15
SAINT PANCRATIUS PARISH ANG VIGIL SA HUWEBES SANTO Namumuno: Magsitayo po ang lahat… Pambungad na awit Buksan Ang Aming Puso – E. Hontiveros, SJ /Rolando Tinio Koro: Buksan ang aming puso Turuan mong mag-alab Sa bawat pagkukuro Lahat ay makayakap. Buksan ang aming isip Sikatan ng liwanag Nang kusang matangkilik Tungkuling mabanaag. Buksan ang aming palad Sarili’y maialay Tulungan mong ihanap Kami ng bagong malay. Namumuno: Mga kapatid, ngayon ay sasariwain natin ang paghihirap ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Sa kanyang pagtahak upang tayo ay mailigtas. Ang kanyang paghahandog ng sarili sa huling hapunan ay nagbibigay ng pag-asa na tayo ay kaisa niya sa kanyang paghahanda patungo sa kaharian ng Ama. Ang kanyang panalangin sa halamanan ng Getsemani ay panalangin ng pagsuko sa kagustuhan ng Ama. Tayo rin ay nararapat lamang na manalangin din para sa ikabubuti ng bawat isa. Ating balikan ang pagkakataon na tayo ay nagkasala at hindi tumalima sa kagustuhan ng Ama… Namumuno: Magsiluhod po ang lahat… (Maaaring basahin ang mga sumusunod o kantahin ang Kyrie/ Panginoon Maawa ka)

Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

SAINT PANCRATIUS PARISH

ANG VIGIL SA HUWEBES SANTO

Namumuno: Magsitayo po ang lahat…

Pambungad na awit

Buksan Ang Aming Puso – E. Hontiveros, SJ /Rolando Tinio

Koro: Buksan ang aming pusoTuruan mong mag-alab Sa bawat pagkukuroLahat ay makayakap.

Buksan ang aming isipSikatan ng liwanag

Nang kusang matangkilikTungkuling mabanaag.

Buksan ang aming palad Sarili’y maialayTulungan mong ihanapKami ng bagong malay.

Namumuno: Mga kapatid, ngayon ay sasariwain natin ang paghihirap ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Sa kanyang pagtahak upang tayo ay mailigtas. Ang kanyang paghahandog ng sarili sa huling hapunan ay nagbibigay ng pag-asa na tayo ay kaisa niya sa kanyang paghahanda patungo sa kaharian ng Ama. Ang kanyang panalangin sa halamanan ng Getsemani ay panalangin ng pagsuko sa kagustuhan ng Ama. Tayo rin ay nararapat lamang na manalangin din para sa ikabubuti ng bawat isa. Ating balikan ang pagkakataon na tayo ay nagkasala at hindi tumalima sa kagustuhan ng Ama…

Namumuno: Magsiluhod po ang lahat…

(Maaaring basahin ang mga sumusunod o kantahin ang Kyrie/ Panginoon Maawa ka)

Namumuno: Sa pagkakataong kami ay nakalimot sa iyong pag-ibig at mas ninais naming sundin ang sariling kagustuhan. Panginoon, Maawa ka sa amin.

Bayan: Panginoon, Maawa ka sa amin.

Namumuno: Sa pagkakataong naging maramot kami sa mga nangangailangan at naging mapanghusga kami sa aming kapwa. Kristo, Maawa ka sa amin.

Bayan: Kristo, Maawa ka sa amin.

Page 2: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Namumuno: Sa pagkakataong kami ay naging marahas sa pakikitungo at hindi ka nakita sa aming kapwa. Panginoon, Maawa ka sa amin.

Bayan: Panginoon, Maawa ka sa amin.

O di kaya aawitin:

Kyrie

Kyrie, eleison. Kyrie, eleison.

Christe, eleison.Christe, eleison.

Kyrie, eleison. Kyrie, eleison.

(manahimik muna ng panandalian)

Namumuno: Magsitayo po tayong lahat…

(aawitin ang Salmo 23 o Salmo 27)

Panginoon, Aking Tanglaw (Salmo 27)

1. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan. Sa panganib, ingatan ako, ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo.

KORO:

Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan, lingapin Mo at

kahabagan.

2. Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo. H'wag magkubli, h'wag Kang magtago. Sa bawa't sulak ng mundo, ang lingkod Mo'y hahanap sa 'Yo. (KORO)

3. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan. Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa 'Yo.

Namumuno: Ang balita ng kaligtasan ayon kay San Marcos (14:22-24)

Habang kumakain sila, si Hesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, kanyang pinaghati-hati ang tinapay at iniabot sa kanyang mga alagad. Sinabi niya, “kunin ninyo ito; ito ang aking katawan.” Dumampot din siya nang kopa at matapos magpasalamat sa diyos ay inabot din niya iyon sa mga alagad, at uminom silang lahat. Sinabi niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami…”

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan.

Page 3: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Bayan: Salamat po Panginoong Jesu-Kristo.

Panalangin: (Magsiluhod hanggang matapos ang awitin)

Jesus, sa pagkakataong ang aming sarili lamang ang aming inisip at kinalimutan ang aming kapwa na ibinigay mo upang makasama namin. Kami ay humihingi ng kapatawaran. Alam naming dapat kaming maglingkuran sa bawat isa at hindi man lamang namin ito isinasagawa. Ikaw, sa pamamagitan ng iyong katawan at dugo ay ibinigay mo ang iyong sarili upang maging kabahagi naming, ay hindi nag-alinlangan na ipahatid ang pagmamahal ng Ama. Panginoon, sa lahat ng pang-aalipusta namin sa aming kapwa at kapatid, kami ay lubos na nagsisisi. Wala ng iba Panginoon, kundi ikaw ang lubos na nasasaktan sa tuwing hindi namin iginagalang ang katawan namin at ang banal na eukaristiya na iyong nagiging bahagi naming sa iyo. Patawarin mo po kami.

(Aawitin ang Tinapay ng Buhay)

Koro 1:

Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't inialay. Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob, At pagsasalong walang hanggan.

1. Basbasan ang buhay naming handog, nawa'y matulad sa pag-aalay Mo. Buhay na laan nang lubos, sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (KORO1)

2. Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay, Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan Mong sawi. (KORO2)

Koro 2:

Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't inialay. Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob. At pagsasalong walang hanggan. At pagsasalong walang hanggan.

(manahimik muna ng panandalian)

Namumuno: Magsitayo po tayong lahat…

Namumuno: Ang balita ng kaligtasan ayon kay San Juan (13:12-17, 34-35)

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, muli niyang isinuot ang kanyang balabal at nagbalik sa hapag. Siya’y nangusap sa kanila, “Naunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga iyon. Dahil akong Panginoon at Guro ninyo ay naghuhugas nang inyong mga paa, dapat din ninyo itong gawin sa isa’t isa. Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan. Pakatandaan ninyo ito, ang alipin ay hindi makahihigit sa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa sa nagsugo sa kanya. Mapalad kayo kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito at inyong gagawin.

Page 4: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayo inibig , gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.”

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan.

Bayan: Salamat po Panginoong Jesu-Kristo.

Panalangin: (Magsiluhod hanggang matapos ang awitin)

Ang paglilingkod sa kapwa ay lubos na halimbawa ng tunay na nagmamahal. Aming idinadalangin ngayon, Panginoon, ang mga taong naglilingkod alang-alang sa ikaluluwalhati ng iyong kaharian. Bigyan ninyo po kami ng mga kabataang nagnanais na maglingkod sa iyong simbahan. Aming idinadalangin ang mga kaparian na nagpapastol sa iyong bayan. Bigyan ninyo po sila ng lakas ng loob at matatag na pananampalataya upang maipahayag nila ang tunay na halimbawa ng paglilingkod sa tupa na kanilang kinasasakupan. Ang mga taong nagmisyonero at nawalay sa kanilang pamilya upang ipangalat ang mabuting balita ay amin ding idinadalangin upang sila ay lubos na maging tunay na tagabantay ng pananampalataya. Panginoon, anuman ang pagkukulang ng bawat isa ay mapunan nawa ng pagmamahal sa iyo. Salamat po sa biyayang iyong ipinagkakaloob. Salamat po sa pagmamahal.

