38
ANG MAIKLING KWENTO Katuturan: - isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. - maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela. - Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw. Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling Kwento 1. sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat – nanininwalang mahalagang magkaroon ng isang balangkas ang maikling kwento. 2. sumusunod sa makabagong pamamaraan – naniniwalang hindi na kailangan pa ng balangkas sa pagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang kalooban. Mga Katangian ng Maikling Kwento: 1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay. 2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan. 3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo. 4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad ng wakas. 5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan. Mga Sangkap ng Maikling Kwento: 1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari. 2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan. Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan: a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya. 3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento. Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito. 4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento. Nakikilala rito ang mga sumusunod: a. paglikha ng nagsasalaysay b. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay c. ang taong pinagsasalaysayan nito. d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay e. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay. Mga Uri ng Paningin:

Ang Maikling Kwento

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Maikling Kwento

ANG MAIKLING KWENTO Katuturan:

-          isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

 -          maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling

nobela o buod ng isang nobela. 

-          Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

 Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling Kwento

1. sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat – nanininwalang mahalagang magkaroon ng isang balangkas ang maikling kwento.

2. sumusunod sa makabagong pamamaraan – naniniwalang hindi na kailangan pa ng balangkas sa pagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang kalooban.

 Mga Katangian ng Maikling Kwento:

1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan.3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad ng

wakas.5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

 Mga Sangkap ng Maikling Kwento:1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at

pantulong na tauhan.Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:

a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan

b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.            Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang          makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito. 4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento. Nakikilala rito ang mga sumusunod:

a. paglikha ng nagsasalaysayb. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysayc. ang taong pinagsasalaysayan nito.d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysaye. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

 Mga Uri ng Paningin:

A. paningin sa unang panauhan – ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan  ng unang panauhang “ako”

B. paningin sa pangatlong panauhan – ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago.

C. tinakdaang obhetibong paningin – ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya’y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.

D. obhetibong paningin o paninging palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang     

      ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirang      masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.

Page 2: Ang Maikling Kwento

E. paninging panarili – isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o “stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na “ako”.

F. paninging laguman – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan maliban sa pangunahing tauhan.

5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap.

Halimbawa:                            “ ang pagsama ng isang tao” 

-          kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito: 

“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng  mapapait niyang karanasan sa buhay ”6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-iyak

ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang pighati.7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang

pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din nito’y nagiging matimpi ang pagsasalaysay, hindi nagiging kabagu’t bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng mga sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa pangunahing sangkap ng maikling kwento.

8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

Halimbawa:                   Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay kumakatawan sa katapangan o kaguluhan. 9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang

magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.

 10.Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at

kapana-panabik ang mga panggyayari kaya’t sinasabing ito angsanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.

 Mga uri ng Tunggalian:a. tao laban sa taob. tao laban sa sarilic. tao laban sa kalikasan

 11.Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng

mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

12.Himig – ito’y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.

13.Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo.

14.Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

15.Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.16.Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin

hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha. 

Page 3: Ang Maikling Kwento

17.Wakas – bagama’t ang kwento’y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa. 

Mga Bahagi ng Maikling Kwento1. Pamagat – tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at daloy ng mga

pangyayari.2. May-akda – tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging ito ay dapat makilala

kahit na pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat upang maikumpara ang kanyang talino at pagkatao sa paglikha ng mga kwento at ang kaugnayan nito sa sariling karanasan, pananaw sa buhay at sa paligid na kanyang kinabibilangan.

3. Panimula – ito ang simulain ng kwento. May iba’t ibang paraan ng pagpapakilala                             rito:

a. Pagpapakilala sa mga tauhan – ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na ang pangunahing tauhan, mapangibabaw ang katangian ng pangunahing tauhan upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa.

b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan – kailangang pagitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan upang matiim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga sumusunod pang pangyayari.

c. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa kwento – ang lahat ng mga pangyayari sa tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa.

d. Paglalarawan ng tauhan – sa ‘di tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ng mga bayani sa akda; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan at ang damdaming nais maantig sa mambabasa.

 4. Tunggalian – ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga  kasalungat na maaaring isa

ring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.5. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang at

malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin.

6. Wakas – ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kwento.

 MGA BAGAY NA MAHALAGA SA Pagsulat ng Maikling kuwento 

1. Ang PamagatAng isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:

1. hindi pangkaraniwan2. Kapansin-pansin3. kapana-panabik

 Mga Pamagat na Dapat Iwasan

1.      pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam”2.      pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak na Suwail,Nagsisi.”3.      pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay “Naaagnas na Bangkay.”4.      pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.”

 Maaaring Maging Mabuting Pamagat

1.      pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales.

2.      pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni Epifanio Gar. Matute.3.      pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando R. Ocampo4.      isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May Balantukan ni Mabini Rey

Centeno5.      katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento: Uhaw ang Tigang na  Lupa ni

Liwayway Arceo.6.      Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga Bulaklak ni Jose

F. Sibal 

2. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa BuhayMailalarawan nang buong limnaw ng isang manunulat ang mga bagay na nais niyang

ilarawn kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring limabas na malayo sa katotohanan. Isang halimbawa’y isang manunulat na naglalarawan sa kanyang kuwento na tungkol sa bansang Inglatera ngunit hindi pa  siya nakararating sa naturang bansa.

Page 4: Ang Maikling Kwento

Magagawang malinaw at kapani-paniwala ang paglalarawan  o pagsasalaysay sa pamamagitan ng pagamit ng tiyak na mga katangian o tiyak na mga pangyayari.

 Sa ganitong paglalarawan, kailangang ilarawan ang pook na pagdarausan ng kasayahan,

ang kapaligiran, mga ilaw, mga pagkain, at iba pang bagay na maaaring makatulong sa pagbuo ng larawan sa isip ng mga mambabasa.

 3.      Ang Usapan sa Kuwento

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:                       

1.      pagiging natural – Kailangan ang sagutan ay katulad ng sa tunay na usapan. Nauugnay ang sinasabi ng sumusunod na nagsalita sa sinabi ng nauna. Mayayamot ang bumabasa kung sa dalawang nag-uusap ay isa lamang ang palaging nagsasalita at ang kausap ay tagausisa lamang na kahit mawala ay hindi magiging kakulangan sa kuwento.

Ang mga sinasabi ng tauhan ay hindi dapat na napakahaba na tila nagtatalumpati, maaring mahaba ang sinasabi ng tauhan kung gayon ang hinihingi ng kuwento.

Hindi kailangang maging buo ang pangungusap.Maaring magsalita, isang parirala, o paputol-putol ang pagsasalita.

2.      angkop ang tauhang nagsasalita – Sa pagsasalita ng tauhan ay kailangang makilala ang likas niyang sarili at ang damdaming nag-udyok sa kanyang ikinilos. Kailangan ang isang tauhan ay mamumukod sa mga kasaman niya sa pamamagitan ng kanyang mga sinasabi. Maari siyang seryoso, madaldal, palabiro, utal, nakayayamot, o kaya’y mapambuska.

3.      angkop na pangyayari – Kailangan sa pamamagitan ng sinasabi ng tauhan ay malaman ng mambabasa kung anong damdamin ang nag-uduok sa kanya upang magsalita nang ganoon.ang isang taong nagsisisi nang buong puso ay hindi magsasalita nang mapangmataas. Ang isang taong takut na takot ay hindi maaring magsalita nang mahinahon at buong katalinuhang sagutin ang tanong sa kanya. Kung ang tauhan ay nagtatampo, bayaang makilala ang pagtatampo sa kanyang mga sinasabi.

4.      pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento – Kailangan ang pag-uusap ay tumutulong sa pagsulong na galaw ng kuwento. Ang pag-uusap ay hindi dapat gamiting kasangkapan upang maiparangalan ng may-akda ang kanyang karunungan at kaliksihang isip.

 4.      Paglalarawang-Tauhan

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan:

1.      paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan2.      paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan3.      paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan4.      tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan5.      paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga kasangkapang kanyang

ginagamit6.      paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang kinakaharap7.      paglalarawan ng mga sinasabi nfg ibang mga tauhan tungkol sa isang tauhang tinitukoy sa

kuwento8.      paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan

5.      Masining na Pagsulat May tatlong parran ang masining na pagsulat.

1.      Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang2.      Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian sa pananalita.3.      Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

 Mga Kailangan ng Isang Maikling Kuwento            Tunggalian                         May dula o kilos na madula ang isang kuwento. Kailangang magkaroon ng tunggalian upang magkaroon ng dula. Tinatawag na tunggalian ang paglalaban ng pangunahing tauhan at iba pang mga tauhan. Ang isang kaisipan ay maaring makipagtunggali sa isa pang kaisipan. Ang ikapagtatagumpay ng alinman sa dalawa ay nasa manunulat. Maari namang ang isang tauhan ay makipagtunggali sa kalikasan, tulad ng bagyo, at iba pang dulot ng kalikasan.                        Nakapagdudulot ito ng kapanabikan at kasiyahan sa mga mambabas ang bawat tunggalian. Hindi mabuting kuwento ang isang akdang walang tunggalian. Hindi ito magiging kawili-wili sa mga mambabasa.             

Kasukdulan             Nagbibigay na pananabik sa mga mambabasa ang bawat tunggalian. Ang mga

tungggalian sunud-sunod ay dumarating sa isang tanging bahagi na nagdudulot ng pinakamasidhing pananabik. Ang bahaging ito ng pinakamasiding pananabik ay tinatawag na kasukdulan.

