Upload
michael-niel-bulatao
View
7.255
Download
56
Embed Size (px)
Citation preview
1
ANG LAGOM AT HAWIG
Ang lagom ay ang pinasimple at/o pinaigsing bersiyon ng isang prosa or berso. May
mahalagang intelektuwal at praktikal ng gamit ang lagom para sa estudyante. Nasasanay siyang
maging intelihenteng mambabasa - natututo siyang umintindi at sumuri sa kanyang binabasa -
mga gawaing nangangailangan ng masuring pag-iisip. Dito'y kinakailangan niyang magtimbang-
timbang kung alin sa mga idea ang importante at siya niyang gagamitin at alin ang di gaanong
importante na siyang isasaisantabi.
Hindi lamang sa pagbasa makukuha ang kasanayan ng estudyante sa paggawa ng lagom.
Masasanay din siya sa mahusay at masurng pagsulat at sa pagkikinig. Sa pagsulat ng lagom ay
kinakailangan din ang pagtitimbang-timbang sa pamimili ng kung alin ang pangunahin o
mahalangang idea, pagpapahayag ng napiling ito sa malinaw, simpleng wika, at pagsusuri sa
mga bagay sa kabuuan nito. Sa pakikinig, natututo ang mag-aaral na magkonsentreyt sa
kanyang panakikinggan - isang proseso na ginagamit ang pag-iisip.
Isa rin magandang pagsasanay ang paglalagom sa pagpapalawak ng bokabularyo,
paggawa ng tiyak, maayos na pangungusap. Natututo ding umiwas sa pagiging maligoy, paulit-
ulit, at sabog sa pagpapahayag.
May mga praktikal na kahalagahan ang paglalagom. Bukod pa sa nakakatipid sa oras at
pagod sa pagbasa, ang natapos na produkto ay masasabing hindi sakripisyong basahin.
Natututo dun ang estudyante o mambabasa na magkonsentreyt at maging matiyaga.
Nakakatulong nang malaki ang ganito sa pag-aaral, propesyon at bisnes. Kapag nakikinig
o dumadalo sa lektyur, interbyu, panayam, simposyon, kumperensya, sermon, miting,
demonstrasyon, atbp. nakakatulong ang isang taong may kaalaman sa paglalagom sa kanyang
sarili at sa iba pang makapagpapahayag ng pinakasentro ng idea ng mga pinakinggang ito sa
mas simple, maayos at malinaw na paraan.
Mga Uri ng Lagom
Ang lagom ay may iba't ibang uri. Ang bawat uring ito ay may partikular na gamit, anyo
at pamamaraan. Ang ilang sa mga uring ito ay ang sumusunod: presi, abstrak, at sinopsis. Ang
hawig o parapreys, bagamat hindi isang uri ng lagom, ay tatalakayin dito sapagkat kaugnay ng
lagom.
2
PRESI
Ang presi ay ang pinakaubod o katas ng isang talata, mahabang prosa o kay'y ng isang
tula. Ito'y isang mahalagang pamamaraan ng pagkakalap ng tala o nowts. Malaki ang
naitutulong ng presi sa pagsasanay sa pagbasa, pagsulat at pati pakikinig. Nangangailangan ito
ng pag-intinding mabuti sa binabasang materyal kung kaya't natututo ang estudyante hindi
lamang basta bumasa nang halos dinadaanan lang ng mata ang mga pahina ng binabasa paris
ng ginagawa ng maraming estudyante. Gayundin, natututo din siyang makinig na mabuti nang
hindi lamang pinapadaan sa kabilang taynga ang napakinggan sa isa. Sa pagsulat naman,
natututo ang estudyante na maging maingat at masuri. Dito'y nasasanay siyang sumuri kung
alin sa mga idea ang pangunahin at alin ang di pangunahin. Nakakapagpalawak din ng
bokabularyo ang paggawa ng presi. Gayundin, nasasanay ang estudyante na bumuo ng
malinaw, simple at maayos na pangungusap.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Presi
1. Basahing mabuti at dahan-dahan ang materyal upang makuha ang pinakasentro ng idea.
Huwag lalampasan ang anumang salita. Huwag kumuha ng anumang nowts.
2. Basahing muli ang materyal. Puwede na ngayong kumuha ng nowts. Maging alisto sa
mga kahulugan ng bawat salita at kataga. Konsultahin ang disyunaryo sa mga
dimaintindihang pagpapahayag, konotasyon atbp.
