35
1 ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan. Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Sasagot ang mga tao: Amen. Tagapagdiwang: Sumainyo ang Panginoon. Kapag Obispo ang Tagapagdiwang ng Banal na Misa: Sumainyo ang kapayapaan. Sasagot ang mga tao: At sumaiyo rin.

ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

  • Upload
    phamanh

  • View
    281

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

1

ANG MISA NG SAMBAYANAN

Pasimula

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad patungosa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunodsa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik saibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroonsa kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus.Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng Ama

at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.

Kapag Obispo ang Tagapagdiwang ng Banal na Misa:

Sumainyo ang kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Page 2: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

2

Tagapagdiwang:

Mga minamahal na kapatid kay Kristo,

sa pagtatapos ng Taon ng Pananampalataya,tinipon tayo upang magdiwang at magpasalamat.Inanyayahan tayong pumasok sa“pintuan ng pananampalataya”na laging bukas para sa atinat umaakay sa atin tungo sa pakikipagkaisa sa Diyosat pakikibahagi sa simbahan.Ang pagpasok sa pintuang itoay naghuhudyat ng paglalakbay na panghabambuhay.Hinimok tayo ng Taon ng Pananampalatayatungo sa tunay at ganap na pagbabalik loob sa Panginoon.Ang pag-ibig ni Hesus ang pumupuno sa ating mga pusoat nagbubunsod sa ating isabuhayang ating pananampalataya.Ang pagpasok sa pintuan ng pananampalatayaay paanyayang italaga ang ating mga sarilisa makabagong ebanghelisasyonupang muling matuklasan ang kaligayahangdulot ng pananampalatayaat ang masigasig na pagpapahayag ng pananampalataya.Muli’t muli, sisnusigo tayo ni Hesussa bawat lansangan ng lipunanna ipahayag ang Mabuting Balita. (Mt 28:19)

Page 3: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

3

ANG PAGBABASBAS AT PAGWIWISIKNG BANAL NA TUBIG

Pagkatapos ng pagbati, ang paring nakatayo sa harap ng upuan ay paharap sa mga taong mag-aanyaya na manalanging basbasan ng Diyos ang tubig na nasa lalaggyan sa harap ng tanan. Angmga sumusunod o anumang katumbas nito ay ipahahayag ng pari.

Mga kapatid kong minamahal,

hilingin natin sa Ama nating makapangyarihanna marapatin niyang basbasanitong tubig na iwiwisik ngayonbilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakaspara sa pamamalaging matapatsa Espiritu Santo na ating tinanggap.

Page 4: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

4

Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang tagapagdiwang ay magpapatuloy sa pagdarasalnang magkadaop ang mga kamay.

Ama naming makapangyarihan,

niloob mong sa tubig na bukal ng buhayat tagapagdulot ng kalinisanang kalooban nami’y magkamit ng kadalisayanat ng iyong buhay na ibinibigay sa mga hinirang.Hinihiling naming marapatin mong basbasanang tubig na ito na ngayo’y nais naming mawisik

sa aming katawan.Ipagkaloob mong sariwain nito sa amin ang buhayna iyong ibinigay sa amin noong kami’y binyaganat ipagsanggalang nawa nito sa tanang kasamaanang aming buong katauhanupang makadulog kami sa iyo nang may kadalisayansa ikapagkakamit namin ng kaloob mong kaligtasansa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santomagpasawalang banggan.

Lahat:

Amen.

Pagkaraan, hahawakan ng tagapagdiwang ang pangwisik at kanyang wiwisikan ang kanyang sariliat ang mga tagapaglingkod gayun din ang kaparian at ang sambayanan at maka­lilibot siya sa loobng simbahan para ito gampanan.

Habang ito’y ginaganap, maaaring umawit nag Koro ng isang naaangkop na awitin para sapagwiwisik ng tubig.

X

Page 5: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

5

Pagkabalik sa upuan at kapag tapos na ang pag-awit, ang paring nakaharap sa mga nagsisimba atnakadaop ang mga kamay ay magpapahayag:

Dalisayin nawa tayo ng makapangyarihang Diyossa ating mga kasalanan,at pakundangan sa pagdiriwang na itong pagpupuri at pagpapasalamatpagindapatin nawa niya tayona makapakinabang sa piging niyasa buhay na walang hanggan.

