2
Isinasaalang-alang ba ng mga post-secondary institution ang mga resulta? May mga tanong pa? Bisitahin ang website ng Ministry of Education para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Graduation Numeracy Assessment, kabilang ang isang sample na pagtatasa at mga video upang matulungan ang mga mag-aaral na maghanda. Ang bawa't post-secondary institution ay may awtoridad na tukuyin ang mga kinakailangan para sa pagtanggap (o admission) ng mga mag-aaral. Nagpahayag na ang ilan sa kanila na hindi nila gagamitin ang Graduation Numeracy Assessment sa pagtanggap ng mag-aaral. Posibleng gamitin ito ng iba upang ipaalam ang mga desisyon sa pagtanggap. Mainam na kontakin ng mga mag-aaral ang institusyon na inaaplayan nila para sa karagdagang impormasyon. Maaaring interesado rin ang mga tagapag-empleyo sa mga resulta ng pagtatasa ng estudyante, bilang katibayan ng kanilang kahusayan sa numeracy. Ano ang hitsura ng mga kategorya ng kasanayan? Mga Kagyat na Katotohanan Ang mag-aaral ay nagpapakita ng panimulang pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral. Ang mag-aaral ay nagpapakita ng isang bahagyang pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral. Ang mag-aaral ay nagpapakita ng isang lubos na pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral. Ang mag-aaral ay nagpapakita ng isang sopistikadong pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral. Nagsisimula (1) Umuunlad (2) Mahusay (3) Lumalawak (4) Kasanayan Ang Graduation Numeracy Assessment ay isang bagong pamprobinsiyang pagtatasa na kinakailangan sa graduation para sa lahat ng mag-aaral na magtatapos pagkatapos ng Hunyo 30, 2018. Ang Graduation Numeracy Assessment ay hindi lamang para sa isang partikular na kurso sa matematika. Sa halip, sinusuri nito ang mga kasanayan sa pagbilang na napaunlad ng mag-aaral sa nakaraang panahon ng kanilang pag-aaral. Kukunin ng mga mag-aaral ang pagtatasa sa panahon ng kanilang mga taon ng pagtatapos (Grade 10-12); ang mga paaralan ang magtatakda ng iskedyul. Maaari muling kunin ng mga mag-aaral ang Graduation Numeracy Assessment upang mapahusay nila ang kanilang marka sa kasanayan. Ang kanilang pinakamahusay na markang nakuha ay siyang magiging kanilang huling resulta. Ang mga resulta ay iuulat batay sa isang sukat ng kasanayan o proficiency scale. Maaaring ma-access ng mga mag-aaral ang mga resulta at isang personalized performance report sa pamamagitan ng Serbisyo ng StudentTranscripts Service. Ang Graduation Numeracy Assessment ay karaniwang nangangailangan ng dalawang oras upang makumpleto; gayunpaman, ang mga mag-aaral ay maaaring gumamit ng karagdagang oras kung kinakailangan nila ang dagdag na oras. Graduation Numeracy Assessment Impormasyon para sa mga Magulang at Mag-aaral Ministry of Education www.curriculum.gov.bc.ca BAGO! BAGO! Mayo 2018

Ang Graduation Numeracy Assessment ay Numeracy Kasanayan ... · kahandaan, at pagsisikap upang mabigyang kahulugan at mai-aplay ang pag-unawa ng matematika upang malutas ang mga problema

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Isinasaalang-alang ba ng mga post-secondary institution ang mga resulta?

May mga tanong pa? Bisitahin ang website ng Ministry of Education

para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Graduation Numeracy

Assessment, kabilang ang isang sample na pagtatasa at mga video upang matulungan

ang mga mag-aaral na maghanda.

Ang bawa't post-secondary institution ay may awtoridad na tukuyin ang mga kinakailangan para sa pagtanggap (o admission) ng mga mag-aaral. Nagpahayag na ang ilan sa kanila na hindi nila gagamitin ang Graduation Numeracy Assessment sa pagtanggap ng mag-aaral. Posibleng gamitin ito ng iba upang ipaalam ang mga desisyon sa pagtanggap. Mainam na kontakin ng mga mag-aaral ang institusyon na inaaplayan nila para sa karagdagang impormasyon.

Maaaring interesado rin ang mga tagapag-empleyo sa mga resulta ng pagtatasa ng estudyante, bilang katibayan ng kanilang kahusayan sa numeracy.

Ano ang hitsura ng mga kategorya ng kasanayan? Mga Kagyat na Katotohanan

Ang mag-aaral ay nagpapakita ng panimulang pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral.

Ang mag-aaral ay nagpapakita ng isang bahagyang pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral.

Ang mag-aaral ay nagpapakita ng isang lubos na pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral.

Ang mag-aaral ay nagpapakita ng isang sopistikadong pag-unawa sa mga konsepto at kakayahan na may kaugnayan sa inaasahang pag-aaral.

Nagsisimula (1) Umuunlad (2) Mahusay (3) Lumalawak (4)

Kas

anay

an

• Ang Graduation Numeracy Assessment ay isang bagong pamprobinsiyang pagtatasa na kinakailangan sa graduation para sa lahat ng mag-aaral na magtatapos pagkatapos ng Hunyo 30, 2018.

• Ang Graduation Numeracy Assessment ay hindi lamang para sa isang partikular na kurso sa matematika. Sa halip, sinusuri nito ang mga kasanayan sa pagbilang na napaunlad ng mag-aaral sa nakaraang panahon ng kanilang pag-aaral.

• Kukunin ng mga mag-aaral ang pagtatasa sa panahon ng kanilang mga taon ng pagtatapos (Grade 10-12); ang mga paaralan ang magtatakda ng iskedyul.

