6
Alamat ng Google ni Bryan D. Aurelio Sa isang bayan na matatagpuan sa timog silangan, napapalibutan ng mga isla at mga kagubatan ay matatagpuan ang isang lugar na binubuo ng lahat ng mga mamamayang pantas at mahuhusay dahil sa iba’t ibang ideya at imbensyong kanilang natutuklasan, ang lugar na ito ay tinawag nilang isla Sabwety. Sinasabing inumpisahan itong itatag noong unang siglo sa pangunguna ni Datu Bagabo at ngayon ay pinamumunuan na ito ng isa sa itinuturing na pinakamagaling, ginagalang at pinaka-maimpluensya sa lahat walang iba kundi si Tagle. Siya ay nagmula sa angkan ng mga bugok na kung saan ay inapi at pinilit na itaboy sa isla dahil sa laging pagkontra nito sa mga bagong ideya at pilosopiya na ipinakakalat sa lugar. Kung kaya’t dahil sa pinaalis ang kanyang angkan sa lugar ay wala na ni-isang natira kundi siya na lamang. Upang hindi na madamay pa sa kanilang angkan ay nagpasya siyang mamundok at doon mag-aral at magpakadalubhasa sa paglikha ng mga pilospiya at imbensyon. Doon ay nakilala niya si Isaac Newton, Alexander Graham Bell, Charles Babbage, at ang tagapagmana ng kaharian ng Sabwety na si Prinsesa Igoomi. Silang dalawa ay naging matalik na magkaibigan dahil madalas silang magsama sa mga gawaing pang-akademya. Maganda, mabait at matulungin ilan lamang iyan sa mga katangian ng prinsesa kung kaya’t agad na nahulog ang loob ni Tagle dito. 1

Alamat Ng Google: Isang kathang Isip

  • Upload
    bryan

  • View
    161

  • Download
    5

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ito'y isang likha lamang bunga na isang malkiot na pag-iisip sa mundo ng pantasya. sadyang nilikha bilang kahingian sa asignatura. alay sa lahat ng kapwa ko mag-aaral. Maligayang Pagbabasa :)

Citation preview

Page 1: Alamat Ng Google: Isang kathang Isip

Alamat ng Googleni Bryan D. Aurelio

Sa isang bayan na matatagpuan sa timog silangan, napapalibutan ng mga

isla at mga kagubatan ay matatagpuan ang isang lugar na binubuo ng lahat

ng mga mamamayang pantas at mahuhusay dahil sa iba’t ibang ideya at

imbensyong kanilang natutuklasan, ang lugar na ito ay tinawag nilang isla

Sabwety. Sinasabing inumpisahan itong itatag noong unang siglo sa

pangunguna ni Datu Bagabo at ngayon ay pinamumunuan na ito ng isa sa

itinuturing na pinakamagaling, ginagalang at pinaka-maimpluensya sa lahat

walang iba kundi si Tagle.

Siya ay nagmula sa angkan ng mga bugok na kung saan ay inapi at pinilit na

itaboy sa isla dahil sa laging pagkontra nito sa mga bagong ideya at

pilosopiya na ipinakakalat sa lugar. Kung kaya’t dahil sa pinaalis ang

kanyang angkan sa lugar ay wala na ni-isang natira kundi siya na lamang.

Upang hindi na madamay pa sa kanilang angkan ay nagpasya siyang

mamundok at doon mag-aral at magpakadalubhasa sa paglikha ng mga

pilospiya at imbensyon.

Doon ay nakilala niya si Isaac Newton, Alexander Graham Bell, Charles

Babbage, at ang tagapagmana ng kaharian ng Sabwety na si Prinsesa

Igoomi. Silang dalawa ay naging matalik na magkaibigan dahil madalas

silang magsama sa mga gawaing pang-akademya. Maganda, mabait at

matulungin ilan lamang iyan sa mga katangian ng prinsesa kung kaya’t agad

na nahulog ang loob ni Tagle dito.

Sa una pilit na itinatago ng binata ang nararamdamang ito dahil iniisip niya

na hindi siya nararapat sa prinsesa dahil isa lamang isyang hamak na mag-

aaral na nagmula pa sa angkan ng mga bugok kung kaya’t sinubukan niyang

pigilin ang kaniyang nadarama at walang ibang gawin kundi mag-aral at

magkahusay sa larangang pinasukan.

1

Page 2: Alamat Ng Google: Isang kathang Isip

Makalipas ang ilang taon ay nakatapos na rin ng pag-aaral sa Tagle at handa

ng bumalik sa islang pinanggalingan at sa kanyang babaeng

pinakamamahal. Sa panahong din iyon ay ganap na ring reyna si prinsesa

Igoomi na siyang namumuno sa isla Sabwety. Sa kanyang pamumuno ay

dumating ang malaking kaguluhan sa Isla. Dahil sa pag-unlad ng

pamumuhay dito ay marami na rin ang mga nagdatingang pilosopo mula sa

iba’t ibang bansa at nanganganib na masakop ang kanilang isla ng mga

dayuhan.

Unang dumating sa islang iyon ay ekspedisyon ni Diapeking na siyang

layunin ay maghasik ng mga impormasyong taliwas sa mga nauna nang

kaalaman na siyang pinaniniwalaan ng mga mamayan. Maraming

impormasyon ang pilit na binago at kayrami ng mamamayan ang naniwala

rito kung kaya’t ito na ang siyang pinaniniwalaan ng lahat. Agad naman

itong nasoulusyunan ng reyna kung kaya’t agad na naitaboy ito sa isla.

