga ng mansanas o apple.
At kapag malaki ang kuhol, malaki rin ang laman. Kaya sa ibang mga bansa ay
maraming tao ang kumakain ng kuhol. Sa Korea halimbawa ay mayroong isang kainan na tinatawag na ‘Snail Restaurant.’ Ang isang kilo ng kuhol sa Korea ay
nagkakahalaga ng isang daang dolyar, katumbas ng mahigit na 4,000 pesos! Dito
man sa atin ay may mga restaurant na isinasama ang kuhol sa kanilang mga lutuin lalo na sa mga ‘exotic’ o espesyal na mga kainan.
Kaya sa Korea at maging sa Japan, hindi nila pinapatay ang kuhol sa palayan, sa
katunayan pa nga, ginagamit nila ang kuhol para puksain ang mga damo sa kanilang palayan.
31
Ayon kay Dr. Joshi, may mga magsasaka na ayaw kumain ng kuhol dahil minsan ay
napapansin na kapag daw ang kalabaw ng mga magbubukid ay nakakain ng kuhol, nagkakaroon ng mga ’deformities’ o problema sa hitsura ang kalabaw, lalo na dun
sa mga palayan na kung saan marami ang inilagay na mga lason o kemikal. May mga pagkakataon pa na namamatay ang kalabaw. Samantala, mayroon namang isang tanyag na ‘organic farmer’ sa Mindanao na hindi
pinapatay ang kanyang mga kuhol. Ang kuhol ay ginagamit niyang pampatay ng
mga damo sa palayan tulad ng mga ginagawa ng mga hapon at mga Koreano. Sila ay kumakain din ng kuhol dahil hindi naman ginamitan ng kemikal ang kanilang
palayan. Kaya bagaman ang kuhol ay itinuturing na problema sa ibang mga sakahan, ang kuhol ay maaaring tingnan bilang masarap at masustansiyang pagkain ng tao.
Paksa 42 : IBANG PARAAN SA PAGKONTROL NG KUHOL
Hindi lason ang kailangan sa kuhol kundi pang-akit o ‘attractant.’ Hindi dapat gamitan ng ‘mulloscide’ o kemikal na pangkontrol. Ano ang dapat gamitin?
‘Puloticide’ --- pinupulot at iniluluto ang kuhol. Ayon kay Dr. Joshi, ang kuhol ay maraming gamit, hindi lamang bilang pagkain ng tao. Maaari din itong ihalo sa pagkain ng mga hayop at mga isda. Ang laman ng
kuhol ay mapagkukunan ng protina. Ang shell o balat naman ng kuhol ay mapagkukunan ng calcium. Mayroong mga lugar sa Pilipinas na ginagamit ang kuhol para patuka sa mga itik. Ang mga itik mismo kung pakakawalan sa bukid ay sadyang naghahanap at
namumulot ng kuhol. Maaari ring ihalo sa kanilang patuka ang dinurog na kuhol kasama na ang laman at balat. Sa mga palaisdaan, ang dinurog na kuhol ay ibinibigay din bilang pakain sa mga
alagang sugpo. Maipapakain ang kuhol kung patutuyuin at isasama sa komersyal na patuka. Maaari ring hindi na patuyuin ang mga sariwa o bagong pulot na kuhol.
Durugin na lamang ito at ikalat sa palaisdaan. Kaya ngayon ang isang bagay na pinag-aaralan ng mga siyentista natin ay kung
paano maaakit ang mga kuhol sa isang lugar. Pinag-aaralan nila ang mga ‘attractants’ o pang-akit na pagkain upang matipon at maani ang kuhol ng
maramihan. Isa pa, alam ba ninyo na ang mga kuhol ay may sariling ‘population control’ o pagpipigil sa labis na pagdami? Ayon sa mga dalubhasa, ang ‘sexual activity’ o ang
pangangasawa ng mga kuhol ay bumabagal kung marami na sila.
32
Sa kabilang dako, kung kakaunti naman ay saka sadyang mapapansin ang mabilis
na paglaki ng kanilang populasyon. Tandaan po ninyo, ang kuhol ay nagiging peste lamang kung hindi tama ang ating pamamahala sa patubig sa ating palayan. At ang kuhol na problemang itinuturing,
sa hayop at tao man maaaring maging pagkain.
Paksa 43 : DAGDAG NA PARAAN SA PAGSUGPO NG KUHOL
Maraming paraan upang mabawasan ang paninira ng mga kuhol. Sa pangkalahatan,
dapat nating gamitin ang pinagsama-samang pamamaraan na angkop sa ating kalagayan. Unang dapat malaman, mas kakaunti ang nasisira ng kuhol kung ipinupunla muna
ang palay at saka inililipat sa bukid kapag medyo malalaki na dahil hindi na kayang kagatin ng kuhol ang medyo matigas ng palay. Pangalawa, may kahirapan sa sabog-tanim. Ito ay dahil ang mga maliliit na tanim ay maaaring kainin kahit ng mga maliliit pa lamang na kuhol. Pangatlo, maaaring gumamit ng tamang pamamahala ng patubig sa palayan. Dapat
iwasang patubigan ang palayan kung maliliit pa ang mga tanim. Kasi, alam ninyo na ang kuhol ay hindi lumalabas kung walang tubig. Nananatili sila sa ilalim ng lupa. Kaugnay sa pamamahala sa patubig, makatutulong kung ang bukid ay patag na
patag para walang lugar na titigilan ng tubig na ginagawang tirahan ng mga kuhol.