Katapusan             Ang mga mambabasa’y nananabik kung ano ang magiging wakas ng kuwento hangga’t

hindi sumasapit ang kasukdulan. Nagpapatuloy ang mga mambabasa sa pagbasa upang malaman kung

Page 5: Ang Maikling Kwento

ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan. Ang kuwento’y magwawakas na pakatapos ng kasukdulan. Hindi dapat na pahabain pa ang kuwento pagkatapos ng kasukdulan sapagkat mawawala ang ganda nito. Dagling sundan ng wakas. Ang isang makabagong manunulat ay maingat sa pagtatapos ng kanyang kuwento. Ang wakas ay malimit na ipinapaubaya niya sa guni-gini ng kanyang mambabasa.

 MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MAIKLING KUWENTO                         Ang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na maikling kuwento ay ang mga sumusunod:            1. Kaisahan   

Ang kaisahan ng maikling kuwento ay tumutukoy sa isang panggitnang kaisipan. Kailangang makapag-abuloy sa kaisahan ng kaisipang nais palitawin ng may-akda ang bawat bagay sa kuwento. Ang mga kilos at pag-uusap ng mga tauhan ay nararapat ding makapag-abuloy sa kaisahan. Ang kaisahan ay bumubuo sa isang pangungusap mataposs mabasa ng mambabasa ang kuwento. Maaaring isaisip ng isang mambabasa na ang paksa ng kuwento ay tungkol sa pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, ang pagkamakabayan ng isang lalaki, ang kahalagahan ng karunungan, ang pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan, pagpapahalaga sa karapatang pantao, atbp.

            Ang Mabuting Pagpapahayag                                    Ang mabuting pagpapahayag ay pagpili ng mga wastong salita na angkop sa diwang nais ipahatid ng may akda. Ang paggamir ng mga pili at angkop na mga salita ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay magiging mabisa ang kaisipang ipinapasok ng manunulat sa mga tauhan at magiging malinaw ang paglalarawan. Ang mahusay na pagpapahayag ay nakatutulong sa kaisahan ng kuwento.            Ang Pamamaraan                                      Iba’t iba ang pamamaraang ginagamit ng mga kuwentista. Ang bawat isa’y may sariling kakanyahan. Ang mga manunulat na sumasang-ayon sa dating pamamaraan ng pagsulat ng maikling kuwento ay nanniniwala sa pamamaraang nagbibigay-diin sa balangkas. Ang pamamaraang ito ay may mga sumusunod na bahagi:                                             i.      Panimula (Kasama rito ang tagpuan)                                    Maraming tungkuling ginagampanan ang panimula. Inilalahad nito ang tagpuan(setting) na siyang nagpapakilala sa mga mambabasa ng mga tauhan,panahon, at lunan ng kuwento. May mga kuwentong inilalahad na lahat ng tagpuan, ang tatlong sangkap ng tauhan, panahon, at lunan. Kung minsan nama’y ang inilalahad ng tagpuan ay tauhan at panahon lamang, ipinauubaya na sa mga mambabasa na hanapin ito sa kabuuan ng kuwento?

ii. Saglit na kasiglahan                                               Ang mga bahaging naglalahad ng unang suliraning inihaharap ng lunas ay tinatawag na saglit ng kasiglahan. Higit na umaakit sa mga mambabasa ang bahaging ito upang ipagpatuloy ang pagbasa. Ang pag-aakit ng mga mambabasa sa panimula dahil sa pamamaraang ginagamit ng may-akda ay pansamantala lamang. Ibang uri ng pagkaakit ang naramdaman nila ang pamiminto ng isang pangyayaring gumising ng isang tiyak na damdamin kung hindi man maging kawili-wili.                        

iii. Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas                                    Ipinaliwanag sa dakong unahan na ang saglit ng kasiglahan ay simula ng pagtungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Ang susunod ay mga pangyayaring kailangang maayos ang pagkakalikha at pagkakahanay. Ang naturang mga pangyayari ang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas. Ang mga ito ay lumilikha sa isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi hanggang sumapit ang pinakamasidhi na tinatawag na kasukdulan.                        iv. Kasukdulan                        v. Kakalasan Mga Uri ng Maikling Kwento

Kwento ng Pag-ibig Kwento ng Katutubong –kulay Kwento ng Tauhan Kwento ng Kaisipan Kwento ng Katatakutan Kwento ng Kababalaghan Kwento ng Katatawanan Kwento ng Talino Kwento ng Pampagkakataon Kwento ng Kapaligiran Kwento ng Makabanghay

  

MGA BAGAY NA MAHALAGA SA Pagsulat ng Maikling kuwento

Page 6: Ang Maikling Kwento

6. Ang Pamagat

Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian: hindi pangkaraniwan Kapansin-pansin kapana-panabik

Mga Pamagat na Dapat Iwasan pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam” pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak na Suwail,Nagsisi.” pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay “Naaagnas na Bangkay.” pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.”

Maaaring Maging Mabuting Pamagat pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni

N.V.M. Gonzales. pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni Epifanio Gar. Matute. pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando R. Ocampo isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May Balantukan ni Mabini Rey

Centeno katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento: Uhaw ang Tigang na  Lupa ni

Liwayway Arceo. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga Bulaklak ni Jose

F. Sibal7. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay

Mailalarawan nang buong linaw ng isang manunulat ang mga bagay na nais niyang ilarawan kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring limabas na malayo sa katotohanan..8. Ang Usapan sa Kuwento

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan: 1. pagiging natural2. angkop ang tauhang nagsasalita3. angkop na pangyayari4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento 

9.    Paglalarawang-TauhanAng mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng

mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan:1.    paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan2.    paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan3.    paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan4.    tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan5.    paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga

kasangkapang kanyang ginagamit6.    paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang

kinakaharap7.    paglalarawan ng mga sinasabi ng ibang mga tauhan tungkol sa isang

tauhang tinitukoy sa kuwento8.    paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang

tauhan10.   Masining na Pagsulat

 May tatlong paraan ang masining na pagsulat.1.    Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang2.    Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian

sa pananalita.3.    Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

Page 7: Ang Maikling Kwento

MASINING NA PAGSUSURI NG MGA PILING TULA SA FILIPINO===================================================================

Ang pag-aaral na pinamagatang “Masining na Pagsusuri ng mga Piling Tula sa Filipino” ay isinagawa upang ipakilala at ipakita sa mga mambabasa na ang Panitikang Filipino ay maaaring maging tanglaw sa pagsusuri at pagpapahalaga at pagpapahalaga ng mga tula.

Hinanap sa pamamagitan ng masusing pagsusuri o ng tiyak na kasagutan sa mga sumusunod na tanong:1. Anu-ano ang uri ng tula ayon sa kaanyuan at layunin?

2. Ano ang magagandang kaisipan na nahahayag at nailalarawan sa bawat tula? 3. Anong mga katangian na nahayag ng bawat makatang pinag-aralan? 4. Anong implikasyon sa buhay ng mga mag-aaral at mambabasa ang mga

natuklasan sa pag-aaral ng mga tula?Dahil sa ang suliranin ng pag-aaral ay tumalakay sa mga katangian na nakapaloob

sa tula, ay gumamit ang mananaliksik ng pagsusuring pampanitikan at paraang paglalarawan (descriptive method).

Lagom sa Paraan ng Pag-aaralNilikom ng mananaliksik ang lahat na kailangang materyal sa pag-aaral. Ito ay

nagmula sa ibat - ibang aklat na ginagamit na sangguniang pampaaralan. Binasang mabuti ang bawat tula, pinag-aralan at sinuri ang mga uri ayon sa kaanyuan at salig sa layunin at hinanap din ang mga katangian ng makatang sina Amado V. Hernandez at Teo S. Baylen sa pagkatha ng kanilang mga panulat. Ang mga natuklasan sa pag-aaral ay may implikasyon sa buhay ng mga mambabasa at mag-aaral.

Gumamit sa kanyang pag-aaral at pagsusuri ang mananaliksik ng pagsusuring pampanitikan at palarawang pagsusuri.

Sinuring mabuti ang mahahalagang bahagi ng tula upang makuha ang sadyang pinag-uukulan ng mga halaga nito.

LAGOM SA NATUKLASAN URI NG TULA AYON SA KAANYUAN

Isang Dipang Langit – Ito ay pandamdamin, sumusunod sa marangal na batas ng buhay, matapat at realistiko, sa buhay ni Hernandez ay totoong nangyari.

Ang Panday – Ito ay pandamdamin sapagkat may kaugnayan sa tunay na buhay ng tao, ang gawain ng panday.

Ang Buhay – Ito ay pandamdamin. May damdaming nagpapataas sa kalagayan ng tao, makatotohanan. Hindi lahat ng ibig ay makakamtan.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – Pandamdamin, nauugnay sa buhay karanasan ng tao.

Ang Tao – Tulang pandamdamin, may kaugnayan sa tototong buhay, nagsasaad ng damdaming pansarili.

Laboratoryo at Dambana – Tulang pandamdamin, mayaman sa paglalarawan, payak at maiksi, ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagbabago at kababaan ng loob.

Takip Silim at Lumang Lambat – Tulang pasalaysay, naghahayag ng mga pangyayari sa buhay ng tao. Ang pag-aalala sa nakalipas ay magpapahalaga sa buhay ng tao.

Page 8: Ang Maikling Kwento

Ang Tuod na Tulay – Tulang pandamdamin, naghahayag ng katotohanan sa buhay. Pakikibaka sa buhay na nangangailangan ng pagtitiis, pagtitiyaga at kung minsan kawalan ng pag-asa.

URI NG TULA AYON SA LAYUNIN

Isang Dipang Langit – naglalarawan ng tunay na nangyayari sa buhay ng sumulat. Naglalahad ng aral.

Ang Panday – mapaglarawan ng buhay, mapagpanuto, nagbibigay ng patnubay sa buhay.

