Ang Aking Mga Kinatatakutan

  • View
    2.636

  • Download
    18

Embed Size (px)

Transcript

Sa aking buhay hindi ko maiiwasan ang mga bagay na aking mga kinatatakutan. Katulad na lamng n mga taong may galit sa akin. Natatakot akong lapitan o kausapin sila. Dahil hindi ko alam kung papansinin nila ako. Natatakot din ako na baka kapag nilapitan ko sila gawin nila ang bagay na hindi kanais nais na gawin nila sakin. Natatakot din ako sa mga hayop na gumagapang na katulad ng bulate. Sapagkat noong bata pa ako sinasabihan na ako ng aking ina na kapag lumapit daw ako sa bulate ay kakagatin daw ako noon. Hindi ko rin alam kung bakit ako natatakot sa hayop na iyon. Dahil hindi ko alam nararamdaman ko kapag nahawakan ko ang hayop na iyon. Tumatakbo o umiiyak ako kapag inaasar ako ng kaibigan ko na ilalapit nila ang bulate na iyon dahil takot na takot talaga ako sa hayop na iyon. May malaking takot din ako sa multo. Dahil nakakarinig ako ng mga kwento na kapag daw ikaw ay nakakita ng multo hindi mo malilimutan iyon. Kaya hindi ako makakilos kapag madilim. Dahil sa dilim daw nagpapakita ang mga multo. Takot din ako kapag nakakarinig ako ng kwentong nakakatakot. Dahil napapanaginipan ko ang mga kwentong nakakatakot na tungkol sa mga multo. Pagdating sa pag-aaral natatakot ako na hindi makapagtapos sa pagaaral. Dahil ayoko na magalit sa akin ang aking mga magulang. Ayoko rin na wala akong matatamo at hindi ko maaabot ang mga pangarap ko. Dahil gusto ko na suklian ang mga magulang ko sa pagpapaaral nila sa akin. Kaya haharapin ko ang takot na iyon upang maabot ko ang aking mga pangarap. Takot ako na mawala ang tiwala ng mga kaibigan ko sa akin. Dahil ayoko na mawalan ako ng mga kaibigan. Kaya minsan kahit na alam ko na mali ang ginawa ko sa kanila umaamin ako sa kanila. Ayoko na mawalan ako ng mga kaibigan sa simpleng pagkakamali ko. Humihingi ako ng tawad sa kanila kapag nasasaktan ko sila at kahit na kapag wala akong nagagawang mali sa kanila nagpapakumbaba pa rin ako. Ang pinaka-kinatatakutan ko sa buong buhay ko ang kapag nawala ang pamilya ko. Dahil sa kanila ako humuhugot ng lakas kapag may problema ako. Ang aking mga magulang ang pinakaimportanteng bagay na ayaw kong mawala sa akin. Sapagkat lagi silang andyan kapag ako ay may problema. Hindi hnila ako pinapababayaan kapag ako ay nagkakasakit. Alam ko na hindi madali ang pagharap sa mga kinatatakutan mo ngunit magagawa mo ito kung may tiwala at may pagmamahal ka sa sarili mo.

Ang ibig sabihin nito ay tayo ay dapat kapag may problema tayong kinakaharap maging mas matatag pa tayo. Dahil sa dulo nito ay may naghihintay na tagumpay na para sa atin. Hindi tayo mabibigo kung tayo ay laging may pananampalataya sa Diyos hindi tayo mahihirapan na harapin ang mga pagkabigo at mga pagkakamali. Huwag mawalan ng pag-asa na itama ang bawat pagkakamali na nagawa natin.