Ang isang pamamaraan ay ang paglalagay ng mga maliliit na kanal o ‘canelettes.’ Sa mga maliliit na kanal maglalagi ang mga kuhol. Sa gayon, madali silang pulutin. Isa pang bagay na maaaring makatulong ang pagbubungkal ng bukid kung tuyo na
ang lupa. Kapag inararo ang bukid kung tuyo ang lupa, ang mga kuhol ay nalalantad sa araw at namamatay. Kapag sila ay nalantad, nariyan din ang mga
daga na maaaring kumain sa mga kuhol. Napag-alaman na ang mga daga lalo na sa panahong walang palay na makain ay kumakain ng kuhol. Sa ibang mga lugar sa Nueva Ecija, ang mga magsasaka ay nagtatanim ng sibuyas
matapos anihin ang palay. Nakatutulong ito dahil sa ang sibuyas ay hindi
nangangailangan ng patubig, hindi natutulungan ang mga kuhol. Pinaniniwalaan din na ang sibuyas na masansang ang amoy ay nakapagtataboy sa mga kuhol. Ilan lang po yan sa mga paraan upang masugpo ang kuhol na hindi gumagamit ng
kemikal. Tandaan ang kemikal na ginagamit sa palayan ay nakararating sa mga tubig na pinagkukunan natin ng isda. Ang kemikal na sa bukid inilagay, bumabalik
sa ating hapag kainan.
33
Paksa 44 : RICE BLACK BUG (1)
Isang peste sa palayan na binabantayan ng ating mga espesyalista ay ang rice
black bug o RBB. Sa ibang lugar, ito ay tinatawag din na itim na atangya. Ito ay lumalaki na sinlaki ng maliit na daliri at kulay kape o itim.
Ang pesteng ‘Rice Black Bug’ o RBB ay naninipsip sa katas ng palay na nagiging dahilan ng pagkatuyo ng halaman. Maaaring matuyo ang mga talbos ng palay at
pati yong mga uhay nagiging puti at walang laman na kung tawagin ay uban o whitehead.
Kung marami ang Rice Black Bug, halimbawa ay sampu sa isang puno ng palay,
mababawasan ng hanggang 20% ang ani. At kung talagang malubha ang paninira,
maaaring mangyari ang pagkatuyo ng palay at walang maaani ang magsasaka.
Isa sa mga pamamaraan na iminumungkahi ng mga espesyalista sa PhilRice ay ang paggamit ng lason o katas mula sa halamang tubli.
Hindi nila inirerekomenda ang pag-iispray ng kemikal dahil napapatay ng kemikal ang mga kakampi nating mga organismo. May mga parasitiko (predators) at amag
(fungus) sa palayan na sumisira sa Rice Black Bug.
Maaari rin namang mag-alaga ng mga itik na siyang kumakain sa mga ‘Black Bug.’ At merong pamamaraan tulad ng pagpapatas ng tubig sa palayan. Kung mataas
ang tubig, maaaring lumabas sa mga pinagtataguan na mga suwi ang RBB at
umakyat sa itaas na bahagi ng halaman. Sa ganitong paraan, madali silang makikita ng mga kalaban nito tulad ng mga itik. At kapag umabot ng 24 na oras na
nakalubog sa tubig ang itlog ng RBB, hindi na ito napipisa.
Meron din namang mga magsasaka na gumagamit ng ‘light trap’ o panghuling ilaw
upang matipon at mahuli ang mga Rice Black Bug.
Paksa 45 : RICE BLACK BUG (2)
Problema ba ninyo ang Rice Black Bug o itim na atangya sa palayan? Isa sa mga
paraan ng pagsugpo sa Rice Black Bug ay paggamit ng mga amag o ‘fungus’ na tinatawag na ‘metarisium.’
Sa halip na gumamit ng mga kemikal na pestisidyo ay ini-sprayan ng ’fungus’ ang
palayan para sirain ang ’Rice Black Bug.’ Ang fungus na ito ay pwedeng paramihin sa mga laboratoryo ng PhilRice at Department of Agriculture lalo na kung saan
mayroong napapansin na paninira ng ‘Rice Black Bug.’ Ang RBB ay kulisap na
34
naninipsip sa katas ng palay na nagiging sanhi naman upang matuyo ang palay at
hindi maglaman ang mga uhay. Tungkol sa buhay ng RBB, alam ba ninyo na ang kulisap na ito ay maaaring mabuhay ng 4 - 7 buwan. At ang isang babaeng ‘black bug’ ay makakapangitlog ng hanggang 300 itlog sa
buong bahay niya. Sa isang pangingitlog ay maaaring mayroong 40 - 60 itlog sa isang ‘lump’ o ‘egg mass.’ Alam ba ninyo na ang babaeng ‘black bug’ ay may ugali
na siya mismo ang nagbabantay sa kanyang mga itlog hanggang hindi napipisa?
Kapag nangitlog yung ‘black bug,’ nasa ibabaw siya para mapangalagaan yung kanyang mga itlog. Ang mga itlog na ito ay napipisa sa loob ng 3 - 5 araw, nagiging ‘nymph’ o maliliit
na kulisap. Makaraan ang isang buwan ang ‘nymph’ na ito ay nagiging ganap ng ‘adult’ na lumilipad. Mula pa lamang sa pagiging ‘nymph’ at hanggang sa panahon na nabubuhay ang
RBB ay sumisipsip na sila ng katas ng palay para mabuhay. Dahil sa tumatagal ng
hanggang pitong buwan ang buhay ng Rice Black Bug, at ang palay naman ay nakatanim lamang sa loob ng apat na buwan, makakatulong ang sabay-sabay na
pagtatanim ng mga magbubukid. Hindi lamang sa Rice Black Bug nakakatulong ng malaki ang sabay-sabay na pagtatanim ng mga magkakapitbukid kundi pati na rin
sa pagkontrol ng iba pang mga peste. Tandaan po natin, sabay-sabay na pagtatanim, tulong-tulong upang peste ay sugpuin.