Ang Buhay – nagtuturo ng aral. Nagbubukas ng isipan na ang buhay ay may ibat-ibang kahulugan.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – naglalarawan ng kalikasan ng tao, ng paligid nito, ang paghihirap ng bayan, ng sambayanang Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Laboratoryo at Dambana – nagbibigay kabatiran sa wastong paggamit ng modernong teknolohiya at maging bukas ang isipan sa anumang pagbabago.

Takip Silim at Lumang Lambat – naglalarawan, mapagpanuto at gumagabay kung paano gamitin ang buhay na makabuluhan upang sa panahon ng katandaan ay hindi makaramdam ng panghihinayang.

Ang Tuod na Tulay – nagbibigay ito ng aral at mga kabatiran sa buhay kung paano mamuhay ang tao sa mundo. Gumagabay sa mambabasa ng mga dapat ikilos o gawin upang maging matatag ang sarili.

MAGAGANDANG KAISIPAN NA NAIHAHAYAG AT NAILALARAWAN SA BAWAT TULA

Isang Dipang Langit – magtiis, magtiyaga, huwag lang palipin ang diwa at panitik.

Ang Panday – sa kabila ng maruming kaanyuan ng panday, siya ay dakila sa bayan.

Ang Buhay – hindi lahat ng naisin ng tao ay makakamtan, may ligaya at lungkot.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – nagtitiis hanggang makakaya, kung dumating na ang sukdulan, ay gumaganting parang bulkang sumasabog.

Laboratoryo at Dambana – ang imbensyon ng tao kung hindi wasto ang paggamit ay magdudulot ng masaklap na kapahamakan. Kababaang loob na tanggapin ang pagbabago.

Ang Takip Silim at Lumang Lambat – ang buhay ay parang pagmamalakaya, samut-saring karanasan ang mahihila sa dagat ng buhay na lalong nagpapatingkad ng kulay sa tunay na kahulugan ng buhay.

Ang Tuod na Tulay – huwag mawalan ng pag-asa, pagkat nasa huli ang pakinabang at maging huwaran sa katatagan upang maging inspirasyon ng mga taong nawawalan ng pag-asa.

KATANGIAN NG MAKATANG PINAG-ARALAN

Page 9: Ang Maikling Kwento

Amado V. Hernandez. Siya ay may katangiang pukawin ang damdamin ng mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan ng buhay. Siya ay tinaguriang “Makata ng Manggagawa” sa ating panitikan sa dahilang nasasalamin sa kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Para sa kanya, ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim. Ang panitik ang makapangyarihan at ayon sa kanya ang hari ang nagpapayuko ng panitik. Mayamang maglarawan at magpahayag ng katotohanan, kung ano ang anumang mangyari sa buhay. Siya ay malikhain, at may kasiyahan sa pagkatha (humor).

Teo S. Baylen. Siya ay may kakayahang tulungan ang mambabasa sa pagkilala ng buhay sa tanglaw ng kabutihan at kagandahan ng pananaw. Sa tula niyang “Takipsilim at Lumang Lambat” at “Tuod na Tulay” ay naglalarawan ng kalagayan ng buhay. Pinupukaw ang ating damdamin ni Baylen sa kanyang tulang “Laboratoryo at Dambana”. Sa pagkamalawak ang kakayahan upang mag-isip at dumama ng mga bagay-bagay na binabanggit ng kanyang mga tula. Umaakay sa matuwid at makatotohanan ang mga panitik ni Baylen.

Implikasyon Ng Mga Natuklasan Sa Pag-Aaral Sa Buhay Ng Mga Mag-Aaral At Mambabasa

Sa mga magagandang kaalaman mula sa pag-aaral ay lumalawak at yumayaman ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral hinggil sa buhay. Hinuhubog ang kanilang diwa at damdamin sa paraang dakila at marangal. Iginagabay sila sa wastong kaparaanan upang magtamo ng buhay na makatuwiran at dalisay.

KONKLUSYONAng mga sangkap ng tula ay nagpapaganda at nagiging mahalaga upang mataglay

ng uri ang tula. Punong – puno ng magaganda at makabuluhang kaisipan ang mga tula na huhubog sa pagkatao ng mga mambabasa. Ang mga may – akdang mahuhusay, may malikhaing guni-guni ay nakagagawa ng mga mapaglarawang mga panitikan. Maraming ginintuang aral at kaalaman para sa mga mambabasa ang mga tulang pinag-aralan.

REKOMENDASYON1. Pag-ibayuhin pa ang pag-aaral at pagsusuri hinggil sa mga sangkap ng tula upang

mapaningning pa ito.2. Pahalagahan ang mga magagandang kaisipan mula sa mga tula upang magamit

na halimbawa sa buhay.3. Maging masigasig at bigyan ng pandama ang pag-aaral ng tula upang makilala ang

mga tagong kagandahan nito.4. Sanaying magbasa ng magaganda at may-uring mga tula upang makita ang

maramingf katotohanana sa buhay.5. Mag-aral at magsaliksik pa ng maraming tula upang makahango ng mabubuting

aral at halimbawa sa buhay ng tao.

ANG SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN

Kahulugan

Page 10: Ang Maikling Kwento

          Nagsimula sa salitang Latin na “communis” na nangangahulugan ng “panlahat o para sa lahat” ang komunikasyon o pakikipagtalastasan.           Ayon kay Webster, ang pakikipagtalastasan ay pagpapahayag; pagbibigay o paghahatud ng kabatiran sa mabisang paraan; isang pakikipag-usap; isang pakikipag-unawaan. Samakatuwid, ito ay paraan ng tao upang buhayin o bigyang-kahulugan ang kanyang salita sa isipan ng ibang tao sa pagpapahayag ng mensahe. Kahalagahan ng Pakikipagtalastasan

1. Ito’y gawaing panlipunan2. Ito’y may kahalagahang pampulitika3. Ito’y mahalaga sa alinmang propesyon 

PagpapahayagAno ang mabisang pagpapahayag?

          Kailangang malinaw ang isang pagpapahayag sapagkat ang layunin nito ay maihatid sa mambaabasa ang mga iniisip. Ano ang halaga ng mahuhusay na ideya kung hindi naman maiintindihan ng mambabasa? Ang isang mabisang pagpapahayag ay iyong nagpapalinaw sa isang konsepto o ideya, lalo na iyong mahirap maunawaan.          Kailangang maganda, sapagkat may mga mambabasang dapat maaakit sa mga sinusulat na ito upang ipagpatuloy at tapusin ang pagbabasa.          Kailangang mabigat, sapagkat kaya nagsusulat ang isang tao ay dahil mayroong sasabihin sa mga mambabasa na sukat kapulutan nila ng mga mahhalagang impormasyon o kaisipang makapagbabago sa mga dati nilang ginagawa o iniisip.          Kailangang nababatay sa realidad at katotohanan sapagkat ang pangunahin sa lahat ay magkaroon ang manunulat ng kredibilidad sa kanyang mga mababasa.          Samakatuwid, dalawa ang mahalagang sangkap ng pagpapahayag: ano ang iyong sinasabi at paano mo ito sinasabi. Ang una’y tinatawag na nilalaman. Tinatawag ding ideya na kung umikot sa iisang bagay ay tinatawag na paksa. Kahit na napakasimple ng paksa, sa kamay ng isang nagsusulat na may mahusay na pamamaraan ang mababaw ay lumalalim, ang simple’y nagiging mabigat, ang ordinaryo’y nagiging kapana-panabik, ang buong sulatin ay nagiging makapangyarihang tagapagpahayag ng kaisipan at damdamin ng tao. URI NG PARAAN NG PAGPAPAHAYAGPAGLALAHAD          Ang paglalahad ay isang paraan ng pagpapahayag na ang hangarin ay gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag sa anumang bagay na nasasaklaw ng isip ng tao. Kung ibig nating ipaliwanag ang kahulugan o katuturan ng isang salita, paraan ng paggawa ng isang bagay, isang simulain, isang layunin, teorya, o palagay, paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng sinusulat at binabasa. –aklat, diksyunaryo, manwal, ensayklopidya, artikulo, editoryal, panunuri sa aklat, dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntunan sa radyo.

Paglalahad           Ang mabisang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa ay paglalahad.           Ito’y ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng direksyon at pagpapaliwanag ng mga hakbang na dapat isagawa kaugnay ng isang gawain.           Sa pamamagitan ng paglalahad ay naipaliliwanag ang kahulugan ng isang ideya at katuturan ng isang salita, ganoon din ang pagkilala natin sa isang bagay, tao o palagay. Higit sa lahat, natutunan ang likas na pagkapalatanong ng tao. Mga Batayang Prinsipyo ng Paglalahad           Ang pagsusulat ng paglalahad ay dapat nag awing mabisa at makabuluhan, kawili-wili at higit sa lahat, malinaw. Malinaw itong matatawag kung ayos ang detalye at tiyak at

Page 11: Ang Maikling Kwento

maikli ang paliwanag. Iwasan ang paghaahlu-halo ng mga ideya na hindi mawarian kung nasaan ang puno at nasaan ang dulo.           Gawing kronolohikal at magkakugnay-ugnay ang mga hakbang sa pagpapaliwanag ng proseso o pamamaraan. Mabisa at malinaw ang pahayag kung ipinaliliwanag ang mga terminong ginamirt. Hindi kailangang gumamit ng mga mabibigat na salita o malalalim na kahulugan ang mahalaga ay pagkaunawa ng mambabasa sa hangad niyang mabatid. Uri ng Paglalahad 

1. Pagbibigay – Katuturan – ito ay maaaring diksyunaryong pagbibigay-katuturan. May tatlong bahagi ang pagbibigay-kahulugan. Ang una’y ang pananalita, ang salita o pariralang nais bigyan ng kahulugan. Ang ikalawa ay ang kaurian o kaisipang kinabibilangan ng pananalita. Ang ikatlo ay ang kaibahan o mga katangiang naiiba ng bagay o kaisipang nililiwnag. Halimbawa ang salitang babae (salitang nais bigyan ng kahulugan) ay isang uri ng tao (Kaurian) na may kapasidad magsilang ng sanggol (katangiang naiiba)

