10
Mga Nilalaman: Mga Balita 2 Daluyan React 3 Komentaryo: Pagod na ba Tayo Maging Pinoy? 4 Silip: Interbyu sa Isang DB 5 Komentaryo: TRG vs CC 6 Features 7 Sipat: UP Manininda 8 Book Rebyu/NatSit 9 Ang Bukal 10 ang daluyan ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG U.P. BUKLOD - ISIP PANG - ANIBERSARYONG ISYU - UNANG SEMESTRE - SY 2005 - 2006 24 Na taon na ang Bukluran! Patuloy na Pag-papaalab at Pagsasabuhay ng Sikolohiyang Pilipino sa Loob at Labas ng Akademya Oo kaibigan, 24 na taon na ang Bukluran. Sandali nating balikan ang ating nakaraan… Sino nga ba ang makakalimot sa isang samahang nabuo dahil sa isang pangarap ng mga estudyante na makapagdulot ng pagbabago sa kanyang lipunan? Isang samahang nabuo at binuo dahil sa pagmamahal natin sa ating sari ling angkan. Isang samahang pinagtibay na panahon, pinagyabong ng mga karanasan, binuklod ng pagkakataon. At ngayon, patuloy pa rin tayong nakikibaka. Patuloy na sinusuong ang mga hamon ng ating lipunan. Patuloy na isinusulong ang mga adhikain. Sama-saman g inaabot ang layunin para sa isang Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya. Kaibigan, 24 na taon na ang Bukluran. Bibilang pa rin ng taon ang kinabukasan.

ang · PDF fileSiya ang dating emperador ng Hapon, noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. ... kasalikuyan, maraming mahalagang pangyayari na rin ang naganap

Embed Size (px)

Citation preview

Mga Nilalaman:

Mga Balita 2

Daluyan React 3Komentaryo: Pagodna ba Tayo MagingPinoy? 4Silip: Interbyu saIsang DB 5Komentaryo:TRG vs CC 6

Features 7

Sipat: UP Manininda 8

Book Rebyu/NatSit 9

Ang Bukal 10

a n g d a l u y a nA N G O P I S Y A L N A P A H A Y A G A N N G U . P . B U K L O D - I S I P

PANG-ANIBERSARYONG ISYU -UNANG SEMESTRE- SY 2005-2 00 6

2 4 N a t a o n n a a n g B u k l u r a n !Patuloy na Pag-papaalab at Pagsasabuhay ng

Sikolohiyang Pilipinosa Loob at Labas ng Akademya

Oo kaibigan, 24 na taon na ang Bukluran. Sandali nating balikan ang ating nakaraan…

Sino nga ba ang makakalimot sa isang samahang nabuo dahil sa isang pangarap ng mga

estudyante na makapagdulot ng pagbabago sa kanyang lipunan?

Isang samahang nabuo at binuo dahil sa pagmamahal natin sa ating sari ling angkan. Isang

samahang pinagtibay na panahon, pinagyabong ng mga karanasan, binuklod ng pagkakataon.

At ngayon, patuloy pa rin tayong nakikibaka. Patuloy na sinusuong ang mga hamon ng ating

lipunan. Patuloy na isinusulong ang mga adhikain. Sama-samang inaabot ang layunin para sa isang

Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya.

Kaibigan, 24 na taon na ang Bukluran. Bibilang pa rin ng taon ang kinabukasan.

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

mest

er0

5-06

Ngayong linggo, Agosto 8-13, 2005 ay nagdiwang angUP Buklod-Isip ng ika-24 nitong Linggo ngAnibersaryo, na may temang “Patuloy na Pagpapaalab atPagsasabuhay ng SP sa Loob at Labas ng Akademya”.Nagkaroon ang Buklod ng iba’t ibang gawain upangipagdiwang ito.Lunes: Naganap ang Kakaibang Kakaning Kapinoyan,ang libreng pakain na dinaluhan ng iba’t ibang mag-aaral, faculty at istap sa Palma Hall Annex (PHAn). Angmga pagkaing ito ay ibinigay ng ilang Bukids na nagnaismag-pledge. Kahit wala namang limitasyon kung anoang klase ng pagkaing maaaring dalhin, nag-umapawang kakanin sa libreng pakain. Maliban sa pansit aynagkaroon ng sapin-sapin, puto at cassava cake.Martes: Dapat naganap rin ang pagbubukas ng eksibit saPHAn noong Lunes, ngunit dahil sa komplikasyon aykinailangan itong palitan, kung kaya’t noong Martes nalamang ito naganap.Naganap rin sa araw na ito ang Discussion Group (DG),na umikot sa isang dokyumentaryong ipinamagatangDreamweavers, na ipinakita bago magsimula angusapan. Ito ay dinaluhan hindi lamang ng mga Kids,kundi pati na rin ng ilang taga-konseho ng CSSP, mgamag-aaral ng Sikolohiya, ni Sir Tonton at ni Ate Tin DV.Dumalo rin si Prop. Atoy Navarro upang magbigay ngintroduksyon sa usapin ng paksa.Miyerkules: Naganap ang Kid’s Day sa AklatangVirgilio Enriquez (AVE). Nagkaroon ng iba’t ibang larotulad ng charades, at trivia contest.Huwebes: Dinaos ang Paper Sharing na may temang“Damdaming Pinoy, Karanasang Pinoy” sa AVE. Ilan samga papel na ibinahagi ay ang “Pag-ibig at Pandama” niJe, isang anthropological paper ukol sa paggamit ng mgaPilipino sa metapora ng pandama upang ilarawan angpag-ibig, na isinagawa gamit ang maka-Pilipinongparaan ng pananaliksik; ang “Konsepto ng Manhid” ninaArla, Je at Louise, isang papel na isinagawa para saPsych 135; at ang “Spirits In the City” nina Chinnie,Melai, HaiHai, Mikko at Jenny, isang papel na ipinasanila para sa Psych 118 ukol sa mga makabagongalbularyo ng mga taga-siyudad, ang Spirit Questors.Sabado: Ang Gabi ng Anibersaryo aygaganapin/ginaganap/ginanap (depende kung kalianninyo binasa ang artikulong ito) sa CSWCD 2nd Floor.Kasabayan nito ay ihahandog rin ang bagong website ngBuklod. ++++

ANG LINGGO NG ANIBERSARYO

MGA PAKULO’T PALAISIPAN

Mayroon bang recycling drive? Garage sale?Eksibit? A, hindi, gumagawa pala ng visual aids angLUPAG.

Noong Hulyo 6 , 13, 20 at 27 ay isinagawa ngLupon ng Pag-aaral at Pananaliksik ang mga SPWorkshop, na kanilang ini-reformat upang magkaroon ngmas maraming games at malagyan ng pakulong kanilanginasahang makakatulong upang hindi maubusan ngenerhiya ang mga dumalo.