Paksa 46 : MGA SAKIT NG PALAY (1) Tulad din sa tao, ang isang halamang may sakit ay hindi nakakapagbigay ng pinakamahuhusay na ‘performance.’ Ang palay na may sakit ay mahina ang
maibibigay na ani. Kung may sakit ang ating palayan, pwedeng bumaba ng malaki ang maaani natin at kung talagang grabe ang pagkakasakit ay malamang na wala
tayong maani. Kung ang sakit naman ay hindi matindi, siyempre, aani ka pa rin. Mas mababa nga lamang kumpara sa walang sakit na tanim. Kaya dapat na maalagaan ang mga
tanim upang makuha natin ang inaasahang ani. Iba’t-ibang klase ang sakit ng halamang palay. At ang pagkakasakit ng halaman ay
maaaring dumating sa iba’t-ibang bahagi o yugto ng buhay ng palay. Merong sakit na habang bata pa ay nakikita na katulad ng tungro. Ang tungro ang isang uri ng
sakit na kapag dumapo sa halamang palay habang bata pa ang pananim ay malamang walang aanihin ang isang magsasaka. Ang masama pa nito, maaaring
makahawa pa ang sakit sa mga kalapit bukid.
35
Yong ‘Bacterial Leaf Blight’ naman ay pwedeng umepekto siya kapag ang palay ay
medyo matanda na at malapit na siyang mamunga. Maaari din namang umatake ang sakit na ‘Bacterial Leaf Blight’ habang ang halaman ay katatanim pa lamang o
kaya ay pagkalipat-tanim. Habang lumalaki, magkakaroon ng Bacterial Leaf Blight.
Ganundin ang Rice Blast, ang palay kahit nasa ‘seed bed’ pa lamang ay maaaring
tamaan ng Rice Blast. At maaari ring dumapo habang ang palay ay lumalaki at nagkakauhay na. Ang Sheath Blight naman ay makikita mo ang epekto kapag nasa
‘tillering stage’ na ang palay o yung nagsusuwi na. Mahalaga po na mapag-aralan natin ang iba’t-ibang uri ng sakit at kung paano makakaiwas sa maaaring ihatid ng
mga ito sa ating palayan. Ingatan ang palay na hindi magkasakit upang ang inaasahang ani ay sumapit.
Paksa 47 : MGA SAKIT NG PALAY (2)
Ang pagkakasakit ng palayan ay walang pinipiling panahon. Ganun pa man, merong mga kondisyon o kalagayan ng paligid na mas gusto ng mga mikrobyong sanhi ng
sakit na palay.
Ayon sa ating mga dalubhasa, ang sakit ng palay ay karaniwang dulot din ng
kakayahan ng mga mikrobyo mismo, kalagayan ng palay at ng kapaligiran kapag dumating at lumaganap. Kadalasan ang mga sakit ay parang sa tao rin, halimbawa,
maraming sipon kapag tag-ulan. May resistensiya ba o wala? Ganoon din ang halamang palay - kapag tag-ulan ay maraming may sakit. Halimbawa, ang Bacterial
Blight ay mas madalas na sakit ng palay kapag tag-ulan. Kasi gustong-gusto ng
mga mikrobyong sanhi nito kapag basa ang paligid.
Ang Rice Blast naman ay madaling lumaganap kung mahalumigmig sa gabi. Yun namang Tungro Virus, ang gusto niya ay maulan. At meron din siyang pinipiling
mga uri ng palay o variety. Maraming varieties na madaling kapitan ng sakit. Kaya
merong nabuo ang mga siyentista sa palayan na mga ‘resistant varieties,’ o matibay laban sa mga sakit. Maraming mapagpipilian na mga uri na aprubado na ng
National Seed Industry Council. Alam ba ninyo na merong mga palay na nagkakasakit dahil sa sobrang dami ng abono na nailagay? Ang sobrang dami ng
abono ay nagpapalambot sa katawan ng halaman. Parang tao rin, kapag sobra sa
kain mas madaling magkasakit o magkaroon ng sinasabing tabang lamig. Kaya lambutin, ika nga. Kaya mayroong iminumungkahing dami ng abono at kung kailan
dapat maglagay lalo na nga at nanganganib sa ‘Bacterial Blight’ ang palayan.
Meron din mga pagkakataon na iminumungkahi na konti lang ang tubig upang maiwasan ang Bacterial Blight. Alamin ang kaangkupan sa panahon at lugar ng mga
uri ng palay na inyong itinatanim.
36
Paksa 48 : MGA SAKIT NG PALAY (3) Ang Tungro, Rice Blast, Bacterial Leaf Blight at ang Sheath Blight ay itinuturing na
pinakamatinding sakit ng palay dito sa Pilipinas. Sila ang ’major diseases’ o nagdudulot ng malaking bawas sa inaasahan nating ani. Gayunpaman, meron ding
iba pang mga ‘minor diseases’ - sakit na maaaring dumapo sa ating mga tanim, pero hindi naman ganun kalala o kalaki ang maaaring ibaba ng ating ani. Ngayon ay ating pag-usapan ang sakit na tungro. Ang sakit na tungro ay dulot ng
isang ‘virus.’ Pag sinabi nating virus, medyo mahirap sugpuin. Ang palatandaan nito
ay ang kadalasang pagkakaroon ng kulisap na ‘Berdeng Ngusong Kabayo’ (Green Leaf Hopper). Ang berdeng ngusong kabayo ang nagdadala at nagkakalat ng ‘virus.’