Ito ang pinakakaraniwang uri ng paglalahad. May dalawang uri ng pagbibigya kahulugan: ang katuturang maanyo (formal definition) at ang sanaysay na pangkatuturan (essay of definition).Ang katuturang maanyo ay nasasalig sa isang makatwirang paghahanay ng mga salita na sa ilang kataga ay nagbibigay ng lalong malaking kaalaman, May tatlong sangkap ito: (1) ang pananalita o ang salitang binibigyang kahulugan: (2) ang kaurian ng bahay o kaisipang kinabibilangan ng pananalita; at (3) ang kaibhan o mga katangiang ikinaiiba ng bagay na nililiwanag sa mga kauri nito.May mga pagkakataong humihingi ng mahigit sa isang katuturang maanyo ang isang talakay. Sa mga gayong pagkakataon ay may angkop nasanaysay na pangkatuturan. Pangunahing layunin ng sanaysay na pangkatuturan ang magbigay ng kahulugan. May ilang kaparaanang magagamit sa ganitong paglalahad:

 a.      Paghahambing o Pagtatambis – kadalasang ang binibigyang kahulugan ay

paksang hindi kilala o hindi abot ng karanasan ng bumabasa na upang higit na makilala ay inihahambing o itinatambis sa mga bagay na kilala na. sa ganoong paraan ay nagiging higit na madali ang pag-unawa.

b.     Pag-uulit – Ang katutuiran ng salita o paksa ay inuulit-ulit nginit sa iba’t ibang salita at pannaw na ang layunin ay bigyan ng lalo pang diin, inaw at bigat ang naunang kahulugan.

c.      Pagpapahindi – binaganggit ang mga bagay o sangkap na karaniwang ipinagkakamali sa salita o paksang tinuturuan. Iniisa-isa ang mga ipinagkakamaling ito at ipinakikitang hindi kaugnay ng tunay na kahulugan ng salita o paksang tinuturan. Sapagkat baka hindi ganap na maunawaan ng babasa, kailangan ding ang pagbibigay ng wastong kahulugan ay pakalinawin.

d.     Pagsusuri – dito’y ipinaghihiwalay ang mga sangkap o bahaging bumubuo ng isang abagy, konsepto, palagay at teorya upang ang bawat isa’y mapag-aralan sa kanyangkaugnayan sa kabuuan at sa ibang bahagi o aspeto. Sa pagsusuri ay pilit na pinalilinaw ang mga masalimuot na bagay- bagay, sanhi o layunin.

e.      Pagpapakilala sa Pinagmulan ng Sanhi at Bunga – ipinaliliwanag ditto ang pinanggalingan ng isang bagay o paksa, bakit nagkagayon, ano ang kalalabasan o ano ang mapakikinabangan. Dapat ito’y nababatay sa katotohanan sapagkat pinagmulan, sanhi at bunga ang ipinaliliwanag.

f.       Gumagamit ng halimbawag.     Gumagamit ng paglalarawanh.     Gumagamit ng paulit-ulit  ngunit bagong pagpapahayag 

2. Pagsunod sa panuto o pamamaraan3. Pangulong tudling o editoryal4. Suring-basa5. Siyentipikong ulat6. Sanaysay

 Halimbawa ng Sanaysay na Pangkatuturan 

Page 12: Ang Maikling Kwento

Ang Lipunang MakataoA.P. Tumangan

           Kailangan natin ngayon ang isang lipunang makatao; isang lipunang pinamumunuan ng mga Pilipinong nagmamahal sa kanilang sariling wika at kattutubong kaangkinan; isang lipunang may mga mamamayang katulad ng kanilang mga ninuno ay mga maka-Diyos, matulungin, mapagkaibigan at mabuti; isang lipunang may mga pinunong hindi lamang makatarungan sa kanilang pamamalakad kundi may mga pinunong marunong umunawa at magpakababa; isang lipunang ang mga mamamaya’y masunurin sa batas at nakikipagtulungan sa kanilang mga pinuno.           Makatao ang isang lipunang hindi makasarili kundi iniisip ang para sa kabutihan ng lahat. Makatao ang lipunan kung ito’y maka-Diyos – yaong ang pag-ibig sa Lumikha ay inihahayag sa paggawa ng mabuti, sa kapwa – sa lipunang ang lahat, mayaman o mahirap, marunong o mangmang ay pantay-pantay sa kanilang mga karapatan at mga kapanagutan. Makatao ang lipunang makabayan na dahilo sa katapatan at mga pag-ibig sa bayan ay haharapin ang mga digmaan upang ipagtanggol ang kalayaan at katahimikan ng kanyang bayan. (Gumamit ng paulit-ulit ngunit bago’t bagong pagpapahayag)  PAGLALARAWAN Kahulugan           Ang paglalarawan ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, at pansalat, tinatala ng sumusulat ng paglalarawan ang mga detalye na kanyang namasid om kaya’y makatawag ng kanyang pansin.          Ang paglalarawan ay nauukol lamang s amga bagay sa kanilang pag-iisa, at ang layon  ay maipakita kung paano ang isang bagay ay naiiba sa mga kauri niya. Mga Katangian ng Paglalarawan 

a.      Pagpili ng Paksab.     Pagpili ng Pananawc.      Pagbuo ng Pangunahing Larawand.     Pagpili ng mga sangkape.      Banggitin ang layunin ng paglalarawan

 Mga Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan. Ito’y nagbibigay-kaalaman tungkol sa isang bagay ayon sa ayos ng bagay na inilalarawan at ayon pa rin sa pangkalahatang pangmalas.

2. Masining o malikhain. Bukod sa nagtataglay ng katangina ng karaniwang paglalarawan, dapat pang pumukaw ng guniguni. Pinagagalaw ng awtor ang guniguni ng mga mambabasa upoang makita ang larawan ayon sa damdamin at isipan ng manunulat. Sa pagbuo ng makasining na paglalarawan, makatutulong ang paggamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw at matinding damdamin. Nakatutulong din ang paggamit ng tayutay o salitang patalinghaga.

 Halimbawa ng PaglalarawanPaglalarawan ng Damdamin(Masining na paraan)           Hindi siya dalawin ng antok. Inihudyat na ng kanilang relong pandingding ang ikalabindalawa ng gabi ngunit gising na gising pa rin siya sa kanyang pagkakahiga. Tila may mga tinig na humuhugong sa kanyang tainga. At kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata, mga larawang lumilitaw sa kadilimang nakikita ng balintataw ng kanyang mga mata.          Malalimn ang paghingang bumangon siya sa kanyang katre. Umingit ang nayutyot na ”spring” nito. Malamig ang pawis na butil-butil na gumiti sa kanyang noo at sa pag-agos

Page 13: Ang Maikling Kwento

sa kanyang mga pisni ay pinalis ng kanyang kamay na nadama niyang nanginginig. Hindi na kinapa ng kanyang mga paa ang kanyang tsinelas sa ilalim ng kanyang katre nakayapak niyang tinungo ang nakabukas na durungawan. Ibig niyang kiligin nang dampulayan ng hangin ang kanyang pawisang mukha. At tila wala sa loob na inihaplos niya sa kanyang mukha ang dalawang kamay.          Nanginginig pati ang buntunghiningang nagwala sa dibdib niyang tila nadaraganan ng isang mahigpit na bagay. At salamat sa buntunghiningang iyon at nabawasan ang paninikip ng kanyang dibdib. Nawala rin ang panunurot ng kanyang bidhi. Huminto rin ang paggiti ng butil-butil na malamig na pawis sa kanyang noo. Tila maalong dagat na tumahimik ang kanyang nababalisang damdamin. 

Mula sa kuwentong  ”Ang Liham”A.P. Tumangan, Tagumpay, Okt.8, 1969

  

PAGSASALAYSAY Kahulugan           Ang pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag na nagkukuwento ng pangyayari o kawil ng mga magkakaugnay na mga pangyayaring maaaring totoo o dili kaya’y mga pangyayaring bunga ng imahinasyon o guniguni. 

     Ang pagsasalaysay ay isa sa pinakagamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa. Ang layunin nito ay maikuwento ng isang pangyayari o kawil ng pangyayari.

 Ano ang Pinagkukunan ng Tao ng Kanyang isinasalaysay?

 1. Karanasan2. Pagbabasa3. Pakikinig4. Pagtatala ng mga nararanasan, nabasa at narinig

 Uri ng Salaysay           Inuuri ang lalong marami sa dalawa ang pagsasalaysay: ang salaysay na nagpapabatid (informative narrative) at ang masining na salaysay (artistic narrative). Ang salaysay na nagpapabatid ay isinusulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman o kabatiran sa mga mambabasa, samantalang ang masining na salaysay ay isinusulat upang makaaliw. Ang salaysay na nagpapabatid ay walang banghay (plotless) samantalang karaniwang may banghay ang salaysay na masining. Mga Uri o Halimbawa ng Salaysay na Nagpapabatid 

1. Salaysay na nagpapaliwanag (expository narrative)2. Salaysay na pangkasaysayan (historical narrative)3. Salaysay na nakaraan (reminiscent narrative)4. Salaysay na paglalakbay (travel narrative)5. Salaysay ng pakikipagsapalaran (narrative of adventure)6. Salaysay na patalambuhay (biographical narrative)7. anekdota (anecdote)8. Kathang salaysay (sketch)

 Katangian ng Mabuting Salaysay 

1. May mabuting pamagat2. Mahalagang paksa3. Wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari4. Kawili-wiling simula at wakes

 Katangian ng Maikling Kuwento

Page 14: Ang Maikling Kwento

 1. Banghay2. Paningin3. Suliranin4. Paksang-diwa5. Himig6. Salitaan7. Kapanabikan8. Pagtutunggali9. Kakalasan10. Kasukdulan11. Galaw

  TALATA Kahulugan         Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o magkakaugnay na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang bahagi ng kabuuan ng isang pagkukuro, palagay o paksang-diwa. Mga Uri ng Talata (Ayon sa Kinalalagyan ng Komposisyon) 

1. panimulang Talata – Ito ay nagsasaad ng paksa at layunin ng isang pagpapahayag sa isang  malinaw na paraan. Tinitiyak nito kung ano ang ipinaliliwanag, pangangatwiranan ilalarawan o isasalaysay at kung minsa’y kung paano ang gagawing pagtalakay o paglapit sa paksa.

