Upload
others
View
7
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
GINANAP SA KAUNA-
unahang pagkakataon ang Alumni
Homecoming noong Abril 27,
2013 na dinaluhan ng halos 100
katao na nag-aral o grumadweyt sa
Mababang Paaralan ng Iyosan.
Ang mga dumalo ay mula
Batch 1956’s hanggang sa kasalu-
kuyan. Naitatag ang ating mahal
na paaralan noong 1956 bilang
Iyosan Community School na nga-
yon ay tinawag na bilang Iyosan
Elementary School.
Ang naturang programa ay
sinimulan ng ikaapat ng hapon sa
pamamagitan ng isang Thanks-
giving Mass sa plasa ng ating paa -
ralan. Sinundan ito ng parada mula
paaralan pataas, papuntang Lower
Iyusan at papuntang Basketball
Court. (pls. turn to page 4)
Unang Alumni Homecoming, ginanap
Schools Division Superintendent
na si G. Pedro T. Escobarte Jr.
Sinimulan ang pagdaraos
ng isang programa kung saan
ipinakita ng mga guro ang kani-
kanilang talento sa pagsayaw.
Pinarangalan din sa naturang
programa ang mga outstanding
teachers ng ating Sangay. Kasama
sa mga pinarangalan mula sa ating
Distrito ay sina Gng. Suset Eba-
jan, guro sa Ikalimang Baitang ng
MATAGUMPAY NA
ipinagdiwang ng mga guro ng
ating Sangay ang nakaraang sele-
brasyon ng World Teachers’ Day
na ginanap noong Oktubre 11,
2013, Biyernes sa ika-anim ng ga-
bi, sa Naval Gymnasium.
Ito ay dinaluhan ng mahigit
900 empleyado ng Kagawaran ng
Edukasyon (DepEd) dito sa ating
probinsya sa pangunguna ng ating
Mababang Paaralan ng Tamarin-
do at Bb. Juliet Malesido, guro
sa Ikalimang Baitang ng Maba-
bang Paaralan ng Caucab.
Nagtapos ang naturang
selebrasyon sa pamamagitan ng
attendance raffle kung saan na-
katanggap ang mga nabunot ng
iba’t ibang appliances gaya ng
stand fan, rice cooker, at blend-
er.
World Teachers’ Day, ipinagdiwang
NAKAPALOOB
BALITANG LOKAL 1
Unang Alumni Homecoming ... 1
World Teachers’ Day, ipinagdiwang 1
EDITORYAL 2
Liham sa Patnugutan 2
LATHALAIN 3
MOOE: Ano ito? 3
Mga Pagbabago sa Paaralan 3
Mga Salawikain at Kahulugan 4
Mga Pagbati 4
PANITIKAN 5
Tula : Kalikasan 5
Trivia's 5
Riddles 5
BALITANG LOKAL 6
Tanguihan, pasok sa RSPC 6
Halalan sa Barangay 2013 6
Bernil at Mosqueda, Bb. at G... 6
Announcements 6
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Paaralan ng Iyosan
Volume 4, Issue 1 Iyusan, Almeria, Biliran Hunyo - Nobyembre 2013
Kuha habang ginaganap ang Thanks Giving Mass bilang
pagsisimula sa Alumni Homecoming. - Shaira
ni Vanessa J. Bernil
Kronika
Ang
ni Eva Janen S. Petargue
ISA SA MAHALAGANG
asosasyon ng bawat paaralan ay ang
tinatawag nating PTA o Parents
Teachers Association.
Ito ang asosasyon ng
paaralan kung saan magkaagapay at
magkatuwang ang mga magulang at
mga guro sa pagpaplano at
pagpapatupad ng mga bagay-bagay
na makapagpapabuti at maka-
pagpapaunlad sa paaralan.
Subalit tila hindi yata
siniseryoso ng ating mga magulang
ang asosasyong ito. Sa nakikita na-
tin, tila hindi yata lahat ng mga
magulang ay ginagampanan ang
kanilang tungkulin bilang bahagi ng
asosasyong ito? Iilan lamang ang
nakikiisa sa mga programa ng
ating paaralan. Tuwing may idi-
nadaos na meting ang ating
paaralan, iilang magulang lang
ang dumadalo sa meting. Ngunit
bakit kung sino pa iyong hindi
dumadalo sa mga meting ay siya
pang malakas magreklamo? Ano
na ba ang nangyayari sa ating
PTA?