Ito ay ginanap sa iba’t ibang silid-aralan saPHAn at Palma Hall. ++++

Diskusyon… Twingkel, twingkel, litel istah….

KILALA NIYO BA SI EMPERORHIROHITO?

Ni: IvySiya ang dating emperador ng Hapon, noong

panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Ang mismong araw na itinatag ng Buklod

noong 1981 ay siya ring araw na idineklara ng Japan angkanilang pagkatalo sa world War II noong 1945. Hindiiyon ang katapusan ng buong digmaan, ngunit para samga Pilipino ay parang ganoon na rin iyon.

Hindi naging maganda ang panahon ng WWIIpara sa mga Pilipino. Maraming nangyari na hanggangngayon ay nakaukit pa rin sa utak ng mga Pilipino. Ditonangyari ang Death March, at dito rin naranasan ng mgatinatawag na Comfort Women ang matinding kahirapan,sakit ng katawan at matinding kahihiyan.

Hindi masaya ang magahasa ng paulit-ulit saisang araw ng iba’t ibang sundalo. Ngunit hanggangngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya. Ang mgasundalong nagpahirap sa kanila ay malaya pa rin o kaya’ylumisan na palayo sa kapit ng pisikal na mundo. Isa-isa naring nawawala ang mga biktima ng karahasan dahil sasakit at katandaan.

Sabi ng kababaihan ay hindi sapat ang pera naibinibigay ng gobyerno bilang paumanhin sa kanilangmatinding kahihiyang naranasan. Kahit taliwas saprinsipyo nila ang pagtanggap ng pera mula sapamahalaan ng Hapon ay nag-iisip na rin silang kunin itopara lang makabili ng gamot, dahil marami na silangkaramdaman. Isa-isa na rin silang nawawala.

Ngayon na ang ika-60 taon mula nang tumigilang pananakop ng mga Hapon sa ating bansa. MaligayangAnibersaryo. ++++

LUPAP BT, NAGBITIW SA PUWESTO

Pagkatapos ng ilang buwan sa pagiging BosTsip ng Lupon ng Paglalathala at Publisidad (LUPAP) aynagbigay ng opisyal na sulat ng pagbibitiw si LeiCatherine Obong sa Lupon ng Kasapian noong Agosto11, 2005.

Ayon kay Lei, siya ay napilitang magbitiw sapuwesto upang maasikaso ang kanyang pag-aaral. Dahilsa madalas na pagkakasakit at panghihina ng katawandulot ng stress sa pagtatrabaho sa LUPAP at sa biyahemula Muntinlupa hanggang Diliman ay hindi na niyanagagawa ang kanyang mga tungkulin bilang estudyante.

Magkakaroon ng nominasyon sa pagpili ngpanibagong BT ng LUPAP sa susunod na linggo. ++++

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

mest

er0

5-06

D a l u y a n R e a c t

Tinatayang samu’t –sari pang mga isyu anglulutang sa pag-usad ng kasong ito. Maliban pasa kontrobersyal na mga mansion ng asawaumano ni Erap, tinatayang magiging mahaba,mabusisi at mainit ang pagdinig sa kasong ito.

Sa linggong ito, sinimulan na ang paglilitissa Pangulo ng Pilipinas -- ang kauna-unahansa kasaysayan. Tiyak na susubaybayan ito ngmidya bagaman magiging mahigpit at limitadoang pagsasagawa ng coverage. Tiyak rin namilung iinit ang mga kalsada patungongSenado sa panahon na ito ng papaskuhan dulotng di-maampat na mga kilos-protesta. Subalit ditiyakl kung tayo bilang mga estrudyante atmamamayang Pilipino ay may sapat nakaalaman sa paikot-sikot ng isyung ito.Kaalamang sapat upang makagawa tayo ngating desisyon sa kung sino ang paniniwalaan.Oo, marahil nakakalito para sa atin ang iba-ibang pahayag ng mga grupo bagaman iisa angrally. “Erap Resign”, “Resign All” at “ImpeachErap” ang ilan sa mga ito. At hindi rin namanmaitatanggi na may mga sarilingpagapapahayag rin ang mga grupong ito na pilitnilang isinusulong. Lubhang malaki na angisyung ito.

Habang isinasagawa ang paglilitis na ito,huwag sana tayong maging mga pisping saksi.Huwag nating hayaan na kasabay ng pagkupasng isyu at pagpayapa ng gabi ay ipagkibit-balikat na lang natin ang mga kaganapan.Makialam tayo. Magdiskusyon at magpahayag.Bilang mga Iskolar ng Bayan, bilang mgaBukids at bilang mga Pilipino hindi dapatdumaan, kumupas, lumabo at matabunan saating alaala ang mga kinakaharap natin. Bakit?Dahil ngayon, hingit kailanman, kailangan tayong bayan. ++++

K a i l a n g a n T a y o n g B a y a nNi: Flora (Daluyan – Nob.-Dis. 2000 Issue)

Araw-arawNi: chrystal_water5

Hindi naman tayo na time warp di ba? Batay kasi sa mga kasalukuyang pangayayari sa bansa ay parang natrap tayo sa isang time capsule. Wala pang limang taon ang nakalipas ng binagyo ang bansa ng mga isyu ng jueteng,impeachment at samu’t-saring pangungurakot sa ilalim ng administrasyong Estrada. Ngayon taong 2005, pareho nanaman ang mga kontrobersiya na kinahaharap ng Pilipinas. Dumagdag pa dito ang kagimbal-gimbal na pandaraya saeleksyon.

(Continued on page 4)

Sa linggong ito inumpisahan ang pagdinigng kauna-unahang kaso ng impeachment labansa pangulo ng Pilipinas. Sa mga nakalipas nalingo, hindi mabilang na mga rally at konsiyerto naang ginanap sa pangunguna ng mgaorganisasyon buhat sa iba’t-ibang antas nglipunan bilang pagpapahayag ng kanilangdamdamin sa mainit na isyu na ito na animo’ynagpapalagnat sa ating bayan. Ngunit hindi natinmaitantanggi na kung minsan ay nakakabingi narin ang ingay ng mga protesta, nakakasawa nangmapanood ang mga pulitikong kaduda-duda rinnaman ang intension at nakakatuliro nang himayinang bawat istoryang kakabit ng mga isyung ito.Kung minsan, simpleng nakakapagod na,nakakasawa.