Hindi magkakasakit ang palay kung wala sanang ‘Green Leaf Hopper’ na siyang magaling maglipat ng virus na ito. Kung ang lamok ang nagdadala ng ’dengue’ na sakit ng tao, ang ngusong kabayo
naman ang tagapagdala ng ‘tungro.’ Ang ngusong kabayo at ang tungro ay
kadalasang makikita sa bukid habang bata pa o nasa ’vegetative stage’ ang tanim na palay. Kapag nagkaroon ng tungro sa bata pang edad ng palay, malamang ay
malaki ang pagbagsak ng ani o di kaya ay wala talagang maaani. Kaya dapat ay kilala natin ang ngusong kabayo. Iba’t-iba ang tawag sa kanya sa iba’t-ibang dyalekto. Ang berdeng ngusong kabayo ay maliit na insekto na sinlaki
lamang ng dulo ng ball pen. Uulitin ko na ang berdeng ngusong kabayo ang nagdadala ng sakit na tungro. Ang
palay naman ay nagpapakita ng palatandaan na may tungro kung ang mga dahon nito ay naninilaw. Nagiging medyo bansot din ang mga halaman. Ang kanyang
pagsusuwi ay medyo nababawasan. Ang paninilaw ng mga ito ay mahahalata ninyo dahil hindi buong pinitak ang naninilaw kundi pulo-pulo o manaka-naka. Naiiba sa
pagkukulang o ’deficiency’ sa mga ’nutrients’ at pagkalason, na ang buong dahon ng palay sa pinitak o bukid ay naninilaw lahat.
Paksa 49 : MGA SAKIT NG PALAY (4) Ang sakit na tungro ang isa sa mga sakit na dapat ay ating bantayan. Ang sakit na
tungro ay inihahatid ng kulisap na berdeng ngusong kabayo o Green Leaf Hopper.
At upang mabawasan ang dami ng mga Green Leaf Hopper na nagkakalat ng sakit, maaari tayong maglagay ng ‘insecticides’ sa mga lugar na may naganap ng
paglaganap ng salot na ito at kung ang tanim mong ‘variety’ o klase ay mahina. Tandaan lang na ang pagbobomba ay hindi dapat abusuhin. Pero ito naman ay paalala lang sa mga magsasaka na kung sa tingin niyo naman ay
hindi dapat mangamba, hangga’t maaari ay iwasan na maglagay ng kemikals. Kasi
37
kapag nagbomba ng lasong pamatay kulisap, napapatay din yung mga natural na
kalaban ng ngusong kabayo o ang ating mga kakamping kulisap. Alam naman ninyo na ang kemikal ay walang pinipili. Napapatay lahat - ke mabait, ke kalaban. Sa palay na inabot ng sakit na tungro, ano ang ating gagawin? Karaniwan, kapag
virus wala ng remedyo. Parang sakit na AIDS ng tao, di ba? Pag nandyan na hindi mo na siya maaalis. Ang mga halamang may sakit ay dapat na ring bunutin at
sunugin para di na pagmulan ng virus na pwedeng ilipat ng berdeng ngusong
kabayo. Para naman maiwasan, ang inirerekomenda ng mga dalubhasa ay ang paggamit ng mga resistant varieties - ‘resistant’ o may panlaban siya sa ngusong kabayo at
‘resistant’ sa virus ng tungro. Ang isa pang mungkahi ng mga dalubhasa ay ang ‘synchronous planting.’ Ang magkakaratig na mga magsasaka ay dapat magtanim nang sabay-sabay para
masira ang ikot ng buhay ng mga insekto. Kasi kapag sinabi nating sabay, may oras
na tayong lahat ay walang tanim, kaya wala silang ibang pupuntahan, mamamatay ang mga insekto, nasisira ang kanilang ‘life cycle.’
Paksa 50 : MGA SAKIT NG PALAY (5)
Ang Bacterial Blight ay isa sa apat na pinakamaselang sakit ng palay. Sa ngalan pa
lamang, ito ay sanhi ng ‘bacteria.’ Katulad ng sakit na tungro, ang isang palatandaan ng sakit na Bacterial Blight sa palay ay ang paninilaw ng dahon. Yun
nga lang sa tungro ay merong mapapansin na mga berdeng ngusong kabayo sa
bukid. Sa leaf blight ay walang green leaf hopper. Kung magkaroon man ng green leaf hopper ay naligaw lamang yon at wala siyang dalang ‘virus.’ Ang Bacterial Blight ay karaniwang mapapansin tuwing ‘rainy season’ - tag-ulan kasi
kaya malalim ang tubig. Isa pa ring kondisyon na nakakatulong sa paninira ng Bacterial Blight ay kung mataas ang ‘fertilizer application’ at kung ang naitanim ay
ang mga uri ng palay na ’susceptible’ o madaling kapitan ng sakit na ito. Ang isa pang pagkakaiba ng Bacterial Blight sa sakit na tungro, sa Bacterial Blight
ay hindi nababansot o ’stunted’ ang mga palay. Yong dahon lang talaga ang apektado. Ang paninilaw o pagkukulay kayumanggi (brown) na sanhi ng Bacterial Blight ay
hindi rin gaanong ’sporadic’ o pakalat-kalat sa palayan. Ang sa Bacterial Blight ay medyo malawak-lawak na bahagi ng bukid ang apektado. Ang sakit na Bacterial Blight ay maaaring makabawas ng 20-50% ng aanihin. Kung
talagang sobra ang laki ng paninira, maaaring umabot ng hanggang 80% ang
38
kabawasang ani. Yon ay kung talagang mahina ang uri ng palay at tuloy-tuloy ang
pag-ulan. Ang Bacterial Blight ay maaaring makahawa at kumalat sa pamamagitan ng tubig. Ang Bacterial Blight ay mayroon ding tinatawag na ‘endemic areas’ - mga
lugar na hindi nawawalan ng Bacterial Blight lalo na kapag tag-ulan. Kung sakaling mapansin ninyo na merong Bacterial Blight sa inyong palayan, ang unang hakbang na inirerekomenda ng mga eksperto ng PhilRice ay ang magbawas
ng tubig. Ibaba mo muna ang lebel ng tubig hanggang sa ‘saturation point.’
Pagkatapos ng mga dalawa o tatlong araw saka mo ibalik. Huwag pataasin ang tubig. At huwag din munang maglalagay ng abono. Ang paglalagay ay katamtaman
lamang, huwag sobra. Marami po namang mga uri ng palay na talagang maresistensiya sa Bacterial Blight.