Mapapansin din natin na
tuwing may mga programang
ginagawa ang ating paaralan,
iilang magulang lang ang
dumadalo. Nagpapakita ba ito ng
pagsuporta ng mga magulang sa
paaralan? Hindi ba natutuwa ang
ating mga magulang na kasali
ang mga anak nila sa programa?
Bakit tila wala silang panahon na
masdan ang pagtatanghal ng ka-
nilang mga anak kahit saglit man
lamang?
Sana maisip ng ating mga
magulang na sila ay kabahagi sa
lahat ng mga programa ng ating
paaralan at hindi lamang sila
umaasa sa ating mga guro.
Magising sana sila at makiba-
hagi na sa lahat ng programa ng
ating paaralan.
2 OPINYON Ang Chronika Volume 4, Issue 1 Hunyo - Nobyembre 2013
PATNUGUTAN
Vanessa J. Bernil Punong Patnugot Eva Janen S. Petargue Pangalawang Patnugot John Lloyd C. Paghid Edmon S. Candila Patnugot sa Balita Mark Jester P. Calvez Danica P. Estreller Patnugot sa Lathalain Aerian Gazo Deniel Jefferson Garciano Patnugot sa Pampalakasan Angel Dane Kaagbay Patnugot sa Panitikan Rami Gyle T. Kaagbay Jun Mark S. Mosqueda Patnugot sa Pag-aanyo/Pagguhit Kreisha Zussane G. Sale Tagapangasiwa sa Pamamahagi Dean Andrei P. Velarde Christal Shaira T. Calvez Photojournalist Rosaline Calvez-Gaviola Akuna Amotto-Sabondo Mga Tagapayo
Maritess S. Arancina
Mayroon ba kayong mga katanungan, reklamo o anunsiyo? Ipadala ito o bumisita sa
opisina ng punong-guro upang maipaabot ang mga ito at para mabigyang kasagutan
ang mga ito.
Mahal na patnugot,
Napapansin ko lang po na tila walang pakialam ang mga kabataan sa pagkakalat ng kanilang mga basura sa loob at labas ng ating paaralan. Ano po ba ang ginagawa ng ating paar-alan upang malutas ito?
Ellen Shane
Mahal na Patnugot,
Natutuwa po ako at nagkaroon tayo ng sarili nating pahayagan dahil marami po akong natututuhan. Sana ay magtutuloy-tuloy na po ang pag-iisue ng ating pahayagan.
Emerson
Dear Ellen Shane,
Nagpapasalamat kami at isa ka
sa mga mag-aaral na may malasakit
sa ating paaralan. Sa ngayon ay inata-
san na ang ating mga PGO Officers
upang magbantay at sumita sa mga
batang nagtatapon ng pinagkainan
kahit saan. Ipinag-utos din sa ating
mga PGO Officers na manguna sa
mga mag-aaral sa paggawa ng maga-
gandang bagay na pwedeng tularan
ng ibang kabataan.
Ang Chronika
Dear Emerson,
Maraming salamat sa iyong pag-
subaybay sa ating pahayagan.
Nangangahulugan itong may pakialam
ka sa mga isyu sa ating paaralan.
Asahan mong hinidi kami magsasawa
sa pagbibigay ng mga balita na gusto
ninyong malaman. Mara ming salamat
din sa pagsulat mo sa amin.
Ang Chronika
MOOE: Ano ito? NARINIG NIYO NA BA ANG
salitang MOOE? Alam niyo
ba kung ano ito?
Kung hindi pa, ngayon
malalaman niyo na kung ano
ito. Ang MOOE o Mainte-
nance & Other Operating Ex-
penses kung tawagin ay pun-
do na ibinibigay ng pamaha-
laan o DepEd sa lahat ng
paaralan sa buong bansa
upang matustusan ang mga
pangangailangang pang-
edukasyon ng mga mag-aaral
at mga kagamitang panturo
na kinakailangan ng ating
mga guro sa kanilang pag-
tuturo.
Ayon sa isang punong-
guro na nakilala ko, ang
bawat mag-aaral ay may
badyet na P200 kada buwan
mula sa MOOE. Ito ay gi-
nagamit upang mapaunlad
ang kaalaman ng isang mag-
aaral gaya ng pagpapadala
ng mga mag-aaral sa mga
training o pakontes at pagbib-
igay ng mga libreng test pa-
per at bayad sa kuryente o
tubig. Kung dati pinagbaba-
yad ang bawat mag-aaral ng
kuryente o tubig ngayon ay
hindi na. Iyon ay dahil sa
MOOE.