Lahat:

Amen.

Pagkatapos nito, kapag nakatakda, aawitin o darasalin ang awit na Papuri sa Diyos sa kaitaasan.

PAPURI

Page 6: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

6

PANALANGING PAMBUNGAD

Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit.

Ama naming makapangyarihan,

sa iyong Anak na pinakamamahalat Hari ng sanlibutanniloob mong pag-isahin ang tanan.Idulot mong ang tanang kinapal na pinalaya sa kaalipinanay makapaglingkod sa iyong kadakilaanat makapagpuri sa iyo nang walang humpaysa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat:

Amen.

Namumuno:

Tayo’y magsiupo.

Page 7: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

7

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA5, 1-3

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, nagkaisa

ang lahat ng angkan ng Israel na pumuntasa Hebron upang makipagkita kay David.Sinabi nila, “Kami’y laman ng iyong lamanat dugo ng iyong dugo. Nang si Saul anghari namin, nanguna ka sa mga kawal ngIsrael sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyong Panginoon na gagawin ka niyang hariupang mamuno sa kanyang bayan.” Lahatng matatanda ng Israel ay nagpunta ngasa Hebron at doo’y nakipagkasundo sakanya sa harapan ng Panginoon.Binuhusan nila ng langis si David atkinilalang hari sa Israel.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:

Salamat sa Diyos.

Page 8: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

8

SALMONG TUGUNAN122, 1-2. 3-4

Tugon:

Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”Sama-sama kami matapos sapitin,ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.

Tugon:

Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.

Dito umaahon ang lahat ng angkan,lipi ni Israel upang magsambahan,ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,pagkat ito’y utos na dapat gampanan.Doon din naroon ang mga hukumanat trono ng haring hahatol sa tanan.

Tugon:

Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.

Page 9: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

9

IKALAWANG PAGBASA1, 12-20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablosa mga taga-Colosas

Mga kapatid, magpasalamat kayo saAma, sapagkat

minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang namagmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayosa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ngkanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng Anak,tayo’y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan. SiKristo ang larawan ng Diyos na dinakikita, at siyang maykapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ngnasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mganaghahari at namamahala, mga namumuno at maykapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sapamamagitan niya at para sa kanya. Siya’y una sa lahat, atsa kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siyaang ulo ng simbahan na kanyang katawan. Siya ang Una,ang panganay na Anak ang unang nabuhay na muli upangsiya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiyang Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak,at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sakanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ngpagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at anglahat ng nilikha sa langit at sa lupa.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:

Salamat sa Diyos.

Page 10: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

10

Namumuno:

Tayo’y magsitayo sa paggalang sa Mabuting Balita ng Panginoon.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!Pagpalain dumaratingsa ngalan ng Poon natin,paghahari’y kanyang angkin.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA23, 35-43

P: Sumainyo ang Panginoon.

B: At sumainyo rin.

P: X Ang Mabuting Balita ng Panginoon

ayon kay San Lucas

B: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, nilibak si

Hesus ng mga pinuno ng bayan. Anila,“Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niyangayon ang kanyang sarili, kung siya ngaang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!”Nilibak din siya ng mga kawal, nilapitanat inalok ng maasim na alak. Sinabi nila,

Page 11: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

11

“Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtasmo ang iyong sarili.” At nakasulat saulunan niya sa wikang Griego, Latin atHebreo, “Ito ang Hari ng mga Judio.”Tinuya siya ng isa sa mga salaringnakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw angMesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, patina kami!” Ngunit pinagsabihan siya ngkanyang kasama, “Hindi ka ba natatakotsa Diyos? Ikaw ma’y pinarurusahang tuladniya! Matuwid lamang na tayo’yparusahan nang ganito dahil sa ating mgaginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawangmasama.” At sinabi niya, “ Hesus,alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko saiyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

Page 12: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

12

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Tagapagdiwang:

Sumasampalataya ba kayosa Diyos Amang makapangyarihan sa lahatna may gawa ng langit at lupa?

Tugon:

Opo, sumasampalataya kami.

Tagapagdiwang:

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,ipinako sa krus, namatay, inilibing,muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Tugon:

Opo, sumasampalataya kami.

Tagapagdiwang:

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,sa banal na Simbahang Katolika,sa kasamahan ng mga banal,sa kapatawaran ng mga kasalanan,at muling pagkabuhay ng mga namatay,at sa buhay na walang hanggan?