Paksa 51 : MGA SAKIT NG PALAY (6) Ang Rice Blast ay tinatawag ding Leaf Blast pag dahon ang apektado. Kung batok
ang apektado ay tinatawag na Neck Rot. Ito ay nabibilang sa mga malulubhang
sakit ng palay. Para maiwasan ang rice blast maaari tayong magtanim ng mga ‘resistant varieties’ o mga uri ng palay na hindi madaling kapitan ng sakit na ito. Ang isang madalas na inaatake ng Rice Blast ay ang mga palay na mataas ang
‘nitrogen.’ Kaya kung may pangamba na magkaroon ng Rice Blast, hindi dapat lagyan ng maraming patabang pampalusog ang palayan. Sapagkat ang Rice Blast ay laganap sa mga walang patubig (rainfed, upland, cool
elevated areas) ang sakit ay bumababa kung magkatubig at umuulan. Kaya ang
isang solusyon ay patubigan ang palayan. Kung magkakaroon ng Rice Blast sa panahong malapit ng lumabas ang bunga ng palay ay matindi ang magiging tama, maaaring magbomba ng ‘fungicide’ o
pamatay-amag. At kung lumabas na ang uhay ay maaaring ulitin ang pag-ispray para maiwasan ang pagkakaroon ng ‘Neck Rot.’ Kung ang inyong palayan ay nagkaroon ng ‘Leaf Blast’ sa nakaraang taniman,
huwag niyo nang pagkukunan ng pananim ang inyong inani dahil ang amag ay kumakapit sa butil ng palay. Hindi gaya ng bacteria, ang fungus ay hindi
basta-basta namamatay sa init kahit ito ay ibilad. Kaya ang sakit ay maaaring nasa
butil ng palay kapag itinanim mo sa susunod na panahon. Nakakatulong din ang pagpapalit ng mga pananim sa isang bukid o ‘crop rotation.’ Magandang ipalit muna sa palay ang mga halamang gulay. Maging ang dayami at
ang pag-anihan ay maaaring magtaglay ng amag na sakit. Makakaiwas sa Rice Blast kung magkakaroon ng ‘fallow period’ o panahon na walang tanim sa bukid upang
makabawi o maibalik ang kalusugan ng bukid.
39
Sa mga pagkakataon na grabe ang pamumuksa ng Rice Blast, inirerekomenda rin
ng mga eksperto na sunugin ang mga dayami. At hayaan natin na mabulok ng mabuti ang mga pinag-anihan bago tayo magtanim muli ng palay sa apektadong
mga pinitak.
Paksa 52 : MGA SAKIT NG PALAY (7)
Ang Sheath Blight ay isa sa apat na malubhang sakit ng palay, kasama ang Tungro,
Bacterial Blight at Rice Blast. Ang tungro ay sanhi ng virus. Ang bacterial blight ay sanhi ng bacteria. At ang rice blast ay sanhi ng amag.
Ang amag na sanhi ng Sheath Blight ay ‘strike anywhere’ o dumadapo maging sa
iba pang mga halaman. Maging ang mga punong kahoy pag punla pa lamang ay
inaatake ng amag na tulad ng sanhi ng Sheath Blight.
Kung ang sakit na rice blast ay tumatama sa dahon lamang, ang Sheath Blight ay tumatama sa dahon at maging sa puno. Nagkakaroon ng mga parang kulay abo at
alon-along mga peklat-peklat na marka ang katawan at dahon ng mga palay.
Ang isang problema ay wala pa pong nade-’develop’ o nabubuo na matibay na uri
ng palay laban sa Sheath Blight. Marami ng mga pag-aaral ang ginawa. Pero ang mga siyentista ay wala pang makitang ‘resistant gene’ o namamanang katangian na
matibay laban sa sheath blight.
Ang isa pang gusto ng amag ay ang pagkakaroon ng malalambot na dahon at
katawan dahil sa sobrang paglalagay ng patabang nitroheno.
Kaya ang karaniwang ginagawa upang maiwasan at malabanan ang Sheath Blight ay ang mas malawak na distansiya ng pagtatanim. Pag malalayo ay hindi gaanong
tumataas ang ‘humidity’ o kahalumigmigan at hindi sila nagkakahawaan. Bukod pa
rito, mas malalakas at malulusog ang mga palay na may mas malawak na distansiya sa isa’t-isa. Bagamat malulusog ang palay ay hindi naman ito dahil sa
mataas na nitroheno kundi dahil sa nakakatanggap sila ng sapat na sikat ng araw na nakakapagpatigas ng mga dahon at puno ng palay.
Sa susunod, pag-usapan natin ang iba pang mga pamamaraan upang maiwasan at malabanan ang Sheath Blight.
Paksa 53 : MGA SAKIT NG PALAY (8)
Ang Sheath Blight ay ang sakit ng palay na sanhi ng amag. Ang palatandaan nito ay
ang pagkakaroon ng kulay abong peklat-peklat sa mga dahon at katawan ng palay.
40
Ang malaking problema natin sa amag ng Sheath Blight ay naiiwan sa bukid ng
matagal na panahon. Ang kanyang mga binhi o ‘scletoria’ ay namamahinga sa lupa lalo na kung wala ang tubig. Nagge-’germinate’ o tumutubo lamang siya kapag
nagkaroon ng tubig.
Kaya sa panahon na nagpatubig kayo, ang mga ‘scletoria’ ay lumulutang sa tubig at
napupunta sa mga suwi o ‘tillers’ ng palay. Doon na nagsisimula ang pagkakasakit ng palay. Ang mga palatandaan ay makikita lamang ninyo kapag lumalaki na ang
palay. Kapag maliliit pa ang mga pananim, hindi mo makikita ang Sheath Blight.
Ang inirerekomenda ng mga eksperto ay ang mag-’fallow’ o magpatigang ng bukid. Dito ay pinalilipas ang ilang panahon na hindi tinatamnan ng palay ang bukid.