(Aawitin ang Pagkakaibigan o kahit anong awitin tungkol sa Paglilingkod)

Pagkakaibigan

Ang sino man sa Aki'y mananahan Mananahan din Ako sa kanya. At kung siya'y mamunga nang masagana, Siya sa Ama'y nagbigay ng karangalan.

Koro:

Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang

buhay; Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama, Sa inyo'y Aking ipinadarama. Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan, At bilin Ko sa inyo ay magmahalan. (Koro)

Pinili ka't hinirang upang mahalin Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin. Humayo ka't mamunga nang masagana, Kagalakang walang hanggang ipamamana (Koro)

(manahimik muna ng panandalian)

Namumuno: Magsitayo po tayong lahat…

Namumuno: Ang balita ng kaligtasan ayon kay Mateo (26:36-46)

Nang magkagayon pumunta si Jesus sa isang dako na tinatawag na Getsemane kasama ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Maupo kayo rito, pupunta ako sa dako roon upang

Page 5: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

manalangin. Isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. Siya ay nagsimulang nalumbay at lubos na nabagabag. Sinabi niya sa kanila: Lubhang namimighati ang aking kaluluwa maging sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay na kasama ko.

    Pumunta siya sa di kalayuan at nagpatirapa siya at nanalangin. Sinabi niya: Aking Ama, kung maaari, lumampas nawa sa akin ang sarong ito. Gayunman, hindi ang aking kalooban kundi ang sa iyo.

    Pumunta siya sa mga alagad at nasumpungan niya silang natutulog. Sinabi niya kay Pedro: Hindi ba ninyo kayang magbantay ng isang oras na kasama ko? Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong mapasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang katawan ay mahina.

    Sa pangalawang pagkakataon, muli siyang umalis upang manalangin. Sinabi niya: Ama, kung ang sarong ito ay hindi makakalampas malibang ito ay aking inumin, mangyari ang kalooban mo.

    Pagbalik niya, nasumpungan niya silang muling natutulog sapagkat lubha na silang inantok. Iniwan niya silang muli at nanalangin sa ikatlong pagkakataon. Sinabi niyang muli ang gayong panalangin.

    Pagkatapos ay pumunta siya sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila: Matulog na kayo at magpahinga. Narito, malapit na ang oras at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo na sa mga makasalanan. Bumangon kayo at lalakad na tayo. Narito, siya na magkakanulo sa akin ay malapit na.

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan.

Bayan: Salamat po Panginoong Jesu-Kristo.

Panalangin: (Magsiluhod hanggang matapos ang awitin)

Panginoon, mangyari nawa ang kalooban mo. Ito ang madalas naming banggitin sa tuwing kami ay nagdarasal ng Ama Namin. Ngunit, madalas pa rin ang aming kalooban ang aming sinusunod. Paano nga ba Panginoon? Paano ba kami makasusunod sa nais ng Ama? Turuan mo po Panginoon ang aming puso na maglingkod ng naaayon sa iyong nais. Ilang pagkakataon din ang nagdaan at pinipilit naming hanapin ang kalooban ng Ama. Bigyan mo po kami ng pang-unawa upang maintindihan naming na ang mga bagay na nauukol sa pagsunod sa Iyo ay magiging madali lamang kung kami ay nagmamahal. Ano pa baa ng dapat naming gawin, Panginoon? Paano baa ng magmahal ng tapat?

Page 6: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

(Aawitin ang Panalangin sa Pagiging Bukas Palad o Awit ng Paghahangad)

Panalangin sa Pagiging Bukas Palad

Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-paladTuruan Mo akong maglingkod sa IyoNa magbigay nang ayon sa nararapatNa walang hinihintay mula sa 'Yo

Nang makibakang di inaalintanaMga hirap na dinaranasSa tuwina'y magsumikap na hindi

humahanapNg kapalit na kaginhawaanNa 'di naghihintay kundi ang aking mabatidNa ang loob Mo'y siyang sinusundan

Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-paladTurun Mo akong maglingkod sa IyoNa magbigay nang ayon sa nararapatNa walang hinihintay mula sa 'Yo

(manahimik muna ng panandalian)

Namumuno: Magsitayo po tayong lahat…

Namumuno: Ang balita ng kaligtasan ayon kay San Lucas (23:13-25)

