19
“Ang Ama” Salin ni M.R. Avena I. Introduksyon Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikan na mababasa sa isang upuan lamang kung ilarawan. Naglalaman ng mga kwentong buhay na pawang katotohanan lamang at ginagamitan ng malikhaing paraan upang makabuo ng isang kwentong aantig sa puso ng bawat mambabasa. Hindi tulad ng tula na binubuo ng taludtod o kaya’y ng dula na sinasangkapan ng mga dayalogo. Maikling kwento na wala mang sukat at tugma’y makata pa rin ang mga salita. Kwentong hindi man lagyan ng emosyon ang bawat pahayag sa dulo’y may damdamin pa rin na nabubuo. Kwentong akala ko dati’y hindi naman talaga maikli sapagkat umaabot ng ilang pahina ang kabuuan. Ngunit sa lahat ng mga maikling kwentong aking nabasa o natunghayan isa sa tumatak sa aking isipan ang salin ni M.R. Avena. Isang kwentong nagmula sa panitikang asyano ngunit isinalin ni Avena upang higit na maintindihan ng mga Pilipino. Ito’y tumatalakay sa panghihinayang ng isang ama kung bakit hindi niya nagawang ipadama sa anak ang pagmamahal noong nabubuhay pa ito. Ito rin ang unang papasok na kaisipan sa iyo kung nabasa mo na o narinig ang kwentong ito. Batid kong para sa iyo ay sapat na ito ngunit para sa akin ay hindi pa. Hindi pa lubos ang pag-unawa na ginawa mo kung kaya’t andito ako upang tulungan kang palalimin pa ang pang-unawa sa akdang ito. Sa pagsusuring ito’y mababatid mo ang iba pang pahiwatig at kaalaman na nakapaloob sa tekstong binasa mo. II. Layunin Samakatuwid ang pagsusuring ito ay tiyak na magbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga bagay na alam na ninyo sa tekstong ito. Batid natin na lahat nang bagay na ginagawa ay

Analysis Paper

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Analysis Paper

“Ang Ama”

Salin ni

M.R. Avena

I. Introduksyon

Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikan na mababasa sa isang upuan lamang kung ilarawan. Naglalaman ng mga kwentong buhay na pawang katotohanan lamang at ginagamitan ng malikhaing paraan upang makabuo ng isang kwentong aantig sa puso ng bawat mambabasa. Hindi tulad ng tula na binubuo ng taludtod o kaya’y ng dula na sinasangkapan ng mga dayalogo. Maikling kwento na wala mang sukat at tugma’y makata pa rin ang mga salita. Kwentong hindi man lagyan ng emosyon ang bawat pahayag sa dulo’y may damdamin pa rin na nabubuo. Kwentong akala ko dati’y hindi naman talaga maikli sapagkat umaabot ng ilang pahina ang kabuuan. Ngunit sa lahat ng mga maikling kwentong aking nabasa o natunghayan isa sa tumatak sa aking isipan ang salin ni M.R. Avena.

Isang kwentong nagmula sa panitikang asyano ngunit isinalin ni Avena upang higit na maintindihan ng mga Pilipino. Ito’y tumatalakay sa panghihinayang ng isang ama kung bakit hindi niya nagawang ipadama sa anak ang pagmamahal noong nabubuhay pa ito. Ito rin ang unang papasok na kaisipan sa iyo kung nabasa mo na o narinig ang kwentong ito. Batid kong para sa iyo ay sapat na ito ngunit para sa akin ay hindi pa. Hindi pa lubos ang pag-unawa na ginawa mo kung kaya’t andito ako upang tulungan kang palalimin pa ang pang-unawa sa akdang ito. Sa pagsusuring ito’y mababatid mo ang iba pang pahiwatig at kaalaman na nakapaloob sa tekstong binasa mo.

II. Layunin

Samakatuwid ang pagsusuring ito ay tiyak na magbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga bagay na alam na ninyo sa tekstong ito. Batid natin na lahat nang bagay na ginagawa ay may hinahangad na layunin at sa puntong ito, sa pagsusuring ito nais kong mabatid ninyo ang 1.wikang ginamit sa akda, 2. estruktura ng teksto, 3.mensaheng nakapaloob sa teksto, 4.paraan ng may-akda upang ipahatid ang mensahe at 5.ang teoryang nakapaloob dito. Mga layuning ninanais kong maisakatuparan sa pagtatapos ng pagsusuring ito.