• Maaari muling kunin ng mga mag-aaral ang Graduation Numeracy Assessment upang mapahusay nila ang kanilang marka sa kasanayan. Ang kanilang pinakamahusay na markang nakuha ay siyang magiging kanilang huling resulta.

• Ang mga resulta ay iuulat batay sa isang sukat ng kasanayan o proficiency scale.

• Maaaring ma-access ng mga mag-aaral ang mga resulta at isang personalized performance report sa pamamagitan ng Serbisyo ng StudentTranscripts Service.

• Ang Graduation Numeracy Assessment ay karaniwang nangangailangan ng dalawang oras upang makumpleto; gayunpaman, ang mga mag-aaral ay maaaring gumamit ng karagdagang oras kung kinakailangan nila ang dagdag na oras.

Graduation NumeracyAssessmentImpormasyon para sa mga Magulang at Mag-aaral

Ministry of Education

www.curriculum.gov.bc.ca

BAGO! BAGO!

Mayo 2018

Bakit may isang bagong pagtatasa ang probinsiya?

Ano ang “numeracy?”

Ang British Columbia ay may isang mahusay na sistema ng edukasyon at mayroon tayong pagkakataon na gawin itong mas mahusay pa. Nakatuon ang pansin ng BC sa pagpapanatili ng posisyon nito bilang isa sa nangunguna sa mundo sa edukasyon, sa pamamagitan ng paggawa ng mga sistematikong pagbabago upang maihanda ang mga mag-aaral sa mabilis na pagbabago ng mundo.

Ayon sa mga unibersidad, kolehiyo at tagapag-empleyo, naghahanap sila ng isang bagong uri ng graduate—isang may mahusay na mapanuring pag-iisip (critical-thinking) at mga kasanayan sa paglutas ng problema. Iyan ang dahilan kung bakit ginagawa nating makabago ang ating kurikulum at lumilikha tayo ng mga bagong pagtatasa na angkop sa na-update na kurikulum. Ang Graduation Numeracy Assessment ay isang mahalagang bahagi ng bagong balangkas na ito.

Ang mga nakalipas na pagsusulit ay isang diskarteng nakaakma lamang para sa lahat ng paksa, at karamihan ng mga ito’y mga multiple-choice format upang tasahin ang kaalaman ng mag-aaral batay sa nilalaman at mga katotohanan.

Ang bagong Graduation Numeracy Assessment ay mas interactive at nakaka-engganyo. Tinatasa nito ang pag-unawa ng mag-aaral, aplikasyon ng kaalaman at mas malalim na pag-unawa, at hinahayaan nitong mai-aplay ng mga mag-aaral ang mathematical reasoning na natutunan nila sa buong panahon ng kanilang pag-aaral.

Tulad ng pagsuporta natin sa mga mag-aaral na matutong bumasa at sumulat, dapat din natin suportahan sila na maging numerate. Para sa layunin ng Graduation Numeracy Assessment, ang numeracy ay tinukoy bilang kakayahan, kahandaan, at pagsisikap upang mabigyang kahulugan at mai-aplay ang pag-unawa ng matematika upang malutas ang mga problema sa mga kontekstualisadong sitwasyon, at upang pag-aralan at ipahayag ang mga solusyon na ito sa mga paraan na may kaugnayan sa ibinigay na konteksto.

May mga aktibidad para sa mga mag-aaral bago ng pagtatasa upang makapagsaliksik sila nang maaga at matulungan silang maghanda. Kabilang dito ang sample na pagtatasa at isang serye ng mga video na nagpapaliwanag kung paano sagutin ang mga tanong gamit ang limang proseso ng numeracy.

Ano ang hitsura ng Graduation NumeracyAssessment?

Paano makapaghahanda ang mga mag-aaral?

Ang pagtatasa ay batay sa mga konsepto ng matematika na natutunan sa maraming mga paksa mula sa kindergarten hanggang Grade 10. Ang mga mag-aaral ay gagamit ng limang mga proseso sa numeracy (iba't ibang paraan ng pag-iisip at pagtatrabaho) upang malutas ang mga problema: ipaliwanag, iaplay, lutasin, pag-aralan, at makipagkomunika.

Ang pagtatasa ay inihahatid online at may tatlong mahahalagang bahagi o component:

1. Ang karaniwang component: Karaniwang component: 24 mga tanong sa kompyuter na kinukumpleto online ng lahat ng mga mag-aaral.

2. Ang student-choice na component: Dalawang nakasulat na mga tanong na kailangan sagutin sa papel. Ang mga ito ay mas malalim na mga katanungan kung saan kinakailangan ng mga mag-aaral na ipakita ang kanilang mga solusyon sa konteksto, at kinakailangan silang magbigay ng mga detalyadong paliwanag upang bigyang katwiran ang kanilang mga sagot. Ang mga tanong na ito ay batay sa mga impormasyon at trabahong nakumpleto ng mag-aaral sa naunang bahagi sa karaniwang component. Ang mga mag-aaral ay kailangan pumili ng 2 sa 4 na posibleng mga tanong at kailangan nilang gawing mas malalim ang kanilang pagsusuri.

3. Ang pagmumuni-muni na component: Ang mga tanong na ito ay humihiling sa mag-aaral na pag-isipan ang kanilang karanasan sa pagtatasa. Ang proseso ng pagmumuni-muni ay magiging bahagi ng kanilang pag-aaral. Ang bahaging ito ay kukumpletuhin online at hindi minamarkahan.

Graduation Numeracy Assessment Graduation Numeracy Assessment

Info for parents and students, updated May 2018[Tagalog]