3. Basahing muli ang materyal sa kanyang kabuuan. Gumawa na ng paggugrupo ng mga
idea (pangunahin vs. detalye).
4. Lagumin ang mga pangunahing idea ng awtor.
5. Sulatin ang presi. Gawing kumpletong pangungusap ang mga pangunahing idea na
kinokonsidera noong una. Gumamit ng mga kinakailangang pang-ugnay.
6. Tsekin ang presi batay sa orihinal.
7. Basahing muli ang presi upang masigurong mga pangunahing idea at hindi suportant
idea ang isinama.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Presi
1. Organisasyon - Ang orihinal na order o kaayusan ang dapat na manatili. Halimbawa,
kung kronolohikal (i.e. pagkakasunud-sunod ng pangyayari na ginamit ng awtor ang siyang
sundin maliban na lamang kung talagang napakagulo ng pagkakaayos ng awtor.)
2. Ilustrasyon - Hindi lahat ng ilustrayon sa orihinal ay kailangang balewalain. Bawat
ilustrasyon ay dapat suriin nang hiwalay. Gayunman, ang mga piguratibong salita, sipi,
metapora at pang-uri ay dapat isama. Maging simple at direkta.
3
3. Proporsiyon - Ang bawat idea sa orihinal ay dapat na pareho ng porsiyento o haba ng
pagtalakay sa presi. Ang isang pangunahing idea na hindi gaanong tinalakay sa orihinal ay di
dapat bigyan ng malawak o mahabang pagtalakay sa presi.
4. Wika - Pangkalahatang tuntunin dito ang panatilihin ang mga salita, pangungusap, at
bahagi ng pananalita ng orhinal. Gayunman, mas madalas ang pagkakataon na kinakailangang
gumamit ng sariling salita. Kung sakaling gagamitin ang mga salita mula sa orihinal, ang
sumusulat ng presi na rin ang mamimili kung aling kaayusan o salita ang higit na
magrerepresenta sa awtor.
5. Pang-ugnay - Kailangang gumamit ng mga angkop na pang-ugnay upang maging tuluy-
tuloy ang daloy ng idea at upang magkaroon ng kaisahan ang presi.
6. Siguruhing ang panghalip ay tumutuloy sa kilala o tiyak na bagay o tao.
7. Gawing pangatlong panauhan ang unang panauhan.
8. Huwag lilihis sa idea ng awtor. Huwag igiit ang sariling idea. Ireserba iyon sa ibang
pagkakataon.
9. Huwag isama ang mga anyong pampanulaan sa tula (tugma, metro, diksyon) pero maari
pa ring gumamit ng imahinasyon at damdamin.
10. Huwag gumamit ng mga listahan, grap, atbp. Ang lohikal na kaayusan ang dapat na
manatili.
11. Siguruhing tiyak o ispesipiko ang lugar at oras na tinutukoy.
Mga Halimbawa
1. Isang pangungusap:
Kung makikinig ka sa pagpapaliwanag ng mga teknokrata at iba pang dalubhasa
wari'y wala nang magagawa ang mga mamamayang nahihirapan kundi ang tanggapin
ang umiiral na kalagayan, higpitan ang sinturon at tiisin ang kalam ng sikmura.
Presi
Kung makikinig ka sa mga teknokrata ay mga dalubhasa, wari'y wala nang
magagawa ang mga mamamayan kundi ang tanggapin ang kanilang kahirapan.
2. Isang talata:
Ang disisiyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa
disco at sounds. Hindi para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na disisiyete'y nakaburol siya
sa Malate Church, namamaga ang noo dahil ang balang pumasok sa ulo'y di na
nakalabas, putok ang mga labing nasubsob sa kalsada, duguan ang knapsack. Kagaya
siya ng karaniwang bangkay na pinapangit ng kamatayan pero ang kamatayan niya'y
lubhang pinapangit ng pangyayaring ang mga pumatay sa kanya'y maaring i na
4
matagpuan kailanman. Siya ang pinakahuling biktima ng mahabang listahan ng mga
estudyanteng napatay sa rally.
Presi
Hindi gaya ng karaniwang kabataan na laya sa gulang na disisiyete, si Emmanuel
Lazo ay maagang namatay at pinapangit ng kamatayan. Biktima siya sa panakahuling
rally at maaring hindi na mabibigyan ng katarungan.