III. Pagsusuri

Sa pagsisimula nang aking pagbabasa sa akdang ito’y ang wikang ginamit sa akda ay pangkaraniwan lamang o yung madalas na gamitin sa mga babasahing tagalong. Ngunit ng maglaon ay napansin ko na gumamit ang may-akda ng mga salitang may malalim na kahulugan tulad na lamang ng “haligi ng tahanan” na

Page 2: Analysis Paper

tumutukoy sa ama. Isa pa ay ang “halinghing” na kung ating aalamin ay tumutumbas pala sa hirap sa paghinga. At ang “yaman” na tinutukoy sa akda ay hindi ginto o pera kundi ang pagkain na hinahangad ng mga bata. Kung atin ding mapapansin ay hindi naiwasan ng gumamit siya ng mga salitang banyaga tulad ng “brown na supot” na nabasa ko sa teksto. Hindi naman ako sumasalungat sa paggamit nya ng banyagang salita ngunit batid ko na ang salitang ito ay may katumbas na sa Filipino kung kaya marapat na gamitin niya ito sa ginawa niyang pagsasalin. Ilan lamang ito sa mga punang panglinggwistika na aking nakita sa tekstong sinuri.

Kung ang estruktura naman ng teksto ang ating tatalakayin ay hindi na nating kaylangan pa magduda na ito ay patalata na nasa malayanag kaisipan. Hindi ko alam kung sinunod lamang nito ang orihinal na estruktura ng teksto na nakabase sa mga Asyano o hinaluan ng tagapagsalin ng kanyang sariling tatak. Kung iyong pagmumuni-munihan ay mapapansin mo na ito’y may tatak pa rin ng pagiging Pilipino. Tulad na lamang ng paksang tungkol sa pamilya. Ang mga karaniwang problema na kinahaharap ng mga mag-anak. Sinamahan na din ng panlipunang suliranin na makikinita madalas sa akda ng mga Pilipino. Estruktura na hindi man sa atin nagmula ngunit patuloy natin pinanatiling tatak bilang manunulat.

Sa lahat ng layunin na nais matamo ang mensahe na siguro ang pinaka-inaarok kong maabot. Hindi sa mahirap ito maunawaan kundi dahil nais kong maging mas malawak sa nakikita na ng iba. Sa teksto ay nabatid ang pangkaraniwang problema ng pamilya na ang ama ang kadalasang nang-aapi sa anak at ang ina na laging handang magbigay para sa kapakanan ng nakararami. Pinakita din ang pag-aagawan sa mga bagay na maaari namang paghatian. Ang pagkapanalo ng malalaki at malalakas ang katawan sa anumang bagay. Pangkaraniwang bisyo na sumisira sa pagsasama ng mag-anak at nagiging dahilan ng takot ng mga anak. At higit sa lahat realisasyon na ang bawat pagsisisi ay huli sa nakakamtan. Kaylangan mo magbago habang may buhay pa dahil ang buhay ng tao ay isang misteryo na bigla na lang mawawala na sa isang pagkakamali ay habang buhay na panghihinayang ang kapalit. Ngunit tulad ng nakasaad sa teksto lahat ay may kakayahang magbao maging ano man ang dahilan, ito may huli gayunpaman ang mahalaga ay may natutunan sa minsang pagkakamali.

Ang may-akda ay napakamalikhain sinigurado niya na ang lahat ay makakasabay sa daloy ng kwento. Mga pangyayaring nakikita sa tunay na buhay at maaaring pinagdadaanan din ng mambabasa. Siya’y nagkwento kasabay ng pagbibigay aral at panghihikayat sa kanyang mambabasa. Ipinahatid niya ang mensahe sa pinakapayak na paraan na kung saan ay mauunawaan ng sinuman kahit hindi gamitan ng malalim na pag-iisip. Paraan na humihikayat lalo sa pagbabago na nais niya matamo ng sinumang babasa ng akda.

Page 3: Analysis Paper

Ang akda ay nahahanay sa teoryang realismo na kung saan ay pinapakita ang realidad ng buhay. Ipinamumuka sa mambabasa ang mga bagay na pangkaraniwang nagaganap sa lipunan. Ito ang mga bagay na patuloy na sumisira sa bawat isa na maaaring mabigyan ng solusyon kung mababatid lamang ng mga mambabasa.

IV. Insight

Samakatuwid ay inilahad ng may-akda ang teksto sa pinakasimpleng paraan na alam niya. Isang paraan na magpapakapit sa bawat mambabasa na magpatuloy. Nagbigay-aral siya sa paraan na alam niya at nagpamulat ng mata sa katotohanan na dapat makita. Nahabag ang aking damdamin sa katotohanang hindi man nangyayari sa aking buhay ay tiyak kong naranasan, nararanasan at mararanasan ng iba. Naantig ang aking damdamin sa maladramatikong eksena na aking nabasa. Nakita kong ang isang akdang asyano na hindi man orihinal na Pilipino ay nakapagbibigay katugunan pa rin sa hinahanap-hanap nating mga Pinoy.