Tugon:

Opo, sumasampalataya kami.

Page 13: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

13

Tagapagdiwang:

Ito ang ating pananampalataya.Ito ang pananampalataya ng Banal na Simbahan.Ito ang ikinararangal nating ihayagkaisa ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

Bayan:

Amen.

Page 14: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

14

PANALANGIN NG BAYAN

Tagapagdiwang:

Tinatawag tayo ng Panginoon na magnilay sa hamon

Ebanghelyo. Ang ating mga panalangin sa Ama nawa’ymagpahayag ng ating pagtitiwala at pagmamahal sa kanya.Sa bawat kahilingan, ang ating itutugon:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y masigasig na italagaang kanilang mga sarili sa pagpapalaganap ng paghaharing Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bayan ay maging tapat sa kanilangtungkuling maghatid ng katarungan, kapayapaan atkaunlaran sa lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nangangailangan nawa’y makadama ngating pagkalinga at pag-aaruga, manalangin tayo saPanginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng pag-ibig ng Diyossa pamamagitan ng pagmamahal ng mga nagmamalasakitsa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mamuhay sa ganap na pagsunod sa kaloobanng Diyos at pagmamahal sa kapwa, manalangin tayo saPanginoon.

Page 15: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

15

Ang mga tapat na yumao nawa’y makibahagi sa pagwawagini Kristo laban sa kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tahimik nating ipanalangin ang mga pansariling kahilingan.(Tumigil sandali.) Manalangin tayo.

Tagapagdiwang:

Ama naming mapagkalinga, dinggin mo ang panalangin

ng bayang nananalig sa iyo. Patatagin mo kami sapananampalataya, pag-ibig at pag-asa. Hinihiling namin itosa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Lahat:

Amen.

Page 16: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

16

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mgatagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklatng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya angpinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,

Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.Sa iyong kagandahang-loob,narito ang aming maiaalay.Mula sa lupa at bunga ng aming paggawaang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nangmalakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nangpabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubigkami nawa’y makasalosa pagka-Diyos ni Kristona nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Page 17: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

17

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyangnakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,

Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.Sa iyong kagandahang-loob,narito ang aming maiaalay.Mula sa katas ng ubasat bunga ng aming paggawa ang alak na itopara maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,nakikiusap kaming mga makasalanan.Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handogupang kami’y matutong sumunodsa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambanapagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamaysamantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,kasalanan ko‘y hugasanat linisin mong lubusanang nagawa kong pagsuway.

Page 18: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

18

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mgakamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,upang ang paghahain natinay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoonitong paghahain sa iyong mga kamaysa kapurihan niya at karangalansa ating kapakinabanganat sa buong Sambayanan niyang banal.

Page 19: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

19

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha,

sa paghahain namin ng mga alaysa ikapagkakasundo ng sangkatauhaniniluhog naming ang iyong Anak nawa’y magbigayng mga kaloob na pagkakaisa at kapayapaansa pamamagitan niyakasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

Lahat:

Amen.

Page 20: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

20

PANALANGIN NG PAGPUPURIAT PAGPAPASALAMAT

P: Sumainyo ang Panginoon.B: At sumainyo rin.

P: Itaas sa Diyos ang inyong paso at diwa.B: Itinaas na namin sa Panginoon.

P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

B: Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,

tunay ngang marapatna ikaw ay aming pasalamatan.

Hinirang mong tagapaghain ng tananang iyong Anak na Panginoon ng sanlibutan.Pinadaloy mo sa kanya ang langis ng kasiyahantanda ng paghirang mong pangmagpakailanman.Sa paghahaing ginampanan niya sa krussiya ang dalisay na tagapagbuklod,siya ang gumanap sa aming pagkatubos,siya ang sumakop sa sansinukob.

Ang kanyang paghaharing lagi sa lahatay siyang lubusang naglalahadng inyong kadakilaang matapatupang buhay mo’y sa lahat maigawad.Sa paghahari niya, lahat ay hinatiansa iyong kagandahang-loob at kabanalan,sa iyong dangal at kapayapaan.