3. Isang editoryal
Iyang Tinatawag na Pagtatapos
(Sagisag, Mayo 1979)
Sumasaksi ang nagdaang buwan ng Abril sa pagtatapos ng kawan-kawang mga
estudyante sa iba't ibang paaralan sa bansa. Depende sa antas ng edukasyong natamo
ng estudyante, pagkakagastos ang kahulugan para sa magulang ang graduation ng kani-
kanilang anak.
Sa ating lipunan ang pagtaggap ng sertipiko o diploma at itinituring na
pagkakataong dapat kabitan ng selebrasyon. Ito raw at pag-angat sa baytang-baytang na
landas patungo sa higit na maginhawang buhay. Isa pa raw pinto ang nabuksan papasok
sa hanay ng maliliit na bahagi ng populasyong kumikita sa paraang magaan at may
katiyakan.
Mahirap mamatay ang ilusyon na ang graduation at susi sa pag-unlad ng bawat
estudyanteng makapagtapos. Ang karanasan ay ilan sa libu-libong estudyanteng
nakatapos sa kolehiyo para sa di-mabilang na magulang upang igapang na mapag-aral
ang kani-kanilang anak hanggang ito ay matawag na "titulado." Para na rin sa mga
kabataang nangangarap ng buhay na malayo sa bukiring sinasaka, pabrikang
pinalilingkuran, at kantong pinag-iinuman, lubhang kaakit-akit ang ipinangangakong
oportunidad upang maka-angat sila sa kahirapan.
Marahil ay kailangang talaga ang ilusyon, ang pag-asang sa dulo ng landas
makalabas ng unibersidad ay mayroong higit na maaliwalas na buhay na naghihintay
para sa nagsusumukap. Hindi kailangang subhan ang kumakawag na ningas ng ilusyon.
Ang mahalaga'y maipaunawa sa mga magulang at sa kanilang mga anak na rin na
habang lumalaon ay kumikipot pang lalo ang pinto, tumatarik pang lalo ang landas.
5
Sa mga darating na panahon, ang sertipiko o diploma ay malamang na maging
mga hunghag na sagisang lamang. Habang dumarami ang nakatatanggap nito, ang
kapirasong papel na nagsasabi kung ano ang natapos ng isang tao ay hindi na gaanong
pahahalagahan ng magbibigay ng empleyo. Ang kakailanganin na ay katibayan ng
kalidad ng edukasyon at ang karanasang nagpapakilala ng bisa ng pinag-aralan ng isang
aplikante. Ang ganyang pangangailangan ay nararamdaman na sa ating panahon at ito'y
pinatutunayan sa pagsulpot ng mga kursong maghahatid sa lalo pang mataas na antas
ng edukasyon.
Samakatwid, habang kumikipot ang pinto at tumatarik ang landas, ang
pagkakamit ng edukasyon ay lalong nagiging magastos sapagkat nararagdagan ang
panahon ng pag-aaral. Sa ganitong sitwasyon, ang pagtatapos sa isang kurso ay nagiging
paghakbang lamang mula sa isang kurso tungo sa bagong kurso. Hindi naman natin
sinasabing mawawalan na ng timbang ang diploma sa hinaharap. Kakailanganin lamang
na ito'y langkapan ng timbang ng karanasan o ng dagdag pang haba ng panahon ng pag-
aaral.
Presi
Bagamat magastos, laging inaasam-asam ng mga magulang ang graduation ng
kanilang mga anak sapagkat ipinapalagay nilang ang diploma ang makapagpapaahon sa
kanila sa kahirapan. Hindi masamang mangarap ng ganito ngunit dapat ngayong
tanggapin ang katotohanan na hindi na lamang diploma kundi karanasan at mas mataas
pang edukasyon ang hinihingi upang magtagumpay. Kung kaya't lalong nagiging
magastos ang edukasyon sa kasalukuyan.
4. Isang Tula
Balibago, Angeles: 1948
(L. Ricarte)
Mag-aapatnapung taon ang nakaraan,
Yaon ay isang maliit na nayon
Sa isang liblib na pook
Na ang nag-uugnay sa kabayanan
Ay isang makitid at maalikabok na daan;
Lilima-lima ang tumatakbong sasakyan,
na kailangan mo pang hintayin
6
Nang halos isang oras bago magdaan;
Sa mga babae roong bahagyan nang makabihis
Kami nagpapalaba.
