9
Alamat ng Shades Ang Alamat Ng Shades

Alamat ng shades ppt

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alamat ng shades ppt

Alamat ng Shades

Ang Alamat

Ng Shades

Page 2: Alamat ng shades ppt

Sa bawat bagay na gusto nating gawin ay kadalasang may hadlang at kung minsan at sadyang mapapasuko tayo nito. Marami sa atin ay hindi sumusuko, pero sa kabilang banda ay may sadyang wala nalang gagawin kundi ang sumunod nalang sa agos, tipong kung anu-ano nalang. Yan and problema, parang bawat paghinga natin o bawat pag-utot natin ay nandiyan sila upang sumubok sa katatagan ng pagkatao natin. Narito ang kuwento ng isang bata na malaki ang problema, at iniisip nalang na sumuko at wala nalang gawin. Halika at kilalanin natin ang batang nagngangalang Hades.

Page 3: Alamat ng shades ppt

Ang Guadaluyong ay isang lugar na sadyang payapa, maunlad at lahat ng tao ay namumuhay ng maayos. Bawat isa ay may kanya-kanyang trip sa buhay, mga matatanda ay nagtatrabaho, mga batang naglalaro, may mga taong namamahing lang at iba pa. Dito mainit, maalinsangan, nakakairita sa pawis dahil sa init ng araw. Pero sa mga batang naglalaro sa labas ay hindi ito hadlang, masaya silang nagtatakbuhan, habulan, piko, tumbang perso, pogs, at marami pang iba.

Page 4: Alamat ng shades ppt

Ngunit sa isang batang nagngangalang Hades, halos parusa sa kanya tuwing sisikat ang ara. Bukod kasi sa ibang init nito ay konting liwanag lang na dumapo sa mata niya galling sa araw ay para itong tinutusok sa sakit, kahit nga ata nakapikit eh talagang maiiyak siya at luluha. Hindi siya mkalabas kahit hapon, ngunit sa paglubog lang ng araw. Lalabas siya ay mawawalan na siya ng kalaro dahil uso daw ang mga dinudukot na mga bata, kaya natatakot na din siyang lumabas. Labis ang pagka-awa ng kapatid niyang si Hector sa kanya, at lagi itong nagdadasal sa simbahan “Lord, mabait pong kapatid si Hades at masipag, ngunit hindi siya makapaglibang sa labas n gaming tahanan dahil hindi pangkaraniwan ang kanyang mata. Sana Panginoon tulungan niyo siyang makapaglaro sa labas, dahil madalas ko nap o siyang nakikitang malungkot at nagdudusa. Sana po maging masaya ng muli ang kapatid ko, Maraming salamat po.”

Page 5: Alamat ng shades ppt

Oh! Diba ang bait ng utol niya, mabait din naman kasi si Hades, naghahanda ng pagkain sa tuwing uuwi ng bahay nila na pamana ng kanilang ina na namatay sa sakit na Heart attack, dahil nalaman nitong may ibang pamilya na ang kanilang ama sa malanding babae nito.

Sadyang nakakaawa si Hades pag umaga dahil umiiyak ito tuwing siya’y gigising sa umaga. Dahil naiisip nito na isa nanamang araw na di siya makakapaglaro. “Lagi nalang akong nandito sa loob ng bahay, kapatid ko lang ang nakakakilala sakin, wala pa kong nagiging kaibigan sa labas o sa tapat man lang ng aking bahay. Hanggang kelan ako magiging ganito?”.

Nagawa na niyang lahat ang pwedeng gawin sa loob ng bahay, laging panalo sa Chess kalaban ang sarili, nabubuo ang rubik’s cube sa loob ng 3 segundo, at lahat na halos ng puwedeng gawin sa loob ng bahay ay nagawa na niya. Ngunit hindi ganun kasaya si Hades dahil gusto rin niyang maranasang maglaro sa labas.

Page 6: Alamat ng shades ppt

Maraming beses na siyang sumubok lumabas, ngunit ang tangi lang niyang nagagawa ay magtakip ng mukha ng tela, hindi siya nakakapaglaro dahil wala siyang nakikita sa paligid. Hindi siya makatakbo, o anu pa man.

Nagmukmok nalang siya sa loob ng kanilang bahay, at inisip na wala na ngang pag-asa ang lahat. Pumunta sa kanilang bahay si Bella at Edward na sumama sa kanila ngunit ayaw ni Hades na maging katulad nila, dahil mahilig daw siya sa gulay. Nagalit siya at pinaalis ang dalawa. Isang bote ng beer ang nakita niya at parang me laman itong usok at ang dumi-dumi sa labas, pinunasan niya ito at nilinis. Isang ispirito ang lumabas, at kinausap siya nito, “Ano ang iyong pangalan munting nilalang, sadyang napakalungkot mo at parang napakalaki ng iyong problema?”. “Ako po si Hades, gusto ko po kasing makalabas at makapaglaro ngunit hindi ko nakikita ang mga kalaro ko at hindi ko maramdaman halos kung nasan ako kaya nandito lang ako sa bahay, ano po ang dapat kong gawin?”. “Hindi ko masasagot iyan bata,” wika ng ispirito “ngunit makakatulong ang kung anu-anong kulay.”

Page 7: Alamat ng shades ppt

“Pero pano ang gaga-?”, hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay biglang nawala ang ispirito na prang bula. Nagulat siya nang maging dalawa ang bote ng beer at nagiba ito ng kulay, halos kulay itim. Nabasag ito at halos madurog, naiwan lng ang puwetan nito, nagtaka siya na sa tindi ng pagkakabasag nito ay naiwan lng ang puwetan. Tinanggal niya ang matatalim na parte niyo at bigla itong lumutang natakot si Hades, ngunit nagsalit ang lumulutang na maiitim na puwet, este puwet ng bote na maiitim. “Hades huwag kang matakot, ako ang tutulong sayo sa gusto mong gawin, at iyon ay ang makapaglato sa labas”. Nang marinig ito ni Hades ay natuwa siya, ngunit “Panong gagawin ko?” wika niya. “Ilapit mo lang ang mukha mo sakit, at pe-pwesto ako sa mata mo”. Nag-alala si Hades, “Baka mahulog ka at mabasag habang ako’y naglalaro”. “Malamang maglagay ka ng manipis na tali at iikot mo ng bahagya sa tainga mo, isip-isip din pag may time”, wika ng mga puwet ng bote. “Sige, salamat po” wikang may paggalang ni Hades.

Page 8: Alamat ng shades ppt

Simula noon ay nakalabas siya at lahat ng tao ay nagulat sa kanya at wika ay “Uy! Si Hades!”, dahil sa kakaiba nitong takip sa mata ay mabilis siyang napapansin ng mga kapitbahay. Masaya na si Hades na nakakapaglaro, nakakatakbo at kung anu-ano pa, at paulit-ulit niyang nagugulat ang mga kaibigan niya “Si Hades”, at dumaan ang maraming panahon, henerasyon at oras na ginaya narin ng maraming tao ang gaya ng kay Hades at sa tuwing makakakita silang tao na may suot nito ay naaalala nila si Hades, at hanggang sa naging Shades, at ito nagpapaalala sa isang batang mabait at mapagmahal na kapatid. Parang suot ni PSY diba?

Page 9: Alamat ng shades ppt

MARAMINGSALAMAT

PO!!!