Mula sa pagputok ng balita tungkol sakoneksyon ng presidente sa jueteng hanggang sakasalikuyan, maraming mahalagang pangyayarina rin ang naganap. Nariyang marinig natin angtestimonya ni Yolanda Ricaforte, ang sinasabingauditor ng presidente, at si Gov. Singson at ngkanyang mga sekretarya na nagpaigting namansa pagkakasangkot ng presidente sa jueteng.Matatandaan na ilang miyembro na rin ngadministrasyon na galing sa mayorya (LAMMP)ang kumalas sa partido na ang iba ay pumanig saoposisyon at ang iba nama’y nanatiling “neutral”.Balot rin ng kontrobersya ang pakikisangkot ngreligious sector sa isyung ito. Animo’y nagingpaligsahan ng paramihan ng mga kapanalig atiba’t-ibang sekta tuwing may rally. AmgSimbahang Katoliko sa pangunguna ni CardinalSin para sa United Opposisyon at ang mga Iglesiani Kristo kasama ang El Shaddai para saadministrasyon. Subalit hindi malilimutan angkakaibang ginawa ni Cong. Villar upang maipasaang articles of impeachment sa Senado, noongsiya ay naiangat sa ang pagdinig ng Senado.

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

mest

er0

5-06

(From page 3)Hindi na bago ang mga tinig-protesta ng libu-libong

taong bayan sa kalye. Kung iisipin, hindi bihirang imahensa Pilipinas ang mag-buklod ang mamamayan upangpagsilbihan ito at makisangkot sa isyu. Ang mgapagakakataong ganito ang nagpapatunay na: (1)kailangan tayo ng ating bayan at (2) handa naman angPilipinong tumugon sa nasabing pangangailangan.

Gaya nga ng sinabi ni Ate Flora “…kailangan tayong bayan.” Idiniin niya na huwag sanang maging piping-saksi ang mga Pilipino: makialam, magdiskuyon atmagpahayag. Sumasang-ayon ako sa lahat ng ito, atmasasabi ko ring na sa maraming pagkakataon ayginawa na ito ng Pilipino. Ngunit gusto ko lang idiin nasana gawin natin ito araw-araw. Huwag na nating hintayinang “pagkakataon ng krisis” upang isagawa ang atingresponsibilidad sa bayan. Huwag tayong maging piping-saksi sa araw-araw at makibaka lang tuwing may tutunogang “crisis alarm”.

Araw-araw tayong Pilipino (na kinakanlong ng atingbayan) kaya nararapat din na araw-araw natin itongpagsilbihan. Naniniwala ako na dumadaan tayo (atpatuloy na magdadaan) sa mga ganitong pagsubok dahilhindi pa tayo natututo magmasid at makialam araw-araw.Hindi pa ito automatic sa atin. Madalas kapag hindi pahayag ang problema ay nagre-relax tayo at minsan aybulag pang nagpapagamit sa mga mapagbalat-kayongsakim ng lipunan. Ika nga: “we let our guards down”.

Kung araw-araw nating sisikapin gawin ang mgaresponsibilidad natin sa bayan ay baka hindi na natinpinagdaraanan ang ganitong sitwasyon. Hindi ko sinasabina dapat araw-araw ay mag-rally, ang ibig kong sabihinay dapat araw-araw magmasid tayo at gawin ang atinghigit na makakaya para sa ikabubuti ng ating bansa saating lugar na ginagalawan. Maraming paraan angpakikibaka at maglingkod sa bayan, tulad na lang ngpagboto ng nararapat, pagre-report ng mga lumalabag sabatas at paghuhusay sa pag-aaral o pagtratrabaho. Ilanlang iyan sa mga paraan ng pakikibaka.

Marami ng beses tayong umaksyon at nagingaktibong ahente ng pagbabago para sa ating bansa,kailangan nalang natin ng disiplina at konsistensi sapaggawa. Huwag na nating hintayin ang pag-timbre ng“crisis alarm” upang umaksyon. Ang pagbabago aymaaaring magsisimula sa isa taong may disiplina sapaggawa ng tila maliit na bagay.

Ang pagka-Pilipino natin ay nakatatak sa atingkatauhan. Hindi ito parang school ID na isinusuot kungkalian nahaharap sa pagsubok ang bayan. Nararapatlang na tuparin natin ang responsibilidad natin bilang mgaPilipino araw-araw. Hindi tulad ng isang school project namaaring i-cram, ang pakikibaka ay isang gawaingkailangan ng konsistensi.

Tulad ng paghinga natin ay sana maging konsistent(at kung maaari automatic) tayo sa ating paglilingkod sabayan sa higit ng ating makakakaya. Bakit? Dahilkailangan tayo bayan araw-araw.

Pagod na ba tayo maging Pilipino?*kc

Ito ang bumungad na tanong sa akinhabang ako’y nagmumuni-muni sakasalukuyang nagaganap sa ating bansa.Digmaan, korupsyon, destabilisasyon, terorismo,kaguluhan – iyan ang naipipintang larawanngayon sa Pilipinas. Dahan-dahang gumuguhoang mga pangarap sa bawat krisis nanararanasan. Pilit mang tumatayo, pinatutumbang mga bagyong rumaragasa sa ating bansa.May mga mamamayang tila tinalikuran na nggobyerno. Sawa na sa kanilang mga buhay angkaraniwang mamamayang Pilipino. Hindiumuunlad ang pamumuhay at pagkatao. Kungganito ang ating kalagayan, sino nga ba anghindi magsasawa maging isang Pilipino?

Pero hindi naman laging puro pasakit angmaging isang Pilipino. Isang lahing makulay angkaranasan at kasaysayan, malayo na ang atingnarating bilang isang bansa.

Nalampasan natin at naging matagumpaytayo laban sa daan taong pagkakasupil ng iba’tibang dayuhan.Mga kaibigan, higit isang daangtaon na natin ipinagdiriwang ating pagigingmalaya.

Minsang hinangaan ng mundo dahil sakatapangan at pagkakaisa bilang isang bansa ngpatalsikin ng mamamayang Pilipino ang isangdiktaturyang gobyerno noong EDSA 1.

Pinagtibay ng luha, pagkabigo, karanasanat tagumpay, umaasa pa rin tayong balang araway makakaahon tayo sa pagkakalugmok.

Pilit binibigkis ang natitirang pagkatao,taas noo pa ring humaharap sa buong mundo.Pilit pa rin pinapasaya ang mga sarili sapamamagitan ng pagpapatawa na nakikita saating mga Pinoy jokes. Pagtingin sa kagandahanng buhay bagamat pangit ang nangyayari.

Sa gitna ng kalamidad, nakukuha pa ringsumayaw at kumanta. Patuloy na umaasa sa athindi bumibitiw sa kapangyarihan ng Maykapal.Ngunit hindi nanatiling pasibo sa daloy kaya sagitna ng kahirapan umiisip ng iba’t ibangparaan upang mapunuan ang kakulangan.

