16
PANUNURING PAMPELIKULA “And I Love You So” BEA ALONZO, SAM MILBY AND DEREK RAMSAY

and i love you so

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: and i love you so

PANUNURING PAMPELIKULA

“And I Love You So”BEA ALONZO, SAM MILBY AND

DEREK RAMSAY

Page 2: and i love you so

I.PANIMULA

“AND I LOVE YOU SO”

SULAT NI G. ARNEL CO

DIRECTOR: LAURENTI M. DYOGI

Page 3: and i love you so

II. BUODSi Lara ay isang guro at nagmamay-ari ng paaralang kanyang tinuturuan, na iniwan ng kanyang asawang si Oliver dahil namatay ito sa sakit na aneurysm limang buwan pagkatapos ng kanilang kasal. Limang buwan na nakalipas mula ng pagkamatay ng kanyang asawa ay nakilala niya si Chris, isang gwapong lalaking nahihirapan sa pagtataksil ng kanyang asawa. Naging magkaibigan sila kasi si Chris ang umuupa sa Condo ni Lara. Sa pagdaan ng mga araw, ang kanilang pagkakaibigan ay lumalim hanggang hindi nila namalayan na mahal na nila ang isa’t isa ng higit pa sa isang magkaibigan. Subalit, kung kailan natutunan ng mahalin nila ang isa’t isa saka naman dumating ang dating asawa ni Chris, na humihingi ng tawad sa

Page 4: and i love you so

pagkakamaling kanyang nagawa at handa itong gawin ang lahat para magkabalikan silang mag-asawa. Kaya ng malaman ni Lara na dumating ang asawa ni Chris, akala tuloy niya na nagkabalikan na ito kaya labis siyang nasaktan, hindi niya matanggap ang katotohanan, naging sirado ang kanyang puso’t isip sa mga paliwanag ni Chirs. Kaya lumayo na lang si Chris, nag punta sa ibang bansa para maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman at para magbagong buhay

Page 5: and i love you so

na rin, hindi siya nagkigbalikan sa kanyang dating asawa dahil hindi na niya ito mahal. Sa paglayo ni Chris, nalaman ni Lara ang buong katotohanan . Mahal na mahal niya si Chris at hindi niya kayang mabuhay ng wala ito sa kanyang tabi. Lumipas ang ilang taon, bumalik ng Pinas si Chris at nalaman ito ni Lara kaya pinakakaabangan niya ito. Isang araw, may dumaan na lalaki na nagmamaneho ng motorsiklo sa tabi ni Lara at akala tuloy niya ay si Chris iyon kaya hinabol niya ito, tinakbo niya ang pagkalayo-layo na walang suot na sapatos

Page 6: and i love you so

ngunit ng huminto ang motorsiklo ay nadismaya si Lara dahil hindi ito si Chris,ang pinsan pala ito ni Chris at itinuro ng pinsan ni Chris ang lalaking nasa loob ng sasakyan. Sa pagbaba ni Chris, may kasama siyang isang buntis na babae akala tuloy ni Lara na asawa ito ni Chris subalit asawa pala ito ng abogadong pinsan ni Chris. Kaya sa puntong iyon napagtanto ni Lara na binatang-binata si Chris at napagusapan nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Nagkasundo ang kanilang dalawang puso.

Page 7: and i love you so

Naging magkasintahan sila at magkasama nilang hinarap ang hamon ng buhay at doon nagsimula ang bagong buhay ni Lara na kasama ni Chris.

Page 8: and i love you so

III. PAGSUSURIA.Uri ng Pelikula: Romance, Drama, Love story

B. Kaanyuan ng pelikula:

1. Tema: “ A love story na nagsasabi na huwag matakot na umibig muli at uli “

2. Paksa: tungkol sa dalawang taong nagmahal, nabigo, at nasaktan.

3. Kasukdulan- yung nalaman na nila Chris at Lara na mahal na mahal na nila ang isa’t isa. Subalit kung kailan nila ito nalaman, ay saka dumating ang dating asawa ni Chris na nagsusumamo na patawarin na niyo ito dahil nagsisisi na daw ito sa pagkakamaling kanyang nagawa.

