Ang Pagdating Ng Mga Espanyol Sa Kapuluan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Hand out in SOSC101 - PHILIPPINE HISTORY & GOVERNMENT

Citation preview

ANG PAGDATING NG MGA ESPANYOL SA KAPULUAN

Mga Dahilan ng Pagdating:

Pagbagsak ng Piyudalismo sa Europa Renaissance (Machiavelli, patag vs. bilog ang mundo, paggamit ng compass at mapa) Merkantilismo Pampalasa at mga mapagkukunang yaman Relihiyon (Katolisismo-Kristiyanismo vs Islam) Kapangyarihan

Ang Encuentro sa MactanLapu-lapu tinalo si Magallanes! 1. Hindi nagpasakop, hindi nakipagsanduguan kay Magallanes. Lupang tinubuan (Mactan), napakahalaga. Utang sa mga ninuno ang buhay. 2. Mataas ang tiwala sa sariling kakayanan. Di man lang natinag sa mga dayuhan. Buo ang loob, handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kalayaan ng kanyang nasasakupan. Walang kinatatakutan maliban sa mga anito. 3. Sama-sama ang buong barangay sa pagharap sa mga kalaban. 4. Ang pinuno (datu o rajah) ay suportado ng buong kasapi ng barangay. 5. Mataktika/madiskarte sa labanan. Itinakda ang oras ng laban sa madaling araw (4:00 n.u. low tide). Pahiwatig: Wala ang ganitong prinsipyo sa ibang pinuno na tumanggap sa mga dayuhan bilang mga kaibigan at bagong kapatid.

ARALIN 6Mga Gabay na Tanong: 1. Paano naiiba ang ginawang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas sa ginawang pananakop ng ibang Europeo sa Timog-Silangang Asya? 2. Ano ang pakahulugan ng mga Espanyol sa sibilisasyon? Ano ang nais ipakita ng ganitong pananaw sa sibilisasyon ng mga Kastila? Sumasang-ayon ba kayo rito?

3. Paano isinakatuparan ng mga Espanyol ang hangarin nilang sibilisahin ang mga tao rito? Naging madali ba para sa kanilang isagawa ito? 4. Sa inyong palagay, nakabuti ba o nakasama ang sistemang reduccion o pueblo sa buhay ng ating mga ninuno?

Pagdidiin:1.

Naiiba ang pananakop ng Espanyol: Pagkatao ng mga katutubo nais baguhin. sibilisasyon ibinahagi (paninirahan sa pueblo (reduccion),pagpasailalim sa Hari ng Espaa, maging Kristiyano). Pahiwatig: Sibilisasyon ay kolonisasyon

Pagbabagong PulitikalDatu/Rajah ginawang gobernadorcillo at cabeza de barangay (pueblo/ barangay). Kinabitan ng mga titulong Don, Doa, Marquiz. Ginawang kolektor ng buwis. Binigyan ng mga pabuya: mga lupain (encomienda), suporta ng Kastila laban sa kanilang kaaway at mga pamagat/ titulo. Pahiwatig: Relasyon ng datu sa mga katutubo nagbago. Katapatan (loyalty) nila nagbago rin. Hari (SM S Magestad), Gob. Heneral, Alcalde Mayores + Prayle).

Pagbabagong Pang-ekonomiya:

Kalakal Galleon pinagkunan ng salapi para maipagpatuloy ang kolonisasyon sa Pilipinas. Nakatuon lamang sa Kalakal Galleon kaya nakakumpol ang mga Kastila sa Maynila. Halos ang prayle o ang alcalde mayor lamang ang nasa probinsya. Kalakal Galleon din ang nang-agaw at nagputol sa namamayaning relasyon ng Maynila sa ibang bahagi ng TimogSilangang Asya. Nawala rin ang mga lumilitaw na estado ng Cebu, Butuan at Maguindanao.

Bandala sapilitang pagbibili ng pamahalaan sa mga produkto ng mga katutubo sa napakamurang halaga. Polo y servicio sapilitang paggawa/paglilingkod. (45 araw isang taon). Tributo (1580 8 reales, 1590 10 reales, ika19 na siglo 12 reales). Naging cedula personal noong ika-19 na siglo. Sanctorum buwis para sa simbahan. Diezmos Prediales 10% sa mga kinikita. Hwag kalimutan ang papel ng mga Intsik sa ekonomiya ng Pil. sa panahon ng mga Kastila!!!

Reduccion/ Reducir

Pagpapalipat ng tirahan ng mga katutubo sa isang pamayanang may kaayusang kolonyal pueblo (may simbahan, plaza complex, municipio). Pagtatayo/ pagpapalaganap ng tamang paniniwala (Katolisismo/Kristiyanismo), pagbibihis ng tama (nakabalot ang buong katawan), sasailalim sa tamang pamahalaansasailalim sa Diyos at sa representasyon ng Diyos sa mundo (Hari ng Espaa/ Papa sa Roma). Nakabatay sa urbanismong Greco-Romano na ang sibilisasyon ay nakaugnay sa pagkakaroon ng siyudad. Sentro simbahan: Diyos pinakamahalaga!

Tanong: Madali ba ang pagpapatupad ng reduccion?Sa kaso ng mga Subanon ng Zamboanga hindi! Pahiwatig: Maaaring nabago ang pisikal na anyo sa pueblo ngunit ang buod at batayan nito ay ang katutubong kultura pa rin. Tandaan na ang wika ay hindi inalis ng kolonisasyon. Sa pagpapalawig ng argumento, tunghayan ang Aralin 7.

Paglalagom

Sa pagsakop ng mga Espaol, nais nilang baguhin ang pagkatao mismo ng mga katutubo: kailangan nilang tumira sa pueblo, tanggapin ang pamamahalang Espaol, at maging Kristiyano. Sa pamamagitan ng reduccion, tinipon ang mga katutubo sa isang bagong lugar na pinili ng mga misyonero, na may kaayusang kolonyal at nakasentro sa simbahan, plaza at munisipyo.

Ang paglipat ng mga tao sa pueblo ay para magkaroon ng monopolyo ang mga Espaol sa pag-aangkin ng mga lupain at sa pagkuha ng kayamanan mula rito. Ang reduccion ang umagaw sa inisyatiba ng pagtatatag ng mga Pilipino ng estadong pangkapuluan. Binaklas ng estratehiyang ito ang pag-uugnayan ng mga datu sa isat isa at sa kanilang mga sakop.