V. Konklusyon

Sa madaling sabi ay napanindigan ng akdang ito ang teoryang kinabibilangan nya. Nakamit ang pangkaraniwang wika na ginagamit at maiintindihan ng mambabasa, naipakita ang sariling estruktura, naipahatid ang mensahe na gustong palabasin at higit sa lahat ay nabigyang katuturan ang sariling paraan ng pagsasalin ng akda. Hindi ito tulad ng ibang akda na pawang kasiyahan ang wakas. Binibigyang linaw nito na ang bawat istorya ay hindi laging Masaya katulad ng nakakarami ngunit ano man ang kahinatnan ay ang mahalaga ay may pagbabagong naganap o may aral na natutunan ang bawat mambabasa.

VI. Rekomendasyon

Ang akdang ito ay isang magandang halimbawa kung ang paksa ay tungkol sa pamilya. Walang duda na hasa sa pagsasalin ang gumawa nito at nakaya ilabas pa din ang damdaming naitatago. Para sa akin ay sana dinagdagan niya ng konting pambibitin ang pagkukwento medyo nakakabagot din kasi magbasa kung masyadong medaling hulaan ang mga pangayayari. Dagdagan ng konting pananabik ang mga pangyayari at hindi kailangan na lagi mo ipakain sa mambabasa ang lahat kailangan din ay hayaan mo sila mag-isip kung ano ang mangyayari sa susunod. Sa lahat ng taon ay naaangkop ang ganitong babasahin natiyak na makakapagbigay tulong sa bawat isa.

Page 4: Analysis Paper

“Ang Pamana”

Ni

Jose Corazon De Jesus

I. Introduksyon

Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapalabas sa tunay na makata. Sulatin na ang bawat salita ay may sukat at tugma, mabubulaklak na salita na minsa’y hindi na maarok ng aking isipan. Salitang binubuo ng emosyon ang bawat titik ng damdamin. Isa na marahil ito sa mga bagay na mahirap unawain ngunit kung iyong tunay na susuriin malalaman mong isa ito sa pinakamagandang uri ng panitikan. Hinahasa ang iyong isipan at hinuhubog ang bawat damdamin. Ito’y maaaring maging malaya at walang sinusunod na pamantayan o anupaman. Lahat halos ng tula ay nakapagpapabuhay ng iyong emosyon maging ito man ay lungkot, galit, pagsisisi o maging kasiyahan. Bagamat marami-rami na ding tula ang nagdaan sa aking isipan isa sa mga tumatak sa akin ay ang tula ni Jose Corazon De Jesus na “Ang Pamana”

Isang tulang humaplos sa aking puso at tiyak na maging sa inyo kapag inyong natunghayan. Pagmamahal sa aking ina na sa tuwina’y kaagapay ang umusbong sa aking damdamin. Tulang nagpatunay na walang hihigit sa pagmamahal na maiiwan, higit pa sa materyal na bagay. Batid kong gayundin ang ipinararating ng tulang ito sa iyong pagbabasa kung kaya’t nais kong sumubok na halukayin pa o mas lalong suriin ang tulang kinagisnan mo na marahil sa pagbabasa. Kaya’t sa pagtatapos nito’y hangad kong magkaroon ka ng karagdagang kaalaman sa tulang “ang pamana”.

II. Layunin

Ang pagsusuri ng isang tula ay tiyak na mahirap lalo na’t isa ito sa mga pinakamakatang anyo ng panitikan. Tulang hindi natin madalas mapansin ngunit sa tuwina’y nagpapabuhay sa inyong damdamin. Kaya naman upang hindi tayo mailto ay napagdesisyunan ko na talakayin ang tulang ito sa 3 aspekto: 1. Ang una ay ang kaligirang panglinggwistika, 2. Ikalawa ay ang estruktura ng mismong tula at huli 3. Ay ang mensaheng nakapaloob sa tula maging literal o malalim na kahulugan. Ito ang mga bagay na susubukan nating makamit sa pagsusuring gagawin.

III. Pagsusuri

Unahin na nating ang kaligirang panglinggwistika ng tulang “ang pamana”, kung papansinin ay ang mga salita na kanyang ginamit ay pawang pangkaraniwan lamang ang kaibahan nga lang ay naging malikhain siya sa paraan ng pagpapahayag kung kaya’t aakalain mo na malalalim ang mga

Page 5: Analysis Paper

salitang nagamit sa tula. Halimbawa na lamang ay ang linyang ito “Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;” na kung titignan ay hindi naman talaga mahirap intindihin ngunit dahil sa ganda ng pagpapahayag ay mararamdaman mong mahirap itong maarok. Isa pa ay ang wika ay hindi mo masasabing malalalim talaga ang salita dahil ito’y mga salita din na ating nagagamit.