Upang mapatay ang mga namamahingang mga binhi o ‘scletoria’ ay dapat maararo
rin ang bukid at malantad sila sa araw. Habang bata pa at malambot pa ang mga ito ay nailalantad na dapat sila sa araw para mamatay.
At habang naka-’fallow’ ay maaari uling patubigan o palitan ng patubig at paarawan
ang bukid para kapag tumubo ang mga ’scletoria’ ay madali silang mamamatay sa
init ng sikat ng araw. Saka na lamang tinataniman ang bukid na matindi ang tama ng Sheath Blight pagkaraan ng ilang panahon.
Meron din namang mga ‘fungicide’ na mabibili upang i-spray sa palayan.
Isang paalala, iba ang ‘fungicide’ sa ‘insecticide.’ Ang fungicide ay para puksain ang
mga amag na kagaya ng mikrobyo ng Sheath Blight. Ang insecticide ay para
sugpuin ang mga kulisap. Tingnang mabuti ang label kung para saan ang gamot na inyong binibili.
Meron tayong kasabihan: Ang taong mapagtanong, daig pa ang marunong. Ang
taong nagtatanong ay saglit lamang ang pagiging gunggong. Pero ang ayaw
magtanong gunggong habang panahon!
Paksa 54 : APAT NA GRABENG SAKIT NG PALAY
Nabanggit na natin sa nakaraan ang apat na malulubhang sakit ng palay - ang
tungro, bacterial leaf blight, rice blast at sheath blight.
Bilang balik-aral, ang tungro ay hatid ng isang virus na inilipat ng mga kulisap na berdeng ngusong kabayo. Ang sintomas nito ay paninilaw at manaka-naka siya o
patse-patse sa pinitak. Ang mga tanim ay karaniwang nababansot. Ang rekomendasyon dito ay ang pagpili ng mga matitibay na uri ng palay laban sa
tungro. Iwasan ang mga madaling kapitan na uri ng palay o walang resistensiya.
41
Ang bacterial blight naman ay makikita rin kung merong paninilaw ang mga palay,
pero hindi nababansot na tulad ng sa tungro. Hindi ito hatid ng berdeng ngusong kabayo. Meron ding mga matitibay na uri ng palay laban sa bacterial leaf blight.
Ang sakit na ito ay karaniwang gusto ang mga matubig na kondisyon sa bukid at kung maraming abono ang nailagay sa tanim. Kaya kailangan na mapamahalaan ng
mabuti ang pagpapatubig at ang paglalagay ng pataba. Ang rice blast naman ay sanhi ng isang ‘fungus’ o amag. Ang amag ay madaling
makahawa dahil ang mga ‘spores’ ay nalilipad ng hangin. Meron na ring nabuo ang PhilRice na matitibay na uri o ‘resistant varieties’ na dapat piliing itanim kung sa
isang lugar ay inaabot ng rice blast. Kailangan dito ang angkop na mga ‘cultural practices’ o makalumang nakagawian. Ang sheath blight naman ay sanhi ng isang uri ng amag. Nagkakaroon ng
patse-patse sa dahon. Ang pagkakaiba ng sheath blight sa rice blast - ang rice blast ay sa dahon at uhay lamang, wala sa katawan at puno, samantalang ang sheath
blight ay nasa mga dahon pati ‘sheath’ o katawan. Ang isang paraan upang
masugpo ang sheat blight ay ang lawakan ang distansiya ng mga tanim at huwag ding masyadong marami ang tanim sa punlaan.
Paksa 55 : PAG-AANI NG PALAY Kailan ba dapat anihin ang palay? Ang tamang panahon sa pag-aani ng palay ay
kung ang butil sa uhay ay 80-85% na naninilaw o hinog na. Dapat ay matigas na ang butil ng palay o tinatawag na nasa ‘hard dough stage’ na. Kapag pinisil ang
butil ay walang lalabas na katas. Kung napa-aga ang pag-aani, marami pa ang mga butil na hindi pa puno o siksik.
Ito ay nagiging dahilan ng mga ‘broken grains’ o mga durog na butil sa pagpapagiling. Bumababa rin ang ‘milling recovery’ o ang dami ng nakukuhang
bigas mula sa isang sako ng palay. Kung nahuli naman sa panahon ng pag-aani, ang palay ay nasosobrahan ng tuyo. Maraming butil ang nalalagas. Maaari ring marami sa aanihin ang makakain ng mga
pesteng daga at ibon. Ang ganitong pangyayari ay karaniwang nagaganap kung
nag-iisa o kung kulang sa tao para mag-ani. Umaabot tuloy ng ilang araw bago maani ang buong tanim na palay. Mainam na maani ang palay sa loob ng isang araw. Sa karaniwan ay kailangan ng
15 katao hanggang 20 tao para matapos ang pag-aani sa isang ektarya. Meron namang mga pagkakataon lalo na sa panahon ng tag-ulan na sabay-sabay ang anihan sa isang lugar. At kung panay ang ulan at hinog na ang palay ay hindi
pa maani at natagalan pa bago anihin, maaaring tumubo na ang palay. Meron
42
kasing mga uri ng palay na walang ‘dormancy period’ - tumutubo kaagad kapag
hinog na at naulanan. Kaya mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga kalapit-bukid at sa mga kabarangay lalo na nga at wala namang makinang pang-ani. Uulitin ko, kapag maaga ang pag-aani kulang pa ang laman ng butil. Mura pa at
madaling madurog ang butil. Kung masobrahan naman ang tagal sa bukid ang aanihing palay, maaaring kainin ng daga at ibon. Maaari ring tumubo na ang mga
butil sa bukid pa lamang. Kaya kailangan sa pag-aani ang timing para buo ang palay na ipapagiling. Timing
upang hindi ibon at daga ang siyang kumain ng dapat ay ating anihin.