Tinawag ni Pilato ang mga pinunong-saserdote at mga pinuno at ang mga tao. Sinabi niya sa kanila: Dinala ninyo sa akin ang taong ito bilang isa na nagliligaw sa mga tao. Narito, tinanong ko siya sa harapan ninyo. Wala akong nakitang anumang kasalanan sa taong ito na ayon sa ipinaparatang ninyo sa kaniya. Pinaahon ko kayo kay Herodes. Maging si Herodes ay walang nakitang ginawa niya na nararapat hatulan ng kamatayan. Pagkaparusa ko nga sa kaniya, palalayain ko siya. Tuwing araw ng paggunita ay kinakailangang may isang palalayain si Pilato.

    Ngunit sila ay sabay-sabay na sumigaw at sinabi nila: Ipapatay mo ang taong ito at palayain sa amin si Barabas. Si Barabas ay nabilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa niya sa lungsod at dahil din sa pagpatay ng tao.

    Hangad ni Pilato na palayain si Jesus. Nagsalita nga siyang muli sa kanila. Ngunit sila ay sumisigaw na sinasabi: Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

    Sa ikatlong pagkakataon, sinabi niya sa kanila: Anong kasamaan ang nagawa ng taong ito? Wala akong makita sa kaniya na dahilan upang hatulan siya ng kamatayan. Pagkatapos ko nga siyang ipahagupit, palalayain ko siya.

    Ngunit nagpupumilit sila na sa malakas na tinig ay hinihingi nilang siya ay ipako sa krus. Ang tinig nila at ng mga pinunong-saserdote ay nanaig. Inihatol ni Pilato na ang kahilingan nila ang mangyari. Pinalaya niya siya na nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay na siyang hiningi nila. Ngunit si Jesus ay ibinigay niya sa kanilang kagustuhan.

Page 7: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan.

Bayan: Salamat po Panginoong Jesu-Kristo.

Panalangin: (Magsiluhod hanggang matapos ang awitin)

Panginoon, ikaw ay hinatulan ng mga taong iyong sinamahan. Hinatulan ka ng mga taong sumalubong sa iyo sa pagpasok mo sa Jerusalem habang sila ay umaawit ng “Hosanna sa Anak ni David!” Panginoon, gayon din an gaming ginagawa sa tuwing kami ay nagsisimba at tumatanggap sa iyo sa banal na komunyon; pagkatapos kami ay uuwi at bumabalik sa mga mali naming gawi. Mahirap nga Panginoon ang sumunod sa iyo, kung hindi namin isasaalang-alang ang mga pagsasakripisyo mo sa amin. Ang paghatol sa aming kapwa ay siya ring paghatol namin sa iyo. Buksan mo Panginoon ang puso ng bawat isa upang makasalo sa iyong pagmamalasakit sa kapwa. Iahon nawa namin ang bawat isa mula sa pagkakasadlak ng mga maling paniniwala at gawa. Gawin mo po kaming daan ng tunay na biyaya para sa aming kapwa. Salamat sa buhay na iyong inihandog sa amin.

(Aawitin ang Huwag Kang Mangamba o Kristo)

Huwag Kang Mangamba

KORO:Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisaSasamahan kita, saan man magpuntaIka'y mahalaga sa 'King mga mataMinamahal kita, minamahal kita

Tinawag kita sa 'yong pangalanIkaw ay Akin magpakailanman

Ako ang Panginoon mo at DiyosTapagligtas mo at Tagatubos (KORO)

Sa tubig kita'y sasagipinSa apoy ililigtas man dinAko ang Panginoon mo at DiyosTapagligtas mo at Tagatubos (KORO)

(manahimik muna ng panandalian)

Namumuno: Magsitayo po tayong lahat…

Namumuno: Ang balita ng kaligtasan ayon kay San Juan (19:28-37)

Pagkatapos nito, si Jesus na nakakaalam na ang lahat ng mga bagay ay naganap na, ay nagsabi: Ako ay nauuhaw. Sinabi niya ito upang matupad ang kasulatan. Mayroon doong nakalagay na isang sisidlang puno ng maasim na alak. Binasa nilang mabuti ng maasim na alak ang isang espongha. Inilagay nila ito sa isang sanga ng hisopo at idiniit sa kaniyang bibig. Nang matanggap na nga ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya: Naganap na. Itinungo niya ang kaniyang ulo at ibinigay niya ang kaniyang espiritu.