Kung atin naman susuriin ang estruktura ng tula ay mapapansin mo sa simula pa lang na ito ay nasa malayang taludturan. Wala itong sinusunod na sukat at maging ang pagkakatugma ng bawat salita ay bihira makita. Maaaring maging sanhi ito ng kaguluhan sa pagbasa ng tula lalo na sa mga taong nasanay na binabasa ang tula base sa sukat. Kung gayon ang mangyayari ay hindi nila agad maiintindihan ang diwa ng bawat linya na nais iparating. Isang maikling tula na kinapapalooban ng apat na sakno na pinununan ng siyam na taludtod sa bawat isa. Estrukturang madalas na makita sa mga makabagaong manunulat sapagkat hindi na kailangan ng mga tugmang salita at isa sa pinakamadaling paraan para makabuo ng tula. Hindi maituturing na baguhan sa tula ang may-akda ngunit hindi ba magandang halimabawa na kahit ang tula ay nasa anyong malaya ay nabibigyang diwa niya pa din ang kahulugan ng tula.

Sa lahat ng pamantayan sa pagsusuri ng tula isa sa pinakamahalagang sangkap na masuri dito ay ang mismong mensahe na nais ipabatid ng tula. Kung ating babasahin ang literal nitong inihahayag ang mga pagbibilin ng ina sa mga bagay na iiwanan na niya at ihahabilin sa mga maiiwang mga anak. Hayag na inililitanya ng ina kung kani-kanino nakalaan ang bawat gamit tulad ng pahayag na “Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan”. Ngunit sa tula din ay mapapansin mo na hindi ito mahalaga sa anak kung anuman ang makuha niyang mana dahil mas importante para sa kanya ang pagmamahal na nakukuha sa ina. Mas nanaisin niyang patuloy na makasama ang ina kesa ipagpalit sa mga bagay. Maaaring mabigyan siya ng panandaliang kasiyahan ngunit hindi nang pagmamahal na di mapapantayan ng anu pa man. Ang kagustuhan lamang ng ina ay maging handa sila sa anumang maaaring mangyari sa hinaharap.

Sa tula ay mababatid na ang ina ay laging may malasakit sa kanyang mga anak. Na kahit sa kanyang paglisan ay inaalala pa din ang kapakanan ng mga maiiwan. Na kung titignan ay ayaw man niyang luminsan ngunit pasasaan man ay kakailanganin niya dahil ito ang batas ng buhay kung kaya’t pinangangaralan o hinahabilinan na lamang niya ang kanyang mga mahal na anak. Katulad ng ina ay hayag din ang pagmamahal ng anak na handang gawin ang lahat para lamang mapigil ang paglisan ng ina. Na ni sa kanyang turan ay hindi niya naisip na mabuhay ng wala ang inang pinakamamahal. Ipinakikita na walang hihigit pa sa pagmamahal na iyong maiaalay tumbasan man ito ng materyal na bagay ay mas pipiliin mo pa rin ang ligaya na nadarama sa pagmamahalan ng pamilya. Pamilya na mas matimbang sa lahat ng bagay at sa lahat ng pagkakataon kung kaya’t mas nanaisin mo ang pagkakataon na makapiling sila kesa sa mga bagay na maglilibang lamang sayo nang panandalian.

Page 6: Analysis Paper

IV. Insight

Sa madaling sabi ang tulang ating natunghayan ay nagpapabugso ng damdamin o pagmamahal ng anak sa ina at gayundin ang ina sa anak. Nakamit ng tulang ito ang layunin na ipabatid ang halaga ng pagmamahalan ng mag-anak. Naturuan tayong mamulat sa mga pagkakataong isinawawalang bahala lamang natin ang presensiya ng ina. Ipinakikita niya din sa atin na ang buhay ng bawat tao ay mahalaga. At bawat sandali ay dapat gawing kapakipakinabang sapagkat hindi natin nalalaman na baka ito na ang huli. Pinapakita ng tula na kung gaano siya kalaya ginawa ay ganun din tayo kalaya bilang mambabasa na hanapin ang mensaheng kanyang ibinabatid sa lipunan.