Bakit hindi ka malulugod na maging isangPilipino? Oo, nakakapagod, ngunit ibig sabihinba nito ay kailangan natin sumuko? Sino pa angaasahan natin magmahal at aantayin natingmagmalasakit sa ating bansa kung hindi angating mga sarili? Kung hindi pa sapat angkadahilanang ito upang hindi tayo mapagod sapagiging Pilipino at gisingin ang ating diwangnasyonalismo, sabihin niyo po sa akin kung ano.++++

an

gd

alu

ya

na

nn

ivissu

eu

na

ng

seme

ster

05-0

6S i l i p Interview sa isang Dalagang Bukid

Si Bb. Paula Bianca Garcia ang LUPAPBT ng nakaraang taon ay siya na ngayongBTT ng UP Buklod-Isip. Sino nga ba siBianca sa loob at labas ng pagiging BosTsip Tsip?

P: Ano ang sikreto mo sa pagbabahagi ng oras mo sa mahahalagang bagay?B: Wala, katulad lang ng ibang tao may oras sa lahat ng bagay. May oras sa pagbabasa ng readings, paggawa ngassignments and papers, may panahon sa pamamahala ng Buklod at sa planning ng activities.May oras din naman ako salovelife ko, tuwing weekends madalas Linggo.P: Ano ang una mong prayoridad: Pag-aaral, Pag-ibig, Pamumuno? Kung may 7 oras ka, paano mo ito hahatiin sa tatlo?B: Pag-aaral, sabi nga ng mga Bukbok “Una kang naging estudyante bago maging Bukid”, kaya nga ako narito sa UPpara mag-aral. Pitong oras, siguro tatlong oras sa Pag-aaral tapos tig-dalawang oras sa Pag-ibig at Pamumuno.

Oras ng BTT

Poring: Pag-usapin natin ang pag-aaral ano ba ang class standing mo?BTT Bianca: Wala, di ako US o CS, 1.89 lang kasi ang GWA ko.P: Magtatapos ka na sa susunod na semestre, ano sa palagay mo maiiwan mosa Buklod?B: Hopefully, sana pagkatapos ng pagiging BTT ko matatag na yung Buklod,tapos napamahal na sa mga Bukids ang Buklod, tapos maliwang na sa kanilatunay na layunin ng Sikolohiyang Pilipino at kaya na nilang paninidigan angkanilang iniisip.P: Ano namang gawain ang magpapaalala sa amin sa isang Bianca?B: Wala, kasi wala naman akong masyadong nagawa na nag-iisa, madalaskatulong ko ang mga Kids, sama-sama kaming kumikilos.P: Paano mo maiaaply ang Sikolohiyang Pilipino kapag pagtapos ka na?B: Siguro after kung grumaduate magiging isa akong researcher natumutulong sa masa at nagbabago sa lipunan gamit ang Sikolohiyang Pilipino.Hopefully sana matupad ko yun. Kasi ngayon malinaw na malinaw sa akin kungano ang gusto ko parang idealistic pa ako habang hindi pa ako umaalis sa UP.Pero kapag nasa labas ka na maraming unforeseen circumstanc es tulad nalang noong mga doctor na naging nurse na lang sa ibang bansa dahil sapagiging in demand ng Nursing. Sana hindi ako umabot na mag -iiba ng landasat mamatayan ng idealism.

Pag -aaral at Pamumuno ng BTT

P: Anong meron si Bianca at bakit siya naging BTT?B: Ako lang kasi ang tumakbo sa posisyon na yon, perosiguro dahil may karanasan na ako , nakikita ko na anggawain ng BTT kasi BT ako ng LUPAP noon, sa palagay ko,ako lang yung may lakas ng loob para tumakbo saposisyon na yon.P: Mahirap ba maging BTT?B: Oo naman, ikaw ang nagpaplano at namamahalang mgagawain at proyekto, nasa iyo rin nakasalalay yung manuallabor ng lahat ng Lupon, ikaw rin yung laging nakaharapsa tao, ikaw yung nagdadala ng pangalan ng UP Buklod -Isip. Kaya mag may hindi magandang nagawa angorganisasyon ikaw ang tumatanggap ng mga puna. Angmasaya lang kapag may magandang nagawa ikaw angunang napupuri.P: Ano- anu po ba ang laman ng inyong General Plan OfAction? Ano po yung nangyayari sa GPOA nyo?B: Una yung Research ng Buklod kasi matagal na rin hidinakagagawa ng research ang Buklod, ngayon nagsimula nakami sa Concept Paper. Ikalawa pagbuo ng LUKON(Lupon ng Konstitusyon) sila yung gagawa ng rebisyon saating konstitusyon, mag-aaral at magsusuri kunganumang kulang at mali sa konstitusyon. IkatloNewspaper na nagsimula na kaya mapapansin niyo lagingmay dyaryo sa Tambuk. Huli, LT Day, getting to knoweach other para pag-nagkatrabaho walang problema perosayang hindi siya natuloy.

Bago Maging BTTP: Ano ang pagkakaiba mo sa mga nakaraang BTT?B: Siguro mas strikto ako, at may pagkakaiba kami kungpaano pakikilusin ang mga Kids.P: Ano naman ang pagkakiba mo kay PGMA?B: Hindi naman ako nandaya eh…P: Hindi ka ba strong tulad ni PGMA na hindi natitinag ngmga rally?B: Siguro yon hindi ako naapektuhan kung sabihin niyomang masungit ako.P: Kung tatanungin natin ang mga Buklets, at Bukids kungsino si Bianca, walang duda ang sagot nila ay masungit,sumasang-ayon ka ba sa kanila?B:Oo, kasi natural na sa akin ang pagiging masungit. Siguronoong nagsabog ang diyos ng kasungitan gising na gising akoat may dala pang bilao, pero hindi naman ako ganoonkasama kasi minsan nagsusungit ako nang may dahilannaman.P: So, parang yung Sikolohiyang Pilipino at Kasungitan moparehong may kabuluhan?B: Oo, dahil nagsusungit ako para mapakilos yung mga kidsna gawin yung mga tungkulin nila. Siguro yun si Bianca.B: Oo, dahil nagsusungit ako para mapakilos yung mga kidsna gawin yung mga tungkulin nila. Siguro yun si Biancabilang BTT. Akala niyo ba hindi nagsusungit si Soki, mabaitsiya pero masungit yan. Nagsusungit din ako nang pabiro atpang-asar tulad na lang nung gingawa ko sa mga lets pero

(Continued on p. 6)

Ni: Poring

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

meste

r0

5-06

S i l i pNatatangi ang BTTminsan nagsusungit ako dahil talagang naiirita na ako.B: Oo, dahil nagsusungit ako para mapakilos yung mgakids na gawin yung mga tungkulin nila . Siguro yun siBianca bilang BTT. Akala niyo ba hindi nagsusungit siSoki, mabait siya pero masungit yan. Nagsusungit dinako nang pabiro at pang-asar tulad na lang nunggingawa ko sa mga lets pero minsan nagsusungit akodahil talagang naiirita na ako. Kapag naiirita nga ako

(…Mula sa page 5)

P: Ano pa ba ang dapat naming malaman tungkol kayBianca?B: Dapat niyong malaman na mabait ako, may concernako sa ibang tao, malambing ako, maalaga. Dapatniyong malaman na minsan childlish ako, hindi langmasyadong makita kasi kailangan strong angpersonality mo kapag isa kang pinuno.P: Paano mo naman maipapakita na mabait, malambingat maalaga si Bianca?B: Siguro hintayin na lang nating lumabas iyon ngkusa. Panahon na lang ang magsasabi kung kailan. P: Sabi mo kanina, idealistic ka. Sino ang ideal mo naBianca?B:Siguro, someone na sobrang mature, maalam salahat nga bagay lalung-lalo na sa politics, sa loob

Sino nga ba si Bianca?