Page 21: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

21

Kaya kaisa ng mga anghelna nagsisiawit ng papuri sa iyonang walang humpay sa kalangitan,kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Page 22: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

22

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,

ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya angmga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritugawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y

maging Katawan at Dugo Xng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw atnauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habangkanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,pinasalamatan ka niya,pinaghati-hati niya iyon,iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:

ITO ANG AKING KATAWANNA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Page 23: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

23

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya itosa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.Magpapatuloy ang Tagapagdiwang.

Gayun din naman,

noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habangkanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,muli ka niyang pinasalamatan,iniabot niya ang kalissa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:

ITO ANG KALIS NG AKING DUGONG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,ANG AKING DUGO NA IBUBUHOSPARA SA INYO AT PARA SA LAHATSA IKAPAGPAPATAWADNG MGA KASALANAN.GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhodsiya bilang pagsamba.Pagkatapos, ipahahayag ng Tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Si Kristo’y namatay!Si Kristo’y nabuhay!Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Page 24: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

24

Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama, ginagawa namin

ngayon ang pag-alalasa pagkamatay at mulingpagkabuhay ng iyong Anakkaya’t iniaalay namin sa iyoang tinapay na nagbibigay-buhayat ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.Kami’y nagpapasalamatdahil kami’y iyong minarapatna tumayo sa harap mopara maglingkod sa iyo.Isinasamo naming kaming magsasalu-salosa Katawan at Dugo ni Kristoay mabuklod sa pagkakaisasa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Nakikipagmisa 1:

Ama, lingapin mo

ang iyong Simbahanglaganap sa buong daigdig.Puspusin mo kami sa pag-ibigkaisa ni Francisco, na aming Papaat ni Luis Antonio, na aming Obispo,at ng tanang kaparian.

Page 25: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

25

Nakikipagmisa 2:

Alalahanin mo rin

ang mga kapatid naming nahimlaynang may pag-asang sila’y muling mabubuhaygayun din ang lahat ng mga pumanaw.Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahatna makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyosng kanyang kabiyak ng puso, si San Josekaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banalna namuhay dito sa daigdignang kalugud-lugod sa iyo,maipagdiwang nawa naminang pagpupuri sa ikararangal mo.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anakna aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habangkanyang ipinahahayag.

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,

KASAMA NIYA, AT SA KANYAANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURIAY SA IYO, DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,KASAMA NG ESPIRITU SANTOMAGPASAWALANG HANGGAN.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Page 26: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

26

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Tagapagdiwang nang may magkadaopna mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus

na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

Illalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.Sambahin ang ngalan mo.Mapasaamin ang kaharian mo.Sundin ang loob modito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayonng aming kakanin sa araw-araw.At patawarin mo kami sa aming mga salapara nang pagpapatawad naminsa nagkakasala sa amin.At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakansamantalang aming pinananabikan ang dakilang arawng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitongpagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihanat ang kapurihan magpakailanman! Amen.

Page 27: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

27

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,

sinabi mo sa iyong mga Apostol:“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”Tunghayan mo ang aming pananampalatayaat huwag ang aming mga pagkakasala.Pagkalooban mo kami ng kapayapaanat pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.Ang Tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sapagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Tagapagdiwang::

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng kapayapaan.Ang Tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

Page 28: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

28

Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pingganat isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na itong Katawan sa Dugong aming Panginoong Hesukristotanggapin nawa namin sa pakikinabangang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,na nag-aalis ng mga kasaIanan ng sanlibutan,maawa ka sa amin.Kordero ng Diyos,na nag-aalis ng mga kasaIanan ng sanlibutan,maawa ka sa amin.Kordero ng Diyos,na nag-aalis ng mga kasaIanan ng sanlibutan,ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling, pag-uulit saka palamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”Magkadaop ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo,

Anak ng Diyos na buhay,sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,iadya mo ako sa tanangaking kasalanan at lahat ng masama,gawin mong ako’y makasunodlagi sa iyong mga utos,at huwag mong ipahintulotna ako’y mawalay sa iyo kailanman.

Page 29: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

29

Luluhod ang Tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabawng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.