V. Konklusyon

Samakatuwid hindi lahat sa mundo ay natutumbasan ng materyal na bagay. Aanhin mo naman ang mga bagay na lumilibang sayo kung nag-iisa ka sa pagtamasa sa kasiyahang ito. Aanhin mo ang bagay na ibinigay sayo kung mismong ang taong nagbigay nito ay wala na upang saluhan ka sa kasiyahan. Ang buhay ng tao ay sadyang maikli maaaring sa saglit na lingon ay mapawi at mawalang parang bula. Ang mga tulang gaya nito ay hindi nariyan para takutin ka bagkus ay imulat ka sa katotohanan na kailangan mong pahalagahan bawat oras na kapiling mo ang taong mahalaga sayo. Sabi nga nila hindi mo nalalaman ang mawawala sayo hanggat hindi pa nangyayari kung kaya’t nandirito ang tula para sabihing “aantayin mo pa ba ang pagkakataon na mangyari yun o ngayon pa lang ay kikilos ka na at ipararamdam ang pagmamahal na iaalay mo”. Huwag ka nang magdalawang isip kung paano, saan o anong klaseng pagmamahal dahil lahat naman yan ay walang kwenta kungdi rin lang tunay at wagas ang ipinararamdam.

VI. Rekomendasyon

Ang tula ay maganda at napapahatid ang ninanais na makamtan ng mambabasa ngunit gaya nga ng sinabi ko kanina mas gaganda ito kung nalapatan ng tamang sukat at tugma. Pero kung ito rin lang ang magiging dahilan para masira ang tula na minsan kong hinangaan ay mabuti pang panatilihin na lang ang taglay nitong kagandahan. Hindi kailangan na lagi kang sumunod sa nakasanayan minsan din ay kailangan mo humanap ng sariling paraan na kung saan mas maipaparating mo ng mas madali ang mensahe. Hindi ito paglabag sa anuman, ang sa iyo lang ay nakahanap ka ng sariling estilo na mag-iiwan ng tatak sa bawat mambabasa.

Page 7: Analysis Paper

Iba ang Pinoy ni

Princess O. Canlas

I. Introduksyon

Sanaysay na marahil ang pinakamadaling gawin sa mga uri nang panitikan. Hindi mo kailangan maging talentado o anu pa man, kailangan mo lang ay maihayag sa maayos na paraan ang iyong damdamin. Kaya nga ito tinawag na sanaysay sapagkat hinahasa ka nito magsalaysay ng iyong mga puna. Ito na siguro ang kasagutan sa mga nagnanais magsulat ng hindi na kinakailangan ng anomang pamantayan. Ang pagsulat ng sanaysay ay napakasimple lamang, simpleng pagbibigay opinyon sa mga natutunghayan. Kadalasang binubuo ng mga talata na sinasangkapan ng pangungusap. Mayroon din itong iba’t-ibang layunin kung bakit sumusulat na sanaysay bawat isa. Paborito kong basahin sa lahat dahil sa tulong nito ay naiintindihan ko ang mga tao. Madali din itong basahin dahil maikli at tiyak na kaakit-akit ang mga paksa na tinatalakay. Isa na nga sa mga sanaysay na umakit sa akin ay ang sanaysay ni Princess Canlas na pinamagatang “Iba ang Pinoy”.

Isang sanaysay na pinagmamalaki at inihahayag ang kaibahan ng Pilipino sa ibang lahi. Hindi ito gawa nang isang kilalang manunulat pero alam ko naman na sa pagsulat ay hindi mahalaga kung kilala ko o hindi ang importante ay may naibabahagi bilang isang simpleng tao. Isang sanaysay na gawa ng isang simpleng tao na nabubuhay sa isang simpleng buhay na masasabi kong nakapagpalabas ng aking damdamin na ipagmalaki ang lahing Pinoy sa buong mundo. Mga bagay na madalas natin makita ay inilahad niya sa isang sanaysay para lubos na maunawaan. Nais kong suriin at sipiin maigi ang sanaysay na gawa ng isang makabagong manunulat sa aming panahon.

II. Layunin

Sa pagkilatis sa isang sanaysay na tulad nito ay may ilang bagay lamang ako na pupunahin. Una ang kaligirang panglinggwistika at estruktura, mensaheng nais ipaabot ng teksto at ang mismong layon ng manunulat sa paggawa ng sanaysay na ito. Mga pamantayan na hindi naman mabigat ngunit mahalaga naman na lamanin ng isang sulatin na tulad nito. Hindi ako nangangako na sa pagsusuring ito dahil alam ko na ako mismo ay hindi eksperto sa bagay na yaon. Ang batid ko lang ay maihayag ang mga isipin na pumaloob sa akin sa oras na binabasa ko ang akdang ito. Sana’y matulungan ka ng maikling pagsusuri na ito na aking ginawa hindi lang para sa akin kundi para sa lahat na din.