Paksa 56 : GRASS CUTTER NA PANG-ANI NG PALAY
Alam ba ninyo na merong isang praktikal na panggapas ng palay na naimbento
mula sa karaniwang ’grass cutter’ o pamputol ng damo? Ang ’grass cutter’ ay ang gamit na pang-tabas ng damo sa mga gilid ng daan o sa paligid ng bahay. Karaniwan itong nasa may balikat, ito ay pinatatakbo ng isang
maliit na makina - ‘two stroke engine.’ Maliit lamang ang konsumo sa gas. Sa dulo ay naroon ang umiikot na bilog na talim o ‘blade’ na siyang pumuputol sa damo,
mga talahib, cogon at iba pa. Ito pala ay pwedeng gamiting panggapas ng palay. Ang ginawa ng mga inhinyero ng PhilRice ay nilagyan lamang ng isang ‘guide’ para
hindi tumilapon ang mga napuputol na katawan ng palay. Sa halip na humagis o kumalat ang napuputol na puno ng palay ay napupunta sa tabi. Ang ginagapas
niyang palay ay matitipon niya sa isang tabi. Ang paggamit ng ‘modified grass reaper’ ay maaaring makaubos ng apat na litro ng gasolina sa maghapon na
nagkakahalaga ng 160 pesos. Para naman hindi masyadong mahirap sa isang tao, maaari siyang kumuha ng kapalitan. Siyempre meron pa rin namang magtitipon ng mga natabas na palay.
Kaya kung pagsasamahin, bale apat o limang tao ang kailangang manpower at ang
magagastos na magagamit sa maghapon. Mas mapapadali ang pag-aani. Hindi aabutin ng sobrang pagkatuyo ang hinog na palay. Hindi aabutin ng bagyo. Tungkol naman sa halaga ng makina, ang ‘grass cutter’ ay maaaring magkahalaga
ng 20,000 pesos. At ang ‘guide’ na ikakabit ay magkakahalaga lamang ng mga 2,500 pesos. Ang grass cutter ay hindi naman sa pag-aani lamang magagamit kundi sa paglilinis
din ng ating bakuran o sa mga daanan.
43
Paksa 57 : POWER REAPER
Walang tigil ang mga dalubhasa sa pagtuklas ng mga simpleng makina na
magagamit natin - iyong mas mura, mas praktikal at magpapagaan at magpapabilis ng ating mga gawain sa bukid.
Mula sa simpleng ‘grass cutter’ o makinang pangputol ng damo, ang mga inhinyero ng PhilRice ay nakagawa ng pang-ani ng palay. Sa una ay nilagyan lamang nila ng
‘guide’ ang talim ng grass cutter upang hindi kumalat ang mga nagagapas na palay.
Ngayon naman ay mayroon na ring tinatawag na ‘power reaper’ na parang tatlong grass cutter na pinagsama-sama. Sa halip na pinatatakbo ng maliit na makinang
nasa may balikat ng isang tao, ito naman ay pinatatakbo ng isang ‘6-horsepower
engine.’ Ang itsura nito ay parang ‘power tiller’ na may gulong pero mas maliit at mas magaan.
Ito ay hindi na itinutulak kundi kusang lumalakad o ‘self-propelled.’ May makina siya
at simpleng ‘transmission’ na mayroong spraket. Pinatatakbo nya ang gulong at
pinaiikot ang mga bilog na talim o ‘blade.’ Mapuputol ang mga uhay at ilalagay o isasalansan sa tabi.
Ang ‘operator’ nito o makinista ay nakahawak na sumusunod lamang at bale siya
ang gagabay sa makina. Ang totoo, maaari niya itong mabitawan at magpapatuloy ang makina sa paggapas ng palay.
Gaano naman kabilis ang ‘power reaper’ na ito? Kung dalawang ‘operator’ ang maghahalinhinan ay maaari siyang makatapos ng dalawa o tatlong ektarya sa
maghapon.
Sa isang oras ay kumukunsumo siya ng mga isa’t kalahati hanggang dalawang litro
ng gas.
Ang kabuuang halaga ng makina ay aabot ng 85,000 pesos, mas mura kaysa sa imported na gamit na umaabot ng 150,000 pesos pataas.
Kung hindi panahon ng anihan, ang makina ring ito ay maaari ring magamit para magpatakbo ng iba pang gamit katulad ng bomba ng patubig. Maaari ring magamit
na ‘generator’ ng kuryente.
Makina ay katulong, upang bansa ay sumulong.
44
Paksa 58 : PAGGIGIIK NG PALAY
Sa paggigiik ng palay, may mga pamamaraang makabago at may sinauna. Ang
paggamit ng paa, paghahampas sa inani, ang paghahampas habang nasa bunton ang palay o kaya ang pagpapatuntong sa kalabaw - iyan po ay mga palipas ng mga
pamamaraan.
Ang mga ganitong tradisyonal at makalumang paraan ay napakabagal at
matrabaho. Bukod sa matrabaho, karaniwan sa mga ito ay nagiging dahilan ng pagkatapon o pagkawala ng ibang inani.
Sa ngayon po naman ay merong mga makina na maaaring gamitin. Nariyan ang
‘action flow thresher’ at ang ‘pedal thresher.’ Ito ay pinatatakbo ng paa habang
isinusubo ang mga uhay ng palay.
Meron din namang mga malalaking makina na ‘thresher’ at merong ‘harvester thresher’ o taga-ani at tagagiik na rin. Anuman ang pamamaraan na inyong
ginagamit, mahalaga na giikin kaagad ang palay matapos anihin.
May mga magsasaka na pinatutuyo muna ang palay sa bukid ng mga dalawang
araw bago ito giikin lalo na kung inani na basa. Marami pong nawawala diyan. Habang nakabilad sa bukid, nariyan ang kalabang daga at ibon na kakain ng inyong
pinatutuyong palay.
Ang pagpapatuyo sa ganyang paraan ay hindi parehas ang pagkatuyo, maaaring
sobrang tuyo ang ibabaw, basa naman ang ilalim. Kung sobra ang pagkatuyo, marami ang ‘broken grains’ o durog. Ang isang iniiwasan natin ay ang ‘losses’ - mga
natatapon at nasasayang sa paggigiik.