Hindi pa man tapos ang problemang kinahaharap ay agad naman na

dumating ang ikalawang mananakop ang ekspedisyong Oyaha-oha. Ang

layunin naman ng ekspedisyong ito ay dagdagan ang mga impormasyong

kumakalat sa isla, tama man ito o mali at palitan ang makalumang

pagpapadala ng mensahe mula sa pagsusulat sa papel, mabagal na

pagpapadala sa net hanggang sa makabagong pagpapadala ng mensahe

gamit ang electronic mail. Naging matagumpay naman ang pananakop na

ito dahil karamihan sa mga tao sa isla ay nag-umpisa na rin gumagamit nito

kung kaya’t namatay na ang tradisyunal na pagpapadala ng mensahe gamit

ang sulat at marami ang naghirap dahil nawalan ng ikabubuhay. Tumagal ng

mahigit ilang taon ang ekspedisyong ito at mas naging maimpluensya na ito

kaysa sa kaharian ng reyna Igoomi.

Dahil sa mga kaguluhang ito ay agad na nangamba ang lahat ng mga tao

dahil sa mga pagbabagon hatid nito kung kaya’t nagpasya si Tagle na

bumalik sa islang pinagmulan upang protektahan ang mga tradisyunal na

2

Page 3: Alamat Ng Google: Isang kathang Isip

kaugalian. Pagdating niya sa isla ay agad siyang hinarang mga armadong

kalalakihan na kung tawagin hukbong TODA, dahil umano’y isa na naman

siya sa mga dayuhang mananakop sa isla.

Agad na dinala sa kaharian upang ipiit ngunit nagpasya ang reyna Igoomi na

siya’y kausapin,

“ anong masamang hangin ang nagdala sa’yo rito upang sakupin an gaming

isla?” tanong ng reyna na tila galit na galit.

“ mahal na reyang Igoomi wala po akong masamang balak sa inyong

kaharian!, narito po ako upang kayo’y tulungan laban sa mga mananakop”

sambit ni Tagle na nagmamakaawa.

“kung totoo ‘yang sinasabi mo, paano mo naman ako matutulungan?”

dagdag pa ni reyna Igoomi.

Matapos ang pag-uusap ay pansamantalang pinakawalan si Tagle sa piitan

at agad na nakipagtulungan sa reyna kung paano masusugpo ang pagkalat

ng mga maling impormasyon na kumakalat sa isla Sabweyt.

Upang mabilis na masugpo ang sigalot sa lugar ay nagpasya ang dalawa na

kausapin ang mga namumuno sa bawat ekspedisyon sina among Dyapeking

at ka-Ohaya-oha. Dahil sa layuning masugpo ang sigalot ay hindi naging

maganda ang resulta bagkus ay mas naging magulo dahil mas lumikha pa

ito ng mga maling impormasyon na siyang gagamitin ng mga tao.

Gulong-gulo na ang isip ng reyna Igoomi kung kaya’t nagpasya na ito na

pansamantalang ibigay ang pamamahala ng kaharian kay Tagle. Sa umpisa

ay naging mahirap ang pamamahala sa isla dahil sa iba’t ibang kaguluhan.

Kung kaya’t isang araw ay nagpasyang lumikha ng sariling libro si Tagle na

naglalaman ng mga makabago at pinagsama-samang impormasyon na

siyang magbibigay linaw sa lahat ng mga kaguluhang nagaganap sa isla.

Dagdag pa naglalamang rin ito ng mga lugar na siyang nasakop na ng

3

Page 4: Alamat Ng Google: Isang kathang Isip

maling impormasyon. Sa una, ay tinawag na “Igo-gle” ang pangalan ng libro

na nangangahulugang” hanapin ang kaalaman”. Halaw sa pangalan na

“Igo”para sa pangalan ng Reyna at “”Gle” naman mula sa pangalan ni Tagle.

Sa una ay naging mahirap na baguhin ang paniniwala ng mga tao ngunit

kalaunan ay agad na tinangkilik at siya nang naging batayan ng lahat ng

impormasyon mula sa paaralan at ilang mga tanggapan. Kalaunan ay

natapos narin ang mga kaguluhan sa Isla sabwety at nagbalik na sa

kaayusan ang lahat pati ang Reyna Igoomi ay bumalik na sa trono.

Dahil sa tapos na ang misyon ni Tagle ay nagpasya na itong bumalik sa lugar

na kinalakhan ngunit laking gulat nito ng sabihin ng reyna na:

“Tagle! Tagle! saglit tumigil ka! Hintayin mo ako!” sigaw ng Reyna

Pagtatakang tumigil si Tagle at laking gulat nito ng sabihin ng reyna na:

“huwag mo akong iwanan , hindi ko kayang mawala ka pa sa’kin”

“alam ko dati pinigil mo lang ang iyong nararamdaman dahil masyado pa

tayong bata pero ngayon handa na ako! Handa na! at wala akong ibang

mahal kundi ikaw lang Tagle.. ikaw lang!”

Dahil dito ay naganap na ang pinakakahihintay ng dalawa ang pag-iisang-

dibdib ni Reyna Igoomi at Haring Tagle at di nagtagal ay nagbunga ang

pagmamahalan ng isang supling na pinangalanang “GOOGLE”.

Mula noon ang dating aklat na “Igo-gle” ay isa na ngayong

pinakamapagkakatiwalaang sityo na sinunod sa pangalan ng nag-iisang anak

nina Reyna iGOOmi at Haring TaGLE ang ‘’GOOGLE”.

4