III. Pagsusuri

Page 8: Analysis Paper

Unang-una na sa aking napasin ay ang wikang ginamit ng manunulat sa sanaysay na ito. Hindi pormal at hindi din naman impormal, iyon bang tipong sapat lang para maintindihan ng nakararami. Wika na kadalasan nating makakasalamuha sa pangaraw-araw na buhay. Pero naging malikhain ang manunulat kaya ang wika na akala natin ay natural o simple lang ay naging makabuluhan. Nakita ko din ang paggamit niya ng mga salitang matalinghangga na nagpadagdag kulay sa pagpapahayag na ginawa niya. Napansin ko din ang paggamit niya ng bantas para bigyang emosyon ang bawat salita. Kung susuriin naman ang estruktura ay hanga ako at nasunod niya ang kagustuhan ko. Isang nakakaakit na panimula, malaman na katawan at nakapanghihikayat na pangwakas. Batid ko na tulad ko ay hindi niya din alam kung paano pagkakasyahin ang mga nais ipahayag niya sa isang talata, sapagkat ang bilang ng pangungusap sa bawat talata ay hindi nagkakatugma. Pero sabi nga nila ito ang patunay na marami ka pang mailalaman hindi nga lang sapat ang panahon.

Kung ang mensahe naman ng sanaysay ang iyong tatalakayin, walang duda na ang pagmamalaki sa lahing Pilipino ang kanyang ipinupunto. Inihahayag man na mayroong iba’t-ibang uri o anyo ng mga Pilipino may isang bagay pa din nagbubuklod sa kanila upang kilalanin bilang isa. Binigyang halimbawa ang mga bagay na nagpapakita ng pagkakapare-pareho ng mg Pinoy tulad ng linyang “Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob na pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito o hindi”. Simpleng pagtulong sa kapwa kilala man o hindi ay tatak ng isang tunay na Pilipino. Katangian na bihirang makita sa ibang lahi ngunit patuloy na pinapaunlad sa bansang Pilipinas ng mga Pilipinong lumaki sa ganitong kaugalian.

Kung tatanungin kung ano ang dahilan ng may-akda sa paggawa ng sanaysay na ito? Hindi na maitatanggi pa ang pagmamalaki nang may-akda sa sariling lahi. Isang sanaysay na magpapabuhay sa pagiging nasyonalismo ng bawat mamamayan. Sa mga taong mismong ang lahi nila ay kinukutya na at nagpapanggap na mula sa lahing banyaga. Mga taong minamaliit ang sarili nilang lahi at nagpupumilit tumalikwas sa tunay na lahi. Para sa kanila upang magising sa katotohanan na ang lahi nila na siyang itinatakwil ay mayroong katangian na maipagmamalaki. Katangiang hindi mo matatagpuan sa iba kungdi sa mahal mong Pilipino lamang. Katangian na kung minsa’y nagiging dahilan para hangaan tayo ng mga banyagang nakapaligid sa atin. Ginawa ito upang muling buhayin ang pagmamahal sa sariling lahi na muntik mo nang malimot.

IV. Insight

Samakatuwid ang layon na iyon ng may-akda ay natupad. Gumamit siya ng wikang alam niyang maiintindihan ninuman na tinataglay ang lahing Pilipino. Inilabas ang lahat nang natatagong damdamin na ninanais isigaw sa buong mundo. Gusto niyang imulat ang lahat na sa kabila ng mga masasamang balita

Page 9: Analysis Paper

sa lahing Pinoy ay mayroon pa ring mga bagay na tiyak na tatak pinoy. Ipinababatid niya ang meron tayo at hindi hinahanap ang wala sa ating lahi. Hindi niya ito ginawa para maliitin ang ibang lahi bagkus ay para palakasin ang pananalig ng Pinoy sa sariling lahi.

V. Kongklusyon

Sa madaling sabi ay hindi natin dapat ikahiya ang lahing pinagmulan, hindi natin dapat itanggi ang kinabibilangan dahil hindi mo alam na ang mga kalahi mong ito ang mag-aangat sa iyo sa oras na ibinababa ka na ng nakararami. Huwag mong hanapin ang wala sa iyo bagkus ay ipagmalaki kung ano ang tinataglay. Kung ano ang lahi na kinabibilangan mo ay hindi mababago anumang pilit ang gawin para malihis ito. Ang magagawa mo lang ay ipagmalaki kung ano ang meron ka at huwag ikahiya kung ano ang wala sa iyo. Iyan ang mali sa atin hanap tayo ng hanap ng mga bagay na pilit natin tinataglay bakit hindi na lang natin tanggapin at pagyabungin ang mga bagay na tayo lamang ang nagtataglay. Hindi masama humanga, hindi masama mangarap pero ang masama ay ang labis na paghahangad sa mga bagay na hindi naman itinakda para sa iyo.