Kinukuha nila ang damit sa Kampo,
Binabasta at sinusunong na pauwi.
Sa kanilang kawalan ng pagpapanggap,
Sa kanilang kapayakan at karukhaan,
Nadarama ko ang pagpapalang isinermon sa Bundok.
Pagkaraan ng mag-aapatnapung taon,
Dumalaw ako roon.
Hinahanap ko si Aling Maring,
Si Luming ang labing-anim-na-taong
Hindi marunong magpinta ng mukha
At laging nahihiya kung ngumitil
Ang nakita ko'y mga banyagang pangalan
Sa mga libingang walang lapida.
At nasaksihan ko ang pagkalagas ng mga sampaguita
Sa yapak ng mga dayuhang takong,
Ang mga berdeng kahoy na ibinuwal,
Ang basal na lupang ginahasa,
Ang himpapawid na pinarumi ng usok
Buhat sa kalapit na paliparan.
Presi
Apatnapung taon na ang lumipas. Sa isang maliit, liblib at mahirap na nayon sila
nagpapalaba bilang sundalo sa mga simple, tapat ngunit mahirap, at pinagpalang mga
kababaihan. Matapos ng 40 taon, siya'y bumalik at hinanap ang mga dating kababaihang
mahiyai't simple. Ngunit ang nakita niya'y mga dayo na roon, mga babaing nilaspag ng
mga dayuhan. Nawala na ang mga dating nayon na napalitan na ng modernisasyon.
Abstrak
Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit sa mga akdang akademiko, siyentipiko o
pangsiyensiyang panlipinan (social science). Kaya magagamit ito sa mga tesis, lektyur, mga
7
papel na siyentipiko at teknikal, mga report. Ang mga akademiko at siyentipikong papel ay
karaniwang may kanya-kanyang metodo o pamamaraan depende kung sa aling larangan ito
nabibilang. Halimbawa, sa larangan ng sikolohiya, ang karaniwang kaayusan ng mga papel o
report ay ganito:
1. layunin
2. metodo o pamamaraan
3. kinasapitan or resulta
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahin mabuti ang materyal.
2. Tiyakin ang mga bahagi bagay sa pormat ng pag-aaral (e.g. layunin, pamamaraan,
kinasapitan).
3. Hanapin ang mga pangunahing idea para sa bawat bahagi.
4. Isulat sa simple, malinaw, at direktang pangungusap.
5. Iwasan ang mga ilustrasyon, grap, teybol, atbp. liban kung bahago ng pangunahing idea
(hal. bahagi ng pangunahing resulta ng isang eksperimento).
6. Suriing muli ang orihinal. Tingnan kung may pangunahing idea na di naisama sa presi.
7. Basahin ang presi at pakinisin.
Narito ang isang halimbawa ng Abstrak:
Ang Wika sa Larangan ng Katutubong Panggagamot
Cynthia Balza, L. Montes, L. de Villa at L.M. Sycip
Ito ay isang pananliksik tungkol sa iba't ibang pamamaraan ng katutubong
panggagamot at sa mga ito. Ang metodong ginamit sa pag-aaral ay ang pakikipanayam ang
sistematikong pagmamasid, at ang pagtitipon ng mga nagawang pag-aaral tungkol sa paksa.
Layunin ng pag-aaral na ito ay ipakita ang katutubong panggagamot. Ang natipong kaalaman ay
hango sa tatlong pangkat: (1) ang mga pangunahing konsepto; (2) mga paraan at gamit sa
panggagamot at sa mga paraan sa pagtuklas sa sakit. (3) mga sakit, at mga katutubo at
makagham na lunas. Napatunayan ng pagsusuring ito na ang wika ay maaring isang behikulo sa
pagbabalangkas ng mga karanasan sa larangan ng katutubong panggagamot.
Sikolohiyang Pilipino (1976)
-V. G. Enriquez, (ed)
8
SINOPSIS
Kung ang abstrak ay sumusunod sa lohikal na order ng mga idea, ang sinopsis naman ay
sa kronolohikal na order. Ito ay isang uri ng lagom na higit na gamitin sa mga akdang may
elementong naratibo: kuwento, salaysay, nobela, dula, atbp.