Interview sa isang Dalagang Bukid

man o sa labas, good student, respectable leader, someone navery nice at syempre masungit.P: Ano ang pinakmahalagang bagay na pinakaiingatan mongayon sa buhay mo?B: Siguro Pagmamahal sa Buklod, Pamilya at sa minamhal ko,pagmamahal sa lahat ng ginagawa kasi yun talaga angmagbibigay kasiyahan sa yo. Dahil kung mahal ang isang bagay,hindi ito mawawala sa yo at pangangalagaan mo iyon.P: Paano mo naman ikokonekta ang Pagmamahal saSikolohiyang Pilipino?B: Ang Sikolohiyang Pilipino kapag nakita mo na at natutunanmo, mahirap ng kalimutan kasi may pagmahal ka dito, Ganun saPagmamahal kapag mahal mo ang isang tao o bagay, mahirapng kalimutan kasi it stays. +++

kay Joy I. sinasabi ko na naiinis ako.P: Sa palagay mo, bakit natatakot sa iyo magpa -sig ang mgaBuklets?B: Hindi ko alam sana hindi dahil sa kasungitan ko, kasiminsan nagsusungit ako nang pabiro pero hindi naman yonintentional para pasakitan sila. Sana ang totoong dahilan aydahil BTT ako, sana it comes with the position.

Sa panahong ito, hindi gaanong matiyakkung nais ng kabuuan ng mga Pilipino angmapaalis si Gng. Arroyo sa pagka -Presidente ohindi.

Para sa mga nagtutulak na paalisin siyasa pagiging Presidente, dalawang porma ngalternatibong pamamahala ang inilalahad sapubliko: ang Transitional RevolutionaryGovernment (TRG) at ang Caretaker Council(CC). Ang dalawang pormang ito ay parehongnaglalayong magtatag ng mga reporma at itaponang mga nabubulok na mga institutusyon sa loobng kasalukuyang sistema ng gobyerno ng bansa.

Ang TRG ay pormal na naglalayongpatnubayan ang pagbubuo ng bagongkonstitusyon na magsasabatas ng mga reporma atmagtatawag ng eleksyon pagkatapos na maisaayosang mga repormang ito sa loob ng hindi tiyak nahaba ng panahon. Ang pormang ito ay bubuuin ngmga pinuno ng mga grupo at indibidwal nasasama sa pagkilos tungo sa pagbabago.

Kung wala na si GMA, ano ang susunod?:Ang Debate ng TRG at CC

Ni: Jai

Ang CC naman ay binubuo ng mga kinatwanmula sa iba't ibang sektor ng lipunan. Ilang halimbawang mga sektor na ito ay ang Sektor ng mga Manggagawa,Sektor ng mga Magsasaka, Sektor ng Kabataan atbp. Angmga kinatawan na ito ay siyang mamamahala sa bansa ngmga 6-12 buwan bago magkaroon ng panibagongeleksyon.

Nagkakaroon ng debate kung anong porma angsusundin pagkatapos ng malawakang pagkilos. Ayaw ngisang panig ang rekomendasyon ng kabila dahil sapaniniwala nitong hindi nito naisusulong ang kapakananng taumbayan.

Parehong pansamantalang uri ng pamamahalaang nilalahad ng dalawang porma na pareho dingnagtutungo sa pagbabago. Subalit ang hindipagkakasundo kung ano ang kilos na magaganappagkatapos ng pagbabago ay maaaring makabuo ngmatinding pagkakagulo at hindi pagkakaunawaan sapagitan nating mga Pilipino.

Hindi na importante ang kung sino pa man angmauupo sa sinasabing pansamantalang gobyerno naninanais ng mga naghahanap ng pagbabago. Angimportante ay ang pagkakaroon ng mahusay na prosesona pipili ng mga pinunong mangangasiwa nito.

Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino. Walasanang makalimot nito. ++++

ANG ISTAP NG D ALUYAN: Chris, Faye, Ivy, Lea, Poring, Tina MGA KONTRIBYUTOR : (TY!): Adrian Elaine Flora

Q : ANO ang nanalong salita saSAWIKAAN 2005 ng CAL bilangSALITA NG TAON?A: JUETENG

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

mest

er0

5-06

Love is better the second timearound, ‘ika nga. Hindi tao angtinutukoy ko dito.

Ang pagbabalik ko sa Buklodnoong 2004 ay isa sapinakamahalagang pangyayari saaking buhay-kolehiyo. Ito aymadalas kong banggitin sa mgataong nakakausap ko, sa loob atlabas ng Buklod. Nakatutuwangbalik-balikan ang panahon noongfreshie pa ako, noong tinatanong kosa sarili ko, “Ano ba itongkalokohang pinasok ko?” noonguna akong nag-apply sa Buklod.Ang sarap isipin kung gaano akoka-clueless sa mga nangyayari sapaligid ko, lalo na noon na wala paakong pakialam sa mga Bukids(nakornihan nga ako noong una at“Bukids” ang tawag sa kanila) at samga gawain ng Buklod.

Noong freshie ako, nahirapanakong i-internalize ang Buklod-Isip,lalo na ang isinusulong nitongSikolohiyang Pilipino. Dumadaloako sa mga gawain, SP workshops,nagpapa-sig, pero hindi ko lubosmaintindihan kung bakit nilaginagawa ang mga ito. Syempre,dala na rin ng hiya sa mga taongunang tumanggap sa’yo sakolehiyo, tinapos ko angaplikasyon.

Ang pangit ng kinalabasan:bagsak sa interview, bagsak salahat. Noong time na nag-applyako, ako lang sa Buklet batch koang naging probee. Naaalala koyung araw na nakita ko angstudent number ko sa pinakababang listahan, naka-highlight pa.Sinabi ko sa sarili ko, “Sigurohindi talaga para sa akin angBuklod.” Hindi ko na binalakbumalik pa sa Buklod-Isip. Isangtaon din akong hindi nagpakita samga Bukid.