2. Talatang Ganap – Ang pagpapaunlad ng mga pangunahing bahagi ng sentral na ideya ang pangunahing tungkulin ng mga talatang ganap. Karaniwang nakikita ito sa kalakhang bahagi ng sulatin na sa kabuuan ay pagtalakay nang ganap sa mga paksang pangungusap sa kanyang kaisahan at ganap na paglinang sa paksang-diwa ng sulatin sa kanilang kabuuan.

3. Talata ng Paglilipat-diwa – Mahalaga ito tungo sa ikapagtatamo ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag. Nilalagom nito ang mga sinundang seksyon ng komposisyon o ipinahihiwatig ang pagsulong ng paksang tinalakay. Kadalasang sinasabi rito ang pagkakaugnayan ng alinmang dalawang magkasunod na bahagi ng komposisyon.

4. Talatang Pabuod – Ginagampanan ng talatang ito ang paglalagom o pagbubuod sa mahahalagang pahayag sa katawan ng komposisyon. Natatagpuan ito sa gawing hulihan ng komposisyon.

5. Malayang Talata – Kapag ang talata ay nagpapahayag ng isang paksa lamang, ito ay tinatawag na malaya. Ito’y para nanag isang maikling komposisyon. Madalas gamitin ito ng mga manunulat ng pangulong tudling, mga kolumnista at sa mga sumusulat ng patalastas.

 Mga Uri ng Talata (Ayon sa Paksa o Nilalaman) 

1. Talatang Naglalahad – Ito ay talatang nagpapaliwanag, nagbibigay-katuturan at pakahulugan.

2. Talatang Naglalarawan – Layunin ng talatang ito ang ipamalas sa bumabasa o nakikinig ang isang larawan sa kabuuan sa hangad na ipinakitang isang bagay ay naiiba sa mga katulad nito.

3. Talatang Nagsasalaysay – Ito ay talatang nagsasaad ng pangyayari o karanasan upang makapagbigay ng damdamin sa mamababasa.

4. Talatang Nangangatwiran – May layunin ang talatang ito na patunayan sa tulong mga katibayan o katwiran ang katotohanan ng isang palagay o proposisyon.

 Katangian ng Mabuting Talata 

1. Nagtataglay ng isang paksang pangungusap, lantad o di-lantad2. Nagtataglay ng isang diwa, hindi lamang bahagi nito.3. May kaisahan. Alisin ang di-kaugnay na bagay.

Page 15: Ang Maikling Kwento

4. May kaayusan. Ang pangungusap nito ay isinaayos sa paraang kaakit-akit.5. May karampatang haba. Iwasan ang sunud-sunod na maiikling pangungusap

gayundin naman ang sunud-sunod na mahahabang pangungusap.6. May wastong kayarian. Ito ay may wastong pasok at palugit; nagtataglay ng mga

salitang dapat mapasama roon at hindi sa iba pang talata.7. Gumagamit ng wastong pang-ugnay ayon sa diwa ng sinusundan talata ng isang

komposisyon.  Ang Paksang Pangungusap ng Talata           Ang paksang pangungusap ng talata ang pinakabuod ng talata. Hindi nito sinasabi ang lahat-lahat tungkol sa talata, subalit ito ang nagpapahiwatig ng kaisahan ng talata sapagkat ito ang nagpapahayag ng paksa o ideya.          Hindi lahat ng mga talata ay may lantad na paksang pangungusap subalit ang isang mabuting talata ay kailangang magkaroon ng kahit isang di-lantad na paksang pangungusap. Nagsisilbi itong patnubay upang di malihis sa paksang tinatalakay at maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na walang kabuluhan sa tinatalakay.          Mabisa ang paksang pangunguspa kung ang mga ito’y ginagamit sa iba’t ibang lugar sa loob ng talata. Nakapanghihinawa kung ang mga talata ay palaging nagisismula sa paksang pangungusap. Kinakailangang ito ay mapahayag sa iba’t ibang paraan sa iba’t ibang bahagi ng talata. Ang anyo nito ay maaaring patanong, paturol o naglalahad at nagbubuod. Maaaring ito’y lumitaw sa gitna o sa hulihan ng talata bukod sa karaniwang lugar na nasa simula.  PANGANGATWIRAN Kahulugan           Ang pangangatwiran ay isang pamamaraan sa komunikasyon na ginagamitan ng lohika upang makaimpluwensya. Ang impluwensyang ito kung minsan ay naglalayong mapagtibay ang mga dating saloobin o aktitud, subalit kadalasang ito’y ginagamit upang bumuo ng mga bagong saloobin.          Ang tunay na pangangatwiran ay yaong naghahayag ng mga konklusyong hinugot mula sa katotohanan. Ito’y naglalayong makaimpluwensya ng pag-uugali at pag-iisip. Ang binibigyang-diin ay isang panig lamang ng suliranin.          Ang katotohanan ay natutuklasan sa pamamagitan ng kanais-nais na pagmamatuwid. Nagmamatuwid tayo upang ang iba’y mapapaniwala natin sa katotohanan ng ating pananalig at makahikayat na sila’y kumilos alinsunod doon. Dalawang Uri ng Pangangatwiran 

1. Pabuod (inductive reasoning) – Ang pangangatwirang ito ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na suliranin. May tatlong paraan ang ganitong uri ng pangangatwiran:

a. Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi. Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangayayri’y bunga ng isa pang pangyayari.

Halimbawa:Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay

sapagkat hindi siya nagbalik-aral. b. Gumagamit ng Pagtutulad. Inilalahad ang magkatulad na katangian, sinusuri

ang mga ito at dito humahango ng konklusyon. Ang konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay masasabing pansamantala lamang.

Halimbawa:     Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang.     Ang pagmamatuwid na si si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama’t ina niya ay mahusay ring mga guro.

Page 16: Ang Maikling Kwento

c. Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan sa mga ebidensya, katibayan at patunay.

Halimbawa:     Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay. 

2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning) – Dito ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapitr natin sa isang tiyak na pangyayari. Ang anyo ng ganitong pangangatwiran ay tinatawag na silihismo, isang anyo ng pagmamatuwid na binubuo ng isang Pangunahing Batayan (PB) (major premise); iusang pangalawang batayan (pb) (minor premise) at isang konklusyon (k) (conclusion).Dalawang katangian ang dapat taglayin ng isang silohismo: dapat maging totoo at

mabisa. Samakatuwid, dapat maging totoo ang sinasabi sa mga batayan at ang konklusyon ay maliwanag na tinatangkilik ng mga batayan kaya’t hindi maiiwasan. Hindi makagagawa ng anumang konklusyon kailanman’t walang isang terminong nakapaloob sa dalawang batayan. Ito ang tinatawag na panggitnang termino. Ito’y napapaloob sa isa sa iba pang mga termino (panaguri ng punong batayan) samantalang kinapapalooban naman ng natitirang termino (simuno ng pangalawang batayan). Ang terminong simuno ang konklusyon ay tinatawag na pangalawang termino at ang terminong panaguri ng konklusyon ay tinatawag na punong termino. Maliwanag na makikita ang mga ito sa sumusunod na halimbawa. (Ang PB, pb, k ay kumakatawan sa Punong Batayan, pangalawang batayan at konklusyon)

 Huwaran:                    PB Ang lahat ng A ay B.                   pb Ang K ay A.                   k   Ang K ay B. Halimbawa:                                         A              B                   PB Ang lahat ng tao ay mamamatay.                             K                 A                   pb  Si Juan Reyes ay tao

                                      K                           B                                             k     Si Juan Reyes ay mamamatay.   Sanggunian:Tumangan, A.P. Sr. et.al. (1986) Sining ng pakikipagtalastasan. Metro Manila: National Bookstore Inc.

Si Bathala (nasa ibabaw), isang diwata (nasa ilalim), at isang sarimanok(nasa gitna).

Page 17: Ang Maikling Kwento

   Kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal. Siya ang makapangyarihang diyos, pinaniniwalaan ng mga sinaunang Tagalog at hari ng mga Diwata. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naimpluensya ng mga Kastila .

        Pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang Tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong nagyon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino nagyon.

        Sa Mitolohiyang Pilipino, ang Diwata or Lambana ay mitolohiyang pigura gaya ng  fairies o nymphs. Sinasabing sila ay nananahan sa malalaking puno gaya ng  acacia andbalete at pinaniniwalaan na espiritung tagapagbantay ng kalikasan, tagapagbigay ng pagpapala at sumpa sa sinumang nangangalaga o sumisira sa kabundukan at kalikasan. Sa Filipino baybayinang  Sanskrit na salitang devadha, ay mula sa  Sanskrit na salitang  dev, nangangahulugang kabanalbanalan.

        The salitang "diwata" ay hango sa iba’t ibang kahulugan mula sa konsepto ay iniuugnay sa mga mitolohiya noong pre-colonial. Malimit ito ay isang ginagamit upang tukuyin ang isang nilalang gaya ng diwata o engkantada,  o gaya ng mga nabanggit. Ang salitang "diwata" ay kasingkahulugan ng  "anito," at ang paggamit ng salitang  "diwata" ay kilala sa Katimugan ng Pilipinas, habang ang "anito" ay ginagamit at kilala sa Hilagang bahagi.