Ang mga Pilipino ay sadyang mayaman sa tradisyon. Katulad na lamang sa paglilibing ng patay. Madami ang pamahiiin na sinusunod nila upang hindi daw sila dalawin ng patay o kayay mapunta sa langit ang kaluluwa ng namatay. Ang pagtatawid ng bata sa kabaong ng patay ay ginagawa nila upang tuluyan daw na mapunta sa langit ang kaluluwa ng namatay. Ang pagsasaboy ng bulaklak habang ibinabaon ang kabaong ng patay ay isa sa mga tradisyon ng mga Pilipino sa paglilibing ng kanilang mahal sa buhay. Ang pagbabasag ng paso bago ilibing ang patay. Ginagawa daw nila ito upang ang kaluluwa daw ay hindi na bumalik. Paglalagay ng mga gamit ng namatay sa kanyang kabaong kapag ililibing. Upang wala na daw balikan ang patay sa kanyang naiwan. Ang mga tradisyon na ito sa sinusunod pa din ng mga kababayan nating Pilipinon dahil ito na daw ang kanilang makabagong paraan sa paglilibing. Ang pagdadasal ay ginagawa din nila bago ilibing ang patay. Ginagawa nila ito upang gabayan ng daw ng Diyos ang namatay. Ginagawa din nila ito upang mapunta din sa langit ang kaluluwa ng namatay. Kumukuha sila ng Pari upang manguna sa pagdadasal. Gumagamit sila ng rosaryo habang sila ay nagdadasal sa namatay nilang mahal sa buhay. Ang pagsusuot ng itim ng mga namatayan at pagsusuot ng puti ng mga kaibigan at kamaganak. Ginagawa nila ito upang patunay sa pagluluksa nila sa namatay. Hindi sila nagpapalit ng damit hanggat hindi natatapos ang kanilang paghihinagpis sa kanilang mga kamaganak na namatay. Kapag nalibing na ang namatay nagsasalo salo sila. Upang makita daw nang namatay na nagmamahalan pa rin sila kahit na wala na siya. Ang mga may kaya sa buhay bago sila mamatay o bago sila ilibing may mga huling habilin sila. Gumagamit sila ng mga kasangkapan upang matupad ang kanilang mga habilin. Nagpaplano na sila bago pa sila ilibing. May alam na siya kung saan siya ililibing at kung kanino niya ibibigay ang lahat niyang mga ari-arian. Kaya ang mga kamag anak kaya tinutupad na lamang ang mga habilin ng namatay upang pagtanaw ng respeto sa namatay. At naniniwala din sila na kapag sinunod nila ang habilin ng namatay ay mananahimik na ang kaluluwa ng namatay.

Naniniwala pa ba kayo na ang kaluluwa ay bumabalik.?Oo., naniniwala ako na ang kaluluwa ay bumabalik dahil madami ang namamatay na hindi nakukuha ang katarungan sa kanilang pagkamatay. Bumabalik sila upang makuha nila ang katarungan ng kanilang pagkamatay. Bumabalik din ang mga kaluluwa ng mga namatay kapag hindi nila tanggap ang kanilang pagkamatay. Ang iba ay sinasabi nila na bumabalik daw ang mga kaluluwa ng mga namatay dahil hindi pa nila alam na patay na sila. Naglalakbay ang kaluluwa nila dahil may mga misyon pa sialng hindi natatapos. Mga paniniwala na kapag naniwala ka ay hindi ka naman mapapahamak. Walang masama kung maniniwala ka sa mga ito.

Mga Sakit sa lipunanKorapsyon

SanhiNais nilang magpayaman.

KalutasanMaaaring kumita ng pera sa maayos na paraan.

Mga walang Trabaho

Ayaw magtrabaho, walang Maging matiyaga sa paghahanap ng trabahong tumatanggap trabaho at huwag susuko hangga't walang sa kanila at kulang ang nakikitang trabaho. kanilang kaalaman.

Maagang Pagbubuntis

Walang gabay ng Maging tapat sa mga magulang at huwag magulang at kulang ang magtago ng lihim. Humingi ng tawad sa atensyon na nakukuha sa mga magulang kung sila man ay nagalit. mga taong nakapaligid.

Paglulong sa Bisyo

Walang trabaho at walang maaaring magparehab upang maiwasan mga taong gumagabay ang kinasanayang bisyo at humgi ng payo upang sila ay pigilan. kung pano maiiwasan ang mga ito. Kulang ang pinansyal na Magsikap na pumasok sa paaralan. paggastos sa pag-aaral. Maaaring magtrabaho habang nag-aaral Walang hilig sa pag aaral. kung kaya namang pagsabayin. Walang permanenteng trabahong makuha at walang panustos sa pamilya. Gusto ng mataas na pagtingin mula sa mga tao at gustong makilala pa ng ibang tao. Mga agad nag-asawa at madami ang anak. Mga taong walang trabaho at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Mga hindi nakapagtapos ng Pag-aaral

Pagnanakaw

Kumuha ng marangal na trabaho at huwag mawalan ng pag-asa sa buhay.

Mapagsamantalang mga Pinuno

Maging huwaran na pinuno sa mga kinasasakupan. Gumawa ng mabuti sa mga kinasasakupan.

Kahirapan

Magtapos sa pag-aaral. Huwag agad magpadalos dalos sa pag-aasawa.

Polusyon

Mga hangin na madudumi na galing sa mga usok ng Gumamit ng mga bagay na makatutulong sasakyan at ang mga sa kalikasan. Magtanim ng mga puno. pagtatapon ng basura Huwag ng gumamit ng mga gasolina na magpapasama sa hangin. kahit saan na kagagawan ng mga tao. Hindi nakakapagtiis na sila ay magsama. Walang panggastos para magpakasal. Natatakot na hindi magtagumpay kaya nakapandadaya. Matutong maghintay at magsumikap upang magkaroon ng panggastos sa pagpapakasal.

Pagsasama ng Hindi Kasal

Pandaraya

Magsikap na magbago at magtrabaho sa malinis na paraan.