Ang bawat guro na-
man ay may badyet na P800
kada buwan para sa pagga-
wa nila ng kanilang instruc-
tional materials upang lalong
mapaunlad ang kanilang pag-
tuturo. Ito ay binibili ng manila
papers, bolpen, ink, pentel
pen at iba pa. Kung meron
pang suplay ang mga guro sa
naturang buwan, pwedeng
gamitin ang pundong naka-
laan para sa kanila sa ibang
pangangailangan ng paaralan
gaya ng pagpapaganda ng
paaralan.Pwede itong ibili ng
mga pintura, semento,
buhangin, at office supply.
Ang natitirang bahagi
ng MOOE ay ginagamit na-
man sa pag-aayos ng mga
sira ng silid-aralan gaya ng
sirang bintana, sirang bu-
bong, sirang kisame, gripo at
iba pa. Ito ang mga dapat
pag-gastusan ng MOOE sa
bawat paaralan.
Ang ating paaralan ay
tumatanggap ng mahigit
P9,000 MOOE kada buwan.
Ang MOOE ng isang paar-
alan ay nagdedepende sa
bilang ng mag-aaral sa natur-
ang paaralan.
Ikatlo at Ikalimang Baitang.
Kung titingnan ninyo ang li-
kod ng silid-aralan ng Ikaanim
na Baitang at Kinder, makikita
ninyo ang ating “Gulayan sa
Paaralan” na ngasisimula
nang mamunga. Ito ay dahil
sa positibong pag-responde
ng ating mga magulang sa
mga proyekto ng ating paar-
alan.
Basta’t tayo’y mag-
tutulungan, may pagbabago
tayong makakamtan sa ating
paaralan.
BAGONG YUGTO NA NA-
man ng pagbabago ang nara-
ranasan ng ating paaralan. Ito
ay dahil sa patuloy na pag-
suporta ng ating mga magu-
lang at guro upang lalong ma-
paunlad at mapaganda ang
ating paaralan.
Isa sa mga pagbaba-
go ng ating paaralan ay ang
finishing sa may daisy ng
Ikaapat na Baitang. Naipaga-
wa din ang dalawang flower
boxes sa ibaba ng daisy ng
3 LATHALAIN Ang Chronika Volume 4, Issue 1 Hunyo - Nobyembre 2013
n i Danica Estrel ler
ni John Lloyd C. Paghid
Kuha sa may daisy ng Ikaapat na Baitang. ( Dean Andrei P. Velarde)
NOONG NAKARAANG ISYU
ng ating pahayagan ay
natunghayan natin ang unang
mga salawikain at ang kanilang
kahulugan. Ngayon naman ay
titingnan natin ang iba pang
mga salawikain at ang ka-
hulugan nito. Narito..
“Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak;
bayan pa kayang sakdal dilag ang di magnasang makaalpas.”
Ang ibig sabihin, ang isang
bayang dati nang malaya, hindi
kailanman napapailalim sa ka-
pangyarihan ng ibang bansa, at
sa di inaasahang pagkakataon
ay nalupig ng ibang bansa at
mapasailalim ng dayuhang ka-
pangyarihan, ang mga mama-
mayan ay magkakaroon ng
hangaring maghimagsik, anu-
mang paraan upang maibalik
lamang ang dati nilang
kalayaan. Dahil dito, masasabi
nating isang magandang kapa-
laran ng isang bansa at ng
kanyang mga mamamayan
kahit gaano kadukha ang kala-
gayan kung sa kanilang pama-
yanan ay malaya silang nakaka-
kilos at ligtas sa pananakop ng
dayuhang kapangyarihan.
“Kung ano ang masama sa iyo huwag mong gawin sa kapwa mo.”
Ang ibig sabihin, ano
mang bagay na maaaring ma-
kasakit sa damdamin mo ay hu-
wag mong gagawin sa iyong
kapwa sapagkat kung ano ang
damdaming iyong nadarama
ay gayon din ang sa iba. Ano
mang bagay na maaaring
makapinsala sa iyo ay tiyak na
makapipinsala rin sa kapwa mo.
Kaya ingatang huwag makasa-
kit sa damdamin ng iba
“Huwag kang tutulad sa manok na gala, dalang kabuhayan’y sangkahig-santuka; ang dapat tulara’t gawing halimbawa
nag-iipong langgam sa dating ng baha.”
Ang ibig sabihin, ang
isang tao ay kinakailangang
maghanda para sa hinaharap.