VI. Rekomendasyon

Maganda ang hangarin ng may-akda at batid kong nakamtan niya kung anuman ang ninanais. Pero para sa aking higit na maipaglalaban niya ito kung nagbigay pa sya ng ibang halimbawa. Kung pinagyabong pa nya ang mga damdamin na maaaring maramdaman ng mambabasa. maging malikhain siya at tumahak sa ibang bagay na kaugnay ng paksa at hindi nagkakasya sa isang punto lamang. Makadaragdag din kung bibigyang tuon niya ang mga napapanahong pangyayari na pumapatungkol sa lahi nang sa ganoon mas maintindihan ito nang mambabasa. Pero gayunpaman hanga ako sa sanaysay na nagawa niya dahil nabuhay nito ang pagmamahal ko sa sariling lahi. Sana lamang ay ganito rin ang maramdaman ng iba pang makakabasa ng gawa niya.

Page 10: Analysis Paper

Moses,Moses

Ni

Rogelio Sikat

I. Introduksyon

Ang dula ang isa sa pinakamadramang uri ng panitikan. Puno ito ng damdamin at kadalasang binubuo ng dayalogo ng mga karakter. Isang panitikan na naitatanghal sa entablado na kung saan ay mas nabibigyang hustisya ang bawat linya na nasusulat. Dula na hindi man kasing haba ng nobela o kasing ikli nang maikling kwento o kaya’y matalinghaga tulad ng tula ay naipapalabas pa din ang damdamin at mensahe na nais mapabatid. Isa na marahil sa madalas kong kaharapin lalo na’t may mga pagtatanghal na nagaganap. Isa sa pinakamalapit dahil minsan ko ding hinangad na magtanghal ng ganitong uri ng panitikan. At sa mga dulang nakasalamuha ko isa na siguro sa mga tumatak sa aking isipan ang dula ni Rogelio Sikat na “Moses,Moses”.

Isang dulang hindi kapares nang karamihan na tungkol sa pag-ibig o masayang wakas bagkus ay isang dulang puno ng trahedya at hanggang sa wakas ay kabiguan pa rin ang namumutawi. Tumatak ito sa tulong na din ng pamagat na kakaiba ay siyang humihila sa mambabasa. Dula na nagsasabing ang hustisya ay hindi mo dapat ilagay sa iyong kamay dahil ito ang mas lalong magdidiin sa iyo sa kinalalagyan. Dulang ninais kong suriin upang mas maiparating ang inilalahad ng manunulat. Pagsusuring hindi nakabase sa dulang itinatanghal kungdi sa mismong dula na kwento nang buhay.

II. Layunin

Isang pagsusuri na kakaangkupan ng mga layunin na aking binuo. Ang akdang ito ay susuriin ko sa tatlong aspekto: una ay ang panglinggwistika, menashe na nakapaloob, at huli ay ang kaugnayan nito sa lipunan. Mga pamantayan na unang naisip nang mabasa ko ang akdang ito. Mga na ninanais ko maisakatuparan sa pagtatapos ng pagsusuring ito kasabay ng pagtupad ng may-akda sa nais iparating sa akin bilang isang mambabasa. at kasabay ng pagtupad naming sa sariling mga layunin ay ang pagdagdag pag-unawa mo sa akdang inakala mong pangkaraniwan lamang.

III. Pagsusuri

Kung iyong mababatid ay tulad ng pangkaraniwang dula ito ay gumagamit nang wikang angkop sa bawat lusaran. Wika na maiintidihan ng sinumang nanaisin basahin ang akdang ito. Iyon bang wikang hindi na kakailanganin ng patnubay ng magulang o ng diksyunaryo sa tabi. Hindi ko alam kung ano ang

Page 11: Analysis Paper

pamantayan sa isang dula ngunit sa tingin ko naman ay natugunan nito ang mga iyon lalo na’t katha ito ng isang kilalang manunulat.