Page 8: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

    Noon ay araw ng Paghahanda. Ang araw ng Sabat na iyon ay dakila. Ang mga katawan ay hindi dapat manatili sa krus sa araw ng Sabat. Kaya nga, ang mga Judio ay humiling kay Pilato na kanilang baliin ang mga binti ng mga ipinako sa krus upang sila ay maalis. Dumating nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng una. Ganoon din ang ginawa sa isa na kasama niyang ipinako. Ngunit pagpunta nila kay Jesus, nakita nilang siya ay patay na kaya hindi na nila binali ang kaniyang mga binti. Subalit isa sa mga kawal na may sibat ang tumusok sa tagiliran ni Jesus. Ang dugo at tubig ay kaagad lumabas. Siya na nakakita nito ay nagpatotoo at ang kaniyang patotoo ay tunay. Alam niyang nagsasabi siya ng katotohanan upang kayo ay sumampalataya. Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang kasulatan: Isa mang buto niya ay hindi mababali. Sinasabi sa isa pang kasulatan: Titingnan nila siya na kanilang tinusok.

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan.

Bayan: Salamat po Panginoong Jesu-Kristo.

Namumuno: Tayo po ay magnilay…

(aawit ang choir ng 2 awiting naaayon sa pagbabalik loob o ang awiting nasa ibaba)

Hindi Kita Malilimutan

Hindi kita malilimutanHindi kita pababayaanNakaukit magpakailanmanSa 'king palad ang 'yong pangalan

Malilimutan ba ng inaAng anak na galing sa kanya?Sanggol sa kanyang sinapupunanPaano niya matatalikdan

Ngunit kahit na malimutanNg ina ang anak niyang tangan

Hindi kita malilimutanKailanma'y di pababayaanHindi kita malilimutanKailanma'y di pababayaan

Anima Christi

Soul of Christ, sanctify meBody of Christ, save me

Water from the side of Christ, wash mePassion of Christ, give me strength

Hear me Jesus, hide me in Thy woundsThat I may never leave Thy side

From all the evil that surrounds me, defend meAnd when the call of death arrives, bid me come to TheeThat I may praise Thee with Thy saints forever

Take and Receive

Take and receive, O Lord, my libertyTake all my will, my mind, my memoryAll things I hold and all I own are ThineThine was the gift, to Thee I all resign

Do Thou direct and govern all and swayDo what Thou wilt, command, and I obeyOnly Thy grace, Thy love on me bestowThese make me rich, all else will I forego.

Page 9: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Ang Rosaryo sa Mabathalang Awa (Chaplet to the Divine Mercy)

Sa ngalan ng Diyos Ama, Diyos Anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen

AMA NAMINAma namin, Sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo ang aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin; at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso at paki-adya mo kami sa lahat ng masasa.  Amen.

ABA GINOONG MARIAAba Ginoong Maria! Napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod ka pong Pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

SAMASAMPALATAYASumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.  Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.  Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.  Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan.  Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.  At sa buhay na walang hanggan.  Amen.

(DASALIN SA MGA BUTIL NG ROSARYO AT SA BAWAT PAGKATAPOS NG ISANG DEKADA ANG CHOIR AY AAWIT)

Sa lahat ng butil ng AMA NAMIN ay dasalin ang mga panalangin na ito:

Namumuno: Ama na walang hanggan, iniaalay ko po sa iyo ang katawan at dugo, kaluluwa at pagka-Diyos ng kamahal-mahalan mong anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at manunubos.

Bayan: Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sansinukob.

Sa lahat ng butil ng ABA GINOONG MARIA ay dasalin ang mga panalanging ito.

Namumuno: Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Hesus,

Bayan: Kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob.

(matapos ang lahat ng butil sa Rosaryo ay dadasalin ng tatlong ulit)

Page 10: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Lahat:Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan, Banal na walang hanggan,

Maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen.

O, HESUS HARI NG AWA, KAMI AY NANANALIG SA IYO!