Ito ang nag-aalisng mga kasalanan ng sanlibutan.Mapalad ang mga inaanyayahansa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyongunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristopara sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristopara sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyangitataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

Samantalang nakikinabang ang Tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Page 30: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

30

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ngpari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Tagapagdiwang, pabulong siyangmagdarasal:

Ama naming mapagmahal,ang aming tinanggapngayon ay amin nawang mapakinabanganat ang iyong ipinagkaloobay magdulot nawa sa aminng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikano makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang Tagapagdiwang ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap samga nagsisimbang magpapahayag:

Page 31: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

31

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,

kaming pinakapakinabang mosa pagkaing nagbibigay-buhayay nagsusumamong kaisa niyang makapamuhay sa kahariansa langit magpakailanmanpakundangan sa karangalangsundin ang mga kautusanng Haring si Kristo sa sanlibutansa pamamagitan niyakasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.

[MENSAHE / PATALASTAS]

Page 32: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

32

PAGTATALAGA SA KAMAHAL- MAHALANGPUSO NI JESUS

Panginoong Hesukristo, itinatalaga naming ngayon ang aming sarilisa Iyo, and bawat isa sa amin at kaming lahat bilang isang pamilya.Ang iyong Mahal na Puso, ang puso ng iyong katawang napako sakrus at muling nabuhay, ay ang patuloy na bukal ng awa at biyaya,ng pag-asa at pag-ibig mo para sa aming lahat. Ibig naming italagaang aming sarili at buhay sa Iyo, bilang tugon namin ng pagmamahal.

Turuan mo kaming lagi na makiisa sa Iyo sa tulong ng Espiritu Santo- sa aming diwa at kalooban, sa aming mga iniisip, sal ita, mga gawa,mga ligaya at tiisin. Dalangin namin ay iyong biyaya na sa iyongMisteryo Paskwal, kami bawat isa sa amin at bilang iyong bayan aymamuhay tungo sa pagbabagong- buhay at pagbabagong-Ioob ngaming pamumuhay, sa buhay panlipunan at sa mga pagsisikap nam-ing baguhin ang aming lipunan.

Ibig namin makibahagi sa iyong gawain ng pagliligtas ng daigdig:upang lubos na matupad ang kalooban ng iyong Ama dito sa lupaparang nasa langit. Ang bawat balakin at hangarin, salita at asalnamin sa bawat araw ay tunay na maging pag-aalay,isang paghahandog sa Diyos Ama, ayon sa kanyang banal na kalooban.

Mahal na puso ni Hesus, tulungan mo kaming umiwas sa kasalananupang mapatatag kami sa landas ng pagbabagong-buhay, nanagsisimula sa aming pagsunod sa Iyo na aming Panginoon at saaming mga kapatid, at “sa araw-araw naming pagtalikod sa sarili.”Nananalangin kami sa iyong Mahal na Puso, Panginoon, na sapagsisikap naming malapit ang aming puso sa lyo, ang aming bayanay muling mapatatag, sa tulong ng Espiritu Santo, bilang tunay napamayanan ng mga Pilipino kaisa sa iyong puso at ng Mahal naBirhen, sa pag-asa at pagsisikap sa lubusang pagdating ng kaharianng Ama.

Page 33: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

33

Sa aming pagbabagong-loob, pag-aalay, pagsisisi, at pagsisikap parasa kaharian ng Ama, amin ngayong sinasariwa ang aming pagtatalagasa Iyong Mahal na Puso, kasama ng Kalinis-linisang Puso ni Maria,para sa lalong ikadarakila ng Amang nasa langit.Amen.

Hesus, Maria at Jose, tulungan n ‘yo po kami ngayonat sa oras ng aming pagpanaw. Amen.

Page 34: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

34

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na sasabihin sa mga tao.Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao aymagpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Kapag Obispo ang Tagapagdiwang ng Banal na Misa.

Tagapagdiwang:

Purihin ang ngalan ng Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

Ngayon at magpakailanman.

Tagapagdiwang:

Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

Ng may gawa ng langit at lupa.

Babasbasan ng Tagapagdiwang ang mga tao habang kanyang ipinahahayag.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,Ama at Anak X at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Page 35: ANG MISA NG SAMBAYANAN Pasimula - cbcp-ecy.phcbcp-ecy.ph/wp-content/uploads/2013/11/Closing-of-Year-of-Faith... · at Hari ng sanlibutan niloob mong pag-isahin ang tanan. Idulot mong

35

Ang diyakono o ang Tagapagdiwang na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayosa sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaanupang ang Panginoon ay mahalinat paglingkuran.

Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Kakantahin ang Pangwakas na Awit.