Alam ba ninyo na sa pag-aaral umaabot sa 1-5% ng ating inaani ang nawawala
kung hindi tayo masinop at maingat sa paggigiik ng palay?
Maging sa paggamit ng makina ay mahalaga na masiguro natin ang tamang ‘speed’ o bilis ng ‘blower.’ Kung mabilis ay marami ang nasisira at natatapon na butil. Kung
mabagal naman ay hindi nahihiwalay ng husto ang butil sa uhay kaya dapat ay
tama ang bilis o ‘speed’ ng ‘blower.’
Tandaan natin, marami ang mga hakbang bago makarating sa ating hapag kainan ang palay na ating pinaghirapan na itanim, anihin at pinamuhunan ng malaki.
Sa bawat hakbang ay dapat maingat upang maiwasan ang pagkasayang ng bahagi
ng ani.
45
Paksa 59 : PAGTUTUYO NG PALAY (1)
Ang isa po sa pinakamasamang kalaban ng iniimbak na palay ay tubig o ‘moisture’
sa palay. Dapat laging tuyo ang inyong iniimbak na palay maging ito ay para ipagiling o kaya ay gagawing binhi sa susunod na taon. Madaling masira at amagin
ang palay kung basang iniimbak.
Kapag hindi tuyo ang palay madaling bumaba ang kalidad. Kaya pinag-uusapan
natin ang tamang antas ng ‘moisture content’ na hindi lalabis sa 14%. Sa mga ‘warehouse’ o bodega ng NFA, meron silang pansukat na ‘digital moisture meter.’
Kung wala namang pansukat, nalalaman ng mga magsasaka kung tuyo na ang
palay sa pamamagitan ng pagkagat sa butil. Kapag malutong na o lumalagutok na
kung kagatin, ang ibig sabihin ay nasa tamang ’moisture content’ na. Pwede nang iimbak.
Ang karamihan sa mga magsasaka ay ibinibilad ang kanilang palay sa sementadong
kalsada o sa mga sementadong sadyang patuyuan. Iyan ay tinatawag na
’sun drying.’ Sa loob ng dalawang araw na mainit ay natutuyo na ang palay.
Maraming problema sa pagbibilad sa kalsada. Una, maaaring biglang dumating ang ulan, maaaring mabasa ang nakabilad ng palay. Tinutuka rin iyan ng mga manok at
mga alaga nating hayop na gumagala. Peligro rin po sa mga sasakyan kapag sa mga kalsada ibinibilad. Ang totoo ay bawal ang magbilad ng palay sa kalsada. Isa
pa, nagkakaroon ng mga buhangin at bato na nasasama sa palay hanggang sa
maging bigas na ito.
Ayon sa mga dalubhasa, ang pagiging basa at tuyo ng palay, lamig at init ng palay ay hindi maganda para sa butil ng palay. Nagkakaroon ng lamat ang mga butil.
Kung ipagiling ay marami ang ’broken grains’ o durog. Kung maayos ang pagtutuyo,
ang butil at pakinabang sa palay ay buo.
Paksa 60 : PAGTUTUYO NG PALAY (2)
Mahalagang maayos ang pagpapatuyo ng palay para sa mas malaking pakinabang -
mas maliit ang nasasayang at nawawala.
Ito ang dahilan kung bakit inirerekomenda ng mga eksperto na gumamit na tayo ng mga makinang pantuyo kaysa nagbibilad lamang tayo sa mga kalsada. Sa
pagbibilad sa kalsada, marami ang naaaksaya. Kinakain ng mga hayop. Nadudurog ang butil dahil nasasagasaan ng mga sasakyan. Nahahaluan ng buhangin ang
palay. Bukod pa rito ay hindi karaniwang pantay ang pagkakatuyo ng palay.
46
Kung ihahambing natin ang ‘sun drying’ sa ‘mechanical drying’, mas kakaunti ang
nawawala kung gumagamit ng ‘mechanical dryer.’ Sa ‘mechanical dryer’ ay kontrolado ang init o ang ‘temperature.’ Sa pagbibilad maaaring makulimlim,
maaaring maulan, maaaring matindi ang init ng araw at pati na rin ang semento o aspalto na kinalalagyan ng palay. Iba’t-ibang oras ay iba’t-iba rin ang init na
nakukuha ng binilad na palay.
Ang sabi ng mga eksperto, ang kailangang temperatura ay ‘54° centigrade.’ Kapag
sumobra sa 54° centigrade ang palay ay lumulutong at madaling mabasag ang butil.
Sa tanghaling tapat o sa mga dakong alas dos ng hapon at mainit ang araw,
nagiging napakainit ng semento o aspalto. Kaya naluluto masyado ang palay. Kaya
ang ibang nagbibilad ay gumagamit ng banig o kaya ay net para hindi direkta sa semento.
Tandaan ninyo na kung hindi maayos ang pagtutuyo ng palay ay maaaring mawala
ang 1-5% ng ating ani - iyon sana ay kita na dapat ay mapunta sa atin.
Sa pagiging masinop sa pagtutuyo, ang pakinabang natin sa pagpapalayan ay buo.
47
Nilimbag at ipinamamahagi ng:
REGIONAL AGRICULTURE AND FISHERIES INFORMATION DIVISION (RAFID)
Sa pakikipag-ugnayan sa:
Agri-Pinoy - RICE PROGRAM Sevilla, San Fernando City, La Union
Tel. Nos. (072) 607- 0449
Para sa inyong katanungan, makipag-ugnayan, sumulat at bumisita sa:
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Regional Field Unit I Sevilla, San Fernando City, La Union
Tel. Nos. (072) 888 - 0341 (072) 888 - 4305
(072) 242 - 1045 / 46 Email : [email protected]