MGA PAPURI NI SOR FAUSTINA SA MABATHALANG AWAANG PAG-IBIG NG DIYOS ANG BULAKLAK, ANG PAG-KAAWA ANG BUNGA!            Pabayaan na ang mga nag-aalinlangan na mga kaluluwa ay basahin aang mga pakundangan na ito sa Mabathalang awa at maging mapagtiwala.

Mabathalang Pag-kaawa, dumaloy buhat sa dibdib ng Ama.Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, pinakadakilang katangian ng Diyos,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, di maunawaang hiwagaAko'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, bukal na bumalong buhat sa misteryo ng Banal na Santisima Trinidad,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, di masayod ng ano mang katalinuhan,maka-tao man o maka-anghel,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, higit na mainam kaysa sa kalangitan,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, pagbubuhatan ng mga milagro at hiwaga,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa,pinalilibutan ang buong mundoAko'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, nanaog sa lupa sa katauhan ng salitang nagkatawang tao,Ako'y nananalig sa Iyo Mabathalang Pag-kaawa, na umagos mula sa bukas na puso ni Hesus,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, nakapaloob sa puso ni Hesus,para sa atinAko'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, di maunawaan sa institusyon ng Banal na Katawan ni Hesus,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, sa pagtatag ng Santa Iglesya,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, sa Sakramento ng Banal na pagbibinyag,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, sa ating pagkakaroon ng katwiran sa pamamagitan ni Hesukristo,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, sinasamahan kami sa buong buhay naming,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, niyayakap kami higit sa oras ng kamatayan,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, sinasamahan kami sa lahat ng sandali n gaming buhay,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, sinasanggahan kami sa apoy ng impyerno,Ako'y nananalig sa Iyo

Page 11: Ang Vigil Sa Huwebes Santo

Mabathalang Pag-kaawa, sa pagbabalik loob sa mga matitigas na makasalanan,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, di masayod sa lahat ng misteryo ng Diyos,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, ini-angat mo kami sa lahat ng hirap,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, pinagbubuhatan ng lahat ng kasiyahan at kaligayahan,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, na kamiý Iyong tinawag sa kabuhayan buhat sa wala.Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, niyayakapnang lahat ng mga ginawa ng kaniyang kamay,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, korona ng lahat ng mga ginawa ng Diyos,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, na tayong lahat ay ditto nakalubog,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, matamis na ginhawa para sa mga naghihirap na puso,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, ang atnging pag-asa na lamang ng mga kaluluwang nawalan ng pag-asa,Ako'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, papahingahan ng mga puso,kapayapaan sa gitna ng pangambaAko'y nananalig sa IyoMabathalang Pag-kaawa, nag-bibigay diwa at pag-asa laban sa lahat ng pag-asa,Ako'y nananalig sa Iyo

Lahat: Walang hanggang Panginoon, na nasa iyo ang walang katapusang pagka-awa at ang kayamanan ng iyong awa na di maubos tignan mo kami ng buong pagkagiliw at dagdagan mo po ang iyong awa sa amin, upang sa mga kagipitan kamiý hindi mawalan ng pag-asa, nguni’t nang may malaking tiwala ay isuko ang aming sarili sa iyong banal na kalooban, na siyang Pag-ibig at Pagka-awa mismo.

            O di maunawaan at walang hanggang Mabathalang Pagka-awa,Sino ang makakapagpuri at makakasamba sa iyo ng karapatdapat? Kataastaasang katangian ng Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang matamis na pag-asa para sa mga makasalang tao.

            Sa isang awitin kayo ay magkaisa, mga tala, lupa at dagat, at ang di maunawaang Mabathalang Awa sabay-sabay ay magbigay ng kahalihalinang papuri.

Namumuno: Hesus, ikaw na nagbigay ng tunay na kapatawaran sa aming mga nagkakasala, kami ay muling lumalapit sa iyo. Sa iyong mahabaging puso na yumakap sa sanlibutan upang ito ay iligatas kami ay dumadalangin at nagbibigay papuri sa iyong Pagmamahal. Amen.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Inihanda ni : Jonathan de VeraMarch 31, 2009 para sa Huwebes Santo Vigil ng San Pancracio