Dadako naman tayo sa mensahe na ipinababatid ng dula. Marahil ay paborito ko nang talakayin ang mensahe at tulad ng mga nauna isa ito sa mga mahalagang nilalaman ng isang akda. Sa dula ay pinakita ang hindi pagtamo sa pantay na karapatn ng mga tao. Isang halimbawa at patunay ay ang litany ni tony na “Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig.” Mga litanyang hindi lamang natin matutunghayan sa dula ay makikinita din natin sa realidad na kinahaharap. Ang mga trahedya dito ay masasabi mong masyadong madrama pero kung iyong susuriin ay tiyak naman na nangyayari sa totoong buhay. Gusto ipalabas nang akda na anumang gawin kahit na ilagay mo sa iyong kamay ang hustisya ay mas lalong magiging problema. Ang problema kapag napagdesisyonan ng padalos-dalos mas lalong lalala at lalaki bakit hindi mo hayaang makapag-isip ka nang mabuti at malalaman mo kung ano ang talagang nararapat na solusyon. Isa pa sa tumatak sa aking isipan ang sa tuwina’y pagtatanggol ng ina sa kasalanang ginawa ng anak. Ngunit minsan ang sa ating pagtatangka na mawasto ang kanilang kamalian ay tayo pa mismo ang naglalagay sa kanila sa kapamahakan.

Pero sa lahat nang maaring maging paksa bakit ito ang napili ng manunulat? Siguro ay pinatotohanan niya lamang ang sinasabi ng nakararami na “ang panitikan ay salamin ng lipunan”. Maaaring noon mga panahong yaon ganito ang nangyayari sa lipunan. hindi natin ito maitatanggi dahil hanggang sa panahon ngayon ay ganito pa rin ang nangyayari. Sa tuwina’y laging ang malalakas at makapangyarihan ang nananalo at kadalasan ay umuuwing luhaan ang mahihina at mahihirap. At madalas na pangyayaring sila na lamang ang naglalagay ng hustisya sa kanilang kamay sa paniniwalang kahit paano ay nakabawi sila sa gawing ito. Mga pangyayaring madalas mangyari sa ating lipunan ngunit hindi naman maiwasan dahil na rin sa pader na binubuo ng lipunan sa uri ng mamamayan na pinamamalakadan.

Isa pa sa mga nabatid ko ay ang kaugnayan ng pamagat sa lipunan. hindi lingid sa ating kaalaman na isa si Moses sa mga nagin apostoles ni Kristo na siyng nagpatupad ng 10 utos ng Diyos. At isa sa sampung utos na kanyang inilahad ay “huwag ka pumatay ng kapwa mo” na nalabag sa akda pati na rin sa totoong buhay. Kasalanang minsa’y sadya at kadalasan ay hindi naman talaga dahil ang nais lamang ay maipagtanggol ang sarili. Ngunit ano pa man ang maging dahilan ay maiiwan pa ri ito bilang kasalanan dahil pumatay ka pa rin at nilabag ang utos ng Diyos.

IV. Insight

Sa madaling sabi ay inilalahad nito ang hindi pantay na paghahangad ng hustisya. Kung kaya’t nauuwi sa desisyon ng nakakarami na sila na mismo ang

Page 12: Analysis Paper

maglagay ng hustisya sa kanilang kamay at baka sakaling mas matamasa pa nila ito kesa mag-antay sa wala. Inihahayag din sa ang kanyang gawin ng kasapi ng pamilya para sa minamahal niya. Pinakita din na kung minsan sa labis nating pagtatanggol sa mga taong mahal natin ay sya pang nagiging dahilan para malagay sila sa kapamahakan.

V. Konklusyon

Bilang paglalahat hindi natin dapat na kainin tayo ng galit para maghiganti sa taong kinasasamaan ng loob. Hindi ko sinasabi na magsawalang bahala at mag-antay na lamang ang sa akin lamang ay idaan sa tamang lugar ang bawat aksyon na gagawin hindi lang para sa kapakanan kungdi sa kapakanan din ng mga taong patuloy na nagmamalasakit sa iyo. Sa bawat kilos na gagagawin ay alalahanin na hindi lamang ikaw ang maapetuhan maging sensitibo din sa magiging epekto nito sa iyong kapwa.

VI. Rekomendasyon

Sa aking palagay ay masyadong matrahedya ang kinalabasan ng dula. Hindi sa sumasalungat ako ditto batid kong nais lang ng may-akda na mamulat ang mambabasa ngunit sa tingin lagyan nya ito dapat ng konting kasiyahn at hindi pana’y kalungkutan lamang. Siyang tuna’y na makata ang manunulat at halatang may pinaghuhugutan sa paglikha nito dahil sa damdaming lumalabas sa tuwina’y nababasa ang akdang ito. Isang akdang puno man ng kalungkutan at paghihiganti ay mayroon pa ring aral na matutunan.

Page 13: Analysis Paper

Pagsusuring Papel

sa

Literatura ng Pilipinas

Ipinasa ni:

Imee Y. Aduna

II-12 BSE-Filipino

Ipinasa kay:

Prof. Marquez