Hindi dapat na isipin na habang
mayroon ay hindi na gagawa at
iisipin sa tuwina na mayroon pa
siyang maaaring gamitin sa ba-
hay. Dapat na paghandaan
ang mga darating na pangan-
gailangan tulad ng biglang
pagkakasakit na sa buhay ng
tao ay walang babala kung du-
mating. Iyan ang ibig sabihin ng
saknong na nabanggit.
Nawa’y naliwanagan kayo at natututo
sa totoong kahulugan ng mga sala-
wikaing pamilyar sa atin. Hanggang sa
muli!
4 LATHALAIN Ang Chronika Volume 4, Issue 1 Hunyo - Nobyembre 2013
(mula sa page 1, Unang Alumni Homecoming)
Kinagabihan ay idinaos
ang isang maikling palatuntunan
kung saan ipinakita ng bawat
Batch ang kani-kanilang talento.
May mga palaro din para sa bawat
Batch. Ang Batch na nananalo sa
palaro ay nakakakuha ng cash.
Nagtapos ang naturang
programa sa pamamagitan ng
isang mass dance. Ito din ang
hudyat sa magdamagang sayawan
para sa lahat ng dumalo.
Sa kabuuan, naging
matagumpay ang unang pag-
daraos ng Alumni Homecoming
ng ating paaralan. Nawa’y masun-
dan pa ito sa susunod na taon.
Congratulations kina Danica Estrel-ler, Angel Dane Kaagbay, Jerosly Santolorin, at Jun Mark Mosqueda sa pagkakapili nila bilang mga atleta sa Distrito natin para sa nalalapit na Provincial Meet. Fr. Classmates
Belated Happy Birthday to Ma’am Akuna Sabondo who celebrated her b-day last Oct.17.
Ang Chronika Congratulations to Hannibal Tangui-han for winning the 7th Place Sports Writing Filipino during the Regional Press Conference held at Catarman, Northern, Samar last November 19-22, 2012.
Ang Chronika
( Ikat long Yugto) ni Angel Dane Kaagbay
Larawan ng Batch 1981—1991, kasama sina
Ma’am Jine Sabondo, Ma’am Rosaline Gaviola, Sir
Chrisme Hope Calvez at iba pa. - Shaira
Answ
er K
ey: 1.
f 2.
g 3.
e 4.
I 5.
b 6.
j 7.
c 8.
a 9.
d
seventeen or eighteen?
7. Why is smile the longest
word in the dictionary?
8. Where does Thursday
come before Wednes-
day?
9. What’s the definition of
minimum?
CHOICES
A. in the dictionary
B. OICU
C. Because there’s a mile
between its first and last
letter
D. A small mother
Read each questions care-
fully then choose your an-
swer from the given choic-
es. Write the letter only.
1. I occur once in every
minute, twice in every
moment but not once
in a hundred thousand
years. What I am?
2. Why is the letter e lazy?
3. What is the end of eve-
rything?
4. What begins with t,
ends with a t, and has t
in it?
5. What four letters fright-
en a thief?
6. Which is easier to spell,
E. The letter g
F. The letter m
G. Because it’s always in
bed
H. Because it’s in the mid-
dle of water
I. A teapot
J. The first because it’s
spelled with more else
9e’s)
Reference: Mosaic A Read-
ing Skills Book II. Brenda
Wegmann et. al. p.99
5 PANITIKAN Ang Chronika Volume 4, Issue 1 Hunyo - Nobyembre 2013
R i d d l e s
TRIVIAS
Ang pinakamabilis na hayop sa
lupa ay ang cheetah na naka-
katakbo ng 70 milya kada oras o
112.63 kilometro bawat oras
Ang pinakamabilis na insekto ay
ang tutubi o dragonfly na lu-
milipad ng 36 milya kada oras o
57.92 kilometro bawat oras
Ang isa sa mabagal na hayop ay
ang snail o kuhol na lumalakad
ng 0.13 milya kada oras o 0.21 kil-
ometro bawat oras
Ang pinakamabilis na isda ay ang
sailfish na lumalangoy ng 68 mi-
lya kada oras o 109.11 kilometro
bawat oras
K A L I K A S A N ni Mark Jester P. Calvez
Kalikasa’y mahalin at huwag sayangin
Pag-ingatan ito at pakamamahalin,
Pagka’t kung ito ay iyong sisirain
Ikaw at ako ay mananagot dito.