        Ang lalaking diwata ay tinatawag na enkanto, at nananahan sa karagatan. Ito ay karaniwan sa mga mangingisda na nag-aalay sa engkanto ng karagatan upang magkaroon ng masaganang huli.

        Ang Mitolohiyang Pilipino ay nababatay sa iba’t ibang pangkat ng tao o tribo sa kalupaan ng bansa kaya maraming kuwento at nagkakaiba-iba ang mga ito. Narito ang ilan sa kanilang mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Pilipino:

        Bathala. Punong diyos ng mga Tagalog        Kaptan. Sa Visayas, siya ang kataas-taasang doyos na nananahan sa kalangitan. Nakipagtalo siya kay

Maguan na nagtapon siya ng mga tipak ng mga bato kaya nabuo ang mga isla ng Pilipinas.         Idianalé. Ang diyosa ng pag-aasawa sa mga sinaunang Tagalog        Sidapa. Diyos ng kamatayan. Naniniwala na siya ay nananahan sa tuktok ng  of Mt.Madia-as, sa lalawigan

ng  Antique.        Apong Sinukuan. Ang diyosa ng araw at  diyosa ng  Mt.Alaya(Arayat)sa lalawigan ng Pampanga.        Apong Malyari. Diyos ng buwan at ng Mt.Pinatubo. Sinasabing kapatid ni  Apong Sinukuan.        Amihan. Diyosa ng hanging Amihan o Personification of the Northeast Wind.        Pughe. Hari ng mga dwende. Sa hilaga. Nahahati ang mga dwednde – puti at itim.         Dian Masalanta. Ang dyosa ng pag-ibig at pagsilang sa sinaunang Tagalog.        Lakapati. The hemaphrodite deity of fertility among the ancient Tagalogs.        Dal'lang. Dyosa ng kagandahan. Nagbibigay ng kagandahan sa kanyang tagasunod.        Lalahon. The visayan goddess of fire, volcanoes, and harvest. In ancient times people were feared her

because she sent locust to destroy harvest when she's angry.        Kidul. Ang dyos ng lindol.         Kalinga. Ang dyos ng kulog.         Agui.  Ang dyos ng apoy, kapatid ni Agwe..                 Maguayan. The sea deity of the ancient Visayans. He/She is also believed to be the ferryman of the dead in

Sulad(hell).        Mandarangan -  dyosa ng mga ispiritu at digmaan ng Bagobo mythology.        Siginaugan. Dyos ng impyerno         Deltise. Ang dyos ng mambabarang         Kilubansa. Dyos ng paghilom. Ama ni Dihas         Dihas. Dyosa ng mga halamang gamot         Pasipo. Dyos ng musika         Sirenha. Dyosa ng mga isda – ang mga sirena ang kanyang mga anak         Oghep. Dyos ng bundok at burol .        S'dop (sodop).  Dyosa ng ginto         Dayea. Dyosa ng mga lihim         Bayoa. Dyos ng sanduguan        Aspene. Dyosa ng kabibe.

Page 18: Ang Maikling Kwento

        Punho. Diyos ng mga puno.        Haspe. King of the Tamaos.        Halmista. The visayan god of magick. Some say that he is a former baylan who turned into a god.                 Bathala/Alah – pangunahing Diyos        Idionale – Diyos ng mabuting gawain        Anion Tabo – Diyos ng hangin at ulan        Apolaki – Diyos ng digmaan        Hanan – Diyos ng mabuting pag-aani        Mapolan Masalanta – Patron ng mangingibig        Libongan – Tagatanod sa pagsilang ng isang buhay        Limoan – Tagapangasiwa sa namamatay        Tala – Diyos ng pang-umagang bituin        Apolake (or Adlaw), god of the sun        Amanikable, the ruler of the seas        Anitan, the guardian of lightning.        Bathala (also known as Kabunian, Malayari, Apo, and Lumawig) the ruler of the heavens        Dian Masalanta the goddess of love,        Mayari (or Bulan in other areas), the goddess of the moon,        Tala, goddess of the stars         Mabubuting Espiritu

         Patianak – Tagatanod sa lupa        Mamanjig – Tagapangiliti sa bata        Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa         Masasamang Nilalang        Tiktik – isang ibong kasama ng aswang        Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan

ang kalahati ng kanyang katawan.        Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol        Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako        Salot – nagsasabog ng sakit        Tiktik – isang ibong kasama ng aswang        Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan

ang kalahati ng kanyang katawan.        Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol        Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako        Salot – nagsasabog ng sakit         Ang mitolohiya tungkol sa mga aswang ay bantog sa Visayas, lalo na sa mga lalawigan ng  Capiz, Antique

and Iloilo. 

Pagsasalin              Noong pang panahon ng Babylon hanggang sa kasalukuyang panahon, panahon ng makabagong teknolohiya gamit ang computer t iba pa, ay batayang masasabing suliranin sa pagsasalin.                       Suliranin ng isang tagapagsalin kung ano ang mas higit na pipiliin sa pagitan ng anyo at kahulugan ng salita. Kapag ang pinili ang istilo ng orihinal may posibilidad na masira ang kahulugan, samantala ang pagpili ng literal na content ay karaniwang nawawala ang istilo nito.             Tunay na ipinakikita at ipinakikilala na magkaiba ang wika sa isa’t isa. Nag-iiba pa ang midyum ng komunikasyon  batay sa proseso ng pag-inog nng pagbabago na nagiging suliranin ng tagapagsalin. Kinakailangan magbigay puwang ang wika sa pagtanggap ng mga bagong karunungan at bagong organisasyon ng karunungan. Kinakailanga ng wika na makapagbigay ng panlipunang realidad upang mauri nito ang iba’t ibang karanasan batay sa iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Binabagayan dapat ng wika ang pagbabagong kinakaharap sa lipunang at ng tao. Sabi ni Julio Casares (1956) na ang “

Page 19: Ang Maikling Kwento

Pagsasalin wari’y isang warehouse – na kung ang pagmamanman ng mga opisyales ay hindi mahigpit, baka walang pakundangang pumasok ang maraming smuggled at banyagang idyoma kaysa sa panglinggwistikang pananaw.”             Sa isang tagapagsalin, suliranin nito kung ang pagsasalin ay isang sining o agham? Ito ba ay isang kasanayang matatamo lamang sa pamamagitan ng pagsasanay o kaya’y tumutukoy sa ilang pamamaraang dapat ilarawan at pag-aralan? Sa katunayan, ang pagsasanay sa pagsasalin ay magkaiba sa teorya – bagaman ang mga elementong makasining ay kinakailangan sa isang mahusay na pagsasalin, subalit ang mga linggwist at philologist ay malaki ang paniniwala at kamalayan na ang proseso ng pagsasalin ay higit na angkop isakatuparan sa isang masining na paglalarawan. Kapag pinag-uusapan ang “agham ng pagsasalin” ang pokus ay nasa paglalarawang aspeto nito. At kung ang linggwistika ay inuring isang inilalarawang agham – gayundin ang paglilipat ng mga mensahe mula sa iba’t ibang wika, ang proseso ay isinasagawa sa isang maagham na paglalarawan. Doon sa mga nanggigiit na ang pagsasalin ay isang sining – yaong lamang at wala ng iba, karaniwang nabibigo sa pagtuklas ng mga karagdagang alituntunin sa pamamaraan sa makabuluhang gamit nito. 

Larangan ng Pagsasalin 

            Ang larangan ng pagsasalin ay maaaring mahati sa tatlong uri ayon kay Jakobson. Ang unang uri ay tinatawag na:

a.      intalingual – ito’y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika. Ang ganitong proseso ay maaaring mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan ng paggamit ng ibang sign sa loob ng magkaparehong wika.

b.      Interlingual translation -  tinatawag rin itong ‘translation proper’. Ito ay may layuning mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan nng mga verbal sign ng ibang wika. Subalit ang pokus nito ay hindi lamang paghahanap ng katugmang simbolo (i.e. salita-sa-salita) kundi maghanap ng katugmang simbolo sa tumpak na pagkakahanay.

c.      Intersemiotic o transmutation – ito’y pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang masistematikong simbolo patungo sa iba.Halimbawa ang isang berbal na mensahe ay maaaring mai-transmute sa pammagitan ng pagwagayway ng kanilang bandila sa tumpak na pamamaraan gaya sa pagbibigay ng mensahe ng Navy.

 Ang pagsasalin ay binubuo ng maraming paghihigpit dala ng kultura, linggwistika. Pangliteraturang istilo at mass media. Ang pagsasalin ng mga dokumentong legal – halimbawa, mga batas ay nakasulat sa wikang Ingles na isasalin sa wikang Filipino ay kapapalooban ng pagkakaiba-iba ng bawat wika dahil magkaiba ang saloobin sa pamamalakad ng batas.

 Katuturan at Layunin ng Pagsasalin 

Ang pagsasaing-wika ay paglalahad ng ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika. Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihayag sa isang wika ng

katapat na diwa sa ibang wika. Ang pagsasaling-wika ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang

pananalita. (Webster’s New World Dictionary of the American Language) Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika (New Standard

Dictionary) Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang hindi

nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika. (Santiago, 1976) Apat na Kategorya ng Pagsasalin Naglahad si Savory ng apat na kategorya ng salin: 

1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at paunawa.\Halimbawa:Second-hand books are sold here.Salin: Nagbibili rito ng mga librong gamit na. 2. Sling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan para sa karaniwang mambabasa, na ang

ibig lamang ng mga mambabasa ay ang nilalaman ng akda.Halimbawa:Fate of the Earth

Page 20: Ang Maikling Kwento

Salin: Satanas sa lupa Seven last WordSalin: Huling wika.

3. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o tula sa tula.Halimbawa:The hour I spnet with thee, dear heartAre a string of pearls to me;I count them over, everyone part,My rosary, my rosary.Salin:Ang mga sandaling kasama kita, ay para kang kwintas.Paulit-ulit at paisa-isa kong binibilang ang mga itokatulad ng mga rosaryo. Ang mga sandali na kasama kita,Sa pakiwari ko’y kwintas na perlas;Binibilang-bilang nang paisa-isaNa wari’y rosaryo ng wagas na pagsinta. 

4. Saling siyentipiko o teknikalHalimbawa;Astronomy                       amplitude                  metric systemSalin: astronomiya         taas ng alon              sistemang metriko Geostructural mapping                                     amino acidSalin: heoistruktural na pagmamapa             amino acid 

 Dalawang Uri ng Salin 

1. Lantad na Salin (Overt Translation) – ang lantad na salin ay karaniwang kailangan ng orihinal na teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng pinagmulang wika. 9House, 1977)

2. Di-Lantad na Salin (Covert Translation) – ang di-lantad na salin ay karaniwan kapag ang alin mang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala (House, 1977)

  Katangian ng Isang Tagasalin            Ayon sa aklat na Masaklaw na Pilipino na Belvez, Catacataca at Villafuerte (1984), halos nagkakaisa ng paniniwala sina Savory (1959) at naida (1969) tungkol sa mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasaling-wika. Sapagkat ayon sa kanila’y dapat na mag-angkin ito ng: 

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

 Katangian ng Isang Mahusay na Salin 

1. Kailangang katulad na katulad ng orihinal ang diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat ay katulad ng sa orihinal at taglay ang ”luwag” at ”dulas’ ng pananalitang tulad ng sa orihinal, upang hangga’t maaari ay magparaang orihinal (Santiago, 1976).

2. Kailangang matagumpay na matamo ang layuning maipahatid ito sa kinauukulang target (Nida, 1976)

3. Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nilalapastangan ang wikang kinasalinan (Medina, 1988)

4. Kailangang meaning-based na nangangahuluganh dapat itong magpahayag ng tamang kahulugan o diwa ng orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika. (Lacson, 1984)

5. Kailangang may sensibilidad, naipahahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at madulas na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal (Nida, 1964)

           

Page 21: Ang Maikling Kwento

 Mga Pamantayan sa Pagsasaling Wika 1. Higit na pahalagahan ang wikang kasalukuyang ginagamit ng bayan kaysa wikang nakasulat. Maaaring ang wikang nakasulat ay nahagi na ng nakaraan kaya’t hindi na ginagamit sa kasalukuyan. Piliin ang mga salitang higit na gamitin. Halimbawa:                        ”Nakain ka ba ng litson?”Dapat:            ”Kumakain ka ba ng litson?”                        ”Nilandi niya ang tubig sa tapayan.”Dapat:                        ”Nilaro niya ang tubig sa tapayan.” 2. Isaalang –alang ang kaisahan sa anyo ng mga saliatng hinihiram sa ibang wika. Halimbawa, kung isasalin ang mga salitang ’agriculture and civilization’ sa Filipino, ang anyo ay dapat na:                                     Pagsasaka at kabihasnan Hindi                          pagsasaka o sibilisasyon o agrikultura at kabihasnan 3. May mga salitang magkakasingkahulugan. Alin man sa mga ito ang maaaring gamitin subalit kailangang iangkop ang salita sa sinasaling teksto. Halimbawa:            Kulay asul ang baro niya            Kulay bughaw ang baro niya Ingles:                        He belongs to the royal blob.Salin:              Siya’y nabibilang sa dugong bughaw.Mali:                Siya’y nabibilang sa dugong asul. 4. Maging matipid sa paggamit ng mga salita. Ingles:                        You make plans for the school year.Salin:                        1. Gumawa ka ng plano para sa taong panuruan.(Matipid)         2. Magplano ka para sa taong panuruan. 5. Sa pagsasalin, hindi maiiwasan ang pagpapakahulugan. Kung sakaling magkaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, umisip ng ibang maaaring ipalit dito. Halimbawa:               They moved to another place.Salin:                          1. Sila ay gumalaw sa ibang lugar.Wasto                         2. Sila ay lumipat sa ibang lugar. 6. Hangga’t maaari, iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa ibang wika sa Pilipinas, subalit hindi kakahulugan.        7. Ang mga daglat at akronim na tinatangap na o kinikilalang unibersal ay di na kailangan iayon sa baybay ng katumbas sa Filipino. Halimbawa:   UST, QC, BPI, PTA, DepEd                        ng umaga – n.u.       ng hapon       n.h. 8. Kapag ang ang pamagat ay may kahirapan isalin, bigyan ito ng katumbas pagkatapos maisalin ang buong nilalaman ng materyales na isasalin.

Page 22: Ang Maikling Kwento

            Narito ang ilan pang mga suliranin sa pagtutumbas. Sa panlinggwistika 1. Isa-sa-isang katumbas – (dito ang isang tagapagsalin ay dapat na gumamit ng diksyunaryong bilinggwal) W1 leksikon (salita)             W2 – leksikon Halimbawa:                        Instrument – kagamitan                        Civilization – kabihasnan 2. Isa – sa – maraming latumbas                                     W2 leksikon (a)W1 leksikon              W2 leksikon (b)                                    W2 leksikon (c) Hal.:                                    young child            bata                protegee                                    mistress 3. Marami – sa – iisang katumbas W1 leksikon (a)W2 leksikon (b)                    W2 leksikonW3 leksikon (c) Hal.:Maanghang ang siliMainit ang plantsa                           hotMay lagnat ang bata Ano ang dapat mong gawin? a. Maaaring manghiram, subalit lalagyan ng panipiHalimbawa:            Ang pag-aaral ng “discourse” ay ang pangkomunikatibong paggamit ng mga pangungusap sa mga gawaing pansosyal.        b. Panghihiram nang may pagbabago             1. hiramin ang salita subalit baybayin ayon sa ating palabaybayan            Hal.:    consistent – konsistent                       2. hiramin ang katumbas na salita sa Kastila            Hal.:            Ingles                                     organism

Kastila                                    organismoFilipino                                   organismoacademic       -  academico  -   akademiko  

            3. lumikha

Page 23: Ang Maikling Kwento

            Hal.:    index – talatuntunan                        Vocabulary – talasalitaan                       Mga Batayang sangkap ng Pagsasalingwika: Ang Teksto – ito ay dapat na nakasulat; ano mang haba ng wika na may pagkakaugnay-ugnay sa isa’t isa ang bawat sangkap, at nagkakaroon ng isang kabuuang may pagkakaugnay-ugnay                                                             Teksto             Mga Katangiang                                                      Mga Katangiang            Panlinggwistika                                                       Ekstralinggwistika 

Mga Pamantayan                Estilo                          Mga Katangian         Nilalaman                                                                                    Ng Teksto                                                                                                            Mga Katangiang               Bisa sa babasa                                                                        Intensyunal                                                                        (may-akda)           Mga Katangian ng Teksto Pagpapaliwanag:            Ang isang teksto ay maaaring may mga katangiang panlinggwistika at pang-ekstralinggwistika. Panglinggwistika – ito’y pagtutuon ng pansin sa mga anyo ng wika at gramatika, at ng pagkaakiba-iba ng wikang isinasalin (W!) at ng wikang pagsasalinan (W2) Halimbawa:English verbal construction:She ate the fruit.                              Kinain niya ang prutas. Filipino nominal construction:Siya ay kumain ng prutas.It was she who ate the fruit, or She was the one who ate the fruit.   Mga Pamantayan:             Ang mga salita at ideya ng orihinal ay nararapat na nasa isang salin, kaya’t kapag ang isang salin ay binasa, kinakailangang ito’y maging salamin ng orihinal na sinulat tulad din ng pagiging salamin ng isang salin. Ang Estilo.             Ang estilo ng orihinal ay dapat na naipakikita ng isang salin at dapat ding aralin ng isang slain ang estilo ng tagapagsalin.             Pang-esktralinggwistika – ito’y nauukol sa pangkalikasan at pangkultural tulad ng mga sawikain, matalinghangang pananalita atbp. Halimbawa:            English;                     He is stubborn.            Filipino:                      Matigas ang ulo niya.             Tulad ng nabanggit na, ang nilalaman ay kailangang magkakaugnay sa isa’t isa. Kalakip dito ang layunin ng may-akda at kung paano ito magiging epektibo sa mga mambabasa. Kahusayan ng Tagapagsalin

Page 24: Ang Maikling Kwento

 Tagapagsalin

  

                        Orihinal                                                                      Salin  

            Kahusayan sa W1                                                   Kahusayan sa Paglipat 

Kahusayan sa W2 

            Kahusayan sa                                              Kahusayan sa PagbibigayPagbibigay-kahulugan                                                       ng mensahe Kahusayan sa Pagsususri                                                Kahusayan sa Pagbuo             Aqng pagiging mabisa sa salin ay nakaslalay sa lkahusayan ng tagapagsalin mula sa orihinal. Tulad ng nabanggit sa unang pahina, ang tagapagsalin ay mahusay sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang mabuting pagpapakahulugan sa W1 ay nagbubunga ng kahusayan sa pagbibigay ng ideya o kaisipan sa W2. At kung mahusay ang kanyang pagkakasuri sa nilalaman ng W1, ang bawat bahagi sa W1 ay nagkakaroon ng mabisang kabuuan.           