Mga Hakbang at mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis
1. Basahin mabuti ang materyal. Huwag alisin sa isip ang mga detalye.
2. Tiyakin ang mga pangunahing pangyayari sa istorya.
3. Tiyakin ang mga tauhan at ang kanilang papel.
4. Tiyakin ang lugar o mga lugar na pinagyarihan.
5. Tiyakin ang panahon o mga panahon.
6. Sulatin ang sinopsis. Bigyang-empasis ang banghay o pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari ngunit tinitiyak ang tauhan, laugar, panahon, panauhan.
7. Gawing pangatlong panauhan ang una at pangalawang panauhan.
8. Gawing tiyak, simple, direkta ang mga salita at pangungusap.
9. Basahing muli ang orihinal para tiyaking walang nakalimutang mahalang idea.
10. Basahing muli ang sinopsis. Rebisahin.
Narito ang isang halimbawa ng sinopsis:
Dalawang pares ng mangingibig ang itinatampok ng "Unang nobelistang Tagalog sa
kanyang akdang Nena at Neneng at ang pagsubaybay niya sa pag-iibigan nina Nena at
Deogracias at Neneng at Sochong ang bumubuo sa nobela. Sa pagbubukas ng nobela, may
tampuhan ang matalik na magkaibigang babae na kapwa pumapasok na mananahi sa lungsod
ng Maynila. Nahahalata ni Neneng na si Nena ay may lihim na tagahanga, si Miguel, at kanyang
pinagseselosan ang dating nasasariling kaibigan. Di naman nagtagal ang kasunduan nina Nena
at Miguel dahil sa pagbabawal ng tiyang kumukupkop at nagpalaki sa dalaga. Bumalik si Miguel
sa dating nililigawan, kay Chayong na tumanggap naman sa binata gayong kasintahan ang
pinsang si Sochong. Uuwi si Nena at ang kanyang tiya sa Bulakan dahil sa pagkamatay ng
tiyuhing at doo'y nakaniig muli ni Nena ang kababatang si Deogracias. Ang dating pagkakaibigan
nina Nena at Deogracias ay nauwi sa pagmamahalan at humantong sa pag-aasawa. Samantala,
sa Maynila naman ay nagtanan sina Chayong at Miguel. Nahuli ang dalawa ng mga magulang ni
Chayong at napiit si Miguel. Panay kasawian ang inabot ng dalawa hanggang namatay si Miguel
sa piitan at magkasupling si Chayong at palayasin ng mga magulang. Si Sochong na lamang
nagpakita ng pagtingin sa mag-nang ulila subalit ito'y naputol din nang makilala nito at
9
mapusuan si Neneng. Maligaya sa simula ang pagsasama nina Neneng at Sochong subalit di pa
ito nagtatagal ay tinubuan ng matinding panibugho si Sochong hanggang magawa niyang
layasan ang walang kasalanang asawa. Nagtungo si Neneng sa bayan nina Nena at Deogracias at
doon namatay sa hinagpis at sama ng loob. Di na siya naabutang buhay nang humabol na si
Sochong at malaking panghihinayang at lungkot nang ibalita ni Nena ang sinapit ng kabuyak ay
namatay din ang lalaki.
- Ang "Pamana" ng Nena at Neneng
E. B. Soriano
Hawig o Parapreys
Iba ang hawig o parapreys sa lagom. Gayunman, iisa ang kanilang layunin: maipahayag
sa mas simple, direkta at naiintindihang pananalita ang orihinal. Ang hawig ay isang pagsasabi o
paghahayag ng idea at pananalita ng isang akda sa pananalitang naiintindihan ng mambabasa at
tagapakinig. Dito, ang isang mahirap intindihing istilo ng manunulat at napapadali. Gayundin,
ang isang akdang sinulat noon pang unang panahon, halimbawa, noong panahon ng kastila, ay
maipaiintindi maing sa kabataan sa kasalukuyan kung ito'y gagawan ng hawig o isusulat sa
pananalitang mas simple at mas naiintindihan ng kasalukuyang mambabasa. Para sa mga
akdang mahirap intindihin maging ito'y prosa (kuwento, nobel, dulam sanaysay, artikulo, o
teknikal na akda, o tula), lalo na kung ang mga ito'y puno ng mga matatalinhangang pananalita
o teknikal na salita, malaki ang maitutulong ng panggawa ng hawig. Ang hawig o parapreys ay
isang "pagsasalin" ng idea at pananalita ng awtor sa sariling pananalita ng gumagawa ng hawig.