4. Pangunahing Tauhan:

Lara (Bea Alonzo)

Oliver (Derek Ramsay)

Chris (Sam Milby)

Page 9: and i love you so

C. Istilo ng Paglalahad: Madaling maintindihan ang kanilang istilo ng paglalahad, simula hanggang katapusan. Talagang maiintindihan mo dahil sunod-sunod ang pangyayari kung baga sa ipinakita nila kung paano nagkakakilala sina Oliver at Lara, paano sila nagmahalan at kung paano nila minahal ang isa’t isa. Madali mong maiintindihan ang daloy ng pangyayari sa kwento.

Page 10: and i love you so

D. Matayutay: Di sila gumamit ng mga mataling hagang mga salita. Ang ginamit lang nila ay yung mga karaniwang tagalog at may kasamang Ingles.

E. Reaksyon sa mga Tauhan: Ang mga tauhan sa pelikula ay maga-galing kapag nanood ka. Akala mo talagang nangyari ito sa totoong buhay. Naipakita ng mga tauhan na talagang ginawa nilang mabuti ang kanilang lahat na makakaya para maging matagumpay ang pelikula.

Page 11: and i love you so

F. Reaksyon sa mga galaw ng pangyayari: Ang pangyayari ay sunod-sunod. Para sa amin, okey lang ang pagkakasunod ng mga pangyayari mula sa simula hanggang sa katapusan.

Page 12: and i love you so

IV. PANANAWA. Sosyolohikal- ang lipunan ay maganda, nakakatulong ang

magandang lipunan para maging maganda ang daloy ng pelikula. Ang lahat ng tao na nasa lipunan ay buong pusong nakihalobilo sa lahat.

B. Sikolohikal- dapat maging positibo sa lahat ng mga problema at pangyayaring kinakaharap.

C. Realismo- lahat ng tao dito sa mundo ay mamatay at hindi natin alam kung kailan tayo mamatay kaya dapat maging handa sa dapat mangyari sa atin at sa mahal natin sa buhay.

Page 13: and i love you so

V. BISANG PAMPANITIKANA. Bisa sa isip-huwag mong sasayangin ang buhay mo

dahil lang nawalan ka ng mahal sa buhay at dapat ituloy mo pa rin ang buhay mo.

B. Bisa sa damdamin- umiiyak siya sa sasakyan habang umiinom ng alak; tumakbo na walang suot na sapatos para habulin si Chris.

C.Bisa sa kaasalan- natakot siya magmahal ulit dahil para sa kanya para siyang nag taksil sa kanyang pumanaw na asawa.

Page 14: and i love you so

VI. EBALWASYON

Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na pumili kung sinong tauhan ang pipiliin ko, ang pipiliin ko ay si Lara. Para sa akin, nararapat akong maging si Lara dahil sa magkapareho kami ng kapalaran pagdating sa pag-ibig at kaya pinili ko siya kasi alam ko na kaya kung maging isang bidang babae sa isang pelikula, sa aking palagay kaya ko rin maging si Lara.

Page 15: and i love you so

VII.

Kaya pinamagatan na And I Love You So ang pelikula dahil napatunayan nina Lara at Chris na kahit ilang taon pa ang lumipas, mananatiling mahal nila ang isa’t isa. Kahit sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap ay hindi pa rin nawala ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Page 16: and i love you so

VIII.

Para sa amin, sang-ayon ako na palabas ito sa publiko dahil di naman malaswa ang mga eksina kaya pwedeng-pwede itong ipalabas. Ang pelikulang ito ay nagbibigay inspirasyon sa mga taong nabigo sa pag-ibig, at dapat kung nasaktan ka man sa iyong unang pag-ibig, huwag kang matakot na umibig muli.