Mga Proseso sa Pagsaalingwika                          Literal                                                                         Hindi Literal   

Panghihiram     Pagpapalit      Pagpapalit                                                                                                                                                                                  Transposisyon          Modulasyon  (Pagsasalin                           (Pagsasaling                        (Pagsasabi                (Pagkuha ngSa isa-sa-isang                    Literal)                        sa sariling                  kahulugan)Salita)                                                                         pangungusap) Pagpapaliwanag:            Ayon sa balangkas sa itaas ang pagsaaling wika ay nagsisimula sa literal na pagsasalin sa pamamagitan ng panghihiram at pagpapalit. Ang pagpapalit ay sa paraang isa-sa-isang salita o kaya’y pagsasaling literal. Pagkaraa’y pag-aaralan kung paano maaaring gawing hindi literal. Ang pagsasalin ay maaaring ipahayag sa paggamit ng sariling pangungusap o pagkuha kaya ng kahulugan sa teksto ng wikang isinaalin.             Batay sa sinulat ng dalubwika (Einar Haugen), iminungkahi niya ang sumusunod na hakbang sa pagsasalingwika.

Page 25: Ang Maikling Kwento

 1. Pagsusuri – sa pagsasalin, kailangang basahin muna ang teksto sa orihinal na wika (W1). Dapat

alamin ang mga sumusunod:a. kahulugan ng bawat salitab. pagkagamit ng bawat salita sa isang pangungusapc. kung ang pagpapakahulugan ng isang salita sa mga salita ay maaapektuhan ng

nilalaman. 

2. Paglilipat – inililipat ng tagapagsalin ang nilalaman sa wikang pinagsasalinan. 3. Pagbabago – pagsulat muli sa teksto sa sariling pangungusap.

  Pagsasalin ng Matayutay na Pahayag.             Nagkakaroon ng suliranin sa pagsasalin ng matalinghagang mga pahayag. Hindi dapat isiping ang bawat salita’y may hustong katapat sa alin mang ibang wika. Ang matalinghagang kahulugan ay ibinabatay sa taglay na kahulugan ng pangunahing diwa.             Hal.:                        Only five loyal souls reported for work.Salin               Lima lamang matatapat na manggagawa ang dumating para

magtrabaho.      Paraan sa Pagsasalin ng mga Tayutay 

1. Dapat isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin (W1) na matayutay ay magiging payak sa wikang pinagsasalinan (W2).Hal.:The Philippines elected national officials inh 1998.Ang mga mamamayang Pilipino ay naghalal ng pambansang pamunuan noong 1998. 

2. Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang pasighiin ang damdamin. Nangyayari ito kadalasan, sa panulaan.Hal.:            He drank 3 bottles.            Uminom siya ng tatlong boteng serbesa. 

3. Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinaalin. Ang matayutay na wikang isinasalin (W1) ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang pinasasalinan (W2)Hal.:            Don’t hurt his good name.            Huwag mong sirain ang maganda niyang pangalan.

 Hango sa pag-aaral ng ginawa

Ni Teresita Fortunato Mga Hakbang sa Panghihiram May iba’t ibang uri ng panghihiram. 

1.    Paghihiram na Dyalektal-        Iba’t ibang uri ng Tagalog ang naririnig sa kamaynilaan. Tagalog-Maynila,

Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Bataan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas, Tagalog-laguna, Tagalog-Quezon, atb.

Page 26: Ang Maikling Kwento

-        Ang mga taga-lalawigang di-Tagalog ang unang wika ngunit nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog ay madaling maimpluwensyahan ng kanyang pangalawang wika.

 2.    Panghihiram na Kultural

-        May mga salita sa Filipino na hiram sa ilang wikang lalawiganin gaya ng sumusnod: bana, ditse, sangko, pinakbet, jihad, inday, Ramadan, kasingkasing, moret, kalipay, hadji, Bicol Express, mag-urong, atb. na naging bahagi na ng ating kultura.

-        May mga salitang hiniram natin sa ibang bansa ngunit patuloy pa rin nating ginagamit dahil nagging bahagi na ang ating kultura gaya ng sumusunod; spaghetti, lasagna, Light Rail Transit, internet, computer, diskette, text messaging, cellphone, Xerox, atb.

  

Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin ang mga sumusunod na paraan: 1.Ang anumang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang Filipino, kung mayroon. Halimbawa:               Hiram na Salita                    Filipino                                                                        rule                              tuntunin                   ability                       kakayahan                    skill                              kasanayan 2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbabaybay sa Filipino. Halimbawa:     Ingles                       Kastila                   Filipino      check                      cheque                   tseke      liter                        litro                        litro   education               educacion              edukasyon 3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi maunawaan ng nakakaraming tagagamit ng wika, hiramin nang tuwiran ang katawagang Ingles at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan: A. Kung consistent ang ispeling ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago. Halimbawa:           Ingles                                           Filipino           reporter                                        reporter          editor                                             editor          soprano                                        soprano   

Page 27: Ang Maikling Kwento

  B. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayin nang consistent sa pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada.         Halimbawa:            Ingles                                    Filipino          control                                       kontrol          meeting                                     miting        leader                                         lider          teacher                                      titser          truck                                            trak C. Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.        Halimbawa:               barangay                  baranggay            kongreso                       konggreso            tango                            tanggo (sayaw)            kongresista                    konggresista *May mga salita sa Ingles ( o sa banyagang wika) na maaaring pansamantalang hiramin ng walang pagbabago sa ispeling.Halimbawa:                coach                        rendezvous                sandwich                   pizza pie                clutch                       champagne D.Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng unikong katangiang cultural. Gayunpaman, walang magiging problema kung iayon man kaagad ang ispeling ng mga ito sa palabaybayang Filipino sapagkat kitang- kita naman na ang ispeling ng mga wikang katutubo ay isinunod lamang sa palaybaybayang Kastila. Halimbawa:                 cañao        =      kanyaw                hadji         =      hadyi                masjid      =      masdyid Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Bernales (1991), inilahad niya ang paraan ng patutumbas sa pagsasalin ng mga katagang Ingles sa Filipino gaya ng sumusunod: 

1.    Spanish 1 – panghihiram sa Ingles sa pamamagitan ng pagkuha ng katumbas sa Kastila nang walang pagabbago ang baybay.

Halimbawa:Ingles                   Kastila                      FilipinoMicrobe                 microbio                    microbioLiquid                   liquido                      liquidoSolid                     solido                        solido 2.    Philippine Dialects – panghihiram mula sa mga katutubong wikain sa Pilipinas.Halimbawa :Ibanag – vugi (egg of fish)Tausug – azan (first call to prayer)Ilocano – pinacbet  (Ilocano delicacy)

Page 28: Ang Maikling Kwento

 3.    Retrieving – muling pagkuha ng mga sinauna o lipas na katawagang Tagalog

na iilan-ilan na lamang ngayon ang nakakaunawa.Halimbawa:    Ingles                       Filipino    Angle                        siha 4.    Coining / Driving – paglikha o pagbuo ng mga salitang maipanunumbas:Halimbawa:    Ingles                       Filipino    Biology                      haynayan    Gynecologist              dalubsakit-babae 5.    Foreign Language – panghihiram ng katawagan ng ibang wikang dayuhan

(maliban sa Ingles at Kastila) nang walang pagababgo sa baybay.Halimbawa:   Filipino    Italyano – pizza pie    Pranses -  Bon Voyage    Latin -       modus operandi 6.    English to Tagalog one-on-one Correspondence – pagsasalin sa pamamagitan

ng katumbas o pinakamalapit na katumbas sa Tagalog.Halimbawa:    Ingles                       Tagalog    Freedom                    kalayaan    Life                           buhay    Book                         aklat 7.    Combination – kombinasyon ng dalawa o higit pang mga pamamaraan.Halimbawa:    Ingles                       Filipino    Debated                    nagdebate    Government-             Kontrolado ng Pamahalaan            Controlled    Presidencial Decree    Dekri ng Pangulo Mga Terminong likha o Hango     Likas sa  mga Pilipino ang pagiging malikhain kaya di-katakataka kung makalikha tayo ng mga terminolohiyang maaangkin natin bilang orihinal na wikang nagging bahagi na ng ating kultur gaya ng sumusunod: Salitang likha/hango           KahuluganPunlay                                   mula sa salitang punla at buhaySadulawit                      mula sa salitang sayaw, dula at awitAltanghap     mula sa salitang almusal, tanghalian at hapunanTapsilog                mula sa salitang tapa, sinangag at ilogBanyuhay      mula sa salitang bagong anyo ng buhay     Ang mga salitang bakla ay maaari ring maihanay sa kategoryang ito ay gaya ng sumusunod: Salitang bakla                      kahuluganBadaf                                    babae dapatBading                                  baklang may datingChika                                    tsismis kataWis                                       walang ibig sabihin

Page 29: Ang Maikling Kwento

Lucrecia                                        luka-lukaMga Terminolohioyanng Pang-agham at Pang-Teknolohiya at ang kaugnayan nito sa bansang nanghihiram at Bansang pinaghihiraman.     Sa pamplet na ”Ang Wikang Filipino sa Information Age” (1997) ni Ponciano B.P. pineda, dating Punong Komisyuner ng Komisyon sa Wikang Filipino, inamin niyang ”ang mga katawagang kemikal ay maaari nang tapatan sa ating wika ngunit kailangang panatilihin ng mga sagisag internasyunal gaya ng sumusunod”:i Iron (baka)    - FeWater(tubig) - H20Calcium carbide (kalburo) – CaC2Lime (apog) CaOTin (lata) – SnSulfur (asupre) – S Pagsasalin ng Terminolohiyang Pang-agham at Pangteknolohiya Aftershock              sunod na paglindolAsh fall                 abong ulanGeology                 heolohyaSeismology            saysmolohiyaFault line               palyadong linya        

 Sanggunian: Retorika Filipino 3:Para sa Antas Tersarya                        Reresita S. Buensuceso                        Jose Dakila N. Espititu        pp. 91-96                                Villafuerte, Patocino V. (2001). Introduksyon sa pagsasaling-wika: teorya, mga halimbawa at pagsasanay. Pamantasang Normal ng Pilipinas: Grandwater Publications and Research Corporation. Makati City