Nakakatulong din ito para sa higit na maging mapagsuri at mapag-isip ang estudyante.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Hawig ng Prosa
1. Basahin ng makailang ulit ang materyal hanggang sa maintindihan mabuti ang ideang
ipinapahayag ng awtor.
2. Kung may mga salitang hindi maintindihan, hanapin sa diksyunaryo at iba pang
mapagkukunan ng depinisyon.
3. Sulatin ang hawig. Gumamit ng malilinaw, tiyak, direkta at kongkretong mga salita. Hindi
kinakailangang palitan lahat ng salitang nasa orihinal kung malinaw naman at pamilyar
ang salitang ito. Ang mahihirap intindihaing mga salita lamang (halimbawa, pirugatibo,
konotatibo, tektinkal) ang bigyan ng sinonim.
4. Basahib muli ang orihinal para siguruhing talagang naiintindihan nga ang ipinapahayag
nito.
5. Basahin muli ang ginawang hawig. Tsekin ang ispeling, ayos ng pangungusap at daloy ng
idea.
10
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Hawig ng Tula
1. Basahing mabuti ang tula. Suriing mabuti ang kahulugan ng bawat linya. "Pasukin" ang
mga salita para lumabas ang pinakaidea nito. Damahin pati ang damdaming
ipinapahayag ng tula.
2. Intindihing mabuti ang mga piguratibo at konotatibong salita.
3. Sulatin ang hawig. Gumamit ng mga simple, tiyak at direktang pananalita. Iwasan ang
mga ispesipikong halimbawa.
4. Gumamit ng pangatlong panauhan.
5. Basahing muli ang tula.
6. Muling basahin ang sinulat na hawig. Tsekin kung naipahayag ng hawig ang ideang
ipinapahayag sa tula.
Narito ang halimbawa:
Ina ng Laging Pagpapasaklolo
1
Taus-puso't lubos
anyaya ng Lady's Choice:
"come,
open yourself
to some of the best things in life. Food.
come, live it up.
with...
Lady's Choice honest-to-fullness. Foods.
eating is living
eataway ang live it up!"
Sim bingi
ang di nakahagip sa payo ng SMC?:
"Yung may pulp buts siyempre."
Sinong bingi
and di nakahagip sa alok ng Cosmos Bottling Company?:
"Uminom ng Sarsi
Nag-iisa sa lasa.
Uminom ng Sunta
11
Katas-California."
Magpapresko,
presentado ng Presto:
"The new landmark
in Goody-goody land.
Now Open!
The Presto Ice Cream Houce on Shaw Boulevard."
Di naman gaya-gaya,
inihuni ng Maya:
New Maya soup
always fresh, always delicious!"
Ina, mawawala na ang hapdi ng iyong sikmura.
Kita'y ipaghahanda
ng sambandehadong salita.
2
Makinig,
ipinahahatid
ng Litton Mills, Incorporated:
"Exciting, Fascinating, Fashionable.
Litton's world of fabrics
captures the ultimate need
of its users."
Makinig, ipinahahatid
ng Ramitex:
"Magbalik-anyo with Ramie-Tetoron."
Ina, makukuha pa ba sa tagpi ang gula-gulanit mong saya"
O dapat nang palitan?
Ilang yardang salita ang iyong kailangan?
3
"Planning for future generations...
Towards a better quality of life
A deep moral obligation.
12
The Total Environmental Community
A project of Caliraya Management & Development Corporation
Shaping a better Environment for Man."
"Maunlad ito! Philbanking yata tayo!
Todo-todo ang serbisyo."
"Full comfort living ang nagbubugay Singer.
Magbuhay-Singer. Ngayon na.
The good and easy life. Para sa lahat."
Ina, sa iyong pagkakalugmok,
sa kulimlim na langit ng buhay mong pinapalibhasa,
may balangaw ng mga salita,
may balangaw ng mga salita sa tutubos.
- Ina ng Laging Pagpapasaklolo
R. Sandoval
Hawig
1. mga pagkain, inumin, pampapresko,
pampainit ng sikmura.
Ina, kahit sa salita lamang ay mabubusog ka na.
2. tela, pananamit.
Ina, mapapalitan na ng salita ang sira--
sira mong damit.
3. pabahay, kasangkapan.
Ina, ang pag-asa mong maahon sa
kasawian at kahirapan ay nandoon
sa bahaghari ng mga salita.