Taong 2004, unangsemestre. Dahil na rin sapangungulit ng ilang kakilalakong Bukid at ilang kakilalanggustong sumali sa Buklod, nagingBuklet muli ako. Maramingbagong mukha, bagong Bukids,bagong Buklod.

Subalit natuwa ako at naroroonpa rin ang mga ngiti at ang mainitna pagtanggap ng Bukids sa mgaaplikante nito.

Naging maganda ang mulikong pag-apply sa Buklod.Marami akong nakilalang mgatao na hanggang ngayon ay mgatunay at matalik kong kaibigan.Sabay-sabay kaming nagingganap na mga Bukid.

Bakit ko nga ba mahal angBuklod? Dahil ang Buklod aybinubuo ng mga totoong mga tao:may kanya-kanyang problema,may kanya-kanyang toyo sa ulo,may kanya-kanyang 5.0 sa buhay.Mahal ko ang Buklod dahil mahalko ang mga Bukids. Mahal koang Buklod dahil ito ay isangorganisasyong hindi perpekto(kung naging perpekto ito,walang naging Bukid). Mahal koang Buklod dahil dito konaipapakita kung tunay kongpagkatao, dahil panatag akongtanggap ng Bukids ang akingkonteksto bilang isangindibidwal. Mahal ko ang Buklodhigit sa lahat dahil nakikita koang kasiyahan ng pakikitungo atpakikipagkapwa-tao.Ang sarap mag-senti.

ΨΨΨΨ

Senti mode Ni: Ajan

“Mareng Elma, salamat sa pag-aalaga kay Junior habangnaghahanap ako ng trabaho ah…Saka pakisabi kay Pareng Jose,salamat sa pera… Di bale, kapagnakapag-ipon na’ko, maibabalik korin ‘yon sa inyo…”

“Ikaw naman… Wala ‘yon…Ipaalala mo na lang kay Kumaresaka sa mga bata yung picnic natinsa susunod na linggo ha…”

Kami man ng mga kaibigan koay nagsasabihan ng mga problema’tsikreto, nagbibigayan ng regalo,naghihiraman ng ilang gamit,namamasyal nang sama-sama, atgumagawa ng kung anu-ano pangbonding moments. Sa mga Pilipino,natural ang magpahalaga sa kapwa.

kanila, sa anumang paraang kayanatin, nang hindi naghihintay ngkabayaran.

Ipinagkakatiwala rin natin sakanila kahit ang mga bagay o taongmahalaga sa atin. Mahilig tayongmagbigay-halaga sa ating kapwakaya hindi natin sila nakakalimutan,may okasyon man o wala. Marahil,dahil din sa kahalagahan ng pamilyabilang isang yunit ng lipunan,inilalapat lang ang malasakit namayroon tayo sa pamilya sa mgataong hindi itinuturing na iba sa atin.

Ang pagtawag ng kumadre atkumpadre o pare at mare aynagpapakita ng matibay nakoneksyon sa pagitan ng dalawangtao. Hindi na mahalaga kung sila aymagkadugo o hindi, sapagkat hindina sila naiiba sa isa’t isa.

ΨΨΨΨ

Kapag ang isang tao aynakapalagayang-loob na natingmga Pilipino, may mabutingsamahang nabubuo sa pagitannatin at ng taong iyon. Kapamilyaang turing natin sa ating mgakaibigan. Kung anuman angginagawa natin sa ating pamilyaay nagagawa na rin natin sakanila. Hindi tayo nagdadalawang-isip na magbigay ng tulong sa

Ang pagpapahalagang ito ayhindi limitado sa pamilya, kundiumiiral maging sa hindi natinkadugo.

Kumpadre, KumareNi: Faye

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

mest

er0

5-06

S I P A T s a b u h a y

Fishball, kikiam, tinapay, atnoodles---ilan lamang ito sa mgapagkaing kayang maabot ngkakarampot na baon ng marami samga U.P. students, mga pagkainding mabibili sa mga tindahangmadaraanan habang naglalakad saAcademic Oval. Ang mga tindero’ttindera sa mga lugar na ito ay di naiba sa atin dahil sa pang-araw-arawnilang pagbibigay-serbisyo sapamamagitan ng pagbebenta ngkanilang mga paninda sa muranghalaga. Ang serbiyong ito aynagbigay-daan upang magingbahagi na sila ng komunidad ngU.P. Kumbaga, kapamilya nasilang maituturing.

Subalit sa ngayon, tilanagkakaroon ng suliranin atpanganib sa hanapbuhay nila.Ayon sa administrasyon ng U.P.,kinakailangan na nilang lumipat ngpwesto, mula sa Academic Ovaltungo sa mga espasyong katabi ngmga gusali. Ang tanong ng marami,bakit naman sila kailangangpalipatin pa kung maayos namanang serbisyong kanilang ibinigay samga mag-aaral? Bakit naman silapaaalisin kung nagbabayad namansila ng tama ayon patakarangnapag-kasunduan? Maraming mgaka-tanungang kinakailangang liwa-nagin.

Una, ito ay sa kadahilanangitinuturing silang kakompetisyon ngmga kiosk na nakatayo na atitatayo pa lamang malapit saAcademic Oval—mga kiosk napagmamay-ari ng administrayon atpamamahalaan ng mga maninindana makapagbibigay ng masmalaking halaga sa administrasyonng U.P. kumpara sa mga maliliit namanininda. Ang sagot dito, hindinaman talaga kakompetensya okalaban ang mga maliliit ngtindero’t tindera sa kadahilanangang mga ibinebenta nila ay dinaman tulad ng mga uri ng pagkainna ibinebenta sa mga kiosk. Angmga pagkaing kanilang ibenebenta

gaya ng fishball ay malayo sa kanin atulam na ibenebenta sa mga kiosk.

Ikalawa, ayon sa Office of theVice Chancelor for CommunityAffairs, “eyesore” daw na maituturingang mga tindahang ito. Ang sagotdito, kung saka-sakali mang “eyesore”sila, ngunit sa aking palagay ay hindinaman, mas bibigyan pa bang halagaang bagay na iyon kaysa saserbisyong kanilang naibibigay samga estudyante. Malaki ang tulongna naidudulot nila sa mga mag-aaraldahil mura, kumpleto, atpangangailangan talaga ng mga mag-aaral ang kanilang paninda gaya nalamang ng blue books at yellow padpaper. Maaaring hindi nais o hindikaya ng mga kiosk operators nababaan ang kanilang paninda kungkaya’t ganoon na lamang angpangamba nila sa murang paninda ngmga nasabing tindahan..

Siguro’y tayo man ay hindi naismangyari ito sa kanila.