Kabukiran, kapatagan at mga halaman,
Alagaan natin at pakaiingatan,
Pagka’t mahalaga ang ating kalikasan,
Ipagtanggol ito sa mga kalaban.
Nawa’y namulat kayo sa tula kong ito,
Magsilbi sana itong paalala sa inyo,
Kalikasan natin ay pahalagahan natin,
Pag ito’y mawala ‘di na maibabalik natin.
Batay sa resulta ng bila -
ngan sa tatlong presento, ang
mga nanalo ay sina: V ictoria
Sabondo, Punong-Barangay;
Kagawad: Florida Besoyo, Ted-
dy Besoyo, Mercedes Baqueran,
Lito Sumaya, Daylinda Cañete,
Ernesto Pecajas at Irma Suma-
linog, ayon sa pagkakasunod-
sunod.
Malugod namang tinang-
gap ng mga natalo ang kanilang
pagkatalo.
MATAGUMPAY NA NAIDA-
os ang nakaraang Halalan sa Ba-
rangay noong Oktubre 28, 2013
araw ng Lunes.
Batay sa listahan ng mga
tumakbo mula sa COMELEC,
may dalawang tumakbo sa
pagkapunong-barangay at may
21 naman sa pagka-Kagawad ng
Barangay. May tatlong present
ang binuksan para sa botohan ng
naturang Halalan.
6 BALITANG LOKAL Ang Chronika Volume 4, Issue 1 Hunyo - Nobyembre 2013
Si Hannibal Tanguihan habang tinatanggap ang kanyang medalya bilang
ikapitong pwesto sa Sports Writing Filipino noong nakaraang Regional
Schools Press Conference na gonanap sa Catarman, N. Samar. - Shaira
Halalan sa Barangay 2013, updates
n i Kreisha Zussane Sale
Announcement!!!
Ang Regional Schools Press Confer-
ence ay temporaryong gaganapin sa
Nob -yembre 10-15, 2013, wala pang
lugar.
Ang 3rd Provincial Jamboree ay tem-
poraryong gaganapin ngayong Disy-
embre 6-8,2013, sa Cabucgayan, Bili-
ran. Ito ay may registration fee na
P250.00.
Pinapapaalalahanan ang mga magu-
lang ng ating mga kandidata at kan-
didato sa Lakan at Lakambini ng
Pasko na i-follow-up na ang inyong
mga sobre dahil malapit na ang ating
canvassing na gaganapin sa Disyem-
bre 6, 2013.
BILANG SELEBRASYON SA
Science Month, idinaos ang
taunang Bb. at G. Kalikasan
2013 sa Almeria Gym noong
Oktubre 22, 2013 na sinali-
han ng 15 kandidata at kandi-
dato ng Bb. at G. Kalikasan.
Sina Vanessa
Bernil, Ikaanim na Baitang at
Jun Mark Mosqueda, Ikali-
mang Baitang ang mga pam-
bato ng ating paaralan.
Maayos na naisagot
ng ating mga pambato ang
kanilang mga katanungan sa
naturang kompetisyon.
Kahit hindi nanalo ay
masaya pa rin sila dahil sa
karanasang iyon. Masigla si-
lang umuwi na may pag-
asang makakamit din ang
panalo sa susunod na mga
laban.
ni Edmon S. Candila at Deniel Jefferson Garciano
NASUNGKIT NI HANNI-
bal Tanguihan ang ikapitong
pwesto sa Sports Writing Filipino sa nakaraang Re-
gional Schools Press Conference na ginanap sa
Catarman, Northern, Samar noong nakaraang Nob -
yembre 19-22, 2012.
Sa mahigit na isang libong kandidato sa
buong Rehiyon na sumali sa naturang kompetisyon,
isa si Hannibal Tanguihan sa mapalad na kontestant
na dumalo sa naturang patimpalak. Nanalo si Tan-
guihan ng Ikalawang pwesto sa nakaraang Division
Schools Press Conference na ginanap sa Almeria
Central School noong Nobyembre 7-9, 2012.
Si Hannibal Tanguihan ay isa sa dala-
wang tumanggap ng parangal sa naturang kompetis
yon sa ating Distrito. Kasama ni Tanguihan sa
RSPC si Shannen Rose Pecajas na sumali sa Copy-
reading & Headline Writing Filipino. Ang
pagkapanalo ni Tanguihan ay ang kauna-unahang
ni Aer ian Gazo
na natanggap ng ating pahayagan sa RSPC. Nawa’y
masundan pa ito ng marami pang award sa mga
susunod pang kompetisyon.