10
Ang Kuwento ng Aking Pamilya

Ang Kuwento ng Aking Pamilya...Ito naman si mommy. Naghahanapbuhay rin siya. Guro siya sa isang maliit na eskuwelahan na malapit sa aming bahay, ang Christian Heritage Academy. Sila

  • Upload
    others

  • View
    34

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Ang Kuwento ng Aking Pamilya

  • Kuwento ng Aking Pamilya Natutuhan mo sa mga naunang pagtalakay na ang pamilya ay mga pang araw-araw na gawain. Nagtutulungan ang mga kasapi ng pamilya upang matulungan ang isa’t isa. May mga gawain ang pamilya na patuloy na nagbabago at mayroon din namang mga tradisyon na patuloy pa ring pinapahahalagahan. Ang ganitong mga pangyayari sa iyong pamilya ay maaari mong gawan ng kuwento.

  • Ako po si Drake. Gusto mo bang malaman

    ang kuwento ng pamilya ko? Halina at

    silipin natin.

    Ito ang aking pamilya

    Ako ang bunso sa aming magkapatid.

  • Ito si daddy. Siya ay

    naghahanapbuhay. Maaga siyang

    umaalis ng bahay upang hindi siya

    mahuli sa trabaho.

  • Ito naman si mommy.

    Naghahanapbuhay rin siya. Guro siya

    sa isang maliit na eskuwelahan na

    malapit sa aming bahay, ang Christian

    Heritage Academy.

  • Sila naman sina Lola Carmen at Lolo Bino. Sila ang

    mga magulang ni daddy. Naglilinis ng bahay si Lola

    Carmen. Nagwawalis siya ng sahig at nagpupunas ng

    mga kasangkapan. Si Lolo Bino naman nagkukumpuni

    ng mga sirang kasangkapan. Tumutulong din siya sa

    paglilinis ng bahay at bakuran. Pinapakain niya din si

    Roro, ang alaga naming aso.

  • Si Ate Faith at ako ay nagtutulungan

    sa paghuhugas ng pinagkainan.

    Nagtutulungan din kami sa

    paghahanda ng hapag-kainan.

  • Si daddy ang nagluluto ng

    aming hapunan. Si Ate ang

    tumutulong sa kusina kay

    daddy. Si mommy naman ang

    tumutulong sa akin sa mga

    takdang-aralin. Pagkatapos,

    sama-sama kami sa hapag-

    kainan.

  • Tuwing Sabado naman, si mommy ang

    naglalaba ng marurumi naming damit. Si

    daddy naman ang namamalengke.

  • Pagsapit ng Linggo ay sumasamba kami.

    Namamasyal kami sa mall at doon

    kumakain. Madalas ay nagkukuwentuhan

    kami tungkol sa mga nagawa naming sa

    klase.