Kung susuriin, maaring isalamang itong paraan na naisip ngadministrasyon ng U.P. upangmakakuha ng karagdagang badyet.Dahil sa kakulangan ng badyet ngU.P., gumagawa ang administrasyonng kahit anong paraan namakapagpapataas ng nasabingbadyet---mga paraan na maaaringmakapagdulot ng negatibong epektopara sa mga manininda at pati na rinpara sa mga estudyanteng umaasasa murang bilihin nila. Kung tutuusin,hindi din naman dapat mainis o isisiang lahat sa administrasyon dahil anglahat ng ito ay nakaugat pa din saproblema ng bansa sa kakulangan ngpondo para sa edukasyon.Kung talagang itinuturing natin nakapamilya ang mga maninindangkasa-kasama natin araw-araw, dapatay pag-isipan kung paano silamatutulugan at hindi gumawa nganumang makapagpapabagsak sakanila. Dapat ba silang palipatin nanangangahulugan ng walangkasiguruhang hanapbuhay?Tumatayo sila sa sarili nilang mgapaa sa pamamagitan ng pagtitinda.Hindi sila nang-aabala, sa halip aynakatutulong pa sa mga esduyantengdi kayang bumili ng mahal napagkain, kung kaya’t sana’y huwagtayo gumawa ng hakbang namakapagdudulot sa kanila ngkawalang pag-asangmaghanapbuhay o umasa na lamangsa iba. Dahil labing-anim ang mgamanininda operators sa AcademicOval, 16 din ang posibleng mawalanng trabaho at mawalan ngmaipantutustos sa kanilang mgapamilya kung maipatutupad angpagpapalipat sa kanila. Kung kaya’tpakiramdaman, pag-isipan, atpagnilayan sana natin angkahalagahan at kapakanan ng mgamanininda—sila na tinatawag natingmga “manong” at “manang” o “ate” at“kuya” sa ating komunidad ng U.P.

++++

Dagdag pa, ika ng mgatindero’t tindera, nagbabayad namansila ng napagkasunduang halagakung kaya’t huwag naman sana silapalipatin sa mga lugar na wala namankasiguruhan na maaari silangmagtagal. Nangyari na daw angganitong suliranin noon sa kanila.Pinalipat ang mga tindero sa tabi nggusali ng isang kolehiyo subalit sakalaunan ay napaalis din dahil sareklamo ng Dean at ng iba pangopisyal ng kolehiyong panag-lipatansa kanila. Iyon daw mismo ang di nanila ninanais na maulit pa kung kaya’thindi na nila nais pumayag sahinihiling na ito ng administrasyon.

M a l i l i i t n a M a n i n i n d a n g U . P . - - d a p a t n a n g a b a n g p a l i p a t i n ?Elaine Victoria L. Sambile

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

mest

er05

-06r e b y ub O O k

Pilipino, kilala mo ba ang sarili mo? Nasubukan mo na ba itong itanong sa sarili mo?Ang kulturang Pilipino ay sagana sa mga ugaling natatangi sa atin. Isang aklat ang nagbigay pansin sa mga

ito: ang Keeping the Legacy, Reflections on Filipino Values . Ang akdang ito ay binubuo ng mga kuwentongsumasalamin sa mga asal na likas na tinataglay ng mga Pilipino. Ang mga kuwento ay ibinahagi nina Nathanlie M.Baldoza, Esther F. Celestre, Michael T. Dalida, Andronicus L. Galang, Leonardo C. Heyasa, Jr., Rylah Krishna J.Longno, Dexter O. Quiñones, Janet C. Rosell, Jose F. Sarsoza, Jr., at Lucile B. Tañalas. Kani -kaniyang dahilan angibinigay ng mga taong ito sa huling bahagi ng aklat kung bakit ipinagmamalaki nila ang pagiging Pilipino. Kasama ngkanilang mga isinulat ang paliwanag ng bawat pag -uugaling tinatalakay at mga larawang iginuhit ni Elbert Jay V.Mosquera. Si Nestor C. Rilloma, isa ring kontribyutor, ang punong pat nugot ng libro.

Layon ng akda na buksan ang isipan ng mga Pilipino, lalo na ng kabataan, sa kulturang kanilang pinagmulan.Ang mga ugaling tinatalakay, positibo man tulad ng mga konseptong bayanihan , pagmamano , at paninilbihan, onegatibo gaya ng lagay, lusot, at ningas cogon, ay isinama sa aklat upang maging mapanuri ang mambabasa, Pilipinoman o hindi, sa mga katangiang dapat panatilihin at hindi. Mapupunang ang akda ay nakasulat sa Ingles at hindi saating katutubong wikang Filipino. Sa kabila nito, ang akda ay isang magandang simula upang ipakilala ang atingkultura sa mga taong hindi nagmula rito. ++++

Keeping the Legacy, Reflections on Filipino ValuesNi: Faye

Sa tunog pa lang, mukhang matindi na ang nilalaman ngorder na ito. Hmm, ano nga ba ito? Tungkol ba ito sapeace and order? Bagong environment policy? Charterchange? Anoo ba?!!

O sige na nga, hindi na ko mambibitin. AngE.O. 210 ay isang dekreto na ipinalabas ng Pangulo ukolsa wika. Sinasabi rito na ang wikang Ingles ay anggagawing pangalawang wika ng bansa, at bilangpangalawang wika, payayabungin ito sa pamamagitan ngpalagiang paggamit. Ibig sabihin nito, ang wikang Inglesay gagamitin ng mga mag-aaral na hindi bababa sa 70%ng oras na kanilang ilalagi sa paaralan.

E di ba matagal na itong usapin? Oo nga,matagal na nga itong ideya na ito, ngunit ngayon ay biglana naman itong sumulpot. Isang dahilan nito, bukod saglobalisasyon, ay ang “nakakaalarmang” pagbababa dawng bilang ng mga Pilipinong hindi marunong gumamit ngsalitang Ingles. Pangalawa, bumababa naman daw saEnglish proficiency exam ang mga dating marunong na.Ayon sa pangulo, hindi raw ito magandang senyaleslalung-lalo na ngayon na paunlad ng paunlad at padaming padami ang mga call center sa Pilipinas. Halos araw-araw, ang laman ng mga classified ad sa pahayagan ayang mga customer care service companies na nag-eendorso ng kanilang kompanya at naghihikayat sa mgaPilipino na magtrabaho doon. Makakatanggap raw angmga empleyado ng malalaking sweldo, makakapasok samagaganda at mukhang sosyal na mga gusali, at kunganu-ano pang insentib. Hindi nakapagtataka, haloskaramihan ng mga nakapagtapos ng kolehiyo ay saganitong kompanya nagtatrabaho, kahit malayo ito sakanilang kinuhang kurso. Taray, di ba? Angnakapagtata ka lang, bakit ngayon pa ito uling naungkat,ngayong mainit na mainit si Pangulong Arroyo sa matang marami dahil sa eskandalong kanyangkinasasangkutan? Hmmm, isa ba itong daybersyon?Kayo na ang bahalang mag-isip.Sa totoo lamang, masalimuot talaga ang usapin sa wika.Lalung-lalo na ngayon na ay itinuturing ang Ingles na“superior at intellectual language”, isa itong dilemmapara sa marami. Kung susuriin din ang Konstitusyon,nakasaad doon na ang pambansang wika ng Pilipinas ayFilipino, at hanggang wa lang itatakda ang batas, Ingles.

Kung gayon, kinakailangan pa talaga na makagawa ngbatas para maging ekslusibo na maging pambansang wikaang Filipino. Eh ang tanong, may gumagawa ba nito, lalona sa mga paaralan? Sa iba nga ay bawal ka magsalita ngibang wika maliban sa Ingles.

May mga implikasyon ang pagtatakda ng Inglesbilang pangalawang wika. Una, kung titingnan ang mgapahayag ng nagsusulong ng ganitong polisiya, walanaman talagang kongkretong pag-aaral ang isinagawapara masabi nila ito. Ayon sa ilang tumutuligsa,maaaring ang pahayag na ito ay bataya lamang sa bilangng bumabagsak sa interview pa lamang ng mga nag-aaplypara sa posisyon sa call center. Pangalawa, para sa mgaang unang wikang ginagamit ay ang kanilang bernakularna wika (Ilonggo, Kapampangan, Tsabakano, etc) atpangalawa lamang ang wikang Filipino, para bangibababa pa nila ito bilang pangatlong wika, dahil ngasinasabi na ang Ingles ang gagawing pangalawa.Pangatlo, hindi ba parang pinagtutulakan natin ang mgaPilipino na magtrabaho sa call center, at higit pa, sa ibangbansa? At isa pa, sa mga pag-aaral na isinagawa, ilangulit nang ipinakita ng Filipino na higit itong mahusay nawikang panturo, at para sa mga hindi naman marunongnito, mas mainam ang kanilang wikang kinagi snan.Taliwas din sa pinapalabas ng mga pro -English,nagagamit din ang Filipino sa pagtuturo ng Agham atMatematika. Isasantabi na lamang ito? Ano ba ang maspinahahalagahan natin, ang kalidad ng pagkatutongmakukuha, o ang pagiging magaling sa Ingles?

Sa kabuuan, hindi naman talaga masama angmag-aral at matuto ng Ingles. Ang nangyayari lang kasi,binibigyan ito ng mas higit na prayoridad, na para bangang laki ng kawalan natin dahil hindi tayo magaling dito.Sa aking palagay, bakit hindi na lang gawi ng elektib angwikang Ingles gaya ng ibang banyagang wika?Kumbaga, ang mga mag-aaral nito ay hindi iyongnapilitan pero dahil kagustuhan nila mismo na matuto.Kung nagagawa ito ng European languages at ng ibangAsian language, bakit naman hindi ito maga gawa ngIngles? At panghuli, ayon nga kay Dr. Almario naDekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, huwag tayongmatakot kung hindi tayo magaling mag -Ingles…matakottayo kapag hindi na tayo magaling mag-Filipino.

EXECUTIVE ORDER NO. 210Ni: Lea

SONA*poring porlas

Sa halip na mga pangako ang sambitinCHACHA at CONASS ang idinidiin

Parlyamentaryo inihain sa mesaSistemang hindi naman alam ng masa

Ang Jueteng at Gloriatapes hindi isinamaSiya’y nagpapaawa at nagdadrama

Humihiling na tigilan ang bangayanPagkakaisa ang kinakailangan

Sana ay hindi lamang sana ang SONADapat ito’y panimula sa “Kilos Na”

an

gd

alu

yan

an

niv

issue

un

an

gse

mest

er05

-06

M A K A T Ad i w a n g

Bakbuk* chrystal_water5

Ibang tao na pala ako sa’yo,Pasensya na kaibigan.

Mukhang iniwan mo na akokasama ng panahon.

Iba ka na o siguro iba na akoHindi ko alam,

Basta iyon ang nadarama ko.

You are who you are for a reason.You’re part of an intricate plan.

You’re a precious and perfect unique design,Called God’s special woman or man.

You look like you look for a reason.Our God made no mistake.

He knit you together within the womb.You’re just what He wanted to make.

The parents you had were the ones He chose,And no matter how you may feel,

They were custom-designed with God’s plan inmind.

And they bear the Maker’s seal

No, that trauma you faced was not easy.And God wept that it hurt you so;

But it was allowed to shape your heart,So that in His likeness you’d grow.

You are who you are for a reason,You’ve been formed by the Maker’s rod.

You are who you are, beloved,Because there is a God!P

oe

m-R

usell

Kelfe

r(fro

mBi

anca

)

Dayuhan At Kahirapan

*Poring Porlas

Nasaan? Hinahanap kong pusong makabayanNgayon ay wala na sa damdaming kayumanggi

Kailan babalik ang kagandahan ng haligiNang pag-ingat, pagmamahal, pagmulat sa bayan

Kalaban ay Kahirapan at hindi DayuhanHindi kailangan ng sanaysay at mga buhay

Sapat na ang tiwala at dasal sa patnubayKasabay ng pagkakaisa ng buong bayan

Sa dayuha’y, dugo at panulat ang panlabanSa kahirapa’y, pang-unawa ang kailangan.

Maskara*tina

Maskarang mukha, madilim na aninoAng kasinungalingang suot ng tao,

Ligayang ngingiti kahit ‘di totooAng mahihina’y magiging bato.

Maskarang mukha, madilim na aninoAnimo tupa, yun pala’y demonyoSa iyong kasiyaha’y makikisalo

Isang ahas na nag-aanyong tao.Hangal kang maniwala

Sa kanyang pagluhaSa kanyang pagdamay

At pakikisalamuha.Puso’y bubulagain

Mapagbalatkayong mukhaHuwad na katauha’yGanid at walang awa.

Wikang Filipino*poring porlas

Wikang Filipino’y mahali’t ingatanIpaloob na rin sa puso’t isipan

Pinakamahalagang yaman ng baynNatatanging pamana ng ating angkanTumulong ‘to sa paglaya sa dayuhan

At sa pagtatayo ng kinabukasanPagbibigay lingkod sa mga kababayan

Pati pagkakaroon ng kabuhayanPagpapalaganap ng kapayapaan

Mga rebelde sa Quezon at BasilanWikang Filipino’y tayo’y tinulungan

At umalalay sa pagtatalastasanPinag-isa at binuklod ang buong bayan

Wika natin nagdulot ng karununganMag-aaral nagbuklod sa paaralan

Ang mga Pilipino sa mga pamayananWika’y pagyamanin ng lubos-lubusan

Wikang Filipino’y linangin tuluyanTungo ito sa ating kapayapaan

Buong pagkakaisa at kabuhayan